Chapter 56 [Deceived]
Saji Argelia's Point of View.
Kumuyom ang kamao ko at kasabay ng paglapat ng labi ko sa sobrang pigil ng galit. "You better don't try, get my parents involved in this." Mahinahon ngunit nagbabanta kong sabi.
"You shouldn't have come here, Saji." Kent Axel said and sighed.
"Why not?"
"Why didn't you tell me?"
"They're my parents after all," mahina kong sabi.
Bumuntong hininga siya at parehas na ipinatong ang kamay sa balikat ko kaya naman tiningala ko siya. "I have my reasons," mahina niyang sabi kaya mariin akong napapikit.
"Is this some kind of lover's quarrel?" nang-aasar na tanong ng babae kaya naman inis ko siyang nilingon pero mabilis na binawi ni Kent Axel ang balikat ko at hinarap sa kaniya.
"Listen—"
"Why would I?!" inis na sigaw ko sa kaniya dahilan para matigilan siya at bitiwan ang balikat ko.
"Listen to me Polaris, I'll save your paren—"
"Kent Axel stop being like that, magulang ko sila how can I not get involved?" pinipilit kong maging mahinahon ngunit naiirita ako.
"Get them out of here," napalingon ako sa babae at akmang susugurin na siya ng pigilan ako ni Kent Axel kaya naman lumayo ako sa kaniya.
"Polaris." Mariing sabi niya at pilit akong hinahawakan.
"Polaris listen!" tinitigan ko siya ng masama, ito ata ang unang beses na sinigawan niya ako.
"Get them out of here!"
"Yes ma'am," the emotionless man said and grab our shoulders that made me mad but then Kent Axel stopped me.
"Why are you so scared of them?! I want my parents out of here Kent Axel or else—"
"I'll deal with your condition, but please listen to me. People here are not normal, they're different from us." He explained and looked away that made me feel something wrong.
Nang mailabas kami ay kusang sinarado ang bakal na gate, nasapo ko ang sariling mukha dahil nag-aalala ako sa magulang ko.
"What's going on?" tanong ko kay Kent Axel pero tinitigan niya lang ako habang mariin na kagat kagat ang ibabang labi.
"I said what's going on!"
"Let's go back, I have to thin—"
"Kent Axel ano ba? Ano bang nangyayari? Bakit hindi mo masabi sa akin! Hindi ko naiintindihan!" sa sobrang inis ay malakas ko siyang hinampas sa dibdib.
Pero nanatili siyang nakatayo lang at hinahayaan ako na gawin sa kaniya ito hanggang sa dumating ang isang yate ay seryoso niya akong sinenyasan na sumunod.
"Kent," wika ko at hinabol siya.
"Kent Axel!"
"Saji Argelia let me think." Napaatras ako ng bigla siyang humarap, napabuntong hininga ako at hindi mapakali kinakabahan ako para sa magulang ko.
"Hop in," he said in monotone that made me feel more terrifying.
Pumasok kami sa ilalim ng yate at doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon. "Kent Axel ano ba nangyayari?"
"Hindi ko maintindihan sino sino sila? Bakit nila tayo kilala?"
"I mean bakit kailangang ganoon ang gawin nila sa magulang ko? If they need me then they can have me instead!"
"Then keep on throwing tantrums, I said I'll explain later give me some time to think." Seryoso niyang sabi dahilan para sumama ang loob ko at singhalan siya.
"What are you keeping from me—"
"C'mon Saji Argelia." Nauubusang pasensya niyang sabi kaya yumuko ako sa mga tuhod ko dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdaman.
"H-Hey." Rinig kong tawag niya ngunit nanatili akong nakayuko hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.
"Love.." umiling iling ako sa pagtawag niya.
"Please don't get me wrong—"
"Then should I get you right then? Even though I was mad at them I don't like them to suffer Kent Axel. Matanda na ang parents ko. Hindi nila deserve maranasan 'yon. Ayokong nahihirapan sila kaya sabihin mo anong problema." Nakikiusap kong sabi hanggang sa bumuntong hininga siya at tumango.
"Fine."
"I finished your mission," wika niya at dahil doon ay natigilan ako at tinitigan siya, "yes, I know it's wrong. It's illegal, but you're my girlfriend. I don't want you to get tired because I know you're a very busy doctor." He paused and held my hand.
"Because of that—"
"Kent Axel," naninita kong sabi.
"I'm sorry," he whispered.
"I'm really sorry."
"I'm just worried," bulong niya kaya pumikit ako ng mariin.
"They're going to kill my parents." I stated.
"Kent Axel, I'm so sorry but don't you dare interfere again." Mariing sabi ko at tumayo na ngunit mabilis niyang inabot ang kamay ko dahilan para matigilan ako at lingunin siya.
"You made my parents get involved, I-I d-don't like to see you right now."
"Huh?" bago pa man siya muling magsalita ay umalis na ako sa kwartong iyon at umakyat sa yate.
Ngunit hindi ko inaasahan na hahabulin niya ako para sundan, nang mahawakan niya ako sa braso at hilain ay napayuko ako dahil ayoko siyang makita.
"Look Saji I guess you—"
"Enough."
"I heard enough," mariing sabi ko at binawi ang mga braso sa kaniya.
"Polaris—"
"Don't call me that," mariing sabi ko dahilan para mariin siyang mapapikit at tignan akong muli.
"Saji—"
"Either that," wika ko kaya naman nang wala na siyang masabi ay tatalikod na sana ako ngunit mabilis siyang humarang sa daraanan ko.
"Argel—"
"Don't call any of my name! Attorney pag hindi ka pa tumigil— I-I have no c-choice but to make you give me up." Nagbabanta kong sabi, nang tignan ko siya ay iniiwas ko kaagad ang tingin.
"Love—"
"Attorney!"
"Fine." Napipilitang sabi niya at itinaas ang dalawang kamay showing he's going to stop bothering me for a while.
Nang makarating sa isla ay sinabi nila Kuya Luke na nasa penthouse sila kaya mabilis akong dumeretso doon. "Oppa, what happened?" tanong ko.
"I already heard the half from Kent Axel," I added and sat down.
"Tell me why those people their is different?"
"Mom told me that other of them are robotised," napatitig ako kay Ate Mia.
"Then they're not human?"
"They are human, but then almost 50% of their body are robotised." Ate Mia explained that made me more curious.
"Just like Tito Chris's son?" tanong ko.
"Yes but the difference is his son can't be controlled, that's their differences. Hindi na sila Tita Mory ang may hawak ng robotised na 'yon," paglilinaw ni Ate Mia kaya mas napaisip ako.
"They are strong, you can't hurt them easily, because most of them can't feel pain and don't die." Napalunok ako sa narinig.
"Where's Kent Axel?" tanong nila kaya umiling ako.
"He's on his penthouse," wika ko at nag-iwas tingin.
"All guns, armor can be detected by them. It can be magnet or controlled. You can't use those things that's why it's not easy for us to fight them." Si Ate Mia lahat ang nag-eexplain dahil sinabi na daw noon sa kanila ang bagay na 'to.
"Noon maari pa naming masira ang system ng bawat mga taong nadawit ngunit ngayon hindi na, alam kong hindi nornal pero posibleng sa oras na planuhin nilang patayin ka wala ka ng takas." Napahilamos ako sa sariling mukha.
"That's why Kent Axel is trying not to throw some attitude, nasa delikadong kamay ang mga magulang mo Saji." Tumayo ako at tinitigan si Ate Mia.
"I don't need your help, eonnie. Sandoval family is out," mariing sabi ko at aalis na sana ngunit mabilis akong pinigilan ni Ate Mia.
"Garcia na ako—"
"Hindi pa rin dumadaloy ang dugo namin sa ugat mo eonnie. I don't want you or Kent to get involved." Pagmamatigas ko.
"Why not?"
"Saji we're here to help."
"Eonnie Mia I don't need your help at anything, Oppa explain it to her well." Mahinahon kong sabi at dahan dahan na inalis ang pagkakahawak sa akin ni Ate Mia.
"S-Saji—"
"Including you," malamig kong sabi at iniwasan si Kent Axel na panay pa rin ang sunod kaya naman panay ako deadma.
"Saji argelia—"
"I'm turning you down," wika ko at pinindot na ang elevator.
"Where are you going then? Why are you leaving?" panay ang habol niya sa akin at naiirita ako sa presensya niya ngayon.
'yon ang totoo.
"You're mistaken—"
"Leave." Mariin kong sabi kaya naman napabuntong hininga siya at tahimik lang na sununod sa akin.
"Rest, I'll find a way." Napalingon ako sa kaniya ng pagbukas ng elevator ay umalis na siya.
Kinaumagahan ay bumalik ako sa lugar na 'yon ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si Kent Axel sa loob. "Keep me instead, free her parents." He said, as if it would make the woman happy.
"Do you love her that much?" the lady questioned.
"No, I'm only doing this for a mission. She's my mission," natigilan ako sa narinig.
"She's your mission?" another question came that made me more stiff because of this answer.
"Yes. That's true, she's my mission that I need to accomplish. That's why you don't need her parents." Kumuyom ang kamao ko at nanatiling nakatago sa dilim.
"Then why do you look worried when you look at her? Do you think I'm stupid?" My lips parted, nagagawa pa niyang magreklamo?
"That's how professional I am, I act according on my role." Napayuko ako sa sagot ni Kent Axel, sobra akong nadidismaya.
"I hate you.." mariing bulong ko at pinahid ang luha sa mata ko.
"I don't trust you," kumuyom ang kamao ko sa pag-iinarte ng babae, type ba niya si Kent? Ba't 'di niya harutin haliparot naman siya.
"I don't like Polaris, I don't love her, I told you it's my mission and if I passed? I'll be able to control the whole underground even Luna." Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko mapigilang mapahikbi ngunit nanlaki ang mata ko ng may tumulak sa akin mula sa pader at takpan ang bibig ko.
Pilit kong inaaninag ang mukha niya ngunit napagtanto ko kaagad kung sino siya dahil sa maskara. "I'll hand you Polaris so don't waste your time on her parents." I heard Kent Axel stated that made me push the guy in mask but he keeps on pinning me on the wall.
"Shh," bulong niya kaya naman nangunot ang noo ko.
"Let's make a deal," I heard Kent.
"She's gonna believe me, she trusts me. I am his boyfriend right? So just wait." Bago pa man lumabas si Kent Axel ay gulat ang naramdaman ko ng hilahin ako ni medyo weird na masked man at ilayo sa building na 'yon.
Bago pa man ay itinulak niyang muli ako upang hindi mahuli. "A-Ano bang ginagawa mo?" inis na tanong ko.
"Bakit mo ginagawa 'to, 'di ba kalaban mo ako?" galit kong tanong ngunit inangat niya ang kalahating maskara dahilan para makita ko ang labi niya.
"Guess," napalunok ako at umirap.
"Bobo neto," inis kong bulong.
"He's gone," wika niya kaya mabilis ko siyang sinipa sa paa dahilan para magreklamo siya.
"Why are you doing this?" inis kong tanong.
"Guilty ka?"
"Ano?"
"Bakit mo ako itinakbo rito kesa i-surrender?" ibinaba niyang muli ang maskara sa ayos nito at luminga linga.
"Guess—"
"Isang guess mo pa magiging bisita ka ni satanas." Inis kong sabi ngunit nangunot ang noo ko ng tumawa ito.
Muli ay nilingon ko ang gawi ni Kent Axel ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko ng makita ang likod niya. "W-Wait—"
"What are you doing? Susundan mo siya?" inis kong tinignan itong nakamaskara.
"Isa pa sasapakin na ki—"
"Harsh," wika niya at dahil doon ay nagtaka ako.
"Are you crying because you heard your boyfriend inside?" napasinghal ako ng ipaalala niya yon kaya naman sumalampak ako sa buhangin.
"Hindi tayo close kaya 'wag ka ngang tanong ng tanong. Badtrip ako ngayon kaya humihinga ka pa sa harapan ko, nakakainis talaga yung lalake na 'yon!" inis kong bulong.
"Who? Your boyfriend?" tanong niya.
"Pakialam mo ba!"
"You're so loud!" sita niya kaya umirap ako.
"Nakakabadtrip ka Kent Axel! Nakakainis ka!" gigil kong bulong at sinapo ang mukha.
"Nakakabadtrip!"
"Papaano niya nagawa sa akin 'yon? Pa-love love love pa siya ang korni!" mabulong kong reklamo at sinipa sipa ang buhangin.
"Mission? Psh!"
"Makikipagharutan pa ata siya sa parrot na 'yon. Ang haba haba ng nguso ng babae akala mo sinupsop ng vacuum." Panlalait ko at yumuko sa mga tuhod.
"Para kang bata," wika ng nakamaskara kaya pinakyu ko siya na halatang ikinagulat niya.
"Ba't ka ba nakamaskara? Ba't nandito ka pa? Doon ka na nga sa mga kakampi mo." Inis na sabi ko.
"Ibebreak mo na ba yung nobyo mo—"
"Oo nga parang may kakaiba sa kaniya?" bulong ko at sinilip ang kaninang kinatatayuan niya.
"May mali eh," bulong ko at kinapa ang dibdib.
"Pag sa sand ka ba nakatayo pwede kang lumubog konti at mabawasan ang height?" bulong ko sa sarili.
"Hindi eh, bakit pumangit yung likod niya? Ganoon ba talaga pag galit ako sa kaniya kasi niloloko niya ako?" bulong ko ulit at inalala.
"Yung boses niya hindi ganoon kaganda bakit?"
"Kasi ba manloloko siya? Hmm may kakaiba talaga. Ginawa rin ba siyang robot? Imposible." Bulong ko at napanguso.
"Nakakapagtaka talaga, ganoon ba pag natuklasan ng isang tao na niloloko siya ng mahal niya pumapangit?" bulong ko ulit.
"What are you talking about?" tanong ni maskara boy.
"Nakita ko na kasi yung likod niya, maganda. Tapos kanina hindi? Ba't kakaiba?" bulong ko pa sa sarili at nag-isip.
"Are you admiring him? In dirty way?" halos masipa ko si maskara man ngunit naiwasan niya yon.
"No! Sinasabi ko lang yung totoo, maganda yung likod niya. May damit man o wala, tapos yung leeg niya hot tignan hindi ganoon bakit kakaiba?" tanong ko sa sarili at tumayo.
"Ganito yung height niya, tapos yung leeg niya ganyan tulad ng sa'yo. Hindi gaano mataba at nakikita ang buto." Napanguso ako at umiling iling.
"Galit pala ako sa kaniya, pangit na siya." Bulong ko.
"Pero kasasabi mo lang na—"
"Noon noon 'yon, attorney pa man din siya papaano niya ako nagawang lokohin! Hindi ba niya alam na kahit ako sa kaniya mahal ko siya. Minahal ko siya ng totoo papaano niya 'to nagawa sa akin." Inis kong reklamo habang nakakuyom ang kamao.
"Ang gwapo gwapo pa man din niya ngayon hindi na! Mission? Huh! Ako pa ginawa niyang mission!" inis kong sinipa ang pader at sinamaan ito ng tingin.
"Pasabi sabi pa siyang rest. I'll find a way lolokohin niya rin naman ako, imagine ah hahalikan niya pa ako tapos ganoon? It was all fake?" sumasama talaga ang loob ko parang gusto kong manapak kaya tinalikuran ko na si Maskara Man.
Tutal tinakas niya naman ako. "Greatest achievement, ako? Mukha niya! Kinantahan pa niya ako tapos ganoon lang? Pasabi sabi pa siyang ganto ganyan lolokohin niya naman ako." Bulong ko at sinipa muli ang pader.
"Why does he kiss good?" sa tanong ni maskara boy ay ngumuso ako.
"Hindi mo naman ako kilala kaya pag sinabi mo 'to sa lahat makikilala na talaga kita—"
"Does he kiss good?" he repeated.
"Oo nga, siya yung uminom ng alak pero ako yung nalalasing sa halik niya. Alam mo 'yon nakakainis!" reklamo ko pa.
"Do you consider him a good kisser then?" he asked again.
"Bakit gusto mo rin mahalikan niya? Bakla ka rin eh."
"Pero oo nga, kailan lang ng malasing ako kung ano ano pang pinagsasabi ko papaano na lang kung ikalat niya 'yon? Nakakahiya." Bulong ko.
"Inaaya pa niya akong magpakasal, scam naman pala siya! Anak anak pa mabaog sana siya." Masama ang loob kong sabi.
"Ang sama sama ng ugali niya, sana pala si Jared na lang ginawa kong boyfriend baka matutunan ko pa siyang mahali—"
"Seriously?" nanlaki ang mata ko ng biglang alisin niya ang maskara at masama akong tinignan.
"Y-You?"
√√√
@/n: Any thoughts? Any Idea?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top