Chapter 49 [Love]
Saji Argelia's Point of View.
Nagising ako mula sa tunog ng cellphone ko kaya ng makitang si Kent Axel 'yon ay sinagot ko kaagad, he's really calling from my number hindi ba't mahal 'yon? Lalo na't nasa ibang bansa siya.
"Did you eat already love?" napangiti ako sa bungad niya.
"I just woke up, I did an operation kasi kanina. Ikaw ba? Are you alright?"
"Nope love, I miss you already." Mahina akong natawa dahil pakiramdam ko ay nakanguso siya ng sabihin niya 'yon.
"Miss mo na ako? Kaalis mo lang 7 hours ago ah," wika ko.
"I'm serious, I wish they just sent the company there in Philippines."
"Hindi naman pwede 'yon." I said and laughed.
"Tsh, c'mon wait for the food there tapos kumain ka na." Nangunot ang noo ko ng may kumatok hanggang sa nakita ko si Ate Mia agad ko siyang nginitian.
"I told you," wika niya sa kabilang linya.
"Pinadadala ni bunsong bata, kumain ka na daw." Natatawang sabi ni Ate Mia kaya naman tinuro ko ang cellphone.
Nakuha niya naman ang sinabi ko. "May flowers rin na pinabibigay yung manliligaw mo."
"Wait what? Who's that? Who sent the flower?" Natawa ako ng sobra sa reaksyon ni Kent Axel.
"Binibiro ka lang." Paglilinaw ko pa sa kabilang linya ay parang nakahinga siya ng maluwag.
"You should eat, I'll call you later love. Eat well." He sweetly said kaya naman nginitian ko si Ate Mia na nagwave na upang makaalis.
"Kumain ka rin on time, I-I l-l—"
"Doc! Emergency patient po!" napa-angat ako ng tingin sa nurse na pumasok.
"R-Ready the patient, I'll be there in 5 minutes." Maayos na sabi ko tapos ay bumuntong hininga.
"Mukhang hindi pa ako makaka-kain, may urgent patient eh." Kinakabahan kong sabi.
"Sure love, do your best—"
"I love you!" pumikit ako kaagad ng sinabi ko 'yon at hinintay ang tugon niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko hanggang sa marinig ko ang mahina niyang tawa.
"Glad, I heard it already. I love you too love," he whispered with affection.
"Bye bye attorney." Nakangiti kong sabi.
"Bye bye."
After operating a patient inabot ako ng 4 hours sa operating room, nakakapagod ngunit sanay naman na at maganda ay successful ang operasyon ng pasyente.
Habang naglalakad ay nangunot ang noo ko ng makita si Gavin Balerian na nasa tapat ng office ko kaya naman lumapit ako kaagad. "Why are you waiting outside?" tanong ko.
"It's bad for you pag nakakuha ka ng sakit," wika ko.
"I'm okay doctor," wika niya at ngumiti kaya bumuntong hininga ako.
"Why? Do you need anything?" tanong ko sa kaniya.
"Uhm I have something to say doctor," he calmly said kaya tumango ako at tinuro ang office ko sumunod naman siya sa akin kaya nanan kinuha ko kaagad ang cellphone ko at pinaupo siya sa harap ko.
Ang pagitan namin ay ang office desk ko. "My brother will visit me tomorrow, I know he'll do something ridiculous but can you tell him I'm okay?" lumunok ako sa tanong niya.
"W-What do you mean ridiculous?" tanong ko.
Mahina siyang natawa ngunit alanganin. "He wants me gone, just to have the throne I have." Napalunok ako at alanganing tumawa.
"Common greediness, sige gawin natin yan." Sagot ko at matipid na ngumiti.
"Thank you doctor," wika niya kaya tumango tango ako.
"You should get rest." Wika ko tumango ito at umalis na, hindi naman siya naka-swero kaya malaya siya sa kwarto niya.
Ngunit mas ligtas kung nasa ospital siya. Nang makaalis siya ay pumikit ako at yumuko sa desk ko ngunit tila narinig ko ang boses ni Kent Axel kaya inabot ko ang food kanina at kinain na lang 'yon.
Makalipas ang isang araw ay hindi dumating ang Kuya ni Gavin, ngunit ngayong araw ay natanggap ko sa nurses na ang guardian daw ni Gavin Balerian ay hinahanap ako that's why I asked them to sent him in my office.
Nang bumukas ang pinto ng wala man lang katok katok ay nahulaan ko na ang aroganteng pag-uugali nito. He even left the door a little bit open.
"Good afternoon." Bati niya kaya tumango lang ako.
"Have a seat." I said in monotone.
Pagka-upo niya ay napatingin ako sa envelope na nilapag niya sa harapan ko. "What's this?" I asked him with disgust in my voice and face.
"Check it yourself, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Pare-parehas naman kayong mga doctor na kailangan 'yan." Mukhang mahuhulaan ko na kaya naman ng kuhanin ko 'yon ay ngumiti ako.
"Well then thank you, I'm sure to hand this to him." Nakangiting sagot ko at kinuha ang envelope pero mabilis niyang pinigilan ang kamay ko.
"What do you mean?" he asked out of confusion.
"You're handing me this money because you're shy to give it to your brother right?" I sarcastically said pero alam kong binabribe niya ako to make his brother sick.
"What?" hindi makapaniwalang tanong niya kaya nag patay malisya ako.
"You're brother is not sick, he just wanted to stay in this hospital because the hotel is more expensive." Natatawa kong sabi na ikinakunot ng noo niya.
"Then make him sick," he said.
"What do you mean mister?" kunyare ay hindi ko alam ang tinutukoy niya.
"Make him weak, I'll pay you." Ngumisi ako ng sabihin niya 'yon ang tingin niya sa akin ay punong puno ng pagtataka kaya naman chineck ko ang laman ng envelope.
"This is worth million huh," saad ko.
"I can give you more, I will pay you 10 million dollars just to make him weak until he face death." Ngumisi ako at mahinang tumawa.
"You're paying me this much? Why do you want to get rid of your brother?" tanong ko sa kaniya.
"Stop questioning me just do—"
"You need me to do what you want, so answer my questions." Mariin kong sabi kaya naman ng ngumisi siya ay nginisian ko rin siya.
"Because I hate him." Tumango ako sa sagot niya.
"I'm sorry but I will say no to your favor." Sagot ko at ibinalik sa kaniya ang envelope.
"100 million dollars." Malakas na sabi niya kaya naman tumayo ako at inilagay ang kamay ko sa mesa upang mas makita ang mukha niya.
"Doctor ka lang, nasisigurado kong hindi ka kumikita ng ganoon kalaking halaga." Pangmamaliit niya sa akin.
"Sa tingin mo ba kailangan kong kitain ang iwinawaldas ko lang?" natigilan siya sa sinabi ko at tinitigan ako.
"Fine, 500 million dollars." Ngumisi ako.
"What for?" tanong ko.
"To kill my brother," wika niya at tumayo rin.
"500 million dollars lang?" mabilis akong napatingin sa nagsalita at dahil doon ay napangiti ako ng makita si Kent Axel na nakasuot ng black slacks at black polo na naka tucked in pa.
Ang gwapo nga naman talaga ng boyfriend ko. "Who is he? Your boyfriend?" tanong ng kapatid ni Gavin.
"I am, I heard you give some million dollar what is that for?" tanong ni Kent Axel showing some interest in purpose.
"500 million dollars, make my brother weak." Nakita ko naman na ibinulsa ni Kent Axel ang kamay.
I gulped as he playfully licked his lower lip. "500 million dollars?" Kent said with his tone questioning how small is that cost.
"1,000,000,000 dollars." Ngumisi si Kent Axel.
"To kill your brother?" tanong ni Kent Axel.
"Yes."
"Wait let me get my calling card," wika ni Kent Axel at dinukot ang wallet niya nangunot naman ang noo ko ng ngumiti ang kapatid ni Gavin.
'He's a lawyer stupid.'
Ngunit nagulat ako sa pagtunog ng bakal na itim na card kasabay no'n ay nakita ko ang ngisi sa labi ni Kent Axel.
Ngunit mas napangisi siya ng pulutin 'yon ng kapatid ni Gavin at hindi lang pala ang ATM card na itim ang pinagmamalaki ni Kent Axel dahil nahulog pa ang tatlong itim na ATM card.
"Oopps my hand is really so clumsy," he sarcastically said. Nang mapulot 'yon ng lalake ay kinabahan siya dahil nakita niya ang ID ni Kent Axel as a lawyer.
Nagpigil tawa ako at tinignan kung papaano bumakas ang takot sa mukha nitong kapatid ni Gavin. "4 black ATM cards?" gulat na sabi nito.
"I can buy your company." Nakangiting sabi ni Kent Axel.
"And also I can put you in jail," he added kaya naman napangiti ako dahil ang astig niya!
Mabilis na umalis yung kapatid ni Gavin kaya naman napangiti ako at lumapit kay Kent Axel para yumakap. "You came home early huh," bulong ko naramdaman ko naman ang pagyakap niya pabalik.
"Of course," bulong niya at hinalikan ako sa noo.
"Namiss mo ako?" tanong niya kaya tiningala ko siya.
"Yup, grabeng show off 'yon ha. Natakot yung lalake." Natatawang sabi ko na mahina niyang ikinatawa.
"The expenses of the islands we have are directly entering those black cards. But my parents have tons we only have few," wika ni Kent Axel kaya ngumisi ako.
"Huwag kang ganiyan, nanliliit ako isa lang binigay ni oppa kasi daw baka bumili ako ng mga alagaing hayop." Natawa siya sa sinabi ko at ng biglang may pumasok sa office ay mabilis akong humiwalay sa yakap.
"Wow sige kunyare wala akong nakita bunso." Natatawang sabi ni Kuya Zai kaya ngumiti ako.
"Kumusta bruh?" tanong ni Kuya Zai ay inakbayan si Kent na mas matangkad sa kaniya ng kaunti.
"I just got back, medyo hustle ang business industry." Sagot nito.
"Lame kisser ba ang bunso namii--"
"Oppa!" sita ko at namumulang tinignan sila.
"Freak!" nakanguso kong reklamo.
"Tinatanong lang amp," wika ni Kuya Zai kaya ngumuso ako lalo.
"By the way--"
"Tama na oppa!" bulyaw ko at inambahan siya ng suntok dahilan para magmadali itong tumakbo papaalis.
"Lame kisser ka ba love?" mas nag-init ang pisngi ko sa tanong niya.
"I-Isa ka pa!"
"Joke lang." Bawi niya kaagad.
"Maupo ka muna diyan, bibisitahin ko lang ang very important patient ng hospital." Natawa si Kent Axel at tumango tango ngunit bago 'yon ay hinila niya ako para sa mabilis na halik sa labi at kumaway kaya naman nagmadali akong lumabas.
Nang makarating sa kwarto ni Gavin ay natigilan ako ng matanaw ko sila sa siwang kaya naman nakita ko ang kuya ni Gavin. "Akala mo ba habang buhay kang poprotektahan ng doctor na 'yon? hindi! tatraydurin ka rin niya! tandaan mo pera lang kapalit ng mga buhay niyo!" sigaw ng kuya ni Gavin kaya lumunok ako.
"Why? tinanggihan niya ang offer mo?" tanong ni Gavin.
"Hindi pa tayo tapos Gav!"
"Wala akong sakit kuya, tanggapin mo na lang na kahati mo talaga ko." Sagot ni Gavin sa kuya.
"Ako ang panganay kaya dapat mas malaki ang hati ko!"
"Hindi na hati 'yon kung hindi pantay," singit ko.
"Ang magaling na doctor sa tingin mo ba maniniwala ako na walang sakit ang kapatid ko?" nginisian ko siya.
"Normal magkasakit ang isang tao, pero hindi naman nakakamatay ang sakit niya bakit ka atat?" sarkastiko kong sabi.
"Mayabang ka!" hindi ko ginawang umatras ng sugurin niya ako papalapit.
"Kuya!" sigaw ni Gavin kaya naman bago mahawakan ng kuya ni Gavin ang kwelyuhan ng damit ko ay may humuli na sa kamay niya.
"Hands off man," ang tinig niya ay nilingon ko at doon ko natagpuan ang seryoso niyang mukha na akala mo ay papatay ang tingin.
"Touch my woman and you'll rot in jail, you better think right." Kent Axel said in monotone, I gulped once again.
"Let's go love." Kent grabbed my hand and left the room, kinakabahan ako dahil parang galit siya.
"Let's go home, can we?" mahinahon niyang tanong at hinarap ako, pinagmasdan ko ang hitsura niya tapos matipid na tumango.
"Good, let me sleep with you." Inakbayan niya ako at tinangay sa kung saan niya nais.
Nang makarating sa penthouse ko ay binuksan ko 'yon habang nasa likuran ko siya ngunit natigilan ako ng makaramdam ng kakaiba hanggang sa may parang hangin na anino ang dumaan ngunit hindi niya naiwasan ang tunog ng paa.
"Y-Ya!" sigaw ni Kent at akmang hahabulin pa ng pigilan ko siya.
"L-Let's just rest, okay?" pansin ko kasi na pagod talaga siya pero hindi siya nagsasabi.
Bumuntong hininga siya at tumango ng makapasok ay sinarado kong mabuti ang penthouse sinundan naman ako ni Kent hanggang sa makarating sa kwarto.
Ibinagsak niya ag katawan at hindi na inalis ang medyas na suot kaya naman pumunta ako sa closet ko para kumuha ng pamalit. Nang makapagbihis ay inabot ko ang isang longsleeve na kakasya kay Kent at tsaka ko siya sinilip.
"Magbihis ka para mas kumportable," wika ko pa tinitigan niya ako at kinuha ang binigay ko.
"Thank you love," wika niya at ngumiti ngunit halos malunok ko ang sariling pagkatao ng mag-alis siya sa harapan ko dahilan para matuon ang mata ko sa maganda niyang dibdib.
Napalunok ako ng maisip ko na hawakan 'yon kaya naman umiling iling ako. "What are you doing?" nang marinig siya ay basta na lang akong tumalon sa kama at niyakap ang isang unan na extra.
"Okay ka lang?"
"O-Oo! A-Ayos lang syempre!" tugon ko at pumikit ng mariin hanggang sa maramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko at batid kong nahiga na siya sa tabi ko.
"Love," bulong niya at naramdaman ko ang init ng hininga niya sa batok ko! Shet ba't ang lapit mooooo!
"Love."
"B-Bakit?" tugon ko at mas pumikit ng mariin.
"Can I have the permission to hug you from behind?" ang tibok ng puso ko ay hindi mapakali ng pabulong niyang itanong 'yon.
Alanganin akong tumawa. "A-Ano ka ba b-boyfriend kita kaya hindi 'yon masama." Humigpit ang kapit ko sa unan ng maramdaman ang katawan niya sa likod ko ngunit unti unting kumalma ang pagkatao ko ng maramdaman ang comfort sa mainit niyang yakap.
"Love, Hi." Nagtaka ako at bahagya siyang nilingon.
"Hi." Tugon ko.
"Love," bulong niya.
"B-Bakit?"
"Can you say the word love?" his voice is so deep but it's also calm like the ocean.
"L-Love," kinakabahan kong bulong.
"You're not yet comfortable right?" he asked.
"I'll be used to it, hindi lang ako makapaniwala na ikaw ang tatawag niyan sa akin." Ang kamay niyang nakayakap sa akin ay ipinatong niya sa kamay kong nakayakap sa unan.
"Before, I thought love is just a feeling that you can get rid easily. But then when I felt it, it's also painful." He said and pauses kaya naman napagdesisyonan kong harapin siya.
"Actually my trust issues went high when I was fooled once," he cuts his word and look at my eyes. He gently caresses my face, "but I know yours is high too. I didn't expect to be here beside you, doing this."
"Bumalik ako sa pilipinas ng hindi sigurado kung matatagpuan pa ba kita," wika niya habang ako ay tinititigan ang mga mata niya.
"Hindi ako sigurado kung sa pagbalik ko makakasama pa ba kita tulad ng dati, sa tuwing nakakausap ko si noona hindi ko magawang tanungin kung nakikita ka niya dahil natatakot ako sa balitang baka masaya ka na sa iba." Mahina ko siyang napalo sa dibdib dahilan para mapangiti siya.
"I'm serious, bumalik ako sa pilipinas makalipas ang isang taon. Nirarason ko ang kagustuhan ko sa lobster hanggang sa narinig ko sa pamangkin na pumunta ka daw sa Palawan." Napalunok ako at nagtaka.
"Hindi kita nakita, nanghihinayang ako no'n. Then doon pa lang sinabi na mismo ni noona kung ano yung nararamdaman ko, pero natatakot akong mas masaktan ka kung sakaling magkamali ako." Ngumuso ako at tsaka ko inabot ang pisngi niya.
Napangiti ako ng sobrang lambot no'n parang ito lang yung unang beses na nahawakan ko ito, napunta ang palad ko sa visible jawline niya. As I traced it Kent stopped my hand from doing it. "W-Why?"
"It makes me feel something I shouldn't," bulong niya kaya namula ang buong mukha ko at tumikhim na lang tapos ay binawi ang kamay ko at nagtago sa dibdib niya.
Mahina siyang natawa at tinapik tapik ang likod ko dahilan para makaramdam ako ng antok at ipinikit na lang ang mata ko.
√√√
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top