Chapter 51 [Everything isn't everything]
Saji Argelia's Point of View.
Pinanonood ko ngayon si Kent Axel na tutok na tutok na nanonood ng isang movie na may connection sa law kung kaya't dahan dahan akong humakbang at naupo sa tabi niya.
Nilingon niya ako at tsaka ibinalik na muli ang atensyon sa pinanonood. Kaya naman nanood at nakinood rin muna ako. "How about my skin?" nagtataka ko siyang nilingon ngunit ang atensyon ay nasa telibisyon.
Ako ba kinakausap niya?
"My lips," itinuro niya 'yon kaya naman nagtaka ako lalo.
"Ako ba kausap mo?" tanong ko dahilan para lingunin.
"Ikaw lang naman ang kasama ko, sino pa ba?" tanong niya.
Natatawa ko siyang tinitigan. "Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa skin care?" tanong ko.
"Because of you," wika niya at nanood na. Ngumisi ako at tumayo para pumunta sa mismong table niya at kinuha ang lip balm at moisturizer.
Lumapit ako sa kaniya at nilagyan ang sariling labi muna bago ko siya lagyan ngunit hinawakan niya ang likod ng ulo ko at idinikit ang labi sa labi ko na pinaglalapat ko pa.
Napakurap ako at tsaka napalunok, but then he smirked and focus on the television again while patting his both lips.
"B-Bakit mo ginawa 'yon?" kinakabahan kong tanong.
"So I could have the lip balm excess." He said and relaxed his back on the sofa. Napairap ako at naglagay na lang ng moisturizer, nang siya na ay bahagya akong mapalunok ng iyakap niya ang isang braso sa bewang ko.
"D-Dapat ba talaga ganiyan?" mahina kong tanong at dahan dahan na pina-pat ang mga pisngi niya.
"Mm.."
"Love," bulong niya kaya naman tinitigan ko siya.
"Be comfortable," he said and fix my hair for me. I bit my lower lip to stop me from smiling.
But then he started staring at my lips that made me conscious, I felt the hard pound on my chest. I don't feel uncomfortable but my chest feels uncomfortable because of its irregular heartbeat.
"K-Kent," sambit ko sa pangalan niya.
"Mm?" tugon niya at dahan dahan na sinalubong ang mata ko.
"Don't ever think about it, okay?" pabulong kong sabi.
"What?" bahagya siyang namaos dahilan para tumikhim siya.
"I want to get married first," bulong ko na ikinangiti niya tapos ay tumango tango.
"Are we still young?" tanong ko sa kaniya at umayos ng upo sa tabi niya.
"We can say we're not, but other will say yes. It depends on the person's perspective," he answered and pause the movie.
"Geurae?" bulong ko.
"Mm," tugon niya lang at tsaka nanood na muli.
A month past..
"Nurse kim naman," nasapo ko ang noo dahil ayokong magalit talaga.
"Sorry doc," bulong nito.
"I guess you should go to your kid," mahina kong kinagat ang ibabang labi at inalis ang surgery gloves tapos ay sinunod kong alisin ang coat na suot ko at lumabas ng operation room.
Nang makalabas ay mariin akong pumikit at naupo sandali sa waiting area. "Doc sorry talaga, h-hindi ko sinasadya ang nangyari." Hindi ako tumugon at bumuntong hininga na lang.
"Umuwi ka muna at puntahan ang anak mo nurse," maayos kong wika ng hindi pa siya umalis sa harapan ko kaya naman tumayo na ako at lumabas sa mismong parents at family ng patient.
Yumuko ako at tsaka huminga ng malalim. "I'm so sorry but he couldn't make it." Nang marinig ang mga iyak nila ay yumuko lang ako.
Maililigtas pa sana ang pasyente, kung hindi lang nagkamali, kung wala sanang nagkamali pero anong magagawa ko?
It's a 12 years old boy, he's in sixth grade. Mahina ang puso niya at nadawit siya sa hit and run.
Nang matapos nila akong kausapin ay malungkot akong naglakad papunta sa office ko ngunit may dalawang paa akong nakita sa harapan kaya tiningala ko ito.
Dismayadong dismayado ako ng malaman na hindi si Kent Axel ang nakasalubong ko. "Gavin," sambit ko sa pangalan niya.
"Are you okay doctor?" mahinang tanong niya at tinitigan ang mukha ko kaya naman huminga ako ng malalim at tumango.
"Are you sure? You look pale," he said and is about to fix my hair when suddenly someone grabbed my hand that made me closer to that— his scent, I know this is the man I needed right now.
"I know you did your best love, don't worry." He whispered and caresses my hair and rest it on his chest that made me close my eyes.
My tears started to fall, while in that position he walked me in my office. "It will be okay, you've gone this far. I'm sure he'll thank you," he comforted me.
After 15 minutes ay hinarap niya ako at inayos ang buhok ko na nabasa at nakaharang sa mukha ko. "H-How did you know?" pabulong kong tanong.
He gently hold my hand, he sighed. "I already saw you talking to the family, but then I gave you time to think about it and just follow." He honestly answer.
"That Gavin can't get it, he's a slow witted asshole." Inis na sabi ni Kent Axel kaya matipid akong ngumiti.
"Is it your first time?" mahina niyang tanong kaya umiling ako.
"B-Bibihira lang ako mamatayan ng pasyente, pero ngayon unang beses na bata at alam kong kaya pa niyang mabuhay pero may pagkakamaling naganap." Huminga ako ng malalim.
"I can't imagine losing someone I love, Kent Axel." Nang tumulo ang luha ko ay niyakap niya akong muli at tinapik tapik sa likod.
Matapos ang araw na 'yon ay niyaya niya ako kumain ng gabihan, or dinner kung tawagin.
Habang papasok sa venue ay natigilan ako ng matanaw ang dalawang pamilyar na tao sa loob dahilan para matigilan ako. "K-Kent Axel," bulong ko at tumigil.
"You're planning something." Mariing sabi ko pero ngumiti siya at hinarap ako.
"Let's go," pinigil ko ang kamay niya.
"A-Ayaw ko—"
"Love c'mon, I know you like to meet them too. You even display their gifts." Umawang ang labi ko at walang nagawa ng malapit na kami sa table.
"A-Anak," sambit ni mommy kaya huminga ako ng malalim at naupo sa harapan nila.
"Good evening," pormal na bati ni Kent Axel kaya naman napalunok ako at sinalubong ang tingin ng mga magulang ko.
"How have you been anak?"
"Kumusta ka naman sa trabaho mo?" nakagat ko ang ibabang labi.
"A-Ayos," malamig kong tugon ngunit napanguso ako ng higpitan ni Kent Axel ang hawak sa kamay ko.
"Okay po," pag-aayos ko ng sagot.
"Mabuti naman, magsabi ka kung may gusto ka ha? May allowance ka naman ba—"
"Hindi na siya bata ano ka ba naman," sita ni mommy kay dad kaya palihim akong napangiti.
"Mr. and Mrs.Garcia I'm actually dating your daughter," nalingon ko kaagad si Kent Axel.
"But we already know that?" tugon ni mom kaya naman ngumiwi ako.
"Well yes but I'm just having your permission," paglilinaw ni Kent Axel at tsaka bahagyang tumungo.
"O-Of course," sagot nila kaya naman tumikhim ako.
"Thank you," matipid na sagot ni Kent Axel at tsaka umayos ng upo napakamot pa siya sa kanyang kilay at tsaka ngumiti.
"What are you doing?" takang sabi ko tinutukoy kung bakit kailangang nandito ang magulang ko.
"I need the whole permission of your parents of course," paglilinaw niya at ngumiti ulit napatango naman ako at maya-maya lang ay dumating na ang food.
Hindi ko nagawang umimik dahil nahihiya at naiilang ako sa mga magulang ko na nakatingin sa akin. Nagsimula kaming kumain ng kinakausap nila ay si Kent Axel.
"Are you planning to marry our daughter?" nasamid ako ng biglang tanungin 'yon ni dad kaya naman nilingon ko si Kent Axel.
"Yes, when she's ready." Nakagat ko ang ibabang labi at pinigilang mangiti.
"How about give me a grandchild? Bago man lang ako mamatay ay makilala ko muna sila." Nanlaki ang mata ko ngunit pinilit kong huwag mag-react.
"We're not yet planning about that," sagot ko.
"We're too busy to do that, he's a lawyer and I'm a doctor dad." Sagot ko at sa sariling bibig ay natigilan ako ng matawag ko na dad ang daddy ko.
Alam kong normal lang pero ang tagal rin mula ng huli. But they look really in love to each other now, unlike before they maybe sleep in one room but the other one is on the sofa or on the floor.
"Hmm," tugon nito.
"We're getting old now, I met your parents in the province before attorney. Way back then pinagbubuntis pa si Saji," napalunok ako.
"You know each other way back?" I asked, shocked.
"Yes, Kent Axel is older than you right?" Paninigurado ni mom kaya naman nagkibit balikat ako.
"Hindi mo alam?" tanong ni mom kaya naman ng lingunin ko si Kent Axel ay naniningkit ang mata nitong hinihintay ang sagot ko.
"Ah so you don't know how old I am?" naglapat ang labi niya ng hindi ako makasagot kaya naman alanganin akong tumawa.
"You know my birthday but you don't know how old I am? Oh c'mon," hindi niya makapaniwalang sabi kaya naman alanganin akong ngumiti.
"Peace?"
"Aish."
"At least I know your birthday right?"
"Not my birth year," he said and harshly poke the lobster that made me bit my lip. My parents keep their laugh hidden.
After finishing the dinner Kent Axel is so damn cold, hindi niya ako kinakausap pero ang magulang ko nginingitian at nakikipagtawanan pa siya.
Oh c'mon galit na siya no'n?
Habang papunta kami sa penthouse ay hindi niya talaga ako kinakausap, at hindi niya man lang hinawakan ang kamay ko o inakbayan para siyang bumalik sa attorney na sobrang professional at isa ako sa kliyente niya.
"Kent Axel," kinalabit ko siya ngunit kahit lingon ay wala ng nasa floor ko na ay ngumuso ako ng lumabas lang siya ng elevator at hinintay akong buksan ang penthouse ko.
Nang mabuksan ay tinalikuran niya na ako kaya naman napanguso ako at hinabol siya at hinarangan dahilan para seryoso niya akong tignan.
"Galit ka?" tanong ko ngunit nagsalubong ang kilay niya at naglapat ang labi.
"How old I am?" tanong niya kaya naman napaisip ako, if he's older than me then maybe he's 27? I just turn 27 eh.
"27?" tanong ko.
"Get inside, bukas na tayo magkita—"
"Love," malambing kong sabi. He glared at me then started playing his tongue on the insides of his cheeks.
His hands hiding inside his pockets, "You're 28 then?" bulong ko kinakabahan, bumuntong hininga siya at tsaka tinalikuran ako at pumasok sa penthouse kaya napangisi ako at humabol sa loob.
Isinara ko ang penthouse at tsaka ko siya sinundan ngunit inalis ko muna ang sapin sa paa. Ganoon rin siya kaya ngayon ay naka medyas na lang siya na naupo sa sofa ko.
He rest his head and close his eyes, dahan dahan akong tumabi sa kaniya not until he opens his eyes and glare. "Y-Ya," sita ko.
"W-Why are you glaring huh?" turo ko pa sa mga mata niya pero umawang ang labi ko ng umirap ito.
"Bading talaga," bulong ko at dahil doon ay nakuha kong muli ang atensyon niya.
"Polaris," napalunok ako at tsaka ngumuso.
"I'll go ahead—"
"Love," wika ko at sumandal sa balikat niya. Bumuntong hininga siya at sumandal na lang ulit sa dating gawi.
Pumikit rin ako habang naka sandal sa balikat niya hanggang sa maramdaman ko ang pag-galaw niya at ayon ay dahil sa parang niyakap niya ako.
"You're so makulit," bulong niya at hinalikan ako sa noo kaya naman napangiti ako at tiningala siya.
"Sajing."
"A-Ang korni mo 'no?" inis kong sabi na ikinatawa niya.
"Tara pakasal bukas?" umawang ang labi ko at pinalo siya sa bandang tyan.
"Panay ka ganiyan 'no, may—"
Awtomatiko akong napalingon ng marinig ang kung anong kakaiba sa bandang kusina at mukhang naririnig rin yon ni Kent Axel.
"I knew it," bulong ni Kent kaya naman napalunok ako.
"Stay behind," bulong niya sa akin at tumayo kaya naman nagmadali akong pumasok sa kwarto at tsaka ko kinuha ang pistol.
Nang mahanap ay bumalik ako kaagad ngunit nakita ko si Kent Axel na prenteng nakatayo at tila nakikipagtitigan sa baril na hawak ng napasok.
Kinasa ko ang baril dahilan para gumawa ito ng tunog at lingunin niya ako ngunit pinaputukan ko kaagad siya hindi niya inaasahan 'yon kaya naman pinaputukan kong muli siya at pagkakataon 'yon ni Kent Axel para umatake.
Sunod sunod kong pinaputukan ang gilid ng namasok habang nakangisi na para bang naglalaro, nagiging iba ako pag hawak ko ang baril.
'Yon ang pakiramdam ko, pag naririnig ko na ang putok ng baril ay kusa akong napapangisi at natutuwang makita ang natatakot. "Sino ka para pasukin ang paraangan ko?" kwestyon ko hindi ito mapakali at nakita ko na nabasa ang itim niyang suot na nagsasabing natamaan ko siya.
"Daplis pa lang 'yan, dapat ba ibaon ko sa bungo mo?" tanong ko at muling kinasa ang baril.
"Hindi kayo maaring pumatay dahil kapalit no'n ay kamatayan rin Polaris." Naghahamon nitong sabi kaya ngumisi ako.
"Sino namang makakaalam kung pinatay kita ngayon?" kwestyon ko.
"Kaming dalawa lang ng nobyo ko ang nandidito at sa tingin mo ba makakaligtas ka kung papatayin kita ngayon?" nakangising tanong ko.
"Dahil hindi kayo makatarungan!" sigaw nito.
"At kayo oo?" balik sabi ko.
"Hindi kita papatayin ngayon, dahil gusto kong sabihin mo sa nag-uutos sa'yo na tigilan niya na. Walang patutunguhan," wika ko at tsaka ako umilag at sinenyas ang pinto.
Mabilis itong tumakbo papunta doon at natatarantang binuksan ang pintuan ko, huminga ako ng malalim at binato ang baril sa sofa.
"Hindi ko inaasahan na magagamit ko ulit ang baril ni Polaris," ngisi kong sabi at tsaka naupo sa tabi nito.
Isinandal ko ang ulo sa sofa na para bang unan ko ito, ngunit naramdaman ko ang pag-galaw ng sofa dahilan para buksan ko ang mata ngunit mukha ni Kent Axel ang nakaharap ko.
Ang dalawang kamay niya ay nakapatong sa sofa habang ang ulo ko ay nasa pagitan no'n. "W-Wa—" napapikit ako ng halikan niya ang labi ko sa ganoong pwesto.
He gently touched my jaws, tracing it while kissing my lips. I gasped when he playfully sipped my lower lip and bit it.
Nang bahagya siyang lumayo ay antok na antok ko siyang tinitigan at tsaka ako umayos ng upo at sinapo ang mukha ko.
"Why?" naramdaman ko ang pagtabi niya kaya huminga ako ng malalim.
"Wala," sagot ko.
"W-Why love? Did I do something?" tanong niya.
No, but you made me feel something bad!
"Wala, gusto ko lang matulog." Nakangiting sagot ko at tumayo para maglakad papunta sa kwarto ko.
Nang makapasok sa kwarto ay pumunta ako sa closet at kumuha ng damit ngunit mas nagulat ako ng makita ko si Kent Axel na naka topless pagkalabas ko.
Nakatalikod siya ngayon at nakailang lunok na ako dahil kung maganda ang dibdib niya ay mas maganda ang likod niya, Kingina makasalanan.
Nang humarap siya ay namula ako ng sobra. "A-Ah," hindi niya alam kung anong itutugon kaya naman mabilis akong tumakbo papasok sa banyo.
Binuksan ko ang faucet at inayos ang tub magbabad muna ako. Warm bath kailangan kong i-relax ang sariling isip.
Matapos kong maligo ay dahan dahan akong lumabas ng bathroom ngunit nakita kong nakadapa na siya sa kama ko at naka kumot ang bahagyang likod niya kaya kita kong wala pa rin damit 'yon.
Huminga ako ng malalim ngunit napansin ko na ginamit niya ang blower ibig sabihin no'n ay naligo siya bago natulog. Napangiti na lamang ako at inayos ang pagkakakumot sa kaniya. Mukhang pagod rin siya sa dami ng kasong hawak niya pero pinupuntahan niya pa rin ako sa ospital.
///
@/n: Any thoughts? 😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top