Chapter 44 [Thankful]

Third Person's Point of View.

Pumunta si Kent kay Lauren, nagmamadali at mainit ang ulo. Pagkakatok ni Kent Axel ay si Lauren ang nagbukas at doon ay nagulat si Lauren.

"H-Hey," bati nito.

"Why did you do it?" panimula ni Kent Axel.

"Why did you do it?! Answer me!" nanginginig ang labi na tanong ni Kent Axel dahilan para kabahan si Lauren.

Batid niya kasing galit ang binata sa kaniya.

"I didn't do anything!" sigaw na sagot ni Lauren.

"Really?"

"Then you accidentally put insi—"

"Don't accuse me! Wala akong kinalaman diyan!" malakas na sigaw ni Lauren kaya mahinang natawa si Kent Axel.

"You know what?" napatitig si Lauren ng sabihin 'yon ni Kent Axel, kinakabahan si Lauren dahil alam niyang ginawa niya talaga 'yon.

"W-Wha—"

"I'm glad I didn't end up with you, thank you for fooling me before." Mariing sabi ni Kent Axel dahilan para masaktan si Lauren at walang nasabi.

Tinalikuran siya ni Kent Axel at naglakad na papaalis doon.


Saji Argelia's Point of View.


Panay ang buntong hininga ko ng mag-isa ko lang sa hospital room dahil sa kailangan pa nilang alisin ang allergy reaction sa mismong loob ng katawan ko kaya mananatili pa ako rito hanggang sa maubos ko ang 4 shots.

Inabot ko ang cellphone ko at dumeretso sa IG kinuhanan ko ng litrato ang kamay kong may swero at idinamay ko na rin ang paligid upang ilagay sa My Stories na ang caption ay 'Always left alone'

Napanguso ako at inabot na lang ang dinala ni Kuya Luke na medical book pagkabuklat ko no'n ay sinarado ko rin agad sa katamaran na nararamdaman.

Ba't kaya ganito ang nararamdaman ko? Ang dami kong gustong mangyari pero sa kakaisip kung ano ang uunahing gawin wala akong nagagawa.

Nalaman ko rin na binisita ako ng magulang ko pero umalis rin sila dahil hindi ko raw gugustuhin na makita sila na tama naman.

Bawal ako sa malalansa ibig sabihin niyan hindi pa ako pwedeng kumain ng seafoods, in short bawal ang paborito kong lobster.

Inabot ko na lang muli ang cellphone ko at tinignan ang story ko ngunit nangunot ang noo ko ng 260 people kaagad ang nakakita nito at ang nasa unahan pa ay si Kent Axel.

Gusto ko ng coffee, o hindi kaya maiinom galing sa cafe. Habang tumitingin ng stories ay nangunot ang noo ko ng makita ang story ni Kent Axel.

Napalunok ako at pasimpleng tumikhim, tsaka ko pinatay ang cellphone may meeting with client siguro si attorney.

Tinignan ko ang contacts ko ngunit halos mapalunok ako ng maalala kung ano ang pangalan niya sa contacts ko.

My Attorney

Shit! Hindi niya naman siguro 'to nakitang nakabukas bago ako nawalan ng malay?

Kagat kagat ang ibabang labi ay pinilit kong matulog dahil nabuburyong lang ako, niyakap ko ang unan at inagapan ang swero.

Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok kaya awtomatiko ang lumingon ngunit halos magulat ako sa sariling tibok ng puso.

"A-Attorney," bati ko sa kaniya.

"Did you eat your lunch already?" tanong niya habang deretsong nakatingin sa akin kaya naman napalunok ako bago sinuri ang suot niya.

Naka-itim na jogging pants lang naman siya at hoodie na gradient gray and black pero ang lakas ng dating niya.

"Doctor," nahihiya akong nag-iwas tingin at umiling.

"W-Wala pa attorney," pabulong kong sagot napansin ko rin ang hawak niya na inumin kaya naman ng lumapit siya sa akin ay hinila niya ang upuan sa tabi ng kama ko.

"Where are they?" he asked while handing me the drink he just bought.

"T-Thank you, may urgent operation sila eh." Sagot ko at tinikman ang binigay niya.

"Is that so, when will you discharge?" tanong niya at ininom rin ang sa kaniya.

Kung hindi lang ako slow, iisipin ko ibang discharge ang sinasabi niya.

"Bukas pa ng gabi, para macomplete ko yung 4 shots for allergy. Baka daw kasi may pahabol," maayos kong kwento at umayos ng upo tumango lang naman siya kaya pasimple akong humigop.

"Are you bored?"

"A-Ako?" tanong ko habang nakaturo sa sarili.

"Yeah."

"Sakto lang, sanay naman ako sa ospital pero hindi yung sa ganitong sitwasyon. Marami pa akong pasyente," kwento ko habang siya ay prenteng nakikinig lang habang umiinom.

"Wala kang meeting?" tanong ko.

"None," matipid niyang sagot.

"B-Bakit ka pala nandito? Halos 3 hours pa lang yung lumipas," pahina ng pahina kong sabi.

"Nothing, baka kailangan mo ng kausap o kasama." Patay malisya niyang sagot kaya napaiwas tingin ako at simpleng ngumiti.

"I got bored easily, I hate being locked up in a room look so plain. Pero dahil kailangan," sagot ko pa kahit hindi siya nagtatanong.

"What are your plans?" tanong niya kaya naman napaisip ako.

"Saan?"

"Plans in life?" patanong niyang sabi ang mata niya ay nasa akin. Atensyon.

"Sa totoo lang wala, I'm about 27 pero buhay ko pa rin inaatupag ko." Natatawa kong kwento.

"Oh 27," sagot niya at parang napapaisip.

"How do you see yourself after ten years?" tanong ko dahilan para matigilan siya.

"Married, maybe having 1 or 2 kids with you." Halos maibuga ko ang laman ng bibig ng maintindihan ang sinabi niya ngunit wala siyang binawi.

"Grabe ka naman attorney, muntik ko ng malunok yung straw. Yawa," bulong ko sa huli ngunit hindi nagbago ang ekspresyon niya.

"Really? Straw?" hindi makapaniwala niyang tanong kaya umirap ako pero hindi nagbago ang seryoso niyang mukha habang umiinom ng binili niya.

"Attorney bakit hindi mo ako sinita noong nakaraan?" nagtataka kong tanong dahilan para tignan niya ako.

"When?" he asked and put his elbows on my bed and rest his hand on his chin.

"Sa school ni Jami," wika ko inaalala ang nangyari.

"As if they know about the law that much, hindi mo naman ginamit sa korte so it's fine." He hissed kaya napatango tango ako.

"Saan mo nalaman yan?" tanong niya.

"Kuya Gray," mahina kong sagot.

"Ah him," bulong niya sa sarili at hindi na ako pinansin.

Nang may kumatok ay nilingon namin 'yon at doon namin napagtanto na yung lunch pala galing sa ospital nakangiti yung orderly kaya naman si Kent Axel ang kumuha no'n.

Inilagay ni Kent Axel ang mesa sa harap ko at pinatong doon ang tray kaya naman pinanood ko siya ngunit ng mapansin ang isang kamay niya ay mabilis kong inabot 'yon.

"What's this?" tanong ko ngunit mabilis niyang binawi ang kamay tapos tumikhim.

"Accident happens," bulong niya at iniiwas ang tingin kaya naman napalunok ako dahil alam kong hindi aksidente yon.

Para siyang nahiwa, na hindi maintindihan kung ano pero nasa 2 inch ang haba at medyo malalim.

"Y-Ya, you should cover or stitch it." Nag-aalala kong sabi narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Hindi n—"

"Maiinfection 'yan attorney! Doctor ako ano ka ba," inis kong sabi at tsaka ko pinindot ang button na pula upang magtawag ng nurse.

"I'm fine—"

"Pag yan hindi mo pinatahi sa akin bubuhusan ko yan ng alcohol," banta ko dahilan para mapalunok siya.

"Harsh," he whispered.

"Talaga kaya tatahiin ko yan," saad ko.

"That's painful," saad niya kaya natawa ako ngunit pumasok na yung nurse.

"Yes doc?" tanong nito.

"Bring me something to cover for this," alam na nila ang ibig kong sabihin. Tinignan nila ng sulyap ang kamay ni Kent Axel at tsaka sila tumango at mabilis na lumabas.

After 2 minutes ay bumalik na sila kaya naman lumapit ako kay Kent Axel naghintay naman yung nurse na gugupit. "M-Masakit yan," wika ni Kent Axel kaya napairap ako.

"Anesthesia," wika ko sa nurse na agad namang sumunod kaya kinuha ko ang injection at tinusok ito kay Kent bago ako naghintay ng ilang minuto ay tinignan ko siya.

"May nararamdaman ka?" tanong ko tapos pinitik ang walang sugat na parte ng braso niya umiling naman siya sa akin kaya tumango ako at sinimulan na.

"Huwag mo na lang tignan," bulong ko.

"Attorney bakit mo 'to pinapabayaan? Pag na-infection tetano uwi mo," sermon ko pero panay buntong hininga lang siya.

"Cute mo pa naman tapos mamatay ka lang sa tetan—"

"What?" tugon niya dahilan para umiling ako, mahina namang natawa yung nurse na nakadinig sa bulong ko.

Matapos kong tahiin yon ay tinakpan ko 'yon ng waterproof bandage at tsaka ko mahinang pinisil ang sa bandang muscle niya hindi para manchansing upang malaman kung may mararamdaman siya.

"Chansing doc," mabilis kong sinamaan ng tingin ang nurse dahilan para maubo ito at mag-iwas tingin.

"I am checking if his muscles are relax because of the anesthesia, chansing ka diyan." Singhal ko tapos tinignan si Kent Axel na seryoso ang mukha.

"Oh okay ka na po ha? 2 days bawal magbuhat ng sobrang bigat. No workouts, jogging pwede. Plus huwag mo munang babasain," paalala ko na tango lang ang isinagot niya.

"Malinaw tayo 'don?"

"Yea doc," ngiwi niyang sagot kaya tinapik ko yung nurse upang umalis na siya kasama ang mga gamit rito.

"Sasakit yan ng konti mamaya pag nawala na yung bisa, bibigyan na lang kita ng pain reliever." Tumango lang siya muli at gamit ang kamay na walang tahi ay inabot niya ang inumin.

Bumalik na ako sa kama ko at binuksan ang food tray tsaka ko nilingon si Kent Axel. "Naglunch ka na attorney?"

"Mm, kanina. Why? Do you want me to feed you?" awtomatiko akong umirap at hindi na siya sinagot baka masungitan ko pa.

Habang kumakain ay tumunog ang cellphone ko, akmang aabutin ko na ng kuhanin 'yon ni Kent Axel at sagutin. Nangunot ang noo ko at tinitigan lang siya, "She's busy eating."

"Well kinda, I have to. Maligalig ka eh," napa-weh ang mukha ko ng gamitan niya ng malalim na tagalog ang salita.

"Who's the caller?" tanong ko.

"Someone I know," sagot niya kaya umirap ako.

"Sino nga attorney?"

"Lalake mo raw," umawang ang labi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Baliw ka ba?" singhal ko dahilan para mahina siyang tumawa.

"Come on bro, just visit me and let's have a drink." Huhulaan ko na si Jared ang kausap niya.

"Time?" tanong pa niya.

"With Saji? No thanks ayoko sa alagain," pasimple kong kinuha ang tissue at binato sa kaniya.

"Just the two of us bro—"

"'Wag Jared! Date na lang tayong dalawa like befo—"

"Oops I clicked the end call?" sarkastikong sabi ni Kent Axel kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Funny attorney," inis kong sabi na mahina niyang ikinatawa.

Ibinalik niya sa kama ang cellphone ko at tahimik lang muling naupo, bumuntong hininga ako at kumain na lang ng matapos ay nahiga akong muli lalo na ng makaramdam ng antok matapos inumin ang gamot ko. "Attorney," mahinang tawag ko habang nakapikit.

"Hmm?" tugon niya kaya matipid akong ngumiti.

"Gomawo," bulong ko. Narinig ko naman ang pagtikhim niya at hindi na tumugon sa sinabi ko.

"Kayat ka," dagdag bulong ko. Tinuro lang ito sa amin ng nurse na taga pangasinan kaya naman sinabi ko na.

"What kind of alien language is that?" Tanong niya kaya pumikit na lang ako at niyakap ang unan ko dahil sa antok na nararamdaman.



MAKALIPAS ang ilang linggo at dumating na ang kaarawan ko, naghahanda sila ng malaking party para sa 27th birthday ko at dahil si Ate Mia ang katulong ko sa pag-aayos nagsalon kami at pinakulayan niya ng silver gray ang buhok ko.

Na bagay naman, ngayon ay inaayusan lang ako sa mismong penthouse ko simple lang ang gusto ko dahil gusto ko lang maging professional look ba.

6:30 PM ang start ng party nandoon rin ang mga invited sa hospital at malaya ring makakadalo ang mga kasama namin sa hotel.

Nang matapos kong ayusan ay nag-paalam akong maglalakad lakad muna habang may 1 hour pa bago abg start na hinayaan naman ako.

Panay ang buntong hininga ko habang nakasuot ng itim na fitted dress at tinernuhan ng takong na bahagyang mataas.

Habang naglalakad ay natigilan ako ng makita ang maduming gawain sa hindi kaaya ayang parte ng hotel, natulala ako sa nakita.

Ipinagbabawal ang pagpatay sa loob ng organisasyon na kinabibilangan namin kaya mula no'm bibihira na ako makakita ng ganitong krimen.

"T-Tulong!" nang parang abutin ng lalake ang kamay ko kahit na malayo ako sa kanila ay kinabahan ako ng lilingon na ang sumasaksak sa kaniya ngunit may mabilis na tumulak sa akin pa-gilid sa pader at halos mariin akong mapapikit ng maramdaman ko ang mukha niya sa leeg ko.

"Sino yan!?" malakas na sigaw ng lalake kanina kaya mas kinabahan ako ngunit sa ginagawa nito ay nahuhulaan ko na ang ginagawa niya!

Unti-unti kong nakilala ang amoy ng lalakeng ito kung kaya't ng pinilit kong magpumiglas ay inilagay niya ang hintuturong daliri sa labi ko.

Hindi niya hinahalikan ang leeg ko ngunit pinakikita niyang parang hinahalikan dahil sa anggulo, at dahil doon ay mabilis kong narinig ang mabibilis na yapak ng paa na para bang nagmamadaling tumakbo.

"Be careful watching criminal scenes, you'll end up putting yourself at danger." Lumayo siya sa akin at doon ko nakita ang suot niyang black long-sleeved button up polo.

At black slacks at naka neck tie pa ito, sinuri ko ang mukha niya hindi pa rin umaayos ang tibok ng puso.

Nang matitigan ang mukha niya ay para akong nagising at mabilis na huminga ng malalim, "What the hell is that?" bulong ko at nilingon ang kaninang lalake na humihingi ng tulong pero mabilis akong hinila pabalik ni Kent Axel.

"We can't interfere with their business, 98th rule of our organization." Nangunot ang noo ko at tinitigan siya.

"You're a l-lawyer yourself," wika ko.

"You should find justice!" singhal ko, iniiwas niya ang tingin at tsaka niya nakagat ang ibabang labi.

"You think I'm innocent?" tanong niya dahilan para matulala ako sa mukha niya.

"H-Huh? A-Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong.

"I was once guilty, but never been proved." Umatras siya matapos sabihin 'yon at tsaka ako tinalikuran kaya naman nanginig ang labi ko at ang kamay ko.

"Does that mean he killed someone already?" bulong ko at nagmamadaling umalis sa lugar na 'yon at patakbong bumalik sa venue ng party dahil magsisimula na rin ito.

Nang makabalik ako ay bahagyang lutang ang isip ko, hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Kent Axel sa akin.

At natatakot ako, dahil kamatayan ang kapalit ng pagpatay. Nang magsimula na ang party ay maraming bumati ngunit panay salamat ang ginawa ko.

Ngiti, nakikipagkamay, pasalamat, hanggang sa umabot sa kainan at may mga performances rin na magaganap like banda and mga artista na naimbita ni Kuya Luke.

Tahimik lang akong nakaupo hanggang sa lumapit sa akin si Kuya Zai at may dala na siyang food para sa akin kaya naman ngumiti ako at nagpasalamat.

"Sa lahat ng handa mo walang strawberries kahit isa kaya safe ka, may malalaking lobster rin kaya huwag kang mag-alala. Enjoy your day hanggang ma-high blood ka," natawa ako sa mahabang sinabi ni Kuya Zai kaya naman sa pabilog na mesa ay wala si Ate Mia, Kuya Luke at Kent Axel.

"Nasaan si Sierah?" tanong ko.

"Nandoon kasama ang mga pinsan niya," nakangiting sabi ni Kuya Zai kaya tumango tango ako.

"Ang tagal naman ng lobster ko," nakanguso kong sabi ngunit biglang namatay ang mga ilaw at nagkaroon ng spot light sa stage kaya nangunot ang noo ko at nagfocus doon.

"May special guest ba?" tanong ko.

"Ewan ko," sagot ni Kuya Zai kaya nangunot ang noo ko dahil maganda ang ngiti niya at inabot pa ang wine glass.

Ngunit ganoon na lang umawang ang labi ko ng makita si Kent Axel sa gitna at may hawak na gitara, tapos may drummer rin sa gilid. "Ang lover boy," bulong ni Kuya Zai kaya napalunok ako.

"Well, Of course I dedicate this song for our celebrant. Happy birthday and I wish for your happiness," sinsero niyang sinabi 'yon habang nakatitig sa akin hanggang sa magsimula na ang intro ay panay ako lunok.

Ang gwapo niya punyeta para akong mamatay sa kilig.

√√√

@/n: Any thoughts? Keep safe alam kong hindi lahat happy sa pasukan dahil madalas sa inyo ay pressured at stress pero kaya niyo yan! Good luck! 💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top