Chapter 52 [State it clear]

Saji Argelia's Point of View.

Panay ang buntong hininga ko ng nandidito si Gavin at may dala dalang pagkain, tinitigan ko siya at kinuha 'yon tapos ay ng mabuksan ay hinarap ko sa kaniya.

"Why don't you eat this?" dinampot ko ang lettuce at naglagay ng lean meat doon at tsaka ko binalot at inabot sa kaniya.

"You need that more than I do, are you not aware?" tanong ko napalunok siya at kinain yon.

"Well it taste good, but I bought it for you." Tila inosente niyang sabi kaya naman napabuntong hininga ako at tinanggap na lang 'yon.

"Thanks then you can go back to your room and rest," tugon ko at kumain na lang. Nang tignan ko siya ay nakangiti siya kaya bumuntong hininga ako.

Nang tumayo siya at umalis ay napasandal ako sa swivel chair at ipinikit ang mga mata. Kinain ko na lang ang binigay niya at tsaka inabot ang drink na kasama ng food.

I want to eat samgyeopsal with my lovely love, wait that sounds so corny right?

I'm sure he's super busy, nakita ko lang naman yung case load something niya napakarami. What if ako ang bumisita sa law firm niya? Great idea!

Matapos kumain ay tumayo na ako at inabot ang bag ko, habang tinatahak ang daan papunta sa law firm niya ay nakagat ko ang ibabang labi.

Should I buy him some food? Drinks? Of course you should bumalik ako sa cafe at nagmamadaling umorder.

Nang maka-order ay naglakad na akong muli papunta sa building niya, first time kong makakapunta sa law firm niya.

Nang makarating ay nagulat ang nasa lobby kaya ngumiti ako at tumango na lang. "What floor?" tanong ko.

"Ah doc ano kasi may clie—"

"I'll wait outside his office naman don't worry," nakangiting sabi ko.

"S-Sabi niya po kasi huwag daw po silang istorbohin at huwag daw po ako magpapaakyat sa floor niya." Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Why?"

"Y-Yon lang po ang sinabi eh," bulong nitong sagot kaya naman nangunot lalo ang noo ko at bahagyang kinabahan.

Babae ba ang client niya? B-Bakit kailangang huwag silang istorbohin?

"Just tell me the floor miss." Malamig kong tugon at tsaka ko siya tinitigan.

"Don't ever give him a call that I am here, I'm going to surprise him." Hindi pakiusap ang sinabi ko, kundi isang banta.

Nang maibigay niya ay umakyat na ako kaya naman pagkapasok sa elevator ay mariin kong nakagat ang ibabang labi sa tumatakbo sa isip ko lalo na't babae ang client.

I hate myself for not trusting him, I actually hate myself for over thinking. I can't deny that I am guilty accusing him in my thoughts.

Nang makarating sa floor ay nakagat ko ang ibabang labi ko at nanlalamig ang kamay na humakbang papalabas, napalunok ako ng hindi gaanong nakasara ang office niya.

It's 2 PM already, naglunch na ba siya?

Pinigil ko ang tunog ng takong na suot at tsaka ako humakbang papalapit sa pinto ngunit natuod ako sa kinatatayuan ng matuklasan ang hindi ka-aya aya sa paningin.

Napalunok ako kasabay ng mahigpit na pagkapit ko sa bag at coffee ay ginawa kong tumalikod at bumalik sa elevator upang umalis na.

It's a misunderstanding right? That kiss is nothing?

Napapikit ako ng mariin at pilit kong kinalma ang sarili, ngunit luha ang sumagot sa tanong ko dahilan para mabilis ko itong punasahan.

Nang nasa lobby na ay inayos ko ang sarili at ngumiti. "I have an urgent patient kasi, you can just enjoy this with your friends." Nakangiting sabi ko sa nasa lobby.

"Please don't mention that I came here, thank you." Nagtataka ito ngunit iniwan ko na siya doon at nagmamadaling bumalik sa hospital.

I must be crazy..

Kumuyom ang kamao ko pagkapasok sa elevator sa hospital, gusto kong manapak.

Napayuko ako at tinitigan ang sariling paa, ngunit napakurap ako ng may luha na tumulo galing sa mata ko dahilan para masapo ko ang mukha at pinigilan ang emosyon.

Ngunit nanginig ang kamay ko at naramdaman ko ang panghihina ng tuhod. Shit bakit ba ang tagal ng elevator na 'to!

Pagkabukas ay nagitla ako ng makita si Gavin. "Doctor," sambit niya kaya matipid akong ngumiti.

"I'll visit you later okay? G-Go back to your room." Nakangiting sabi ko at tinapik siya sa balikat tapos ay nagmamadali akong pumunta sa office ko.

Pagkarating sa office ko ay natulala akong sandali ngunit ng maalala ang nakita ay awtomatiko akong nasaktan.

Para bang sinasakal yung dibdib ko kahit na imposible 'yon, mariin kong kinagat ang ibabang labi hanggang sa malasahan ko ang dugo no'n.

"D-Doctor," mabilis kong inayos ang sarili at iniiwas ang mukha kay Gavin ng pumasok siya sa office ko.

"Gavin, bibisitahin kita mamaya—"

"Did he make you cry?" natigilan ako sa tanong niya at umiling.

"Then did he hurt you?" tanong niya kaya muli akong umiling.

"Did you saw him with other woman?" kumuyom ang kamao ko at tsaka nawala ang ngiti.

"I told you to stay to your room, Gavin. What's hard in following your doctor's order?" galit kong tanong at tsaka tumayo.

"Go." Itinuro ko ang pinto.

"Then you really saw him with other," tugon niya at hindi natakot sa akin.

"Gavin shut up."

"I know what are those tears for, doc." Pumikit ako ng mariin at pinakalma ang sarili.

"Leave my office," wika ko.

"You can lean on me," bulong niya kaya mahina akong natawa.

"I can comfort myself so leave, I'm better off alone." Malamig kong tugon.

"Hindi ka aalis?" tanong ko.

"Uuwi na lang ako," inis kong sabi at tsaka ako naglakad papaalis doon. Iniwan ko rin ang cellphone ko at bag ang dala ko lang ngayon ay pera at wallet.

Hindi ako uuwi, habang naglalakad papalabas ay natigilan ako ng makasalubong si Kent Axel. He look clean and innocent.

Mahina akong natawa, nakakaloko tapos ay hinintay siyang makalapit sa akin. Nang makalapit ay hahalik na sana siya sa pisngi ko ngunit umiwas ako. "Uuwi ako, bakit ka nandito?" tanong ko.

Hindi ba niya sasabihin sa akin? Wala ba siyang sasabihin sa akin? Wala ba siyang lilinawin?

"I came to visit you, kumain ka na ba? Coffee tayo lo—"

"I don't like to go out, you can do your purpose here. I am leaving," malamig kong tugon at matipid na ngumiti.

Nilagpasan ko siya at inaasahan kong susundan niya ako dahil nagtataka siya. "You're my purpose here," wika niya kaya ngumisi ako.

"Do you know the difference of purpose and priorities right?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

"Yes," sagot niya.

"Love what's wrong?" he added that made me smirk.

"Love really," natatawang bulong ko at tsaka umiling iling.

Nang nasa lobby na ay dumeretso ako sa labas ng ospital upang makapunta sa hotel. "Uuwi ka?" tanong niya.

"No, tatambay siguro." Sarkastiko kong sagot.

"You know what you smell different, you don't smell good, you smell like a trash women's perfume." Inis kong sabi at tinakpan ang ilong.

"Ah?" hindi niya alam ang itutugon.

"So get lost," inis kong sabi at pumasok na sa elevator.

"Wait what?" gulat niyang tanong.

"Attorney, get lost." Mariing sabi ko at masama siyang tinignan.

"Love?" nagtataka niyang sabi.

"Love? Ang korni." Maarte kong sabi.

"By the way, Gavin and I ate lunch together. How about you?" tanong ko, I know I lied but I hate him for not telling anything!

"Gavin?" kwestyon niya.

"Yeah," wika ko at sinulyapan siya ang kilay niya ay salubong na salubong.

"Sa office ko, he's good naman." Pagsisinungaling ko, kingina attorney naiinis ako!

"He's good? What do you mean?" tanong niya kaya naman nilingon ko siya at pinunasan ang labi ko.

"How's my lipstick?" kwestyon ko pag ikaw hindi nakaramdam lulumpuhin kita attorney.

Nakakainis gusto kong maiyak sa inis, gusto kong kalbuhin ang babaeng nandoon kanina! Pati siya!

"Polaris," nagbabanta niyang tanong kaya sarkastika akong tumawa.

"What?"

"Tinatanong ko lang kung maayos ang lipstick ko, baka kasi nagulo—" kumuyom ang kamao ko ng sandaling itulak niya ako sa elevator wall at halikan sa labi.

Awtomatikong sumama ang loob ko ng maisip na may ibang labi ang humalik doon kaya tinulak ko siya at sinamaan ng tingin. "I-I h-hate you," mariing sabi ko.

"Now it's a mess." Deretsong sabi niya, kasabay ng pagtulo ng luha ko at ng bumukas ang elevator ay umiiyak akong naglagay ng pass code.

Bago pa siya makahabol ay sinara ko ang penthouse. "Love!" paulit ulit siyang kumatok.

"Polaris! I have important—"

"Leave!" sigaw ko at iniwan ang pinto tapos ay galit na galit akong pumasok ng kwarto.

Inalis ko ang suot at tanging sando na lang ngayon tapos ay nakadapa akong nahiga sa kama dahil sa naiinis ako.

Naalimpungatan ako ng sandaling marinig ko ang tunog mula sa banyo kaya naman kinabahan ako, hindi kaya may nakapasok na naman?!

Ngunit ng maalala ang nangyari sa law firm ay hinayaan ko na lang ang tunog at nakangusong nahiga ulit.

"Nakakabadtrip ka! Mabaog sana—"

"Love." Nanlaki ang mata ko at napaayos ng upo, napalunok ako ng makita si Kent Axel na kalalabas ng banyo ko at nagpupunas ng buhok.

"W-Why are you here?!" sigaw ko.

"I know your penthouse pass code, it's the same as before in your condo." Sagot niya kaya naman ng maalala ay bumuntong hininga ako.

"Why are you topless in front of me?!" masungit kong tanong.

"W-Why are you shouting?"

"Kasi nga gusto ko!" sigaw ko pa dahilan para mapalunok siya.

"Undress yourself," utos ko na ikinalaki ng mata niya.

"W-What?"

"Undress yourself!" mas malakas kong sabi na mas ikinakaba niya.

"L-Love," kinakabahan niyang tawag.

"Huhubarin mo 'yan o papalayasin kita—"

"Yes but why?" kinakabahan niyang tanong at ibinaba ang jogging pants dahilan para matuon ang mata ko sa katawan niya at agad na mag-iwas tingin. Naka boxers naman siya, safe.

"D-Done, but why?" tanong niya.

"Twerk," utos ko na ikinalaki ng mata niya.

"T-That's not appropriate!" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Aish, nahirapan pa akong magtanong tanong kung papaano ko sasabihin sa'yo but there you are tripping!" napipikon niyang sabi at inayos ang suot.

"Make me undress this if you're ready to see and touch it arasseo?" namula ang buong mukha ko.

"Y-Ya!"

"Totoo!" sumbat niya.

"Noona told me to say it to you right away," natigilan ako at tinitigan siya.

"Ang alin?" tanong ko.

"I know it's 4 hours late but I gathered some courage and information from them, my noona and dad told me to say it right away." Nangunot ang noo ko at tinitigan siya.

Don't tell me kumuha pa siya ng lakas ng loob? Pero bakit nagtanong tanong pa siya hindi ba niya alam?

"Love.." tinitigan ko lang siya.

"S-Someone kissed me." Mabilis niyang sabi at tsaka kinakabahan akong tinignan.

"I get nervous about how to say this that's why I called dad." Tinitigan ko siya.

"My VIP client kissed me, here." Itinuro niya ang labi.

"That's why I brushed it off for many times because I'm disgusted," para siyang batang nag-eexplain.

Tinitigan ko lang siya pero mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya naman umirap lang ako. "But why are you like that earlier?" tanong niya.

"When I kissed you, it looks like you'll slap me." Bumuntong hininga ako at nag-iwas tingin.

"And what the hell did you say earlier? About your lipstick and he's good?" nagsalubong ang kilay niya kaya umirap ako.

"Love!" nagmamaktol na sabi niya.

I know that he's showing me every side of him, I know it's cute pero nababadtrip talaga ako. "Did you two kissed too? Love—"

"So what if we did? You kissed with other too." Masungit kong sabi pero ng tignan ko siya ay nakatitig na lang siya sa akin.

But he look so hurt, that made me feel guilty but at least it's not true right?

But he felt sorry over me? Aish! Napalunok ako ng basta basta na lang niya akong talikuran at naupo sa kama kaya naman kinabahan ako.

Anong ginagawa niya?

Pasimple akong tumayo para silipin siya ngunit halos manlaki ang mata ko ng makita kong pinahid niya ang pisngi dahilan para lapitan ko siya. "A-Are you crying?" kinakabahan at nakokonsensya kong sabi ngunit umiling siya at inayos ang sarili.

"L-Love," wika ko at niyakap siya.

"It's a joke." Bulong ko.

"Because I saw you two kissed." I added and hugged him tightly.

Ngayon ay para akong nakakandong sa kaniya upang mayakap lang siya ang kamay ko ay nasa batok niya at ang baba ko ay nasa balikat niya.

"Sorry love," bulong ko.

"I love you."

Humiwalay ako at tinignan ang mukha niya ngunit kalmado lang itong nakatitig sa akin kaya napanguso ako. "Sorry na love," malambing kong sabi at kiniss pa siya sa pisngi.

Huminga siya ng malalim, I know he's topless pero ayos lang. Hindi naman ibaba ang makikita ko taas lang kaya safe.

"Sorry na," bulong ko at nag-puppy eyes pa sa harap niya.

Bumuntong hininga siya at tsaka iniyakap ang braso sa bewang ko. "Pay it," he pointed his lips and smirked napalunok ako at tsaka tinitigan ang labi niya.

"But I don't know how to kiss," bulong ko.

"You do, you insisted the kiss at the bar. You kissed me like a monster," namula ang mukha ko at tsaka ko siya napalo sa braso.

"I don't have the courage," bulong ko at tsaka tinitigan siya.

"You even seated on my lap," mas nag-init ang pisngi ko ng sabihin niya 'yon, "l-love don't tell me you're trying to seduce me?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya dahilan para hampasin ko siya sa dibdib at tumayo ngunit mabilis niya akong hinila pabalik.

"Kidding love, but you smacked me hard." Reklamo niya.

"What's the point of having a hard chest then?" tanong ko na ikinangisi niya.

"Ah so you noticed that too—"

"Love!" inis kong sabi.

"Vowels ka ba?" nangunot ang noo ko sa tanong niya.

"Why?"

"Kasi A, E, I, O—"

"Shut up attorney!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin pero natawa siya.

"How dare you moan in front of me?" gigil kong sabi.

"I was just kidding," wika niya at ngumisi, iniyakap niya ang mga braso sa akin at tinitigan ako. This time ay nagpantay ang ulo naming dalawa dahil nasa kandungan niya ako.

"But did you really ate with Gavin?" his brows furrowed.

"I didn't, but he's the one who gave me the food and he won't leave not until I ate and accept it." Tumango tango si Kent Axel at pinaglaro ang dila sa loob ng pisngi.

"Mannerism mo 'yan 'no?" itinuro ko ang pisngi niya kaya naman tinitigan niya ako.

"I don't know, I just do this when I feel irritated, tempted I don't know." Sagot niya at tinitigan lang ako.

"By the way who's that client?" tanong ko.

"You mean my former client?" nanlaki ang mata ko ng linawin niya.

"Hindi mo na hawak ang kaso niya?" tanong ko.

"I told you I hate girls who do things like that," wika niya kaya naningkit ang mata ko.

"Then you hate me?"

"You're exceptional," nakangisi niyang sagot at inayos ang buhok ko.

"Do you like my hair that much?" tanong ko.

"No, I like you more than this much." He stated that made me sighed but with smile.

"You."

"Why? Don't you like me more than much much much?" napangiti ako sa tanong niya. This scary attorney acts like this? Damn I didn't expect this.

"I like you much much much," sagot ko at ngumiti lalo.

"I love your smile." He added.

"I love your eyes," sumbat ko.

"I love you." Biglang sabi niya kaya umawang ang labi ko at nginisian na lang siya.

√√√

@/n: Any thoughts? Late update dahil tinapos ang paper works good luck!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top