Chapter 60 [Right]
Saji Argelia's Point of View.
Nanatili akong tahimik dahil sa nangyari kanina, sobrang nakakahiya papaano kaya pag nainom ko 'yon? Siya na naman ang tutulong sa akin. "You should go to bed," he stated and lend his hand in front of me.
Hindi ko tinanggap 'yon at tumayo ng kusa kasabay ng pagpunta ko sa kwarto, nang hindi na siya sumunod ay bumuntong hininga ako at nagbihis bago nahiga sa kama.
"How many operations left?" Tanong ko sa nurse.
"2 lefts doc," wika niya kaya bumuntong hininga ako.
"Ako lang ba ang Cardiologist dito? This hospital is so big bakit parang sa akin lang napupunta ang mga emergency patients?" Naiirita kong tanong dahilan para mapayuko sila.
"I'm so sorry doc, si Doctor L po kasi may 4 lefts pa. At si Doc Zai naman po ay 2 rin tulad niyo—"
"What about the other doctors?" Tanong ko.
"We'll call them doc," wika niya kaya naman pinagkrus ko ang braso ko at sumandal sa mataas na table dito sa gilid ng nurse station. "Doc!" Napalingon ako sa gawi ng tumawag sa akin.
"Yes?"
"Yung VIP patient po natin—" mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ni Gavin but then natigilan ako ng makita si Kent Axel rito, nangunot ang noo ko at dumeretso kay Gavin.
"Vitals?" Tanong ko sa nurse.
"His saturation dropped doctor, he suddenly felt chest pain. Then he passed out." Lumunok ako at tinignan ang heart beat niya, it's in irregular heartbeat.
Matapos kong maayos si Gavin ay hinarap ko si Kent Axel lalo na ng makalabas ang ibang kasama namin. "What happened?" Tanong ko kaagad.
"Why does it looks like I did something terrible?" Tanong niya at sinenyas ang mata ko kaya bumuntong hininga ako at tsaka nag-iwas tingin.
"I am not accusing you, I am asking you." Mariin kong sabi.
"Why don't you find out yourself? I hate explaining but then someone will doubt me. I hate wasting time," wika niya at tsaka ako tinalikuran kaya mabilis ko siyang hinabol at hinawakan sa pulsuhan.
"What's wrong with you?" Inis kong sabi.
"Why don't you ask that yourself?" Tanong niya kaya naman sininghalan ko siya.
"Ikaw ang huli naming nakita sa room niya, tapos hindi ko pa sasabihin?" Naiinis kong sabi hanggang sa ngumisi siya.
"Attorney!" Inis kong tawag sa kaniya.
"It's because I also don't know," wika niya kaya naman napatitig ako sa kaniya.
"What?"
"I don't know, I just saw his brother come out from his room and it made me curious. Then I saw him I helped him." Mariing sabi niya kaya napalunok ako at tinitigan siya.
"Do you expect me to do something inappropriate? So you'll blame me just like before?" Naitikom ko ang bibig at tinitigan lang siya.
"I'm leaving." Paalam niya at basta basta akong tinalikuran dahilan para huminga ako ng malalim at mapayuko, naglakad na rin ako sa baliktad na nilakaran niya at bumalik na lang sa office ko.
Pagkapasok ko sa office ay natigilan ako ng makita ang bouquet of roses at ang kahon ng chocolates. Tinignan ko ang note tapos ay napayuko na lang ako sa sariling mesa sa sobrang konsensya.
I know you did your best and you've gone too far, continue pursuing your dreams Love. I love you.
Mabilis akong lumabas dala dala ang note para habulin siya, dumeretso ako sa lobby ngunit wala na siya doon kaya baka nasa labasan na siya. Habang hinahanap siya ay bumuntong hininga ako at dumeretso sa penthouse.
Pinindot ko ang bell ng penthouse niya ngunit nalaman ko sa nagbabantay doon ay umalis si Kent Axel para sa isang special mission kaya naman naisipan ko na lang bumalik sa ospital.
Lumipas ang araw ay hindi ko pa rin nakikita si Kent Axel kung kaya't wala akong nagawa kundi hintayin siya. "Doc," nilingon ko ang tumawag sa akin.
"Yes?" Tanong ko.
"Parcel po," wika niya kaya naman inabot ko 'yon at pinirmahan ang pinapapirma tapos ay dumeretso sa office ko para buksan 'yon. Ngunit ganoon na lang humigpit ang pagkakahawak ko doon dahil litrato 'yon ni Kent Axel na nakaupo at natutulog sa sofa.
Then tinignan ko kung sino ang sender, nakita ko ang pangalan ni Leona Ballesteros. Bumuntong hininga ako at inabot ang cellphone ko, awtomatiko akong dumeretso sa IG at doon tinawagan si Leona.
"You called?" Panimula niya kaya naman naglapat ang labi ko sa inis.
"Where are you?"
"Are you worried about Kent Axel? Hindi mo naman siya boyfriend hindi ba?" Mahina akong suminghal.
"Who told you that?"
"Him?" Nang-aasar niyang tugon.
"Where are you?" Tanong ko muli.
"I'll send you the address then," nakangisi niya siguro iyong sinabi kaya ng patayin niya ay ganoon na lang kabilis uminit ang ulo ko.
Nang marecieve ay kinuha ko kaagad ang bag ko at umalis ng ospital, napagtanto ko na sa isang room hotel sila kung kaya't nagmadali akong pumunta doon. Nang makarating ay nagbell ako at ng buksan 'yon ay pumasok ako kaagad. "You look like you're in a rush," natatawang sabi ni Leona.
"What did you do to him?" Tanong ko at lumapit sa sofa sa kung saan wala pa ring malay si Kent Axel, pinakiramdaman ko ang pulso niya ngunit natigilan ako ng sobrang hina no'n. Dinukot ko sa loob ng bag ko ang stethoscope at tinignan 'yon ngunit nagtaka ako ng makita ang harapan ng siko ni Kent.
"What did you do?!" Galit na tanong ko, mabilis akong tumawag sa ospital para matulungan kami.
"I didn't do anything." Sagot niya.
"Kent Axel." Pag-gising ko at tinapik siya sa dibdib.
"Kent Axel!" Malakas na sabi ko.
But then he didn't open his eyes nor response that made me more worried. Pinakiramdaman ko ang paghinga niya ay ganoon na lang ang kaba ko ng mahina 'yon.
"Kent Axel gising! Ano ba!" sa sobrang takot ay naluha ako ngunit nang maramdaman ko ang paghawak sa pulsuhan ko ay tinignan ko siya.
"Kent naririnig mo ako?" mahinang pakiusap ko.
"Mm," sobrang tipid ng tugon niya at kinakabahan talaga ako.
Sakto ay dumating na ang mga tinawag ko isa na rito si Ate Mia at Kuya Luke. Inilipat nila sa stretcher si Kent Axel at mabilis naman akong sumunod.
Nang makarating sa ER ay kinuhanan siya ng laboratory test, tinignan ko naman ang tibok ng puso niya. "How do you feel? Do you feel dizzy? Nauseous?" nag-aalala kong tanong.
Umiling siya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Oppa is this some kind of drug?" tanong ko kay Kuya Luke.
"We'll see it on his lab test." He replied and checked Kent Axel.
"Saan ka ba kasi pumunta?" naiinis kong tanong.
"Why are you with Leona?" nagmulat siya at tinignan ako.
"Ilang araw kang nawala, saan ka nanggaling? Pumunta ako sa penthouse mo wala ka." suminghal ako at nag-iwas tingin.
"Nakakabadtrip ka," inis kong sabi.
"Kumalma ka doc," mahinahon na sabi ni Kuya Luke kaya ngumuso ako.
"The next time you leave without telling me where did you go or where are you going, we're done." Mariing sabi ko at aalis na sana hanggang sa may humawak sa kamay ko dahilan para lingunin ko siya.
"I'm sorry." Mahinahon niyang sabi, napairap ako at bumalik.
"Needle, yung pinakamahaba." Pananakot ko pa.
"W-Wait.." Sinamaan ko ng tingin si Kent Axel ngunit nagpipigil tawa ang dalawang seniors ko na si Ate Mia at Kuya Luke.
"What?"
"Itutusok mo 'yan sa akin?" kinakabahan niyang sabi.
"Oo bakit ayaw mo?"
"It's too big." Tumaas ang kilay ko.
"Bakit hindi ikaw ang mag-doctor rito Kent Axel? At ako ang magiging abogado." Pikon na sabi ko.
"Fine."
"Fine."
"But—"
Kinuha ko ang pasukan ng IV drops at inilagay ang gamot dahilan para matawa sila Ate Mia at Kuya Luke.
"Pag nasa wisyo ka na, sabihin mo sa amin kung saan ka nagsususuksok." Bilin ko.
"Parang bumalik na nga ako sa wisyo ng makita ko yung needle."
"Ginagalit mo ang doctor mong nobya, baka gusto mong itusok niya talaga sa'yo yon?" Umiling si Kent Axel kaya naman ng ilipat na siya sa room niya ay bumuntong hininga ako at inayos ang pagkakakumot sa mismong katawan niya.
"Love," wika niya kaya naman tinitigan ko siya.
"Mm?"
"I have something to tell you," at dahil nakahiga siya at medyo naka-angat lang ng konti ang kama niya ay kinailangan kong yumuko upang mabulong niya ang sasabihin ngunit ganoon na lang ako nagpigil hininga ng ilagay niya ang palad sa batok ko at ilapit ako sa kaniya.
"We're at a h-hospital." Nagbabanta ngunit kinakabahan kong sabi. But then he deeply stared at my eyes and looked down on my lips.
I immediately bit my lower lip because of the pressure I am feeling right now. "What if we are?" Tila namamaos niyang tanong dahilan para kumuyom ang kamao ko.
"What if we get caught?" I questioned.
"Let's find out," he huskily said and pull my head closer to him, our lips met. He pressed his lips on mine his one hand guided my face and gently caressing my cheeks down to my jaws.
He gasped as I kiss him back, he sucked my lower lip as he try to enter his tongue but I didn't allow him. "L-Love," namaos ang tinig niya. I was about to talk but then he grabbed the opportunity to kiss me the way he wanted.
He deepened the kiss that made me feel steamy, he pulled me more that made me sit on his bed beside him. I grabbed his wrist to stop him from deepening it but then I failed and let him do what he wanted to,
He did a routine that made me addicted, he made me feel to want more and I hate the fact that I became his slave he made me his follower not until the door slammed that made me dock on Kent Axel's chest.
"Oy bawal 'yon!" Nang marinig si Kuya Zai ay nanatili akong nakayuko mula sa dibdib ni Kent Axel hanggang sa marinig ko ang mahinang tawa niya dahilan para mahina kong hampasin ang dibdib niya dahil nakapatong ang palad ko sa matigas niyang dibdib.
"Kayo ha," asar ni Kuya Zai.
"Hyung, you're a doctor yourself learn how to knock." Pumikit na lang ako at pinakinggan ang tibok ng puso ni Kent Axel.
"Now you know what we feel," nang marinig si Ate Mia ay bumuntong hininga ako at nanatili sa pwesto.
"Love it's alright," ang palad ni Kent Axel ay nakapatong sa likuran ko.
"I'm tired," bulong ko at pumikit.
"Rest then," bulong niya at tinapik ang likod ko na para bang pinapatulog niya ako.
"About your laboratory test, I'm familiar with the drug. How did you get it?" Nang marinig ko 'yon ay umayos ako ng upo.
"What kind of drug is it?" Tanong ko.
"It's illegal. He fell unconscious because the dosage of the drug reach it limits." Nangunot ang noo ko.
"Saan mo nakuha 'yon?"
"To be honest hindi ko alam, I was just walking in a hallway then someone injected me on my neck. I passed out then the rest I don't recall." Bumuntong hininga ako at pinagkrus ang mga braso.
"You're telling me you've been kidnapped?"
"No, I wasn't. I'm sure it's premeditated to accuse me and I'm expecting that already. I was framed," wika niya.
"Hindi ako tanga hindi ko lang naiwasan yung pangyayari kasi hindi ko inaasahan." Tumango tango kami hanggang sa maya-maya ay natigilan kami ng may mga police na dumating.
"Attorney Sandoval," kumabog ng sobra ang dibdib ko.
"Yes sir?" Sagot ni Kent Axel, it's like his already expecting this to happened. That it was really premeditated or planned by the enemies.
"We received a report, we need to investigate you." Magalang pa rin 'yon na sinabi kaya naman naitago ko ang dalawang kamay sa likod ko at pinaghawak ang mga 'yon.
"I'll let you," mahinahon na sabi ni Kent Axel.
"I'm sorry officer but he still need to gain his energy. He has the right to rest himself and just meet you to your designated place." Pagsingit ko at ng tignan nila ako ay ngumiti ako.
"I am his doctor," I added ng tumango sila ay nagpaalam na aalis kaya naman bumuntong hininga ako.
"So it's really planned," bulong ko.
"Hmm."
"It is," Kent Axel answered that made me sat back beside him.
"That's stressing, hindi ba talaga titigil yung may gustong mangyari nito? Si Juniflo?" Kwestyon ko.
"We don't know yet," bulong ni Ate Mia.
"Get rest first, babantayan kita." Mahinahon kong sabi at inayos ang pagkakakumot niya.
"Don't leave me, hmm?" Napatitig ako sa kaniya at tsaka huminga ng malalim.
Inabot ko ang kamay niya. "Guys tara na," anyaya ni Ate Mia kaya ng makalabas sila ay ngumiti ako.
"I thought you are leaving me," mahinang sabi niya.
"I am not afraid of anything, but then I got scared and ready to beg just to make you stay. Luna, you are the only one for me." Napatitig ako sa kaniya ng madamdamin niya iyong sabihin.
"L-Love," mahinang sambit ko at napatingin sa kisame ng mabilis na namasa ang mata ko.
"I'm so sorry," bulong ko at hindi na napigilan ang luha.
"I'm so sorry for hurting you," ang hawak ko na kamay niya ay inalis niya at hinawakan ang kamay ko.
"Come to me," bulong niya kaya naman sumandal ako sa dibdib niya at nanatiling nakayakap sa kaniya.
"Bibili ako ng coffee, dadalhin ko rin yung codals mo." Pinilit kong ngumiti.
"I love you Saji," ngumiti ako at tumango tango.
"I love you too Kent Axel, please keep on giving me energy. I need you my sun," umawang ang labi niya at napatitig sa akin.
"S-Sun?"
"It is when we parted again, Luna and Sol. Even if we parted again, it may take too long for us to meet but when it's our time. It's called eclipse." Nakita ko siyang natigilan hindi niya siguro batid na alam ko na siya ang nagsisilbing araw.
"Love." Seryosong sabi niya.
"Why? Do you think I didn't know?" Nakangiting sabi ko.
"M-My mom told me, that before Saji and Kent we we're Luna and Sol." Napangiti ako ng maalala si mommy.
"My mom really like you as his son in law, it's like she knew that I would marry you someday. I believe we will someday," nang tignan ko si Kent Axel ay napalunok ako ng mapansin na basa ang pisngi niya.
"U-Umiiyak ka?" Kinakabahan kong sabi.
"I'm really sad that your mom saved me, she's like a diamond that you should keep but because of me you lose your diamond." Napatitig ako sa kaniya at napaluha.
"I'm so sorry," bulong niya.
"Y-Ya.. M-My mom is not blaming you i'm sure."
"D-Don't blame yourself anymore okay? I am sorry that I did blame you." Nag-iwas tingin ako at lumunok.
"Let's not beat ourselves for it, My mom told me you're the most precious sun we all need." Napangiti ako at hinaplos ang pisngi ni Kent Axel. Ang titig niya sa akin ay hindi naalis kaya naman nawala ang ngiti ko at nakipagtitigan.
"Are you holding grudges now?" Dahil sa tanong ko ay nakagat niya ang ibabang labi at natatawang tumango kaya naman natawa rin ako at itinaas ang kumot niya hanggang sa leeg.
"Tulog na, or do you want to eat? I'll buy food mabilis lang." Tumango siya ng may ngiti sa labi dahilan para tumango ako at tumayo na.
"I'll be back."
Habang naglalakad ako papunta sa office para kumuha ng pera ay natigilan ako ng may nakaupo na sa harap ng table ko, nangunot ang noo ko. "I am not expecting anyone at the right moment, may I know who are you?" Mahinahon kong sabi at lumapit ngunit ganoon na lang ako natigilan ng humarap siya.
"Y-You!" Gitil ko at gigil na tinitigan siya.
"It's nice seeing you again," wika niya tinatakpan ng maskara ang mukha niya ngunit ang mata niya ay kilala ko.
"Hindi pa ba sapat ang buhay ng mommy ko?!" Sigaw ko at susugurin na sana siya ngunit may inilapag siya sa table.
"His license is one of the most precious for him. But gladly he could lose it because of this video." Natuod ako sa kinatatayuan habang napapanood ko ang isang video clip na masasabi kong kakaiba.
"But you drugged him!" Galit na sigaw ko, ang panginginig ng kamay ko ay hindi ko mapigilan. Para akong maiiyak sa gigil na nararamdaman.
"You did this on purpose! I know investigators could find out the truth!" Sigaw ko.
"Is life not enough for all of you to take!?"
"The life of your mother is not important, if we could take yours or Kent Axel it will be better. But everything changed now." He cleared his throat tapped his silky clothes.
"By giving this tip to the investigators it could be easy to ruined the Ultimate Sandoval's life and his family." Pananakot niya sa akin.
"And did you know that because of you? He's ready to give up everything even his dreams. His throne." Mariin akong napapikit ng maramdaman ang panghihina ng tuhod ko.
"W-What do you want me to do?" Pagsuko ko.
"Easy, broke up with him. Make him think you don't need him anymore. Leave him, Juniflo wants both of you to be miserable. Sa oras na makipag-balikan ka sa kaniya I can easily show them the video." Napayuko ako sa narinig.
"Alright."
///
@/n: Keep safe everyone
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top