Chapter 76 [Unexpected Family Member]

Saji Argelia's Point of View.

After lunch napapansin kong hinahanap pa rin ni Kent Axel ang sing sing. "Noona who gave me that ring?" Tanong ni Kent Axel kaya naman ng magkibit balikat si Ate Mia ay ngumiwi si Kent Axel.

"I now hate the fact that I can't remember a thing," ngumiti ako dahilan para lingunin niya.

"What's funny huh?" Singhal niya kaya natawa ako ngunit halos mahigit ko ang sariling hininga ng akbayan niya ako dahilan para mapalapit sa kaniya.

"What's funny? You want me to tickle you so you could laugh huh." Halos magwala ako sa pagkaka-akbay niya habang tumatawa ng kilitiin niya ako.

"Isa Kent Axel— bitaw!" Sita ko at pinalo palo siya at dahil doon ay natatawa siyang binitiwan ako kaya nagsalubong ang kilay ko at inis siyang tinignan.

"Lakas ng kiliti Sajing," asar niya kaya ngumuso ako.

"Edi wow, bakla." Inis na sumbat ko pero tumawa lang siya at umayos na ng upo.

"Make sure to find it noona," paalala niya sa ate niya.

"I have to work, bye." Paalam niya kaagad at kumaway na lang kaya naman ng makaalis siya ay napangiti ako.

"I have his ring," wika ko at huminga ng malalim.

"I'm kind of relieved that this has an important part for him." Napangiti si Ate Mia.

"Halata ngang happy ka," wika niya.

"Of course ate, sige na po let's do our work." Paalam ko at tumayo na rin tapos ay bahagyang yumuko at hinintay ang kaway nila.

After my work gabi na 'yon, dinner time na natapos yung shift ko at dumeretso kaagad ako sa hotel. Habang papunta ay natigilan ako ng makita na naghihintay rin si Kent Axel sa tapat ng elevator kaya naman mabilis ko siyang siniko ng matabian.

Natawa siya at nginitian ako. "What's up banana?" Ngumiwi ako sa tawag niya sa akin.

"Banana, ikaw ano ka?" Tanong ko ay ngumiwi.

"Gwapo," wika niya sabay pogi sign kaya naman natawa ako at pumasok na sa loob.

"Saji, si Lauren ba—"

"Stop talking about her," wika ko at ngumiwi.

"Luh ang sungit," natatawang sabi niya habang hinihintay ang floor ko ay nagtaka ako ng sumunod siya sa akin dahilan para tumigil ako at harapin siya.

"Sama ako." Ngumiwi ako at humarap na muli at inilagay ang pass code ko at hinayaan siyang makita 'yon.

"H-Hey nakikita ko—"

"Kabisado mo nga ito noon," wika ko pa.

"Really?" Natatawa niyang sagot kaya tumango ako.

"So I often go here? Ano namang ginagawa ko?" Nang makapasok ay 'yon agad ang tinanong niya kaya awtomatiko akong ngumisi bago siya hinarap.

"Guess." Ngising sabi ko sa harap niya at kinagat ang labi ko dahilan para magitla siya at mabilis na tumawa ngunit alanganin.

"Baka inubos ko stocks mo hehehehehehe."

"Pwede rin." Mahinahon kong sabi at dumeretso sa kusina, makiki-kain siguro 'to.

"Sasabayan mo ba ako mag-dinner?" Tanong ko.

"Oo sana," wika niya kaya mas natawa ako dahil naupo siya sa center table.

"Can I look around?" Tanong niya pa kaya naman sumenyas lang ako ng oo.

Habang inaayos ang lulutuin sa kusina ay nakapa ko ang sing sing ni Kent Axel sa bulsa ko kaya naman napangiti akong muli, ilang sandali ay dumaan ang kinse minutos bago siya pumunta sa kusina ngunit seryoso ang mukha niya.

"Oh?" Natatawang tanong ko at patuloy na nagluto.

Kinuha ko ang bawang at hinati 'yon ngunit halos mapatakbo ako sa banyo ng maramdaman ang pagbaliktad ng sikmura dahilan para maduwal ako at dahil doon ay kakaibang kaba ang naramdaman ko sa dibdib.

Naamoy ko lang naman ang bawang 'di ba? I'm a doctor myself, at alam ko rin na may nangyari sa pagitan namin ng nakaraang linggo. Napatitig ako sa sink at naghugas ng kamay at bibig.

Napalunok ako at tumitig sa salamin. I gained weight, halos madalas pakiramdam ko pagod ako, inaantok parati kahit na ang totoo ay mas puyat ako noon pero ngayon hindi ko kaya ang antok. "Are you okay?" Mabilis kong nalingon si Kent Axel at pilit na ngumiti.

"Oo naman, ano lang sumama lang yung sikmura ko wala pa kasi akong kinakain." Pagsisinungaling ko at pilit na ngumiti ulit.

"Ah okay," matipid niyang sagot pero seryoso siya ngayon kaya naman napalunok ako at inunahan siyang pumunta sa kusina. Hindi ako huminga hanggang sa matapos ko ang bawang at inilagay na lang sa niluluto at tinakpan.

Sobrang baho nito pero noon gustong gusto ko ang amoy ng bawang.

"Saji can I ask questions?" Napatitig ako kay Kent Axel dahil nahihimigan siya ng kaseryosohan.

"Like?"

"May girlfriend ba ako before accident?" Mahinahon niyang tanong kaya mabilis akong napaisip, hindi pa kami nagkakabalikan pero fiancé niya ako so does he have a girlfriend or none? Let's keep it none.

Kasi fiancé ang meron siya. "Wala."

"Sure ka?" Tanong niya.

"I asked Lauren if she's the one who gave me the ring pero hindi daw, bakit pakiramdam ko ang dami kong hindi alam." Ngumisi na lang ako ngunit iniisip ko ang sarili ngayon.

Kinakabahan ako pero baka hindi eh, isang beses pa lang naman akong dumuwal. Mag-iisang buwan pa nga lang mula ng may maganap sa aming dalawa, "Saji hindi ba talaga kami ni Lauren? Bakit hind—"

"I said don't talk about her." Inis na sabi ko at ibinaba ang sanse na hawak.

Hinarap ko siya at tsaka masamang tinitigan. "Why don't you just leave and ask questions about you and her?" Napipikon ako at hindi ko mapigilan 'yon.

"Fine, why do you have to be mad about it?" Ngumiwi ako at tsaka ko dinukot ang sing sing mula sa bulsa ko at inilapag 'yon sa mesa.

"I found it." Singhal ko at tinalikuran siya.

"O-Okay." He stated and I heard him grabbed the ring dahil sa tunog nito kaya naman huminga ako ng malalim.

"Wala ka ba talagang alam sa sing sing na 'to?" Tanong niya at sumandal sa sink at sinilip ang mukha ko, huminga ako ng malalim.

"Ewan." Matipid na sagot ko.

"That Leona girl told me that she was my girlfriend, I wonder—"

"Really?" Ngising tanong ko.

Opportunist na plastikada pa rin ba yung babae na 'yon?

"Then why don't you confirm it? Malalaman mo naman siguro 'yan kung aalamin mo. Why don't you try investigating attorney." I suggested, irritated.

"Bakit ba ang sungit mo bigla?" Tanong niya kaya hinarap ko siya.

"Pinuntahan mo ba ako rito para magtanong ng tungkol kay Lauren?" Sumbat ko.

"Nababadtrip na ako sa'yo. Panay ka Lauren, Lauren, Lauren hindi ka ba magtatanong tungkol sa akin?" Inis na singhal ko at umalis sa harapan niya.

Dumeretso ako sa kwarto at naupo sa harap ng vanity mirror ko.

Am I pregnant?

Nang may kumatok ay napalingon ako sa pinto. "Bakit?" Malakas na tanong ko.

"I'll be back, may kukunin lang ako sa penthouse." Paalam niya sobrang kalma no'n kaya naman hindi na ako tumugon.

Should I check it?

Huminga ako ng malalim bago pumunta sa labas at wala na siya kaya naman pumunta ako sa banyo ko rito at inabot ang pregnancy test, kumuha ako ng dalawa at kinakabahang binuksan 'yon.

Nang mabuksan ay hindi ko magawang gawin ang test, gustong gusto ko nito pero kinakabahan talaga ako ng sobra. Ganito ba talaga 'yon?

Inabot ata ako ng kinse minutos sa banyo bago ko naisipang gawin kaya naman ng kailangan pa pala ng ilang minuto bago lumabas ang result kaya naisipan kong dalhin 'yon sa center table at maghugas ng kamay sa kusina.

Inayos ko na ang mga niluto at inilagay sa serving plates nila bago ilagay sa dining table, bumalik man siya o hindi ayos lang ako ang kakain ng lahat ng niluto ko.

At dahil ayaw ko rin sa dumi ay pinunasan at inayos ko na ang pinaglutuan ngunit halos mabitiwan ko ang hawak ng biglang may nagsalita sa likod ko. "It's positive." Narinig ko ang tinig ni Kent Axel dahilan para manlaki ang mata ko.

"A-Ano?"

"Positive yung pregnancy test." Nang makitang hawak niya 'yon ay napalunok ako dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko at ibinaba ang inaayos at mabilis na inagaw 'yon sa kamay niya pero mabilis niyang itinaas.

"Sumama ang sikmura." Napatango tango pa siya habang sinasabi 'yon kaya naman lumunok ako.

"Kent Axel give me that." Mariing sabi ko.

Huminga siya ng malalim at inabot 'yon sa akin, dalawa 'yon at nang titigan ko ay nakita ko ang dalawang pulang linya sa bawat tests kaya naman napatitig ako at naibaba 'yon sa stall.

"S-Shit, tama nga siya." Bulong ko.

"Who?" Tanong ni Kent Axel.

"The father of this baby," mahinahon kong sabi at napahawak sa stall at mariin na pumikit.

"Then you should tell him about this," wika ni Kent Axel seryoso kaya naman tinitigan ko siya.

"Should I?" Kinakabahan kong sagot.

"Of course, he's the father. What would you plan to do huh? Keep this baby from him?" Ngumiwi ako sa mabilis niyang sumbat.

"It's just that it's not the right time for him to know." Alam kong tinititigan niya lang ako.

"Sino ba?" Tanong niya.

"He's my former lover." Nakagat ko ang ibabang labi.

"Former lover? Why is that?" Tanong niya kaya ngumuso ako at parang naiiyak na naupo.

"Hindi ko alam, natatakot ako." Nasapo ko ang mukha.

"I mean I can raise this baby alone, I wanted it. Pero I'm afraid of confessing, what if he rejected me? Worst if he rejected this." Tinutukoy ko ang baby, could Kent Axel do that to me?

Papaano kung makasama sa kaniya 'yon?

"Why would he? He got you pregnant and then he'll reject?" Tanong ni Kent Axel at naupo sa harap ko kaya naman tinitigan ko siya.

"Don't tell this to others, okay? Sa atin lang 'to. I'll figure out, hindi naman siya masama eh," pagtukoy ko sa kaniya.

"Don't cry, pag hindi ka pinanindigan—"

"Don't jinx me, natatakot na nga ako eh." Napanguso ako at napatitig lang sa pagkain sa plato.

Ikaw naman yung daddy eh.

"You'll keep this a secret to your brothers?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Kain na." Anyaya niya at inayos na ang food kaya naman huminga ako ng malalim at pinlano ng kumain, pagkatapos kumain ay tinitigan ko ang sing sing sa kamay.

Should I tell him?

"Kent Axel." Napatingin siya sa akin, kaya naman huminga ako ng malalim.

"If you'll be a daddy, would you be happy?" Sa tanong ko ay napaisip siya bago sumagot.

"Syempre, lahat naman ng nagiging magulang masaya." Nasapo ko ang noo at huminga ng malalim.

"Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko.

"Well baka kailangan mo pa ng kasama kaya hindi muna," wika niya at nag-iwas tingin kaya naman huminga ako ulit ng malalim at napatingin sa tyan ko.

"I wonder how does it feel to have a baby inside you." Lumunok ako at tinitigan si Kent Axel sa sariling tanong.

"It's normal, I feel normal." Nagtataka kong sabi.

"Does it make a sound?" Napalunok ako lalo sa tanong niya.

"W-Wala? Papaano ko maririnig using stethoscope— w-why?" Gulat na tanong ko ng abutin niya ang kamay ko at ilapit ako sa kaniya, he's sitting while i was standing.

Natigilan ako ng idikit niya ang tenga sa mismong tyan ko dahilan para kabahan. Seryoso ba?

"Well.." sagot niya at umayos na ng upo.

"You should do a check up for that right?" Umawang ang labi ko at natawa.

"Maka-asta ka akala mo ikaw yung daddy ha," wika ko pero siya naman talaga natawa lang siya at tinignan ang sing sing na nasa kamay niya kaya naman naitago ko kaagad ang kamay ko.

Halos magka-mukha kasi ang iba lang walang bato na nakausli sa kaniya.

"I'm actually wondering, if someone could only tell me who gave me this ring." He stated while staring at it.

"M-Malay namin 'di ba? Papaano kung binili mo pala?" Pagsasabi ko ng totoo.

"Why would I bought ring? I'm not into jewelry." Huminga ako ng malalim, totoo 'yon he only wears jewelry when that jewelry was given by an important person.

"Well.."

"You should rest," wika ni Kent Axel kaya naman tumango ako at dumeretso na sa kwarto ko, noong makarating ay natulala ako sa kisame sa sobrang pag-iisip at pag-aalala.

Kinaumagahan ay pagkatapos na pagkatapos kong naligo ay lumabas na kaagad ako ng penthouse habang naka-suot ng uniform para sa work, pagbukas ng elevator ay pinilit kong ngumiti ng makita si Kent Axel.

"Good morning," wika niya.

"Morning." Tugon ko at inaantok na huminga ng malalim.

"Kumain ka na?" Tanong niya pa kaya naman umiling ako.

"Kumain ka na, hindi na lang ikaw ang nagugutom." Paalala niya kaya naman nilingon ko siya at bumuntong hininga.

"Wala rin daw siyang gana tulad ko," natawa si Kent Axel at natigilan ako ng akbayan niya, I mean ginagawa naman namin ito before ng best friends pa lang kami and to think of that normal lang 'to sa kaniya.

"Tara kain." Napairap ako sa anyaya niya.

At tunay ngang sinamahan niya akong kumain, supportive friend. Mas maganda sana kung hubby— "May I see your hand?" Natigilan ako sa tanong ni Kent Axel dahilan para kabahan ako.

"Ha? Bakit?" Tanong ko.

But then he handed his hand and staring at me seriously that made me gulp, nagdalawang isip ako kung papaano ang gagawin ko gayong medyo mahirap alisin ang sing sing sa daliri ko. "Gusto ko lang makita," mahinahon niyang sabi kaya naman napalunok ako.

Nang mai-lahad ang dalawang kamay ko ay ang kinuha niya yung may sing sing kaya naman napalunok ako at kinakabahan na pinanood ang reaksyon niya. "Who gave you this ring?" Napalunok ako sa tanong niya.

"J-Just someone—"

"Our rings are look a like you know?" He handed his hand and put it closer to mine.

"It does?"

"Are you sure that you don't know anything about this?" He became serious that made my heart pound hard, natatakot akong sumagot.

"Why do you have my another cellphone?" Bigla ay napatitig ako ng itaas niya ang isang kamay at nandoon na ang cellphone niya na nakatago sa akin.

"H-How did—"

"So it's true," he said and rest his back that made me swallowed hard, hindi ko nagawang kunin muli ang mga kubyertas dahil sa kabang nararamdaman.

"I'm wondering," bulong niya pa sa sarili kaya naman pinilit kong ngumiti.

"You don't have to push yourself to remember, I'm okay. I'm still doing fine and it's fine for me na gawin mo yung nakasanayan mo that time." Mahinahon kong sabi at huminga ng malalim.

"Like?"

"Like having fun! Y-Yung wala kang iniisip na responsibility. Y-Yung wala ako ayos lang naman, naiintindihan ko kasi dumatin—"

"What are you talking about?" Mahinahon niyang tanong ngunit seryoso ang mukha.

"I'm sure if this man wanted you to marry him, he wanted to do it." He pointed himself and frustratedly blow an air.

"I just can't remember what this man promise you before this happened." Napalunok ako at napaiwas tingin, hindi ko alam ang sasabihin.

"Tell me instantly if you felt dizzy or having headaches." Paalala ko.

"What happened? B-Bakit tayo napunta rito?" Tanong niya kaya napatitig ako sa kaniya.

"H-Hindi ko alam, you left before the graduation." I'm still not allowed to give him information might hurt him, makakasama.

"Let's go." Hindi pa kami tapos kumain pero kinuha niya na ang kamay ko at derederetso kaming pumunta sa ospital dahilan para mapalunok ako at mapuno ng pagtataka.

"B-Bakit?"

Ngunit ganoon na lang nanlaki ang mata ko ng makita kong sa OB kami pumunta, sobrang kabado ko ng makita ko ang doctor na kilala ko mismo. I mean syempre lahat naman ng doctor rito pamilyar sa akin.

"A-Ah."

"Please check on her," mahinahon na sabi ni Kent Axel at ngayon ay magkakrus na ang braso sa dibdib.

"P-Po?" Kinakabahang tanong ng doctor.

"She's pregnant," mahinahon at nauubusang pasensya ni Kent Axel kaya naman namumula ang mukha kong naupo sa bed, nakakailang dahil pinanonood niya ang bawat galaw namin.

Papaano na lang pag kumalat sa buong ospital 'to?

///

@/n: Gusto ko lang sabihin na kung gusto niyong mabasa yung story ni Zai, makikita niyo 'yon sa profile ko ang title ay Hidden Desire hindi pa siya completed thank you 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top