Chapter 69 [Mistaken]
Saji Argelia's Point of View.
I was staring at him, he stopped talking a while ago. He looks calmer now, "I'm leaving." He said and just left me alone in this room.
He did sessions too huh? That's why he learned how to handle every anxiety attack?
After that day, We got into each other's home. I stayed in my penthouse and lighted a candle, I never visit my mom's grave. It turns out my attacks happened when everything flashbacks.
I lose everything, my dad can't talk. He needs someone to feed him, he started being like that when we lose my mom. If it's so painful to me what about my dad? They've been together for a very long time. Since high school days, I heard it from mom.
Nakatulala lang ako at tinititigan ang kandila na sinindi ko inabot ko ang cellphone ko at binuksan ang app na IG kinuhanan ko ng litrato ang kandila. I posted it with the caption If only I could come to you, I will.
I'm talking about my mom, matagal na ng muli akong humawak ng baril, kutsilyo lalo na pag nag-iisa ako. Natatakot ako sa sariling takbo ng isip, hindi na bago ngunit mas nakakatakot.
It already affect my attitude, I am not the happy Saji before. Tumayo ako at inihipan ang kandila, I didn't change clothes I just wear my large size hoodie and a leggins. I tied my hair into bun before going out.
I opened the elevator but then I was stopped when it opens. Leona and Kent Axel were standing, I swallowed hard and enter the elevator. I clicked the ground floor. "It's been a long time, Saji Argelia." Nang marinig ko si Leona ay nilingon ko siya.
"You know me?" I asked pointing at myself. Of course I know her but I left her before accusing her.
"Huh? W-What are you talking about?" Nagigitla siya kaya naman tumikhim ako.
"Leona Ballesteros, you can't remember me?" My lips parted, Oh my god I didn't know I'm good at acting and I made her believe.
"I do, I just forgot." Mahinahon na sabi ko at inilabas ko ang kamay ko sa bulsa ng hoodie.
Hindi ko alam kung papaano magkapera yung sa online kaya nababadtrip ako at balik sa ATM at cash ang way of payment. "Where are you heading to?" Mahinahon na sabi ni Leona kaya naman tumikhim ako.
"Just there," matipid kong sagot hindi na sila nilingon.
When the elevator opens I immediately walk outside to leave the hotel. Nang makalabas ay nakahinga ako ng maluwag at tinitigan ang kalangitan. "The sun shines so bright, masakit sa mata." Bulong ko sa sarili at tsaka yumuko na lang.
Ngunit ganoon na lang ang pagtigil ko ng marecieve ang tawag ng kaibigan kong doctor sa ER kaya naman sinagot ko ito. "What happened?"
"I-I think i'm pregnant Saji!" My eyes totally widened when I heard her.
"B-Bakit? Papaaano? Wala kang boyfriend."
"I slept with someone.. Natatakot ako, panigurado magagalit sila mama sa akin Saji. Hindi pwedeng malaman ng iba 'to." Napalunok ako at nakagat ang ibabang labi ko.
"We should confirm it first okay? Calm down!" I said calm down pero ako ang natataranta.
"Buy me some pregnancy test please? I'll wait you here. You know my room 'di ba? Please Saji hindi pwedeng malaman ng iba hindi ako lumalabas ng kwarto natatakot ako." Naiiyak niyang pakiusap.
"S-Sige."
Nang mamatay ang tawag ay para akong inasthma sa kaba, naglapat ang labi ko at hindi alam ang gagawin. Naglakad ako pabalik balik sa harap ng pharmacy malapit sa Law Firm ni Kent Axel ngunit nakikita ko ang mga nagtatrabaho sa hospital.
Anong sasabihin nila pag bumili ako ng ganoon? Issue pa man din na lumalabas ako with Gavin ayokong isipin nila na masama. Kagat kagat ko ang labi at pabalik balik ulit na naglakad. "You're making me dizzy." Gulat akong napalingon ng marinig ang boses ni Kent Axel.
Nakagat ko ang ibabang labi at nahihiya siyang tinignan. Isang oras na akong nandito at hindi ko alam kung papaano bibili. "What? Para kang natatae diyan." Humaba ang nguso ko at sumilip sa loob ng pharmacy.
"Can you check kung nandoon pa yung co-workers ko sa hospital?" Nakikiusap kong sabi na ikinasalubong ng kilay niya.
"Why? Are you hiding from someone?" He asked his height were perfect so he can see everything from where i'm standing.
"Marami sila," wika niya kaya naman nasapo ko ang mukha.
"Why?" He asked again.
"I need to buy something, but I'm too shy to buy it." Nanlulumo kong sabi.
"Condom?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya at umiling iling with my hands waving.
"Lubricant?" Mas nanlaki ang mata ko.
"Hindi!"
"Then what?" Lumunok ako at tinitigan siya, nilingon ko ang mga kasamahan sa ospital na nasa loob kaya naman hinila ko si Kent Axel sa gilid para hindi ako makita ng mga kasama.
"I need kits," bulong ko.
"Kits?" Pabulong na tanong niya rin.
"Pregnancy test, I need a lot." He stopped when I admitted it, his eyes widened a bit.
"Oh."
"Buy then," he said and about to left but then I cling into his arms.
"Buy me some, please!" Pakiusap ko.
Tinitigan niya ako, niyuko niya pa ako just to be sure. "Why would I? Bakit hindi mo ipabili sa ama niyan?" Tukoy niya kaya ngumuso ako at napakamot sa sintido ko.
"Hindi ko alam kung sino," bulong ko.
"Secret lang daw kasi," I added.
"Sige na attorney, buy me some. Babawi ako sa'yo promise!" I said with my hands together parang nagmamakaawa.
"Hindi mo alam kung sino ang ama? Woah." Hindi makapaniwalang sabi niya.
"What a jerk." Bulong niya pa.
"Sige na attorney alam kong inaway kita sorry na, gawin mo lang 'to para sa akin. I'll cook dinner for you? How about that?" He stared at me for almost 3 minutes before sighing.
"Alright," and there he is he left without asking what kind he just enter the pharmacy and buy some.
Napapansin ko na lahat sa kanila ay nakatitig sa hawak niya at alam kong awkward 'yon pero may fiancé siya kaya naman okay lang ako wala kaya ka-issue issue!
Ambait niya pagpalarin siya ng diyos!
After that simple lang siyang naglakad papalabas at dumeretso sa entrance ng hotel kaya naman pahabol akong sumunod. Nang makapasok ay huminga siya ng malalim at inabot sa akin 'yon.
"Thank you so much! Just contact me when you're free!" Malakas na sabi ko at isenenyas ang kamay ko sa tenga with phone call sign.
"Wait." He stopped me.
"I don't have your number," wika niya kaya naman napalunok ako.
"You changed number?" Tanong ko.
"Yeah," he answered kaya naman tumikhim ako at inilabas ang cellphone ko.
Ipinakita ko sa kaniya ang number ko. "Can you memorize it?" I questioned.
"Mm go ahead." He said and gestured the elevator kaya naman kumaway ako at dumeretso sa floor ng friend ko.
Nang makarating ay umiiyak siya. "Oh calm down. Natagalan kasi nagkaroon ng problema." Niyakap ko siya at hinayaang umiyak sa balikat ko.
"Tahan na," wika ko at tinapik tapik siya sa likod.
"Dala ko na yung sinasabi mo, test it I'll wait for you." Mahinahon kong sabi tumango tango siya at binuksan ang paper bag.
"Seryoso ka? Papagamit mo ito sa akin?!" Nanlalaki ang mata niyang tanong kaya nangunot ang noo ko at sumilip na ikinalaki rin ng mata ko.
"Bente piraso ang mamahal pa nito! Babayaran kita!" She said hysterically.
"Okay lang, ako na." Sagot ko.
Babayaran ko na lang mamaya si Kent Axel. Nakakahiya sa ex ko pa ako mismo nagpatulong how come?!
After a few minutes dalawang test lang ang ginawa niya kaya naman parang ako yung tatay dahil kinakabahan ako sa result. "Saji ikaw tumingin! Natatakot ako." Kaya naman pumunta ako sa loob at tinignan ang results sa ibabaw ng sink.
"Wait wala pa." Mahinahon kong sabi.
Ngunit halos makagat ko ang ibabang labi ng makita ko sa lahat ng results na dalawang pulang linya kaya naman natakpan ko ang bibig. "Oh my god."
"What's the result?" Nilingon ko siya at kitang kita ko na kinakabahan siya.
"P-Positive Lea!" Sagot ko.
"Oh my god, it can't be. Mapapatay ako ng nanay at tatay ko. 25 years old pa lang ako Saji." Maluha luha niyang sabi kaya niyakap ko siya.
Tatlong test na ang ginawa niya kaya nanatili ako sa tabi niya. "It's a blessing Lea." Pagpapatahan ko.
"For me it's not a good blessing at the moment. I'm not yet done gusto ko pang maging surgeon Saji." Bumuntong hininga ako.
"Lea find the father of this baby okay? Or I'll find him. Tell me who he is?" Tanong ko.
"It's my ex." Mariing bulong niya kaya naman nakagat ko ang ibabang labi.
"Contact him, kung hindi ka niya papanindigan nandito ako! I'll help you raise your baby! I promise that." Paninigurado ko sa kaniya ngunit ngumiti siya.
"You're so happy about it," nakagat ko ang ibabang labi at nag-iwas tingin.
"It's my dream to have a baby Lea." Bulong ko.
"I can't have it because I'm stuck at my ex." Mahinahon kong sabi.
"I only want him to be the father."
"Saji.."
"So treasure your baby okay? I wanted to have it but I can't." We stayed together for hours comforted each other until she decided to call the ex of hers.
She wanted to be alone kaya naman tumayo na ako. "Saji take this, baka magamit mo in the future." Napalunok ako at kinuha ang paper bag.
"Alright, call me." Ngumiti ako at kinawayan siya, umakyat na ako sa penthouse ko. She gave me one of the pregnancy test that she take remembrance daw loko talaga.
Tatlo kasi ang test na ginawa niya kaya naman ipinatong ko muna 'yon sa ibabaw ng center table kasama ang mga pregnancy kits na binili ni Kent Axel.
Then kalokohan ang pumasok sa isip ko mabilis kong kinuhanan ng litrato ang pregnancy test na nagpositive at kinuhanan ng litrato tapos ay inilagay ko sa story ko sa IG ngunit sa close friends lang I'm sure makikita ito nila Kuya Zai.
I captioned it 'Positive!'
Ano kayang sasabihin nila Kuya Zai? Napangiti ako at ibinaba ang cellphone ko sa tabi ng kits. I was about to go inside my room pero may nag bell sila na siguro ito!
Pagkabukas ko no'n ay natigilan ako ng makita si Kent Axel na salubong ang kilay at blangkong nakatingin sa akin. "Oh? H-Hindi ka naman nagtext?" Tanong ko.
"Why would I have to? Sa itaas lang ako," itinuro niya ang floor sa taas kaya naman napalunok ako at mas binuksan ang pinto.
"Pasok ka, hindi ka nagsama ng kasama mo?" Tanong ko.
"I'm alone right? You can see it." Pilosopo niyang sabi at naupo sa center table kaya naman napalunok ako at nanlaki ang mata ko ng makita niya ang result.
"Oh that! Wait don't tou—" nang mahawakan niya na ay nagsalubong lalo ang kilay niya.
"Wow, congratulations." Napalunok ako sa sinabi niya kaya naman kinuha ko na 'yon at itinago.
"Ah by the way I'll pay you for this." Tinutukoy ko ang kits.
"I know it's a bit awkward pero thank you. You helped a lot." Nakangiti kong sabi, trying to be casual!
"Yeah, who's the father of this child?" Tanong niya kaya naman napaisip ako.
"Hindi ko pa kilala, soon makikilala ko rin." Nakangiting sagot ko.
"Ah right! Have some baka magamit mo in the future!" Inilabas ko ang dalawang test kits at inabot sa kaniya,
"My fiancé is already pregnant." Natigilan ako sa sinabi niya.
"I won't need that." Ang puso ko ay parang sinaksak ng maraming kutsilyo, alanganin akong tumawa at nag-iwas tingin.
"Lucky you, congratulations." Mahinahon kong sabi at tsaka sandaling nagpaalam.
"I'll just change clothes." Paalam ko at ng makapasok sa loob ng kwarto ko ay natulala ako. Kinapa ko ang dibdib at tinapik tapik.
My tears started to flow ngunit mabilis kong pinunasan 'yon at inayos sa harap ng salamin ang hitsura ko. Lumabas ako ngunit wala si Kent Axel tumutunog ang cr kaya baka nandoon siya.
Nang muling may nag-bell ay lumapit ako doon at binuksan 'yon. "Saji what the hell is this?" Nanlaki ang mata ko ng pumasok kaagad si Kuya Luke at Kuya Zai together with Ate Mia pinakikita ang story ko sa IG.
"T-That.."
"Are you pregnant? Who's the father?" Napalunok ako at nilingon ang nasa banyo.
"Ano kasi—"
"Oppa.." Nakagat ko ang ibabang labi.
"Buntis ka sinong ama? Nagkabalikan na ba kayo ni Kent Axel?" Mabilis na sabi ni Kuya Luke.
"Oppa let me explain okay kalma lang hala." Pagpapakalma ko ngunit naupo sila sa center table dahilan para makita ang results.
"How do you feel right now? May masakit ba sa'yo Saji?" Nag-aalalang tanong ni Ate Mia kaya huminga ako ng malalim.
"Sinabi mo na ba kay Kent Axel lahat? Naayos niyo na? May fiancé siya 'di ba Saji?" Sinenyasan kong tumahimik si Kuya Zai.
"What don't make me shut up! May fiancé siya 'di ba? Tapos na buntis ka niya? Oh god." He said hysterically.
"Oppa I said let me explain!" Malakas na sabi ko.
"You're stressing her boys!" Sita ni Ate Mia.
"Papaano mo hinayaang mangyari 'to Saji? Alam ko yung nararamdaman mo para sa kaniya pero ikakasal na siya. Ano ba naman at hindi mo na inisip ang sarili mo!" Napapikit ako at bumuntong hininga.
"Look I told you to listen." Mahinahon na sabi ko.
"Sinabi mo na ba yung rason kung bakit ka naki pag hiwalay kay Kent Axel noon?" Nakamot ko ang sentido.
"Hindi nga kami nagkabalikan ang kulet oppa!" Inis na sabi ko na.
"Eh yun na nga tapos na buntis ka pa jusmiyo marimar ano ba naman yan bunso!" Gigil na sabi ni Kuya Zai kaya ngumuso ako.
"Pero nasabi mo na sa kaniya yung ginawa mo before? Kaya napilitan kang hiwalayan siya?" Mahinahon na tanong ni Ate Mia.
"No, it's not his baby and I'm not pregnant. Pag nalaman niya ano pa bang mangyayari? He'll be guilty and what?" I asked with tone of dismay.
"Huh? Eh kanino 'to?" Tanong ni Kuya Zai.
"It's from my friend, hindi ko kilala yung guy pero she wanted me to keep it secret kaya ayokong marinig 'to sa labas ng penthouse ko." Mariing sabi ko.
"Kung ako yung buntis baka pinakain ko pa buong ospital. Alam niyo namang gusto ko ng magka-baby noon pa man." Nanlumo ako at ibinaba ang kits.
"Oh taena puso ko." Gulat na sabi ni Kuya Zai habang nakaturo sa bandang cr.
"Bakit nandito ka?" Tanong ni Ate Mia.
"She's going to cook for me." Mahinahon niyang sabi.
"Ha? Anong iisipin ng fiancé mo?" Pasenyas na sabi ni Kuya Zai.
"Akala ko pa naman buntis 'tong isang 'to umalis pa ako kaagad sa shift ko." Ngiwing sabi ni Kuya Zai kaya ngumisi ako.
"Galit na galit ka nga gustong manakit." Ngising sabi ko.
"Heh." Singhal niya.
"Aalis na kami kung gano'n. Bilin ko Saji." Nagbabantang sabi ni Kuya Luke kaya tumango ako.
Nang umalis na sila ay napalunok ako at tinignan si Kent Axel. "Hindi mo naman inisip na sa akin ito 'di ba?" Nanlalaki ang mata kong tanong.
"I did." He answered and sat on the single sofa.
"Oh man." Bulong ko.
"What now? Cook for me." He said and pointed the kitchen kaya naman tumayo na ako.
"Ah hindi ba pwedeng magluto yung fiancé mo kasi preggy siya?" Tanong ko.
"Tell her not to exaggerate herself, baka makasama sa baby. Huwag mo ring pagbubuhatin ng mabibigat mahirap na, healthy foods lang. No alcohols or whatever." Bilin ko at tsaka binuksan ang fridge ko.
"Ngayon lang ulit ako magluluto kaya hindi ko sigurado kung masarap 'to o hindi." Maayos na sabi ko.
"Wait a minute, I'll just talk to someone." Paalam niya at derederetsong lumabas.
Oh okay.
///
@/n: MWEHEHEHE keep safe everyone have a good weekend love lots! 💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top