I: SANTIDOS (Beginning)

   "Nay, nandito na po ba tayo sa sinasabi ninyong bahay nila Lola at Lola Tasyo?" anang babae na nakasuot ng puting kasuotan.

     "Oo, Dy, nandito na tayo, pagpasensiyahan mo na lang at kailangan pa nating maglakad hanggang sa ibaba ng bundok na iyon." Turo nito sa nag-iisang bundok sa pinaka-ibaba.

     "Okay lang po, Nay."

     Patuloy silang naglalakad sa gitna ng mapuno at maputik na daan, panay din ang huni ng kuliglig na siyang tanging ingay lang na maririnig sa gitna ng gabi. Lumalakas din ang hangin na siyang mas nakapagpayakap sa mga braso nito.

     "Pssst! Pssst!" Dahilan upang mapalingon sa kaliwang bahagi na siyang may naa-aninag na naka-pula, napakunot-noo tuloy siya kung sino ang nilalang na iyon.

     "Nay," tawag sa ina ngunit paglingon sa harapan isang nakangising naka-pula na'ng kaharap dahilan upang mapaupo sa putikan habang nagsisigaw na napapikit.

     "Pssst!" Mas malapit na sitsit dahilan upang mapalingon at mapadilat sa kanan kasabay ang nanlalaking mga mata. "Pssst!" Sa kaliwa naman na siyang nakalapit na sa pagmumukha niya ang nakitang naka-pula.

     "Ahh," sigaw niya dahilan upang mapabangon sa pagkakahiga. "Ano ba 'yon? Bakit ba lagi akong nakakapanaginip ng ganoon?" Bago tumayo sa papag at nagtungo sa kusina.

     Limang buwan ng patay ang kaniyang ina sa hindi malamang kadahilanan gayon din, hindi niya alam kung anong nangyari nang araw na iyon. Wala rin siyang maalala kung bakit at paanong nakarating sa bahay-kubong tinitirhan. 

     "Rodolfo, nasaan si Dolfo?" aniya pagkalabas ng bahay-kubo.

     "Ho? Hindi ko po alam, Ate Dyosa," utal na anang batang nasa edad sampu.

     "Ganoon ba? Sige, punta muna 'ko roon upang maghanap ng panggatong," aniya sa bata na siyang 'di umimik ngunit hindi nakaligtas sa kanang mata niya ang pag-ngisi nito ng kakaiba.

      "Dolfo, nasaan ka?" sigaw niya habang papasok sa dako ng masukal na kagubatan habang naghahanap ng tuyong mga kahoy.

      "Hinahanap mo ako?" sulpot ng lalaking nakapurong kulay mapadpad na damit habang naka-sombrero ng itim.

      "Nandiyan ka na pala, Dolfo. Kanina pa kita hinahanap," nakangiting tapik niya sa salakot nito.

      "Huwag mo sabing pagtripan 'yan, ayaw kong nagagalaw ang sombrero ko," ngusong anito dahilan upang mapa-halakhak siya.

      "Sus, ayaw mo lang naaarawan, e. Iyang mukha mo lang naman ang pinakagawapo sa paningin ko kahit umitim ka pa." Halakhak niya muli dahilan upang mawala ang kumikinang na mata ng binata.

      "May nasabi ba akong masama? Okay ka lang ba? Bakit ganyan ang mukha mo? May masakit ba sa 'yo? Oo, alam kong napapagod ka na sa pag-aalaga sa akin pero, sana huwag mong pabayaan ang sarili mo," aniya ngunit nananatili pa rin na naka-seryoso ang binata.

       Gawapo ito na medyo singkit ang mga mata, matangos din ang ilong nito na may emo na kulot na buhok pataas. Tama rin ang kulay nitong maputi at  pangangatawang bumagay sa mapang-akit nitong labi.

       "Ngayon lang kita nakitang tumawa, may nakakatawa ba?" anito dahilan upang mapatulala siya kasabay ang pagka-estatwa ng labing nakangiti.

       "Ano bang nangyayari sa 'yo, Dolfo? Oo, alam kong sobra na akong naging pabigat sa 'yo. Pasensiya na pero, hindi na ba ako puwedeng maging masaya? Ni-ayaw mo akong pinapalabas ng bahay, ni-hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa itaas, puro na lang tuyong mga puno ang narito tapos itong kubong-bato na lang ang nandito. Hindi ko na alam, natatakot na ako," umiiyak niyang sabi dahilan upang lapitan siya nito at yakapin habang nakatalikod na nakaupo na.

       "Pasensiya ka na, Dyosa, hindi ko sinasadya nabigla lang ako, hindi ko naman sinusumbat ang pag-aasikaso ko sa 'yo. Mahal kita, Dyosa at gagawin ko ang lahat para mapasa akin ka ng habambuhay," anas nito habang nakayakap pa rin.

       May bilugang mga mata, mapang-akit na labi, matangos na ilong, medyo maliit na kyut na mukha na bumagay sa makapal nitong kilay ngunit gayunpaman, kitang-kita ang kaputian ni Dyosa Delilah Buenaventura na may katamtaman din na taas na hanggang labi ni Dolfo Omega.

       "Kinuhaan pala kita ng prutas, tara kumain na tayo mamaya na ako kukuha ng mga panggatong, pakainin muna natin si Shida," anitong naglalambing.

       "Luko-luko ka talaga, Dolfo, Mashida ang pangalan niya hindi Shida," aniya sabay hampas muli sa sombrero ng asawa.

       "Ano ba, huwag mo sabing pag-tripan ang sombrero ko, e, pati pariho lang ang Shida at Mashida, ah," anito bago umakbay sa kaniya.

       "Nga pala, saan mo nakuha 'yang mga prutas na 'yan?" pansin niya sa tiklis na buhat ng asawa sa kaliwang balikat.

       "Bigay ng kapitbahay natin diyan sa taas," anas nito na nagpapatuloy lang sa paglalakad.

       "Mabuti naman at mababait pala sila, ang rami kaya niyan, nga pala puwede ko ba silang pasyalan? Para naman makita nilang may maganda silang ka-baryo," aniyang hindi mapakaling naghihintay ng hudyat ng pagsang-ayon.

       "Hindi! Hindi ka puwedeng umalis dito," sigaw nito dahilan upang mapatalon siya sa pagkagitla.

       "Dolfo, ano bang problema?" tarantang niyang sabi habang nakahawak sa tiyan na tatlong buwan pa lang.

       "Bakit ba ayaw mong sumunod? Pagsinabi kong dito ka lang, dito ka lang," hiyaw nito dahilan upang mapatulala siyang nakatingin dito. "Ayaw ko sa lahat 'yong maraming tanong, kung anong sinabi iyon ang sundin mo!"

       "Dolfo," nauutal niyang tawag dito.

       "Huwag ka ng magtatanong pa kung kailan at kung puwedeng ka ng lumabas, hindi tayo aalis dito hanggang hindi natatapos ang huling araw."

       "Dolfo, hindi kita maintindihan. Ano bang nangyayari sa 'yo? Hindi ka naman ganyan dati?"

        "Ayoko ng maraming tanong, Dos! Halika na at baka hindi kita matantiya," wika nito at nauna ng naglakad palayo.

        "Dos? Sino si Dos, Dolfo, ano bang nangyayari sa 'yo?" bulong niya sa hangin habang nakatingin dito.

        Hindi niya alam kung anong nangyayari pero, talagang nagbabago na'ng lalaking minamahal. Nakilala niya ito pagkatapos na sinabi nitong namatay na'ng ina ngunit hindi niya maalala ang bahaging iyon.

        "Sandali lang, sino si Dos?" Habol niya lakad nang maalala ang pangalan nito.

        "Sinabi ng ayokong nagtatanong 'di ba?"

        "Aray, ano ba nasasaktan ako, Dolfo. Aray," hiyaw niya nang hawakan nito ang kanang braso at pilipitin.

         "Sinabi kong ayaw ko ng maraming tanong, masyado kang pala-tanong!"

         "Aray," hiyaw niya nang tumama ang kanang palad nito sa mukha niya kasabay ang pagtulak nito sa kaniya.

         "Dolfo, ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit ka ba nagkakaganyan?"

         "Bakit, gusto mong malaman, ha? Puwes, makinig ka dahil pagkatapos nito maglalaro tayo," anito bago humalakhak na parang nasisiraan ng bait.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top