III: SANTIDOS (Last Part)
"Kilala mo si Inay? Bakit, magkasintahan ba tayo noon?" utal niyang hindi makapaniwala habang nakatitig pa rin dito.
"Oo, ako si Rodolfo Santi Omega," sagot nito bago dumampi ang labi nito sa labi na siyang ikinagitla niya alinsabay sa pagbabalik ng mga imaheng hindi niya inaasahan.
"Nay," pagtawag niya sa inang nauuna sa paglalakad.
"Hindi! Inay," hiyaw niya nang makitang pinagsasaksak ng isang tao ang kaniyang ina.
Nagkatiyaya ang inang inuundayan nang paulit-ulit ng patalim kung saan mula sa pagkakaupo sa putikan kitang-kita niya ang pagbulwak ng masaganang pulang likido.
"Inay, Hindi! Bitiwan mo ako" Hagolgol niya at lalapitan ito pero, maagap ang pagyakap ng naka-pula.
"Huwag kang lumapit, papatayin ka niya," anitong mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kaniya.
"Hindi, bitiw—"Tuluyang napigil ang sinasabi niya nang makitang pinagsasaksak siya sa tiyan.
"Masaya ko at bumalik ka na, Dos. Akala ko, hindi na kita makikita pagkatapos ng araw na iyon?" anitong nakangisi.
"Dolfo? Hayop ka! Pinatay mo ang inay ko, wala kang kasing hayop! Hayop ka!" aniyang nakakuha pa ng lakas upang pagsasampalin ang kaharap. "Hayop ka!"
"Tama na sabi!" Lumagapak siya muli sa putikan kasabay ang tuluyang panghihina ng buong katawan dahil sa natamong saksak at pagsampal ng ubod lakas. "Bakit? Bakit ka umalis noong desisais anyos ka pa lang? Para takasan ako, dahil nalaman mong pinatay ko siya? Pinatay ko si Santi? Alam mo bang pinagpapatay ko ang lahat ng kaba-baryo natin ng iwan mo ako? Lahat sila sinunog ko maging ang pinakamamahal mong si Santi na laging magaling lang sa harap mo," ngangalit na mga ngiping sigaw nito.
"Hayop ka! Walang hiya ka! Wala kang binatbat kay Santi, kambal man kayo ngunit walang-wala ka sa kilingkingan niya. Mamamatay-tao ka! Hayop ka!" Isang palad muli nito ang humampas sa mukha niya kasabay ang pagkatiyaya ng sobrang lakas.
"Minahal kita pero, kambal ko ang sinagot mo. Ano bang mayroon sa kaniya? Ito ba?" At sinimulang hubaran siya ngunit isang naka-pula ang muling dumating pagkatapos mawala sa tabi niya.
"Hindi ko hahayaang patayin at gahasain mo siya sa harapan ko." Isang pulang punyal ang sumaksak sa puso nito kasabay ang paghiyaw sa sakit. "Ako si Rodolfo Santi Omega, inaalay ko ang kapatid ko kapalit ng buhay ko. Iligtas mo ang pinakamamahal ko at gagawin ko ang gusto mo hanggang sa huling araw, King Exquixious."
Matapos masabi ng binata ang mga katagang iyon tuluyang bumuhos ang napakalakas na ulan, nangangalit ang mga kidlat at animo'y buhawing umihip ang napakalakas na hangin kasabay ang mas lalong paghiyaw ng lalaking kaharap na ngayo'y unti-unting naa-agnas kasabay ang paglamon ng lupa rito na siyang pakiramdam niya'y panaginip lang ang lahat.
"Ikaw si Santi?" Kasabay ang pagbanggit sa pangalan nito ay ang tuluyang paglaho ng mukha nitong naa-agnas at napalitan ng totoong itsura dahilan upang magbalik ang kakaibang pakiramdam na matagal na niyang hindi naramdaman.
Agad namang napakapa ang kaharap sa mukha nito na siyang napalitan ng pagkagitla nang matauhan sa mga kaganapan kasabay ang paghawak nito sa kaliwang kamay niyang may pulang lubid na siyang bago niya lang napansing nasa kamay pala niya.
"Ano ba 'yan?" bulong niyang hindi masabi-sabi.
"Ang sumpa ng kamatayan, maari na 'tong tanggalin dahil naalala mo na'ng mga nangyari."
"Akala ko, papatayin mo ako" utal niyang tanong nang matauhan sa mga nangyari.
"Pasensiya ka na kung nasaktan at pinagtangkaan ko ang buhay mo at ng baby natin. Hindi ko sinasadya ngunit kasali iyon sa sumpang ibinigay ng Hari ng Ademonian kapag hindi pa nagawa bago ang ikaapat na buwan ng iyong pagbubuntis," paliwanag nito habang inaalalayan siyang makaalis sa butas.
"Bakit hindi mo na lang sinabi para mas naging madali ang lahat at ang pagbabago mo ng anyo kasali rin ba iyon sa sumpa?" aniyang hindi makapaniwala.
"Hindi puwedeng maging madali ang lahat kaya dapat nasa tamang oras at pagkakataon. Oo, Dos, kasali iyon ngunit may isa pang bagay ang hiningi niyang kapalit ng lahat."
"Ha? Ano naman iyon?" Nakunot-noo niyang sabi na lubos ang kabang nararamdaman.
"Kukunin niya si Mashida bilang kapalit ng kasunduan alang-alang sa pagtupad natin ng gusto niya," nakayukong anang asawa dahilan upang mapanganga siya at tuluyang mapaupo.
"Ano? Hindi maari, baby ko 'to, Santi. Hindi puwedeng kunin nila ang anak ko," hiyaw niya na siyang pinagsasampal ang asawa.
"Pasensiya na pero, makikita lang natin si Mashida kapag tapos na nating sundin ang pinapagawa niya sa huling araw ayon na rin sa napagkasunduan," yuko nito na napaupo na rin na nakayukyok ang ulo sa tuhod.
"Ano bang mayroon sa huling araw na 'yan!" hesterikal niyang hiyaw.
"Hindi ko rin alam, Dos. Hindi ko alam kung anong binabalak niya, naguguluhan din ako pero, para makabalik at maprotektahan ka sumunod na lang ako sa kasunduan namin. Patawad, mahal kita at hindi ako makakapayag na mawala ka pa kahit pa makipagkasundo kay kamatayan. Kaya gagawin natin ang napagkasunduan, bubuoin natin ang Las Santidos University."
"Ano? University? Para saan naman 'yon?" aniyang naguguluhan at napapakunot-noo.
"Huwag na muna tayong mag-isip ng kahit ano masyado akong pagod sa mga nangyari, kahit ngayon lang bumalik naman tayo sa dati, Dos," anitong inalalayan siyang tumayo.
"Bakit ba, Dos ka ng Dos? Dyosa kaya ako," aniyang humalakhak na siyang akbay at halik lang ng asawa sa noo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top