Chapter 43 [Cake]

Saji Argelia's Point of View.

Matapos kong makuha ang bagong tahi ay napabuntong hininga ako. "Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko kay Kent Axel na nakasuot ng loss black v-neck kaya kitang kita ang collar bone niya.

"Mmm," tugon niya.

"Tip number 1: huwag kang magdadalawang isip na magtano-"

"Oppa! Nakakainis ka na!" singhal ko at masama siyang tinignan.

"Joke lang amp- oww tumatawag ang feeling panganay kong pinsan," wika niya at sinagot ang tawag sa cellphone.

"Yes brader?" pinakinggan ko lang ang pag-uusap nila.

"Huh? Si attorney? Kasama ko bakit?" nangunot ang noo ko.

"Hinahanap ni Lauren? Isama ko rin si Saji.. Oo sige pupunta kami ngayon na," napairap ako at ngumiwi.

"Kayo na lang pumunta, pinaiinit ng babae na yon ang ulo ko." Inayos ko pa ang suot suot na hoodie ni Kent ngunit seryoso akong tinignan ni Kuya Zai.

"Sumama ka, dali na."

"Oppa ayaw-"

"I said come with us, huwag ng makulit." Nangunot ang noo ko at bumuntong hininga na lang.

"Gege," bulong ko at tumayo na.

"Kuhanan mo siya ng makapal na damit kita mong nilalagnat," utos ko kay Kuya Zai kaya naman ng sumunod ito ay maayos na ang lahat kaya sabay sabay kaming umalis ng penthouse.

Nang makarating sa kwarto ni Lauren ay nangunot ang noo ko at tinignan siya ng pagtataka. "Tell them," wika ni Kuya Luke kaya nangunot ang noo ko.

"Saji tried to kill me," nangunot ang noo ko sa sinabi niya tapos mahinang natawa.

"Seryoso?" tanong ko.

"Binaril mo ako kasi nagseselos ka dahil hanggang ngayon ako pa rin ang gusto ni Kent Axel!" natigilan ako at napatitig sa kaniya.

"At iniisip mo na pag nawala ako baka sakali na ikaw ang gustuhin niya," wika niya kaya naman tinignan ko ang mga kasama.

"Tanga, edi sana matagal ko ng ginawang patayin ka. Kaya nga sabi ko sa'yo magpasalamat ka 'di ba?" ngiwi at dismayado kong sabi.

"At isa pa kasama sa batas namin na bawal kaming kumitil ng buhay, hibang ka?" kwestyon ko.

"Kalokohan, sana kung gagawa ka ng kwento yung kapani-paniwala. Hindi ko na lang sana tinakbo ang rooftop kung ganyan rin lang, scam amp." Humakbang ako papalapit sa kaniya.

"Hindi rin kita pwedeng barilin tandaan mo 'yan, patay ako sa kuya ko na patay na patay sa'yo. Hindi ko sasayangin ang linis ng kamay ko kung ikaw rin lang ang dudungis rito," malinaw kong sabi at ngumiti.

"Kung ganoon sinong bumaril sa akin? Multo-"

"Depende, inuna ka ngang puntiryahin kesa sa akin huwag mo akong tanungin. Kaka-atake nga lang sa akin," wika ko at naupo sa sofa tapos inabot ang ubas.

"Balak mo akong kasuhan kaya mo pinapunta si Kent Axel rito? Go ahead, sinong tinakot mo? Anino ko?" sinamaan niya ako ng tingin matapos kong sabihin yon.

"You're accusing me due mere speculations," bulong ko.

"Maling mali, sa'yong sa'yo si Kent Axel kung 'yon ang gusto mo. Wala akong pakialam kung sisirain niyo lang ang payapa kong buhay, you can have him." Ngumisi ako at sumandal sa sofa.

"Pero sasabihin ko sa'yo, baka sumama ang loob mo. Ilang beses na akong hinalikan ng lalakeng gusto mo, kaya magpakamatay ka kung hindi mo matanggap. Ganoon kadali," seryoso kong sabi at hindi tinitignan si Kent Axel.

"Laruan ba ako para pagpasa-pasahan niyo?" natigilan ako at napalingon kay Kent Axel.

"D-Dongsaeng," napatingin ako kay Ate Mia kaya naman bumuntong hininga ako.

"What did I do to you huh?" hindi ko nilingon si attorney at basta basta lang akong tumayo at lumabas ng kwarto.

Nang makalabas ay natigilan ako ng may pumigil sa akin dahilan para mangunot ang noo ko at titigan si Kent Axel. "What?"

"Tell me what did I do?" he asked, I started to stare at his pale face and lips.

"Nothing, just compete with Lauren's heart. Stop bothering me, maiisip mo rin kung ano talaga ang nararamdaman mo pag wala ako. Konsensya lang yan," pinilit kong ngumisi at tatalikuran na sana siya pero inabot niya ang kamay ko.

"Konsensya?"

"Gano'n ba kasama ang tingin mo sa akin para sa tingin mo pampalipas oras lang kita?" tinitigan ko siya tapos muling nginitian.

"Hindi, pero tingin ko konsensya lang yan kasi best friend mo ako. Isipin mo," wika ko at nagmamadaling umalis doon.

Ngunit kusang tumigil ang paghakbang ko ng marinig ang pagsalampak sa sahig at pagsigaw ng mga nurse dahilan para lumingon ako.

Ngunit nakita ko na lang si Kent Axel na walang malay dahilan para bumalik ako doon. "Attorney!" pag-gising ko rito.

"S-Sa office ko," utos ko sa kanila at sinabayan silang maglakad papunta sa office.

Nang maihiga nila si Kent Axel ay kinuha ko ang thermometer at tinignan ang temperature niya ngunit napabuntong hininga ako ng sobrang taas nito.

"You may leave," utos ko na agad naman nilang sinunod.

Kumuha ako ng unan at kumot sa cabinet tapos ay inayos ang pwesto niya, nang makumutan ay dahan dahan akong lumuhod upang pantayan ang mukha niya.

Mariin akong napapikit at hinaplos ang pisngi niya. "S-Seki," bulong ko.

'I really like you attorney, pero hindi sapat ang mga nakikita ko para paasahin abg sarili ko sa sinasabi mo.'

Pero mali rin na pahirapan kitang nagtataka sa mga ginagawa ko, dapat niya munang isipin dahil alam ko na baka nalilito lang talaga siya.

Bumuntong hininga ako at naupo sa carpet at mariing pumikit, malapit na ang birthday ko pero bakit hindi ako masaya?

***

Dalawang linggo ang lumipas at dalawang linggo na lang rin bago ang birthday ko, hindi pa rin ako pwedeng humawak ng scapel kaya wala akong magawa kundi magstay sa er at magrounds.

"Pahinga bunso," napalingon ako agad kay Kuya Luke kaya nginitian ko siya.

"Uuwi rin ako mamaya oppa, 'wag kang mag-alala." Seryoso kong sabi.

"Okay, that's good. Rest malapit na ang Birthday mo," napangiti na lang ako.

"Nothing special oppa," ngiwing sabi ko at tumikhim na lang. Mahina na lang natawa si Kuya Luke kaya nag-paalam na ako at napagdesisyonan na umuwi muna upang magpahinga dahil wala rin naman akong magawa sa ospital dahil hindi ko magawang magtagal sa loob ng operating room.

Habang naglalakad ako papunta sa penthouse ay natigilan ako ng makasalubong si Sierah kasama ang yaya niya, may dala-dala itong kahon at nakangiting tumigil sa harap ko kaya nginitian ko rin siya. "Hmm what's with your smile?" bati ko.

"Mommy and Daddy said that this is for you tita, for your coming birthday." Nakangiting sabi nito kaya mahina akong natawa at tinanggap 'yon.

"Thank you, ingat kayo sa pupuntahan okay?" tumango tango ito at nagpaalam na kaya napangiti ako at tsaka habang hawak ang kahon ay dumeretso na ako sa penthouse.

Nang makapasok ay inilagay ko sa dining table ang box at dumeretso sa kwarto, titikman ko muna ang cake dahil stress ako sa buhay baka makatulong. Matapos kong magbihis ay dumeretso ako sa kusina at kumuha ng cake knife at dessert plate.

Binuksan ko ang kahon at halos magningning ang mata ko ng titigan ang napakagandang cake, chocolate flavor ito at maraming maraming chocolate ang nasa ibabaw nito. Hinati ko na ito at halos maglaway ako ng makita na may mas marami pang chocolate sa loob kaya excited akong kumuha at naupo sa harap ng flat screen tv.

'Kumusta kaya yung isang 'yon?'

Bumuntong hininga ako at ibinaba ang cellphone sa tabi ko tapos ay kumain na lang ng cake, napangiti ako ng sobrang sarap ng cake. Bakit nakakatakam ang cake na 'to? kakaiba ang dating niya sa panlasa ko parang bago sa panlasa ko pero natikman ko na noon.

Habang kumakain ay hinati ko ang pinakahuli at sinubo, ngunit ng tignan kong muli ang cake ay natigilan ako ng makita ang kulay red na maliit na piece. Mas inilapit ko sa akin 'yon at tsaka ko inilagay sa white part ng plate ngunit ganoon na lang ang kaba ko ng makilala ang prutas na ito.

Napahawak ako sa leeg ko at napakamot doon, nakagat ko ang ibabang labi at mabilis na tinawagan si Kuya Luke ngunit nakailang ring na ay hindi niya nagawang sagutin dahilan para tawagan ko si Kuya Zai at Ate Mia ngunit parehas na hindi sumasagot.

Malala ako atakihin ng allergy, panay ang kamot ko sa kung saan saan ngunit walang sumasagot hanggang sa medyo mahirapan akong huminga na para bang may nakabara sa lalamunan ko ay si Kent Axel na ang tinawagan ko ngunit ang first ring ay hindi niya nasagot.

Kaya pinilit kong tumayo ngunit para akong inaatake ng asthma, nangangati at hindi mapakali hawak ko ang cellphone ay pinilit kong lumabas. Nang makalabas ay pinindot ko ang button ng elevator ngunit ang tagal nitong bumukas hanggang sa mapaupo ako sa gilid ng elevator at mariing pumikit pilit tinatawagan ang kung sino ngunit wala, walang sumasagot.

Kumuyom ang kamao ko at nagsimulang manginig ang kamay ko kasabay ng malalim na paghinga hanggang sa bumilis iyon ay sobrang nababagalan ako sa elevator. Mariin akong pumikit at pinalo ang elevator, sobrang nahihirapan na akong huminga.

Nagmulat ako at tinignan ang balat ko ngunit panay rushes na iyon, naikuyom ko ang kamao at ng bumukas ang elevator ay gagapang na sana ako ngunit dalawang pares ng paa ang nakita ko.

"S-Saji.."

"H-Hindi ako makah-hinga," hirap na hirap kong sabi ngunit naramdaman ko ang paglutang ko sa ere.

"Relax, breathe." Mahinahon niyang sabi kaya huminga ako ng malalim at pilit na inaalalayan ang paghinga ko.

"Tsk allergies," rinig kong bulong niya.

Nang makarating sa ospital ay nakilala ako ng lahat, rinig na rinig ko kung papaano mataranta ang lahat. Nang maramdaman ko ang malambot na kama ay mabilis nila akong nilagyan ng oxygen at mabilis ko ring naramdaman ang masakit na turok mula sa braso ko.

"Calm down doc," pinilit kong kumalma ngunit hirap na hirap pa rin akong makahinga.

"She'll fall asleep minutes later," iyon ang huling narinig ko na malinaw na malinaw.

***

Nagising ako ngunit naramdaman ko ang nakahawak sa kamay ko dahilan para lingunin ko 'yon, napalunok ako ng makita siyang nakayuko sa kama ko habang hawak hawak ang kamay. Nasa isang private hospital room ako, maaliwalas at kulay puti. Tumikhim ako upang magising siya na nangyari naman.

"G-Gising ka na pala, t-tubig?" tanong niya kaya tumango ako kumuha naman siya ng water bottle na may straw kaya pinilit kong bumangon ng bahagya at tsaka uminom.

Sumandal ako sa headboard ng kama at pinanood siyang gumalaw. "A-Anong oras na?" bahagya akong namaos kaya tumikhim ako.

"9:23 AM," wika niya habang nakatingin sa relos.

"Umaga na?" gulat kong tanong.

"Hmm."

"Si oppa?" tanong ko.

"Binantayan ka nila kagabi pero ngayon may operations silang lahat," maayos niyang sagot kaya naman tinitigan ko siya.

"A-Attorney," mahina kong tawag.

"Mm?" tugon niya.

"Thank you," nahihiya kong sabi.

"Next time eat consciously, kinabahan ako sa one missed call mo kaya nagmadali akong pumunta. Hindi ko nasagot dahil naliligo ako no'n." Explain niya kaya matipid akong ngumiti.

"I know that I've been rude and mean to you, I'm sorry. Thank you," pabulong kong sabi at nag-iwas tingin.

Hindi niya ako inimik at basta basta na lang niyang inabot ang codal niya na ang nakalagay ay Civil Code of the Philippines, ngumuso ako at tsaka hinanap ang cellphone ko ngunit hindi ko ito makita. "A-Attorney, yung cellphone ko?" Tanong ko sa kaniya.

"This?" tanong niya at dinukot sa bulsa ang cellphone ko kaya tumango ako.

Nang ibigay niya sa akin 'yon ay binuksan ko at full charge na rin kaya naman napalunok ako ng maraming text messages ang nandidito. "Luh sino 'to?" bulong ko sa sarili binabasa ang isang text messages.

"Why?" halos manlaki ang mata ko ng kunin niya ang cellphone ko at malakas na basahin ang text.

"Fun seeing you suffer, fool. Unknown number?" Taka niyang sabi at ibinalik 'yon sa akin.

"Who gave you that cake?" Tanong niya.

"Si Oppa Zai at Lauren daw," mahina kong sabi.

"Oppa Zai won't harm me, alam niyang may allergies ako sa strawberries." Paglilinaw ko

Si Lauren? "I know that," wika ni Kent Axel kaya bumuntong hininga ako.

Sabay kaming natigilan ng bumukas ang pinto ng kwarto tapos ay may dalang tray yung orderly. "Breakfast po doc," tumayo si Kent Axel at siya ang kumuha no'n.

Napalunok ako ng maamoy ang mabangong umagahan, hinila ni Kent Axel ang na-aadjust na mesa at pinunta sa mismong harapan ko.


"Sabayan mo na ako, hindi ko mauubos 'to." Anyaya ko dahilan para matigilan siya at suriin ako.

"Hindi na," wika niya kaya umirap ako.

"Sabayan mo na ako attorney," bumuntong hininga siya at naupo sa harapan ko kaya nag-indian sit ako at tinignan ang mukha niya.

Ang putahe rito ay bacon, ham, pork chop, Chapsuey tapos fried rice. May ice cream at hash brown sa gilid kaya naman gamit ang isang kamay ko na walang swero ay kinuha ko ang kutsara.

"Glad there's no egg," rinig kong bulong ni Kent.

"Bawal-"

"I know doctor, that's why i'm glad. Give me that," napaawang ang labi ko ng kunin niya ang kutsara at pagsandukan ako at subuan.

"K-Kaya-"

"Ah," ngumiwi ako at sinunod na lang siya.

Nang may kumatok ay nilingon ko ito habang ngumunguya at doon ko napagtanto na dumating ang drinks na halatang mango flavor at isang pocari sweat.

"Thank you po," pagpapasalamat ko at nilunok ang laman ng bibig.

Pagkaharap ko kay Kent Axel ay nanlaki ang mata ko ng may isubo na naman siya dahilan para nakanguso akong ngumunguya.

"Kumain ka rin kaya-"

"Don't talk when your mouth is full, proper table ethics doctor." Napairap ako at pinagkrus ang braso ko tapos kinuha ang hash brown.

Binuksan ko rin ang ice cream at sinawsaw doon ang hash brown dahilan para nagtataka akong tinignan at pinanood ni Kent Axel.

"What the heck is tha-"

"Ah?" itinapat ko iyon sa bibig niya dahilan para magtaka siya.

"No way-"

"Masarap yan!" singhal ko pero umiling iling siya kaya suminghal ako at ngumuso tapos ay padabog na binawi ang isusubo ko sana sa kanya na nasa parchment paper na holder nito.

"Aish arasseo," inis niyang sabi kaya sinubo ko sa kaniya iyon ngunit habang nginunguya ay nangunot ang noo niya.

"Sucks," bulong niya kaya naman ngumiwi ako.

"Masarap kaya anong sucks," inis kong sabi.

"Eat."

Tinanggap ko ang binigay niya at sa susunod na subo ay nagulat kami ng bumukas ang pinto kaya naman awtomatikong namula ang mukha ko.

"Ang sweet namaaaan niyan bunso!" asar ni Kuya Zai kaya umirap ako.

"What a beautiful view," pagpaparinig ni Ate Mia kaya ngumuso ako.

Pero si Kuya Luke ay tumikhim lang at prenteng lumapit sa akin. "How do you feel? Do you feel uncomfortable? Itchy?" tanong niya at tinignan ang malkat ng rushes ko.

"Sa susunod magdala ka na ng sinasabi ko sa'yo Saji, pasaway kain ka ng kain." Sermon niya.

"I checked the cake hyung, it looks like its meditated." Nangunot ang noo ko, ano ba yung meditated? Ginamutan?

"It's just a small piece of strawberry na paniguradong kakalat sa buong cake dahil sa syrup nito," napatitig ako kay Kent Axel.

"I don't know why did Lauren do this, but it's actually attempted murder. It can be use against her," aniya ni Kent kaya naitikom ko ang bibig at tinignan si Kuya Zai na natahimik.

"I can't believe her," bulong ni Kuya Zai.

"No worries, baka hindi niya alam na may allergy ako sa straw-"

"She knows," nangunot ang noo ko ng sabihin 'yon ni Kuya Zai.

"Sinadya niya, maybe until now she loathes you for good. I can't believe her," dismayadong sabi ni Kuya Zai kaya inabot ko ang kamay niya.

"There's still a hope oppa, d-don't lose hope. I know that me and Lauren are not in good terms but I'm trying," matipid akong ngumiti.

"I'm trying hard dahil anak mo si Sierah at alam kong kahit anim na taon ba ang lumipas hindi nagbago ang nararamdaman mo sa kaniya, hindi ako natutuwa sa ginawa niya." Inayos ko ang upo.

"Pero hindi ko siya kakasuhan, hindi ako pumapatol sa mas mahina sa akin." Nang-iinsulto kong sabi at mahinang tumawa.

"Salamat bunso," pabulong na sabi ni Kuya Zai kaya ngumisi na lang ako.

"Kausapin mo nga 'yon, baka pakainin ko ng ipis eh." Pagbibiro ko pa.

"I'll go ahead then," napatingin ako kay Kent Axel na kinuha na ang codal niya.

"Get well soon doctor," mahinang sabi ni Kent Axel kaya tumango ako.

"Thank you attorney," pabulong ko ring sabi.

Umalis na ito kaya naman ngumuso ako ng makalabas siya. "Ano ba kasing nangyari bigla Saji?" napatingin ako kay Ate Mia tapos umiling na lang.

√√√

@/n: Advance Happy New Year! I hope you're all well and enjoy this new year's eve lovelots!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top