Prologo
"What's wrong with this poem?" kunot noong tanong ni Mikael sa kaniyang sarili habang ang tingin ay nakapako sa lumang papel na hawak niya, kilabot ang naramdaman ng binata matapos itong mabasa.
"It's kakaiba talaga for me, e. Feels like that poem wanted to tell me something." aniya sa kaibigang binabasa ngayon ang tulang hawak niya kanina.
"Wala namang kakaiba, bro. Okay naman siya." tugon ni Chino habang napapatango pa. "I like the words she use, it captured my attention. I'm sure, kakaibang heart break ang naranasan niya that's why she wrote it." dagdag pa nito bago muling iabot kay Mikael ang papel.
"Where did you get that ba?" tanong ni Denise na ngayon ay abala sa pag-lalagay ng kolorete sa kaniyang mukha. "Baka one of your ancestors wrote that, then your Lolo keep that on the bau-"
"Yeah! Sa baul do'n ko 'yan nakuha." aniya na ikinagulat ng dalawa, bigla na lamang kasi itong napatayo. "I saw Manang Ester kasi kanina, bitbit niya 'yong baul then when I ask her kung ano ang laman basta niya na lang iniwan sa harap ko. So disrespectful for me as her amo." dere-deretso nitong sabi habang nagsasalin ng alak sa kaniyang baso.
Hindi naitago ni Denise ang kaniyang mahinang pagtawa nang marinig ang kuwento ni Mikael; hindi sa kuwento kung hindi sa tono nito ng pananalita.
"Why are you laughing?" taas kilay na tanong ni Mikael.
"Wala, natatawa lang ako sa accent mo." tugon nito kasunod ng mahinang pagtawa na sinabayan naman ni Chino.
"Who doesn't?" aniya.
"Go laugh, bitches!" ani Mikael bago mag-walk out.
------------------------------------------------------
Mikael Del Paz
Hindi ko alam but I'm sure kakaiba 'yong poem na nabasa ko. Sino ba kasi ang nag-sulat no'n? Sobra ba siyang nasaktan kaya halos isumpa na niya 'yong 'aking ginoo' na tinutukoy niya? O baka naman isinulat niya lang 'yon kasi trip niya?
"Sir Mikael, nasaan na po 'yong baul na iniwan ko sa inyo kanina? Hinahanap po kasi ni Sir Hugo." sambit ni Manang Ester, halos mapatalon pa ako sa gulat dahil bigla na lamang siyang sumulpot at nagsalita.
Hugo is my grandfather, siya na ang nag-alaga sa akin dahil anim na taon pa lamang ako nang sabay na maaksidente ang aking mga magulang.
"Iniwan ko rin doon sa garage, Manang. Paki-tignan na lang, salamat." tugon ko bago muling ibalik sa hawak kong papel ang aking tingin.
Muli kong binasa ang tula, ngunit katulad nang kanina ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko. May kaba, takot, at galak. Ano ba talaga?
Dahan dahan kong tinupi ang papel bago ibinaling kay Manang Ester ang aking tingin na ngayon ay nakatayo pa rin sa harap ko, matanda na si Manang Ester at alam kong hindi na niya kayang bumuhat ng mabigat kaya medyo kumirot ang puso ko no'ng makita siya kanina.
Bumuntong hininga pa ako at napairap bago tumayo. "Halika na, Manang. Tutulungan na kita." sambit ko bago maunang maglakad papunta sa garahe.
Bata pa lang ako si Manang Ester na lagi ang madalas kong kasama dahil nga busy sa kani-kanilang business ang Lolo't Lola ko, kung ikukumpara ko sila kay Manang... mas naramdaman ko pa ang pagmamahal niya kaysa sa kanila.
"Oh... dahan dahan baka mabitak, alam mo namang mahal na mahal 'yan ng Lolo mo." paalala niya habang inaalalayan ang pwet ng baul.
Oo, naalala ko. Collector nga pala si Lolo, baka someone sell the poem to him kaya ito napunta sa kaniya. Isa pa, ano bang dapat kong ikakaba, e, tula lang naman 'yon? Ewan ko ba, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Imbes na mag-isip pa ng kung ano ano ay nag-umpisa na akong maglakad patungo sa kuwarto ni Lolo.
"Mikael, may itatanong ako." sambit ni Manang Ester, dahan dahan kong ibinaba ang baul sa lamesa bago siya nilingon. "Kanina ko pa napapansin, bakit parang kinakabahan ka? May nagawa ka bang mali?" tanong niya, mahina akong napatawa kasunod ng pag-iling.
"Ano ka ba, Manang? Okay lang ako." tugon ko.
"Don't believed him, Manang. Nakipag-break na naman kasi siya sa new girlfriend niya, e, retired general ang dad no'n kaya kinakabahan siya." sabat ng pinsan kong si Lucas, kahit kailan talaga ay nakakainis ang ugali niya. Kaya ayaw kong umuuwi rito, imbes na maitatago ko ang sekreto ko ipinagsisigawan niya pa sa bahay na ito.
"Totoo ba ang narinig ko, Mikael?" Tanong ni Lolo Hugo, kinilabutan agad ako nang marinig ang napakalalim niyang boses. Halatang galit. "Don't worry, apo. Hindi naman ako magagalit sa'yo." aniya bago lumapit sa akin at mahigpit akong inakbayan. "Ang pagiging matinik sa babae ay tanda ng ating pamilya, tandaan mo 'yan." dagdag pa niya.
Nakita ko ang sunod sunod na pag-iling ni Manang Ester bago siya tuluyang lumabas. Bata pa lang ako hindi na sang-ayon si Manang Ester sa pagpapalaki sa akin nila Lolo ngunit anong magagawa ko kung maging ako ay hindi kayang baguhin ang sarili ko.
"Lolo, the Xiao's want us to go to their Ting Hun. Pupunta ba tayo?" ani Lucas, napalingon ako sa kaniya.
The Xiao is the relative of my mom. Yes, my mom is a chinese. She's Margaret Xiao, the daughter of a known business man here in the Philippines. Siya dapat ang magmamana ng kumpanya dahil siya ang panganay na anak ngunit maaga siyang namatay kaya nagdesisyon ang Lolo Richard ko na ipamana na lang ito sa bunso niyang anak which is ang mom ni Chino, si Tita Yzobel.
"Of course, we're going. Para na rin mabisita nitong si Mikael ang puntod ng mom at dad niya." ani Lolo 'tsaka tinapik tapik ang balikat ko. "Oo nga pala, 'yong poem na sa'yo raw?" tanong sa akin ni Lolo, napatango naman agad ako. "Ikaw na ang magtago, ingatan mo dahil baka multuhin ka ng sumulat niyan." dagdag pa ni Lolo kasunod ng nakakainis niyang tawa.
"Babaero ka pa naman." bulong ni Lucas, swerte na lang siya at 'di ko narinig.
Pag-labas ni Lolo, kami na lang ni Lucas ang naiwan dito. Hindi siya umimik kaya imbes na ituon sa kaniya ang pansin ko ay nilibot ko na lang ang buong silid. This room is full of my grandpa's collection, mula sa iba't ibang bansa at panahon. Binibisita rin ito ng mga tao kaya nagmimistulang museum ang buong bahay.
Dahil sa collections ni Lolo marami na rin akong naging babae, karamihan kasi ng bumibisita rito ay babae. Bawat picture nila sa mga gamit ay humihingi ako ng kapalit (kiss), hindi ko naman sukat akalaing mahuhulog sila sa akin.
"Bro, h'wag ka na sanang tumulad kay Lolo. Be matured enough, matanda ka na." ani Lucas.
"Mas matanda siya. I'm just 23, his 70." pilosopong sagot ko.
"Ewan ko sa'yo." inis niyang sabi bago lumabas.
Mahina na lang akong natawa bago sumunod sa kaniya.
------------------------------------------------------
Del Paz, Mikael Yuan Xiao.
Bachelor of Science in Industrial Engineering
Suma Cum Laude
Class of 2023
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top