Chapter 42 [Suspicious Man Behind]
Saji Argelia's Point of View.
Isang linggo akong nagpagaling ngunit hindi pa ako pwedeng mag-opera ng mga pasyente dahil mabilis mangalay ang balikat ko.
Hindi pa rin nagigising si Lauren at kahit makita ko si Kent Axel dito sa ospital ay hindi ako nagpapahuling tinitignan ko siya pag hindi siya nakatingin.
"Oppa, I'll go first. Babalik ako for night shift," paalam ko ngumiti naman si Kuya Luke.
"Alright, take care." Kumaway na ako at nginitian lang si Ate Mia tapos ay umalis na ngunit natigilan ako ng pagbukas ng elevator ay nakaharap ko si Kent.
Hindi niya ako inimik kaya sumakay na lang rin ako at tinatanaw siya sa malabong repleksyon niya sa pinto ng elevator.
"Attorney," wika ko at nilingon siya mabilis naman siyang nag-iwas tingin.
"Y-Yes?" tugon niya.
"Y-Your zipper," nahihiya kong bulong dahilan para magitla siya at iiwas sa akin ang katawan.
Isinara niya iyon tapos ay inayos rin ang suot na necktie. "T-Thank you doctor," bulong niya kaya iniiwas ko na ang tingin.
Habang nandito sa elevator ay pakiramdam ko sobrang tagal bago kami makarating sa lobby. Nang bumukas ay lumabas na ako kaagad at maingat na naglakad papunta sa hotel ngunit bago 'yon ay tumigil ako sa harap ng hotel at tinanaw ang mismong rooftop.
Ngunit halos mapasigaw ako sa gulat ng may tumama sa likod ko, hindi bala pero kahit siya ay gulat na gulat ng makaharap ako.
"H-Hindi ka ba nag-iingat," mahinang sabi ko dahilan para mapayuko siya.
"S-Sorry," bulong niya kaya naglakad na ako papaalis doon at hindi siya pinansin ngunit alam ko naman na nakasunod lang siya sa likod ko.
Muli ay nakasabay ko siya sa elevator ngunit tahimik lang siya, hindi nga naman pala siya naging maingay. Ngunit ang ipinagtaka ko ay bakit parang namumutla ang mapula niyang labi?
Nalagyan ba niya ng powder? Kumain siya ng marshmallow? Nilingon ko siya ngunit nakatingin siya sa akin kaya naman nangunot ang noo ko.
"B-Bakit?"
"Doctor, I'm not feeling well." Kusa akong nagulat ng tumulo ang luha sa mata niya matapos sabihin 'yon kaya naman napalunok ako.
"H-Huh?"
"W-Why are you crying?" gulat kong sabi.
Kusa kong naitikom ang bibig ng humakbang siya ay awtomatiko niyang ipinatong ang baba sa balikat ko at ang kamay niya na isa ay yumakap sa bewang ko.
Ngunit kusang kumuyom ang kamao ko ng masinit ang balat ko sa init niya, nilalagnat siya ah? Manhid ba siya at nasa ospital na hindi pa uminom ng gamot.
Bumuntong hininga ako at ng bumukas ang elevator ay sinabayan ko na lang siya sa paglabas sa floor niya, hinayaan ko na lang siyang hawakan ako hanggang sa makarating sa harap ng penthouse niya.
Matapos niyang buksan 'yon ay pumasok kami sa loob kaya naman ng muntik pa siyang matumba ay inalalayan ko siya papunta sa kwarto niya.
Ihiniga ko siya sa kama at ibinaba ko ang bag ko napahilot ako sa sintido ko ng makitang namumutla nga talaga siya akala ko dahil sa lightning.
Inalis ko ang sapatos niya at tsaka ako dumeretso sa banyo niya upang kumuha ng gagamitn niya, thermometer, gamot at bimpo pati na rin plangana.
Nang lapitan ko siya ay nakapikit siya at nakakukot. Ano bang trip niya? May sakit na siya kung saan saan pa pumupunta. Binibisita niya siguro si Lauren.
Nakagat ko ang ibabang labi ng makita kung gaano kataas ang lagnat niya kaya naman pumunta ako sa damitan niya at kumuha ng makapal na shirt.
Bumalik ako doon at tsaka ako naupo sa tabi ng kama niya, inabot ko ang necktie niya at inalis yon. "Aalisin ko yung polo mo, magbihis ka." Mahinang sabi ko ngunit ungol lang ang isinagot niya.
"Bakit ka ba kasi pumupunta pa sa hospital? Nilalagnat ka na binibisita mo pa rin siya." Inis na sabi ko.
"I just want to c-check," huminga siya ng malalim kaya umirap ako. "If you're o-okay," natigilan ako at napatitig sa kanya.
"Huh?"
"Y-You seki," bulong niya kaya napalunok ako. "Y-You're hurting me."
Hindi naman ako naging harsh 'di ba?
Kumuyom ang kamao ko at inalis na lang ang pagkakabutones ng damit niya ng maalis ay hindi ako nahirapan alisin yon ngunit nahirapan akong alisin ang mata ko doon.
Kingina ba't ba ang blessed mo? "H-Hoy!" sigaw ko ng hilahin niya ako at yakapin.
Nanlaki ang mata ko ng mas maamoy siya dahil wala siyang polo! Ang bango pero ang init niya. "I-I'm freezing," bulong niya at mahigpit akong niyakap kaya napanguso ako.
"Y-Ya, put some clothes." Mahina ko pa siyang pinalo sa dibdib dahilan para bitiwan niya ako ngunit nakapikit.
Nang makalayo ay pinunasan ko muna ang leeg niya at mga braso, pagkatapos no'n ay inabot ko ang damit niya para bihisan siya. Nang matapos 'yon ay iginilid ko ang ibang gamit at kinuha ang cold patch for fever at idinikit 'yon sa noo niya pero halos mahigit ko ang sariling paghinga ng yakapin niya ako.
Napabuntong hininga ako at hinayaan na lang siya ngunit hinila ko na ang kumot upang mabawasan ang lamig na nararamdaman niya, hininaan ko rin ang aircon niya at tsaka ko sinuri ang mukha niya.
"Ang taas taas ng lagnat mo paikot ikot ka pa sa hospital na para bang doctor ka," bulong ko at inayos ang buhok niyang nakaharang sa mata niya.
"Kumain ka na ba?" tanong ko ngunit umungol lang siya at ang mainit niyang braso ay nakayakap sa akin kaya napabuntong hininga ako.
'Sesweruhan ko ba siya para mas mabilis siya gumaling? O hindi na?'
Inabot ko ang cellphone ko sa table at kahit nakayakap siya ay tinawagan ko si Kuya Zai nang sagutin niya yon ay nakahinga ako ng maluwag.
"Oppa," panimula ko.
"Wae? May problema ba?"
"Bibihira mo ako tawagan, parating si Luke."
"Oppa n-nandito ako sa penthouse ni Kent, nilalagnat siya ng sobrang taas saan ba 'to galing at parating nasa ospital?"
"Oh? Kingina sabi na eh, namumutla yan nang nakaraan pa mga tatlong araw ang nakalipas." umawang ang labi ko sa narinig.
"Hindi mo man lang ginamot oppa," wika ko pabulyaw ngunit mahina lang.
"M-Malay ko ba parati ngang nanonood yan sa'yo adik ka ba? Ba't mo kasi pinababayaan jowa mo ha bunso?"
"J-Jowa?! He's not my jowa 'no, kay Lauren na lan—
"Aish Lauren is mine arasseo?"
"Parati mo siyang binibigay kay Lauren ikaw ang pinupuntahan niyan hindi si Lauren! Aish," nanlaki ang mata ko sa narinig.
"A-Ako?"
"See hindi mo alam, napaka impulsive mo batukan kita kanino ka ba nagmana? Mana ka sa paborito mong kuya ayan," ngumuso ako sa narinig.
"Oppa—"
"Doctor Zai urgent patients sa er ngayon na," nang marinig yon ay napabuntong hininga na kang ako.
"Gagi bunso may urgent patient, mamaya na lang ah text mo kailangan mo bye!"
Nang mamatay ang tawag ay napahilamos ako sa sariling mukha at tinitigan na lang si Kent na bahagyang nakaawang ang labi at nakapikit.
Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang muna siyang makapagpahinga.
'sa akin? Bakit niya naman ako pupuntahan sa ospital?'
•••
Nagising ako ng marinig ko ang mahinang pag-ubo ni Kent Axel kaya bumangon ako at idinikit ko ang likod ng palad sa noo niya.
Ngunit nagtama ang mata namin ng magmulat siya kaya naman napaiwas tingin kaagad ako ngunit pansin ko na nanatili siyang titig sa akin.
Inabot ko ang gamot at ang baso na may laman na tubig. "U-Uminom ka na ng gamot," wika ko at inabot 'yon sa kaniya.
Dahan dahan siyang sumandal sa headboard at inabot ang gamot na inaabot ko. "K-Kumain ka na ba pero?" tanong ko at pinigil ang kamay niya ngunit umiling siya kaya naman binawi ko kaagad yung gamot.
"Ano bang trip mo sa buhay attorney? Nagpapakamatay ka ba ha? May sakit ka na paikot ikot ka pa rin sa ospital pwede ka namang makibalita kay Lauren!" inis kong sabi at padabog na binaba ang baso sa side table niya.
Lumabas ako ng kwarto niya at dumeretso sa kusina, nakanguso akong nagsindi ng kalan at tumingin ng pwedeng maluto ngunit wala siyang kahit ano bukod sa chicken legs, potatoes and cheese.
Ano ba namang klaseng kusina ang meron 'to? Jusko napaka unhealthy! Lulutuan ko na lang ba siya ng mashed potato with cheese at fried chicken?
Ang unhealthy pero— aish no choice sinimulan ko ng lutuin 'yon at napabuntong hininga na lang ako at sinimulan na ang pagluluto.
Nakalipas ang 15 minutes ay naunang natapos at naluto ang fried chicken kaya nakatabi 'yon at nakapatong sa parched paper.
Napatingin naman ako sa suot ko na cotton shirt at high waisted slacks. Mamaya na lang ako magpapalit, habang nag-aantay ay bumuntong hininga na naman ako.
Muli ay inayos ko ang niluluto dahil matatapos na rin habang sineserve ito ay napalingon ako ng makita si Kent na halos nakapikit ba naglalakad kaya naman ng makita niya ako ay parang nakahinga siya ng maluwag.
"W-Why did you stand up?" tanong ko at nilagay sa tray ang niluto.
"I t-thought you left," namamaos niyang sabi kaya huminga ako ng malalim at nilapitan siya.
"You have to eat," aniya ko at tsaka ko tumayo sa gilid niya.
"Akbayan mo ako," utos ko ginawa naman niya kaya naglakad na kami pabalik sa kwarto niya at napakainit pa rin niya.
Nang makabalik sa kwarto niya ay ibinaba ko ang tray at ihiniga siya ulit ngunit mahina akong napatili ng parehas kaming tumumba ngunit sa ibabaw niya ako.
"Y-Ya," bulong ko at pinilit tumayo pero halos manlaki ang mata ko ng yakapin niya ako at biglang igilid dahilan para mapunta ako sa gilid niya at siya ay sa bandang ibabaw ko ngunit nasa gilid.
"Y-Ya.."
"I miss you," bulong niya kaya naman napapikit ako kaagad ng ilapit niya ang mukha ngunit hiyang hiya ako ng sa pisngi dumikit ang labi niya.
"Why are you so s-sudden?" pabulong niyang tanong dahilan para kabahan ako at magmulat.
"S-Sudden?" tanong ko.
"N-Never mind," wika niya at umayos ng higa kaya mabilis akong bumangon at lumapit na lang sa tray.
"K-Kumain ka muna bago u-uminom ng gamot," mahina kong sabi at inabot ang bed table niya.
"The last time you took care of me was 6 years ago right?" sinulyapan ko siya at tumango.
"You can leave me," bulong niya dahilan para matigilan ako at lingunin siya.
"W-Why?"
"You'll leave me after this," bulong niya ulit kaya naman umirap ako.
"Just eat and I'll leave." Inabot ko ang kutsara at inilagay sa kamay niya 'yon.
"W-Why?" napatingin ako ulit sa kaniya sa tinanong.
"Huh?"
"A-Ano bang sinasabi mo diyan? Are you hallucinating?" tanong ko pa.
"Una umiyak ka kasi masama ang pakiramdam mo, bakit hindi mo inaalagaan ang sarili mo?" I added.
"Aish attorney before taking care of other people put yourself first," wika ko at pasimpleng umirap.
"Tatlong araw na yung lagnat mo, balak mo bang mamatay?" tinitigan niya lang ako.
"Gosh nasa hospital ka madalas hindi ka man lang uminom ng gamot, panay ka kasi Lauren, Lauren pwede ka naman makibalita na lang sa kaniya kung nag-aala—"
"Hindi niya naman masasabi sa akin kung anong ginagawa mo," wika niya dahilan para mapatitig ako sa kaniya.
Ano daw?
"Huh?"
"She's not yet waking up, papaano niya masasabi sa akin kung kumusta ka?" tanong niya dahilan para maitikom ko ang bibig.
"A-Ano ba," bulong ko.
"Why? Sasabihin mo ba sa akin kung ayos ka lang? Eh hindi ka nga kumakain sa tamang oras." Hindi ako nakaimik at napatitig lang sa kaniya.
"Aish! Ikaw yung may sakit hindi ako—"
"Then stop repeating her name, I'm not asking for her." Nakagat ko ang ibabang labi at masama siyang tinignan.
"You keep on pulling her in our conversation," wika niya at padabog na kumain kaya umawang ang labi ko.
"It's because you like her this much!" bulyaw ko.
"You keep on liking her! Even though that was from the past! Siya na nga lang parati!" inis kong bulyaw at tumayo na tapos ay umalis sa kwarto.
"Aish he's so slow witted!" inis na bulong ko at lumabas ng penthouse niya ngunit halos mahigit ko ang sariling hininga ng may humila sa akin at malakas akong itulak sa pader.
"W-Who are you?!" hirap na hirap kong sigaw.
"I thought you're smart?" nangunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang boses niya.
"A-Ano bang kailangan mo sa akin?" mahinahon kong tanong at hinawakan siya sa siko.
"Guess," bulong niya kaya naman inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at tinulak siya pero pinuntirya niya ang naoperahan na balikat ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit.
"Gaeseki!" sigaw ko at masama siyang tinignan ngunit mabilis niyang hinablot ang leeg ko at mariin na sinakal yon dahilan para magpumiglas ako.
Ngunit biglang bumukas ang pinto ng penthouse at narinig ko ang pagputok ng baril dahilan para mabilis na tumalon ang lalakeng nanakal sa akin at dumeretso sa fire exit ngunit napatingin ako sa sahig ng may dugo.
May tama siya. "S-Saji! Nasaktan ka ba?" napatingin ako kay Kent Axel na nasa harap ko at tsaka ko siya tinitigan habang humahangos.
"Kinginang 'yon," gigil kong sabi.
"Come," inakay ako ni Kent Axel kahit pa inaapoy siya ng lagnat.
Nang makarating sa sala ay isinandal ko ang ulo sa sofa at kinapa ang balikat ko na pakiramdam ko ay dumugo. Nakagat ko ang ibabang labi at wala akong choice kundi alisin ang pantaas na damit ko.
"Y-Ya!"
"Don't look!" sigaw ko at dumaing ng makita ang bumukang tahi dahil sa ginawa niya.
"Tawagan mo si Oppa Zai," utos ko sa kaniya.
"Wait," sagot niya at pumunta sa kwarto nang bumalik siya ay may kausap siya sa cellphone at may dala dala rin lang comforter at med kit.
"Lay down," utos niya dahilan para manlaki ang mata ko.
"I said don't look—"
"Aish! I don't care about that! You're bleeding!" inis niyang sabi kaya ngumiwi ako.
"Wala namang makikita tatakpan pa—"
"Hoy attorney!" bulyaw ko pero ngumisi lang siya at binuksan ang kit tapos ay pinahiga ako sa lap niya kaya naman ng kumutan niya ako at ngumuso ako.
"Doctor ako alam k—"
"Stupid, you're right handed and your right hand is the one who's injured." Sita niya kaya hinayaan ko siyang gamutin 'yon.
"Ouch!"
"Of course this hurts, look how bloody you are." Ngumuso ako at napapikit ng sobrang sakit no'n.
"Aw—"
"Aish Saji," wika niya kaya maluha luha ko siyang tinignan at ngumuso.
Napabuntong hininga siya at tsaka niya kinagat ang ibabang labi. "Nagpakuha na ako ng pain reliever, mag-tiis ka muna sandali." Tumango ako at itinago ang mukha ko sa mga palad.
"Malapit na, relax."
"Ara— kingina." Gitil ko at nakagat ang ibabang labi.
"Ouch! Kent Axel!" sigaw ko.
"Ya, don't moan for my name." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Baliw ka ba!"
"Oo! Baliw sa'yo kaya huwag ka ngang— just don't call my name like that," wika niya kaya ngumuso ako.
Maya-maya ay bumukas na ang pinto at nakita kong dala dala ni Kuya Zai ang kung ano at ang panibagong pantahi.
"Inatake ka? Gago 'yon ah sino gumawa nito?" panimula ni Kuya Zai at inayos ang mga gamit.
"Hindi ko siya makita, para siyang si Oppa Luke. Nakamaskara at mabilis rin," wika ko.
"Luna?"
"Hindi," bulong ko.
"Hindi ko alam," paglilinaw ko.
"Una binaril ka, sunod pinuruhan ka sa tahi mo, pangatlo ano?" tanong ni Kuya Zai kaya napailing iling ako.
"Wala akong kaaway na lalake, hindi ko siya kilala. Paborito niyang word is guess bwisit," iritang sabi ko.
"Kalma sis—"
"Huwag mo na akong asarin, nababadtrip na ako. Hindi na nga ako makakahawak ng scapel tapos pinahaba pa niya yung proseso!" bulyaw ko at padabog na naupo dahilan para matigilan sila.
"Anak ng tupa kang bata ka!" halos tumalbog ako sa lap ni Kent Axel ng ibalik ako ni Kuya Zai papahiga at kumutan.
"Nakabra ka lang tanga, mahiya ka nga sa jowa mo." Sita niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Oppa wala akong jowa!" singhal ko.
"Si attorney! Ano tawag mo diyan!" bulyaw niya kaya ngumuso ako.
"Hindi ko na nga siya gusto!" singhal ko.
"Hindi gusto! Iniiyakan mo nga! Arte neto!" namula ang mukha ko ng ibulgar niya ako.
"Hindi naman siy—"
"Hoy! 'Wag ako. Binabantayan kita kasi nilalagnat ka dahil sa infection sa tahi mo umiiyak ka tinatawag mo siy—"
"Oppa!" bulyaw ko sa kahihiyan.
"A-Ay secret ba 'yon?" bulong niya kaya napairap ako.
'Lintek na kamalasan ang dala ng kuya na 'to'
√√√
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top