Chapter 59 [My Choices]
Saji Argelia's Point of View.
Ilang araw na ang nakalipas at maayos na nailibing si mommy at hanggang ngayon ay parang hindi pa rin totoo ang lahat, nakakalungkot pa rin.
Habang si daddy ay naka confine, he's not well. Hindi siya nakakausap, hindi siya nagsasalita.
"Hija take a break," napalingon ako kay Tita Miyu at matipid na ngumiti.
"I wanted to tita, but I'll end up thinking about what happened kaya mas gusto kong maging busy." Tumango tango si tita at tinapik ang likod ko.
"Sige na at gagayak muna kami," ngumiti ako at nagpaalam na sa kanila.
Dalawang araw ko na rin hindi nakikita si Kent Axel, mukhang binigyan niya nga muna ako ng oras ngunit hindi makabubuti para sa amin ang magsama sa mga oras na 'to.
"Saji," napatingin ako kay Kuya Luke. Nang yakapin ako nito ay para akong isang dagat na nananahimik ngunit biglang umalon ng malakas.
"Tama na," pagpapatahan niya ngunit panay ang iyak ko.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko oppa," humikbi ako at mas lumuha, "si daddy hindi siya okay. Pakiramdam ko ayaw nila akong sumaya," wika ko ngunit tapik ni Kuya Luke ang nagpapatahan sa akin.
"Pagsubok lang 'yan na kailangan mong malampasan Saji, huwag mo ng mas saktan pa yung sarili mo." Mahinahon niyang sabi.
"Si Kent Axel wala siyang kinalaman rito—"
"Don't mention him oppa," mahina kong wika at lumayo dahilan para bumuntong hininga siya.
"Saji parehas niyong pinahihirapan ang sarili niyong dalawa," Kuya Luke said but then I hissed out of guilt, "dapat kayong dalawa ang nagtutulungan eh." He claimed but then I can't just accept.
"I can't do this for a while oppa," bulong ko.
"I need a space."
"Ayoko muna siyang makasama, I want to be free around because at this time I can't control myself." I explained.
"Una pa lang sinabi ko na 'to sa kaniya."
"Kaya hindi ko alam oppa," bulong ko at sumandal sa sofa.
"Kung ganoon siya ang kausapin mo para malinaw." He suggested.
"Hindi ko siya gustong makita sa ngayon, naalala ko lang si mommy." Mailap kong sabi at tinignan si Kuya Luke na parehas naka krus ang mga braso sa dibdib at ang paa ay bahagyang naka tiptoe ang isa.
"Kung ganoon ay choice mo," wika niya at bumuntong hininga.
"Tara kumain ka na," anyaya niya kaya sumunod na lang ako kay Kuya Luke.
Makalipas ang ilang araw ay sobrang naging busy ako sa hospital, panay operasyon ang pinasok ko at nagtambay rin ako sa emergency room para mas malibang.
Ngayon ay papunta na ako sa office ko para magpahinga sandali ngunit natanaw ko si Gavin mula sa labas ng office ko. Nang makalapit ay hinarap niya ako kaagad.
"H-Hey doctor," bati niya kaya tinanguan ko siya at sinenyasan na pumasok.
Nang makaupo sa mismong swivel chair ko ay tinignan ko siya. "Is there anything you want to say?" tanong ko.
"How do you feel?" I asked again.
"No doctor, how do you feel?" tanong niya dahilan para matigilan ako at sandaling matawa.
"Ayos lang ako, bakit?" tanong ko sa kaniya.
"I heard what happened doctor, I'm sorry hindi ako nakapunta." Matipid akong ngumiti at tumango.
"Ayos lang," sagot ko muli at kinuha ang papel na nasa gilid ko.
"What are you doing doctor?" tanong niya kaya naman isinulat ko muna ang gamot na idadagdag ko sa kaniya.
"Additional meds," sagot ko tapos ay inabot sa kaniya.
"Ang dami ko ng gamot doctor," mahinang reklamo niya kaya ngumisi ako.
"You need that," sagot ko.
"Doctor did you eat already?" he asked, I decided to nod to answer yes.
"Well then that's good doctor, I'll go ahead." Nakangiting paalam niya.
"You should rest doctor." Ngumiti na lang ako at tumango, nang makalabas siya ay napatingin ako ng muling bumukas ang pinto.
"Attorney," bati ko.
Tumango lang ito at naupo sa harapan ko kaya naman tinitigan ko siya, napalunok ako ng masilip ang nakatago niyang kamao. "Is there any problem?" I asked.
"I came here to properly say let's reconciled." Napatitig ako sa kaniya at sumandal sa swivel chair.
"I don't think it's a good idea attorney," sagot ko.
"Saji Argelia." Nauubusang pasensya niyang tawag sa akin.
"I still hate you attorney, whenever I'm looking at you. You remind me of my mom," malungkot akong ngumiti.
"Attorney, If I am not be able to have a break up with you. Can you stay away from me then?" maayos kong tanong dahilan para titigan niya ako.
His eyes immediately sparkled not because of happiness but because of sadness that he felt. Yumuko ako at doon ko napansin ang simpleng suot niya, isang slacks at tucked in loss round neck shirt.
"It hurts hearing those words," he paused that made me gulp.
"I should be the one that stays with you at this kind of situation." Napayuko ako lalo at bumuntong hininga.
"But I'll try, hindi ako susuko Saji. Babalik ako rito," napatingin ako sa kaniya kaya naman lumunok ako.
"Hindi mo kailangang bumalik—"
"Then what do you want me to do huh?" he stopped himself from shouting, "what do you want me to do? I want us to be okay Saji. I expected that after those things, after those space ayos na tayo." Bumuntong hininga ako.
"Ayoko na Kent Axel, 'yon ang totoo." Seryosong sabi ko dahilan para matigilan siya.
"Y-You don't love me anymore?" napaiwas tingin ako sa tanong niya na may bahid ng nasasaktan.
"S-Saji.." Napaiwas tingin ulit ako ng pagtawag niya sa pangalan ko ay may luhang tumulo sa mata niya.
"B-Ba't naman ganito?"
"I'm sorry, I'm wrong. If you'll blame me for the rest of your life tatanggapin ko but don't leave me like this S-Saji." Sinulyapan ko siya ng maupo sa upuan.
Nag-iisip siya at hindi ginawang magsalita. "What do you want me to do para makabawi? You want me to kneel down?" napatitig lang ako sa kaniya ng lumuhod siya sa harap ko, sinubukan kong magmatigas.
"Tumayo ka Kent Axel," wika ko ngunit pumikit siya at natigilan ako ng isandal niya ang noo sa bandang tyan ko dahilan para magitla ako but then he hugged me from there and I noticed that his shoulders are shaking.
Is he crying?
"Tumayo ka Kent—"
"Can't you be my last? Why do we have to break up? H-Hindi ko alam ano bang pagkukulang ko. B-Baka galit ka lang?" bumuntong hininga ako at mahinang nakagat ang ibabang labi.
"Do you want to know the truth?" tanong ko.
"What truth?"
"Tumayo ka muna," wika ko na sinunod niya ngunit inayos ang sarili kaya naman tinitigan ko siyang mabuti.
"I used you, kaya dapat ikaw ang magalit sa akin," wika ko ngunit nangunot lang ang noo niya.
"You used me?" kwestyon niya.
Lumapit ako sa drawer at kinuha ang isang envelope tapos ay inabot 'yon sa kaniya. "Mula ng sagutin kita I received this," pinanood ko siyang buksan 'yon.
"I succeeded, I finished my mission." Napatitig siya sa akin ng sandaling ngumiti ako.
"Sorry for fooling you attorney, but you made me do this."
"Are you joking?" ibinagsak niya ang envelope at ang mga laman no'n sa desk kaya naman seryoso ko siyang tinitigan.
"Hindi mo na dapat malalaman pa 'to but this is how I should stop you right now, I'm actually finding a way how to peacefully separating with you but then you pushed me to do this." I exclaimed. Ang titig niya sa akin ay may halong gulat at pagtataka.
"I'm afraid you'll kill me," ngising hamon ko.
"I won't," wika niya kaya naman nangunot ang noo ko.
"But you should be afraid," nangunot lalo ang noo ko sa sinabi niya ngunit halos manlaki ang mata ko sa gulat ng buhatin niya ako at i-upo sa desk.
"A-Ano ba," sita ko at pinilit bumaba pero nasa harapan ko siya habang ako ay nakaupo sa desk.
"Are you trying to harass me?" tanong ko.
"I can file you—"
"You can't because you love me," nanlaki ang mata ko at itinulak siya ng mabilis niyang halikan ang labi ko ngunit tumigil rin ako sa kakatulak ng maramdaman ko ang pamamasa ng sariling pisngi dahil sa luha niya.
Napalunok ako at tinitigan ang pagtulo ng mga 'yon hanggang sa tumigil siya at dahan dahan na magmulat dahilan para magtama ang mata namin. "Use me more then," napatitig ako sa kaniya ng bigkasin niya yon at lumayo sa akin.
Tinitigan niya ako at mapait na ngumiti, kinuha niya ang certificate na 'yon at tsaka siya umalis ng office dahilan para makapa ko ang sariling dibdib at mapayuko kasabay ng pagluha.
"How could you hurt him like that? Aren't you worst?" Natigilan ako at umayos ng tayo tsaka ko tinignan si Lauren.
"I am worst," wika ko.
"I can't even deny it, at least i'm not acting innocent for using him unlike you." I replied that made her smile out of irritation.
"You faked everything. You think I didn't know?" Sumbat ko.
"But then you ended up falling in your own trap," ngisi kong sabi dahilan para sumama ang tingin niya.
"Kent is the trap you made but then you fell and failed." I laughed sarcastically.
"I know everything. and you just think you know everything." I stated and left my own office but them she grabbed my wrist and pressed it that made me mad.
"Don't touch me," mariing sabi ko at binawi ang sariling pulsuhan tapos ay umalis na doon, nang makasakay ng elevator ay humawak ako sa hawakan at sumandal kasabay ng pagpikit.
Am I being too much?
Tumikhim ako at tsaka bumuntong hininga hanggang sa muling bumukas ang elevator ay natigilan ako ng makita si Ate Mia na sasakay rin ng elevator kaya bahagya akong yumuko at hindi umimik. "Are you alright Saji?" She worriedly said.
"Yes doc," pormal kong sagot.
"Hmm did you eat already?" She added.
"Not yet doc," mabilis kong sagot.
"Join us then, Luke's going to cook later. Eat with us," she insisted I was about to decline her but that will only make her wonder, I'll tell her the truth as soon as possible.
"Sure doc," I stated and fix my hair.
"Let's go already, sumabay ka na." Tumango na lang ako at sumabay sa kaniya, nang makarating sa kanila ay natigilan ako ng makita si Laze at Jami na nakangiti sa akin kaya naman awtomatikong umayos ang mood ko at nilapitan sila.
"How are you? How's school?" Nakangiting tanong ko.
"We're good tita," Laze immediately said without his eyes showing any expression or emotion.
"Good then, how about you Jami?" Ngumiti siya sa akin.
"Everything is fine tita, super fine." She assured me that's why I stood up and walked away, dumeretso ako sa pool area nila sa kung saan may maliit na bar stall at may refrigerator na naglalaman ng alak kung kaya't kumuha ako at maupo sa rest nila rito.
Nakatanaw lamg ako sa pool habang iniinom ang alak hanggang sa marinig ko ang mga bata na masayang binati ang tito nila na si Kent Axel. "Tito your girlfriend is in the pool area! You should greet her." Jami said that made me sighed.
"Really? Is she joining us for dinner?"
"Yes tito, she is." Bumuntong hininga ako ulit at sumandal na lang tapos ay pumikit.
Use me more then.
I feel so frustrated, but then I was caught off guard when someone kissed me on the forehead while my eyes are closed. "What did you just do?" Tanong ko kay Kent Axel.
"This is how I greet," wika niya at naupo sa kabilang seat.
"I already told you—"
"I heard that, but I remember advising you to use me more. If it benefits you I'm fine." He states totally fine that made me frown silently.
"You don't benefit me anymore, that's why I'm dumping you." Deretso kong sabi ngunit mahina at nakakaloko siyang tumawa. Smirk were plastered on his lips that makes him look hot.
"I'll make myself more useful for you then, so it'll probably work." Tumayo siya at inagaw ang alak na hawak ko, tapos nilagok 'yon dahilan para walang matira ar ideretso niya sa basurahan. So pag iinom ng alak dapat may alon yung adams apple?! Nasa dagat ba!
"How come.." Hindi makapaniwalang bulong ko. Umalis na siya at dumeretso doon kila Ate Mia at Kuya Luke kaya naman tumayo na rin ako at pumunta doon, ngunit natigilan ako ng makita si Kuya Zai at Lauren.
Ngumiwi ako kaagad at hindi na tinignan si Lauren hanggang sa pigilin nila ang paglakad ko. "Lauren stop, hindi tamang oras para mambwiset." Mariing sabi ni Kuya Zai kaya naman nilingon ko si Lauren.
"What?"
"Alam ba nila ang ginagawa mo?" Tanong niya kaya ngumisi ako at tsaka umiling bilang sagot.
"Why? Sasabihin mo?" Hamon ko.
"Yes." She stated kaya binawi ko ang kamay at sinenyasan siyang ituloy.
"Go ahead," hamon ko.
"Sierah, Invite them play upstairs okay?" Mabilis na sumunod sila Jami at Laze kay Sierah kaya naman ng kami kami na lang ay prente pa akong tumayo.
"Anong sinasabi niyo?" Ate Mia asked.
"It's not necessary." Kent Axel answered but then Lauren cleared her throat and smile at me.
"Saji is just like me," she started kaya tumawa ako.
"Interesting," pang-aasar ko.
"She used Kent Axel, to finish a mission in underground." Finally sinabi na rin niya kaya naman tinignan ko sila.
"Kent Axel already heard about it," she added.
"What do you mean use?" Ate Mia asked.
"Once she make Kent Axel love her, it's done." Ngumisi ako at tumango tango.
"What?" Nagtatakang lumapit sa amin si Ate Mia.
"I don't understand," dagdag niya.
"Hindi mo naman kailangan unawain doc, it won't trouble you. I guess," mahina kong sabi at nilingon si Kent Axel.
"I'm okay, we're okay. What are you blabbering Lauren?" saad ni Kent Axel kaya naman nilingon siya ni Ate Mia.
"Let's eat," mahinang sabi ni Ate Mia at nauna sa dining kaya naman ng tawagin ang mga bata ay tahimik na ulit ang lahat, kumain ako sa harapan ni Kent Axel.
He's glancing at me a lot of times, hindi ba siya galit sa akin? Matapos kumain ay tumayo ako at aalis na sana not until someone pulled my waist that made me gasped. "A-Ano?" Kinakabahan kong tanong kay Kent Axel.
"Let's go," he sand and removed his arms on my waist then he grabbed my hand, intertwined it.
"What do you think you're doing?" I questioned.
"Nothing, ginagawa ko naman 'to sa lahat." Sa sagot niya ay napalunok ako at natigilan but then I tried not to show any reactions.
Sa ganoong pwesto ay nakarating rin kami sa penthouse ko, pumasok siya kahit na ayaw ko. "'Di ba tinapos ko na?" Kwestyon ko.
"You hate my presence?" Tanong niya.
"Yes," mabilis kong sagot.
"Bear it," malamig niyang tugon kaya umawang ang labi ko.
"Hindi ka ba nagagalit sa akin? I used you—"
"Galit," matipid niyang sagot.
"Galit na galit ako sa'yo. But I can't hate you what should I do?" Pabulong niyang tanong kaya kumuyom ang kamao ko.
"Kung galit ka layuan mo ako—"
"I don't believe it, ginamit mo ako? I actually almost fall from it but no. You can't fool me," nagmamatigas niyang sabi kaya tumawa ako tapos ay inabot ang cellphone ko at inabot sa kaniya.
"Scan it," wika ko.
"There's no need, I won't deprive you of your liberty." Napalunok ako sa sagot niya, kahit kailan naman attorney mas naiinis ako ngayon.
"Then don't believe me, hindi naman kita pinipilit." Pagsisinungaling ko at tsaka ako pumunta sa ref para kumuha ng maiinom na wine na bigay lang sa sponsorships noon ng birthday ko.
I was about to drink it but then someone stopped me and grabbed the bottle. "What the hell are you doing?" Tila nababanas niyang tanong kaya naman pinagkrus ko ang braso ko.
"Iinom," sagot ko.
"With this wine? Are you out of your mind?" Umawang ang labi ko at tumawa.
"Anong kinagagalit mo?"
"Bakit ka nagagalit kung iinom ako?" Naiinis kong tanong.
"Because this is strawberry flavored! You can die from the sip of this wine." Singhal niya kaya napalunok ako at tinignan ang bote at oo nga bakit hindi ko napansin ang pagkalaki laking strawberry design sa tabi ng pangalan nito.
Freak..
///
@/n: Hmm good luck on your studies Luxians love lots keep safe always.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top