II: SANTIDOS
"Ano ba nasasaktan ako, Dolfo," sigaw niya habang kinakaladkad sa kung saan.
"Tumahimik ka sabi, e." Sabay hatak sa kaniya patungo sa ibabang bahagi ng kubong tinitirhan.
Isa itong batong-kubo na kung titingnan sa labas animo'y wala ng nakatira ngunit sa loob ay may napakalawak na lagusan na hindi niya alam na mayroon pala.
"Saan mo 'ko dadalhin, Dolfo? Ano bang ginagawa mo, ang sakit na ng kamay ko," aniyang nagpupumiglas ngunit malakas ang lalaki.
"Bakit ba ang dami mong tanong? Malalaman mo rin naman ang lahat masyado kang matanong," asik nito bago siya itinulak patungo sa dulong bahagi ng silid na naroon.
Bawat nadaraanan nila ay puro haliging bato na diretsong may mga lumot at putik ang sahig dahilan upang madumihan ang puti niyang damit, maging ang bawat pader ay nangangaluma na siyang pandidiri niya nang bahagya.
"Bilisan mo nga, ang tagal." Tulak nitong muli dahilan upang kamuntikan pa siyang masubsob.
"Ano ba? Huwag ka ngang magmadali, buntis po ako, masyado kang apurado parang hindi mo ako asawa," sagot niya dahilan upang magulat na lang nang bumagsak sa putikan.
Tumama ang pang-upo niya na siyang ininda ang kirot ngunit nang lumingon muli sa asawa, isang imahe ang lumabas na sadyang nagpa-estatwa sa kaniya.
"Hindi! Sino ka? Ano'ng ginagawa mo rito? Nasaan si Dolfo? Nasaan ang asawa ko?" naghe-hesterikal niyang hiyaw habang nanginginig sa kaba at takot.
"Kumusta, Dos?" anitong nakangising nakatayo sa harapan niya.
Makikita ang nanlalawak nitong ngisi na may itim na labi habang may hawak na patalim, naka-damit din ito ng kulay dugo na hanggang talampakan habang bakas na bakas ang kasiyahan sa mata.
"Bakit?" tarantang aniya habang patuloy na umaatras na nakaupo pa rin.
"Hindi mo pa ba nahuhulaan, Mahal ko? Ako ito ang asawa mo," ngisi nito bago dinilaan ang patalim.
"Hindi! Hindi ikaw ang asawa ko! Nasa'n si Dolfo? Nasaan ang asawa ko?" hiyaw niya habang umaatras pa rin.
"Dos." Iling nito. "Dahilan ba ng truma kaya wala kang maalala? Puwes, pagkatapos ng gagawin ko malalaman mo na'ng maitim na sekretong hindi mo matatakasan," ngising anito bago siya lapitan na siyang tayo at takbo niya, dahil sa ginawa niya isang halakhak ang kumawala rito.
"Bakit tumatakbo ka? Nakakatakot ba ang itsura ko? Nanggaling lang naman ako sa ilalim ng lupa, ano'ng masama roon? Mahal mo ako 'di ba? Bakit tumatakbo ka ngayon?" Halakhak nito habang sumusunod sa kaniyang nilalaro ang patalim na hawak.
"Parang awa mo na, wala naman akong ginagawa sa 'yo," sigaw niya habang patuloy tumatakbo na siyang dahilan upang hindi mapansin ang pagkalusot sa butas na inaapakan.
"Ano iyan, Mahal ko? Hindi mo ba napansin ang butas diyan?" Halakhak nito habang papalapit nang papalapit sa kaniya.
Sa sobrang takot at bilis ng pintig ng dibdib hindi na niya alintana ang gutom at panghihina ng katawan habang pilit humuhugot ng lakas upang makawala sa dakong iyon.
"Bilis, Dos, pilitin mong umalis diyan dahil pag nahuli kita, alam na," anito bago humalakhak na siyang nag-uumi-echo sa buong lugar.
Nang makanap ng mapagkakapitan siyang angat niya sa ere ngunit agad naman napigil iyon ng hawakan ng lalaki ang buhok niya.
"Nasasaktan ako, bitiwan mo ako, parang awa muna wala kong ginawa sa 'yo," luhaan niyang pagpupumiglas dahil sa parang nabubunot ang anit niya sa sobrang pagkapit nito.
"Alam mo ba kung paano namatay ang nanay mo? Hayaan mong sabihin ko sa 'yo, Dos," anito bago hinatak ang buhok niya upang maaninag ang mukha niyang nanginginig sa takot at pangamba.
"Parang awa mo na, pakawalan mo na ako, wala naman akong ginawa sa 'yo. Pakiusap." Nagpupumiglas na hiyaw niya dahil mas idinidiin ng lalaki ang hatak sa buhok niya.
"Ang panaginip mong lalaking naka-pula, ako iyon, Dos. Bata pa lang ako, gustong-gusto na nakita, sa unang pagkakataong makita kitang muli ng gabing iyon, alam ko sa sarili kong ikaw na'ng gusto kong makasama ngunit naging ganid si Dolfo, inagaw ka niya sa akin, ang kakambal kong mang-aagaw." Nanlalaking mata na paliwanag nito habang nakatitig sa kaniya na siyang hindi niya maalis ang tingin sa mukha nito.
Nakikita niya ang naa-agnas na mukha ng lalaki na kaunti na lang ay mabubura na'ng itsura ngunit nanatili ang mga mata nitong naghahalong kayumanggi at itim na berdeng naka-seryoso.
"Bakit mo ba 'to ginagawa? Sabihin na nating nagagalit ka sa kapatid mo pero, bakit dinadamay mo ako? Ano bang ginawa ko?" nagmamatapang niyang sumbat dito.
"Alam mo kung bakit? Inagaw ka niya sa akin, ako dapat ang binalikan mo hindi siya pero ano? Noong bumalik ka kasama ng nanay mo noong araw na 'yon, natakot ka sa akin, sumigaw ka at takot na takot sa itsura ko kaya wala kong pagpipilian kundi gawin ang bagay na iyon." Nagsisigaw nitong sabi habang kababakasan ng nag-iinit na galit.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan, sino ka ba? Ano'ng ginawa mo? Naguguluhan ako," naghe-hesterikal niyang sabi habang kababakasan ng pagtataka.
"Magandang Umaga po, Tita Cecilia," anang batang nasa edad kinse habang may hawak na tatlong puting rosas.
"Oh, Santi, ang aga-aga mo ata ngayon?" nakangiting anang ginang habang nagwawalis.
"Dadalawin ko po sana ang anak ninyong si Dos," sagot nitong naka-porma ng maroon na pantalon habang naka-itim na damit at sombrero.
"Naku, talagang gustong-gusto mo si Dos, ah. Boto naman ako sa 'yo, Iho, dahil alam kong mabait kang bata, kaya ang masasabi ko lang, huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko. Alam kong mga bata pa kayo kaya maaring magbago pa ang nararamdaman mo pero, umaasa akong magiging tapat ka sa anak ko," nakangiting tapik nito sa balikat niya.
"Pangako po, Tita Cecilia, mamahalin at aalagaan ko po si Dos kahit anong mangyari, mahal na mahal ko po ang anak ninyo," nakangiting aniya habang napapakamot sa batok. "Nga pala, Tita Cecelia, may dala po pala 'ko para sa inyo," sabay abot ng tiklis na puno ng mga hinog at iba't ibang uri ng prutas.
"Wow! Paborito ito nito ni Dos," sabay hawak sa hinog na saging na dilaw na dilaw ang balat.
"Talaga po, hindi ko alam na mahilig pala siya sa ganyan, salamat po, Tita may bago na naman akong kaalaman sa mga gusto ni Dos."
"Wala iyon, Iho. Basta nandito lang ako para sa inyong dalawa." Tapik nitong muli sa balikat niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top