Chapter 58 [Put to blame]
Saji Argelia's Point of View.
Panay ang pagtulo ng luha ko habang pinanonood ko silang i-revive ang mommy ko, natatakot ako. N-Never pa akong namatayan ng kamag-anak, hindi ko kakayanin lalo na't mommy ko pa.
"200 joules!" malakas na sigaw ni Ate Mia at gamit gamit ang defibrillator ay pilit niyang binabalik ang heartbeat ng mommy ko.
"Charge!"
"D-Doc it's been 15 minutes," nakagat ko ang ibabang labi ng marinig ko ang mahinang sabi ng nurse.
Nanginginig ang kamay ko habang nanonood ngunit ng sandaling tumigil na si Ate Mia ay kusa akong napaluhod dahil ako mismo alam ko na ang sagot.
"S-Saji," may yumakap sa akin mula sa pagkakaluhod ko at dahil doon ay mas lumakas ang pag-iyak ko at hindi inisip ang iisipin ng fellow Doctors ko.
"This is just a d-dream right? I-I know I have to wake up." Hinawakan ni Kent Axel ang dalawang pisngi ko ngunit sa mga tingin niya ay nakuha ko ang sagot dahilan para mas umiyak ako.
"T-Time of death 10:56 PM, patient Garcia expired." Nang sabihin 'yon ay tila nabingi ako, damang dama ko ang panghihina ng tuhod.
"K-Kakabati l-lang namin," hindi ko na naituloy ang sasabihin ng panay paghikbi na lang ang nagawa ko.
Nagising ako at agad kong naramdaman ang bigat ng katawan kung kaya't doon ko napagtanto na nasa office ako.
"G-Gising ka na pala," wika ni Kent Axel kaya napatitig ako sa kaniya.
"S-Si mommy?" tanong ko kaagad.
"Nasaan si mommy?" napatitig siya sa akin dahil sa tanong ko, kaya naman tumayo ako at lumayo sa kaniya.
"Nasaan si mommy?" pag-uulit ko.
"S-Saji," sambit niya kaya naman tinakpan ko kaagad ang tenga.
"No, I don't want to hear i-it." Pakiusap ko at naupo sa sahig, napayuko ako sa mga tuhod ko bago pa man ay para akong batang iniwan ng ina.
"I'm so sorry," bulong ni Kent Axel.
Umiling iling ako tapos ay nilayuan siya, masama ko siyang tinignan ngunit ang mga mata niya ay malamlam. "U-Umalis ka muna sa harapan ko," pakiusap ko.
"B-But—"
"I'll end up blaming you Kent Axel, I'll end up hating you! H-Huwag ka munang magpapakita sa akin dahil maninisi ako." Umiiyak kong sabi.
"Then blame me if that will help you," mahinahon niyang sabi kaya umiling iling ako.
"It's not enough, nakikiusap ako umalis ka na muna." Tumango siya at naglakad papalabas kaya naman napapikit ako na para bang nababaliw.
Hindi ako makapag-isip ng tama. Matapos ang mga oras na 'yon ay sinundo ako ni Kuya Luke at Kuya Zai upang dalhin sa funeral ni mommy.
Nang makarating ay natigilan ako ng makita si daddy na nakatulala lang, napa-iwas tingin ako at lumapit sa kabaong ni mommy ngunit wala pa man ay muli na naman akong umiiyak.
I end up hugging her coffin while my cheeks are full of tear drops.. I feel numb but then I feel so tired and I feel so weak.
Kent Axel's Point of View.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila Kuya Luke ay una kong nakita si Saji na nakayuko sa gilid ng coffin dahilan para mapaiwas tingin ako at pigilan ang luha.
Lalapit na sana ako ngunit mabilis na may palad na pumigil sa dibdib ko. "M-Mas mabuting huwag mo muna siyang lapitan Kent Axel," nakikiusap na sabi ni Kuya Luke dahilan para maupo ako sa gilid at nanatiling pinanonood siya.
Tila alam nila ang ugali ni Saji kung kaya't pinaiiwas nila ako. Hindi naman tinanggi ni Saji, sinabi niya mismo sa akin harap harapan kung papaano siya masaktam ng sobra. She's trying to ease her pain from blaming yet it's not enough.
I hope I can help you but I'm the one to blame..
Naramdaman ko ang pag-upo ni Kuya Zai sa tabi ko kaya naman nilingon ko siya, but his eyes feel so sorry for me that made me more sad.
Ipinatong niya ang palad sa balikat ko kaya napayuko ako. "In this case, I should be the one that comforts her hyung. But then no, she hates me." Mahinang sabi ko ngunit matipid na ngumiti si Kuya Zai.
"It's not your fault Kent Axel, don't beat yourself because of it. Hindi mo kasalanan na niligtas ka rin ni tita, walang may kasalanan." Paglilinaw niya ngunit hindi 'yon nakatulong sa akin.
"I can't even touch nor hug my girlfriend because I'm the one to blame." Tinitigan ko si Saji na hindi mapigil sa kaiiyak.
"It feels so unreal hyung, I feel so bad. I feel so guilty, I want to stay beside her." Nanlulumo kong sabi ngunit hindi na nagsalita si Kuya Zai at nanatili na lang sa tabi ko habang tinatapik ang likod ko.
"I made them reconciled but it ended up like this.." Napahilamos ako sa sariling mukha dahil sa katotohanan na ayaw kong ipakita ang luha.
"S-Saji looks so happy when they got home," hindi ko na mapigilan ay nanatili na lang akong tahimik hanggang sa nakita kong tumayo si Saji ay pati ako napatayo.
Natigilan ako ng subukan niyang buksan ang kabaong but then Kuya Luke already stopped her. "Saji, No. You can't open this," mahinahon na sabi ni Kuya Luke.
"Oppa.." Umawang ang labi ko ng marinig ko ang malakas niyang pag-iyak dahilan para mapatingala ako at iiwas ang tingin sa kaniya.
"D-Dongsaeng," napalingon ako kay Ate Mia kasabay no'n ay ang pagtulo ng luha ko dahilan para tumango tango siya at hawakan ang kamay ko.
"Hindi mo kasalanan dongsaeng, hindi mo kasalanan." Paulit ulit niyang sabi, mariin kong kinagat ang ibabang labi hanggang sa malasahan ko ang lasang metal.
"W-Why are you here?" natigilan ako at napalingon kay Saji na walang emosyong nakatingin sa akin.
"Why is he here?" tanong niya kila Kuya Luke.
"Oppa, didn't I told you not to accept stranger?" natigilan ako ng marinig ko siyang sabihin 'yon.
"S-Saji.."
"He's my brother in law Saji." Paglilinaw ni Kuya Luke kaya naman napabuntong hininga ako.
"Isn't it clear for you Kent Axel?" napatitig ako sa kaniya dahil sa sinabi ngunit ang pamamaraan ng tingin niya ay walang sing sakit.
"Isn't clear for you that I hate you? Hindi ka na dapat pumunta rito, 'di ba ayaw kitang makita?" derederetsong sumbat niya.
"I'm sorry," mahina kong sabi.
"I'm sorry Saji," bulong ko at napayuko.
"Leave," itinuro niya ang labasan kung kaya't napabuntong hininga ako at pinilit kong intindihin ang kagustuhan niya.
Lumabas ako ng bahay na 'yon at nanatili sa gilid habang nakatanaw sa tirik na tirik na araw.
Ako ang maniningil para sa'yo Saji, ako ang maniningil ng walang awa.
"Why are you still there?" mabilis akong napatayo at hinarap si Saji lalo na ng marinig ko ang tinig niya sa likuran ko.
"N-Nagpahinga lang s-sandali." Nauutal kong sagot at kinakabahan na tinignan siya.
"I said leave Kent Axel—"
"S-Saji huwag namang ganito? Please?" naluluha kong pakiusap ngunit tinitigan niya lang ako na para bang wala.
"Let's break up Kent Axel." Para akong nabingi matapos niyang sabihin 'yon, natulala ako sa harapan niya ngunit wala pa rin siyang emosyon.
"L-Love," seryoso kong sabi at lumapit ngunit umatras siya dahilan para mapatitig ako sa mukha niya.
"A-Ano ka ba l-love, p-pag usapan natin 'to okay?" pinilit kong kunin ang kamay niya ngunit iniiwas niya 'yon tulad ng mga tingin niya.
"Nakiusap ako sa'yo na huwag kang magpapakita sa akin—"
"Love please," wika ko at hinawakan ang kamay niya ngunit parang diring diri siyang tinignan ang mga 'yon.
"You should leave Kent Axel, seeing you here makes me want to hurt you so bad—"
"Then hurt me, slap me but don't break up with me love. You can shoot me." Napatitig siya sa akin sa sinabi ko.
"Sa tingin mo ba mababawasan ng sampal ko sa'yo ang sakit na nararamdaman ko?!" galit niyang tanong at maluha luha akong tinignan.
"Sa tingin mo ba pag sinapak kita tatayo ang nanay ko doon para awatin ako?" sumbat niya.
"Kaka-ayos lang namin! Kailan lang ako sumaya ng kasama siya! Hindi ba't ang daya daya naman no'n?!" napaluha ako at nanatiling nakinig.
"Saji, Kent Axel talk inside." Hinila kami ni Ate Mia papunta sa second floor ng bahay sa kung saan ako gumagamit ng kwarto doon ay mas lumakas ang iyak niya.
"Tadhana ko ba talagang hindi maranasan magkaroon ng ina? Tadhana ko bang masaktan ng ganito ano bang maling ginawa ko sa mundo?!" yumuko lang ako at hindi siya nagawang tignan.
"Ang sakit sakit, I never imagined having a mom. But then when I started to like it kinuha na siya sa akin?"
"Lord ano na?" napatitig ako sa kaniya dahil bigla ay tinanong niya, kinwestyon niya siya.
"Lord ano na? Gaano mo ba ako kagustong pahirapan? Ano pa bang gusto mong ituro sa akin! Ano pa bang dapat kong matutunan!" napapikit ako ng basagin niya ang vase.
"Ano pa ba? Ilang buhay pa ba ang dapat mong bawiin para lang matuto ako?" lumapit ako sa kaniya ng lumupasay siya sa carpet at doon ay nagpupumiglas siya.
"Shhh.."
"You can blame me, you can hate me, you can curse me S-Saji." Pakiusap ko.
"Kahit sobrang sakit, tatanggapin ko."
"Hindi ko sinasadya," bulong ko.
"Hindi ko inaasahan."
"Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sorry.."
"She saved you because she insisted that I am able to live without her but not without you! That's why I hate you so much!" sigaw niya at itinulak ako ng itinulak.
"Mas kailangan ko ng nanay! Hindi ko kailangan ng boyfriend!"
"Sana ikaw na lang yung nawala! Sana ikaw na lang! I hate you so much!" panay ang iyak niya at sa sinabi niya ay nauunawaan ko siya.
Pero sobrang sakit sa parte ko, hindi ko maintindihan pero sobrang sakit ng nararamdaman ko. "K-Kung hindi ka tumalon para iligtas ako sana ako yung nawala!" napapikit ako at niyakap pa rin siya kahit sobrang sakit ng mga palag at tulak niya.
Pero mas masakit ang mga sinasabi niya. "Y-You're a curse Kent Axel! S-Simula't sapul ikaw ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko!" pumikit ako at sinabayan ang pagluha niya.
Hinaplos ko ang ulo niya ngunit ramdam na ramdam ko ang galit niya. "A-Ayoko sa ganito, I want my mom back.. I want her so much," nanghihina niyang sabi at hinayaan na lang ang sarili na sumandal sa dibdib ko.
"Please make her come back.."
"I'm begging, I need my mom.." Napapikit ako at niyakap na lang siya hanggang sa mga iyak na lang niya ang naririnig ko at pati sa pagtulog niya ay sinasambit niya ang katagang mommy.
Hinalikan ko siya sa noo ngunit tuluyan na siyang nakatulog kung kaya't dahan dahan ko siyang binuhat at inilagay sa kama.
I'm so sorry love, I'm so sorry..
Sa sobrang pagod ay itinabi ko ang sarili ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya na sobrang lamig. Ipinikit ko ang matang sobrang hapdi.
Saji Argelia's Point of View.
Ilang beses akong napakurap at napakusot sa mga mata, ngunit pagkabangon ko ay nakita ko si Kent Axel na natutulog sa tabi ko dahilan para iiwas ko ang mga mata.
Why am I like this? I can't stop myself from being harsh and bad.
"I'm glad you're awake." Napatingin ako sa pinto, nakasilip si Kuya Luke kaya naman dahan dahan akong tumayo.
Dumeretso ako sa banyo at naghilamos, panay ang buntong hininga ko at ng makalabas ay nakaharap ko kaagad siya kaya naman iniiwas ko ang tingin at naglakad na.
Matunog siyang bumuntong hininga at narinig ko ang pagsarado ng pintuan sa banyo kaya naman lumabas na ako para pumunta sa kung nasaan sila.
Pagkababa ay maraming nakiramay kung kaya't tahimik akong naupo sa isang gilid. "Saji," napalingon ako ngunit nakita ko si Jared kaya naman tumango ako.
"My deepest condolences, papunta na ang parents ko dito." Matipid akong tumango tapos ay itinuro ko ang maari niyang upuan.
"Oh tol napa'no yung mata mo?" pinilit kong huwag lumingon ng marinig ko si Jared na tanungin 'yon.
"Ayos lang, wala yan. Sila mom nakita mo ba?" dahil doon ay pasimple akong lumingon ngunit nagtaka ako ng makita kong may itinago siya sa gilid ng waist niya.
It's a gun right?
"Nandoon sila sa kusina," wika ni Jared kaya naman iniiwas ko na ang tingin.
Makalipas ang 15 minutes ay nakaramdam ako ng pagka-uhaw ngunit habang tinatahak ang daan papunta sa kusina ay naririnig ko ang pag-uusap nila.
"What? you're going to catch and kill her? Juniflo is a Japanese Mafia you can't!" nangunot ang noo ko dahil galit talaga si Ate Mia.
"Kent Axel kung papatay ka rin naman sana ng wala pang buhay na nawala! Kingina susunod ka ba na paglalamayan namin?!" huminga ako ng malalim dahil nagkakagulo nga sila.
"Let your dignity and moral stick! Abogado k—"
"Then do you want me to watch her suffer? She's suffering because of Juniflo!"
"Noona ng akala mo wala na si hyung ganito ka rin bakit hindi mo ako naiintindihan!" sumbat ni Kent Axel kaya naman pinanood ko sila at pinagkrus ang mga braso ko.
"Naiintindihan ko ang gusto mo! Kung si Saji nga panigurado gusto niyang gumanti pero nandito siya pinipigilan niya yung sarili niya. Kent Axel makinig ka naman," tila pagod na sabi ni Ate Mia.
"Kung ganoon hayaan niyo akong pahirapan siya," wika ni Kent Axel.
"Yung pagpapahirap mo? Hindi ka makukuntento kasi dedemonyohin ka niyang patayin mo siya! Kahit si daddy nag-init yung ulo niya!" humakbang ako papasok sa kitchen dahilan para matigilan silang lahat.
"S-Saji."
"B-Bunso."
"Hija," napatingin ako kay Tita Miyu tapos matipid na ngumiti.
"Ang bango naman po ng niluluto niyo tita," wika ko at lumapit.
"G-Gutom ka ba hija? G-Gusto mo kumain?" ngumiti ako at umiling.
"Naamoy ko pa lang po busog na ako," sagot ko ngunit napalingon ako kay Kent Axel na nakatitig lang.
"Oh?" tanong ko at seryoso siyang tinignan.
"A-Ah uhm—"
"Kumain ka na," utos ko sa kaniya tapos ay lumapit ako sa dispenser at uminom ng tubig.
"Kumain ka na daw."
"Hoy kain na raw dongsaeng."
"Kent kain na daw." Nilingon ko sila dahilan para umayos sila kaya naman tumango lang ako.
Bumalik na ako sa harap ni mommy ngunit napatitig ako kay daddy na nakatulala kaya naman naluha ako kaagad, lumapit ako sa kaniya ngunit pagkalingon niya ay akala niya ako si mommy.
Mas nakakalungkot. "A-Anak," mahina niyang sabi kaya naupo ako sa tabi niya.
"You should eat dad," mahina kong dagdag at tsaka ngumiti.
"M-Magagalit si mommy pag nalipasan ka," tumango tango siya at tumayo kaya naman naiwan akong nakaupo dahilan para mapayuko at maluha na naman.
Sobrang hirap pala na mawalan ng sariling nanay, nakakabaliw. Pagkapikit ko ay naalala ko ang mga huling ngiti niya sa akin.
Makalipas ang tatlong araw ay mas dumami ang bumisita kay mommy kung kaya't ilang araw na rin akong walang tulog.
Ngunit sa mismong harap ni mommy ay may bumisita at maraming tao dahilan para magpigil ako. "What do you think you're doing?" gigil na gigil kong tanong kay Juniflo.
Nasa likuran niya yung totoong nakamaskara kaya naman tinitigan ko lang sila ng masama. "Gusto mo ba kaming saktan?" tanong niya nang-aasar kaya naman tinignan ko ang pulang suot niya tsaka ako tumango.
"Gusto ko," sagot ko.
"Gusto ko bakit?" natigilan siya sa sagot ko.
"Sad hindi mo magagawa kasi you have to held that anger right? Kasi maraming tao." Nakangising sabi niya kaya tumango ako muli.
"Tama," wika ko ngunit mas ngumisi siya sa akin.
"I can't hurt you the way you did to my mom, you're safe. But my underground will kill you without mercy." Sagot ko sa mahinang paraan tapos ay iniiwas ko ang tingin.
"Anong ginagawa mo rito Juniflo?" mabilis nilang inawat si Kent Axel.
"Pumunta ka ba rito para kilalanin si kamatayan?" lahat ay pinanonood si Kent Axel kaya naman hinarap ko siya at hinawakan sa balikat.
"You can't—"
"Everyone!" malakas na sigaw niya dahilan para mapalunok ako.
"Anong pinaplano mo?" tanong ko ngunit hindi niya ako pinansin.
"I can't do the same way right now, but let me humiliate you." Nakangising sabi ni Kent Axel.
"This woman is the murderer!" nanlaki ang mata ni Juniflo, hindi inaasahan ang sinabi ni Kent Axel.
"Sa tingin niyo anong magandang gawin sa kaniya?"
"Parusahan!"
"Kailangan niya ring danasin ang hirap!"
"Hindi lang sa kulungan!"
"Hindi ko siya pwedeng saktan?" tanong ni Kent Axel at mabilis na hindi sumangayon ang iba.
"Bakit kakaawaan ang mamatay tao!" sigaw ng iba kaya naman nanahimik na lang ako.
"Umalis na kayo ngayon kung ayaw niyong dumanak ang dugo rito Juniflo, tandaan mo kung hindi kita maaring patayin bilang Ultimate Sandoval." He paused and looked up tapos ay tinignan niya muli si Juniflo.
"I'll step down and kill you, sisiguraduhin kong sasama ako sa mga gagawa no'n sa'yo." Napatitig ako kay Kent Axel na galit at seryosong sinasabi 'yon.
Will he risk his position just to kill Juniflo? And here I am the daughter of my mother doing nothing but still can blame others.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top