Chapter 53 [Wary]

Saji Argelia's Point of View.

I am now going to meet mom, well she invited me to eat with her that's why Kent Axel pursue me to go and have fun with my mom.

"C'mon love, don't make your mom wait." Panenermon niya sa akin at mahinang tinapik ang likod ko.

"Tara, ihahatid kita para sure na doon ang punta mo." He said and grabbed my hand.

We both walked in the hallway hanggang sa elevator. Nang makalabas ng hotel ay inayos ni Kent Axel ang buhok ko at sinakop ng palad niya ang pisngi ko.

"You're beautiful," he said kaya naman napalunok ako lalo na ng tumingin lahat sa amin.

Alanganin akong ngumiti at pasimple siyang sinita. "Kung ngingiti ka ng ganiyan dadami kaagaw ko," bulong ko na ikinatawa niya.

"HALA SHET ANG POGI!"

"ATTORNEY SIYA 'DI BA?"

"OKAY GUYS AYOKO NA SA ENGINEER NA UMIIGTING ANG PANGA, SA LAWYER NA MAGANDA ANG NGITI NA LANG!"

"TIGNAN MO YUNG LIPS DAIG PANG NAKA LIPTINT BES!"

"ANG YUMMY NAMAN NI ATTORNEY."

Umawang ang labi ko at sinenyasan na si Kent Axel na bumalik sa itaas. "Nakikita ko na si mommy," saad ko at kinawayan siya.

Nang umalis na siya ay lumapit na ako sa mom ko, nakangiti ako nitong sinalubong. "Ang ganda mo anak," pinilit kong ngumiti dahil kahit papaano ay naiilang ako.

"Let's have fun today okay?" ngumiti ako at tumango.

Pumunta kami sa isang malaking salon spa, private dahil mukhang mag-uusap kami kaya naman lahat ng nag-aassist sa amin ay naka earphones.

Naupo kami dahil foot spa ang mauuna, nakangiti si mommy. Sobrang ganda ng mga ngiti na 'yon kaya hindi ko maiwasang hindi sumaya kahit na ang totoo ay inililihim ko ang nararamdaman.

"Alam mo ba noon anak noong pinagbubuntis pa lamang kita? Sobrang saya namin ng daddy mo. Sinubukan naming takasan ang organisasyon para lang mapanatili kang ligtas sa kamay ng paghihirap." Nangunot ang noo ko.

"I-I thought you don't love each other?" pabulong kong tanong.

"It's just an excuse for us to cover the pain we felt and just protect our prides." Malungkot na ngumiti si mom.

"We really love each other, we both love each other so much. But things got tight, mess, and your grandfather ruined us." Napalunok ako.

"We got blinded, we didn't trust each other, we let them get in between us." Nakagat ko ang ibabang labi at tinignan ang nagmamasahe sa paa ko.

"Kaya only child ka lang, dahil huli na ng maayos namin." Malungkot na ngumiti si mom.

"But the thing is no matter how long it is, the point is we fixed it. I love your father, Saji. I'm sorry for hurting you because I only think of myself." Hinawakan ni mom ang kamay ko.

"I'm sorry if it's already too late anak, sorry dahil dinanas mo ang lahat ng 'yon dahil sa amin ng daddy mo. Sana hayaan mo akong makabawi at mapasaya ka, sumandal ka sa akin sa tuwing may problema ka." Nakagat ko ang ibabang labi ng gustong maluha ng mga mata ko.

"Makikinig ako sa lahat ng hinanakit mo, pakikinggan ko yung magagandang araw mo." Napayuko ako at pinahid ang luha. Sobrang sarap pakinggan no'n hindi perpekto ang buhay na dinanas ko ngunit ang saya saya ko ngayon.

"Mahal na mahal ka namin ng daddy mo anak, nagkulang kami kaya may karapatan kang tawagin kaming iresponsableng magulang." Hinaplos ni mommy ang buhok ko at nginitian niya ako.

"Hindi kita tatawaging bastos, at walang galang kasi deserve namin 'yon." Lumabi ako ng mas maluha.

"Narinig ko sa nobyo mo na kahit wala kaming kwenta ay hindi mo kami kinamuhian. Lumaki kang tama anak, kahit wala kami sa tabi mo. Natutuwa akong lumaki kang malakas at palaban." Iniharap ako ni mommy sa kaniya at pinahid niya ang luha ko.

"Well sabi nga ng nobyo mo na medyo pikunin ka, nakuha mo ata sa akin 'yon." Sa sinabi nito ay napangiti ako.

"Nagkakausap po kayo?"

"Oo naman, kaya pala ako dinadaldal ng lalakeng iyon dahil gusto niyang pag-ayusin tayo. Napakagwapo ng nobyo mo anak, manang mana sa magulang niya." Nakangiting sabi ni mom kaya napangiti ako.

"Hindi ko inaasahan na magiging totoo ang hula ni Vince at ng daddy mo noon." Nangunot ang noo ko.

"Ang alin po?" tanong ko.

"Na pag lumaki kayo magiging kayo," nanlaki ang mata ko at namula ang mukha.

"Totoo anak, maniwala ka sa akin. Kilalang kilala ka na ni Miyu kaya gustong gusto ka niya para kay Kent Axel noon pa man," napalunok ako.

Seryoso ba?

"Ikaw lang itong walang lakas loob magpakilala ulit, si Miyu ang nagrequest na isama ka na lang sa training under their organization." Tumaas ang balahibo ko sa naririnig.

"Kaya kayo nagkakilala ni Kent Axel ng mga bata pa lamang kayo, at mula no'n ng makabalik tayo sa bansa alam kong siya na ang gusto mong makita. Naririnig ko sa Kuya Luke mo na may nais kang makita na ikinataka ko." Nanlaki ang mata ko, wala sila sa tabi ko no'n papaanong?

"Nagtataka ka ba dahil alam ko ang lahat?"

"O-Opo," bulong ko.

"Kahit mukhang wala akong pakialam sa'yo noon, inaalam ko ang lahat. Babae ka at kailangang protektahan, hindi batid ng lolo mo dahil noon pa man alam kong tutol na siya sa pagbubuntis ko." Hinawakan ni mommy ang kamay ko habang nakangiti.

"Kaaway ng North Luna ang South anak, ngunit dahil sa magulang ni Luke naging iisa ang Luna ngunit hindi ayos 'yon sa lolo mo." Napanguso ako napaka-kontrabida talaga ni lolo ang tapang ni Kuya Luke para patulan si lolo mabuti naman.

"Ngunit natutuwa ako sa nobyo mo," nangunot ang noo ko ng magpause si mommy na para bang isang sikreto 'yon na di niya dapat sabihin, "ah wala pala—"

"Ano po 'yon?" tanong ko.

"Nako anak wala—"

"Ano po 'yon? Sabihin niyo na po hindi ko sasabihin na sinabi niyo." Nakangiting sabi ko, curious na curious ako sa sinabi ng attorney kong nobyo.

"A-Ano kasi anak," nag-pause siya sandali at huminga ng malalim, "sabi ng nobyo mo wala raw siyang pakialam kung ano ka pa sa Luna, kahit daw star ka mahal ka niya." Napangiti ako at idinaan na lang sa tawa ang lahat.

"Sabi niya, You deserve to be called Luna not just Polaris that shines the most." Nangunot ang noo ko dahil parang si mommy ang kinikilig.

"You deserve to be called Luna because in his world you makes it brighter and you're the only one in his world," nakagat ko ang labi at sinapo ang mukha.

"Hindi ka ba nakokornihan?" medyo magalang kong tanong.

"Hindi 'no, he's so sweet don't tell me your heart didn't flutter?" nang-aasar na sabi ni mommy kaya hindi ako makatanggi.

"It's just that I didn't expect him to be in my life, he's precious like the sun that everyone need in their daily lives." Mahina kong sabi at napangiti.

"That's why protect him no matter what, he's the sun you need in your life Saji. That's why I named you Saji Argelia." Bigla ay naalala ko ang sinabi ni Tito Vince.

"D-Did you planned this before with Tito Vince po?" tanong ko at nang dahil doon ay napangiti si mommy.

"Your dad and your tito is friends, at the short time they became friends. They treasure their friendship." Napangiti ako.

"That's why Tito Vince knew," bulong ko.

"Yes anak, Kent Axel is the sun of their organization. Didn't you know?" nanlaki ang mata ko ng magtugma tugma ang lahat.

"H-How?"

"Without him, Vince's last name will not be carried. Although the blood line that Mia brought is important that's why she's called first born." Umawang ang labi ko sa sobrang mangha.

That's why they're so precious!

"And Kent Axel as the Ultimate Sandoval because he's the sun that the organization need, he's precious anak you're so lucky to have him." Natawa ako at napangiti.

"I'm glad," bulong ko.

"And he should be glad to, because he have you. The center of the Luna, your Kuya Luke maybe known as Masked Man but without you. It will be kulang and useless," wika ni mom laya naman napatango ako.

"Is that why my oppa's are protecting me?" tanong ko.

"That's why your lolo want you gone, your power is unbearable." Napangiti ako at natawa na lang.

"Woah.."

"Then what's Oppa Zai?" tanong ko.

"Well that's a secret that can't be told yet," nakangising sabi ni mommy that made me curious.

"Then at this moment who's the founder of Sanez?" mahina kong tanong.

"That's not yet clear, Kent Axel is not yet ready to have the throne that's why Mia respect him. In order for Laze to survive, Mia needs to sit in that throne also your brother." Tinutukoy ni mom si Kuya Luke.

"What will happen to Laze then?" tanong ko.

"He has to suffer more, in order to protect his younger sister. I heard its a hard process, Woman is powerful that's the rule of this foundation." Napatulala ako dahil ang dami ko pang hindi alam.

"Laze means Sharp," bulong ni mommy na ikinataka ko.

"T-Then?"

"Luke is a tough kid, I'm sure makukuha ni Laze yon. H-Huwag na muna nating alalahanin," nakangiting pag-iwas ni mommy sa usapan.

Then Laze will face a tragic? Like Kuya Luke did? But he have to carry her sister's process?

After doing fun things with her, I know that I'm happy. I'm the happiest daughter.

Ginabi na kami ni mommy kaya naman mabuti na lang sa hotel rin siya nag-iistay while hinahatid ko na siya ngayon sa room nila ni dad ay nangunot ang noo ko ng makita si Kent Axel kasama si Dad.

While drinking!

"Anak ng puting tupa, anong ginagawa mo riyan?" naningingkit ang mga mata kong tanong.

"I just grant tito's wish," sagot ni Kent Axel at bumeso kay mom at humalik sa pisngi ko.

"Hindi ba bawal sa inyong mga lawyer ang uminom inom? Napapadalas ka," I nagged.

"We have freedom," nakangiting sagot niya.

"Lasing na ang daddy mo, aayusin ko na muna siya. I-uwi mo na ang nobyo mo anak," nginitian ko si mommy.

"Let's date more often anak." Paalala ni mom kaya ngumiti ako at hinila si Kent Axel.

"How's your date love?" nakapamulsang tanong ni Kent Axel.

"I had fun," sagot ko.

"You stink," bulong ko.

"But still I smell so good right?" naniniguradong sabi niya.

"Did you talk to him?" tanong ko.

"Of course, tito asked me questions that I won't tell you." Ngumiwi ako at siniko siya.

"Ba't sinabi mo pa? Mas na-curious lang ako." Inis kong sabi.

"I didn't tell you yet," wika niya kaya napabuntong hininga ako.

May tama siya, hula ko sasabihin niya tipsy lang.

"Oh? Lasing ka na."

"Tipsy lang," ngumiwi ako ng magtama ang hula tapos ay pinindot na ang open ng elevator.

"Love," pagtawag niya kaya nangunot ang noo ko.

"Don't be mad at me hmm?" tinitigan ko siya ng para siyang inosenteng bata na naghihintay ng sagot.

Nang makapasok sa elevator ay inabot ko ang kamay niya, knowing how much he suffered before too when we we're just kids but he comforted me.

"I love you," mahina kong sabi at yumakap sa kaniya.

Naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod ko at mahinang tinapik tapik 'yon kaya napangiti ako. "I love you," he responded.

"I know things are already tough, I'm sorry if I meddled with your family affairs." Napangiti ako at tiningala siya.

"Thank you for doing this," nakangiti kong sabi.

"You're my most precious sun," natigilan siya sa sinabi ko, bahagyang lumuwag ang pagkakayakap niya.

"A-Ah s-sun—"

"Why? Tinatawag mo akong buwan mo tapos ayaw mo maging sun kita?" napangiti siya sa reklamo ko.

"We maybe be sun and moon, they have the most conflict schedule but at least they meet each other at the end of the day." Inayos niya ang buhok ko at ng bumukas 'yon ay hinila ko na siya.

Pagkapasok ay naupo siya sa sofa. "I'll just sober up and then I'll go home." Nakangiting sabi niya kaya tumango rin ako at ngumiti.

"Stay here for a while okay? May bibilhin lang ako sandali." Paalam ko sa kaniya at yumuko upang mabilis siyang halikan sa labi at patakbong lumabas.

'Close call'

Nang makalabas ay natigilan ako ng may makasabay na lalake sa elevator, nakagat ko ang ibabang labi ng mapansin kong tinitignan ako nito.

"Are you from that floor? I mean the penthouse?" I glanced at him and made a nod then I tried to ignore him but then he started speaking again.

"Ah so you're a Garcia o a Sandoval?" nakagat ko ang ibabang labi at nilingon siya, "Why do you want to know sir?" I cleared my throat.

"Well I'm staying here because of the business my parents got involved with both families," he cuts himself and fix his tie, "I was just curious if you're into business or law?" huminga ako ng malalim.

He's asking nicely and I should answer likewise. "None of the above," wika ko.

"Then what are you into?" tanong niya.

"If you're talking about men, I'm into lawyer. But when it comes with profession I'm a physician." His mouth shape in to letter O.

"That's interesting, then I guess you're 26?" he guessed that made me gasped for air.

"I just don't give personal information to strangers, my apologies." Bahagya akong tumungo at nang bumukas ang floor ko ay lumabas na ako.

Nang makalabas ay dumeretso ako sa cafe ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang naupo sa harapan ko. "Gavin? What are you doing outside the hospital?" nanlalaki ang mga mata kong tanong.

"I'm with my nurse don't worry, he just left to withdraw some money." Napairap ako.

"Then why didn't you wear face mask—"

"I have one but I'm drinking some matcha that's why," he answered instantly.

"Aish," bulong ko.

"I'll treat yo—"

"No thank you, I have some money to buy what I want." Masungit kong sabi.

"Bakit sinusungitan mo na ako? Because I like you?" tinitigan ko siya sa tanong niya.

"No, kasi ganito talaga ako."

"Weh?"

"Oh please go back to your seat, hinihintay ko lang ang reserved order ko." Ngumiti ito at halos mapalo ko ang likod ng palad niya ng pisilin ang pisngi ko.

"I didn't allow you—"

"Okay doctor, jalga." Nanlaki ang mata ko ng gamitin nito ang pangalawang lenggwahe na ginagamit ko.

Tinalikuran niya na ako at bumalik nga sa kinauupuan niya, maya-maya lang ay ibinigay na sa akin ang order ko.

Sa online na kasi ako bumili para online na rin ako magbayad, 'di ba wala natutunan ko lang kay Kent Axel 'yon.

Habang naglalakad paakyat ay kusang nangunot ang noo ko ng matanaw ang nasa elevator. Kaya bago pa man sumarado ay humabol na ako.

Nangunot ang noo nito at tinitigan ako lalo na ng mapansin niyang mukha niya ang tinitignan ko. "What? Are you starstruck with my face?" alanganin akong ngumiti.

"No, you have dirt." I said and gestured my hand and waved it in front of my face.

"Really?" narinig ko ang mahinang tawa niya.

Ngumisi ako at nilingon siya, "Guess." Makaloko kong sabi at saktong pagbukas ng floor ay lumabas na ako at dumeretso sa penthouse ko.

Pagkapasok sa penthouse ay nakita kong nakatayo si Kent Axel at may kausap sa cellphone. "Why? Does she recognize?" nangunot ang noo ko ng sabihin niya 'yon.

He's tipsy that's why hindi niya basta basta mararamdaman ang pagpasok ko lalo na't maririnig mo rin ang tunog ng aircon.

"It's impossible to recognize me, I'm good at my job." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi naman tama ang iniisip ko hindi ba?


√√√

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top