Epilogue

@/n: Just to clear lang po, the ending of their epilogue is like the introduction of their first born story, just in case lang po enjoy!

Saji Argelia's Point of View.

Magkakrus ang braso kong tinititigan si Kent Axel na kaharap ang client niya sa isang restaurant dinner meeting, the girl is wearing a pink maxi dress that doesn't suit the green heels. What kind of fashion is that?

Kent Axel doesn't know i'm here watching, this client is giving me off vibe such as it gives me vibe na may balak siyang harutin ang asawa ko. Iritang irita kong tinititigan si Kent Axel na wala namang ginagawa kundi magsalita habang hawak ang folder not until his forehead moved.

Nang bigla niyang itaas ang ulo ay halos malunok ko ang dila ng magtama agad ang mata namin and it was too late for me to hide because he smirks. He knew it already, no doubt malakas nga ang pakiramdam niya.

"Wait for a minute, Ms.Villacorta." Napaayos ako ng upo at mabilis na inabot ang menu at kunyare nakatingin doon dahil nagpaalam siya sa kausap.

"Mrs.Sandoval, baliktad yung menu na hawak mo." Naramdaman ko kaagad ang pagkapahiya ng nakangisi niyang inayos 'yon. Damn!

"A-Ah I'm waiting for a friend, how's the meeting?" Kinakabahan na sabi ko, hindi nagbago ang dating niya mas lumalakas habang mas nagkakaroon siya ng taon!

"Really love? You told me just ten minutes ago that you're home with the kids?" Lumunok ako at nahihiyang tinampal ang noo, naupo siya sa harapan ko ng suot ang nang-aasar na ngiti.

"You're following me," nakangiting sabi niya kaya yumuko ako sa table.

"Love, face me." Utos niya kaya nahihiya ko siyang sinilip pero tumayo siya at inilahad ang kamay sa harapan ko.

"I will—"

"Don't tell me that you'll only take this hand if you need my help, I need you so grab it already love." Napalunok ako at walang nagawa kundi hawakan ang kamay niya at hayaan siyang alalayan akong tumayo.

"Saan mo ako dadalhin?" Bulong ko at inayos ang trousers na suot ko.

"Sa table, sumama ka na sa amin. Para hindi ako nilalandi," bulong niya kaya napangisi ako at kumapit sa braso niya dahilan para magbitaw ang kamay namin.

Nang makarating sa table ay nagtaka ang babae kaya ngumiti ako, pekeng ngiti ayoko sa kaniya eh ba't ko siya ngingitian ng maganda ano siya chic?

"My wife," pakilala ni Kent Axel.

"Ylla Villacorta. Businesswoman." Nagmamalaking pakilala nito kaya ngumiti ako at inabot ang nakalahad niyang kamay.

"Saji Argelia Sandoval." Ang ngiti na binigay niya ay para bang disgust siya.

"Uhm okay, you're a housewife?" Ngumiti ako sa kaniya at tumango bilang sagot.

"Ah so umaasa ka kay attorney?" Sa kwestyon niya ay nawala ang ngiti ko.

Ang makapal niyang kilay na lapis ay gusto kong burahin dahil nakakainis at nakakainsulto ang tingin niya. "Actually no, she's an independent woman to the point that she don't need me for her needs, wants and other necessities." Sa sagot ni Kent Axel ay tumaas ang isang kilay nito.

"Oh, how?" Ngumisi ako at tsaka huminga ng malalim.

"What does a housewife do? Does she get paid by doing chores?" Damn you Ylla, doctor ako at kung kaya lang kitang supalpalan ng pera ginawa ko na pero hindi naman ako ganoon.

"No, actually I'm a housewife at sundays and a doctor full time." Ngumiti ako, nagmamalaki ngunit mukhang hindi pa siya nalulupitan.

"So you're carrying your husband's last name at the hospital?" Maybe she thinks I'm using Sandoval for power.

"Garcia." Sagot ko. Dahil doon ay bahagya siyang tumikhim at napaiwas tingin, sige maliitin mo 'ko bibilhin ko talaga ang kumpanya mo sa halagang hindi mo inaasahan punyeta.

After the meeting, napairap akong sumakay sa sasakyan ni Kent Axel. "Ako talaga napipikon sa mga clients mong babae ha, like how the hell! Mukha bang kapangyarihan ang apelyido mo at tingin nila ginagamit ko ito for attention?" Inis na sabi ko ngunit mahinang natawa si Kent Axel at binuksan ang aircon.

"I'm still titled Garcia after all." Ngumisi si Kent Axel at halos hindi ko inaasahan ang pagpisil niya sa pisngi ko.

"Chill, love. Iuuwi na kita mukhang miss na miss mo ako halata—"

"Are you teasing me ba?" Sumbat ko at pinalo ng mahina ang likod ng palad niya dahilan para pumunta 'yon sa kambyo.

"No, love. Uuwi na tayo," maayos na sabi niya at pinaandar na ang sasakyan kaya pasimple akong umirap.

Nang makauwi kami ay halos masapo ko ang noo ko ng makita ko si Amora at Arkeb na magka-away na naman. "Mommy she started it first, she broke my collection." Itinuro ni Arkahel Sebastian ang kapatid niya na umiiyak na naman.

"I didn't mean to do it oppa, I just want to be with you." Ang namumulang ilong ng bunso ko ay akala mo kamatis na.

Lumapit si Kent Axel kay Amora Keina at binuhat ito. "You're a big girl na, don't bother your kuya na okay? Daddy is here." Pag-aalo nito.

"But he is my kuya daddy, he still doesn't like me." Muli ay humikbi na naman ito kaya tinitigan ko si Arkahel Sebastian na tinititigan ang robot collection niya na exclusive at galing pang ibang bansa.

"She's so sensitive mommy," bulong na sabi ni Arkeb kaya huminga ako ng malalim at pinantayan ang tangkad niya, inayos ko ang magulo niyang buhok.

"I'll buy you a new one anak?" Napatingin sa akin si Arkeb at pansin ko na makungkot talaga siya.

"It's a limited edition mommy, w-we can't buy a new one." Huminga ako ng malalim ng mamasa ang mata nito.

"How about me and daddy will buy you a new robot collection? 2 or 3 your choice." Bahagyang lumaki ang mata nito ngunit ng tignan ang sirang robot collection niya ay nalulungkot talaga siya.

"Amora Keina, get here now." Utos ko, ngumuso ito at dahan dahan na lumapit habang magkahawak ang kamay.

This five year old girl is so sensitive. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nagmana o sa daddy niya dahil noong bata ako hindi ko alam kung iyakin ba ako. "Mommy." Nakangusong sabi nito.

"Say sorry to your kuya, you broke his robot." Pinaghawak nito ang kamay at ngumuso.

"Showi po." Napangiti ako sa sorry nito.

"Tsk." At ang isang 'to ay ugaling Kent Axel walang duda.

Yung isa lumalaking iyakin, yung isa naman lumalaking masungit aba ewan ko ba kung mga anak ko talaga 'to sabi ko bonding na tulad ng sa amin nila Kuya Luke at Kuya Zai pero eto bagsak.

At dahil gabi na rin hinatid na namin ang mga bata sa kaniya-kaniya nilang kwarto, maaga rin naman silang natutulog dahil mga bata pa sila ayoko namang napupuyat sila.

Matapos silang ihatid sa kwarto nila ay nakasalubong ko si Kent Axel half way papunta sa room namin sinisimulan ng alisin ang butones ng polo niya, he loosened up his tie and fix his hair while staring at me.

"Love, I'm tired." Kalmadong sabi niya at inakbayan ako habang naglalakad kami papasok sa kwarto.

"What do you want for anniversary gift love?" Malambing na tanong niya kung kaya't inalis ko na ang suot na sandals at siya naman ay inalis na din ang sapatos niya.

"I want my dream luxury closet love," wika ko dahilan para matigilan siya at titigan ako.

"A renovation love?" Paglilinaw niya kaya tumango ako.

"H-How about the clothes inside it?" Ngumuso ako, alam kong mahirap ang renovation for sure mahirap talaga 'yon.

"Then let's rush it?"

"Okay, sure love. Ako na bahala, just tell me your dream closet." Ngumiti ako at tinulungan siyang alisin ang belt niya dahilan para matigilan siya.

"Uhm—"

"Just helping, no other meaning." Paglilinaw ko at inalis na 'yon tsaka ko nirolyo at inilagay sa drawer ng belts.

"Sure na? No other meaning?" Biro niya dahilan para parehas kaming matawa, he's only wearing a boxer now he looks comfortable and fresh but he wanted to wash so I helped him fix his sleep clothes.

Ako kasi bago siya sundan ay nakaligo na, kaya naman naghilamos na lang ako at brush. Nang makalabas siya ay basa ang buhok niya sa harap at nakasuot lang siya ng bathrobe. "Kiss, love." He pouted his lips and leaned kaya naman dinampian ko 'yon at natatawang tinapik ang dibdib niya.

"Go, change. Sleepy na ako," I stated and brushed my hair before hopping on the bed, humiga ako at kinuha ang hugging pillow na madalas kong yakap sa tuwing naka spoon hug siya.

Ipinikit ko na ang mata dahil sa antok rin. Ngunit naramdaman ko ang pagsampa ni Kent Axel sa kama at ang pagyakap niya, "it's cold why are you half naked love?" Inaantok na tanong ko, ngunit sinagot niya ako ng damping halik sa balikat dahilan para magtaasan ang balahibo ko.

"Love." Naninitang sabi ko habang nakapikit.

"Hmm?" Sa tugon niya ay lumunok ako lalo at dahan dahan siyang hinarap ngunit nang magkaharap ang mukha namin ay mahina kaming natawa kaya niyakap niya na lang ako at ginawa kong unan ang braso niya.

"If tomorrow will be the last day of our lives, what are we going to do?" Pabulong niyang tanong.

"Huh? Edi makasama kayong kumain lahat pamilya." Ngumiti siya at itinaas ang kamay niya sa ere kaya napatitig ako doon, veins are visible, bones are well made.

"Why is that?" Itinaas ko rin ang kamay ko at ginaya siya.

"I now understand why mom and dad doesn't want me to become a lawyer ay the first place," napalunok ako at tinitigan siya.

"It's hard, I aim for justice but then at the same time I extinguished people. If murder is a crime, then why would the murderer suffer death penalty too? If killing is a crime then why punish someone death too?" Napaisip ako bigla sa sinabi niya.

That's deep, sa sobrang lalim hindi ko ata ma-grasped.

"Pag lumaki na ang dalawang anak natin love, gusto ko silang suportahan sa kung saan sila masaya, at sa kung anong gusto nilang aralin. If they wanted to be a lawyer someday, I will definitely agree. If doctor, I will still agree." Nakinig lang ako sa sinasabi niya, sometimes he's like this opening something that he's been thinking lately.

And being in a relationship hindi lang dapat sweet, hindi lang parating I love you, hindi lang panay gifts sometimes listening is the best way to make everything out para walang gumugulo sa isip ng isa't isa. "Remember the days when I'm in pre-med course? My parents told me if I decided to stop my dream. The law." Tumango ako bilang sagot sa kaniya.

"Also my sister, being a doctor. Mahirap talaga dahil pag fractured ang kamay mo you can't open someone's body, right? That's why my sister mastered fencing." Ngumiti si Kent Axel at hinawakan ang kamay ko.

"Kahit gustong gustong manapak ni noona ng mukha noon, pinipigilan niya. Naisip ko nga noon, why does my noona have reasons behind her skills? Bakit ako wala?" Napatitig ako sa mukha ni Kent Axel sa sinabi niya.

Wala ba talaga?

"Hindi ako magaling sa espada unlike my sister, and your brother."

"But you're good at martial arts, guns, sniper, right?" Nangiti si Kent Axel at tumango.

"Sa tingin mo, ano kayang magugustuhan ng anak natin na aralin?" Bigla ay napaisip ako, at natakot para sa mga bata dahil papaano kung mapahamak sila?

"Pakiramdam ko nararamdaman ko na yung worry ng isang parent para sa anak nila, ganito rin siguro naramdaman ng magulang natin 'no?" Biglang sabi ko.

"Yeah, hayaan mo gagabayan natin sila. Ituturo ko lahat upang alam nila kung paano ililigtas ang sarili nila." Nakangiting sabi ni Kent Axel.

"Si Arkeb at Amora ang susunod sa yapak nating dalawa, look at Laze now well trained and just like her parents." Bigla ay namangha ako sa sobrang kaalaman ni Laze.

"Okay, let's sleep?" Anyaya ko at sumandal sa dibdib niya.

"Good night love, I love you to the moon and back." Malambing niyang sabi at hinalikan ako sa noo dahilan para pumikit ako at namnamin ang sandali.

"Good night, I love you." Bulong ko at yumakap lalo.

...

I was in the hospital, here in Palawan when Amora started calling me three times in a row. Nag-aalala kong tinawagan muli ang bunsong anak ko na nasa pangangalaga nila Mama Miyu sa city dahil gusto nilang mag-aral sa city.

"Mommy.." Nangunot ang noo ko ng umiiyak na naman siya sa kabilang linya, wala bang oras na tatawag siya ng hindi umiiyak?

"What's wrong baby? Nag-away na naman kayo ng kuya mo?" Wala pa man siyang sagot ay napatayo na ako ng bumukas ang office ko sa ospital at bumulaga si Kent Axel.

"Mommy si kuya po kasi, nakipag-away po.." Umawang ang labi ko sa narinig kaya naman tinanguhan ko si Kent Axel.

"Si Arkeb, nasa ospital sa city. Tumawag sa akin sila mom at dad." Nasapo ko ang noo dahil alam kong hindi si Arkeb ang nasa kama, baka yung nakaaway niya jusmiyo naman.

"Ang lola niyo nandiyan ba?" Kwestyon ko.

"Police station po mommy, p-pinapatawag po kayo ng parents po ng mga pinatulan po ni kuya mommy, sorry po. It's my fault po talaga—"

"Okay, okay, we'll go there and then we'll talk okay?"

"Opo mommy.." pinatay ko na ang tawag at kinuha ang bag ko tapos ay tinangay si Kent Axel.

"Nawala lang si Jami sa tabi nila, panay ganito na ang nangyayari." Dismayadong sabi ko at bago pa man ay may chopper na sa tuktok ng hospital kung kaya't naging mabilis lang ang byahe.

Nang makarating sa city hospital ay seryosong seryoso ang mukha ko at hinanap ang dalawang anak ko, Kent Axel is at the police station doon na siya kaagad dumeretso.

Nang nasa emergency room na ay binati ako ng nurses dahil kilala nila ako even the doctors. "Arkeb," pagkatawag ko sa anak ko ay nakita ko kaagad ang naka-benda niyang kamao.

"Mommy." Lumapit kaagad si Amora at yumakap sa akin.

"It's not kuya's fault mommy, don't be mad at him." She explained, sinilip ko kaagad ang mga batang nakahiga sa kama at halos masapo ko ang noo ng makitang nawalan ng ngipin ang isang bata, at ang isa ay may malaking itim sa mata.

"Doc, the parents are really mad po talaga." Nang dumating ang doctor na nag-aasikaso sa mga bata ay huminga ako ng malalim.

"I'll talk to them," wika ko but then before leaving the kids I heard Arkeb talk to the one, Arkeb is 18 years old, on his college year.

"I actually hate people like you, you have the guts to have a deal with me and now you lose you'll make my grandparents pay?" Tumayo ako sa gilid sa kung saan hindi nila ako makikita. Arkeb is a serious person, not expecting that when he was in three years old.

"Akala ko ba ayaw mo sa kapatid mo? Ginawan na kita ng pabor." Nangunot lalo ang noo ko.

"Isang salita mo pa, limang ngipin mo ang aalisin ko." Banta ni Arkeb.

"Bastusin mo pa yung kapatid ko, paa ko na gagamitin ko sa mukha mo naiintindihan mo? Ngayon tignan natin kung sino ang makukulong sa ating dalawa." Huminga ako ng malalim at nilapitan na ang dalawang anak ko.

"Arkeb let's go." Anyaya ko at tsaka sila inakbayan kasama si Jami na isang 15 years old.

Dahil hindi kami puwedeng mag-away away sa ospital ay hinanda na lang namin ang isang private room sa cafe ni Mama Miyu, habang nakaupo doon ay pumasok ang anim na magulang na nasa taon rin namin.

Amora and Arkeb are crossing their arms in front of them, I actually teach them manners pero kahit ako ay hindi ko mapigil ang sarili. "Your kid assau—"

"Your kids harrased my 15 year old, she's a high school student and your kids are all college students and 18 years old." Panimula ko, ngumuso si Amora sa sinabi ko.

"Now, I'm giving you two choices. Talk to our lawyer and if proven, your kids will be living behind the bars or let your kids change school." Naitikom nila ang mga bibig at inis na tignan ako ngunit hanggang doon lang 'yon.

"My kids don't lie, specially my eldest." Umirap ang isa kaya ngumisi ako.

"Fine, if your kids don't apologize for what they started? I will file a case that may lead them behind bars. Ayoko sa mahabang usapan, my daughter have bruises that made her older brother mad. Mas makinis pa ang balat niyan sa mukha mong alaga ng derma." Naiiritang sabi ko at tumayo na.

"Less talk," wika ko at sinenyasan ang mga batang tumayo na agad namang sumunod sa akin.

Nang makarating sa sasakyan ay napa-sipol si Kent Axel dahil sa sobrang tahimik. "Mommy, I'm sorry po. Y-You told me po kasi not to brag about my skills po." Ngumiwi ako sa sinabi ng bunso ko.

"How about you Arkahel Sebastian, anong sasabihin mo sa akin?" Kwestyon ko at tinitigan si Arkeb sa mismong mirror ng sasakyan sa gitna.

"I'm sorry mom, but they deserve it." Nakangiwing sabi nito kaya napangisi ako ay ng magkatinginan kami ni Kent Axel ay itinaas baba niya ang kilay.

"Namimiss ko tuloy maging bata, pwede patulan ang mga bata na 'yon—"

"Mommy si daddy po oh," sumbong ni Amora Keina.

"Amora Keina, when needed you could protect yourself. Bunso naman sumasakit ang ulo ko sa kaba," reklamo ko dahilan para mas humaba ang nguso nito.

"Love, doctor ka naman. Ulo ba ang kinakabahan?" Nilingon ko kaagad si Kent Axel sa sinabi niya.

"Tumahimik Kent Axel ha," sita ko.

"She was about to fight, inunahan ko lang mom. I'm not as chill as Hyung Laze." Huminga ako ng malalim at inabot ang kamay niya, nakabenda itonat may bakas pa ng dugo.

"Is your hand okay?"

"Yes mom, dumugo lang dahil sa ngipin nilang parang pang pating." Pigil tawa ako sa describe feature ng anak ko.

"Okay, next time Arkeb kalmahan lang ha. One sapak is enough, two is too much." Ngumiwi muli si Arkeb at sumandal sa sasakyan.

"Okay mom."

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko pa.

"Not yet mommy," malambing na sagot ni Amora kaya naman tumango ako bilang sagot.

"Ako rin eh," natawa si Amora Keina at pinaghawak ang kamay niya.

"Akala ko nag-away na naman kayo ng kuya mo, jusko para talaga kayong mga manok. Parating nagsasabong," kwento ko pa dahilan para matawa si Kent Axel.

"I'm not a strict dad, you guys know that right?" Mahinahon na sabi ni Kent Axel sa mga bata.

"Daddy, yes you are not. Sa sobrang hindi mo po strict sa'yo kami parati nagsasabi ng wants and likes namin. But then when you are mad mas nakakatakot ka pa po kay mommy." Ngumisi ako sa sinabi ni Amora Keina, madaldal siya ay sa tingin ko sa akin niya nakuha 'yon.

Malambing? Ay ewan baka sa kabit ni Kent Axel. Pwera biro lang, huminga ako ng malalim at tsaka ko pasimpleng inangat ang shirt ni Arkeb sa tagiliran.

"Mom, kay dad na lang na abs—"

"Arkahel wala akong pakialam sa abs mo, tinitignan ko yung marka mo sa ibaba ng kili-kili mo." Sermon ko dahilan para matawa rin siya at ipakita 'yon kaya naman hinawakan ko 'yon at tsaka ako matipid na ngumiti.

"Don't get a girlfriend muna anak ha? Not until you're 20." Sabi ko at umayos ng upo, it's a mark from our underground, lahat ng anak namin ay may ganoon kahit na si Sierah, at Jami.

"Mine mommy, check it. It's beautiful," nakangiting sabi ni Amora Keina kaya ngumisi ako.

"That's a flower, a poisonous flower." Lumabi si Amora at ibinaba na 'yon, ayaw na ayaw niya talagang naririnig na poisonous flower ang marka niya doon.

When the time comes, sana hindi ganoon kahirap ang maging misyon nila. Dahil sapat na yung hirap na dinanas namin—

"By the way mom, I just noticed that a man in hoodie is always on my sight. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o ano," dismayadong sabi ni Arkeb kaya sabay kaming natigilan ni Kent Axel.

Hindi kaya? Siya kaya yung hinahanap namin na pumatay sa daddy ko?

=THE END=

@/n: Hindi ko alam kung bitin ba, pero ito lang ang masasabi ko hindi sa iisang libro magtatapos ang buhay ng mga tauhan natin sa libro na 'to pero sana ay masaya kayo sa naging kalabasan ng libro thank you for supporting me until the end sana abangan niyo pa yung future books na may connections sa libro na 'to o sa kwento nila. Keep safe!

Ask me anything here and I'll try my best to answer it. ~~~>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top