Chapter 57 [The End]

Saji Argelia's Point of View.

"Y-You." Hindi makapaniwalang sabi ko at itinuro ang mukha niya ngunit mabilis niyang hinawakan ang hintuturo ko at ibinaba.

Itinaas niya ang buhok at seryosong tumingin sa dalampasigan kaya naman napalunok ako at mabilis na nag-iwas tingin.

"So do you admire my back?" namula ang mukha ko sa tanong niya kaya naman umiling iling ako.

"H-Hindi ganoon."

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin," pagtatanggi ko ngunit tumango tango siya kaya naman tinignan ko ang maskarang hawak niya.

"P-Pero papaanong nangyari 'yon?" bulong ko.

"I'll explain later," wika niya at tsaka bumuntong hininga.

Napaisip ako at nilingon muli ang kanina, kaya pala may kakaiba sa galawan niya kanina pero papaano yung boses? Sino yung nilait ko?

"S-Sino yung nilait ko? Bakit kaparehas mo siya ng boses? Yung mukha niya ano 'yon?" tanong ko ngunit sinenyasan niya akong tumahimik kaya naman napalunok ako.

"Do you want to do this?" bulong niya halatang may baon na plano.

"A-Alin?" bulong ko.

"Be my hostage, ikukulong ka nila kasama ang magulang mo hindi nila ako makikilala dahil pinatulog ko na yung totoong may ari ng identity na ito." Tumango ako bilang sagot.

"If there's a chance to run, run that's the number 1 rule. Be with your parents." Seryoso niyang sabi kaya tumango ako.

Inilahad niya ang kamay sa harapan ko kaya naman napalunok ako at hinawakan 'yon, sinuot niya naman ang maskara gamit ang isang kamay at dahil doon ay nagbago agad ang boses niya ng magsalita.

"Ready," wika niya kaya naman nagsimula akong umarte.

"Bitiwan mo nga ako!"

"Ano ba!" matapos kong sumigaw sigaw ay mabilis na naglabasan ang mga butiki— I mean yung mga walang emosyon na akala mo na-stiff neck.

"Ako ang nakahuli sa kaniya, ako ang magkukulong sa kaniya." Napalunok ako dahil kakaiba rin na gumalaw at nagsalita si Kent Axel kaya naman ng walang magawa ang iba ay hinarap niya ako sa babaeng kupal.

"Oh nauna ng umalis ang boyfriend mo, pumuslit ka ba?" nakangising sabi ng babae.

"Dahil hindi niya ako hinahayaang sumugod!" sigaw ko.

"Nasaan ang magulang ko?" tanong ko.

"Tutal nandito ka na rin, hindi kita mahaharap kaya ikukulong na lang kita." Nakangisi niyang sabi at kukunin na sana ako ngunit hinila ako ni Kent Axel na nakamaskara.

Nagtaka ang babae. "Bakit hindi mo muna ako pagbigyan, Juniflo." Napalunok ako ngunit ang tingin ko ay nasa babae na seryoso.

"Saan kita pagbibigyan?"

"Ako rin naman ang nakahuli sa isang 'to, marami siyang kasalanan sa akin. Naalala mo bang maraming beses niya akong dinaplisan?" napairap ako at kunyare ay nagpumiglas.

"Magpapakulong na lang ako!" sigaw ko kuno.

"Juniflo, naging maayos naman ang trabaho ko bakit hindi mo ako pagbigyan makaganti sa paraan ko?" tinitigan muna ni Juniflo si Kent Axel na hawak ang braso ko gamit ang isang kamay.

"Magsisisi kayo pag ginalaw niyo ako!" sigaw ko.

"Mukhang hindi tayo makakatakas sa ilalim ng patakbo nila kung papatayin mo ang isa sa malakas—"

"Nauunawaan ko, hindi kamatayan ang parusa Juniflo." Nang bitiwan ako ni Kent Axel ay mabilis na hinawakan ng mga robot na tao ang dalawang braso ko dahilan para magpumiglas.

Napalunok ako ng makalapit si Juniflo kay Kent Axel ay hinalikan nito ang leeg ni Kent Axel kaya naman kumuyom ang kamao ko. "Ano ba! Bitiwan niyo sabi ako!" sigaw ko pa.

"Have fun then," nakangising sabi ni Juniflo.

Kaya naman ng bumalik si Kent Axel ay sinamaan ko siya ng tingin ngunit hinawakan niya na ang braso ko at dahil doon ay binitiwan ako ng dalawa.

Dinala kami sa iisang kwarto kaya naman ng maisarado niya 'yon ay nagmaktol ako kaagad. "Polaris," wika ni Kent Axel kaya naman ngumuso ako.

"Nakakabadtrip," naiinis kong wika tapos ay naupo sa may sofa inalis naman ni Kent Axel ang maskara matapos isarado ang kwarto.

"Now you should explain," wika ko kaya naman huminga siya ng malalim.

"Hindi ako ang may ari ng identity na 'to, kung tatanungin kung sino ang original ako yung imposter." He explained and sat down.

"Isa 'to sa paraan para mapalapit ako at malaman kung papaano ko ililigtas ang parents mo." Tumango ako bilang sagot, sumandal siya sa rest ng sofa at tsaka bumuntong hininga.

"Sumugod ka na naman rito ng walang hawak na kahit anong plano," he added that made me rolled my eyes.

"Why are you so reckless? What if you got hurt?" hindi ako umimik ng magsimula siyang manermon.

"You don't help, you're just making things worst with your reckless actions." Ngumuso ako at tinignan lang ang mga naglalarong kamay ko.

"I'm planning to save your parents, you just got reconciled a while ago. But my plans got changed because you came," ngumuso ako lalo dahil nagagalit siya sa akin.

"Are you saying that I ruined your plans?" napipikon na sumbat ko.

"What do you think?" he replied back that made me feel guilty.

"You're not reading my text messages, you're not answering my calls that's why you're here with me." He's really scolding me like a freaking teenager! Padabog kong ibinaba ang paa ko sa carpet dahilan para maningkit ang mata niya.

"Now you're asking for my explanations," wika niya seryosong seryoso kaya naman psimple ko siyang nilingon para samaan ng tingin ngunit sinalubong ako ng mata niya.

"Fine, it's my fault." I give up.

"It's really is your fault." Ngumuso ako dahil tama si Kuya Luke, he's straight to the point kahit masakit sasabihin niya kasi nagsasabi siya ng totoo.

"I hate you," bulong ko sobrang hina ngunit mukhang narinig niya dahil narinig ko siyang bumuntong hininga sabay singhal na para bang hinabaan niya ang pasensya ngunit naputol ko agad.

"Whatever my plan is, support me. Pag sinabi kong umalis na kayo, umalis na kayo kaagad." Nangunot ang noo ko at hinarap siya.

"Papaano ka?"

"Papaano ka kung aalis kami?" kwestyon ko ngunit umiling siya.

"Kaya ko ang sarili ko," he answered na para bang hindi niya ako girlfriend kaya naman pinagkrus ko ang mga braso.

"Then I'll stay with you—"

"Saji Argelia makinig ka naman," nauubusang pasensya niyang sabi. He pushed his hair back, his eyes were glaring at something.

"Hindi ako mamamatay, sa ospital o sa penthouse na tayo magkita pag nakahanap ako ng pagkakataon." He explained.

"Hindi ako pababayaan ni noona," dagdag pa niya.

"Kung ganoon ihahatid ko ang parents ko at babalikan kita—"

"Hindi basta basta titigil ang mga 'yon, sasamahan mo sila." Huminga ako ng malalim at nag-iwas tingin. He's like his dad then, I heard from Tita Miyu and I'm scared that might happen to both of us.

"Do you think I'm not capable of anything? Let's do this together Kent Axel." Mariing sabi ko.

"Laban ko lang dapat ito 'di ba? Pero nandito ka tinutulungan ako kaya hayaan mo rin sana akong makatulong. Papaano pag napa'no ka?" bumuntong hininga lang siya at sinuot na ang maskara.

"Sundin mo ako dahil plano ko 'to."

"Attorney," naiinis kong gitil ngunit tumayo siya.

"Obey me."

"Then what do you think of me? Boyfriend kita. It's normal for me to worry," wika ko ngunit inalis niyang muli ang maskara.

"I can save myself, pero hindi ko magagawa 'yon kung inaalala kita Polaris. Hindi ako natatakot masaktan pero natatakot akong masaktan ka." Seryoso niyang sabi at hahawakan sana ako pero ako ang kusang umiwas.

"They can use you against me, at pag nangyari 'yon mas ililigtas kita kesa sa sarili ko." Hindi ako umimik sa huling sinabi niya at naupo na lang.

Sa tingin mo ba pag nangyari yan hindi ikaw ang pipiliin kong iligtas kesa sa sarili ko?

Ilang minuto lang ay may kumatok na sa pinto ngunit mula sa pagkakasandal ay nanlaki ang mata ko ng hawakan ni Kent Axel ang pisngi ko at itaas hanggang sa labi niya ang maskara.

"A-Ano?" kinakabahan kong tanong ngunit mariin akong napapikit ng dumampi ang labi niya sa bandang leeg ko at halos bumaon ang kuko ko sa braso niya ng mahina niyang sipsipin 'yon.

"I'm sorry love," bulong niya at tumayo tapos ay inunbuckle niya ang belt tapos lumapit sa pinto habang ako ay natulala.

Nilingon ko siya at ng buksan niya 'yon ay pinakita niyang inaayos niya ang belt, lumunok ako ng si Juniflo ang nandito kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Magsisisi kayo!" galit kong sigaw habang si Kent Axel ay naisarado na ang belt lumunok ako at sinamaan ng tingin si Juniflo.

"Isama mo na 'to sa mga magulang niya." Utos niya kay Kent Axel.

"Did you have fun?" tanong niya pa kay Kent Axel, matipid na tango ang binigay niya at kinuha ako ngunit halos malunok ko ang sariling dila ng alisin niya ang belt niya sa harapan ko.

Hindi ako natakot, kinabahan ako dahil— dahil wala..

"I'll tie her," he said with different voice but then I gulped as I saw his fast hands.

Ginawa niya 'yong posas at inilagay ang kamay ko, matatakot sana ako but this I find it freaking attractive. I actually wanted to curse myself from thinking dirty!

Nang madala niya ako ay isinama niya ako sa magulang ko kaya naman lumunok ako, nang maisarado ay inalis ko ang busal ng mga magulang ko.

"Anak," wika ni mommy.

"Bakit ka nandito?" tanong ni dad kaya huminga ako ng malalim.

"Let's wait for Kent to save us mom, dad." Mahinahon kong sabi.

"Anak you shouldn't be here, papatayin nila tayo. Wala tayong magagawa." Umiling iling ako bilang sagot.

"Hindi tayo pababayaan ni Kent Axel dad, let's trust him." Kalmado kong sabi.

"Pag sinabi ko pong takbo, huwag kayong hihiwalay sa akin. Dederetso po tayo sa ligtas na lugar," I explained them the plan na mabilis nilang naintindihan kaya naman maya-maya ay pumasok si Kent Axel bilang nakamaskara.

"Uminom muna kayo," mahinahon niyang sabi kaya tumango ako at tinanggap ang tubig tapos ay uminom.

"A-Anak bakit may ganito ka?" natigilan ako at niyuko ang leeg ko kahit hindi ko ito makikita.

"Things happened," bulong ko.

"It's just a kiss mark, it won't make me pregnant so it doesn't matter dad." Maayos kong sagot at ng magtama ang mata namin ni Kent Axel ay huminga ako ng malalim.

Matapos no'n ay lumabas na siyang muli upang gawin ang misyon niya, ilang oras ay hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kandungan ni mommy.

Nagawa kong alisin ang mga tali sa kamay nila at ganoon rin ako, kaya naman bumangon ako at tsaka ko naramdaman ang pagkalam ng tyan.

Natigilan kaming tatlo ng bumukas ang pinagkukulungan sa amin, sumenyas si Kent Axel kaya naman ginawa ko na ang trabaho ko.

"Mom, dad let's go." Anyaya ko.

"W-Where? What's happening?"

"He's Kent Axel," bulong ko at dahil doon ay tahimik kaming tumakas at nalaman ko na may yate ng naghihintay sa amin at may mga nakaabang na kung sakaling may hahabol.

Maraming pasikot sikot ngunit nasa likuran ko si Kent Axel at nagbabantay sa bawat paligid. "Faster," bulong niya kaya naman ng makita ang lagusan ay nakarinig kami ng tunog.

"Tumatakas!"

"Run! I'll stop them," tumakbo kami ng magulang ko papunta sa dalampasigan kung saan hinihintay kami ng mga rescuers.

Hawak ko rin ang cellphone na inabot sa akin ni Kent Axel at nang makasakay sila mom at dad ay sasakay na rin sana ako ngunit tumunog ang cellphone.

Napalunok ako ng si Juniflo ang tumatawag. "Don't answer it anak, bilin ng nobyo mo na huwag mong sasagu—"

"I'm glad you answer, What about you save your boyfriend Polaris?"

Kumuyom ang kamao ko at nilingon ang building, I can't leave him. "Anak." Naninitang sabi ni dad.

"My boyfriend? He's not here." I answered.

"Then you're a fool, you think you're safe? Well actually you are but your boyfriend will die in our hand—"

"Where are you? I want the proof—"

"AHH!" kumuyom ang kamao ko ng marinig ang sigaw ni Kent Axel na para bang pinahihirapan siya.

"Huwag na huwag kang susugod rito Polaris! Papunta na sila! Umalis na kayo!" hirap na hirap niyang sigaw dahilan
para mataranta ako.

"Makikita mo pa naman siya kaya nga lang hindi na humihinga at wala ng buha—"

"Subukan mo siyang galawin Juniflo, sabay sabay tayong maglalakad papuntang impyerno."

"Oh i'm scared—"

"You'll be, always look behind your back Juniflo." Banta ko at tsaka ko pabatong inilagay sa yate ang cellphone ko at tumakbo pabalik.

Panay ang tawag sa akin ng mga magulang ko ngunit dineadma ko 'yon, nang makabalik sa loob ay kumuyom ang kamao ko ngunit sinamaan ako ng tingin ni Kent Axel.

"Polaris," wika niya na nanununog ng pagbabanta.

"Love is your weaknesses," napatingin ako kay Juniflo.

"Ngayon, corner ko na kayong dalawa. Maglalaro tayo," napatitig ako sa kaniya. She's unbelievable!

"Papakawalan ko kayo sa malaking isla na 'to, pero kailangan niyong tumakbo at kung sino ang mahuhuli ko ay babarilin ko." Napalunok ako at tinitigan si Kent Axel.

"What do you mean?"

"Habang nakatayo ako sa iisang pwesto kailangan niyong ilagan ang mga bala na ipuputok ko." Napalunok ako, may paraan para makaligtas kami rito.

Na-train naman kami para matuto kaming ilagan ang mga bala, nagkatinginan kami ni Kent Axel na seryosong nakatingin sa akin.

Mabilis kaming inilabas at habang hawak kami ng mga tao na robot ay kinakabahan ako ng sobra matapos bumilang ay mabilis kaming tumakbo ngunit hindi sa iisang dereksyon.

"Careful!" malakas na sigaw ni Kent Axel kaya naman hindi ko tinalikuran ang mga kalaban at panay iwas ako.

Nang kumasa siya ay mabilis akong tumakbo papalayo dahil batid kong ako ang main target niya panay ang iwas ko ngunit hindi ko inaasahan ang limang sunod sunod na putok niya gamit ang dalawang baril dahilan para madaplisan ako ngunit nanatili akong alerto.

Panay ang daing ko sa sobrang sakit at hapdi nito, mainit ang daplis at maluluha ka kung hindi mo kakayanin. "Saji!" hindi ko nilingon si Kent Axel at nanatili akong nakatayo habang nakatitig kay Juniflo.

"Saji Argelia!" sigaw niya kaya naman ng magpaputok ulit si Juniflo ay hinintay ko 'yon bago iniwasan.

"Matapang ka!"

"Ang tapang mo Polaris!" sigaw ni Juniflo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Tanga ba 'to?

Pagka-iwas ko sa dalawang bala na pinaputok niya ay nanlaki ang mata ko ng may yumakap sa akin dahilan para manlaki ang mata ko. "Mahihirapan tay—"

"Anak! Ah!" awtomatikong nanlaki ang mata ko ng may yumakap rin kay Kent Axel dahilan para unti-unti kong itulak si Kent Axel.

"M-Mommy," hindi makapaniwalang sabi ko ngunit ang pagbagsak niya ay mabilis na naagapan ni Kent Axel.

"Tita, tita can you hear me?" nanginginig ang kamay kong tinitigan si mommy na hawak ni Kent Axel tapos ay nilingon ko ang pinanggalingan ng bala.

At doon ko nakita ang lalakeng nakamaskara, kumuyom ang kamao ko. "Shit, she's bleeding heavily! S-Saji she needs you." Naupo ako at tinignan ang tama ng bala ngunit napatitig ako kay mommy ng sandaling hawakan niya ang mga pisngi ko.

"M-Mom.." mabilis na tumulo ang luha ko ng makita ko siyang nahihirapan kasabay ng paglabas ng dugo sa bibig niya.

Hanggang sa marinig ko ang tunog ng helicopter at ang malakas na hangin ay nagawa niya akong ngitian. "A-Anak y-you know I can leave without any regrets right?" umiling iling ako at hinawakan ang kamay niya.

"Mom, no. You have to hold on, I'll save you. I'm a doctor—"

"Knowing we're good, I can leave happy." Ang luha ko ay hindi ko magawang pigilan nakangiti siya ngunit nasasaktan ako.

"Mom.." I paused as I felt the heavy breathing.

"Tell your d-dad I love him, I love both o-of you anak.." Umiling iling ako hanggang sa hindi ko mapigilan ang paghikbi.

"Mom p-please.. W-We just reconciled, you can't leave yet. I need you," wika ko at mahigpit na hinawakan ang kamay niya ngunit inalis niya yon at hinaplos ang mga pisngi ko.

"N-Nabuhay ka ng h-hindi ako k-kasama, b-babalik ka lang ulit sa panahon n-na 'yon ana—"

"M-Mom ayaw ko. Ayoko na bumalik sa ganoon, ayoko ng wala kayo." Mabilis na tumulo ang luha ko ngunit nakangiti pa rin siya sa akin na para bang hindi nakakapagod 'yon.

"You c-can live without me, but n-not without him anak." Tinignan niya si Kent Axel kaya umiling ako.

"Mom p-parating na sila, dadalhin ka namin sa hospital. Hold on okay? Don't w-waste your energy," pakiusap ko at pinilit kong pigilan ang hikbi.

"I-I don't think I-I can make it, i-ikaw ang pinakamasayang dumating sa b-buhay ko anak. K-Kaya g-gusto kong sumaya ka, m-mahal na mahal—" naputol ang sinabi niya ng huminga siya ng sobrang lalim.

"M-Mahal ko k-kayo—"

"Mommy," napailing iling ako at pinahid ang luha ko, "lalaban ka para sa atin, I'll b-be a good girl. Magde-date p-pa tayo 'di ba?" pakiusap ko habang walang hinto ang pagluha. The pain in my heart is like stabbing it with a knife.

"Y-You said you'll watch me walk down the aisle, I-I won't get married i-if you're not there. M-Mom," hindi ko na mapigilan ang pag-iyak dahil sa sobrang takot at sakit na nararamdaman ko.


√√√

@/n: I won't ask for your thoughts, keep safe and wait for my update love lots 🥰 Late update i'm sorry katatapos lang gumawa ng research study well!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top