Kabanata I
"Bro, when was the last time you had s*x?" biglang tanong ni Lucas na ikinasamid ni Mikael na ngayon ay umiinom ng tubig. Natigil ang lahat sa pagkain at gulat na lumingon kay Lucas. "Why? I'm just asking." sambit nito na tila ba walang ibang ibig sabihin ang kaniyang sinabi.
"Lucas!" maarteng ani Denise habang nanlalaki ang mga mata't nakakunot ang noo. "Will you please just shut your mouth kung wala kang matinong sasabihin?" dagdag pa nito.
"Well, that stupid thing happened two days-"
"Mikael!" saway ni Manang Ester na ikinatahimik ng binata.
Napanguso na lamang ito bago muling ilapag sa lamesa ang hawak niyang baso. Matapos kumain ay agad na pumasok sa kaniyang kuwarto si Mikael at nag-umpisa nang mag-impake ng gamit, agad namang sumunod si Manang Ester para ito'y tulungan.
"Balita ko uuwi raw kayo sa Benguet..." ani Manang Ester na ngayon ay isinasalansan sa maleta ang gamit ng kaniyang alaga. "...sana maturuan ka man lang ng leksiyon bago ka bumalik dito." dagdag nito habang ang atensiyon ay nakatuon pa rin sa ginagawa.
"Manang, paulit-ulit na lang ang sinasabi mo, wala bang bago?" reklamo ni Mikael bago padabog na inihiga ang sarili sa sofa. "Hindi mo ako gayahin, pabago bago ng chix." dagdag nito sabay mahinang natawa, ikinainis naman ito ng matanda.
Alas-dos ang alis ng binata kaya nagmamadali na si Manang Ester para ma-impake ang gamit nito. Dahan dahang tumayo ang matanda at sinilip si Mikael na nakahiga ngayon sa sofa, nakatakip ng panyo ang mukha habang naka-de-kuwatro ang paa. Napabuntong hininga na lamang ito nang tanggalin ang panyo at makitang tulog na ang binata.
Hays! Hindi ko ba alam kung bakit lumaking batugan itong si Mikael, naturuan ko naman ito ng tama noon.
Sambit nito sa kaniyang isipan bago bumalik sa kama at ipagpapatuloy ang ginagawa. Nang matapos... agad na lumabas si Manang Ester para hindi magulo ang tulog ng kaniyang alaga, nag-dahan dahan pa itong lumakad.
--------------------------------------------------
Mikael Del Paz
Napa-igtad ako nang maramdamang may humawak sa binti ko, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at laking gulat nang makita ang isang babae. Nakaupo ito sa aking paahan, hindi ko nakikita ang kaniyang mukha pero nabibighani ako sa hugis ng kaniyang pangangatawan.
"W-who are you?" inaantok na tanong ko ngunit nagpatuloy lang ito sa pag-himas sa binti ko.
"Didn't you hear me?" muling tanong ko ngunit hindi pa rin ako nito pinansin.
"I like what you are doing pero paano ka nakapasok?" napa-ismid ako ng dahan dahang pumasok sa loob ng shorts ko ang kamay niya.
Nag-iinit na ang katawan ko, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Dahan dahan akong umayos sa pagkaka-upo at mabilis na inagaw ang kaniyang baba, napakapula ng kaniyang labi. Hahalikan ko na sana ito ngunit napa-atras na lamang ako nang bigla niyang hablutin ang leeg ko.
Unti unting nag-kulay itim ang buong mata niya maging ang kaniyang labi ay namuti. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya at doon ko lang napagtantong... Ah! Multo!
"Ah!"
"Bitawan mo 'ko!"
"Ah!"
"Ah! Multo!"
--------------------------------------------------
Sunod sunod na sigaw ng binata, narinig ito ni Denise na pababa ngayon ng hagdan kaya dali daling tumakbo pababa at tinawag ang mga kasamahan sa bahay.
"Si Kael, bilis!" anito.
Pagpasok nila ng kuwarto, agad nilang nakita si Mikael hawak ang kaniyang leeg habang sumisigaw.
"Manang Ester!" muli nitong sigaw.
Inis na napalingon si Manang Ester kay Lucas nang hampasin nito ang kaniyang braso. "I-ikaw daw, M-manang." nauutal na ani Lucas.
"Manang Ester, go!" tarantang sambit ni Denise.
Tinapunan pa ni Manang Ester ng tingin ang dalawa bago nilapitan ang binabangungot na si Mikael, hinawakan niya ito at sapilitang inalis ang mga kamay sa leeg.
"Mikael! Gumising ka, ano ba?" sigaw nito sabay sampal sa pisngi ng binata. "Mikael!" muli nitong sigaw.
"Ah!" sigaw ni Mikael bago gulat na gulat na bumangon. Napahilamos ito sa kaniyang mukha habang naghahabol ng hininga. "Sino 'yon?" tanong niya ngunit nagtinginan lamang ang tatlo.
"B-binabangungot ka." ani Manang Ester, dinampot niya ang panyo dulo ng kama 'tsaka pinunasan ang pawis ni Mikael. "Kumuha kayo ng baon, madali kayo!" dagdag niya pa, agad namang tumakbo palabas si Denise at kumuha.
"Bro, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Lucas sa kaniyang pinsan.
"Mukha ba?" inis na sagot nito kasunod ng pag-irap, bago tumayo ay pinagpag muna niya ang sofa. "That shit wanted to kill me." galit nitong sabi habang napapahawak sa kaniyang dibdib.
"Here, uminom ka muna." ani Denise na kababalik lang, inabot niya kay Mikael ang tubig ngunit imbes na inumin ay ipinang-mumog lamang ito ng binata. "What the h*ll? Halos madapa pa ako para lang makuha 'yan tapos ipang-mumumog mo lang?" inis na sambit ng dalaga.
"Sino bang nagsabing kumuha ka?" pilosopong sagot ni Mikael.
"Si Manang." tugon ni Denise ngunit napailing lamang ang binata pagkatapos ay lumabas na. "Bastos talaga ang batang 'yon." inis na sambit ni Denise sabay irap.
"Hindi na siya bata." tugon ni Lucas bago sumunod sa pinsan.
"Tignan mo ang mga 'yon, sakit sa ulo." reklamo niya ngunit natawa na lamang si Manang Ester. "Manang, don't tell me tayo ang bubuhat dya'n?" tanong niya sabay turo sa mga gamit ni Mikael.
"Ano pa nga ba?" pabalik tanong ni Manang Ester kasunod ng pag-iling.
"Manang, I think I can't do it." ani Denise na ngayon ay nahihirapan sa pag-buhat ng kulay maroon na maleta ni Mikael.
"May gulong 'yan, hija. Hilahin mo na lang." tugon ni Manang Ester habang nagpipigil ng tawa.
Natawa na lamang si Denise sa kaniyang sarili bago maunang lumabas, hinila niya pababa ng hagdan ang maleta at padabog na itinulak palapit kay Mikael nang makababa. Inirapan niya pa muna ang binata bago tuluyang lumabas ng bahay.
Alas-dos na at nakahanda na rin ang lahat para sa biyahe ngunit hanggang ngayon ay tulog pa rin si Chino kaya inutusan ni Hugo si Mikael na akyatin ang kaniyang pinsan at gisingin.
"Kahit kailan talaga, tulog mantika ang asungot na 'yon." inis niyang bulong habang tinatahak ang hagdan.
Pupunta na sana siya sa kuwarto ng pinsan na si Chino nang makita niyang may maliit na awang ang pinto ng kaniyang kuwarto, dali daling bumaba ng hagdan si Mikael at tinawag ang kasambahay na si Manang Ester.
"Manang Ester, sige na. Samahan mo na ako, please!" pagpupumilit niya rito, tumanggi kasi ang matanda matapos niyang iwan sa taas kanina. "Manang, look!" aniya 'tsaka ipinakita ang mga balahibong ngayon ay nakatayo.
Napabuntong hininga na lang si Manang Ester bago maunang maglakad. "Babaero pero takot sa multo." aniya.
"Manang, are you saying something?" inis na tanong ni Mikael.
"Ano bang narinig mo?" taas kilay na tanong ng matanda at napahinto pa.
"W-wala." nakangusong tugon ni Mikael habang nangungunot ang noo.
"Hihintayin na lang kita dito." ani Manang Ester nang tumapat sa balcony malapit sa kuwarto ni Chino, naupo ito sa sofa kasunod. "H'wag mo sabihing... natatakot ka pa ri—"
"No! I'm not afraid! I'm strong!" aniya.
"Oh... sige nga, puntahan mo nga si Chino kung hindi ka takot." hamon ni Manang Ester, napatango pa si Mikael 'tsaka napahawak sa kaniyang baywang.
"Iyon lang ba, Manang?" nagyayabang na tanong nito, agad namang tumango ang matanda. "So easy." akma na sanang lalakad papunta sa kuwarto ni Chino ang binata nang makarinig ito ng sunod sunod na kaluskus. "Manang," nanginginig nitong sabi na ikinatawa naman ni Manang Ester.
"Oh...siya, sige na. Sasamahan na kita." napipilitang anang matanda kasunod ng mahinang pagtawa.
--------------------------------------------------
"Bro!"
"Bro!"
"Wake up!"
Sunod sunod na ani Mikael habang niyuyugyog ang katawan ng pinsan.
"Uhm! Ano ba? Antok na antok pa 'yong tao, oh!" reklamo nito. Kinuha ni Mikael ang unan sa paanan ni Chino at pinaghahampas ito sa kaniya. "Bro! I'm gonna stay here na lang." anang binata habang nakapikit.
"Hindi pwede." pagpupumilit ni Mikael, tumayo siya sa kanang bahagi ng kama at pwersahang ibinangon ang pinsan. "Ting Hun 'yon ng Achi mo, hindi puwedeng 'di ka pumunta." aniya.
"I'm afraid." mahina nitong sabi.
"Why?"
"The last time na umuwi kasi ako ro'n..."
"What?"
"Itinago ko 'yong nebulizer ni Lolo, I don't know if nahanap niya or what." tugon ni Chino na ikinatawa ni Mikael.
"Nahanap niya 'yon." anang binata.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Chino.
"Buhay pa, e." natatawang aniya.
Sa isip isip ni Manang Ester... mag-pinsan nga talaga sila, parehas na sakit ulo.
"Oh... siya, sige na. Gumayak ka na't kanina pa sila naghihintay sa baba." sabat ni Manang Ester, muli namang hinila ni Mikael ang braso ng pinsan kaya napilitan itong tumayo.
Pag-labas nila... nauna si Manang Ester, sabay namang naglakad sina Chino at Mikael. Bago tuluyang bumaba ng hagdan ay aksidenteng napalingon si Mikael sa kaniyang kuwarto, nanlaki ang mga mata nito nang makita ang babaeng multo na nanakal sa kaniya sa panaginip. Deretso itong nakatitig sa kaniya na may ngisi sa labi.
"Bro!" takot na sambit nito sabay turo sa pinto ng kaniyang kuwarto.
"Anong nangyari do'n?" naguguluhang tanong ni Chino nang bigla na lamang tumakbo ang pinsan. "Sandali nga..." aniya 'tsaka sumilip sa kuwarto ni Mikael. "Wala naman, ah. Trip no'n?" dagdag niya pa bago tuluyang bumaba.
--------------------------------------------------
"Kapag nando'n na tayo, kayong dalawa..." panimula ni Don Hugo sabay lingon kina Mikael at Chino na na sa likod. "Umayos kayo, ha? Ayokong sabihin ng mga kaanak niyo na 'di ko kayo tinuruan ng tama." sambit nito.
Napairap naman si Denise sabay sabi sa isip... 'Di naman talaga.
"Anyways, doon tayo sa nabiling lot ni Richard. Bago lang daw 'yon kaya bago kayo gumala, makinig muna kayo sa mga instructions ng mga staff. Okay?" dagdag ni Don Hugo, napa-oo na lang ang lahat maliban sa driver na si Mang Nestor.
Naging tahimik ang biyahe dahil may hang-over pa sa antok ang lahat. Makalipas ang walong oras, ligtas silang nakarating sa La Trinidad. Tanghali na rin kaya dumeretso na sila sa restaurant para kumain. Nang matapos... nakatanggap ng tawag si Don Hugo mula kay Don Richard, sinasabing kanina pa sila hinihintay sa villa. Nagpa-palpa lang muna sila kasunod ay bumiyahe na.
Pagkarating pa lang sa villa... bumungad kaagad ang napaka-gandang tanawin. Mataas ang sikat ng araw at hindi naman maulap kaya malinaw nilang nakikita ang tanawin mula sa baba.
"Let's pick strawberries there bukas." ani Denise sabay turo sa isang strawberry farm na matatanaw 'di kalayuan.
"You need money, bruh." tugon ni Mikael.
"Pwede naman tayong manghingi kahit isa lang." nakangusong sambit ni Denise habang ang tingin ay nakapako pa rin sa strawberry farm.
"You can't get that for free, brudy. Ano ka anak ng presidente?" pilosopong ani Mikael bago iwan ang kaibigan at magtungo sa van kung nasa'n ang pinsan niyang si Chino. "Bro, aren't you going sa loob?" tanong niya rito.
"I'm gonna stay here na lang." sagot ni Chino habang kinakagat ang kuko.
"Don't be afraid, akong bahala sa'yo." ani Mikael sabay dalawang beses na tinapik ang braso ni Chino.
"Where's Mikael and Chino?"
Napatalon agad sa loob ng sasakyan si Mikael at agad na isinarado ang pinto ng van nang marinig ang nakakapangindig balahibo na boses ng kanilang Lolo Richard. Alam ng dalawa kung gaano kalupit ang ugali ng kanilang nuno kaya sa tuwing uuwi sila rito sa Benguet ay mas minamabuti nilang sa mga kaibigan na lang tumuloy.
"Those freaks! Kahit kailan talaga!" ubos pasensya nitong sabi 'tsaka madiing idinikit ang kanang kamao sa kaniyang noo.
"Ano bang nangyari, pare? Kadarating pa lang ng mga apo mo, kainit agad ng ulo mo." nang-uutong sambit ni Don Hugo sabay akbay kay Don Richard. "Hayaan na muna natin ang mga bata, magkuwentuhan muna tayo." aniya 'tsaka sapilitang itinalikod mula sa van ang kumpadre.
"Ang dalawang 'yon kasi parehas na parehas ang ugali." reklamo ni Don Richard.
"Bakit? Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Don Hugo bago maupo.
"The last time na umuwi rito si Chino... itinago niya ang nebulizer ko, mabuti na lang at no'ng araw na 'yon, e, aksidenteng naka-order online si Maricar, iyong katulong namin." kuwento nito.
"Mabuti na lang talaga dahil kung hindi baka pinaglalamayan ka na ngayon." pabirong sabi ni Don Hugo, napasulyap pa ito sa van at napakindat na lang nang makita ang dahan dahang pagbaba nina Chino at Mikael.
"Ikaw naman, kumpadre. Baka sa biro mo na 'yan, ikaw ang mauna." pabalik biro ni Don Richard, sabay na lang silang natawa nang mahuli ang kiliti ng isa't isa.
"Anyways, ang ganda nitong new villa mo, ah. Perfect for taking pictures." pag-iiba ni Don Hugo sa usapan.
"Oh... yeah! Isa kasi ito no'n sa mga gustong gawin ni Carmela no'ng nabubuhay pa siy—"
"Tama na, kumpadre. Maaalala ko lang ang malagim na sinapit no'ng dalawa, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin matanggap." pagputol ni Don Hugo sa sasabihin ng kaniyang kumpadre.
--------------------------------------------------
Habang naglalakad papunta ng mansion ang dalawa... may napansin 'di kalayuan si Mikael, isang magandang babae. Naka-kulay asul itong bistida, medyo curly ang buhok, at malalim ang ngiti habang sumasayaw.
"Damn! She's so gorgeous!" bulong ni Mikael habang ang tingin ay nakapako sa sumasayaw na dalaga.
"Mikael, Chino! Nandya'n lang pala kayo!" sigaw ni Don Richard nang makita ang dalawa, agad namang tumakbo papasok ng mansion ang mga ito at nagtago sa silid aklatan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top