Chapter 8 [Lowkey Fights]
Kent Axel's POV.
Isang buwan ang nakalipas ay mas naging busy kami sa School, habang si Saji ay mabuti ring nag-aaral at ang lawyer niyang manliligaw patuloy pa rin kaka-istorbo.
"Kent Axel, Pahiram ako." naitaas ko ang air pods upang masigurado kung iyon ba ang kailangan niya, Mukhang naririndi si Saji at hindi makapag focus.
"Yup." kaya naman inabot ko yon sa kaniya at tsaka ako nag focus sa librong binabasa, sanay na ata akong magbasa kahit maingay ang paligid.
"Argelia, Hinahanap ka nang Law Student." agad kong napatingin nang tumayo si Saji at nag mamadaling lumabas, Nangunot ang noo ko at tsaka tumayo rin.
'Baka may ibang gawin eh, I'm ready for Back up.'
"Date? I'm busy kasi eh.." sa sagot ni Saji ay binagalan ko ang pag lalakad.
"May bar party kasi ang best friend ko and I want you to come with me and then let's stay at my Condo." napangiwi ako sa Narinig, nag-aaya sa Condo? Gagawin nila don?
"W-Why? B-Bakit sa condo mo?" gulat na tanong ni Saji.
"Well, tambay lang." saad ni Aries.
"I can't, may Recitations kami bukas." sagot ni Saji.
"Please? Argelia.. Parang iniiwasan mo kasi ako." ngumisi na lang ako ulit.
"I'm sorry Aries." saad ni Saji.
"Don't you like me anymore?" sa tanong ni Aries ay mas natutuwa ako.
"I'm busy." sagot ni Saji.
"Pero sige, I'll think about it." aniya ni Saji at doon ako ngumiwi tapos dala-dala ang libro ay tinalikuran sila.
Bumalik ako sa room at nagbasa na lang not until someone called me outside the room, kusa akong napangiti nang makita si Lauren. "Why? Are you taking me out on a date?" Nakangiti kong tanong.
"There's a bar party, I want you to come with me. I already invited my girl friends and of course you." nangunot ang noo ko.
"Bar party?"
"Oo, Birthday nang kaibigan ko from Law." sagot niya kaya tumango ako.
"Sure, I'll be there." sagot ko maganda itong ngumiti kaya naman natuwa ako.
"Kilig ka naman?" mabilis akong inirapan ni Lauren tapos tinalikuran na kaya na pangiti ako.
'I'll have fun then, mukhang same kami ng event ni Saji ah?'
"Ganda ng ngiti mo diyan?" Mabilis kong inalis yon at nilingon si Saji naningkit ang mga mata kong tinignan siya.
"What's with my smile? Ayaw mo?" Ngumiti siya at umiling iling na lang kaya naman sinabayan ko siyang maglakad.
"Ano meron sa abogado mong manliligaw?" Tanong ko sa kaniya.
"Inaaya ako sa bar party kaya sabi ko sige na lang, Sama ka?" Tanong niya kaya mabilis akong umiling.
Gugulatin ko na lang siya sa event mamaya, lumabi naman siya at tumango tango. "Nakakatamad magbasa ngayon, parang wala ako sa mood araw araw." Sagot niya kaya naman nangunot ang noo ko.
"Ba't?"
"Paniki.." Sa sagot niya ay umawang ang labi ko kung nananakit lang ako ng babae nabatukan ko na ang isang 'to.
Nang magsimula na ang klase ay uwian na kaya naman tinignan ko si Saji na nakaupo pa rin kaya kinalabit ko ang likod ng ulo niya. "Oh?" Tanong niya agad.
"Di ka pa uuwi? I thought may party ka na pupuntahan?" Tanong ko sa kaniya.
"Uuwi na rin ako." Sagot niya.
"Hatid na kita sa condo building mo." Aniya ko pa.
"Mabuti pa nga, ayoko rin magsayang ng pamasahe." Sagot niya at napamaang ako ng iabot niya ang bag niya sa akin tapos naglakad na para bang tamad na tamad siya.
Kaya wala akong choice kundi buhatin yon nang makarating sa sasakyan ko ay inabot ko sa kaniya ang bag niya pero nakabusangot siyang sumakay doon.
'Anong inuungot-ungot nito?'
"Dapat happy ka makakasama mo yung crush mo 'di ba?" Tanong ko pero umirap lang ito at lumabi.
Hindi na siya nagsalita kaya naman ng maihatid ko siya ay nagpasalamat lang siya at bumaba na takbo lakad ang kaniyang ginawa kaya mabilis siyang nawala sa paningin ko.
Nagmaneho na ako papauwi at nang makarating sa bahay ay ngumisi ako ng mamataan ang bag ni Lauren sa sala kaya naman binati ko lang sila mom.
Umakyat na ako para magpahinga sandali dahil medyo padilim naman ang start ng party kaya nahiga muna ako sa kama at ipinikit ang mga mata.
Matapos magpahinga ng mahigit 30 minutes ay bumangon na rin ako para muling maligo at makapag-ayos ng sarili.
Kumuha ako ng simpleng shorts hanggang itaas ng tuhod at itim na V-neck shirt tapos ay inayos ang buhok ko at tsaka ko kinuha ang wallet ko at phone.
Basa pa man ang buhok ko ay lumabas na ako ng kwarto at pagkabukas ko 'non nakita ko kaagad si Lauren na kakatok pa lamang. "Susunduin na ba ako ng date ko?" Nang-aasar kong tanong.
"Duh, akala ko kasi hindi ka pa naka-ready." Maarteng sagot niya kaya naman lumabi ako at sinabayan siya.
"You're beautiful," aniya ko ay sinuri siya.
"That dress looks good on you Lauren." Dagdag ko at ngumiti nakita ko naman siyang napangiti.
"Thank you." Nahihiya niyang sabi kaya ngumiti ako at tsaka hinawakan siya sa balikat upang igiya pababa.
"Oh aalis na ba kayo?" Tanong ni mom.
"Yes po mommy, hindi naman po ako iinom ng marami kaya kung iinom si Kent maiu-uwi ko naman siya." Umawang ang labi ko kasabay ng pagsandal ko sa kitchen stall.
"Hindi ako mabilis malasing." Kontra ko sa kanilang usapan.
"Weh?" Tila nang-aasar na sabi ni Lauren kaya ngumiwi ako at pinaningkitan siya ng mata.
"Try me." Hamon ko pa at itinukod ang siko ko at ipinatong ang baba ko sa mga palad.
"Tara na nga." Yaya niya kaya naman natawa ako at lumapit kay mommy para humalik sa pisngi niya.
"Bye mom."
"Ingat kayo ha? Ingatan mo ang noona mo." Wika ni mommy kaya ngumiti ako tapos hinawakan na si Lauren sa kaniyang balikat.
Nang makalabas ay pinisil ko kaagad ang pisngi niya pero mabilis niya akong sinita. "Yung make-up ko kent, huwag mong hawakan ang mukha ko." Inis niyang sabi kaya mahina akong tumawa.
"Basta babae maarte," wika ko umirap lang siya at sumakay na sa sasakyan ko.
"Tara na ah," aniya ko pa at sandaling pinainit ang makina bago paandarin.
Nang makarating sa bar ay nasa labasan pa lang kami ng entrance rinig na rinig ko na ang sigawan sa loob kaya naman ng makapasok ay ibinulsa ko ang dalawang kamay at luminga linga.
"Baka may friends ka rito punta ka lang dito lang ako." Turo pa ni Lauren kaya nginitian ko siya at tsaka ako yumuko upang mas makita ang kaniyang mukha.
"Ang ganda mo," aniya ko.
"Sus Kent, sige na don't drink too much or sige lang." Natatawa niyang sabi kaya ngumiti ako.
"You like me hmm.." Nang sabihin ko yon ay tumigil siya at tsaka nag-iwas tingin.
"Go na nga," aniya niya pa at tinulak ako kaya tatawa tawa akong kinindatan siya tapos dumeretso sa stall.
Nilingon kong muli si Lauren at nakita ko naman na kausap niya ang group of friends niya. Naupo muna ako sa bar stall upang tumikim.
Habang umiinom ay nilingon lingon ko rin ang ulo upang makita si Saji baka kung saan dalhin ni Abo-abogado lang. Dinukot ko ang cellphone at tinignan iyon.
'Wala naman siyang text, baka nag-eenjoy rin siya.'
Lumabi na lang ako at pinaglaruan ang yelo sa baso ng sobrang bored na ako ay tumayo na ako tapos ay naglakad sa maraming tao mga hype dahil sa kanta.
Habang naglalakad ay natigilan ako ng may mabilis na humablot sa braso ko kaya naman natignan ko kaagad ito. "Gago 'to." Nang makita si Saji ay natawa ako kaagad.
"Wassup sajing." Bati ko agad na nanlaki ang mata niya at sinapak ako sa braso.
"Akala ko ba hindi ka pupunta?" Ngumiti naman ako sa tanong niya.
"Mahilig sa surprise ang bestfriend mo oyyy." Ngumisi siya tapos nilingon ang table sa likod.
"Bakit mo 'ko hinila? Asan abo-abogado mong manliligaw?" Tanong ko sa kaniya napairap siya tapos pinagkrus ang kaniyang braso.
"Naging distant bigla, Look what I'm wearing naman kasi hahahaahahahah kinahihiya niya siguro ako." Halatang masama ang loob niyang sabi.
"Eh? Wala namang mali sa suot mo ah? Partner tayo oh HAHAHAHA." asar ko pa sa kaniya.
'Simple nga ang suot niya naka-shorts lang siya na mas mataas pa sa itaas ng taas ng tuhod niya at V-neck lang daming taas diba?'
"Buset ka talaga Kent. Baka inaasahan niyang magpapakita ako ng boobs o singit duhhhhh never!" Ngumisi ako tapos pinisil ang kaniyang ilong.
"Ang dami mong alam." Dagdag ko inaantay ko ang kaniyang reklamo dahil sa pagpisil ko sa ilong niya pero lumabi lang siya at luminga.
'Hindi ba siya magagalit? Maalis make-up niya?'
"Hoy." Tawag ko pa ng humarap siya at gamit ang dalawang palad pinisil ko ang kaniyang dalawang pisngi pero pinalo niya lang ang kamay ko.
"Parang ano 'to eh. Masakit!" Napangiti ako sa reaksyon niya.
"Gusto mo Sajing?" Tanong ko.
"Sige mang-asar ka pwede ka ng madulas." Sabat niya kaya ngumisi ako at hinila siya papunta sa stall bar.
"Umiinom ka?" Tanong ko pero tinitigan niya lang yon.
"Ayoko ng hard, baka malagot ako sa kuya ko." Sagot niya kaya inorderan ko na lang siya ng sobrang light 5 percent alcohol lang.
"Ang bango naman nito amoy bubble gum," saad niya kaya ngumisi ako at ininom ang para sa akin.
"Kent Axel sabay na tayo umuwi ha?" Gulat kong nilingon ang tinig sa likuran kaya ng makita siya ay masaya ko siyang nginitian.
"Sure, Just text me kung lalayo ka sa lugar mo kanina." Sagot ko ngumiti siya tapos nginitian si Saji nagpalitan naman sila ng ngiti.
Nang umalis si Lauren ay napalingon kami kaagad sa nasa gilid dahil dumating yung bobong future abogado niya. "So you're here?" Kwestyon ni Aries kaya tinitigan ko lang siya.
"I guess, nandito kasi ako sa harap mo." Mahinang sagot ko na ikina-awang ng kaniyang bibig.
"Minsan hindi ko talaga maunawaab kung bakit bastos itong kaibigan mo 'no Argelia." Matunog akong napangisi.
"Aries ano ba.." Mahinang sita naman ni Saji sa kaniya.
"Ayos rin pag siya yung bastos sumagot hindi mo sinisita, pero pag ako makasita ka akala mo below the belt yung sinabi ko." Natatawa ngunit naasar na sabi ni Aries.
"I guess Argelia invited you here? Hindi ka Invited sa party na ito kaya maari ka ng umalis." Mahina akong natawa sa tinuran niya kaya naman pinaglaruan ko ang yelo sa baso.
"Mr.Sandoval?" Nakangiti akong lumingon sa tumawag sa akin.
"Ohhh Happiest Birthday." Bati ko tapos sinulyapan si Aries.
"I'm glad you came, thank you so much. It's a pleasure." Ngumiti ako.
"Ah sabi kasi ng isang bisita mo hindi daw ako Invited?" Tanong ko pa at nilingon si Aries.
"Of course you are, Akala ko hindi ka mapipilit ni Lauren but I'm thankful. Thank you for the gift I love it so much," aniya nito kaya muli ko siyang nginitian.
"Glad," tipid kong sagot.
"Aries, mag-uusap tayo mamaya." Mahina akong natawa ng marinig ko yon.
"Hindi ko alam," wika ni Aries.
"Alamin mo sa susunod." Seryosong sabi nito.
"Yes. Sorry." Halatang masama ang loob ni Aries na sagot kaya naman ng mag-paalam ito ay nakagat ko ang ibabang labi at uminom.
"Kayong dalawa parati kayong mainit sa isa't isa, ano bang problema niyo?" Naiinis na tanong ni Saji kaya ngumisi na lang ako.
"Maybe that man likes you and he's jealous—"
Natigilan siya ng masamid ako at matawa ng sobra. "Maybe you're jealous of me," wika ko at ngumisi.
"Ano ba?" Sita ni Saji kaya nginitian ko siya.
"Chill Sajing, hindi ako pumapatol sa walang— never mind." Nang-iinsulto kong sabi.
"Sino professor mo?" Tanong ko kay Aries alam kong mas matanda siya sa akin.
"It's none of your business anymore Kent." Sagot niya kaya tumango tango ako.
"Hoy, Girlfriend mo?" Napalingon ako kaagad at napangiti ng makita si Hyung Gray.
"Nope, Hyung how are you?" Tanong ko at pinaghawak ang kamay namin a pinagdikit ang mga braso.
"Mas matangkad ka na sa akin, I can't affort to accept it," tukoy niya kaya ngumiti ako.
"Well stretching everyday." Sagot ko.
"Iba ang pumasok sa isip ko HAHAHAHA— oh Aries nandito ka rin pala." Napalingon ako kay Aries.
"Yes Prof," nakangiti na sagot ni Aries kaya mas napangiti ako.
"Nice Professor mo pala si Attorney." pagsingit ko.
"Yeah." Matipid niyang sagot.
"Doon muna ako, Enjoy." Paalam ni Hyung kaya tinapik ko na lang ang balikat niya.
"Argelia condo tayo mamaya." Nangunot ang noo ko at mahinang tumawa.
"I can't let that happened, Saji mamaya you better go home straight. He's drunk." Kontra ko.
"Ano bang pakialam mo?" Sumbat ni Aries.
"She's my best friend, And as a best friend I should protect her at all cost. Bakit sa condo niyo kung pwede mo naman siyang ihatid sa condo niya?" Kwestyon ko.
"What are you planning?" Sumama ang tingin niya sa akin.
"Tara na Argelia." Mabilis na hinawakan ni Aries ang pulsuan ni Saji kaya mabilis kong hinuli ang pulso ni Aries.
"Ako ng maghahatid sa kaniya." Gitil ko.
"Let go." Gigil niyang sabi.
"Look at your eyes man, You're drunk." Natatawa kong sabi.
"I said let go of my wrist." Inis niyang sabi.
"Let her go then, let's have a clear deal." Nakangising sabi ko.
Nang bitiwan niya si Saji ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya tapos pinunta sa likod ko. "Leave, Next time na isasama mo siya sa kabobohan mo siguraduhin mong wala ako." Gitil ko tapos hinila na si Saji papaalis do'n mabuti na lang 'di siya nagreklamo.
"Look, Saji. That man have his own agenda be careful." Mahinang sabi ko at ng makita si Lauren ay nginitian ko siya agad.
"Sumama ka na lang muna sa kanila. Dito lang ako," wika ko at naupo sa sofa ngunit walang mga kasama.
"Thank you." Mahinang sabi niya kaya hindi na ako tumugon at tumingin na lang sa ibang bagay..
√√√
@/n: Ayern nakapag-update rin ang ate ghorl niyo hahahaha enjoy! Stay tuned love lots and keep safeee!
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top