Chapter 68 [Deep wounds]
Saji Argelia's Point of View.
Ngayon ay pinilit kong maging normal sa harap ng iba, birthday ni Gavin at hindi ko sisirain 'to. "Cheers!" Malakas na sabi ni Gavin hawak hawak ang iced tea dahilan para matawa ako.
I realized bawal pala siya uminom dahil sa condition niya.
"Woooah! Sarap ng beer, sweet." Nakangisi ako at uminom na lang habang kumakain, sobrang tahimik ni Kent Axel ngayon hanggang sa may tumawag sa kaniya at hindi nakaligtas sa mata ko kung sino 'yon.
Love huh? Funny.
"Hello love why did you call?" Panimula niya at tumayo kaya naman bumuntong hininga ako at hindi pinansin ang nag-aalala na tingin nila sa akin.
"Okay ka lang doc?" Pilit kong nginitian si Nurse Chi.
"Gusto mo earphones?" Tanong ni Gavin kaya umiling ako.
"Don't ask me questions like that, ayokong isipin niya na ang tanga tanga ko noon." Seryosong sabi ko at uminom na lang.
"Kahit friendship namin sinira ko, dapat hindi na lang ako pumasok sa relasyon na 'to kung ganito rin ang bagsak. But I liked it so much." Nakangising sabi ko at uminom ulit.
"Ayos lang yan doc, don't regret the things that made you happy. Kalma lang." Nurse Chi said that made me agree.
"Tama, let's get drunk!" Malakas na sabi ko.
"Tignan natin kung malasing ako rito sa fake beer." Ngising sabi ni Gavin kaya natawa ako hanggang sa makabalik na si Kent Axel.
"I'll leave for a while, babalik ako before 6 PM." Paalam ni Kent Axel kaya hindi ko na siya tinignan.
"Ingat attorney."
"Ingat ka attorney."
"Balik ka ha birthday ko," paalam ni Gavin.
"Sure." He stated habang ako ay tahimik na umiinom, nangunot ang noo ko ang mapansin ang tingin nila.
Tapos napansin kong hindi pa umaalis si Kent Axel. "Alis na, maiinip pa yung nag-aantay sa'yo eh." Sarkastika kong sabi.
"Mag-ingat ka, baka maaksidente ako sa daan." Umawang ang labi ko at umirap dahil sa sinabi niya, hindi ko naman hihilingin na mangyari 'yon.
"Take care attorney, kahit 'di ka na bumalik." Maarte kong sabi with irap dahilan para umawang rin ang labi niya at mapailing iling.
Umalis na siya kaya naman nagtuloy pa rin kami. "Doc you know what, I didn't expect to live one more year." Natigilan ako at napatitig kay Gavin.
"Why not?" I questioned.
"Oo nga hawak ka ng one of the best doctors, huwag kang matakot." Natatawang sabi ni Nurse Chi.
"Oo nga naman." Sangayon ni Doctor Althea.
"It's just that, hindi lang kayo naging doctor or nurses sa akin. You became my friends, like woah I didn't expect that." He was amused.
"Of course." Sagot ko.
After 4 hours the sun is about to set, habang naglalakad lakad ako sa dalampasigan to ease up ay pinanonood ko ang araw. "You still shine the brightest though, medyo ma-attitude ka lang." Natawa ako sa sariling sinabi.
Napayuko ako ng sandaling maalala na may iba na siyang tinatawag na love, dati ako lang 'yon eh. Ako dapat 'yon eh, naupo ako sa isang bato at yumuko sa sariling tuhod. Inilabas ko ang kwintas sa pagkakatago nito at hinalikan.
Nandito mismo yung singsing na binigay niya. "I love you the most, Sol." Mahinang bulong ko nanatiling nakapikit habang nakadikit sa labi ko ang kwintas ngunit ng magmulat ako ay nakita ko ang yate na papunta rito.
Ngunit nakatayo siya sa railings at pinanonood ako dahilan para pasimple kong itago ang kwintas at sumandal sa mismong bato, nakakaantok. Nanatili akong nakapikit hinahayaan na salubungin ako ng hangin.
Kinapa ko ang dibdib, ang bilis ng tibok nito. Lumunok ako at nagmulat ngunit napatayo ako bigla dahilan para magka-untugan ang noo namin. "B-Bakit ka ba nakasilip!" Malakas na sabi ko at ngumuso.
"I wonder if you're still on your senses because you already drank so much," he stated hands were on his pockets. He's wearing a maong short the length above his knee and a black buttons up polo.
"I told you hindi ako mabilis malasing." Mariing sabi ko.
"Lapit ka ng lapit, ayoko ng issue between me and you okay?" Mariing dagdag ko at umirap.
"Can't you just save me from being the target of your current lovers?" Singhal ko pa.
"Current lovers huh? How many lovers do I have?" Dismayado niyang sabi.
"I mean before naging target ako ni Lauren, ayokong sumunod ang isa pang L okay?" Ngumiwi ako at tumayo na.
"Ooh L? Where did you get that idea from?" Umirap na lang ako sa tanong niya.
"L you mean love?" Tanong niya.
"I don't care, diyan ka na nga." Inis na singhal ko at bumalik na sa cottage.
"Siraulo amp." Bulong ko.
"Siraulo? Again? Ikaw kaya 'tong may sira sa ulo panay ka—"
"Tse!" Bulyaw ko at nagmadaling umalis na, nang makabalik sa cottage ay mukhang may tama na si Nurse Chi. Bumalik ako sa kinauupuan at tahimik na bumalik sa pag-inom.
I felt a stare, but I didn't bother glancing. The dark came and the moon is already set, bumuntong hininga ako ng maramdaman na tipsy na ako. "Attorney, tumatawag ata fiancé mo. Okay ka pa ba?" Gavin stated, nalingon ko si Kent Axel na nakapikit habang nakasandal.
Seryoso ba siya na hindi na active ang drinking habit niya? Napalunok ako ng makita rin na nakayuko na si Nurse Chi pero ako na marami ng nainom ay nakaupo at pinanonood sila.
"Seryoso ba?" Bulong ko at kinakabit si Kent Axel.
"Imposible! Ang lakas niya kayang uminom noon hindi nga siya malasi—"
"It's from the past," nanlaki ang mata ko at lumayo sa kaniya ng maupo siya ng maayos at antok na antok na sinagot ang cellphone niya.
"Love tawag ng tawag, ano ba?" Napalunok ako at mabilis na nag-iwas tingin, It would be a favor kung sa name niya tatawagin 'di ba?
"What? I told you I'll go home tomorrow. Wait for me, wala ako sa penthouse kahit pasukin mo pa 'yan." His eyes were closed, he looks really sleepy from drinking a lot but here I am getting jealous.
"Barged in or what, ang kulit mo love." Nakagat ko ang ibabang labi at pinaglaro ang daliri ko sa ibabaw ng mesa at ng mapansin 'yon ni Gavin ay mabilis kong tinago.
"Attorney lasing ka na, mas mabuting bukas na kayo mag-usap." Mahinahon na sabi ni Gavin. Nakita ko naman kung papaano pinatay ni Kent Axel ang mismong cellphone niya.
As in power off, hindi kaya magselos si Leona ni Kent Axel ang ex niya? Tapos nakapatay pa ang cellphone for sure pag ako mag-ooverthink na ako. "Lasing na yan?" Tanong ni Gavin, I shrugged.
"Ikaw ex niyan dapat kilala mo yan," singhal niya.
"Doctor Althea, umakyat na kayo. Ako na mag-aakyat kay Chi." Tumango si Doctor Althea at naunang lumabas kaya naman nanatili akong nakaupo at sandaling pumikit habang nakasandal.
"Una na kami doc, ikaw na bahala diyan." Nakangising sabi ni Gavin kaya ngumiwi ako at nanatiling nakapikit, tatayo na sana ako ngunit naramdaman ko ang pagbagsak ng ulo sa balikat ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
Dahan dahan kong nilingon ang nakatulog na si Kent Axel dahilan para mapabuntong hininga ako. "Love huh," bulong ko sa sarili at pekeng tumawa.
Hinayaan ko siyang sumandal sa balikat ko, ng silipin ko siya ay sa labi niya unang tumigil ang mata ko. Sobrang pink at mamula mula pa 'yon, pero masaklap paniguradong iba na ang hinahalikan ng mga labi na 'to.
While staring at him, it reminds me of the days when we were so happy with each other although we have a busy schedule he always makes time. He's so responsible as a boyfriend papaano pa kaya pag asawa na? Shit swerte.
Natigilan ako ng mapansin na nakamulat na pala siya dahilan para mapalunok ako. "Will you fix yourself attorney? You look wasted." Naupo siya ng deretso at kumurap kurap kaya naman huminga ako ng malalim at inayos ang ibang gamit sa cottage.
"I fell asleep?" He questioned, oh he didn't know that his fiancé called huh? Sabog.
"You're high, sinagot mo nga ang tawag ng love mo. Bungal," inis na bulong ko at tsaka tinignan siya.
"Your alcohol tolerance is bad huh? You even fell asleep," pagtingin ko sa mukha niya ay nangunot ang noo ko ng muli ay nakapikit na siya dahilan para mapailing iling ako.
Unbelievable..
Hiniklat ko ang kamay niya, his eyes were half open. "Oh this is h-harassment—" my lips parted when he fell on the sand that made me feel guilty kaya naman inakay ko ulit siya.
"Hala sorry! Ambigat mo kasi," reklamo ko at inilagay ang braso niya sa balikat ko at pilit na itinutuwid ang lakad namin.
"Attorney gising!" Gitil ko at kumapit ng mabuti sa railings ng hagdan at ng maka survive ay dumeretso ako sa kwarto ko dahil sabi niya hindi siya rito matutulog ang konti ng kwarto na available!
Nang maihiga ko siya sa kama ay uminat pa siya at iniyakap ang isang braso niya sa unan kaya naman napakamot ako sa sentido. "I can't imagine you got drunk for the first time!" Bulyaw ko at pinalo siya sa binti ngunit umungol siya ng may pagrereklamo.
"'Kung masama lang ako sa dagat ka dumeretso! Pagpyestahan ka ng mga jelly fish!" Gigil na gigil kong sabi, napanguso ako at sinilip siya na nakanguso habang natutulog.
Parang bata, itong matapang niyong attorney? Nakanguso matulog amp.
Naupo ako sa gilid niya at inayos ang polo niya na tumaas ang tela ibinaba ko 'yon at dahil nakadapa siya ay tinapik tapik ko ang likod niya. "Gising magbihis ka amoy alak ka ambaho mo." Pagsisinungaling ko.
"Hmm!" Napalunok ako ng parang bata siyang magmaktol at mas niyakap ang unan.
"This time I wished na ako na lang yung lasing, ang hirap mo alagaan pag lasing. Tawagin mo nga yung fiancé mo!" Singhal ko pa at inis na tumayo at kumuha ng damit sa mga cabinet niya rito.
"Kent Axel please fucking wake up and change your clothes! You reek." Sa pagkapikon ay pinalo palo ko siya sa legs but then I was stopped when he stopped my wrist.
"I didn't do this when you got drunk," antok na antok niyang sabi dahilan para mapalunok ako.
"Take care of me gently, like I did before." His eyes were closed but he stated it like a broken-hearted man.
Nakagat ko ang ibabang labi at nakaramdam ng konsensya. Napayuko ako at tsaka umayos ng upo, inayos ko ang higa niya at sinunod siya. Sinaktan ko na siya noon bakit hindi ko pa magawa ng maayos 'to?
I unbuttoned his polo and gently removed it, showing his built chest. I swallowed hard when he cooperated he lifts his back and got the polo removed. I bit my lips, can't help but to stare at his beautiful body.
He has abs, but it's not like pandesal or monay na dikit dikit. He has a hard tummy and it's like it has muscle in it. I surveyed his body, freak. It changed!
Napapikit ako at isinuot sa kaniya ang shirt na napulot ko sa closet niya. Matapos ko siyang bihisan ay mukhang mahimbing na ang tulog niya kumg kaya't mahina kong sinita ang sarili ng sandaling haplusin ko ang pisngi niya.
Then my imagination started, It gives me heart ache thinking he's not in love with me anymore. Papaano kita mapapanood na naghihintay sa harap ng altar pero hindi ako ang ikakasal sa'yo?
My tears flowed that made me close my eyes, I should start moving on right? I-It's always the best for me. I should forget this feelings, those wedding vows were supposed to be mine right? Those sealed kisses were supposed to be mine but I lost it.
Umayos na ako at tumayo papalayo sa kaniya, mas mabuti siguro kung matutulog na lang ako sa sofa? Sa Sala sa ibaba? Tama.
Inihahanda ko na ang hihigaan ko sa ibaba ngunit lumabas si Gavin mula sa kwarto niya. "Napano?" Tanong niya.
"I can't stay in the same room with him, a-ayokong iba yung isipin ng fiancé niya." Mahinahon kong sabi, napatitig siya sa akin at huminga ng malalim.
"Use my room, papasok na lang ako pag kukuha ako ng gamit ko. Pangit tignan kung babae ang natutulog sa sala." Napatitig ako sa kaniya, matipid na ngumiti.
"Thank you, I-I really need a privacy right now." Nahihiyang sabi ko, ngunit lumapit siya sa akin napalunok ako at aatras sana ngunit gamit ang daliri niya ay itinaas niya ang baba ko.
"S-Sasapakin kita seryos—"
"You cried again," he stated. Napairap ako at tumawa.
"Loko, anyway thank you so much Gavin. Happiest birthday," wika ko ngunit natigilan ako ng yumakap siya sa akin.
"Because of you, I turned 29 this year Saji." Napakurap ako, punong puno ng pagtataka.
"Feelings are always confusing me. I don't know if it is because of my heart failure or it's just because I like you for real." Nanlaki ang mata ko.
"What are you talking about?"
"I thought I already escaped it, nasa puso mo pa pala ako doc. Taena good night!" He tried to cheer his voice kaya naman sa hiya ko ay nagpaalam na ako at dumeretso sa kwarto niya.
Kinaumagahan ay katatapos ko lang naligo ng may kumatok kaya naman nilingon ko 'yon at nilapitan para buksan. "Good morning," bati ni Gavin kaya naman naiilang akong ngumiti.
"Morning," wika ko.
"Kuha lang ako damit, baba ka na rin kakain na. Maaga nagluto si Doctor Althea." Tumango tango ako at inayos ang buhok na magulo pa, nauna siyang lumabas kaya naman sumunod ako ngunit parehas kaming natigilan ng marealize na ang pangit tignan!
Napatitig ako kay Kent Axel na mukhang katatapos rin lang maligo kaya naman napakurap ako ng blangko niya kaming tinignan na dalawa. "Attorney," bati ni Gavin.
"Good morning," Gavin added and put a smile on his lips.
"Morning, I passed out last night?" Tanong niya ngunit nasa akin ang tingin.
"You did," matipid kong sagot at nag-iwas tingin tapos ay nilampasan na silang dalawa. Nang makababa ay kinuha ko kaagad si Baby Kent kay Nurse Chi dahil umiiyak ito.
Hinele ko siya upang patahanin. Ngunit sabay sabay kaming napatingin sa taas ng may malakas na kumalabog dahilan para kabahan ako dahil naiwan ang dalawa. "Easy attorney!" Rinig kong malakas na sabi ni Gavin dahilan para ibalik ko sa higaan si Baby Kent at magmadali umakyat.
"Gavin, Kent Axel ano ba!" Mabilis akong umawat sa pagitan nilang dalawa ng makita kong hawak nila ang kwelyuhan ng bawat isa.
"Ano ba bitaw nga Kent Axel!" Sigaw ko at pinaghiwalay sila ng matagumpayan ay parehas ko silang sinamaan ng tingin.
"It seems like you hate me a lot because of it attorney." Nangunot ang noo ko at tinignan si Gavin.
"Gavin yung puso mo pinaalala ko sa'yo. Yung puso mo!" Sermon ko.
"Nurse Chi!" Mabilis na lumapit si Nurse Chi kay Gavin kaya hinila ko si Kent Axel pabalik sa kwarto niya at tsaka ko padabog na sinara ang pinto.
"Papatulan mo siya? Alam mong may sakit siya sa puso Kent Axel ano ba!" Malakas na sabi ko habang nakaturo sa labas.
"Then why are you only mad at me?" Seryoso niyang tanong.
"He invited you at his birthday! But there you are picking a fight! Una sa lahat bakit mo papatulan yung may sakit sa puso? Papaano pag inaya—"
"Kasalanan ko na naman 'yon?!" Sigaw niya at malakas na hinampas ang wooden cabinet na nakatayo sa gilid dahilan para mapalunok ako.
He's mad as hell, kagigising nga pala.
"Kung ako ba yung may sakit siya ang pagagalitan mo! Ako kaagad ang sinisisi mo Saji!" Nakagat ko ang ibabang labi.
"It's because he's ill and you're not! Your conscience will haunt you if something bad happens to him!" I lashed out.
"You think i'm overreacting?! I made him survived for years and I don't need you to ruin it! He's living already!" Napatitig siya sa akin, hindi normal dahil masama ang titig na 'yon.
"You made him survived and I survive out there alone!" He shouted, his face shows he's in pain. I stopped and stare at him, hands were shaking.
His hand were closed into fist. "I survived alone because you left me! You hurted me Saji but you're not even sorry!" My tears began to pool until it flowed and can't stop it anymore.
"You left me alone! I needed you! I suffered therapy from a psychiatrist!" My lips parted, my knees are so weak to the point that I needed to hold the door knob.
I felt sorry, I wanted to say sorry but I can't. The deep wounds we had is not cleared enough to make us understand each other and this made me realize I don't deserve him.
I don't deserve him..
///
@/n: Okay ba yung new book covers? 😂 keep safe!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top