Chapter 6 [Best Friend]

Kent Axel's POV.


"You live in a Condo? ALONE?" gulat kong sabi kay Saji.

"You can leave me alone, hindi naman ako maku—"

"Hindi daw! Ngayon pa nga lang binubuhat mo na yang bag mo eh bawal nga." Kinuha yun ni Primain tapos inabot sa akin.

"Samahan mo siya sa condo niya Kent Axel!" bumuntong hininga ako tapos nang mag tama ang mata namin ni Lauren ay seryoso lang siya.

"Hindi na! Iba pa isipin ni kuya! Mamaya sabihin niya Boyfriend ko tapos kasama ko na kaagad sa—"

"Nasa malayo kuya mo papaano niya naman malalaman?" tanong ko.

"Luh, sira ka Kent. Ang awkward rin tapos dalawa lang tayo." aniya ni Saji.

"Then Sasama ako." napatingin ako kay Czarina.

"That's better, Let's go." aniya ko tapos Kinuha ang bag ni Saji.

"S-Sige." sagot ni Saji.

"Clarisse, Primain, kayo na bahala sa kaniya." turo ko kay Lauren tapos Tinanguan lang ito at saka at tinapik sa balikat niya.

"Take Care." aniya ko.

"Ikaw rin.." sagot niya kaya naman lumabas na kami nang hospital at Naglakad papalabas habang naka wheel chair si Saji.

"OA ha, Ulo ang Apektado hindi Paa." maarteng sabi ni Saji kaya ngumisi na lang ako, Nang kasabay kong Bumaba si Czarina ay normal na naglakad si Saji nang papunta sa Parking.

Binuksan ko ang Sasakyan tapos Umikot na para makasakay sa Drivers seat, nang paandarin ang sasakyan ay agad ko namang nalaman kung saan ang Condo niya.

Nang makarating sa Condo niya ay napangisi nalang ako. "Grabe Saji, hindi halata sa mga pananamit mo ang Condo mo!" hindi makapaniwalang sabi ni Czarina.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Saji.

"Mukha kang mayaman, Hindi ka mag paka Girly?" ngumiwi si Saji at Umirap.

"What for? Para ligawan nang Guys at Lokohin lang? No thanks." napangisi ako sa sinabi nito.

"Bitter, Pinagpalet kasi sa malapit." asar ko pa.

"Aish! Nakapag salita yung Broken rin!" ganti pa niya kaya tumawa nalang ako.

"I'll sleep here in sofa." aniya ko.

"Sure ka? I have sofa in my room you can stay there tapos tabi na kami ni Czarina sa Bed." suhestyon ni Saji.

"Nah, I'm fine with here." sagot ko.

"Call me if you need anything." angil ko tapos hinablot ang cellphone niya at nilagay ang number ko don tinawagan ko pa ang sarili.

"Thanks."

"Damoves!" sininghalan ko si Czarina sa pang-aasar.

"Is rape can be capital offense? Ano ba ang capital offense?" nag tatakang tanong ni Saji habang hawak ang Libro niya.

"It depends, But for now it's not.. Depende na lang kung pinatay niya yung ni-rape niya considered murder na yon and it can be capital offense." sagot ko, nagulat naman siya.

"Wow, Alam mo? Pero ano yung Capital offense?" Kinuha niya ang Libro at naupo pa sa tabi ko tapos pinasilip yon.

"Capital Offense is when you commited a crime, punishable by death." nanlaki ang mata ni Saji.

"Luh, Yun pala ibig sabihin non." patango tango pa niyang sabi.

'Luh siya ng luh is this me before?'

"Yeah." napasilip ako sa libro na binabasa niya, Bakit naman siya may Nalalaman na ganun.

"Then what is a Caseload?" tanong niya.

"It's the number of cases by a judge or court, As i remember." Sagot ko pa.

"Ay oo nga pala noh, Law pala ang kukunin mo." aniya ni Saji tapos tumango tango, Tumikhim ako nang mag dikit ang mga braso namin.

"Guys, Bagay kayo." agad na napalayo si Saji sa akin sa sinabi ni Czarina.

"Asa! Hindi ako magkaka-gusto sa kaibigan noh!" sigaw ni Saji parang diring diri saakin kaya Nginiwian ko siya.

"Umasa ka rin." sagot ko.

"Ayoko sa maingay." dagdag ko pa.

"Tse!"

"Bahala ka nga diyan!" singhal pa nito at tumayo.

'Lakas ng Toyo.'

Mga babae nga naman, Kaparehas niya si Noona ang ingay ingay. "Nakakainis mag karoon nang Crush na Lawyer huh! Hindi ko maindihan mga words na ginagamit niya!" iritang sabi ni Saji kaya tinignan ko ito.

"Crush mo si Kent?" mabilis na asar ni Czarina.

"Nah, Iba. First year niya." Sagot pa ni Saji.

"Masusungit ba talaga ang mga nag babalak mag Law? Ang antipatiko." inis pang sabi ni Saji kya ngumisi ako.

"Sino ba yan?" tanong ko.

"Sa School rin natin nag aaral, Ang pogi." Kinikilig pang sabi ni Saji.

"Sino ang sinabi ko, hindi ko sinabing Idescribe mo." sininghalan ako nito.

"Never mind, Hindi pwedeng sabihin. Exclusive kami." ngising aniya pa nito at kinikilig kaya napailing na lang ako at hinayaan silang maupo sa Sofa na tutulugan ko.

Habang nag uusap sila ay hindi talaga nila nauunawaan ang Law Terms, Unless mag basa sila nang Law Books. Habang nakaupo ay tinignan ko ang tumutunog na cellphone, si Noona.

Agad ko itong sinagot at Pumunta sa Veranda ni Saji. "Kent Axel, May napahamak because of you? Who was it?"

"Saji, my friend."

"How is she?"

"Czarina and I are taking care of her, maraming bawal sa kaniya."

"Jared is really hays, I don't know what to call that frie—"

"Ex-Bestfriend."

"Bitter amp, kamusta si Lauren?"

"That's the Problem noona, Namura ko kasi siya kanina kasi—"

"Alright, yang bibig natin awatin."

"Luh, ako na naman."

"Aba sino pa ba K.A?"

"Psh, Ako na nga nasampal eh."

"Sige na, May next operation pa ako."

"Take care noona, Wag ka na maga—"

"Wait—"

Kinabahan ako nang marinig kong parang masusuka siya, what the hell is happening?

Nang mamatay ang Call ay huminga ako nang malalim, May sakit ba si Noona?

"Uy! Kent!" nagulat ako sa bungad ni Saji pagkabalik ko, Ipinatong pa nito ang kamay sa balikat ko tapos itinapat ang cellphone niya sa Mukha ko.

"How to answer this?" ngumiwi ako.

"Tell him, I invoke my right against self-incrimination." ngumiti ito tapos tumango tango.

"Salamat!" napailing nalang ako, patay na patay kingina.

Dumaan ang oras at nasa school kami ngayon, Hawak hawak ko ang bag ni Saji at tuwang tuwa naman siya dahil alalay niya ako ngayon cellphone niya lang ang hawak niya ngayon.

May Ka-text at Ka-chat pa, tuwang tuwa sa lawyer niyang crush parang teenager. "Hihi, Ang galing galing mo talaga kent! Dahil sayo bumait siya konti." natatawang sabi ni Saji kaya ngumiwi nalang ako.

"Sa daan ka nga tumingin, madapa ka pa." aniya ko sa kaniya.

"Nasaan na ba si Czarina? Nag klase na ba?" tanong pa ni Saji.

"Yes, Argelia." sagot ko.

"Aba, tinawag ako sa pangalan ko tara na!" nang hiklatin ako nito sa braso ay sumunod na lang ako.

Nang makarating sa Classroom ay ngumiwi kaagad ako nang parang Pumuso ang mga mata nang babae nang makita ako.

'Samantalang noon, kinadidirihan huh..'

"Tanong ako ulet ha, pwede?" nilingon ko si Saji.

"Para sa lalake mo?" tanong ko, natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ano yung Pro Tem? Sabi niya kasi Pro Tem niya lang naman daw ako." nangunot ang Noo ko.

"Wag mo na kausapin yan." Sagot ko.

'Lol, kinginang Law Student. Gross immorality.'

"Huh? Ito naman ang sungit bahala ka nga diyan." sagot ni Saji kaya ngumiwi nalang ako.

'Pasaway, masasaktan ka na naman.'

After Classes ay buhat ko ang gamit ni Saji at hawak ko rin ang likod niya dahil tutok na tutok sa cellphone, kinikilig pa ang kingina pag sumubsob 'to una ulo.

"OMG! Sasabay daw siya mag Lunch! Let's go kent!" bumuntong hininga na lang ako at Sinamahan na siya.

'Best friend niya daw ako, baka Alalay. Hayop.'

Nang makaupo ay inayos pa ni Saji ang damit niya na Long-sleeves at Simpleng Fitted Jeans, habang nag hihintay nang Order ay may dumating na Lalake, He's in simple tees with gold chains on his Neck.

'Ang Korni.'

"Hi, Argelia." bati nito nakangiti pa.

"Hi Aries." bati ni Saji, Kinikilig like eh? You know Eh? Ew..

"I'm Aries, You are?" tinignan ko ang kamay ni Aries mukhang mas matanda siya saamin nang Isang taon? I guess..

"Kent Axel." sagot ko at hindi inabot ang kamay niya.

"Pag pasensyahan mo na ha? Hindi talaga siya nakikipag kamay." sagot ni Saji tapos pinandilatan ako nang mata.

"It's okay, Mauupo na ako ha." paalam nito at naupo sa tabi ni Saji.

'Sinama ako para maging Chaperon.'

"Bakit naman hindi? May mga sakit ba ang taong kakamayan mo?" natatawang tanong ni Aries.

"Well I have the freedom, I can do anything I want." I lawfully said, with authority.

"Ah.. Yeah right Freedom to Move, expression and thought." nakangiting sabi nito.

"Alright." sagot ko, Matipid tapos seryosong tinignan ang cellphone ko.

nag-uusap ang dalawa sa Harap ko, habang ako ay nakangiwi. "Pro Tem?" tanong ni Saji kaya naman tinitigan ko si Aries.

"Ano bang ibig sabihin non?" tanong ni Saji.

"Never Mind, It's nothing." sagot ni Aries nakangiti.

'Ugok.'

"Kent!" nang may mag tawag saakin ay nilingon ko ito, Ngumiti naman ako nang makalapit siya.

"Ay Busy ka?" tanong ni Lauren.

"Mm." sagot ko.

"Okay! Pagaling ka Argelia!" nakangiting paalam ni Lauren kay Saji tapos nang tignan ko si Aries ay napatitig ito kay Lauren.

"Gross Immorality." mahinang sabi ko.

"I'm disgust, stop looking at her like that 1L." nakangising sabi ko na Ikinagulat niya.

"I'm just— it just look like we met already?" aniya ni Aries, dahilan para matigilan si Lauren.

"Your a student I mean Law student? Nag tuturo ako malapit sa Law Building. Hindi malabo." nakangiting sagot ni Lauren tapos nag paalam na.

"Uy." napatingin ako kay Saji.

"What?"

"Sungit mo ah, paabot ako nang Bag." utos ni Saji kaya naman ang katabi kong bag niya ay inabot ko sa kaniya.

Nang makuha niya yon ay may nahulog siya at yuyuko na sana ngunit mabilis kong iniharang ang palad ko sa noo niya.

"You can't, Ang kulit mo." inis kong sabi.

"Oo nga pala, bawal yumuko." nag rereklamong sabi ni Saji.

"Mister, Can you pick it up for her?" tanong ko sa Aries na to.

"Ah sure." nang mapulot niya ang Ballpen ay inabot niya ito kay Saji kaya nang dumating ang food ay kumain na lang ako.

Habang kumakain ay nag uusap lang ang dalawa, masyadong Mabulaklak mag salita ang Gago, nakakadiri ampucha.

'Roses are red, Violets are blue daw ambobo.'

"Kinikilig ka naman?" ngiwing sabi ko habang nakatingin kay Saji.

"Luh." reklamo niya.

"Panira ka." dagdag pa niya kaya naman hindi ko mapigilang Ngumiti.

"Basta babae talaga mabilis kili—"

"I'm not talking to you." sagot ko kaagad tapos Kumain nalang.

"Huy kent." sita ni Saji.

"What? I'm being honest." sagot ko tapos sinulyapan si Aries na naiilang, naiinis? Sa akin? Pakialam ko naman sampal ko pa sa kaniya yung mesa e.

'Manloloko ampota.'

"Enough." sita ni Saji.

"Pag pasensyahan mo na ha? Attitude talaga yan pero mabait yan." nakangiting sabi pa ni Saji.

"I understand." sagot ni Aries.

"Baka ayaw niya lang talaga saakin." dagdag pa nito.

"At least you know." dagdag ko.

"Kent Axel ano ka ba." inis na sabi sa akin ni Saji kaya natawa ako, sige isama niyo po ako sa date niyo ha.

'Matrauma ka na, ang mga tulad ko hindi ginagawang Chaperon. Sa gwapo kong to? Magiging Chaperon mo lang ako naku..'

"He's Being honest, walang mali doon." dagdag ni Aries, alanganin kung ngumiti.

"Kamusta naman sila Leo? Virgo at Libra?" tanong ko kay Aries.

"Ha?"

"Hastronaut." sagot ko.

"What the fuck bro?" gulat na sabi ni Aries kaya naman ang paninita ni Saji ay ikinatawa ko lalo.

"I'll go ahead, I'm done eating." halatang iritable nitong sabi at umalis na dahilan para mamatay ako kakatawa.

"Aish! Really Kent Axel?!" iritang sigaw ni Saji kaya naman tawang tawa ako.

"Ginawa mo kong chaperon e, Hahahaha!" tawang tawa pa ako.

"Ang bad mo." nakangusong sabi ni Saji at saka kinuha ang inumin at tumayo na mabilis naman akong sumunod dala dala ang bag niya.

"Luh, Nagtampo na." natatawang sabi ko pa.

"Don ka na nga, Sinira mo ang date ko." ngumisi ako tapos ay inakbayan siya agad niya namang inalis yon.

"Ginawa mo 'kong Best friend mo diba? Ganito ako as your best friend." ngisi ko pang sabi nang harapin niya ako ay ngumuso siya lalo.

"Ang Best friend! Supportive!" nanunumbat niyang sabi.

"Eh di wow?" ngumuso siya lalo tapos ay hiniklat na lang ako.

"Wag mo sasabihin sa lalakeng yun ang kukunin kong kurso naiintindihan mo?" paalala ko kay Saji.

"Oo na." napipilitan niyang sagot.

"Okay, Good." aniya ko pa at Ngumiti.

Lumipas ang araw araw at ganun pa rin, Nag tataka na nga ang Iba kung bakit ganun ngunit mismong Bulletin na ang sumagot dahil ni resquest ko na mag lagay nang Note.

"Kaya ayoko sa babaeng kaibigan, Ang aarte." ngiwing sabi ko kay Saji at tsaka ko siya ibinaba sa harap nang cafe namin at hindi niya alam na pag-aari to nang parents ko.

"Wag ka na susunod ah! Sisirain mo na naman date ko eh!" aniya pa nito at maingat na bumaba sa sasakyan ko kaya naman nang mauna siyang pumasok sa Loob ay inayos ko ang Suot tapos bumaba nang sasakyan.

"Sir! Sir!" napalingon ako sa tumawag saakin.

"uh yes?"

"Can we take a selfie in front of your car?" tanong nito kaya lumunok ako.

"Do it." sagot ko at nilampasan na sila nang makapasok ay agad akong binati nang mga Crews namin.

"Any drink sir?" tanong nito.

"I'll think about it." sagot ko, nang masilip ang pamilyar na bata ay umikit sa labi ko ang Ngiti.

"Hi, Baby." bati ko kaagad, nang mapa-angat ang tingin nito sa akin ay nanlaki ang mata niya.

"Kuya!" masayang bati niya saakin kaya naman binuhat ko kaagad siya.

"How are you huh? Where's your mommy?" tanong ko.

"Mommy is in the office po, she's talking with Tita Miyu po." sagot nito kaya ngumiti ako at Buhat buhat ko siya tapos nag hanap kami nang mauupuan.

"Anything you want? I'll buy it for you." aniya ko muli nang maiupo siya sa Tabi ko ang napaisip pa ito.

Babae siya, she's sweet siya ang bunso ni Tita Kate at Tito Yuan. Nakasundo ko na rin siya dahil minsan ko na siyang inalagaan.

"Ano na po ulit yung name ko Kuya?" natawa ako at pinisil ang pisngi ni Kayne.

"Kayne, Your name is Kayne." nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Ah Keyn." ngumisi ako.

"So you like anything? Ice cream?" tanong ko.

"I would love to! Thank you Kuya!" masayang sabi nito kaya ngumiti ako lalo.

She's 7 years old, nadaldal mas gusto niya daw ako maging kuya kesa sa kuya niyang masungit.

"Kuya, Kanina ka pa po tinitigan ni Ate Ganda sa Likod oh." nang sabihin yon ni Kayne ay nginitian ko siya, napapansin ko naman.

"Maganda ba siya?" tanong ko.

"Yes po, She's beautiful but she's with someone na I don't know he looks like a cute bulldog." umawang ang labi ko tapos natawa.

"Wag mo sasabihin yan ha." aniya ko.

"Okay po." ngiting sabi nito.

Habang hinihintay ang Ice Cream ay dumating si Mommy with Tita Kate kaya tumayo ako at Humalik sa pisngi ni Tita kate at kay Mom.

"Ang Gwapo mo talaga kent." nakangiting sabi ni Tita kate kaya kinindatan ko siya.

"Ang tangkad mo pa," dagdag nito kaya ngumiti ako. "Did you disturb your second daddy again huh?" natawa ako sa sinabi nito.

"Okay lang, Kayne is Cute.." Pag rarason ko.

"Bakit hindi ikaw ang mag hanap at mag-bigay sa amin Kent Axel?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom.

"Mom." Sita ko.

"Just kidding, how's sa— oh saji." napalingon ako sa likuran, it was Saji.

"Hello po, tita." bati nito.

"Girlfriend ni K.A?" nang silipin ko si Saji ay namumula ang mukha nitong umiling iling.

Hindi naman to namumula kahit asarin saakin ngayon pa namula. "She's my Best Friend." aniya ko.

"Ooohh alam mo ba na diyan kami nag simula nang tito Yuan mo?" alanganin akong tumawa.

"She's dating someone." sagot ko.

"Ooh, Interesting.. I have someone special befor—"

"Tita, You're making her uncomfortable." sagot ko.

"Mm." natatawang aniya ni Mommy.

"Sige po, Balik na ako sa kasama ko." aniya ni Saji tapos nang mag tama ang mata namin ay Nginitian ko siya pero mabilis siyang nag iwas tingin dahilan para mangunot ang noo ko.

'Galet?'

Lumunok ako tapos itinuon na ang Atensyon kay Kayne.

'Problema no'n?'

√√√

@/n: Hindinpo edited ang version na to at sa oras na matapos ko doon ko sisimulan hihi maybe next update will contain some spoilers.

Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top