Chapter 82 [Take me]
Saji Argelia's Point of View.
Kinaumagahan ay sobrang sama ng mood ko, sinisimulan na rin ako ng mga morning sickness kung kaya't sobrang naiirita ako ngayong araw. Pabadog akong bumaba, seryosong seryoso ang mukha.
"Oh may galit ka sa mundo bunso?" Natatawang tanong ni Kuya Zai kaya umirap ako at naupo na sa harap ni Kent Axel.
"Napano ka?" Tanong naman ni Kuya Luke.
"Normal sa buntis 'yan, wala sa mood." Singit ni Ate Mia at inilagay ang umagahan namin sa gitna ng mesa, bumuntong hininga ako at sinapo ang mukha ko sa sobrang irita na nararamdaman.
"Malupitang mood swings, nang una malupit lang kasi 'di pa buntis." Natatawang sabi ni Kuya Zai kaya naman umirap ako at nang magsimula ng kumain ay inabot ko ang lobster tail at tsaka inilagay sa plato ko.
"Walang salad?" Nakangusong sagot ko.
"A-Ah gusto ko b—"
"I'll make one then," Kent Axel stood up instantly without taking any words from us. Napalunok ako ng ngumisi si Kuya Zai.
"What a perfect husband." Ngising sabi ni Kuya Zai bago kumain sa sarili niyang plato.
"Kailan ka uuwi sa inyo?" Tanong naman ni Kuya Luke sa mas nakakatandang si Kuya Zai. Hamak na mas matanda ng isang taon si Kuya Zai ngunit dahil sa sanay na silang dalawa sa walang galangan ay hindi na bago sa kanila ang ganiyang trato.
"I heard Gavin is back?" Sa sinabi ni Kuya Luke ay nanlaki ang mata ko.
"Oo nga pala may appointment siya sa akin, anong oras na po?" Tanong ko kaagad.
"9 AM, kumain ka muna." Nakahinga ako ng maluwag dahil 10 AM ang schedule niya sa akin.
Nang makabalik si Kent Axel ay nilagay niya sa harap ko ang panay green leaves na nasa mangkok kaya naman tumikhim ako bago nagpasalamat, "Thanks." His response was a slight nod.
After eating breakfast I decided to make myself look presentable, huminga ako ng malalim at tsaka ako nagsuot ng dress para hindi maipit ang tyan ko. Nang matapos mag-ayos ay pumasok si Kent Axel na naka-suot ng simpleng gray slacks at white shirt kaya naman napalunok ako.
"Sumabay ka na sa akin," mahinang wika niya.
"Okay." Sangayon ko.
Nang maibaba niya ako sa harap ng ospital ay nakita ko kaagad si Gavin na nakatayo sa entrance kaya naman ngumisi ako. "Gavin," bati ko. Ngumiti ito sa akin ay kumaway.
"How's your flight?" Kwestyon ko.
"All goods, my mom is visiting a friend here. So I set an appointment," wika niya kinamayan ko siyang muli.
"Isang buwan pa lang ata," natatawang sabi ko.
"Magdadalawang buwan na," pagtatama niya at aalis na sana kami ngunit may humawak sa braso ko dahilan para mapalingon.
"Masakit yung ulo ko, Saji." Mahinahon na sabi ni Kent Axel dahilan para mag-alala ako.
"H-Ha? Saan?" Tanong ko at hinarap siya.
"Wait lang Gavin," wika ko.
"Tara sa office ko, I'll check." Inakay ko si Kent Axel sa braso at tinangay sa elevator, sumunod naman si Gavin sa amin.
"Napano ka bro?" Tanong ni Gavin kaya mahina ko siyang siniko.
"Hindi ka niya kilala, pakilala ka muna. Pero mamaya na 'yon," mahinang wika ko at kinuha ang pulsuhan ni Kent Axel para i-check siya ng mabuti.
His heart rate was fine, nang makarating sa office ko ay kinuha ko ang stethoscope ko sa drawer at chineck ang pag-hinga niya. "How do you feel? Dizzy?" Tanong ko, umiling siya.
"Magpahinga ka muna diyan, sandali kukuha ako ng tubig." Paalam ko at lumapit sa maliit na fridge ko dito sa office at kumuha ng water bottle, binuksan ko na 'yon para sa kaniya.
"Masakit pa ba yung ulo mo? Kailangan mo ba ng gamot?" Kinakabahan kong tanong ngunit umiling siya at sumandal lang sa sofa kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Diyan ka lang, okay? Sabihan mo ako pag may iba kang nararamdaman. Aasikusuhin ko lang yung pasyente ko." Tumango ito kaya naman sinenyasan ko si Gavin na naupo naman sa harap ng desk.
"How's your heart?"
"It was okay doc, sa totoo lang wala ng pagsikip ng dibdib, wala na ring tusok tusok na pakiramdam. Normal lang, tumitibok pa rin ata sa'yo." Natatawnag biro niya kaya natawa ako.
"Yung gamot mo, iniinom mo pa rin ba?" Tumango si Gavin.
"Pag may naramdaman ka kahit kaunti, check on me okay? Halos isang taon ka sa ospital na 'to dahil sa kapabayaan mo. Huwag mo ng uulitin," banta ko ngumiti ito.
"Yes doc, so how about lunch?" Anyaya niya.
"Sure, isama na ba natin sila Nurse Chi?" Tanong ko.
"I already invited them, they said yes." Nakangiting sabi niya, napansin ko rin na bumabalik na sa dati ang katawan ni Gavin.
"That's great," I announced.
Tahimik kong sinulyapan si Kent Axel, napanguso ako. "You're worried?" Bulong ni Gavin kaya mahina akong tumango.
"Congratulations sa baby niyo, kung hindi ako papalarin doc. Age doesn't matter naman yung anak mo na lang—"
"Gago Gavin," mabilis kong singhal na ikinatawa niya ng sobra.
"Nagmura ka." Umirap ako at tsaka tumayo upang lapitan si Kent Axel.
"Labas muna ako," senyas ni Gavin kaya tumango ako.
Nangunot ang noo ko ng nakapikit lang si Kent Axel dahilan para kabahan ako at tsaka ko siya tinitigan.
Is he breathing?
Sa sobrang kaba ko ay gamit ang hintuturo ko ay itinapat ko ito sa ilong niya upang siguraduhin kung humihinga pa siya ngunit hinawakan niya ang pulsuhan ko bago nagmulat.
"U-Uh.."
"What are you doing?" He asked, salubong ang kilay at nakatitig sa akin.
"I am just checking." Kinakabahan kong sagot.
"If?"
"If you're okay," wika ko at nag-iwas tingin.
"If I am breathing?" He added kaya naman nakanguso akong naupo at pinaghawak ang dalawang kamay ko sa harapan niya.
"Mm, yung kamay ko." Nakanguso kong sabi, binitiwan niya 'yon. He rested his shoulder at the sofa while staring at me, kaharap niya ako.
"W-What?"
"What?" Pag-gaya niya kaya naman suminghal ako.
"Huwag mo akong titigan," mariing wika ko bago pinagkrus ang braso ko sa dibdib ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin.
"A-Ano?" Tanong ko.
"Ano?" Sa sunod niyang pag-gaya sa akin ay umirap ako.
"Masakit pa ulo mo?" Tanong ko.
"Saan?" Tanong niya kaya nangunot ang noo ko.
"Your head, masakit ba? Anong saan?" Inis na inis kong tanong.
"Tinanong mo rin naman kanina sa akin kung saan ang masakit," wika niya dahilan para matigilan ako.
"Because I am a doctor, ibig kong sabihin saang parte." Pagpapa-unawa ko sa kaniya ngunit ngumisi siya.
"Akala ko saang ulo," ngising sagot niya dahilan para kumuyom ang kamao ko at hampasin siya sa legs.
"Shut up." Tumayo na ako ngunit natigilan ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko at hinila papalapit sa kaniya. Kusang umawang ang labi ko ng dahan dahan niya akong i-upo sa kandungan niya dahilan para lingunin ko siya habang nanlalaki ang mata.
"What are you doing?" Gitil ko.
"What?" He asked, innocently that made me smack his chest.
"Why are you making me sit on your freaking lap, attorney?" Hindi ko maiwasang manlaki ang mata lalo na't nabibigla ako sa inaasta niya.
"Is it bawal?" My lips parted as he asked me that, nakayakap ang braso niya sa bandang tyan ko dahilan para mapalunok ako.
"I-It is bawal." Mariing sabi ko.
"What makes it bawal?" Nasapo ko ang noo.
"Are you Jami or what? Bawal because bawal." Mariing sagot ko sa tanong niya.
"Bawal because?" Nakagat ko ang ibabang labi at pinalo ang braso niya.
"Let go of me, b-baka makita pa tayo ni Gavin." Nahihiyang sabi ko.
"So?" Bigla ay lumaki ang boses niya, bumalik sa nakakatakot nitong tono.
"So what if he sees us like this?" He clarified that made me swallowed hard before laughing awkwardly.
"A-Ano, n-nakakahiya?" Kwestyon ko.
"Why are you shy about it?" Ngumuso ako sa sunod niyang tanong, walang katapusang tanong! It feels like he's interrogating me.
"Because he's my patient," wika ko.
"So what if he's your patient?" His brows furrowed and his lips were pursed.
"H-Hoy n-natural.. I-Ikaw ba hahayaan mo na makita tayo ng client mo na ganito?" I tried being reasonable but he didn't looked away.
"Why not?" Umawang ang labi ko sa sagot niya.
"Iba ako, bitaw na Kent Axel." Mariing sabi ko.
"What if I don't want to let go?" Mahinang tanong niya bago nag-iwas tingin dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib ko, ako lang ba nag-iisip na double meaning 'yon?
"Doc— owww sorry!" Namula ang mukha ko ng bumukas ang pinto at agaran ring sumarado matapos kong marinig ang tinig ni Gavin, nanlaki ang mata ko sa sobrang hiya.
"H-Hoy bitaw na." Sita ko.
"You're so red," wika niya kaya naman huminga ako ng malalim.
"Bitaw na Kent Axel—"
"Sorry." He suddenly stated, my eyes widened as he leaned closer and planted a kiss on my cheek before letting me go and he stood up.
"Sama ako," wika niya bigla at tinalikuran na ako.
"Gavin." Pagtawag niya kay Gavin at bumukas naman ang pinto.
"Attorney," bati ni Gavin tapos ay ngingisi ngisi akong tinignan kaya umirap ako at sumunod na sa kanila.
"Can I join?" Kent Axel asked.
"Sure attorney," wika ni Gavin at muli ay sinulyapan ako kaya umirap ako.
Pasimple kong sinapo ang pisnging hinalikan niya, mariin kong kinagat ang ibabang labi habang naglalakad ay narinig ko ang bulungan.
"Ano kaya sa pakiramdam ni doc na may baby na sila pero walang naalala si attorney?"
"Sa tingin mo okay lang kaya sila?"
"Hindi rin sila kasing sweet ng dati."
Napanguso ako lalo sa narinig, ba't naman nila ako kakaawaan? Is that something to pity? "Oh Lauren?" Bati ko kaagad ng makita si Lauren ngunit nangunot ang noo ko ng makita ang sugat niya sa labi dahilan para huliin ko ang kamay niya at iharap siya sa akin.
"I-I am in a hurry Saji," wika niya at halatang iniiwasan ako ngunit hinarap ko ang mukha niya sa akin.
"S-Sinaktan ka ba ni oppa?" Gulat na sabi ko, ngunit nanlaki ang mata niya.
"H-Hindi, h-hindi ma—"
"Did he?" Mariing sabi ko.
"No Saji," huminga ako ng malalim.
"I heard the two of you fought." I stated, yumuko siya at umiling.
"You go ahead," wika ko. Tumango tango siya at nagmamadaling umalis, sa sobrang pagtataka ko ay nilingon ko ang kasama.
"Just a minute, susunod ako." Paalam ko sa kanila at dumeretso sa office ni Kuya Zai, nang makarating ay basta basta ko lang 'yon binuksan without a proper knock na ikinagulat niya.
"Saji." Nang marinig ang tinig ni Kent Axel ay hinarap ko si Kuya.
"Did you hurt her?"
"Oppa did you hurt Lauren?" Kwestyon ko ngunit blangko niya lang akong tinignan.
"Leave," wika niya bago ako tinalikuran.
"Oppa ano ba, sagutin mo nga ako!" Galit kong sigaw ngunit hindi niya ako pinansin.
"Kumalma ka Saji," wika ni Kent Axel.
"Oppa," pagtawag ko rito.
"I said leave, wala akong panahon para kausapin ka ngayon." Mariing sabi niya, halatang galit kaya naman mangiyak ngiyak ko siyang tinitigan, hindi ko wari ngunit emosyunal at napaka-arte ko talaga.
"What a jerk." Mariing sabi ko dahilan para lingunin ako ni Kuya Zai na salubong ang kilay.
"What did you just called me?" He asked kaya ngumisi ako.
"Wala akong panahon para sagutin ka ngayon," I mocked before I left the room, padabog as in yung walang takong na sandals ko ay nagkakatunog sa sobrang bigat ng pag-apak ko sa tiles.
"Saji, ingat." Napairap ako sa paghabol ni Kent Axel sa akin hanggang sa makarating sa elevator.
"Wala siyang oras sagutin ako? Duh! May oras nga siyang tanungin ako. Nakakainis na kuya!" Gigil kong sabi nang makaharap si Kent Axel.
"'Di ba?!" Tanong ko kay Kent Axel habang nakanguso, halata namang nagulat siya ngunit tumango tango.
"O-Oo, oo nga." Tugon niya kaya ngumuso ako.
"Tinatanong ko siya ng maayos tapos ganoon isusumbat niya! Kuya ko siya pero nakakainis!" Nakanguso at nagmamaktol kong sabi.
"Oo Saji," sa tugon ni Kent Axel ay nilingon konsiya at tinignan ng masama.
"Anong oo?" Sumbat ko na ikinalaki ng mata niya at kasabay no'n ay nag-iwas tingin siya.
"Oo lang, kasi kinakampihan kita kaya huwag ka ng magalit." Sagot niya pa kaya naman ngumuso akong muli at masamang tinitigan ang repleksyon ko sa pinto ng elevator.
"Ayaw tinatawag na jerk pag seryoso, pero pag biruan tapos tinawag siyang kung ano hindi nagagalit. Tapos ganoon, akala niya naman ano—"
"Oo." Nilingon ko bigla si Kent Axel na sumasagot hindi pa ako tapos.
"Ano ba," wika ko.
"Oo na papakasalan na kita," dagdag niya dahilan para mamula ang mukha ko ay nalingon ko siya bigla.
"Ayaw mo?" Kwestyon niya ng mapansin ang tanong ko kaya naman nangunot ang noo ko.
"Ganyan ba magpropose? Parang galit?" Singhal ko dahilan para mapalunok siya.
"Hindi nga ako marunong manligaw," bulong niya dahilan para hampasin ko siya sa braso.
"Hindi naman kita pinipilit," wika ko.
"Alam ko, hindi rin naman kita pinipilit. Kung ayaw mo magpakasal edi sige, ayaw mo pa—"
"Wala naman akong sinabing ayaw ko." Mabilis na sabi ko.
"Edi gusto mo?" Tanong niya.
"Wala rin akong sinasabing ganoo—"
"Kung ganoon anong gusto mo?" Nauubusang pasensyang tanong ni Kent Axel at binulsa ang isang kamay niya sa slacks niya kaya naman napanguso ako.
"Lobster." Nakangusong sabi ko dahilan para matunog siyang huminga ng malalim bago ako lingunin.
"Lobster ko?" Tanong niya.
Nanlaki ang mata ko. "Bastos! Anong lobster mo! Sinabi ko bang gusto ko yung ano mo para sabihin mo 'yan!" Derederetsong putak ko dahilan para matigilan ng mangunot ang noo niya.
"Bastos?" Kwestyon niya.
"Lobster ko, my own recipe. What are you thinking Saji Argelia?" Napalunok ako.
"A-Ah never mind." Bulong ko.
Siya naman kasi may kasalanan talaga no'n! Siya ang nagsabi no'n ng naalala pa niya tapos ngayon ako sisisihin niya? Kung bakit ganito ako mag-isip? Huh! Ang kapal!
Nang makarating sa loob ng resto ay hinanap kaagad namin ang mga kasama ngunit bago pa man namin malapitan sila ay awtomatiko kong nasapo ang gilid ng tyan ng maramdaman ko ang mainit na dumaplis doon.
Bagay ma kabisado ko na dahil ilang beses ng lumapat sa katawan ko, nalingon ko ang lalakeng nakasumbrero habang hawak hawak ko ang dinaplisan niya na dama kong malalim.
"Saji let— Saji." Nang tignan ko si Kent Axel ay nag-aalala na ang tingin niya dahilan para yukuin ko ang sariling tyan, ang kamay ko ay may dugo na dahilan para maramdaman ko ang panghihina ng tuhod.
"W-What— What happened?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kent Axel, ang sunod na pagkurap ko ay nagsisigawan na ang mga tao, ngunit buhat buhat na ako ni Kent Axel.
Nanginginig ang kamay kong may dugo, kusang tumulo ang luha ko ng mag-alala ako sa baby namin. Masakit, sobrang hapdi ng tyan ko dahil sa masakit na pagdaplis ng kutsilyo rito.
"Stay strong okay? Dadalhin kita sa ospital. M-Malapit na," hingal na hingal si Kent Axel ngunit sinigurado niya ako hanggang sa maihiga na ako sa stretcher ay pinanatili kong gising ang sarili.
Ngunit pakiramdam ko may kung ano sa kutsilyo na kahit anong pilit kong manatiling gising ay hinihila ako nitong matulog, kumurap akong muli nang maramdaman ang mainit na kamay na humawak sa palad ko. Sa sunod kong pagkurap ay nasa harapan ko si Kent Axel.
"P-Poison.." Antok na antok kong sabi ngunit matapos kong sabihin 'yon ay tila nabingi na ako bago pa man lumabo ang mata ko ay kusa itong nagdilim.
///
"I-I wish I stayed beside you before it's too late, but I d-don't know if you're happy there. You'll reunite with her, I'll stay strong for you. Like how you wanted."
@/n: Hmm? Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top