Chapter 74 [I love you too]
Saji Argelia's Point of View.
My lips parted, sa sobrang pagkabigla ay hindi ko nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha. "Oh my god! What happened to my dongsaeng!" Tumakbo si Ate Mia para sumunod ngunit hindi ko nagawang gumalaw.
"Doc Saji," ang titig sa akin ng ibang doctor ay hindi ko magawang tignan.
"Saji! Saji!" Hinawakan ni Kuya Luke ang dalawang pisngi ko ngunit kusang tumulo ng tumulo ang luha ko dahilan para tangayin niya ako papunta sa hybrid room ngunit wala akong masabi.
"K-Kent," everything started to sink in. My hands were shaking as I walked closer.
His ring was full of blood, his forehead has blood running down to his cheeks. Nasapo ko ang sariling bibig dahil sa sobrang gulat, ang takot at pangamba sa dibdib ko ay pinasasakit ang dibdib ko,
"Get three blood bags!" Malakas na sigaw ni Kuya Luke ngunit nanatili kaming nasa gilid lang at nakatulala ni Ate Mia.
"Fuck what happened!?" Malakas na tanong ni Kuya Zai ng makapasok siya sa hybrid room.
"H-Hindi pwede! Let me treat my brothe—"
"Mia stop! You're not helping gumilid kang kayo!" Malakas na sigaw ni Kuya Luke natataranta.
Sobrang nakaramdam ako ng takot ng makita kong wala pa siyang malay. "It's a six wheeler truck doc, his car was found wrecked." Umawang ang labi ko at malakas na umiyak.
"Shit! Ano bang ginagawa niyo! Get the defibrillator!" Nanatili akong nakatulala habang umiiyak, his clothes were soaking from blood. Lahat may dugo, lahat ng nakikita ko ay dugo kahit na ang bibig niya ay may dugo.
"K-Kent.." Sambit ko hanggang sa mamaya ay dumating na ang magulang niya, wala kaming nagawa ng paalisin kami sa loob ng hybrid room, tumigil ang tibok ng puso niya at nag-suffer na rin siya ng hemorrhage. He lose a lot of blood already.
And it's killing me, I'm so scared. It's not a minor car accident, it's a big accident!
Kanina lang ay sobrang ganda ng ngiti niya sa akin, sobrang saya niya pang kumatok sa kwarto ko. D-Dapat ba naging selfish na lang ako? Dapat ba hindi ko na lang siya pinabayaang umalis?
Baka safe pa siya? Habang nanonood kami ay halos nakahinga kami ng maluwag ng bumalik na yung heart beat niya, niyakap kami ni Tito Vince kaming dalawa ni Ate Mia upang kumalma.
"Lalaban si Kent Axel, lalaban siya. Matapang siya," kahit alam kong nanghihina rin si Tito Vince ay hindi siya tumitigil kakasabi no'n.
After a few minutes, nakita namin na mabilis na itinakbo si Kent Axel papunta sa operation room kung kaya't natulala kami rito. Naghintay kami sa labas ng operation room habang ang mga police ay nagkalat ngunit wala akong naiintindihan.
After an hour nailipat nila sa ICU si Kent Axel na nanatiling coma dahil sa malakas na pagtama ng ulo niya, he's not yet stable. "I-I can't sure his safety, I talked to a neurologist and he said that it can't be sure." Nanlumo ako ng sobra sa at sa pag-iyak ay napaupo ako sa sariling paa at tinakpan ang mukha.
"Bunso.." Niyakap ako ni Kuya Zai.
"W-We're about to get married next 4 weeks oppa." I stated, crying, sobbing.
My body aches, everything, every part of it aches. "I know Saji, he'll survive okay? He'll be okay." Paninigurado sa akin ni Kuya Zai.
"B-But he's u-unstable oppa."
"He will be stable okay? He's still enduring this part. He'll be okay," wika ni Kuya Zai kaya nanatili akong nakayuko sa dibdib niya at hinahayaan kong umiyak ang sarili.
"Si Kent Axel?!" Napalingon kami lahat sa tinig ni Jared na halatang sobra siyang nag madali.
"S-Saji," wika niya ng makita ako.
"Nandoon." Itinuro ko ang may malaking salamin.
Pag stable na siya ililipat siya sa private ICU kung saan may kwarto na pwede naming tuluyan at may makapal na salamin ang pagitan ng kwarto niya. Damang dama ko ang panghihina ngunit pinilit akong itinayo ni Kuya Zai at pinainom ng tubig.
Kaya ba ako kinutuban kanina? Kasi may masamang nangyari sa kaniya? Bakit ganoon? "We can't still enter, unless doctor." Nang sabihin 'yon ni Kuya Luke ay tumayo ako ng tuwid.
"I want to see him oppa," para akong bata na nagmamakaawa ngunit umiling si Kuya Luke.
"Make yourself okay first, before entering it might affect him." Huminga ako ng malalim, mga ilang beses habang nakapikit.
Natigilan kaming lahat ng tumunog ang cellphone ni Kuya Luke, nang malaman na si Jami 'yon ay ni-loud speaker na lang niya para marinig rin ni Ate Mia. "Daddy why is tito here?" Nangunot ang noo naming lahat.
"Tito?" Kwestyon ni Kuya Luke.
"Tito Kent." My lips parted, lahat kami ay nagulat. Ang luha sa mata ko ay kusang tumulo sa narinig ngunit mabilis akong inalalayan ni Ate Mia at niyakap.
"He'll be back," she stated.
"Your Tito Kent is there? What is he doing baby?" Kuya Luke tried not to sound nervous.
"I don't know daddy, he's just wondering like he's not seeing us. Para po siyang may hinahanap." Umawang lalo ang labi ko kahit na ang ibang kasama.
"Are you sure it's tito?"
"Yes daddy, oppa is sleeping so I can't go downstairs because it's so mataas." Lumunok ako at nilingon ang katawan ni Kent Axel mula sa loob.
Pinilit kong pumasok kaya sumunod sa akin si Kuya Luke, Kuya Zai, at Ate Mia. "Is your tito still there?" Tanong ni Kuya Luke.
"Yes daddy, he's standing right now." Nakagat ko ang ibabang labi at hinawakan ang kamay ni Kent Axel na nakahiga ngayon at walang malay.
"Please comeback love.." pakiusap ko at yumuko sa kamay niya.
"I love you—"
"Oh my gosh daddy! H-He suddenly disappeared!" Napakurap ako dahil natataranta na si Jami sa nakita, she's still a kid and it's normal for them to see things because they're so innocent.
Then my I love you is the one who take him back? "Oh my god, I can't believe it." Ate Mia exclaimed crying.
Nanatili akong nakayuko sa harap ni Kent Axel hanggang sa tumunog amg machine. "What's happening?" I asked, mabilis na inayos nila Kuya Luke 'yon at halos makahinga kaming lahat ng maluwag matapos niyang sabihin na, "He's now stable..." Kuya Luke announced that made me sighed.
At dahil hindi kami maaring magtagal ng sobra sa loob ng ICU at ililipat na rin siya ay kailangan ko munang lumabas, ilang oras bago siya nailipat sa private ICU ngunit ayos lang 'yon dahil pag gising niya lang ang hinihintay namin.
Marami rin siyang sugat, may sugat siya sa gilid ng noo na natahi na. May gasgas siya sa pisngi at ang katawan niya ay nakabenda ang ibang bahagi dahil sa malalaking sugat at may pilay rin siya sa isang braso.
"Are you okay hija? You should rest rin okay?" Matipid kong nginitian si Mommy Miyu.
"I can still handle po," pabulong kong sabi.
"I'll be your mommy muna ha? So if you need someone just stay with me." Ngumiti ako ng haplusin nito ang pisngi ko.
"Thank you po," wika ko.
"I brought some food, heat your tummy first." Dad announced, Kent Axel's father.
I should call them mama and papa na lang para less confusion. "Thank you po, pa." Pinilit kong ngumiti at tinanggap ang bulalong inalok niya sa amin.
"You can rest Mia, your child needs you." Nakangiting sabi ni papa kaya naamn umiling si Ate Mia ay nanatiling nakatanaw sa kaniyang kapatid na walang malay.
"What did the investigator say?" Tanong ni Ate Mia ng saktong pumasok si Kuya Luke at Kuya Zai.
"It's a pure accident, the truck got out of control. While Kent is waiting to the traffic light biglang sulpot yung truck that's why hindi niya inaasahan." Nakagat ko ang ibabang labi.
"I-I can't lose someone anymore," pabulong kong sabi at binitiwan ang spoon tsaka ko sinapo ang sariling mukha ng muli ay umiyak na naman ako.
"I-I can't," namaos ako at sa pagluha ay naramdaman ko ang pagpapatahan sa akin ng mga kuya ko.
"You won't lose him okay? He's getting better you have to trust him." Kuya Luke stated and wiped my tears.
"Make her rest first," suhestyon ni papa kaya naman umiling ako.
"A-Ayoko po, d-dito lang ako." Pagpupumilit ko.
"I won't cry a-anymore po," para akong batang kinukumbinsi ang tatay ko na isama ako sa kaniya.
"Alright, get some nap then. Embrace yourself okay?" Tumango tango ako at sumandal sa sofa, napabuntong hininga naman ang mga kasama ko kung kaya't nahihiya akong pumikit.
"She's still having the trauma from her mother's loss, I understand." Mahinahon na sinabi ni mama kaya pumikit ako at sa pagpikit ko na 'yon hindi ko namalayan ang sarili na nakatulog na pala.
Days past and it's almost three days since the accident happened, it was traumatizing. It makes me recall how my mother died in front of me at naging dahilan 'yon para umatake ang anxiety ko.
I didn't go to work and all I did is to take care of Kent Axel who's unconsciously lying in his bed. Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng ICU para punasan siya, towel na may alcohol ang hawak ko at dahan dahan ko itong ipinupunas sa mga walang sugat na parte.
Ako rin ang taga palit ng benda dahil kahit 'yon lang ay magawa ko siyang tulungan, ang tahi sa noo niya ay kailangan ring agapan upang hindi ma-infection. Muli ay lalagyan ko ito ng betadine at tatakpan ng bandage, marahan kong inayos ang bandage at tsaka ko siya tinitigan habang hawak ang kamay niya na may sing sing.
His ring is now clean, it's shines normally. Hinawakan ko 'yon at pasimple g napangiti. "Wake up already love, you need to marry me later." Sinubukan kong siglahan ang boses.
"I love you." Mahinahon na sabi ko.
Natigilan ako ng sandaling gumalaw ang daliri niya habang hawak ko ito, nanlaki ang mata ko at mabilis na kinuha ang flashlight mula sa ballpen at tinignan ang mata niya. "Oh my god.."
Mabilis kong pinindot ang red button to tell them that Kent Axel is waking up already, napangiti ako ng kumurap kurap siya. "Oh my god you're awake!" I exclaimed because of happiness.
Sa kisame pa rin siya nakatingin kung kaya't nang pumasok ang mga kasama ay sila Kuya Luke ang nag-alis ng tubo sa bibig niya, after that his breathing got okay and I'm fine with that.
"Do another Ct-scan, let's check his head one more." Kuya Zai stated and started a test.
"Eonnie." Masayang sabi ko at nag-yakap kaming dalawa, after that inilipat nila si Kent Axel sa isang private room.
Nang makapasok sa kwarto niya ay napangiti ako kaagad lalo na ng magtama ang mata namin. "Noona." Nakangiting tawag niya kay Ate Mia kaya naman napangiti ako at pinanood silang magyakap.
"Sajingggg!" Natigilan ako sa tawag niya sa akin kaya naman lumapit ako sa kaniya.
"Wala ka bang pasok? Binantayan mo na naman ako ah." Nangunot ang noo ko ng kakaiba ang tingin niya sa akin.
Hindi niya ako yayakapin? Final?
"Hindi ako pumasok, binantayan kita." Nakangiwi kong sabi at hinawakan ang pisngi niya ngunit para siyang nagitla.
"Napano ba ako? Did I pass ou— what the hell why does it hurt?" Tinignan niya ang braso at dahil doon ay nagtaka ako. Hindi niya naalala yung accident na nangyari sa kaniya?
"Hindi mo naalalang na-aksidente ka?" Tanong ko, nangunot ang noo niya at umiling.
"Where's Lauren?" Natigilan ako sa tanong niya at muling nilingon sila Ate Mia na punong puno rin ng pagtataka.
"Malakas ba talaga yung tama ng ulo mo?" Takang sabi ni Kuya Luke at nangunot ang noo.
"Jami told us that she saw you when you're still unconscious." Mahinahon na sabi ni Ate Mia, nangunot ang noo ni Kent Axel kasabay ng pagsalubong ng kilay niya.
"Jami?" Napalunok ako at mas nagtaka.
"Hoy ayos ka lang ba talaga?" Tanong ko at hinipo ang noo niya.
"Wala ka namang lagnat, anong nangyayari sa'yo?" Kwestyon ko ngunit hinawakan niya ang pulsuhan ko at ibinaba 'yon dahilan para magtaka ako.
"Pumasok ka na Saji, baka bumagsak ka pa dahil sa akin." Nakangiting sabi niya dahilan para matigilan ako.
"You mean?" I stated.
"I mean go to school already, graduating na tayo ano ka ba." Umawang ang labi ko at bahagyang napaatras ng sandaling makuha ko ang nangyayari.
"You're alright?" Tanong ni Ate Mia.
"I don't go to school Kent Axel, I already graduated last 7 years." Nangunot ang noo niya at natawa ng malakas.
"Panay ka talaga biro," saad niya kaya naman nalingon ko muli sila Ate Mia.
"How old are you?" Tanong ni Kuya Luke.
"22 years old, anong tingin mo sa akin hyung bata." Natatawang sabi ni Kent Axel kaya naman sabay sabay kaming natigilan ng dumating si Kuya Zai with Lauren.
"Oh hi." Masayang bati ni Kent Axel, ang tingin ay na kay Lauren.
"Napano 'to?" Natatawang tanong ni Lauren.
"Come here!" Senyas ni Kent Axel kaya naman bahagya akong umusad ag pinanood, nang makalapit si Lauren ay natigilan ako ng yakapin ni Kent Axel si Lauren gamit ang isang kamay.
"What the—"
"Hoy!" Napalunok ako at nanood lang tila naguguluhan.
He's having memory loss, nawala yung 7 years seryoso? Yung kami?
"Bitaw nga Kent Axel." Sita ni Lauren nang bahagyang makalayo ay napalunok ako ng hawakan ni Kent Axel ang mukha ni Lauren.
"What the hell?" Bulong ko.
"Let go Kent Axel ang kulit ano ba!" Seryosong sita ni Lauren.
"Aw 'di mo na ako love?" Lumunok ako at napaatras.
"Saji." Nilingon ko si Kuya Luke.
"Please understand." Mahinahon 'yon ngunit masakit para sa akin.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Kuya Zai.
"Wait, aalis muna ako sandali." Mukhang nakatunog si Lauren kaya naman ng makalabas siya ng hospital room ay ngumiwi agad si Kent Axel at nakatanaw pa rin sa pinto.
Bumalik ba kami sa puntong si Lauren ang gusto niya?
"Kent Axel, you're already 29 years old." Paglilinaw ni Ate Mia dahilan para manood lang ako sa kanila habang nakatayo.
"29? Ang tanda ko naman ano ba hahahaha.."
"Seryoso ako." Sagot ni Ate Mia.
"Nandito ka kasi na-accident ka, na-coma ka for three days dongsaeng. You already graduated, lawyer ka na, may lawfirm ka na. Can't you recall?" Natigilan si Kent Axel at umayos ng upo, malalim na nag-isip.
"Wala noona."
"Nasaan ba tayo?" Tanong niya.
"Palawan." Sagot ni Ate Mia kaya naman habang pinanonood si Kent Axel ay kakaiba nga siya ngayon, yung pagtawag niya sa akin kaya pala ganoon.
"Look at your bruises, may tahi ka pa." Tinignan ni Kent Axel ang sarili at doon ay natigilan siya at huminga ng malalim.
"7 years has already past, hindi na kayo nag-aaral." Mahinahon na explain ni Ate Mia, binasa ni Kent Axel ang labi at dahan dahan na sumandal.
"Woah really?" He looks amazed.
"Wala akong maalala," he added and think more deeply.
"I want to rest, you guys can leave me alone first." He stated and looked away kaya naman huminga ako ng malalim at inayos ang gamit ko, kinuha ko rin ang bag ko at tsaka ako dumaan sa harap ni Kent Axel dahilan para sundan niya ako ng tignan.
"I'll go first," mahinahon kong paalam at lumapit sa kaniya. Natigilan naman siya kaya ng yumuko ako ay halos umawang ang labi niya lalo na ng halikan ko siya sa pisngi at mabilis na talikuran.
Papalabas na ako dahil nauna ako kila Ate Mia ay narinig ko ang simabi niya. "What the hell? My heart is about to go out." Pasimple akong napangiti at naglakad na papaalis.
///
@/n: nawa'y patawarin niyo ako 😂 keep safe!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top