Chapter 66 [The Necklace]

Saji Argelia's Point of View.

Nasapo ko ang noo habang binabasa ang isang VIP patient na darating, tutal inimbita naman ako ni Ate Mia sa kanila magpapatulong na ba ako kay Kuya Luke para makipagbati?

Tumayo ako at napagdesisyonan na pumunta kila Kuya Luke, inayos ko ang sarili sa salamin pinakikita ang kwintas sa kung saan nandoon ang singsing. It was all from Kent Axel, huminga ako ng malalim at inilugay ang buhok ko.

Nang makarating sa kanila ay nangunot ang noo ko ng makita ang isang sports car na hindi pamilyar sa akin sa harap ng bahay nila, pagkapasok ko ay sumilip ako ngunit si Jami ang nakaharap ko. "Tita Saji! You're the prettiest tita ever!" Humalik ito sa pisngi ko kaya napangiti ako.

"Where are your parents huh?" Nakangiting tanong ko.

"Your brother nasaan?" Nakangiting tanong ko.

"They left with my brother po. Tara po babalik rin po sila," nakangiting sabi niya at hila hila ang kamay ko papasok kaya naman nakangiti ko siyang sinundan.

Naupo ako sa sofa kaharap niya. "I wanted to have a daughter like you, Jami. Beautiful and sweet." Nakangiting sabi ko at inayos ang buhok niya.

"Sino pala ang kasama mo rito? Are you alone?" Tanong ko.

"Hin— I'm with you na po tita," nakangiting sabi niya kaya hinawakan ko ang pisngi niya.

"Naiiwan na ba ako? Wala ka pang pinsan sa akin 'no?" Nakangising sabi ko habang inaayos ang buhok niya.

"When are you planning po tita?" She curiously asked kaya naman natigilan ako at napatitig sa kaniya.

"Well gusto ko na, matagal na. Pero wala pa eh, wala pang daddy." Natatawang sagot ko kaya naman nangunot ang noo niya. I'm sure she'll mention her tito.

"How about Tito Kent po?" Nakagat ko ang ibabang labi at sumandal.

"How about him?" Tanong ko.

"He'll give you a lot I guess." Natatawang sagot ko at napaiwas tingin sa bata.

"But you'll be the mother po 'di ba?" Natigilan ako ulit at natatawang napailing.

"I don't think so Jami, you'll never understand." Hinaplos kong muli ang buhok niya.

"But why there's a ring on your necklace tita?" Napayuko ako at napangiti kinapa ko 'yon tapos sumandal not until mapatingin ako sa flat screen TV ay napansin ko ang reflection ng isang lalake dahilan para makilala ko kaagad ang tindig na 'yon.

He's simple listening, naka sandal siya sa glass wall papunta sa pool area. Pasimple kong itinago ang kwintas sa loob ng damit ko. "This ring is a secret, it can't be undone." Nakangising sagot ko.

"Why did you hide it po?" Tanong niya at kinapa 'yon.

"Because it's something I wanted to hide," nakangiting sagot ko habang nakatitig sa reflection ng tv kahit malabo 'yon.

"Why do you want to hide it po? It's very pretty." Ngumuso pa si Jami kaya naman kinandong ko siya.

"Because my man might see it," nakangising sagot ko. Napansin ko ang pag-ayos ng tayo ng nasa likuran namin banda.

"Your man po? Tito Kent?" She cleared.

"Is he my man?" Nakangising sabi ko.

"Hala you cheated on him po?!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jami, with her fingers pointing at me.

"I don't cheat, I never cheated. Well I did, daya daya lang tapos sa assignment." Natatawang sagot ko.

"Then what is tito to you?" Tanong ni Jami, lokong attorney 'to balak makinig?

"Huh you never kissed me, that's how we all greeted right?" Sermon ko kay Jami kaya natawa siya at humalik sa pisngi ko.

"One pa." Itinuro ko ang kabila.

Sinunod niya ako kaya naman sumandal ako sa sofa at pumikit. "Let tita rest for a moment okay? I got tired from operations eh." Mahinahon na sabi ko.

"Tita," wika ni Jami kaya nagmulat ako ngunit nakatayo na sa bahandang harap ko si Kent Axel at hindi na ako nagulat.

"Hi attorney." Bati ko.

"It's not how we greeted tita, kiss him on cheeks too like all of you did." Mapalingon ako kay Jami at pinaningkitan siya ng mata.

"I'm tired to stand up, that's enough." Nakangiting sabi ko kay Jami.

"Then tito! Greet her well!" Nanenermon na sabi ni Jami kaya natawa ako not until yumuko si Kent Axel with his hand on the side of the sofa. He reached my cheek and planted a soft kiss.

"Don't scold me Jami, she's the one to be scolded for not showing great manner." Napalunok ako at hindi siya nagawang tignan.

"But she's tired tito, you should adjust." Jami explained.

"Okay." Matipid na sagot ni Kent Axel at inabot ang codal niya tapos naupo na. He's simple wearing a black jogging pants and a navy blue v-neck.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at inabot ang folder upang aralin rin ang pasyente ko. "Tito Kent isn't she your girlfriend?" Natigilan ako ng magtanong si Jami.

"No." He answered straight that made me swallowed hard, harsh.

"But you said you have a fiancé?" Tumikhim ako at tumayo, ayokong marinig ang susunod na sagot.

"Bakit po tita?" Napatingin silang dalawa sa akin kaya naman huminga ako ng malalim.

"I'm going to get something to drink," wika ko at dumeretso sa kusina nila.

"You have fiancé po 'di ba?"

"Yes, I have." Sa sagot ni Kent Axel ay ngumiwi ako at mahigpit na hinawakan ang baso, sana all may fiancé.

Habang umiinom ng tubig ay natigilan ako ng marinig si Kent Axel. "Yes Leona? Where should I fetch you?" Bigla ay nagkaroon ako ng ideya kung sino ang Fiancé niya. Leona Ballesteros huh?

"I forgot, yes sure. I'm sorry, I forgot. Is everything okay now?" Ngumiwi ako at tsaka ako pumunta sa sala.

"Okay take care, update me." Napairap ako at binuksan ang cellphone ko ngunit text ni Gavin ang nabasa ko.

Doctor call me, I have something to tell you.

Ano naman 'yon? I clicked the call button and waited for him to answer and gladly he answered it immediately. "Doc Saji sama ka?"

"Saan mo ako dadalhin?"

"I already invited Nurse Chi with his family, sama ka ah. Birthday ko naman eh," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Saan nga, saan mo ako dadalhin?"

"Private Island 'yon eh, pag-aari rin ng Sandoval. I invited a few friends." Nangunot lalo ang noo ko.

"Alright, private island? Here in palawan?"

"Yes doc, don't worry naka-move on na ako sa'yo. You healed my heart doc," napalunok ako at napangisi.

"I healed your heart huh? Talaga lang Gavin?"

"Oo doc kaya 'wag mo kakalimutan ang regalo ko. Labyu!" Natawa ako sa pabirong love you niya.

"Ang ingay mo, baka isipin nila—"

"Oh nandito ka pala Saji." Napatingin ako kay Ate Mia at ngumiti.

"Pupunta ako sige, sabay mo na ako. Bye na muna."

"Thanks doc!"

Napailing iling ako habang nakangiti, tumayo naman ako at humalik sa pisngi ni Ate Mia at ni Kuya Luke even kay Laze ngunit si Laze ang humalik.

"Akala ko ba nagtatampo ka sa akin?" Tanong ni Kuya Luke kaya natawa ako.

"I hate you oppa, hindi mo na ako sinusuyo." Nakangusong sabi ko dahilan para matawa siya at akbayan ako.

"By the way oppa, can I have a day off? Birthday ng VIP patient ko. Iniinvite ako sa private island daw." Paalam ko.

"Oh Gavin?" Nakangiti akong tumango.

Pinanlakihan ko rin sila ng mata ni Ate Mia para sakyan ako. "Aba dinedate ka no'n? Private island pa baka anong gawin niyo ha." Sermon kuno ni Kuya Luke kaya napangisi ako.

"I'm old enough, I know what I'm doing." Malakas na sagot ko sadyang pinaririnig kay Kent Axel ngunit napalunok ako ng tumayo siya sa gilid ko.

"She should be married at her age, right?" Napalunok ako at pasimpleng umirap.

"Yeah right, uunahin ko na atang magka-anak kesa sa kasal." Ngising sabi ko.

"Ah ano ba kayo may bata," sita ni Ate Mia.

"Is Gavin good oppa?" Nakangising sabi ko.

"Oo naman, mabait nga siya eh. Approve." Ngumisi ako lalo at tsaka sinulyapan si Kent Axel.

"Lol. Baka para magkaroon lang siya ng doctor instant." Tumawa ako ng malakas sa sinabi ni Kent Axel.

"Of course, he'll have me as his doctor." Umirap ako at tsaka bumalik na sa kinauupuan.

"Alright, I'll soon introduce you my fiancé. You should come too Saji." Nakangiting sabi niya kaya umirap ako.

"Sayang oras, panay kakornihan rin naman maririnig ko." Pabulong kong sabi and it looks like he heard it.

"Really corny?" I automatically rolled my eyes and didn't listen.

"I had my old phone fix," natigilan ako ng marinig kong sabihin 'yon ni Kent Axel habang kumakain kami sa hapag kainan.

"Then that's good." Kuya Luke said.

"I have it here." Napatingin ako sa cellphone na ipinatong niya sa ibabaw mg mesa kung kaya't napalunok ako. I remember sending a lot of text before! Shit sobrang kahihiyan na naman ba?

After eating nagmadali akong umalis, dahil baka sa basahin niya sa harap ko ang messages. He's already taken, at ayokong manggulo.

After that day nandito na ako ngayon dala ko rin ang medical kit in case dahil pasyente pa rin si Gavin ay habang pasakay sa Yate ganoon na lang ako natigilan ng makita si Kent Axel.

"He owns the island." Bulong ni Gavin sa akin.

"Bakit kasama siya?" Bulong ko.

"Siya rin mag-aayos, inimbita ko na doc." Bulong niya muli kaya napairap ako.

"Iniiwasan ko nga eh," bulong ko pa lalo.

"Hayaan mo doc tutulungan kita," he added.

"May fiancé na pala siya, pati sa ospital kalat yung balita." Wika ni Gavin kaya ngumiwi ako.

"Napag-iiwanan na ako. Hahanap na ako ng mapapangasawa—"

"I'm still available baka mahulog ako uli sa'yo doc." Nakangising sabi ni Gavin.

"Nonsense!" Singhal ko at dahil doon ay napatingin sa amin ang lahat ng kasama dahilan para mahiya ako at mahinang paghahampasin si Gavin.

"You know what you're my patient but you became my bully friend. Just call me Saji out of the hospital, it felt awkward having fun with a patient." Natawa siya at hahawakan sana ang pisngi ko ng tapikin ko 'yon.

"No touchy touchy." Banta ko.

"Sungit talaga," reklamo niya ng may ngisi sa labi kaya naman ipinatong ko na lang ang elbows ko sa railings at pinagmasdan ang karagatan.

"Ingat ka sa parte na 'to baka biglang tumigil ang yate hulog ka nako. Hindi ako tatalon para kunin ka," wika ni Gavin kaya ngumisi ako.

"I already have the fear of falling alone up here," I remembered the day when I fell up here. Kent Axel got me, it was out college days and we were just nothing but good best friends.

I kinda miss that chapter of my life, me being best friends with him. I can lean on him anytime but right now? I have no one to lean on because he's the one i'm missing and I can say a word.

"Punta lang ako sa loob Saji," paalam ni Gavin kaya matipid ko siyang nginitian at tinanguan, nanatili akong nakatanaw huminga ako ng malalim at tinignan muli ang malinaw na tubig.

Ngunit habang payapang nakatingin sa karagatan ay biglang tumigil ang yate sa mabilis na pag-andar dahilan para umuga ito ngunit napapikit ako at hinawakan ang maaring hawakan huwag lang mahulog. Ang kaba ko ay parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko, hindi ko ginawang mag bukas.

Not until I heard a sigh of a man, I opened my eyes but then I'm holding onto his arms like a freaking kid while one of his hands were stiff on the railings and one on my waist. Mabilis akong bumitaw at nahihiyang tinitigan siya. "S-Sorry!" Mabilis kong sabi.

Umatras siya dahil nahila ko siya papalapit sa akin, tinignan niya lang ako at umalis na kaya naman nakahinga ako ng maluwag at tinapik tapik ang dibdib ko na sobrang bilis ng tibok nito kaya naman inis kong hinampas ang railings. "Pahamak ka rin 'no? Noon pinaaalala mo sa akin ang nawala kong memory! Ngayon aish!" Sa sobrang pagkapikon ay naupo ako sa sahig.

Sobra akong kinakabahan. Nanatili akong nakaupo hanggang sa makita ko si Gavin agad siyang lumapit. "Oh kasasabi ko lang, napa'no ka na kaagad?" Tinulungan niya akong tumayo.

"Badtrip 'tong yate na 'to!" Inis na reklamo ko dahilan para matawa siya.

"Pag nahulog ka at hindi sa akin sayang! Dagat pa ata sasalo sa'yo." Pagbibiro niya kaya siniko ko siya, bumaba muna kami ng yate. Sa ilalim I mean sa kung saan may available rooms. "Give some separate room to Doc Saji so she could rest." Doctor Althea suggested that made me smile, tama.

"Thank you, saan yung available room?" Nakangiting tanong ko.

"Attorney, saan yung available room?" Tanong ni Nurse Chi dahilan para mapalingon ako sa likuran.

"I'm actually using it, but you can use it. Hindi naman ako gaano pumupunta doon," wika ni Kent Axel at tsaka lumapit sa isang pinto at binuksan 'yon kaya naman tumikhim ako ng maalala na ito ang ginamit namin na kwarto before.

"Thank you attorney." I stated.

Tango lang ang sagot niya at plain akong tinignan, ng makapasok ay natigilan ako ng marealize ang araw bukas. Pagka-upo ko sa sofa ay nasapo ko ang noo. It's been a year, yet the pain of losing my mom is still unbearable.

I opened my phone and called Kuya Zai, whenever I'm reminded of my mom the sudden feeling of loneliness and pain, tiredness is lingering on me that I needed someone to lean on.

He answered it but he looks like he's in a hurry. "Saji hey, sorry I was in a hurry a gunshot patient just came. It would be a long operation call me later! Take care!" Nakagat ko ang ibabang labi ng mamatay agad ang tawag.

I held my chest, I was trying to comfort myself.  Tried the breathing exercises ngunit para akong maiiyak, ang init ng pakiramdam sa mata ko at kahit hindi ko kinukuskos 'yon ay ang uncomfortable.

Pakiramdam ko may hinahanap ako, pakiramdam ko may gusto akong gawin. I feel so manipulated but no ones manipulating me though. I rub both of my hands aggressively, I can't even stop my excessive pain in my chest.

Nang bumukas ang pinto ay iniiwas ko ang sariling katawan at pasimpleng pinakakalma ang sarili ko ngunit nakagat ko ang ibabang labi ng masugatan ang kamay hanggang sa may humawak sa pulsuhan ko para pigilin ang ginagawa ko. "What's happening?" Mahinahon na tanong 'yon hindi sarkastiko ngunit umiling ako.

"W-Wala," wika ko.

"Wala." Pag-aayos ko dahil nautal ako sa una.

"You keep on rubbing your hands, it got hurt. What happened?" Iniiwas ko ang tingin at binawi ang kamay ko, nanatili akong nakayuko at pilit na ngumiti.

"Nothing to be bothered." I said and smile.

"That's suspicious, tell me what's happening?" His voice were serious, his brows were furrowed and his lips were patted.

"It just felt itchy, okay?" Pagsisinungaling ko at tumayo na, aalis na sana ako but then he grabbed my hand and let me be seated beside him. Nangunot ang noo ko dahilan para huminga siya ng malalim.

"What triggers your anxiety?" My lips parted, I looked away and cleared my throat.

"Anxiety? I-I don't know what you're talking abo—"

"Answer my question, stop acting dumb." He irritatedly said.

"Nothing." Sagot ko.

"It happens anonymously." Mariing sagot ko kasabay ng pagkuyom ng kamao dahil bigla ay nairita ako sa sarili.

I don't want them to know..

///

@/n: Late update, enjoy and keep safe 🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top