Chapter 5 [Baby Sitting]

Kent Axel's POV.

Umagang unaga ay banas na banas ako sa klase, Napakaingay, nakakarindi.. "Gosh.. So loud.." napipikon na bulong nang kasama ko at nag takip nang tenga.

"Iba iba kasi ata ginawa nang mga to kagabi! Tapos mag rarush ngayon mga Timang." bumuntong hininga ako at Iniiwas ang mga titig kay Saji.

'Isa ring weirdo..'

Lumipas ang Oras hanggang sa Mag uwian, Imbis na sa bahay Ako dumeretso ay Dumeretso ako sa Airport, Kakausapin ko si Noona.

•• PALAWAN ••

Nang ligtas akong makarating ay natutuwa ako dahil sa ibabaw ng ospital ay may paglalapagan ng Helicopter, nakapamulsa akong bumaba at nang makita ay nakangiti nila akong binati.

"Did you see my sister?" Tanong ko sa isang nurse, agad namang sinabi nito kaya naman mabilis akong nagpunta sa office ni Noona at pagkabukas ay halos mapatalikod ako kaagad.

"Damn it Noona!" gulantang kong sabi at tsaka sinara ang pinto.

"What's wrong? It's just a kiss. Ang arte mo bading." Nanlaki ang mata ko sa singhal ni Noona, Kahit na kiss yon ano't may pakandong kandong pa.

"Let's talk." sambit ko.

"Well then, lalabas muna ako." Paalam ni Hyung Luke at mabilis na tinapik ang likod ko tapos lumabas na.

"Jusmiyo Kent Axel, parati na lang bang pupunta ka rito kung kailan mo maisipan? Hindi tayo magkabilang barangay lang." hindi makapaniwalang sabi ni Noona.

"It's because you're mad at me noona." Nakanguso kong sabi.

Siniringan ako nito at itinuro ang upuan kaya naman naupo ako doon gayun rin siya sa harap ko. "Kamusta?" Tanong ko sa kaniya.

"Eto, Stress.. Ang daming patients." sagot ni Noona.

"How's school?" Tanong niya pabalik.

"Medyo mahirap, Noona." sagot ko.

"How about Lauren? Ayokong maririnig na kayo na Kent Axel ah." ngumuso ako.

"Bawal ba talaga Noona?" nag mamaktol kong tanong.

"Kent Axel.." gigil niyang sabi dahilan para mapanguso ako.

"Are you pregnant?" Tanong ko agad naman siyang nagulat at sinamaan ako nang tingin.

"I'm not." Nangunot ang noo ko.

"Di nga? Ang tanda mo na di mo pa-." Asar ko.

"Not yet, It's not the right time tease me Kent Axel." Sagot niya

"Ang sungit noona." Ngumiwi siya.

"Ang usapan natin kent, Malaki ka na at hindi ka na bata para hindi maunawaan ang sinabi ko. Pinasasakit niyo ni Lauren ang ulo ko." Nakagat ko ang ibabang labi.

"I still feel the same noona." Sagot ko.

"Why don't you try everything with Saji?" Napamaang ako nang sabihin niya ang pangalan ni Saji.

"How do you know that name huh?" dismayadong sabi ko..

"From mom." Sagot niya.

"Hindi ko gusto si Saji okay? Hinding hindi ako mag kakagusto don, napakaingay, ang daldal. Hindi ko rin siya planong i-date at gawing girlfriend, NEVER." Gigil kong sabi.

"Weh? Ang arte mo! Ang ganda niya tuleg!" Singhal ni Noona.

"Para sa akin hinde, Hindi siya maganda! Hindi kami bagay ayoko sa maingay." Tanggi ko pa.

"Bahala ka diyan! Sino gusto mo Si Lauren pa ren?" ngumiwi ako sa tanong niya.

"Lauren, Ano bang meron kay Lauren ha Kent? Parang kapatid mo na yung ate mo na yun jusko naman." gitil pa ni Noona.

"Why not? She's lovely." sagot ko.

"Kent, Halos magkakasama tayo noon sa iisang kwarto, Kingina nakita niyo nga ang isa't isang hubad tapos- fuck.." bulong ni Noona sa Huli, napayuko at napahilamos.

"Hindi ako papayag, magkakapatid tayo. Wala ka sa Kung saang mundo para masunod ang nais mo, makakaalis ka na." Galit na sabi ni Noona.

"Noona.." nakanguso kong reklamo.

"Sa Oras na malaman kong nalaman ni mommy ang about dito? Mag aaway tayong tatlo, Kent Axel." may diin at hindi nag sisinungaling niyang sabi.

"Noonaaa.."

"Shut up." Galit na sabi nito.

"Lalayuan mo si Lauren, wag mong antayin na siya ang ipatapon ko sa labas ng bansa at nang makalimutan mo ang nararamdaman mo." natigilan ako nang sabihin yun ni Noona.

"You can't do that, Noona." Walang gana kong sagot.

"Sinusubukan mo ba ang kakayahan ko?" nang Gumuhit ang Ngiti niya sa Labi ay kinabahan ako.

"Iiwasan mo si Lauren, Kalimutan mo ang nararamdaman mo sa kaniya. That's final." Nang sabihin yun ni Noona ay napayuko ako, nang tumayo siya at walang paalam na lumabas ay bumuntong hininga ako.

"Again, Again, Again Kent Axel." agad kong nalingon si Hyung Luke na nag aalalang tinititigan ako.

"I think I'll go now, Hyung. Hindi na ata kami magiging okay ni Noona." mahinang sabi ko.

"It's because you're choosing other people.." Nakagat ko ang labi nang nakangiti niyang sabihin yon.

"What do you mean hyung?"

"Your sister is always choosing you, and you can't choose her over Lauren. Iniisip ka niya, at ang pamilya niyo." nakangiting sabi pa nito, Kinabahan ako.

"Alam mo ba kung bakit ganiyan ang noona mo? Bukod sa stress na siya sa work." Tanong niya.

"W-why hyung?"

"It's because of you and Lauren." Nangunot ang noo ko.

"Ayaw niyang mag buntis habang may gusto ka pa rin kay Lauren, bukod sa ayaw niyang ma-stress, Yung kahinaan ng baga ng noona mo ay pinalalala nang stress. I'm not Blaming you, but I want you to be aware." napalunok ako sa sagot ni Hyung.

"She's Exhausted."

"Alam niyang may unfinished business pa siya sa inyong dalawa, To be honest is We tried, I tried.. " Nalungkot ako nang makita ang Lungkot kay hyung.

"But stress is making it Impossible, We can't have a baby again." Binasa ko ang labi tapos Yumuko.

"I'm sorry hyung, I'll try.. Mianhaeyo." tumayo na ako.

"I'll go ahead, Please Take care of her." nang tapikin nito ang balikat ko ay Nakababa ang Balikat kong naglakad papaalis.

"Sir Kent! Hello po!" tipid ko lang na Nginitian ang Kumaway sa akin tapos Derederetso na akong Naglakad.

•••

"KENT! HELLOOO!" Inis kong tinignan si Saji nang nag-iingay siyang lumapit sa akin nandito ako sa entrance habang siya ay nandodoon sa Registration office.

"What? You miss me?" Tanong ko, agad niya akong inirapan tapos ay ihinawak ang kamay siya sa Balikat ko, Para sa isang linggo lang siyang nahiwalay dahil nahati kami sa 25, 50 students per room kase.

"Asa ka 'no, By the way kent nakapasa ka ba?" Tanong niya, Sanay na akong ganito siya, Feel na feel niya brusko nga ata talaga ang isang ito.

"Ako pa ba? Tayong dalawa na nga ang nag lalaban sa Rank." Ngiwing sabi ko, Ngumisi naman siya kitang kita ko ang mukha niya dahil nasa harapan ko lang.

Dinudungaw niya ako. "Wala naman akong pakialam sa Rank, Basta maayos ang grades hindi pasang awa masaya na ko don 'no!" Sagot niya.

"So?"

"So mo mukha mo, Ilibre mo ko!" singhal niya pa.

"Tch, Ang kapal mo." bulong ko.

"Ililibre rin kita, Hihi." nakangiti niyang sagot.

"Saji, Usad." Utos ko agad naman siyang napabitaw ngunit gulat ang bumungad sa mukha ko nang makita ko si Saji na nasa sahig.

"Saji!" Gulat kong sabi pero kinabahan ako nang mangisay siya, Nakagat ko ang ibabang labi tapos mabilis na inayos ang pagkakahiga niya sa sahig.

Chineck ko ang lahat lahat sa kaniya, Breathing, pulse, No bleeding.. "Saji.." pag gising ko sa kaniya.

Agad kong hinanap ang gumawa nito sa kaniya, Sa pag libot nang ulo ko ay nakita ko si Jared kumuyom ang kamao ko tumayo ako at mabilis siyang nilapitan.

"Gago ka ba?!" sigaw ko at tsaka ko hiniklat ang kwelyo niya.

"Fuck off, Jared.. You can't beat me and that's proven!" Sigaw ko, Ngumisi siya.

"But I can beat that girl of yours." nang-aasar at nag-hahamon niyang tanong kaya naman gigil na gigil kong binitiwan ang kwelyuhan niya.

"What do you want huh?" Gitil ko at tsaka sinuri muli si Saji na wala pa ring malay.

"Nananahimik kami Jared!" Kung may baril ako ngayon ay patitikman ko ang gagong 'to.

"I want to see you trouble." Nakagat ko ang labi tapos mabilis siyang sinapak, Nawalan siya nang balanse ngunit agad ring nakabawi sa Pagkatayo, nang sasapakin niya na ako ay mabilis kong iniwasan yon at sinapak pa siya.

"Ano na? Nasaan na ang pinamamayabang mo!" sigaw ko.

"OH MY GOSH!"

"NAG AAWAY YUNG DATING MAG BEST FRIENDS!"

"HUHU NASIRA NA BA TALAGA ANG FRIENDSHIP NILA!"

"Gusto mo pa?!" Galit kong sigaw tapos mabilis siyang sinipa at muli pa sanang susugurin kung hindi lang ako inawat.

"Kent Axel!" Nang makita ang umawat ay sandali akong natigilan, Lumunok ako nang malaman na si Lauren ito.

"Papatay ka ba ha! Para lang sa babae na 'yon!" Hindi ako makapaniwala sa naririnig.

"What the fuck? Ako pa may kasalanan?" Napipikon kong saad.

"SINO BA ANG NANANAPAK RITO!" sigaw niya.

"Kingina, Bobo ka ba?" Inis kong tanong sa kaniya, ngunit agad akong natigilan sa nasabi bago pa man humingi nang sorry ay nasampal na ako.

"You're being disrespectful!" sigaw niya sa akin matapos akong sampalin, napakalakas non ngunit hindi yun ang masakit kundi ang puso ko.

Teacher siya rito ngunit nasabi ko iyon sa kaniya.. "Am I?" pinilit kong ngumiti kahit pa nasasaktan.

"Then be grateful, at least I don't respect you." aniya ko ngunit nasampal niya akong muli.

"Oh my gosh!"

"ANG BEBE KENT KO!"

"Nooooo!"

"Ang malambot niyang pisngi parang siopao 'wag!"

Mahina akong natawa. "Stop wasting time, being wasted because you can't get what you want Kent!" Ngumisi ako sa sigaw niya.

"Ano bang gusto ko?" tanong ko sa kaniya.

"Ako!" sigaw niya.

"Asa ka, Ikaw ba ang napahamak? Hindi ikaw ang rason kung bakit ko 'to ginagawa, Lauren. It's because of My Girlfriend, Saji." Idiniin ko pa yun nagulat naman siya sa sinagot ko.

Halatang nasaktan sa narinig, gusto kong mag sorry, gusto ko siyang yakapin pero ang ginawa ko ay tinalikuran siya at pinuntahan si Saji.

Agad akong tinulungan nang isang estudyanteng may makapal na salamin dinala niya ang Gamit namin ni Saji, Kaya binuhat ko na ito.

"Parking Lot, dadalhin ko siya sa Ospital." Aniya ko, Sumunod lang ito kaya naman nang makarating sa sasakyan ko ay nagmamadali akong namaneho papunta sa Ospital.

Nang makarating ay mabilis nilang Chineck si Saji, Lahat nang test, CT scan, X-ray, Lahat lahat.. Bumuntong hininga ako nang maalala ang sinabi kay Lauren.

Lumipas ang isang oras ay tinawag ako nang Doctor rito mismo sa City Hospital, pagkalapit ko ay gising na si Saji nagulat ito. "Ang sakit nang ulo ko, Bakit ba ako nandito sa Ospital?" gulat niyang tanong at bumangon.

"Don't worry." Sagot ko na lang.

"Parang Bano, Kent ano nga?" bumuntong hininga ako at Pinag krus ang Braso.

"May malakas na tumama sa ulo mo dahilan para bumagsak ka, nawalan ka nang malay at mukhang delikado ang ulo mo." Nanlaki ang mata niya at Napahawak sa Noo doon niya lang Narealize na May benda ito.

"Mamamatay na ba ako?!" ngumiwi ako.

"Depende." sagot ko.

"Anong depende! Hindi pa pwede! Hindi pa ako nagkaka-anak!" Mariin akong napapikit nang mag wala ito not until dumating ang Doctor.

"Miss Collins, mas mabuti siguro kung hindi ka muna yuyuko, O magbubuhat nang lalagpas isang Kilo. May lamat kas-"

"MAY LAMAT NA ANG BUHAY KO?!" gulat niyang tanong.

"Magkaiba ang lamat sa taning, Saji makinig ka nga." Iritang aniya ko sa kaniya, Ngumuso naman siya tapos parang maiiyak.

"May lamat ang Skull mo, It can heal but it takes time." Lumunok si Saji sa sinabi nang Doctor.

"Bawal po ko sa mga Events? Like Badminton? Basketball?" umiling iling si Doctor.

"Bawal ka yumuko, Bawal ka matamaan sa ulo, Bawal kang mapagod nang sobra. Hija Ingatan ang Ulo, okay?" nakangusong tumango si Saji, This is my fault.

Ginawa to ni Jared para gantihan ako, Kinginang tao.. Pati babae pinatulan hindi matanggap na ginusto ako nang nobya niya e hindi ko naman Gusto.

Nang mag-paalam ang Doctor ay mabilis kong tinawagan si Mom nang sagutin ito agad ay huminga ako nang Malalim. "Mom, Nandito ako sa hospital with my Friend Saji."

"Oh? What happened anak?"

"It's all because of Jared.."

"What?! Inatake niya si Saji?"

"Mm, Yes mom."

"Was it because of you?"

"Yes mom."

"Oh god, anak. That jared is really Imma, Immature."

"It's all fair, I punched him a little. Pitik mom.."

"Jusko Kent Axel yang pitik mo nakakamatay!"

"Kasama pa rin siya sa atin, He knows me well Mom."

"Jusmiyo, Osige sasabihin ko sa Dad mo at ikaw! Kargo mo si Saji take care of her."

"Mom?"

"Any Complaints?"

"Moooom.."

"Kent Axel, Umaandar ang or-"

"Yes mom, Fine. I'll do it, I'll baby sit this one.."

"Dapat lang!"

"Opo, Opo babye po mom.."

"Ingat kayo, Bye!"

Pasigaw, stress ang Mom ko halata. "You Okay?" tanong ko sa kaniya.

"I'm not." sagot ni Saji, halatang nababanas.

"Narinig mo naman usapan namin ni Mom diba?" nakanguso lang siyang tumango.

"Tsk." singhal ko na lang.

"I'll buy food." sagot ko at basta basta nalang tumayo habang siya naman ay tulala kaya ngumiwi ako at naglakad na papalabas.

"Anyare kay Saji?!" sinenyasan ko na lang sila Primain na pumasok sa loob.

Habang naglalakad ay nakapamulsa ako ngunit nang makita si Lauren ay iniiwas ko kaagad ang tingin sa kaniya. "Kent, sorry." Mabilis niyang habol kaya sinulyapan ko lang siya.

"Did you eat?" Tanong ko.

"I did." Sagot niya.

"I'm buying food, wanna come?" tanong ko sa kaniya.

"G-Galit ka ba sa akin?" tanong niya pa.

"Nah." Sagot ko, nang makapasok nang elevator ay huminga ako nang malalim.

"I-Is she your girlfriend?" tanong niya sa akin, nauutal kaya nang nilingon ko siya ay nagulat siya.

"I invoke my right against self-incrimination." sa sagot ko ay mapaawang ang labi niya.

'I just refused to answer her question, that easily dahilan para hindi na siya makatanong..'

"Okay, Attorney." Pairap niyang sabi kaya ngumisi ako.

"Jealous?"

"I have the right to remain silent." sagot niya.

"Okay, Professor." sagot ko na lang rin nagulat siya sa tanong ko, She likes me tsk.

Nang makabili ay sumabay pa rin siya, sumama siya Gabi na kasi nang Magising si Saji, It's already 7 P.M

Nang makabalik nang Hospital Room ay nakita kong busangot si Saji dahilan para matawa ako sa hitsura niya nang marinig ang tawa ko ay Tinaliman nito ang tingin.

"Ate Laure- Ma'a-"

"Ate na lang." sagot ni Lauren kay Primain.

"Is that for me?" Tanong ni Saji kaya naupo ako sa gilid nang Bed niya.

"Yes, Kaya kumain ka ampangit mo na nga nakabusangot ka pa- aray naman!" reklamo ko nang malakas niya ang Paluin.

Ang liit liit nang kamay ang sakit manghampas. "Makapangit ka! Gwapo ka ba ha?!" sigaw niya, natawa naman ang mga kasama bukod kay Lauren.

"You can judge it, Look." Ngising sabi ko at tinuro ang mukha ko pero umirap lang siya.

Binibiro ko lang naman siya na pangit siya, sanay na kami sa ganitong asaran. "Hindi ka naman siguro mabibigatan sa Kutsara at Tinidor?" Umirap siya at Kinuha yon saakin.

Umalis na ako doon tapos inutusan yung ibang kumuha kaya naman Kinuhanan ko si Lauren at Inabot yon sakanya. "Eat, masamang pinanonood lang ang mga kumakain." pinangunahan ko na siya.

"Thank you.." sagot niya.

"Kahit masakit yung sampal mo." natatawang sabi ko pa.

"It's nothing compared to your training." Sagot niya, bagay na tama naman.

"Masakit kasi sayo galing." sagot ko.

"Kent ano ka ba." aniya pa niya.

"Hoy, Kent." nilingon ko kaagad si Saji.

"Napitik mo na ba si Jared?" natawa ako nang gamitin niya ang Term ko kanina.

"Yeah? You want me to do more?" tanong ko.

"Gusto ko sana, pero wala e." sagot niya.

"Makakapasok naman na ako bukas, Kailangan lang ingatan ang Ulo na to." parang sinisi pa niya ang sariling Ulo kaya napangisi ako.

"Huwag mo kong ngitian nang ganyan baka isipin kong may Gusto ka sa akin, oy!" ngumisi na lang ako sa pang-aasar niya.

"Saji, Mangarap ka." Inirapan ako nito.

"Asa ka namang mag kakagusto ako sayo, duh mas maarte ka pa nga sa akin." doon ay nginiwian ko siya.

"Sabi nila madalas daw sa nag kakatuluyan yung AYAW NILA SA ISA'T ISA." Agad kong pinaningkitan nang mata si Primain.

"Dream On." sagot ko.

√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top