Chapter 50 [Sensitive Heart of Attorney]
Saji Argelia's Point of View.
Nakaupo ako ngayon sa harap ni Gavin na sandaling nakatulala sa kung saan. "Gavin," pagtawag ko rito dahilan para lingunin niya ako.
"Thank you doctor," wika niya at matipid na ngumiti.
"Laban lang, malalagpasan mo rin yan." Nginitian ko siya at tsaka ako nag thumbs up.
"Salamat, sana nga. Pakiramdam ko kasi bilang na rin ang oras ko," napalunok ako sa itinuran niya.
"Sumasakit ba ang dibdib mo?" tanong ko.
"Minsan doc, minsan hindi." Tumango ako bilang sagot.
"Uminom ka lang parati ng gamot, kumain ka ng healthy, control your emotions." Habilin ko.
"Doctor, I actually like you." Napaubo ako sa biglaang sinabi niya.
"Thank you if you like me as your doctor—"
"No, I like you as a lady." Lumunok ako at pabirong tumawa.
"I have a boyfriend," nakangiting sagot ko pinipilit maging propesyunal.
"I know, but I can't help myself." Ngumiti rin siya kaya naman natatawa akong napailing.
"You better take care of yourself, hindi kita pinagbabawalan magkagusto pero doon ka sa kaya ka ring gustuhin kasi makakasama sa'yong masaktan." Bilin ko.
"Take care of me then, limitado na lang naman ang oras ko." Bumuntong hininga ako.
"I can't, I can only take care of you as your doctor." Sagot ko.
"Hmm."
"I'll go ahead," wika ko at tumayo na tapos ay derederetsong naglakad papalabas.
Ngunit hindi pa man nakakalayo ay halos tumalon ang puso ko ng tumapat sa mukha ko ang rose na pink.
"In a scale of 1-10, you're 9." Nangunot ang noo ko sa biglang sinabi ni Kent Axel.
"And I'm the 1 you need." Nakagat ko ang ibabang labi ngunit napangiti ako at natawa.
"Is that how you surprise me?" nakangiti kong tanong at tinanggap ang bulaklak, natawa siya at inakabayan ako.
"I just done with my second client, I met Leona again." Umawang ang labi ko at nangingkit ang mata.
"Ano bang kaso ng isang 'yon at madalas kang kitain?" Pasimple siyang tumawa sa tanong ko at ngumiti.
"May kaso ata sa akin," ngumiwi ako.
"Ang yabang," asar ko na mas ikinatawa niya kaya naman ng suminghot ako ay halos masinghot ko pati kaluluwa niya.
"You smell good," I said dahilan para mas mapangiti siya.
"You smell like the hospital." Ngumuso ako at inalis ang akbay niya ngunit ibinalik niya rin 'yon.
"Doc!" nangunot ang noo ko ng patakbong lumapit sa akin ang isang nurse kaya naman ngumiti ako.
"Hmm?" tugon ko, nahihiya niyang tinignan si Kent Axel kaya naman bahagya kong siniko ito.
"P-Pinabibigay po kasi ng guard, pinabibigay daw po sa inyo." Napalunok ako at tinignan ang bulaklak ngunit kinuha 'yon ni Kent Axel.
"Thank you," sagot niya kaya naman nangunot ang noo ko at tsaka tinitigan ang bulaklak na 'yon.
"Akin na lang 'to ha? Ilalagay ko sa law firm." Hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
"Love, babalik ako. Dito ka muna," paalam niya ngunit nagtaka ako ng pumunta siya sa papunta sa kwarto ni Gavin dahilan para mapasunod ako kaagad.
"Kent Axel," pagtawag ko sa kaniya ang bilis niyang maglakad! Ang lalaki ng hakbang jusko!
Nang makasunod ay napalunok ako ng makita ko siyang nilalagay 'yon sa vase ni Gavin. "My girlfriend won't accept this, para hindi masayang ang pera mo just put it here." Nakangiti iyong sinabi ni Kent kaya naman nagtaka ako.
Papaano niya nalaman? Gayung ako hindi ko alam na si Gavin ang nagbigay. "You're so full of yourself right attorney?" tugon ni Gavin.
"Actually no, but I'm confident that my girlfriend won't fall for this." Nang sabihin niya 'yon ay pakiramdam ko hinaplos ang puso ko.
Kasi malaki ang tiwala niya na hindi ko gagawin ang bagay na kinakatakot niya. "You think so attorney?" Gavin replied.
"Yeah, of course. She's my girlfriend."
"What if she falls for me?" tanong ni Gavin kaya umirap ako.
"She won't. Maybe you can make her heart flutter, every heart can flutter that's normal. But I know one thing you can't," hinintay ko ang sasabihin ni Kent na karugtong no'n.
"What is it?"
"You can't make her like or love you, she's so faithful." Nakagat ko ang ibabang labi, lintek ka attorney i-posas mo na ako— chour.
"What if I did?" Gavin replied.
"Dream on then," ngumisi si Kent kaya naman kumatok ako sa pinto hanggang sa sabay nila akong lingunin.
"Love, let's go." Nang sabihin ko 'yon ay nawala ang ngisi ni Kent sa labi at napalitan iyon ng ngiti na para bang kinikilig siya.
"Let's go." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"So his room is now your law firm?" nang-aasar kong tanong.
"Well you called me love—"
"O-Oh anong ngiti yan?" turo ko sa labi niya ngunit marahan niyang kinagat ag hintuturo ko.
"Y-Ya! Bitaw," sita ko.
Umiling iling siya habang kagat pa rin 'yon kaya ngumuso ako at pinalo palo siya sa tyan ngunit matigas yon kaya naman namula lang ako.
"Chansing," asar niya tapos binitiwan na ang daliri ko.
"Kaya mahal na mahal kita eh," bulong niya na nagpangiti sa akin.
"Si Lauren?"
"There! There you go again doctor!" napipikon niyang sita kaya natawa ako ng sobra at iniyakap ang isang braso ko sa bewang niya.
"Attorney you can't love two people at once—"
"I can!"
"I even love my mom, my dad, my sister and you. How could you say that," he childishly answer.
"I mean two girls like me and lau—"
"I love you," he hissed that made me smile more.
"Really love?" pang-aasar ko using his tone dahilan para umawang ang labi niya at kagatin ang ibaba no'n pero halos paluin ko siya ng kiligin yung ibang babae na nakakita sa ginawa niya.
"Oopps," bulong niya at tumawa.
"Why are you so gwapo?" tanong ko.
"Attorney, arrest me." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko ngunit mas nagtaka ako ng mag-iwas tingin siya at mamula ang tenga.
"D-Don't say that again," bulong niya kaya kinabahan ako.
"W-Wae? M-May batas ba akong nalabag?" kinakabahan kong tanong.
"Yeah," seryoso niyang sagot, salubong ang kilay at naglapat ang mga labi kaya naman tumikhim ako.
Lagot
"Doc!" muntik na akong mapatalon ng sandaling marinig ang tawag sa akin ng dalawang nurse ng makalapit sila ay napatitig pa sila kay Kent Axel.
"Hmm yes?"
"Based on your schedule po you have 3 patients to operate," tumango tango ako tapos tinignan si Kent Axel na seryoso pa rin ang mukha.
"I'll get ready then," saad ko at tsaka ko hinawakan ni Kent Axel sa braso at tinangay sa office ko ngunit nangunot lalo ang noo ko ng makita ang dalawang codal books na nandoon.
"May patient kasi ako, hintayin mo na lang ako rito o di kaya mag-iwan ka na lang ng text kung aalis ka." Habilin ko ngunit napalunok ako ng ngumiti siya at tumango.
"Would that take long?" tanong niya.
"It's a heart so yes, every patient minsan pinakamabilis ay 2-3 hours. Pinakamatagal ay 5-6 hours." Tumango si Kent Axel at tsaka niya ako niyakap kaya naman napangiti ako at tinapik tapik ang likod niya.
"Mamimiss mo ako?" nakangiting tanong ko ngunit ang sagot niya ay simpleng hmm lang.
"Baka gabi na tayo magkita ulit," natatawang sabi ko.
"Hindi ka uuwi sa penthouse mamaya?" tanong niya.
"Depende, gusto mo ba?" tanong ko.
"Of course, pahinga mo 'yon at makakasama pa kita." Malakas ko siyang tinapik sa likod dahilan para bumitiw na siya at pisilin ang pisngi ko.
"Galingan mo love, I'll update you." Nakangiti niyang sabi kaya naman tumango tango ako habang nakangiti, hamak na mas matangkad siya sa akin ngunit para sa height ko hindi na maliit pag babae.
Pero siya matangkad na siya, kung matangkad si Kuya Luke may panlaban siya. "Don't stare other guys like that okay?" ngumisi ako at pinaningkitan siya ng mata.
"Why?" tanong ko.
"Am I that cute?" ngumisi siya at pasinghal na inalis ang tingin sa akin.
"Get ready na," he said and smile kaya naman ng maupo na siya sa sofa ay inabot niya kaagad ang mas mahal niyang mga codal books.
"Codal books o ako?" gulat niya akong nilingon sa tanong ko kaya tawang tawa ako sa hitsura niya.
"1."
"2."
"Both?!" patanong niyang sagot kaya napailing iling na lang ako at dahil doon ay nag-alala ang tingin niya eh nagbibiro lang naman ako.
"L-Love.." Kinakabahan niyang tawag kaya natawa ako.
"Biro lang, sige na." Paalam ko at tinapik siya sa balikat tsaka ako lumabas na ng office ko ngunit halos mahigit ko ang sariling hininga ng may humawak sa pulsuhan ko at sobrang lapit namin.
"G-Gavin." Sambit ko at inaalis ang pagkakahawak niya.
"Bitawan mo ako." Mariin kong sabi na sinunod niya kaagad ngunit halos manlaki ang mata ko ng tumumba siya sa harapan ko at sumakto ang baba niya sa balikat ko.
"Nurse!" malakas na tawag ko ngunit bumukas ang office.
"What happened?" tanong ni Kent Axel at kinuha si Gavin ngunit wala itong malay kaya naman pinulsuhan ko.
He's okay. "Nurse!" mabilis na lumapit ang ito sa akin at tsaka nila tinulungan na madala si Gavin sa kwarto niya.
"Anong nangyari?" tanong ni Kent Axel kaya bumuntong hininga ako at tsaka ko kinuha ang stethoscope at tinignan ang tibok ng puso nito.
"He's okay," bulong ko.
"Ako ata ang magkakasakit ng puso kagugulat niyo sa akin," I added and calm myself.
"Anong nangyari love?" tinitigan ko si Kent Axel.
"Hindi ko alam, lumapit siya sa akin tapos ng bitiwan niya ako bigla siyang nawalan mg malay." Pagsasabi ko ng totoo.
"Pumunta ka na sa operation room," mahina niyang sabi kaya tumango ako at sinunod siya.
After 3 operations ay umakyat kaagad ako sa office ko upang malaman kung nandodoon pa ba si Kent, nang makarating ay wala akong nakitang Kent Axel ngunit may food sa table ko at note.
Awtomatiko akong napangiti, nilagay niya na ang dinner ko dahil ginabi na ako.
Give me a message if you're done with your operations, pumunta muna ako sa law firm dahil kailangan ako eat your dinner love. Bon appetite.
Ngumisi ako at tsaka ko kinain ang binigay niyang dinner tapos ay nag-iwan rin ako ng message sa kaniya.
Nang matapos ay nagpaalam akong magrarounds muna ako sa floor ko kaya naman habang nagrarounds ay nagitla ako ng may biglang sumulpot sa harap ko dahilan para mapahawak sa dibdib.
"You startled me." Kalmado kong sabi at bumuntong hininga.
"'Di ba hindi ka pwedeng maglabas labas? Go back to your room Gavin." Maayos na pakiusap ko.
"You didn't visit me," hindi ko siya makapaniwalang tinitigan sa inirereklamo.
"Should I? You should rest kanina nga ay nawalan ka ng malay," nauubusang pasensya kong sabi.
"Doctor," wika niya.
"What?"
"I like you—"
"Sinabi mo na 'yan kanina." Sagot ko.
"Let me express it," he said like it was easy, I laughed jokingly.
"Express what? Hindi kita pinagbabawalan na i-express 'yan but at least respect me." Pangangaral ko.
"May boyfriend ako, ayokong maging dahilan ka ng hindi namin pagkauunawaan. Kaya sana huwag kang lalapit sa akin kung kailan mo lang maiisip—"
"Y-Ya." Sita ko at itinulak siya sa dibdib.
"Gavin ano ba—"
"Bro, stop harassing my girlfriend." Nakahinga ako ng maluwag ng humarang sa harapan namin si Kent Axel.
"I'm trying my best to hold back myself, don't push me do things I don't like." Mahinahon iyong sinabi ni Kent Axel at hinila na ako papaalis doon.
Nang makapasok sa office ay ni-lock niya 'yon kaya naman bumuntong hininga ako. "Sorr—"
"Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?" tanong niya at tinignan ang kabuohan ko.
"Sorry," wika ko at basta basta na lang yumakap sa kaniya.
Ang palad niya ay humaplos sa buhok ko ang matunog niyang buntong hininga ay hindi nakaligtas sa pandinig ko. "I'm sorry love," malambing kong sabi at hinigpitan ang yakap sa kaniya.
"Why are you apologizing?" bulong niya at inilayo ako ngunit sinapo niya ang mga pisngi ko gamit ang dalawang maiinit na palad niya.
"Because I made you worried," bulong ko at bahagyang ngumuso ngunit napakurap ako ng mabilis niyang halikan ang labi ko.
"Forgiven," nakangisi niyang sabi kaya napangiti ako.
"Let's have a dinner tomorrow?" pag-aaya niya kaya tumango tango ako bilang sagot.
"Do you want to sleep with me?" napalunok ako sa tanong niya, ang isip ko ay mabilis na naglikot hanggang sa i-snap niya yung daliri niya sa harap ko.
"Stop imagining that malicious content," he teasingly said that made me gulp.
"I-It— It's not it!" I defensively said.
"You are, look how red your face. Don't read erotic novel—"
"Kent Axel!" singhal ko napipikon.
He chuckled, "Why are you so red then? What scene plays in your mind?" his voice became so deep but the teasing tone is so frustrating!
"Nothing!"
"Well you can invite me do that—"
"Y-Ya!" gigil kong sita at hinampas siya sa dibdib.
Tumawa lang siya at umiling iling. "Matutulog lang tayo, 'wag ka ng mag-imagine ng sobra." Ngumuso ako at umirap sa pang-aasar niya.
Kinuha niya ang bag ko at sunod ay ang kamay ko tapos ay sabay kaming naglakad papalabas. 11 PM na kasi.
Sa penthouse niya kami dumeretso kung kaya't hinayaan ko na siyang ihanda ang pamalit ko na damit ko raw pero damit niya naman 'yon.
"Naiwan mo codal mo sa office ko," sadya kong huli na ng sabihin dahilan para manlaki ang mata niya.
"I did?"
"Yeah," wika ko.
"No way, how could I forget that?" bulong niya sa sarili.
"Because you grabbed my bag and this precious hand of mine." Nakangisi kong sabi.
"Get rest then, babalikan ko—"
"Seryoso ka?" hindi makapaniwala kong tanong.
"Y-Yeah?" sagot niya kaya natawa ako.
"Iiwan mo ako rito?" tanong ko, kunyare ay nagtatampo.
"B-Bukas na lang pala," he stated and glance.
I immediately looked away when he removed his shirt in front of me. "Tingin ka na, nahiya ka pa." Asar niya kaya naman umirap ako.
"You love your body 'no? Ang kapal ng mukha mo Kent Axel." Inis kong sabi na ikinatawa niya.
"Walang manipis na mukha doctor. Doctor ka pa naman naku—"
"Ya!" singhal ko.
"Joke lang." Bawi niya at tumawa pa.
Ngayon ay itim na slacks na lang ang suot niya at belt isama na natin ang black socks niya. He's topless kaya hindi ako tumitingin dahil baka ano na naman ang maglaro sa isip ko.
"Magbihis ka na kaya," pabulong kong sabi.
"Natutulog akong walang pantaas," wika niya dahilan para mapairap ako.
"Liar!" singhal ko.
"Oo nga," sagot niya.
"Attorney lying is bad okay?"
"I'm serious love, hindi ko lang nagagawa dahil nasa penthouse mo ako no'n." Seryoso talaga siya kaya ngumuso ako.
"Papaano pag sinabi ko sa'yong natutulog akong nakahubad?" hamon ko na ikina-tikhim niya.
"You won't do that here with me," naninigurado niyang sabi.
"Papaano pag sinabi ko sa'yong wala akong bra na natutulog?" hamon ko na mas ikinalaki ng mata niya.
"I won't touch that naman—"
"Goodness Kent Axel!" singhal ko.
"W-What?"
"You're unbelievable attorney, bahala ka riyan." Singhal ko at pumasok na ng cr niya.
"Wala kang towel!" paalala niya kaya ngumuso ako.
"Nakakabadtrip," bulong ko at lumabas ulit ngunit halos mapatili ako ng yakapin niya ako ng wala siyang suot na upper.
"H-Hoy! Wala kang damit!"
"What's wrong? Topless naman kabahan ka pag sa ibaba ang wala." Natatawa niyang sabi kaya naman ngumuso ako at pilit nilalayo ang mukha ko sa dibdib niya.
But he smell so good!
"Hindi na ako bata Kent Axel!" singhal ko.
"Neither I," wika niya at niyakap lang ako.
"Ang init ng balat mo!"
"Aish," reklamo niya at binitiwan ako inirapan ko siya at kinuha na ang twalya tapos bumalik sa CR ngunit naalala ko ang dibdib niya.
Pastilan!
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top