Poem
Sugal
Pagmamahal ko'y aking inialay,
Buong buo ibinigay.
Piso'y itinaya,
Bakit ako dinaya?
Sinabing ako ang mahal,
Ngunit bakit sa iba sumugal?
Pag-ibig kong tunay,
Naging galit sa habang buhay.
Sa pag-sikat ng araw,
Hinihiling na kasama'y ikaw.
Pag-ibig ko'y totoo,
Oh aking ginoo.
Maniwala kang sa bawat pag-subok,
Pag-ibig ko sayo'y 'di hinayaang matupok.
Ngunit bakit ganito,
Ako'y ginagago.
Sa pamamaalam ako'y labis na nasaktan,
Makitang hawak siya'y tila dinudurog aking kalamnan.
Sa huling verso aking sinabi,
Babalik ako't maghihiganti.
Sa muling pagkikita,
galit ko'y natuwa.
Oh aking ginoo,
Ganti ko'y sumaiyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top