Chapter 85 [A.S.G.S]
Saji Argelia's Point of View.
Hawak hawak ko ang tyan habang nagsisimula na si Kent Axel na hatiin ang unang cake para malaman ang gender ng baby naming dalawa. "Pag puti yung tinapay ng cake, wala pa. Pero pag pink or blue alam niyo na." Paalala ni Kuya Zai at binuksan ang iba pang cake.
"First cake is color— White! Awit!" Reklamo ni Kuya Zai kaya natawa ako.
Sunod na cake ay ako na ang hahati, kagat labi ko itong hiniwa at pagka-angat ay dismayadong dismayado ako dahil kinakabahan ako pero kulay puti pa naman. "Hmm pwede ba pumili ng cake?" Tanong ni Kent Axel.
"Sige lang, sampo yang cake." Nakangising sabi ni Kuya Luke.
Ang pangatlong cake ay kulay puti pa rin, ang pang-apat ay puti pa rin kung kaya't ang susunod na hahatiin ay kulay puti pa rin hindi kaya scam 'to?
"Kingina pang nuebeng cake na wala pa ring reveal!" Naiinis na reklamo ni Kuya Zai at nauubusang pasensyang kumuha ng lollipop na para sa mga bata dapat.
"Ako na magdedecide! Lalake!" Dagdag niya at isinubo ang lollipop kaya naman nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ko kinuha ang panghati ngunit ng i-angat ko ay nagsigawan ang lahat sa saya hindi dahil sa anak ko kundi dahil sa nanalo sila sa pustahan.
"Ang daya naman!" Reklamo ko agad.
"Just be happy." Natatawang sabi ni Kent Axel at inakap ako.
"We'll have a baby boy." Ngising sabi niya.
"Bibigyan mo ako ng bunso." He added that made me laugh.
"So it's a boy, huwag naman sanang kaugali ni Saj—"
"Oppa naman!" Inis na sabi ko kay Kuya Zai dahilan para humalagapak siya ng tawa.
"Oh angal angal." Nakangiting sabi niya bago ako inagaw kay Kent Axel at niyakap.
"Ang bunso namin magkakaroon na ng baby." Napangiti ako at niyakap rin pabalik si Kuya Zai.
"Thank you for always being there oppa, so ano nanalo ka ba sa pustahan?" Tanong ko dahilan para matawa siya at yukuin ako para silipin ang mukha ko.
"Nagseselos na ba ang feeling panganay mong kuya?" Sa sinabi niya ay nalingon ko si Kuya Luke na magka-krus ang braso at pinanonood kami.
"Ang tagal. It's my turn already." Ngiwing sabi nito kaya naman natawa kami ni Kuya Zai at tsaka ako yumakap kay Kuya Luke.
"Hay nakooooo susunod bridal shower na ba? Kami sa groom." Ngising sabi ni Kuya Luke.
"Soon oppa." Wika ko.
"Masaya ka ba?" Tumango tango ako bilang sagot sa tanong niya hanggang sa may humila sa laylayan ng dress ko ay napangiti ako ng makita si Jami.
"I told you tita, Tito KA will be the one." Ngumiti ako ng maganda at yuyuko na sana ako ngunit may palad na marahan na lumapat sa noo ko at ng tignan ko ito ay inginuso niya ang tyan ko dahilan para maalala.
"Bawal pala."
"Pasaway." Sita niya.
"You know that I can marry you thrice right?" Pati si Jami ay napatingin sa kaniya.
"Tito sabi mo pag tama ang hula ko bibigyan mo kami—"
"Shh that's a secret." Nangunot ang noo ko at sinamaan ng tingin si Kent Axel.
"Ano 'yon?"
"Wala," sagot niya agad at pasimpleng tinakpan ang bibig ni Jami at tsaka pasimpleng inilapit sa maraming candies bago bumalik sa akin.
"Kent Axel ano 'yon—"
"Wala love, wala." Nakangising sabi niya at aakbayan na sana ako pero mahina ko siyang pinalo sa braso.
"Tell me nowwwwww—"
"Yes love, pag dumating sila sa 18 bibigyan ko sila ng sports car na gusto nila. Silang tatlo kasama si Sierah, Laze at Jami." Ngumiwi ako.
"Natalo ako, sagot ko na branch ng law firm mo. Kahit sagot mo na araw araw kong snacks." Natawa si Kent Axel bago ako inakbayan.
"Malapit na." Magaan niyang ipinatong ang palad sa tyan ko kaya napangiti ako.
"Malapit na nga." Ngising sabi ko, sa ilang oras ay nag-enjoy ang lahat kung kaya't ng matapos ay pinili kong magpahinga sa penthouse na tinutuluyan namin.
Our house is under construction, sa totoo lang sa dami ng kinuhang taga-gawa ay mabilis na matatapos ang bahay. Ang engineer at architect naman ay ang tumulong sa amin idisenyo ang bahay.
I was about to go to bed but Kent Axel hugged me from the back that made me smile, he remembered a lot but others are still missing just like me, hindi naman ganoon babalik lahat lahat agad agad sa isang segundo lang.
"Why?" Mahinang tanong ko. Ipinatong niya naman ang baba niya sa balikat ko kaya nakagat ko ang ibabang labi.
"I'm so excited," bulong niya sa mismong tenga ko dahilan para tumaas ang balahibo ko.
"You just gained weight, get a baby bump but after all you're not chubby. Don't be insecure, you have our baby there okay?" Nang sabihin niya 'yon bigla ay nagitla ako, napapansin ba niya?
"I-I am not—"
"Hush, love. Sa sobrang kilala na ata kita hindi ka na pwedeng magsinungaling sa akin." Napanguso ako sa sinabi niya kaya hinarap ko siya.
"You know what's awful to me right now love?" He sweetly whispered that made me raised my eyebrows.
"What?"
"The fact that I'm getting hard, but I can't do anything." Nanlaki ang mata ko at hinampas siya sa braso.
"Ang bastos love."
"It's not bastos, it's the truth." Pinaglaban pa niya kaya naman ng maupo ako sa kama ay tinulungan niya akong itaas ang paa ko kaya naman sumandal ako sa headboard at tinitigan siya na nakatayo sa harapan ko.
"I love you." Nakangiting sabi niya kaya naman pasimple kong kinagat ang dila dahil kinilig ako, hindi ko 'to parating naririnig dahil mas lamang ang pagpaparamdam niya no'n.
"I love you." I stated back that made him smile and jumped beside me to lay down his body.
"My back hurts." Dumapa siya kaya naman ikinuyom ko ang kamao at mahinang tinapik tapik ang likod niya at mukhang nakahinga naman siya ng maluwag sa ginawa ko.
"That helps."
The days and weeks went smoothly, I've been laboring at the hospital room while Kent Axel is helping me ease the pain. Ngayon ko lang na-realize na mas nanaisin kong saluhin ang isang bala kesa mag-labor.
Sobrang hirap! Ang sakit sakit! Parang mabibiyak ang buong tyan ko!
"You're so calm Saji." Nalingon ko si Kuya Luke, kung alam mo lang oppa mahigit isang daang mura na ang sinabi ko sa isip ko dahil sa sakit.
"Si noona halos manakit ng tao eh." Kent Axel added that made me frown.
"Masakit, sobra." Mahinahon kong sabi.
"But I am capable of being calm kahit masakit na." Nakangiwing sabi ko, lumabi si Kent Axel at kagat labing marahan na hinimas ang ibabang likuran ko o lower back upang bawasan ang sakit.
"Nagdala ako ng ice cream, kain muna kayo matagal tagal pa 'yan—"
"Ano ba Zai, nagle-labor yung bunso niyo nagawa mo pang bumili ng ice cream ano 'yan kakainin natin habang pinanonood siyang nasasaktan." Sita ni Ate Mia dahilan para matigilan si Kuya Zai.
"Aba eh bawal ba?" Tugon pa nito kaya ngumiwi ako.
"Pahingi." Halos samaan ko ng tingin si Kuya Luke ng dumampot pa siya ng magnum at tsaka kumain.
"Bwisit talaga kayo 'no." Inis na sabi ni Ate Mia.
"There's nothing wrong with eating ice cream baby, why are you so mad?" Nakangising tanong ni Kuya Luke, Ate Mia was about to throw a punch but suddenly Kuya Zai choked that made me smile.
"Teka ang tigas naman ng ice cream na 'yon." Natawa ako ngunit ng sumakit ang tyan ay halos makurot ng kamay ko ang buong braso ni Kent Axel na halatang tinitiis niya.
"What do you want me to do? Do you want me to carry you?" He asked but Ate Mia remind him.
"You can't Kent Axel, she needs to stand, or walk." Napabuntong hininga si Kent Axel.
"Huwag ka ng magbuntis ulit, ang hirap pala." Reklamo niya kaya naman napangisi ako.
"Ikaw na lang magbuntis?" Nakangiting tanong ko pero ngumiwi siya.
"Ayoko, okay na pala ako sa isa love. Naawa ako sa'yo." Mahinahon niyang sagot sa akin at inayos ang buhok niya dahil pinapawisan ang noo niya.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong ko.
"Doctor ako, Kent Axel. Kaya ko 'to." Pagpapakalma ko sa kaniya.
"I trust you, but my heart breaks when you're in pain." He immediately replied while frowning.
"I'll be fine, mabilis na proseso lang 'yon." Nakangiting sabi ko kahit ang sakit sakit na.
"I'll be inside the room naman right?" He asked.
"Yes."
"Okay.." Huminga siya ng malalim. Lumipas lang ang isang oras ay namalayan ko ang sariling nakahiga sa kama at hawak na ni Kent Axel ang kamay ko.
"Babae ang doctor, hindi lalake. Malinaw?" Paglilinaw ni Kent Axel kaya naman napa-iling na lang ako.
"Yes attorney," wika ng babaeng nurse.
"Ako lang dapat ang lalake dito—"
"Anong ikaw lang! Tatay na rin kami ng anak niyo—"
"Luke at Zai! Labas!" Umalingawngaw ang sigaw ni Ate Mia at pahablot na inilabas ang dalawa.
"Lock the doors!" Bilin niya kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti kahit ramdam na ramdam ko na ang sakit at ang baby ko.
Hanggang sa nagsimula na ang proseso at ginawa ko talaga ang lahat ng makakaya ko upang hindi mahirapan ang baby ko at ang doctor, ngunit pati si Kent Axel ata ay sinabayan ako.
"Malapit na doc! Konti pa!" Malakas na sigaw ng doctor ko kung kaya't huminga ako mg malalim kasabay ng mahabang pag-iri.
"Shit! It's coming out love!" Natatarantang sabi ni Kent Axel kaya naman halos bumaon ang kuko ko sa kaniya ng sa huling pag-iri ko ay wala pa kaming marinig na iyak.
"What's wrong?" Kent Axel asked that made me open my eyes tiredly.
"Make yourself conscious love." Habilin ni Kent Axel at ginigising ako.
Natanaw ko naman ang anak ko na hinahagod sa likod at kasabay no'n ay ang malakas na pag palo sa kaniyang puwetan ngunit wala pa rin hanggang sa sunod na pagpalo ay sobrang lakas ng iyak nito.
Napangiti ako at inaantok na tinanaw ang anak ko. "It's your baby boy doc!" Masayang sabi ng doctor ko at inilapit sa amin ang baby.
"God, thank you." Napapikit pa si Kent Axel ay tinignan ang anak namin na ipinatong sa dibdib ko.
"He's so handsome.." Kent Axel stated, our baby was crying and I'm so relieved to hear it.
Nang tignan ko si Kent Axel ay kahit inaantok ako ay nag-aalala ako kaagad ng makita kong emosyunal siyang umiiyak. "H-Hey why a-are you crying?" Kinakabahan kong tanong but he smiled.
"I am so happy." His voice became normally husky.
"Good job love, I am so proud of you." Napapikit ako ng halikan niya ako sa noo.
"Ang ganda mo." Napalunok ako dahil pinanonood kami ng mga nurses and my doctor.
"Our angel is now here with us," he whispered and wiped his tears that made me smile.
After that I fell asleep.
Nagising na lang ako dahil naririnig ko ang boses ni Kent Axel at ni Kuya Luke. "Alagaan mo 'yang mag-ina mo Kent Axel, sa oras na umapak ka bilang taga mana ng Sanez hindi madali." Kahit nanghihina ay inabot ko ang kamay ni Kent Axel dahilan para lingunin niya ako.
"Gising ka na love." Bati niya.
"Mm, si baby?" Tanong ko kaagad.
"Ipapasok na rin siya dito." Nakangiti niyang sabi kaya naman tumango tango ako.
"Mom and dad will visit," wika ni Kent Axel at naupo sa espasyo sa gilid ng kama ko at inayos ang buhok ko.
"Anong oras na?" Tanong ko.
"8 AM na love." Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"What? Ganoon kahaba ang tulog ko?" Nagrereklamo kong sabi pero ngumiti si Kent Axel.
"Don't worry, bantay sarado nila noona si baby." Nakangiting sabi ni Kent Axel.
"I also visited him, hindi pa pero namin siya nahahawakan." He explained.
"Pinanganak ko siya at 10 PM," I recall.
"Yeah— oh nandito na pala si baby." Nakangiting sabi ni Kent Axel ng pumasok sila Ate Mia kasama ang lagayan ng baby kasama rin ang doctor ko.
"Lupet mo bunso! Ang gwapo—"
"Huwag kang maingay Zai," sita ni Ate Mia.
Inalalayan nila akong maupo kaya naman napangiti ako ng matanaw ang mahimbing na natutulog kong anak, I waited for the doctor to carry him and give it to me.
Nang mabuhat ko siya ay napangiti ako with freaking tears! "Welcome to our new family member, Arkahel Sebastian Garcia Sandoval." Ate Mia announced that made me smile.
"Tangina naiiyak ako bro." Napaiwas tingin si Kuya Zai kaya lumabi ako at tinitigan ang anak ko, naupo si Kent Axel sa tabi ko at hinawakan ang kamay ni Arkahel na sobrang liit.
Nakisilip rin sila Ate Mia, Kuya Luke at Kuya Zai. "Ang haba ng pilikmata." Pagpansin ni Kuya Zai.
"Ang kapal na agad ng kilay, mapapansin mo oh." Tukoy ni Ate Mia kaya napangiti ako lalo.
"Parehas sila ng labi ni Kent Axel, no doubt siya nga ang ama." Nakangiting sabi ni Kuya Luke.
"I'm so excited to see his eye color." Nakangiting sabi ni Kent Axel kaya naman marahan kong hinaplos ang pisngi ng anak.
"Ang taba ng pisngi Saji. Hala nakikita ko si Kent Axel." Napangiti ako sa sinabi ni Ate Mia.
"Sabi nila kung sino daw kamukha ng bata, 'yon daw ang mas nasarapan ng ginagawa niyo siya." Natatawang sabi ni Kuya Zai.
"Gago, nonsense." Singhal ni Kuya Luke.
"Ay tangina bro, ang lupit mo. Halos ikaw pala sa lahat—"
"Shut the fuck up Zai," sita ni Kuya Luke kaya mahina akong natawa.
Ngunit ng umiyak si Baby Arkahel ay agad na napalayo si Ate Mia, Kuya Luke, at Kuya Zai. "Time to breastfeed." Nakangiting sabi ni doc kaya naman napalunok ako at niyuko ang sariling dibdib.
"Lalabas na muna kami, Saji call me if you need help okay?" Nakangiting sabi ni Ate Mia at inakay ang dalawa kong kuya papaalis habang si doc ay lumabas na rin to give us privacy.
"U-Uhm should I look away?" Kinakabahan na tanong ni Kent Axel kaya natawa ako.
"Stay, you can help me." Nakangiting sabi ko.
"H-How?" He looks so nervous ngunit ng ituro ko ang pump ay agad niya itong kinuha at lumapit sa akin, pump para lumabas yung milk, ihiniga ko si Baby Arkahel sa gilid dahil malaki ang space ng kama.
Binantayan naman siya ni Kent Axel ngunit nagtataka ako nitong tinignan. "What is that for?" He's so clueless.
"You look fresh, while I look so haggard." Pag-iiba ko ng usapan dahilan para matawa siya at ngumiti na lang.
"You're still beautiful love," wika niya kaya napangiti ako at inangat ang suot kong hospital gown dahilan para sobrang magulat si Kent Axel at mag-iwas tingin.
I pumped it kahit medyo masakit ngunit ilang pump pa lang ay halos ako ang magulat ng sobrang daming milk ang lumabas. "Fuck what the— what should we do?" Kinakabahan na tanong ni Kent Axel.
Tahimik ko lang na hinayaan muna itong tumulo before taking our baby and breastfeed it, tumigil sa pag-iyak ang baby namin at sa totoo lang masakit yung boobs ko like it feels so mabigat and basta masakit.
At dahil nakasandal ako sa headboard ay natigilan ako ng maupo si Kent Axel sa tabi ko at isandal ako sa dibdib niya dahilan para mas maging kumportable ako. "Love." Mahinahon niyang tawag.
"Mm?" Tugon ko.
"I will swear to god, that even if we're not in good terms I will always take care of both of you." Pabulong 'yon ngunit damang dama ko kung gaano ito kasinsero.
"Hindi ko maipapangakong hindi tayo magkakalabuan, pero kung sakali mang dumating ang araw na 'yon hindi pa rin kita iiwan. Aantayin kong luminaw ang lahat at sa oras na mangyari 'yon pasasayahin kita ulit." He said.
Lahat ng sinabi niya ay makatotohanan at posible talagang mangyari sa reyalidad, he simply wrapped his arms around my shoulder and gently kissed the side of my forehead.
"Kung sakali mang hindi na nakaka-kilig ang pagbigay ko ng bulaklak sa'yo, magtatanim ako ng paborito mong bulaklak at hindi ko sila hahayaang mamatay hanggang sa umusbong sila at sa tuwing makikita mo sila ay maalala mo kung ano ang sinabi ko ngayon." Bahagya ko siyang tiningala ngunit napansin ko na tumulo na ang luha niya.
"I am so happy that you came into my life, Saji." Nang emosyunal niya 'yong sabihin ay nakagat ko ang labi at naluha rin.
"Nakakainis ka naman." Parehas kaming natawa ng mahina dahil nag-iiyakan na kami.
"Ipinapangako ko, tandaan mo 'to love. I will cherish you for the rest of my life." Napangiti ako dahil kahit hindi niya sinabi ang katagang I love you Sinabi ng mga salita niya ang mas malalim pa na paraan para masabi niyang mahal niya ako.
And I will take care of you for the rest of my life, even if our paths were already different from before.
///
@/n: Marami ring nag tatanong kung may book 2 daw ba? Sa totoo lang hindi pa ako sigurado dahil wala pa akong plot 😓🥺 pag-iisipan ko pa muna siguro. Ingat enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top