Chapter 55 [The Start]

Saji Argelia's Point of View.

Habang naglalakad kami sa dalampasigan ay tinignan ko si Kent Axel na nakatingin sa buwan. "The moon is beautiful isn't it?" bulong niya at tinignan ako. His eyes were stuck on mine, then suddenly it shows he's worried.

"Medyo nagising ka na ba?" tanong niya kaya tumango ako.

"Love, stay with me always. I will make our dreams come true." He said and smile, inabot ko ang pisngi niya at hinarap siya.

"I badly want to kiss you right now love," bulong ko at niyakap na lamang siya dahilan para tumigil kami sa paglalakad.

Narinig ko ang mahina niyang tawa at ang pag hagod niya sa likod ko na para bang gusto ko na talagang matulog. I can't believe this man is holding me and i'm his girlfriend.

"I badly want to kiss you too love, But I'm afraid.." bulong niya kaya naman tiningala ko siya at inakay ng maglakad pabalik sa hotel.

"Why are you afraid?" bulong ko habang nakayakap ang kamay ko sa mga braso niya.

"Hmm," tila nag-isip pa siya at sinulyapan ako kaya nakangiti akong naghintay ng sagot, "kasi lalake ako. Pagdating sa taong mahal ko mas mahina ang self control ko." He explained.

"Really?"

"Saan naman? Why do you have to control yourself?" I asked but for real I already know the answer.

Mahina siyang natawa ngunit nag-isip pa rin ng isasagot sa akin, "You know what I mean love, ganiyan ka ba pag lasing?" natatawa niya talagang tanong kaya ngumisi ako.

"Then how many babies do you like?" pabulong kong tanong ng makapasok sa elevator, tumikhim siya.

"Hmm don't ask me that yet," nangunot ang noo ko sa sagot niya.

"Why? Hindi ka pa ba sure sa akin?" tila nasasaktan kong tanong ngunit ngumisi siya at halos malunok ko ang sariling dila ng marahan niya akong itulak sa may hawakan ng elevator.

"W-Wae?"

"I prefer finding out how much I can make, rather than planning how much I will do." Nanlaki ang mata ko sa sagot niya at tsaka ko nasapo ang pisngi dahil naramdaman ko ang pag-init ng mga 'yon.

Para rin akong kiniliti kung kaya't nag-iwas tingin ako. "Now you're red," wika niya at mahinang tumawa.

"O-Of course, s-sino ba namang hindi. B-Babae ako after all," wika ko at pinisil ang sariling pisngi.

"I guess I'm already drunk," I added habang pataas ay natigilan ako ng bumukas ang elevator kaya naman tinignan ko ang sumakay.

"Oh it's you," wika ko at nilingon siya. Siya yung na-meet ko na total stranger sa elevator, nangunot ang noo niya tila ba inaalala ako.

I gestured my face and then that's when he realized, ngumisi siya at tinignan si Kent Axel. "You're the one who said 'guess' right?" kaya naman tumango tango ako.

"Right," wika ko.

"Hi then," he greeted and waved his hand slowly that made me sighed.

Nang tumikhim si Kent Axel ay inakbayan niya ako. "I'm sorry but she's really drunk, I hope you won't mind." Nakangiting sabi ni Kent Axel kaya naman ng akayin niya na ako palabas ay iniyakap ko ang braso ko sa bewang niya.

"Lasing kung sino sino pang kinakausap, pati ata baso kakausapin." Natatawang sabi niya kaya napangiti ako, siya na rin ang naglagay ng pass code kaya naman deretso ako sa kwarto at tumalon sa kama.

"Remove that," tukoy niya sa blazer ko kaya naman naupo ako at inalis 'yon.

"Get change love, you reek of alcohol." He demanded that's why I stood up and walk to my closet but I end up losing my balance that made me laugh.

"Love, are you hurt?" nalingon ko si Kent Axel na nakaluhod ang isang tuhod sa carpet kaya naman tinitigan ko siya dahil naka salampak ako sa sahig.

"Love," sambit ko at inaantok na inabot ang pisngi niya.

"Mm?" tinitigan ko ang maganda niyang mata na napalilibutan ng mahahaba at itim na pilikmata.

Iniawang ko ang labi at inilapit ang labi ko sa labi niya upang mahalikan siya ngunit napasinghap ako ng sandaling tumugon siya.

He aggressively put my arms around his neck and kisses me teasingly. Nakayakap ang mga braso ko sa leeg niya at ngayon ay mas hinihila ko pa siya upang idiin ang labi niya sa akin.

"L-Love," bulong niya ngunit hindi ko siya pinakawalan, he gasped as I attack his lower lip. It's so soft, I'm addicted to it.

I started to unbutton his long-sleeved polo that made him catch my hand to stop it but I ignored his hand and continue.

Until I unbutton three buttons already that shows his built chest that made me sweat more. He stopped the kiss and started to stare at me, but then I unbutton his fifth button.

"Love," naninita ngunit mabigat ang paghinga niyang sabi.

"Hmm?" bulong ko at naliliyo ko siyang tinitigan.

"I bet you won't like it," he replied and catched my hand that made me stare to his eyes.

"Then are you ready to lose?" bulong ko dahilan para mas lumalim ang pagkakatitig niya sa akin.

"I am ready losing, but love I won't take this advantage knowing you're drunk." Kahit mahirap ay sinabi niya 'yon kaya naman tinitigan ko siya ng mabuti.

Ibinaba niya ang kamay ko kaya naman pinaghawak ko ang dalawang kamay ko at unti-unting ngumuso.

"Hmm?" using his finger he lifts up my chin so that I can face him.

"Did I disappoint you?" he added that made me sighed and stood up by myself.

I am embarrassed.

"Love.." Nanunuyo niyang sabi kaya naman ng makakuha ng pamalit ay sinimulan kong alisin ang butones at tsaka ko hinubad 'yon habang nakatalikod.

"L-Love!" sita niya at mukhang tumalikod siya kaagad dahilan para mangiti ako.

Sinuot ko ang shirt ko at tsaka ako kumuha ng shorts tapos sinuot 'yon, matapos no'n ay nilampasan ko siya ngunit naramdaman ko ang pagsunod niya.

"Love don't ignore me like this," paghabol niya kaya naman nahiga na ako sa kama at niyakap ang unan.

"Yung make-up m—"

"Oo na," reklamo ko at bumangon para pumunta sa bathroom ko ngunit hanggang doon ay sumunod siya.

Mabilis kong inalis ang make-up tapos ay naghilamos ako ngunit nilingon ko si Kent Axel ng sabayan. "Attorney I have two bathrooms available yung isa—"

"You're not taking a bath so it's okay," he replied and brushes his teeth.

"Then maliligo ako, sasabay ka?" natigilan siya at tsaka salubong ang kilay akong tinitigan.

"You're being so aggressive, bukas mahihiya ka na naman sa akin." Nakangising sabi niya kaya umirap ako at naglagay ng moisturizer sa mukha ko.

"Aggressive so what? As if it's bawal." Nagmamaktol kong sabi.

"It is bawal," singit niya.

"It is pwede, not bawal." Reklamo ko.

"I'm already old enough, I'm twenty-seven. Eonnie Mia is already married at the age of 25, why can't I?" reklamo ko ngunit tinitigan niya akong mabuti.

"Love, edi sana sinabi mo na kasal ang gusto mo kahit bukas papakasalan kita kahit ilang beses but not 4 times bawal na yon." Napalunok ako ng marealize ang inirereklamo.

Ngumuso ako at tsaka nilisan na ang bathroom dahilan para sundan niya ako ulit. "I changed my mind," wika ko at nahiga na.

"What? Ganoon kabilis?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Yeah, you rejected me." Reklamo ko.

"W-Well because—"

"Nah, go sleep." Nagmamatigas kong sabi. Nagtatampo ako na ewan, I'm crazy.

"Love don't be like this," panunuyo niya at tumabi sa akin. Iniyakap pa niya ang braso sa bewang ko at tsaka pilit akong hinaharap sa kaniya.

"Let's sleep," bulong at inaantok kong sabi.

Ang sunod na sinabi niya ay hindi ko na naunawaan dahil sa sobrang antok..

Nagising ako dahil sa likot ng katabi ko kaya naman iminulat ko ang isang mata nakanguso ito habang nakapikit kaya naman nangunot ang noo ko at dahan dahan na naupo.

Is he dreaming? Para siyang bata ang cute..

"Hmm!" napalunok ako at mahinang tinapik ang pisngi niya hanggang sa tumigil 'yon kaya naman pinagmasdan ko siya.

Ngunit bigla na naman siyang ngumuso na para bang nagmamaktol siya kaya naman nahiga ako sa mga braso niya at niyakap siya.

Ngunit kusa akong natigilan sa pag ngiti ng maalala ang ginawa at pinagsasabi kagabi.

SHET!

Inaya ko siya? Seryoso?!

Dahan dahan akong bumitaw at nang makaalis sa tabi niya ay patakbo akong pumunta sa closet at humanap ng damit ngunit naalala ko na inalis ko ang shirt ko sa harapan niya!

I hate myself huhuhuhu..

Matapos maligo ay sa loob ng bathroom na rin ako nag-ayos at nagpatuyo ng buhok kaya naman dahan dahan kong binuksan ang pinto ngunit halos matigilan ako ng nagtama ang mata namin.

Salubong ang kilay niya at seryosong nakatingin sa akin kaya naman napalunok ako at tsaka lumabas na ng bathroom.

"Why do you look suspicious love?" inaantok niyang tanong kaya napalunok ako.

"H-Hindi ah," bulong ko at tsaka ngumiti.

"Hmm how confident are you?" nang tumayo siya ay napalunok ako dahil naalala ko talaga ang mga ginawa at sinabi kagabi.

"I-I am confident," wika ko at natuod lalo na ng lumapit siya, pinaghawak ko ang kamay sa likod ko at tsaka mas napalunok.

Napuno ng pagtataka ang tingin niya sa akin kaya naman nakagat ko ang ibabang labi. "Are you aware that—"

"Fine! Fine I'm sorry for last night!" mabilis kong sabi at nagtakip ng mukha.

Ngunit sinilip ko siya sa siwang ng mga daliri. Nangunot lalo ang noo niya habang nakapamewang kaya naman ngumuso ako at umayos.

"Hindi ako yung kagabi," bulong ko.

"Sorry," nakatitig lang siya sa akin habang nagsasalita ako.

"But they said if someone is drunk, they're showing the truth about themselves?" ngumuso ako sa sinabi niya. Right but I have no shame if I admitted it or agree on what he's saying.

"Mang-aasar ka?" tanong ko.

"Hmm should I?" bulong niya kaya napalo ko siya sa bandang tyan niya.

"You almost raped me last night, I can sue you for that." Nanlaki ang mata ko at pinalo siya sa braso kaya naman natawa siya.

"I'll just take a bath, let's eat breakfast together. I love you," bulong niya at mabilis akong napapikit ng lumapit siya ngunit yumakap lang pala.

Mahina siyang natawa, "Takot na takot ka sa akin eh ikaw nga yung halos ang hirap pigilan." Asar niya, a smirk is plastered all over his face! kaya pinalo ko na siya para maligo na siya.

Matapos niyang maligo ay sabay kaming nag-umagahan ngunit nangunot ang noo ko ng makasabayan na naman namin yung lalake na hindi ko kilala.

Pinansin ko pala siya kahapon kaya niya ako nginingitian sheet..

"Should I be jealous love?" natigilan ako at tiningala si Kent Axel na nakangiti.

"Of course not," sagot ko at ngumiti.

"What do you want for breakfast?" he questioned at nang makalabas kami ng elevator ay naglakad kami sa walk side pagkalabas ng hotel.

"Ang ganda pala talaga pag umaga," napangiti ako ng makita ang araw.

"Love, do you remember what my name resemble?" mahina kong tanong habang nakahawak ako sa braso niya.

"Love beyond moon and sun?" tanong niya.

"For me this is our eclipse, because we're together." Tiningala ko si Kent Axel na nakatingin sa akin.

"Then I want the eclipse to be together and never be apart," napangiti ako at tsaka naglakad na lang.

He wants me by his side then..

Ngayon okay na ako, pumasok kami sa isang kainan ng magkahawak ang kamay ngunit napagtanto ko na nakapagreserved na pala siya ng table namin.

"Isn't this too romantic love?" bulong ko at tinignan ang ambiance ng VIP room na kinuha niya for breakfast.

"Well we have an important things to discuss that needs privacy love," napalunok ako at kinabahan sa sinabi niya.

"A-Ah ganoon ba," bulong ko at inabot ang table napkin tapos ay pinunasan ang bibig ko kahit wala pa akong nakakain.

"Let's wait for the food," he announced and turned off his phone after checking his notes.

"Buti wala kang dalang codal?" tanong ko at sinilip siya.

"I forgot, kamay mo kasi ang nadala ko." He innocently said that made me smile.

Nang dumating ang food ay kumain na muna kami dahil parehas kaming gutom ngunit sa gitna ng kainan ay may tumawag sa kaniya kaya naman tumango ako bilang pahintulot na sagutin niya 'yon.

"Yes hello, KA Sandoval speaking."

"Uhm yes, why?" nangunot ang noo ko at tumigil sa pagkain ng sumeryoso ang mukha niya.

"Okay, I'll be there." Nang sabihin niya 'yon ay tinignan niya ako.

"I'm sorry love but I need to go," he really feels sorry kaya naman ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"You should go, I'll finish this and go to the hospital. Ingat ka," wika ko tumayo siya at mabilis na humalik sa labi ko tapos ay nagmamadaling umalis.

Urgent siguro or emergency, kumain ako at mabilis na tinapos ito ngunit ilang minuto lang ay tumunog na ang cellphone ko dahilan para nagtataka kong tinignan ito.

Si Kuya Luke ang tumatawag sa akin kaya naman sinagot ko ito. "Oppa, bakit?"

"Did Kent Axel didn't tell you?" nangunot ang noo ko sa panimula niya.

"Ang alin oppa?"

"Your parents are in danger Saji, I know you deserve to know. I'll send you the details susunod kami," sandali akong natulala hanggang sa hindi nakasagot at namatay ag tawag.

Napano?

Kinakabahan akong pumasok sa isang madilim na pasilyo kahit pa maaga pa ay sobrang dilim nito, hindi ko alam na may ganitong lugar sa parte ng palawan.

Bigla ay naalala ko ang bilin ni Kuya Luke 'Mag-iingat ka, pilitin mong huwag gumawa ng ingay hindi lahat ng makakasalubong mo ay tao.'

Anong ibig niyang sabihin sa hindi lahat tao? May hayop? Aso? Unggoy? Habang maglalakad ay natigilan ako sa isang bakal na pintong hindi sinarado ng maayos.

Sumilip ako ngunit nakita ko si Kent Axel na nakatalikod, pinilit kong huwag maghinala ngunit ng nakaraang araw ay narinig ko siyang may kausap hindi kaya siya 'yon?

Hindi kaya tulad ni Kuya Luke at Kuya Zai? Mabilis na palitan upang walang dudahan?

"Bakit kailangan niyong idamay ang magulang niya?" napalunok ako at nakinig lang.

"Bakit kailangan niyong mandamay ng inosente sa laban na 'to!?" napapikit ako ng umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Kent Axel.

"Inosente?" pilit ko ring sinilip ang nagsalitang babae.

"Sa tingin mo ba inosente ang magulang ng nobya mo? Kunsabagay ikaw nga mismo ay hindi inosente hindi ba?" ang kabog ng dibdib ko ng marinig yon ay hindi ko na mabilang.

"Kung ganoon bakit kailangan niyong idamay ang magulang niya at ako ang tatawagan? Anong gusto niyo sa akin?" kwestyon ni Kent Axel kaya naman halos mamilog ang mata ko ng mabilis na hindi ko naramdaman ang paglapit ng tao sa likod ko.

Ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng walang emosyon ang mata nito. "Bitiwan mo ako," mariin kong sabi sa mahinang paraan ngunit nagtaka ako ng may kakaiba sa kaniya.

Halos sumalampak ako sa sahig sa gilid nila Kent Axel ng itulak ako ng lalakeng ito sa hindi pwersahang paraan. Napalunok ako ng tignan nila akong lahat, kahit si Kent Axel ay nagulat.

"She's eavesdropping," walang emosyon na sabi nito kaya naman nagtaka ako, tao siya i mean oo tao siya walang emosyon ang mata niya tulad ng kay Laze.

Pero kakaiba yung lakas niya. "Polaris," napatingin ako kay Kent Axel nakita ko ang kamay niyang inaalok niya kaya inabot ko 'yon.

Inilagay niya ako sa likod niya kaya naman sumilip ako sa kinakausap niya ngunit nakataas ang kilay nito. "Papaanong kilala mo siya?" bulong ko.

"Save your questions later," bulong ni Kent Axel kaya naman inilibot ko ang paningin sa kulay puting dingding at tiles.

"You heard us?" tanong ng babae.

"I did," matapang na sagot ko kaya naman nang mahina itong natawa ay sinabayan ko siya.

Dahilan para matigilan siya at masama akong tignan. "Magulang ko nasaan?" tanong ko sa kanila ngunit ngumisi ang babaeng nakaupo sa magarbong upuan.

"Hulaan mo," nakangising sabi niya kaya naman napatango ako.

"Are you friends with guess man?" I sarcastically said and put a smirk on my lips.

"How do you say so?" tanong niya at tumayo, she looks intimidated.

"Kasi sa ilang beses ko na siyang nakasalubong at nakaharap, kahit walang maskara kilala ko na siya." Sagot ko at tsaka hinarap yung babae na 'yon ngunit mabilis na naalerto ang lalake kanina at tumayo sa harap ko.

Tinitigan ko siya sa mata ngunit wala talagang emosyon ang mga 'yon. "What kind are you?" I curiously asked.

"Oh you're not slow-witted, you observe nice." Naglakad ang babae papalayo sa kinauupuan niya kaya naman nginisihan ko siya.

"I guess you're right, mabilis ako matuto at maka-adapt kahit pinanonood ko lang." Pagmamayabang ko.

"You're so full of yourself," nakangising sabi nito.

"I have a reason," sagot ko at kinindatan siya ngunit ngumiwi siya hindi natutuwa sa sagot ko.

"Sa totoo lang first operation na ginawa ko hindi man lang ako nahirapan kahit pinanood ko lang sa ipad." Natigilan ako ng mabilis na lumapit ang lalaking hindi ko wari kung tao.

"Why?" tanong ko.

"You talk too much—"

"By that para kang si attorney pero mas hot nga lang siya, so no please don't touch me." Seryosong sabi ko ngunit lahat ng sarkasmo sa tinig ko ay nawala ng makita ko ang mommy at daddy ko na nakatali at may busal sa bibig.

How did this happened? Malakas ang magulang ko sa labanan kung kaya't kinabahan ako dahil malakas ngang talaga ang kalaban.


√√√

@/n: Any thoughts? Sorry medyo busy eh keep safe!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top