Chapter 37 [Skepticism]
Saji Argelia's Point of View.
I've been in the hospital for three days straight, hindi ako umuuwi at kulang na kulang ang tulog ko. Nag-aalala na ang mga kuya ko pero wala silang magawa kundi intindihin ako.
Katatapos lang ng operasyon na ako mismo ang surgeon, success naman pero hindi ko talaga magawang maramdaman yung satisfaction na nararamdaman ko every success operations.
"Saji, go home and rest. Don't kill yourself keep on doing that," napatingin ako kay Kuya Luke na nakakrus ang braso sa tapat ng dibdib habang nakatitig sa akin.
"I don't feel tired at all oppa—"
"It's because you've been thinking about your parents, leave them alone if you don't want to talk then don't. Go home Saji," wika ni Kuya Luke kaya bumuntong hininga ako.
Hindi man lang nga ako nagawang itext ni Kent Axel in short pampalipas oras lang ako dahil ganoon ang nararamdaman niya kay Lauren.
"I don't like to go home, oppa. Please stop pursuing me to do what I don't like to do," pakiusap ko.
"Saji Argelia." Humakbang si Kuya Luke kaya naman bumuntong hininga ako at pasimpleng umirap.
"Makikita ko na naman si Lauren sa hotel tapos makikita ko pa si Kent Axel ang sakit sakit na ng ulo ko sa kanilang lahat," pagsabi ko ng totoo.
"Kent Axel bothered me, hindi niya na nga nilisan ang isip ko. Oppa tell me does a guy really do that?" I asked that made him stare at me.
"I mean he acts like he likes me but then its so hard to believe, i'm going insane." Bahagya pang umawang ang labi ko sa inis.
"Kent Axel doesn't lie, he's such a straight forward man that even though it will hurt you it's not going to stop him." Inabot ko ang unan at niyakap yon dahil nakaupo ako sa sofa.
"People lie, no matter how good they are." Pagsabi ko ng katotohanan.
"W-Well y-yes," wika ni Kuya Luke at nag-iwas tingin.
"I was thinking if he really do mean what he said but part of me says he's just mad at Lauren, that's why he can't understand himself. Right oppa?" hindi nakapagsalita si Kuya Luke.
"Possibilities Saji," wika niya.
"I don't want to be broken that much anymore oppa, kaya kahit wala kang bilin ako na mismo ang iiwas." Napatitig siya sa akin ngunit sabay kaming napalingon sa pinto ng bumukas iyon.
"Baby," bati agad ni Kuya Luke kay Ate Mia at doon ko napagtanto na kasunod niya si Kent Axel.
Napaiwas tingin agad ako at nagpanggap na nagce-cellphone, ba't ngayon pa? Bakit ang gwapo niya parati?
He's simply wearing a silver rolex watch, black cotton longsleeve and a black pants. Mahina kong nakagat ang ibabang labi at tsaka pilit na hindi siya tignan.
"So doctor's are really busy huh, to the point that they can't even go home." Napalunok ako ng marinig ang tinig niya.
"It depends on the doctor pa rin, if a lot of operation will happen then hospital ka 24/7." Sagot ni Ate Mia kaya naman mahina akong tumikhim.
"Saji hindi ka pa rin ba uuwi?" napatingin ako kaagad kay Ate Mia tapos pilit na ngumiti at umiling.
"I checked your schedules, wala ka ng pending operations." Huminga ako ng malalim at pinaglapat ang labi ko.
"I still need to do rounds eonnie," wika ko.
"Huh? Rounds?"
"Halos naka tatlong rounds ka na today, you're so pushing yourself. Get some rest," hindi ko alam kung papaano hihindi kay Ate Mia gayung ang tinig niya ay napaka kalmado.
"A-Ayoko rin makita yung parents ko, eonnie." Medyo totoo naman ang sinabi ko.
"Pikit," saad niya kaya mahina akong natawa ngunit pansin kong tinitignan at pinanonood ako ni Kent Axel.
Nakakailang.
"Pwede kang samahan ni Kent Axe—"
"Ah hindi na eonnie, for sure busy rin si attorney." Sagot ko at sinulyapan si Kent Axel na nakatitig pa rin sa akin habang nakakunot ang noo.
"Busy ka ba Kent Axel?" tanong ni Ate Mia sa kanya kaya naman tinitigan ko si Kuya Luke upang tulungan ako.
"A-Ah ano ako na lang maghahatid sa kanya kung uuwi siya—"
"Actually hindi ako busy doctor, you want me to go with you?" Napalingon ako kay Kent Axel tapos mabilis na umiling iling.
"A-Ano dito muna ako sa ospital," pagdadahilan ko.
"Hmm what's happening?" napatingin ako kaagad kay Ate Mia ng nagtataka niya kaming tinignan.
"Did you fight again?" napalunok ako at mabilis na umiling.
"No of course not eonnie," sagot ko.
"Then what's this vibe i'm feeling?" I cleared my throat and sighed.
"What noona? Wala akong ginawa," mabilis na sabi ni Kent Axel.
"Did you do something again?" tanong agad ni Ate Mia sa kanya.
"Eopseo!" mabilis na sagot ni Kent Axel na sinasabing WALA.
"Then why? Why is she avoiding you?" Nanlaki ang mata ko.
"H-Hindi eonnie, wala hindi ko siya iniiwasan. We're good, we're friends. Hehehehe walang ganap," paglilinaw ko at tumayo na.
"A-Ano k-kailangan ata ako sa ER pupunta—"
"Teka nga, iniiwasan mo ba ako?" napatingin ako sa kamay ni Kent Axel na nakahawak sa braso ko.
"A-Ano hind—"
"What did I do?" tanong niya kaya huminga ako ng malalim at umiling.
"W-Wala 'no ano ka ba hindi naman tayo magkaawa—"
"Hmm is this because I kissed you?" nanlaki ang mata ko sa narinig.
"Wait what?!" react agad ni Kuya Luke kaya naman napapikit ako at nasapo ang noo.
"Ooohh, kiss." Bulong ni Ate Mia kaya naman pagmulat ko ay sinamaan ko ng tingin si Kent.
"Do you have to reveal it that way? Aish— badtrip," asik ko at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko tapos derederetso akong lumabas.
"W-Wait—"
"Ano ba?" inis kong sabi ng makaharap siya nagitla naman siya ngunit naging seryoso ang mukha.
"What's wrong? Ayos naman tayo 'di ba?" tanong niya kaya napaiwas tingin ako.
"L-Look, walang mali. Pero p-pero pwede namang hindi mo na lang sabihin 'yon," wika ko at bumuntong hininga.
"I'm sorry, I was caught up," wika niya agad at tumayo ng maayos.
"Ga, gawin mo na yung purpose mo kaya ka nandito sa hospital." Pagpapaalis ko sa kanya.
"Alright," he answered kaya naman tinalikuran ko na siya pero halos mapasubsob ako sa dibdib niya ng abutin niya ang braso ko at marahang hilain.
"A-Ano?" gulat kong sabi ang dibdib ay hindi mapakali hindi alam kung papaano titibok sa ayos.
"My purpose," he said and fix his longsleeved shirt.
Nangunot ang noo ko. "Huh?"
"My purpose, ikaw." Sa sagot niya ay kusang nag-init ang pisngi ko dahilan para maiiwas ko ang tingin.
"B-Bakit a-ako?"
"I can't text you because you're so busy, sa tuwing hinahanap kita sa ospital nasa loob ka ng Operation Room. Kung hindi man nasa emergency room," nanlaki ang mata ko.
"P-Pumupunta ka rito?" tanong ko.
"Yup," he answered.
"B-Bakit?" tanong ko.
"Because I miss you," nanlaki ang mata ko sa sagot niya kaya naman napatingin ako sa paligid lalo na ng marinig kong may kinilig.
"I-Its n-normal to miss a friend, u-uuwi na ako." Mabilis kong sagot at tsaka nagmamadaling iniwasan siya pero pinigilan niya na naman ako.
"A-Ano na naman?"
"Uuwi na ako, inaantok ak—"
"Can I come?" tanong niya.
"Hindi, I want to sleep long so don't ring my bell." Banta ko at tsaka nginiwian siya.
"Attorney sinabihan na kita," wika ko at nagmamadaling umalis.
"Then let me do this hatid," napatitig ako sa kanya at mabilis ring nag-iwas tingin.
"Hindi na," mabilis kong sabi.
"Seriously I'm not blind, why are you doing this iwas iwas?" bumuntong hininga ako at napairap na lang.
"I said I want to go home, hindi kita iniiwasan."
"Saji?"
"Oh ano na naman? Inaantok na ako," nakanguso ko ng reklamo.
"Ihahatid kita, baka ibang kwarto na naman pasukin mo." Pagmamatigas niya at inabot ang kamay ko tapos ay tinangay na kaya napairap ako.
"Attorney," pagtawag ko sa kanya.
"I don't listen to orders, mian." Paghingi pa niya ng sorry at hindi ako nilingon.
Nang wala na akong magawa ay binawi ko na lang ang kamay ko at pinagkrus ito sa tapat ng dibdib ko ng makarating sa elevator.
Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya kaya nag-iwas tingin na lang ako ng mapansin ang tingin niya mula sa repleksyon namin sa pinto ng elevator.
Nang makababa ay naglakad kami sa gilid kung saan ang walk side dumeretso kami sa loob ng hotel ngunit sinalubong kami kaagad ng mga lalakeng naka suit na mukhang businessman.
Napatigil ako at tsaka nagtataka silang tinignan lalo na ng tumungo sila kay Kent Axel, bahagya kong nilingon si Kent Axel na napabuntong hininga.
"Follow us," wika niya at napalunok ako ng abutin niya ang pulsuhan ko at itabi sa kanya.
"Attorney, marami rami na rin kasing nagpopropose na magkaroon tayo ng mahabang tulay deretso sa main island." Mas nangunot ang noo ko hindi ba dapat ay engineer ang umaasikaso niyan?
"And?"
"A-Ano kasi attorney k-kailangan namin ng approval niyo dahil ang sinabi ni Doctor Mia kayo na daw po ang nagdedesisyon," napalunok ako at tsaka sumakay na sa elevator ng hotel sumama naman sila.
"Send me the files, hard copy or soft send me the proposal I'll check it." Maawtoridad na sabi ni Kent.
"Yes attorney," sagot naman ng isa.
"You may go," utos ni Kent kaya ng lumabas sila ay gumilid ako ngunit hindi ko namalayan na nakahawak ako sa laylayan ng suot na damit ni Kent dahilan para mahiya ako ng kanyang lingunin.
Umayos ako kaagad at napatikhim, ng sunod na bumukas ang elevator ay napatigil ako ng si Lauren ang makita. "Kent Axel," pagtawag niya ngunit nag-iwas tingin si Kent.
"What?"
"Can we talk? I mean attorney can we?" sinulyapan pa niya ako ng makapasok siya kaya nag-iwas tingin ako masyado akong pagod para makipag-away.
"Later," wika ni Kent.
"Again? You're always busy but you have time to go with her huh?" huminga ako ng malalim lalo na ng tignan ako ni Lauren.
"And you—"
"I don't like a fight with you, I'm tired okay? Next time," kalmado kong sabi tapos ng tignan si Kent ay nag-iwas tingin kaagad ako at ng bumukas yon ay lumabas na ako kaagad at walang lingon lingon pa.
Nang makapasok sa loob ng penthouse ay tsaka ako napabusangot.
Mag-uusap sila, ano naman kayang pag-uusapan nila? Papaano kung magkiss rin sila?! Andwae.
Umiling iling ako at dumeretso na lang sa kwarto ko dahil naliligo naman ako sa ospital ay pinili ko na lang magbanyos ngunit hindi ako mapakali.
Nang makapagbihis ay tinignan ko ang cellphone ko, bumuntong hininga ako at nagcompose ng message ngunit nagdadalawang isip kung isesend.
Pero sinend ko na rin, huminga ako ng malalim at naghintay ng reply pero wala. Nanginginig ang kamay ko ngunit inabot ko ang cellphone ko at pinindot ang call icon sa taas ng number niya.
Ngunit hindi niya sinasagot.
Papaano kung may nangyayari sa kanila?! And— ano naman sa'yo? Labas ka na doon Saji Argelia masasaktan ka lang.
Huminga ako ng malalim at napahilamos sa sariling mukha, nakakabadtrip!
Tumayo ako dala dala ang cellphone ko at tsaka ko sinuot ang panloob na sleeper at lumabas habang suot suot ang jacket ko na madalas ay pantulog ko lang dahil malambot.
Pumunta ako sa floor niya sumakay na ako ng elevator ngunit pagkabukas noon sa mismong floor niya ay natigilan ako ng makita ko ang magulang.
Nakatalikod sila sa akin at hindi nila naramdaman ang presensya ko. "Hindi po talaga sila mag-asawa ni Saji tita, believe me." Napatitig ako kay Lauren na nakagilid ang gawi sa akin.
"I don't get it, you claim that she's your wife then why does this lady telling us that you are her boyfriend." Bahagyang kumuyom ang kamao ko.
"Excuse me? Then you think I am lying? Well kinda but she's my gir—"
"Stop covering up for your best friend Kent Axel! She's a rebel!" Huminga ako ng malalim sa ingay ni Lauren.
"What do you know Lauren?" Kent asked, natigilan si Lauren at sinamaan ng tingin si Kent.
"What's the point of arguing?" tanong ko at mahinang natawa.
"I mean so what if I'm married? Does that hurt your pride?" nginisian ko ang magulang ko.
"Can't you just go back to where you used to be Saji? Stop acting like a tough woman, young lady!" mahina akong natawa sa sinabi ni Lauren.
"Can you shut up? Feeling family kingina," bulong ko.
"What?!"
"Watawat," bulong ko at umirap.
"Why aren't you answering my calls huh? I thought you're one text away?" sumbat ko kay Kent na bahagyang ikinagulat niya ngunit ng kapain ang bulsa ah wala siyang makapa.
"A-Ah that—"
"So is everything done? Tapos na kayo mag-away kung kasal ako o hindi? 'wag kayo mag-alala hindi pa." Humakbang ako papalapit sa harap ng magulang ko.
"What's the point of coming here over and over again? I mean yeah both of you are my parents that humiliate me," masama ang loob kong sabi ngunit ginawang tumawa.
"Saji stop being lik—"
"No, you stop being like that. Because I don't care if I am disrespecting my parents, ah yeah parents nga ba?" ngumisi ako at makalokong tumawa.
"Ang magulang ko kasi is si Tita Elizabeth at sila oppa, so please leave me alone. Hindi niyo ako mapapabalik, unless you only want the power I got?" natigilan sila.
"My power? Now that i'm more higher than both of you it's fu—" hindi ako nakapagsalita ng palad ang dumapo sa pisngi ko ngunit uminit ang ulo ko ng si Lauren 'yon.
"Lauren!"
"Did you just slapped me?" hindi makapaniwalang sabi ko kay Lauren mabilis naman na humarang si Kent kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Sige, ipagtanggol mo." Hamon ko.
"Ikaw ang babalian ko ng buto," banta ko ngunit hindi man lang siya nagitla kaya mapait akong tumawa.
"Magsama sama kayo," ngisi ngisi kong sabi at tinalikuran sila.
Kingina.
"W-Wait Saji!"
"Anak!"
"Saji! Wait!"
Hindi ko sila pinansin at derederetso akong sumakay sa elevator at mabilis na sinara 'yon ngunit mabilis na nakahabol si Kent Axel at nakasingit bago pa man magsara.
"Labas," banta ko.
"No, It's not it oka—"
"Attorney leave," wika ko mahinahon.
"S-Saji," pagtawag niya kaya naman ng bumukas sa floor ko ay derederetso ako ngunit sumunod siya.
"W-Wait—"
"Leave," wika ko at inilagay ang password ng penthouse ko.
"Let's talk then—"
"Kent Axel ano ba?" inis na wika ko at hinarap siya.
"Usap tayo sa loob," maayos niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam ko na yung sasabihin mo, best friend kita nandiyan ka lang parati. Hindi 'yon ang gusto mong iparati—"
"Polaris," wika niya nagbabanta.
"Please just go, matutulog muna ako." Mahinahon kong sabi at bahagyang yumuko.
"Saji—"
"Attorney please respect my rest," nang sabihin ko 'yon ay dahan dahan niyang inalis ang kamay sa mismong bukasan ng penthouse ko.
"Alright, rest." Hindi ko na siya tinignan pa at basta basta na lang akong pumasok sa penthouse ko at nilock 'yon.
Kingina talaga.
√√√
@/n: Any thoughts? 😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top