Chapter 41 [Wrongfully accused]

Saji Argelia's Point of View.


After he kissed me, he distanced himself and take a deep breath. "S-Sorry," napatitig ako sa kanya dahil sa pamamaraan ng paghalik niya sa akin.

"W-We're not kids anymore to be sorry i-if you kissed m-me that way," bulong ko hiyang hiya.

"A-Ah y-yeah, aren't you hungry?" tanong niya kaya dahan dahan akong tumango at dahil doon ay ngumiti siya at inayos ang buhok ko.

"I'll get the food ready then," paalam niya kaya tumango ako tapos ng makaalis siya ay napahawak ako sa pisngi at nakagat ang labi.

Nang makabalik siya ay mabilis akong umayos at pinanood siyang lumapit sa akin habang nakangiti. "Attorney—"

"Is this stage called dating?" napatitig ako sa kanya sa tanong.

"A-Ano—"

"Hmm not yet?" tanong niya kaya dahan dahan akong umiling dahilan para mapatiig siya sa akin, nagtataka siguro kung anong ibig sabihin ng iling ko.

"Officially?" tanong niya kaya ngumiwi ako.

"'Wag muna para ma-challenge ka naman," natatawang sabi ko dahilan para matawa siya.

"Sure, make it hard for me. Because everything seems easy, gusto ko ikaw ang pinakamahirap kong achievement lifetime." Napatitig ako sa kanya sa sinabi napatingin naman siya sa akin.

"D-Did I say it wrong?" tanong niya kinakabahan.

"Biggest and hardest achievement?" tanong ko.

"I-I mean yeah," bulong niya at napaiwas tingin.

"Let's eat," sagot ko at napangiti na lang.

"W-Why is that?" mabilis kong hinuli ang kamay niyang hahawakan na sana ang labi ko.

"Only touch my lips if you badly wants to kiss it," nakangisi kong sabi dahilan para mapatitig siya sa akin with amusement.

"You amaze me ultimately Polaris," bulong niya at napangiti kasabay ng pailing iling.

"Pwede rin si Lauren," ngiwi kong sabi dahilan para titigan niya ako.

"Her again? Her name irritates me," he said and laughed.

I stared at him that made him stop. "W-Wae?"

"Wala," wika ko at kumain na lang habang kumakain ay bumukas bigla ang pinto sa labas kaya napatanaw ako doon at ng makita ko si Hyung Luke ay napangiti agad ako.

"Oppa," bati ko at humalik sa pisngi niya.

"How do you feel?" tanong nito at sinulyapan si Kent Axel.

"Okay naman ako oppa, no need to worry. Kent saved me," wika ko at nilingon si Kent.

"He did? Or he's the one who puts you in danger?" natigilan ako ng sarkastikong sinabi yon ni Kuya Luke dahilan para makagat ko ang ibabang labi.

"Of course he didn't oppa, s-siya ang pumigil sa mga pangyayari. Nagsasabi ako ng totoo," wika ko dahilan para mapabuntong hininga si Kuya Luke.

"Next time Kent Axel," maayos iyon ngunit parang nagbabanta.

"Baby, don't be so harsh on Kent Axel. I'm sorry on his behalf," napatingin ako kay Ate Mia na yumakap pa kay Kuya Luke.

"Oppa, don't blame him." Umayos ako ng upo.

"You're better with Jared kung ipapahamak ka lang niya—"

"Hyung, hindi na mauulit." Napatingin ako kay Kent Axel ng mahinahon niya iyong sabihin.

Kahit na alam kong nagtitimpi siya, because of his temper. May mga bagay na ayaw siyang naririnig at hindi niya magawang magalit dahil nirerespeto niya si Kuya Luke.

"I'll take care of her," he added.

"I-I swear," wika ni Kent at mahinang nakagat ang ibabang labi kaya bumuntong hininga ako.

"Tsk, then stay here. Or else i'll kick you arasseo?!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya Luke.

"A-Anong stay here oppa?!"

"Babantayan ka niya, hindi ka papasok sa work bukas. Final, suwayin mo ako hindi na kita pasasamahin sa kaniya." Ngumuso na lang ako ng umalis na sila ni Ate Mia.

"Aish he's so strict," bulong ko at tinignan si Kent na nakatulala sa kamay niya.

"Don't feel bad," paalala ko at hinawakan ang kamay niya.

"Hindi na mauulit 'yon," wika niya naninigurado at tsaka ngumiti.

***

After a week busy na naman ako sa ospital dahil sa punong puno ng operasyon na nangyayari, ang daming pasyente ngunit natatakot kami dahil dumadami ang incidents na nababaril at nasasaksak.

Most of them are the same age as Kent Axel and me, hindi naman bago 'yon pero mas bumabata ang tinatakbo na ganoon ang nangyayari. "Doctor, I think you need to fix my heart."

Gulat akong napalingon ngunit nakaharap ko kaagad si Kent. "A-Attorney," gulat kong sabi.

Napansin ko naman ang pormahan niya ngayon, maayos ang pagkakalagay ng necktie niya at ang longsleeve polo niya ay nakatupi hanggang sa baba ng siko.

"Galing ka sa client?" tanong ko.

"Hmm yeah, I met Leona." Kusang nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Alone?"

"Yup, sa cafe lang naman don't worry. Did you eat na?" tinitigan ko siya ng mabuti ngunit wala namang kataka taka kaya umiling ako upang sagutin ang tanong niya.

"It's late, come let's eat." Anyaya niya ngunit kusang namula ang mukha ko ng hawakan niya ang kamay ko dahilan para mambuyo ang mga kasama.

"Yieeee."

"Sana all may love life na doc!"

"Sabi na eh buti na lang hindi ako umamin."

"Nakakanggit! Ang gwapo ni attorney!"

"W-Wait n-nakakahiya—"

"Wala sa contract na bawal kitang hawakan sa kamay," wika niya kaya napalo ko siya sa braso ngunit ang tigas non dahilan para matigilan ako at ganoon rin siya.

"What's wrong?" tanong niya at hinarap ako.

"W-Wala, continues ba gym mo?" tanong ko at dahil doon ay nangunot ang noo niya tapos mahinang natawa.

"Chansing," bulong niya at inakbayan ako kaya naman umawang ang labi ko at hinayaan na lang siya.

"What does aesthetic means?" tanong ko.

"What kind of question is that?" hindi makapaniwalang tanong niya at pinindot ang button sa elevator.

"Just answer it—"

"Something that is concerned with beauty?" ngumiwi ako ng makuha niya ang sagot.

Habang papunta ang elevator sa lobby ay natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko ngunit takang taka ako ng makita na ang number ay kay Lauren.

Huminga ako ng malalim at nilingon si Kent bago sinagot ang tawag. "Why?"

"S-Saji h-help me," natigilan ako ng marinig ang tinig nito na parang umiiyak.

"B-Bakit?"

"Anong nangyari?"

"N-Nandito ako sa rooftop ng hotel, t-tulungan mo ako. I-Ikaw lang, m-mag-isa mo lang please."

"S-Sige, s-sandali."

Nang mamatay ang tawag ay kinabahan ako, tinitigan ako ni Kent Axel. "I have to go first, h-hintayin mo na lang ako." Mabilis kong sabi.

"Wait, what's wrong Saji?" tanong ni Kent Axel kaya naman nakagat ko ang ibabang labi.

"T-Tumawag kasi si Lauren, sabi niya kailangan niya ng tulong ko kaya pupuntahan ko siya sa rooftop." Nang makarating sa lobby ay hinawakan uli ni Kent ang kamay ko.

"Sasamahan na ki—"

"I said she needs me, Alone." Mariing sabi ko at tumakbo na papaalis doon at tumakbo papunta sa elevator at rooftop.

Nang makarating ay nagtaka ako ng walang makita sa rooftop. "Lauren!" malakas na sigaw ko.

"Nasaan ka— ah!" napatitig ako sa nasa harap ko ngunit napatitig ako sa hawak niyang baril na naka silencer dahilan para tignan ko ang tinamaan sa akin.

"W-Who are you?" kinakabahan kong tanong at hinawakan ang balikat ko na tinamaan ng bala, napangiwi ako ng kumirot iyon.

"Fool," wika nito ang tinig niya ay pilit kong kinikilala ngunit hindi ko magawang kilalanin ang maskara niya ay hindi nalalayo sa maskara ni Kuya Luke.

"N-Nasaan si Lauren?!" pilit kong sigaw.

"Guess," bulong niya at tsaka ako natigilan ng ihagis niya sa akin ang baril na pinambaril dahilan para saluhin ko ito at ikasa upang paputukan sana siya ngunit mabilis siyang tumalon mula sa rooftop paibaba.

Nai-awang ko ang labi at mariin na pumikit ng mas sumakit ang tama ko. Umagos rin ang dugo derederetso, tumayo ako at pilit sinilip ang pinagtalunan nito ngunit wala na siya doon.

Ngunit halos manlaki ang mata ko ng makita si Lauren na may tama ng bala dahilan para kabahan ako dahil puro dugo. "L-Lauren!" sigaw ko at lumuhod upang gisingin siya.

"Lauren! Gising!" sigaw ko at tinapik tapik ang pisngi niya.

Kahit hinang hina ang katawan ko dahil sa tama ng baril ay pilit kong kinuha ang cellphone at tinawagan si Kuya Zai ngunit bumukas ang pinto ng rooftop.

"S-Saji," wika ni Kent Axel habang gulat kaya naman huminga ako ng malalim.

"S-Si Lauren, tulungan mo siya." Humangos ako at tinakpan ang tama ng bala sa akin.

Mabilis niyang binuhat si Lauren susunod na sana ako ngunit natumba ako sa panghihina, mariin akong pumikit at tinignan ang baril na nasa sahig.

'Sino ka?'

"T-Tulong!" sigaw ko ng hindi ko magawang buhatin ang sariling katawan upang lumabas ng rooftop.

Kinuha ko ang baril upang malaman ko kung sino ang lalakeng iyon, iginapang ko ang sarili upang makapunta sa bukana ng rooftop ngunit napapikit ako ng manlabo ang mata ko.

"Tulong!" sigaw ko pa.

Napasandal ako sa pinto at pilit hinahampas iyon. "T-Tulong!"

Nang maluha ay ipinikit ko na lang ang mata. "Eomma," bulong ko at bago pa man mawalan ng malay ay may sumalo sa akin.



Napakurap ako ng sandaling maramdaman ang kirot ng balikat ko, ngunit puting kisame ang nakita ko. Dahan dahan kong inilinga ang ulo ngunit natigilan ako ng makitang nakatayo si Kent Axel sa harap ni Lauren.

Bigla ay kusang sumama ang loob ko, nakagat ko ang ibabang labi at nag-iwas tingin ng maalala ang nangyari nung oras na yon.

Kusang tumulo ang luha ko ngunit hindi ko ito magawang punasan, napakurap ako at pilit na initataas ang kamay ko upang punasan ang pisngi ngunit napadaing lang ako dahil sa sakit no'n.

"S-Saji," nang marinig ko ang boses niya ay mas naiyak ako dahil sa hindi ko maunawaan na dahilan.

Nang maramdaman ang kamay niya ay iniiwas ko ang kamay ko. "D-Don't touch me," bulong ko.

"W-What's wron—"

"Sabi ng huwag mo akong hawakan eh!" sigaw ko at tsaka ko hinayaan ang sariling umiyak.

"Polaris ano ba?" pinilit kong iniupo ang sarili at sinamaan siya ng tingin.

"H-Hey," saad niya at pilit akong hinahawakan sa kamay.

"Oppa!" sigaw ko.

"Oppa!" pag-uulit ko at halatang takang taka si Kent Axel sa inaakto ko.

Pagbukas ng pinto ay nakita ko kaagad si Kuya Luke, nang lapitan niya ako ay awtomatiko akong yumakap sa kaniya. "Shhh what's wrong?" tanong nito at pinapatahan ako.

"A-Anong nangyari?" tinig ni Ate Mia.

"Oppa, A-Ayaw ko rito. I-Ilipat mo n-na lang ako," bulong ko habang umiiyak.

"S-Saji what's wrong?" tanong ni Kent pero hindi ko siya pinansin.

"O-Oppa please," pakiusap ko.

"S-Sige, i-ililipat kita. Tumahan ka na," mariin kong ipinikit ang mata at tsaka ko hinayaan ang sarili na lumuha ng tahimik habang nakayakap kay Kuya Luke.

"What's happening hyung?" ani ni Kent.

"I don't know, ikaw ang nagbabantay dito 'di ba? Ano bang nangyari?" rinig kong tanong ni Kuya Luke.

"H-Hindi ko alam hyung, b-basta ko na lang siyang nakitang umiiyak. Is something wrong with her?" pumikit ako at bumuntong hininga.

"Is she okay?" he added.

"O-Oppa, please."

"A-Arasseo."

Matapos ang ilang minuto ay inilipat na nila ako ng kwarto, mas tahimik, solo at kumpleto ang gamit sobrang lamig rin. Isinandal ko ang ulo sa headboard at tinitigan lang ang TV na hindi naman nakasindi.

"Ano bang nangyari Saji?" napatitig ako kay Kuya Luke.

"Papaano kayo napunta sa ganoong lagay ni Lauren? Bakit parehas kayong may tama ng baril?" bumuntong hininga ako ulit.

"I don't know oppa, she called me for help but I end up getting this shot from that fucking man. Who's wearing the same thing like you," itinuro ko pa ang mukha ko upang maisip niya na ang tinutukoy ko ay ang isa niyang identity.

"Mask?" tanong niya tumango tango.

"Then he threw me this gun, and left jumping above the rooftop like crazy." Napatitig naman sa akin si Kuya Luke.

"Saji, papaano siya tatalon doon?" nagtaka ako sa tanong ni Kuya Luke.

"How would I know that? Sinilip ko siya after a minute wala akong nakita." Inis kong sabi.

"Why does Lauren want me alone to rescue her?" bulong ko sa sarili.

"Oppa where's the gun?" tanong ko.

"Hawak ni Kent Axel," wika niya kaya huminga ako ng malalim.

"Why do you want to change room?" nang itanong 'yon ni Kuya Luke ay hindi ako nakaimik.

"P-Para hindi siya malito," bulong ko kasabay ng pagsama ng loob.

"Huh?"

"Oppa m-mali ba yung nararamdaman ko?" pabulong kong sabi.

"W-Why? What happened?"

"M-Mali bang nasasaktan ako k-kasi nakita ko si Kent Axel na nakatayo sa harap ni Lauren na walang malay?" bulong ko.

"I'm tired of comparing myself to Lauren," wika ko at napayuko.

"He left me on the rooftop, carrying Lauren without thinking if I was okay. Oppa I hate this feeling," bulong ko.

"A-Akala ko mamatay na ako dahil hindi ako makahinga sa simpleng tama lang ng bala, I even called out mom just for me to breathe." Natawa ako at napayuko sa sarili kong palad.

"I'm so jealous," natawa ako habang lumuluha.

"I'm so jealous and hurt," kinapa ko ang dibdib at umiyak na lang sa selos.

"Pakiramdam ko wala pa rin, pakiramdam ko siya pa rin."

"O-Oppa what if because of this love, I'll end up being bad? Please stop me. Arasseo?" tumango tango si Kuya Luke at lumapit sa akin para pahidin ang luha ko.

"Don't cry, don't cry. You're still our baby, our princess. So if you feel unloved and unwanted always remember that we love you the most," bulong niya at pinatahan ako.

"And don't compare yourself to others, you're better and best yourself." By those simple words, it comforts me.

"Oppa, I hate Lauren. B-But why did I helped her with just one call?" bulong ko.

"Why did I run from hospital to rooftop of the hotel just to save her? Why can't I just not care?" nagtataka kong tanong.

"It's because you're a good person," mahinang sabi ni Kuya Luke.

"Lalabas muna ako, babalik na lang ako Saji. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka," paalala niya kaya tumango ako.

Nang umalis siya ay mapait akong napangiti, nailipat na ako ng kwarto wala pa rin siya. Mukhang tama pa rin naman ako eh, mukhang hindi ako mali.

Pipikit na sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto ng walang katok katok, dahan dahan kong nilingon ang pumasok ngunit ng magtama ang mata namin ay napalitan ng pag-aalala ang tingin niya.

"Leave," wika ko.

"Saji what did I do wrong?" tanong niya at lumapit.

"I said leave!"

"Y-Ya," sita niya sa akin ng sigawan ko siya.

"Hindi kita kailangan rito naiintindihan mo? Alis." Mariing sabi ko dahilan para matigilan siya.

"Polaris," huminga ako ng malalim at pumikit.

"Leave, kaya ako nagpalipat ng kwarto para hindi ka mahirapan kung sino sa amin ang babantayan." Masama ang loob kong sabi.

"Saji Argelia ano ba ang sinasabi mo?" tanong niya kaya mahina akong natawa.

"Leave, from now on find another biggest achievement you can achieve." Iniiwas ko ang tingin sa kanya ngunit kitang kita ko kung papaano siya natigilan.

"What do y-you mean?" tanong niya.

"We can't be together," matipid akong ngumiti.

"I'm sorry," I added that made him stop. Naglakad siya sa harap ko at tinitigan ako.

"Saji what did I do wrong?" nagtataka niyang tanong kaya tinitigan ko siya.

"I realized, I don't like you anymore Kent Axel." Pahina ng pahina kong sabi ngunit bigla ay gusto kong maluha na naman kaya iniiwas ko na ang tingin.

"Please leave, seeing you here makes me want to puke. Leave attorney," wika ko at mabilis na pinunasan ang luha kong mabilis na tumulo.

"S-Saji—"

"Attorney please respect my decision," wika ko ngunit lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko.

"W-What did I do wrong hmm? Tell me I'll fix it, I will fix it." Napatitig ako sa kaniya ngunit mabilis na nag-iwas tingin.

"Please leave," pabulong kong sabi.

"Saji naman.."

"Attorney please leave," nauubusang pasensya ko na sabi.

Bumuntong hininga siya. "S-Saji—"

"Attorney please leave!" sigaw ko at pwersahang kinuha ang kamay ko upang mabitawan niya.

Napatitig siya sa akin kasabay ng paglamlam ng mata niya ang pagtataka. "Hindi na kita gusto kaya malaya ka ng makakaalis sa kwartong ito ng walang iniisip, Ga!" sigaw ko.

"S-Saji," bulong niya at aabutin pa sana ang kamay ko pero iniiwas ko 'yon dahilan para mapayuko siya at tumayo na upang lumabas ng kwarto ng hindi ako nililingon.

'You'll soon thank me for letting you go Kent Axel, I love you attorney but being in this kind of relationship makes me sick.'


√√√





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top