Chapter 88 [Amora Keina]
Saji Argelia's Point of View.
It's already our second day here, not until Kuya Luke called me to tell me something siguro. Kent Axel was around when I answered the call.
"Saji, I need to tell you something."
"Ano 'yon oppa?" Mahinahon na tanong ko.
"Zai is missing." Sa sinabi niya ay nangunot ang noo ko.
"Hindi naman na bago kay Oppa Zai ang biglaang nawawala. Madalas siyang may misyon oppa." Paglilinaw ko.
"Hindi 'yon, hindi ganoon, hindi 'yon ang sitwasyon. He left a hint message after following that man who killed your father." Natigilan ako sa sinabi ni Kuya.
"That's impossible, bukod sa'yo oppa. Zai is also untouchable." Lumapit si Kent Axel at naupo sa harapan ko.
"That's the point, but he left a message saying this letters. I don't understand what the hell is this letters but I will send it to you." Dismayadong sabi ni Kuya Luke at pinatay ang tawag.
"I already heard it from noona," Kent Axel stated.
"What the hell happened?" Bulong ko.
"Do you want to go home already? It's an emergency after all." Napatitig ako kay Kent Axel at biglang nakaramdam ng konsensya ngunit ngumiti siya at inakap ako sa braso niya.
"It's nothing." Bulong niya.
"You don't have to worry about me, I mean we can do this everyday even if it's not a special day I promise." Pagsisigurado niya.
"I'm just worried about him, love." Mahinahon kong sabi.
"I am too, I'll call our pilot. Stay there," wika niya at tumayo na upang lumapit sa telepono at doon mismo tumawag. Hanggang sa matigilan siya dahilan para mangunot ang noo ko at titigan ang ginawa niya.
He checked the telephone and then he cursed that made me worry. "Why? What's wrong?" Tanong ko.
"We were being listen too the whole time using this telepono." Pabulong niyang sagot at sinenyasan akong tumahimik. Nanlaki ang mata ko ibig bang sabihin no'n narinig rin ang usapan namin?
Natigilan ako ng abutin niya ang lagayan ng laptop sa ibabaw ng desk at kumuha ng cords dahilan para magtaka ako. "A-Ano?" Senyas ko, hinila niya ako sa tabi niya ngunit ganoon nanlaki ang mata ko ng makita ang kakaibang screen ng laptop.
I saw Kuya Luke did this before, sobrang dami ng numbers and letters even words at marami pa halos ang spacing nila ay period, at marami pa. Hacker?
Nang mapatigil siya ay may kinopya siya at tsaka niya kinuha ang cellphone niya at inilagay ang numbers at ng ilagay niya 'yon ay nanlaki ang mata ko ng makita niya mismo sa map ang biglang pag-zoom nito at doon ay nakita ko kung saang lugar ng pinas 'yon.
"Cut the wires." Bulong niya kaya agad kong kinuha ang make up pouch ko at ginupit 'yon, habang tinititigan niya ang buong lugar ay biglang nag-black ang screen at bumalik sa normal at doon ay mukhang alam ko na.
"They found out." Kent Axel stated kaya naman huminga ako ng malalim.
Tumayo siya at may tinawagan sa telepono. "66.249.66.79 make sure to locate again before they leave, maybe they took hyung." Napalunok ako, is he pertaining to the trackers location?
"We'll be back hyung, okay. Thank you." Nang ibaba niya ang cellphone ay napalunok ako agad at nag-iwas tingin.
Pupunta pa sana ako sa rest room kaya lang naramdaman ko ang palad niya sa tyan ko dahilan para matigilan ako at sa paraan na 'yon ay nahapit niya ako papalapit sa kaniya at niyakap mula sa likod.
"Hmm?" Tugon ko.
"We'll go home." Mahinahon niyang sabi.
"Yeah."
"You alright?" Mahinahon niyang tanong kaya naman dahan dahan ko siyang hinarap at nginitian bago tumango.
"You're pregnant, love." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at natawa.
"Siraulo ka ba? Wala nga akong nararamdaman." Nakangiting sabi ko pa ngunit nagkibit balikat siya.
"I'm sure." He stated before smiling kaya naman nangunot ang noo ko.
"Okay, sabi mo eh." Natatawang sabi ko.
Few months ago
It's been month since we got married, sobrang tahimik ko ngayon dahil sa tinatamad ako sa lahat ng bagay. Nilingon ko naman ang anak ko na kasama si Kent Axel. "Mommy." Lumapit ito sa akin at humalik mismo sa pisngi ko.
"Hi baby, tired?" Tanong ko.
"I enjoyed it mommy, I saw daddy played a gun." Nginitian ko siya at inayos ang buhok niya, tatlong taon pa lang siya ngunit ang kapal kapal na ng buhok niya.
"Love." Babati sana si Kent Axel ngunit kusa akong tumayo at dumeretso sa kusina ng bahay na mukhang ipinagtaka niya.
"Love." Nagtataka niyang tawag.
"Hmm?" Tugon ko.
"You mad?" He asked sweetly.
"Hindi, wala lang akong gana." Mahinahon na sabi ko.
"Hmm why?"
"Wala, huwag mo akong kausapin." Mahinang sabi ko pa.
"Are you pregnant?" Tanong niya bigla dahilan para inis ko siyang lingunin.
"Hindi nga—"
"You don't want to carry my child?" Sa tanong niya ay naitikom ko ang bibig.
"H-Hindi naman sa ganoon." Bigla ay kinabahan ako sa tinig niya.
"Okay." Sagot niya at tinalikuran ako upang lapitan si Arkeb dahilan para mapalunok ako at mag-alala.
Pinanood ko siyang makipaglaro sa anak namin kaya naman napanguso ako at pinakiramdaman ang sarili. Buntis nga ba ako? Ulit? After three years?
"Mommy! Come!" Anyaya ni Arkeb kaya lumapit ako ngunit hindi umimik si Kent Axel.
"Kent Axel." Malambing na pagtawag ko sa kaniya dahilan para padapuin niya ang mata sa akin.
"Sorry."
Matipid siyang ngumiti at tumango kaya naman ngumiti rin ako, umakyat ako sa kwarto at iniwan ang mag-ama ko sa ibaba.
Sa city mag-aaral ang mga bata pagtapak nila sa high school kaya naman mabilis ang taon. Nang makapunta sa kwarto ay kumuha ako kaagad ng PT o pregnancy test.
Kinakabahan kong ginawa 'yon at ng lumabas ang resulta ay sakto namang pumasok si Kent Axel sa kwarto.
"Love, you okay?" malakas na tanong niya kung kaya't lumabas ako ng banyo at tinitigan siya ng makahulugan.
"I am." Matipid na wika ko.
"What's that?" tinutukoy niya ang hawak kong pt mula sa likod ko.
"Ah.." Napaisip ako.
"May I see?" nang marahan niyang ilahad ang palad ay dahan dahan kong inilagay 'yon sa kamay niya.
Bahagya pa ngang nangunot ang noo niya ngunit ng makita ay biglang para siyang nagulat. Tinignan niya akong muli bago hindi makapaniwalang tinitigan ang pt.
"Congrats mommy." Bati niya at nilapitan ako para yakapin.
Napangiti ako at yumakap pabalik. "Congrats again daddy." Natatawang bati ko.
"I told you, one shot one kill." Natawa ako sa sinabi niya dahil ganoon siya pag bumabaril.
Huminga ako ng malalim. "Amora Keina is coming soon," ngising bulong niya kaya kusa akong umirap.
"Sabihin natin kay Arkeb." I suggested. Ngumiti siya at pinaghawak ang kamay namin bago bumaba, nang makarating sa play station niya ay nagtataka niya kaming tinignan.
"Why mommy?"
"Guess what baby," nakangiting simula ko.
"What mommy?" Natawa si Kent Axel at pinantayan ang tangkad ng anak.
"You'll be a brother na," nakangiting sabi ni Kent Axel that made Arkeb swallowed hard.
"Aren't you happy?" Tanong ko.
"No mommy." Nakanguso nitong sabi kaya napalunok ako.
"Why baby?"
"Because if she's a girl I don't like her," napalunok ako sa sagot nito at siniko si Kent Axel upang magtanong.
"Why naman anak?" Mahinahon at malambing na tanong ni Kent Axel.
"Because when I watch Noona Jami and Hyung Laze, noona is so clingy." Napalunok ako sa dahilan nito.
"That's kind of irritating mommy," nakangusong sabi ni Arkeb.
"Sinasabi mo lang 'yan dahil wala pa siya rito, but once you saw her you'll like her a lot." Nakangiting sabi ni Kent Axel.
"No daddy."
"I wish that's a baby boy." Nakangusong sabi ng anak ko kaya naman alanganin akong tumawa.
"So you'll hate her if she's a girl?" Tanong ko sa inosente kong anak na tango naman ang isinagot.
Lumipas ang oras na ng tulugan ay naka-jogging pants na tumabi sa akin si Kent Axel at yumakap. "Loveeee.."
"hmm?"
"I just thought of this," mahinahon niyang sabi kaya nilingon ko siya upang magkaharap kami.
"That it's so easy to cross path with the person you're destined with, but it took a long time to make both of you together." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, he's just resting his back while staring at the ceiling.
"I just wished that those six years, I wished you were beside me and I am beside you." He calmly said and wrapped his arms around my waist.
"But I understand why that happened, because in order to grow we have to grow separately first before growing together." Nakangiting sagot niya sa sarili.
"Just like the seed before it's roots, until it grows into a tree or a plant."
"I have learned that not because you know everything that means you already know everything, a person may stay for a while but leaves you with a lesson. A lesson that you will keep forever," wika niya.
"To be honest, ayoko ng tinuturuan o pinangungunahan ako but you thought me how to take others opinion to be considerate." Ngumisi ako.
"Thank me then," ngising asar ko.
"I'm forever in your debt love, forever." He sweetly said before planting a kiss on my forehead that made me smile.
"Let's keep each other then, until our lasts breaths." Ngising sabi ko at yumakap.
Years past..
Salubong na salubong ang kilay ko habang ang anak naming panganay ay napaiyak na naman ang bunso, nilingon ko si Kent Axel na pigil tawa habang hawak ang codal book niya. "Isang tawa pa KA tatamaan ka rin sa akin," banta ko dahilan para sumeryoso ito at kunyare ay nakakatakot.
"Arkeb, how many times do I have to tell you huh?" Ngumiwi ang panganay namin na si Arkahel Sebastian at tinitigan ang namumulang ilong ng kapatid niya na humihikbi pa.
"I didn't do anything to her mommy, I swear. She's just so clingy," pinagkrus pa ni Arkeb ang braso niya.
"Anak, she's your little sister. She loves you kaya ganoon," Kent Axel told Arkeb.
"I know daddy, but I didn't do anything." Pinaglalaban pa ng anak kong panganay na wala siyang ginawa, pero tama naman sinabihan niya lang ang kapatid.
"Amora Keina," tawag ko rito mas humaba ang nguso nito.
"Why does oppa doesn't like me mommy? He don't love me." Nagdabog pa ito using her one foot.
"Mas komplikado pa kayong dalawa kesa sa case na hawak ko, kiss each other, hug each other or else—"
"Dad please," nauubusang pasensya na sabi ni Arkeb.
"What? Ako na naman?" Ngiwing sabi ni Kent Axel kaya lumapit ako rito at kinurot siya.
"Oh aww— Arkeb say sorry to your little sister." Kunyare ay striktong sabi ni Kent Axel.
"Again?" Ngiwing sabi ni Arkeb.
"Fine, sorry Amora, okay na?" Inis na sabi nito and he was about to walkout na parang daddy niya not until I cleared my throat that stopped him.
"Mommy, I'll study." Paalam niya.
"No, stay." Seryosong sabi ko.
"Mommy." Huminga ito ng malalim kaya tumaas ang kilay ko.
"Take your sister with you," mariing sabi ko.
"Mom," pagtawag niya muli.
"Isang mom mo pa." Banta ko ngumuso ito at lumapit sa kapatid kaya pasimple akong napangiti ng magliwanag agad ang mukha ng bunso namin lalo na ng akayin siya ng kuya niya at isama.
"Yehey!" Tumalon talon pa ang bunso kaya naman ngumiti ako lalo na ng nakatalikod na sila sa akin. Arkeb is so hard to tame, hindi ko inaasahan na magiging ganito siya ka-seryoso growing up para siyang si Kent Axel.
"Love," inakbayan ako ni Kent Axel at hinalikan sa pisngi.
"Look at your first born, kuhang kuha yung ugali mo." Reklamo ko dahilan para matawa siya.
"Parang ikaw nga, ang ilap." Natatawang sumbat niya kaya natawa na lang ako.
"How about hyung pala?" Natigilan ako sa tanong ni Kent Axel.
"Ewan," matipid na sagot ko at nag-iwas tingin.
"Tataas muna ako," paalam ko ngunit pinigil niya ako at niyakap ng mahigpit.
"I will stay here beside you, okay?" He assured and tapped my back that made me sighed.
"I'm fine love," mahinahon kong wika.
"I know, I just wanted you to know that hindi porket matagal na tayong mag-asawa papabayaan na kita. Kung may problema ka problema ko rin, hindi kita iiwan sa kahit anong laban." Napangiti ako at isinandal ang baba ko sa balikat niya.
"I love you," bulong niya.
"I love you Kent Axel," tugon ko at ngumiti.
"Sorry to disturb your emotional conversation tita, tito but I came here to offer you a deal." Sabay kaming napalingon sa malamig na tinig ni Laze.
"You flew from city to here?" I asked and lumapit sa kaniya.
"Yes tita," humalik ito sa pisngi ko at dahil mas matangkad na sa akin si Laze ay napapansin ko na habang mas tumatagal mas nawawalan ng pag-asa ang emosyon niya.
"What type of deal?" Tanong ni Kent Axel at lumapit.
"Tito, help my friend." Nang sabihin niya 'yon ay nagawa niyang ipaintindi sa amin ang nangyayari sa maikling kwento nito, ngunit punong puno ako ng pagtataka dahil hindi siya yung tipo ng tao na magkakaroon ng pakialam sa kahit na sino.
"That's a different case, sa totoo lang I don't hold cases like this dahil masyadong sensitive nadadala ako sa emosyon ko." Mahinang sabi ni Kent Axel kaya siniko ko siya.
"Help him," utos ko.
"I will, I will help him and his friend. I'm just saying na it will be a different case and a lot of things might messed up. Pag tayo nabaliktad masasaktan ang kaibigan mo," Kent Axel explained and tapped Laze's back.
"But I know you won't let it go and let it be messed up tito." Pansin ko na malaki ang tiwala ni Laze sa tito niya pagdating sa ganitong bagay dahil kaso nga naman ang usapan.
"Okay, make a reservation. I'll meet your friend." Huminga ako ng malalim at naawa sa kaibigan niya, ang bata niya pa para danasin 'yon.
"Tito, I have one favor to ask." Napalingon ako muli kay Laze.
"Don't tell my friend I begged you, help my friend for free. A-Ako na po ang bahala sa expenses." Napalunok ako, so he really care for this friend.
"Huh? I mean I won't make your friend pay and you, I will do it voluntarily." Kent Axel stated.
"I don't need anyone to be thankful for what I did, I just needed you to help this friend tito." Napalunok ako, ugaling Kuya Luke amp.
"Okay then, hindi kita babanggitin?" Tanong muli ni Kent Axel.
"Yes tito, never okay? Never mentioned me." Ngumiti si Kent Axel at mabilis na sumangayon.
Nang mapansin nilang nakatingin ako ay ngumiti ako. "I'm sure he'll succeed in this case. Three trials right?" Tanong ko.
"I will make it two trials," Kent Axel seriously stated that made him more attractive for me. He looks so strict pero may soft spot yan sa mga victim clients niya.
"How's your training doing Laze?" Nagbabakasakali kong tanong.
"I actually have a special mission outside the country tita, I will leave for a while and be back." Ngumiti ako at tumango tango.
"I hope you're well."
"Arkeb will be in my hands soon tita, hindi ko siya pababayaan." Ngumiti ako at tumango tango.
"Salamat Laze," tumango lang siya at walang kung anong emosyon ang pinakita.
"How about Amora?" Nagbabakasakali kong tanong ngunit napalingon ako sa pinto ng marinig ang malambing na tinig ni Jami kaya napangiti ako.
"Titaaaaaaaaaaaaaa~" mahaba niyang sabi at agad na yumakap.
"You're still beautiful as ever, I love your hair tita." Ngumiti ako at yumakap pabalik.
"How's city?" Tanong ko.
"Great! Tita, I will take Amora soon and let her date—"
"Hey, no dates." Sermon ni Kent Axel kaya natawa ako.
"Duh Tito, I will takas her soon to party with me when she grew up." Asar pa ni Jami sa tito niya kaya mas natawa ako.
"Sige sumbong kita sa mommy mo, akala mo ha." Ganti ni Kent Axel kaya natawa ako.
"Hala si Tito Kent ang Killjoy," ngiwing sabi ni Jami at hinawi ang maganda at makintab niyang buhok.
"I'll call her now, hello noona—"
"Tito naman I'm just kidding!" Pigil ni Jami at lumapit sa tito niya kaya mas natawa ako, while Laze is so tahimik staring outside the window.
"Oppa, Bullet ate my sandals." Biglang sabi ni Jami sa kuya niya kaya huminga ng malalim si Laze.
"I'll change it, times three." Ganoon sila kabilis gumawa ng deal, oo agad may palit agad.
"By the way tita, si Amora at Arkeb hindi pa rin okay?" Tanong ni Jami.
"Tigasin rin yung pinsan mo na 'yon, kung pwede lang sermonan kaya lang mana sa daddy. Madamdamin," ngiwing sabi ko.
"Sus that one is soft rin tita, nag-iinarte lang." pagsangayon ni Jami kaya tumango ako.
After that I just realized how fast time is, noon ay baby pa sila ngunit ngayon kaya na nilang magdesisyon para sa sarili nila noon kami lang yung nasa posisyon nila pero ngayon tumatanda rin kami tulad ng mga magulang namin.
Huminga ako ng malalim at tinitigan ang sing sing ko na kahit kailan ay hindi na naalis sa daliri ko, ang kintab pa rin niya, hindi nagbago ang hitsura nito tulad namin ay hindi rin nagbago kung gaano namin kamahal ang isa't isa.
Pakiramdam ko ang sing sing na 'to ay ang basbas namin bilang mag-asawa na kahit kailan mag-asawa pa rin kami hindi man bati, hindi man kami parehas ng desisyon at kahit hindi man kami parehas ng ipinaglalaban.
Mag-asawa pa rin kami sa kahit anong sitwasyon at anggulo.
"Love, you're bad at math right?" Nagsalubong ang kilay ko sa tanong ni Kent Axel.
"So what?" Inis na sabi ko.
Iinsultuhin na naman ako nito dahil hindi nakaka-get over dahil nalilimutan ko kung ilang taon na siya. "Wala lang, you're bad at math but can we do 34+35?" Umawang ang labi ko sa tanong niya at mabilis na kinuha ang sandok at agarang ibinato sa kaniya.
Natatawa niya iyong sinapo. "Ayaw pa?" Tanong niya.
"You have some guts to ask me after insulting my skills huh?" Gigil na sabi ko.
"Love, it's a pick up line. A dirty one," ngising sabi niya kaya umirap ako at napailing na lang.
Siraulo talaga, 34+35=69 right? Tama ba? Damn I'm really bad at numbers!
///
@/n: Malapit ng matapos, nakalimutan ko ang part na 'to jusko pero matatapos na 'to dahil I need to proceed na rin sa ibang generation after the book Hidden Desire.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top