Chapter 77 [Juniflo's Attack]
Saji Argelia's Point of View.
After the check up, sinabihan si Kent Axel ng OB na nagcheck sa akin at pinanatili naman nilang sikreto ang check up na ito. Hawak hawak ni Kent Axel ang kamay ko ay binabasa niya ang reseta ng mga vitamins and milk na binigay sa akin.
"I-Isn't it awkward for you?" Nahihiya at kinakabahan kong tanong, narinig ko ang pahinga niya ng malalim bago tumigil sa paglalakad at ang kamay ko ay hindi niya pa rin binibitiwan.
"It feels weird, and awkward." Pagsasabi niya ng totoo.
"Why do you trust me this much?" Biglang sabi ko at binawi ang kamay ko.
"How sure are you that this is your child?" I stated that made him stare at me deeply.
"How sure are you that-"
Hinawakan niyang muli ang kamay ko at pinasakay ako sa sasakyan niya dahilan para ipag-krus ko ang braso at hintayin siyang magsalita. Hawak niya ang cellphone at doon ako natigilan ng ipakita niya ang picture naming dalawa sa loob ng yate!
Nakayakap siya sa akin habang nakasandal ako sa dibdib niya and I remember this scene! Ito yung pagkatapos namin. Nakakahiya, naramdaman ko ang pag-init ng pisngi at ang kinakabahang tingin niya sa akin. "Yacht pa ang gusto." Umawang ang labi ko.
"I-Ikaw 'yon!" Bulyaw ko at nagtakip ng mukha.
"When did you saw that phone?" Tanong ko.
"Can't recall." Sagot niya.
"Walang pass code, kalalagay ko lang kanina. Nandito rin yung mga passwords ng kung ano ano pa." Paglilinaw niya.
"Dahil lang sa picture na 'yon sure ka na? Malay mo one night stand lang." huminga siya ng malalim halatang napipikon sa akin ngunit pinaandar niya na ang sasakyan.
"Start living with me today, I want to know everything." Umawang muli ang labi ko.
"Hoy Kent Axel sa ngayon best friend lang ang tingin mo sa akin ano ka ba? Ang weird naman no'n. Si Lauren nga ang gusto mong kasama tapos ngayon titira tayo sa iisang-"
"Then what do you want me to do? Invite Lauren to live with me?" Umirap ako sa sinabi niya.
"Ikaw bahala, buhay mo naman 'yan. Sabi mo nga you have the freedom to chu chu chu echos." I mocked.
"Wow."
"Huwag mo kasing pilitin, ayoko ng sapilitan." Dismayadong sabi ko.
"Baka masaktan lang ako na ako ang kasama mo pero hindi mo naman ako gusto makasama." Pagdadrama ko pa pero nagmaneho na siya papunta siguro sa mall kaya naman nakanguso akong naghintay na makarating na kami sa mall.
"If we're engaged, when will be our wedding?" Tanong niya dahilan para mapalabi ako.
"M-Malapit na."
"Kailan Saji, Kaila-"
"Bakit ba ang bilis mong mainis?" Pikon na sabi ko.
"It's because you answer question the way you want, not the way you should." Seryoso niyang sagot dahilan para ngumuso ako at basta bastang lumabas na ng sasakyan ngunit pagkalabas ay natigilan ako ng makita ko ang pamilyar na babae.
"S-Si Juniflo!" Kinakabahan kong sabi at hahabulin na sana ngunit mabilis na inabot ni Kent Axel ang kamay ko at ilapit sa kaniya.
"Juniflo who?" He asked.
"The one who killed my mom! N-Nakawala siya sa underground?" Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Kuya Luke.
"Hey Saji, I was about to enter OR 1 what's the matter?"
"Oppa, I saw Juniflo. I'm sure of it."
"What?"
Nakagat ko ang ibabang labi at tinatanaw 'yon. "Nasaan ka ngayon? Sinong kasama mo?"
"I'm with Kent Axel, pero hindi naman siya naalala ni Kent Axel." Natatarantang sabi ko.
"Nasaan kayo?"
"Mall oppa."
"Pumasok kayo sa mall, hindi siya aatake pag nasa maraming tao kayo."
Namatay ang tawag dahil siguro sa signal dahil nasa parking lot kami, ng makapasok sa mall ay nakahinga ako ng maluwag. "Y-Your mother is gone?" Napatitig ako kay Kent Axel at tumango.
"I can't tell you the details but yes," I stated.
"Damn." Napatitig ako sa kaniya ng mag-iwas tingin siya at sandaling ipinatong ang dalawang siko sa railings at parang nag-iisip ng malalim kaya naman hinawakan ko ang dulo ng damit niya.
"T-Tara na?"
"Yeah." He stated and grabbed my hand that made me gulp, sumunod ako sa kaniya at matapos naming bilhin ang ibang foods ay nag-grocery na rin siya kaya naman matapos no'n ay tahimik lang kaming bumalik sa hotel habang hawak niya sa isang kamay ang lahat ng pinamili.
Hanggang sa makasalubong namin si Lauren with Sierah dahilan para matigilan ako ng bitiwan ni Kent Axel ang kamay ko, napatitig ako doon sa loob ko ay sobrang sama na ng loob ko sa ginawa niya.
"Hi tita!" Bati ni Sierah at humalik sa pisngi ko kaya naman ng magkatinginan kami ni Lauren ay nangunot ang noo niya.
"Parang nadagdagan yung timbang mo?" Napalunok ako at ngumiti.
"Ah medyo nag-stress eating eh." Mahinahon kong sabi.
"Kaya pala, sige na mauuna na muna kami."
"Ingat kayo." Nakangiting sabi niya at dahil doon ay pumasok na kami sa elavator, hindi ko pinansin si Kent Axel at nanatili lamang akong tahimik habang magkahawak ang dalawang kamay ko.
"Give me your hand, madulas rito-"
"I can handle." Malamig kong tugon.
"Saji."
"I said I can handle, binitiwan mo na babawiin mo pa?" Singhal ko at nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako at dumeretso sa penthouse ko.
"Are you mad?" He asked.
"Why would I be?"
"Because you're acting that way, why would you be mad?" He stated and stepped in front of me that made me rolled my eyes completely.
"You may leave, hindi ka rito nakatira so please respect my privacy." Malamig kong tugon while pointing at my front door, tinitigan niya ako ng matagal bago ibinaba ang mga paper bags at eco bags sa kitchen stall bago ako talikuran, he seemed to be irritated too.
Tinalikuran ko na siya at sa hindi ko alam ay naiiyak kaagad ako dahil sinunod niya ang sinabi ko, ramdam na ramdam ko ang inis nang makaupo ako sa sofa. Sinapo ko ang pisngi at pinunasan 'yon.
Makalipas ang kinse minutos ay nanatili ako sa ganoong pwesto, hindi ko maintindihan alam ko naman na ang mga buntis ay maselan at maarte tapos ay mas spoiled pa sa spoiled brat na batang may iPad na may iPad case na may kamay kamay.
Sobrang haba ng nguso ko at tinatamad ako hanggang sa bumukas ang penthouse ko dahilan para lingunin ko 'yon, umawang ang labi niya ng makita ako dahilan para ayusin ko ang sarili ko. "Don't you know how to knock? This is my house and I have- A-Ano yang maleta?" Nagtataka kong tanong pero dumeretso siya sa kwarto ko dahilan para sumunod ako.
Ngunit pinasok niya ang walk-in closet at inilagay doon ang maleta niya. "H-Hoy ano ba." Sita ko.
"I told you, I'll live here." He stated that made me watch him unpack and put it on the shelves, he occupied it and fix it cleaned.
"Without my permission? You're a lawyer yourself."
"Why would you kick me out?" Masungit na tanong niya dahilan para umirap ako at talikuran na siya, padabog akong lumabas rin ng kwarto at inayos na lang ang groceries.
Nang maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko ay umalis ako doon at lumapit sa refrigerator tapos inilagay ang itlog at ang mga gatas. "Seriously, bakit ka galit?" Lumapit siya dahilan para muli akong lumayo at hindi siya pinansin.
"Saji Argelia." Nagbabanta ang tono niya kaya naman inabot ko ang cellphone at tinawagan si Kuya Zai para yayain silang sabayan kaming kumain dahil magluluto ako.
Napipikon ako, I want him to show his real attitude pag kaharap si Lauren, would he treat me good or not? Would he act concern or not I'm curious!
"Oppa, Dinner at my place. Let them join you."
"Wow, luto mo bunso?"
"Yes oppa, please 6:30 PM exact."
"Sure bunso."
Ibinaba ko na ang tawag at inihanda ang gagawin kong putahe mamaya. "Saji bakit ka galit? Hmm?" Ang kamay niya ay naramdaman ko sa balikat ko dahilan para iwasan ko 'yon at prenteng sumipol.
"Fine, ignore me. Gawain mo naman 'yan." Dismayado niyang sabi kaya umirap ako siya nga yung Kent Axel noong college days, halata sa ugali niya.
Lumipas ang oras na hindi kami nagpansinan hanggang sa makaluto na ako, at nakaligo na rin siya. Nang may mag-bell ay inutusan ko mismo si Kent Axel na buksan 'yon. "Open the door."
"Tsh." Singhal niya halatang may sama pa ata ng loob dahil sa alitan namin kanina, pagkapasok nila ay nagitla rin siguro sila dahil nakita si Kent Axel sa loob ng penthouse ko.
"Wow napapadalas ka ata rito Kent Axel." Bati ni Kuya Zai.
"Himala, ano meron Kent Ax-"
"I am really cranky right now so perish the thought of initiating a conversation with me hyung." Dahil sa haba ng sinabi niya ay napalingon ako habang naka-kunot ang noo.
"Grabe. Ganoon ba talaga pag-abogado? Pwede namang sabihin na wala ako sa mood, 'wag mo 'kong kausapin." Natawa na lang ako sa sinabi ni Kuya Zai kaya naman lumapit ako at humalik sa pisngi niya.
"Hi Sierah, how are you?" Bati ko rito.
"I'm okay tita." Nakangiting sagot nito kaya naman ng tignan ko si Kent Axel ay pinanonood niya si Lauren at Kuya Zai kaya pasimple akong napairap.
"Ang ganda talaga ni Sierah manang mana sa magulang." Nang-iinis kong sabi habang nakatingin kay Kent Axel nang mapansin niya 'yon ay bahagyang tumaas ang kilay niya.
"Wow! Beef Caldereta." Nakangiting sabi ni Kuya Zai at naupo na kaya naman ng maupo sa tabi ko si Kent Axel ay napairap akong muli.
"Beef kasi yung gusto kong kainin ngayon, okay lang ba?" Nakangiting tanong ko sa kanila.
"Of course, masarap 'to for sure." Pag-sangayon ni Lauren kaya nginitian ko siya.
"Ayaw mo ba?" Tanong ko kay Kent Axel.
"Gusto ko, wala naman akong sinasabing ayaw-"
"By the way Gavin decided to be back at the set date." Natigilan ako sa sinabi ni Kuya Zai hindi niya binabanggit ang wedding na word kaya naman tumikhim ako.
"Well, hindi ako sigurado kung may wedding pang magaganap." Pandederetso ko dahilan para matigilan ang lahat.
"H-Ha?"
"Bunso nadulas ka ba?" Tanong ni Kuya Zai.
"He already found out, but it's not it. Ayoko sa wedding na walang pagmamahal." Naramdaman ko ang paglingon ni Kent Axel.
"I wanted to be sure na yung marriage na 'yon ay hindi ko pagsisisihan, I was already committed to it. I don't like failing myself." Nilingon ko si Kent Axel dahil nakatitig siya sa akin.
"P-Pero ayaw mo secured na?" Paninigurado ni Kuya Zai.
"Sigurado ako, siya ba sigurado?" Natigilan si Kent Axel at naibaba ang hawak niyang fork at spoon.
"Alam naman niya na, imposibleng hindi mo pa nararamdaman yung pagmamahal mo sa kaniya?" Ngumisi na lang ako ng hindi makasagot si Kent Axel.
"Let's not pressure him, as long as si Lauren pa ang nagpapakaba sa kaniya tatahimik muna ako." Mahinahon kong sabi habang hindi sinasalubong ang tingin nila.
"P-Pero alam mo naman ng ikaw talaga ang mahal niya 'di ba? Matagal na siyang walang nararamdaman sa akin. Dederektahin na kita Kent Axel, Ikaw ang unang nawalan ng nararamdaman sa ating dalawa." Nakagat ko ang ibabang labi sa sinabi ni Lauren.
"To be honest after you left halos doon lang tayo nagka-get along ulit as brother and sisters." Hindi na muna ako sumabat.
"You're even thankful that I played you, dahil doon nakilala mo si Saji ng lubusan." Ngumisi na lang ako.
"Let's not talk about that anymore."
Matapos naming kumain ay nag-paalam na rin sila ngunit sobrang tahimik pa rin ni Kent Axel. Dumeretso ako sa kwarto at hindi rin siya pinansin hanggang sa bumukas muli ang pinto ay alam kong sumunod siya.
"I'm sorry." Natigilan ako ng marinig siya kaya naman nilingon ko siya.
"Saan?"
"Sorry for making you feel like this, I don't know how to say it but I'm sorry. H-Hindi nga siguro ako ganito noon-"
"I told you I'll be fine," wika ko.
"Masakit but I'm okay-"
Naupo siya sa tabi ko dahilan para maputol ang sasabihin ko, napalunok ako at nilingon siya. "Bakit?"
"This feels so wrong but I'll try treating you better, hanggang sa maalala ko lahat." Napalunok ako at mabilis na nag-iwas tingin.
"S-Sige. Iidlip muna ako." Paalam ko at nahiga sa kama kaya naman nang magkumot ako ay pilit kong binabalewala ang presensya niya.
Nagising ako ngunit naramdaman ko ang ulong nakasandal sa balikat ko, kaya naman nang lingunin ko 'to ay nakita ko ang natutulog na si Kent Axel at para bang nahulog ang ulo niya sa sobrang antok.
Bumangon ako at dahil doon ay nagising siya, hirap na hirap pa siyang nagmulat nang maupo siya kaya naman tinitigan ko siya. "Matulog ka pa." Mahinahon kong sabi.
"Saan ka pupunta?" Inaantok niyang tanong, pinigilan kong mangiti dahil yung buhok niya ay nagulo gulo sa pagkakahiga niya siguro. "B-Bibili." Nangunot ang noo niya sa sagot ko.
"Saan? Samahan na kita tar-"
"Ayos lang naman ako, kaya ko na." Matipid kong sabi at tumayo na pero inabot niya ang kamay ko.
"Si Juniflo 'di ba nakawala? Hindi safe na mag-isa ka." Paalala niya kaya naman tumango na lang ako hanggang sa tumayo na rin siya at inaantok na naghanap sa damitan niya ng pang-doble siguro like hoodie or jacket.
After that lumabas na siya at lumapit sa akin, sinuri niya ang kasuotan ko bago huminga ng malalim. "Hindi ka giginawin?" Tanong niya.
"H-Hindi." Sagot ko kaya naman tumango siya at ganoon na lang ako napalunok ng kumuha siya ng cap at isuot sa akin, sinuri pa niya kung maayos ito dahilan para mapatitig ako sa kaniya.
"Goods, you look cute. Tara na." He stated and grabbed my hand, habang papunta kami ay medyo napansin ko na nababalisa siya for some reason.
"What's wrong?" Tanong ko kaagad.
Nang naglalakad na sa labasan ng hotel, sa walk side at dahil gabi na ay yellow and orange lights na lang ang nakikita namin na naka-kabit sa mga posteng nakatayo.
"You look so bother- ah!" Agad akong napahawak sa tyan ko ng may malakas na bumangga sa akin dahilan para maalerto ako, buti na lang ay hawak ako ni Kent Axel hindi ako bumagsak.
"The fuck!" He exclaimed and was about to catch the one who's wearing green pants and green cap but then I felt the pain on my stomach.
"Saji." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
Kinapa ko ang tyan dahil sobrang sakit no'n at kaya akong pilipitin. "'Yung baby.." Kinakabahan kong sabi habang dumadaing at dahil doon ay naramdaman ko na lang ang paglutang ko sa ere at ang mabilis na pag-lakad takbo ni Kent Axel papunta sa ospital.
Nang makarating sa emergency room ay nakilala kaagad ako ng mga doctors and nurses. "Si Doctor Saji!"
"Tawagan niyo sila Doctor L!"
"Anong nangyari attorney?" The emergency doctor said but I can'teven talk because I'm worried about the baby more than myself.
"Someone bumped on her with full force, she felt stomach pain. Call an OB please, she's pregnant." Halata ang gulat sa mukha ng mga nandito ngunit hindi ko 'yom ininda.
I hope we're fine.
///
"I'll show you mercy, Merciless death."
@/n: Merciless death? Sino kayang magdudumi ng kamay?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top