Chapter 36 [Truth Untold]
Saji Argelia's Point of View.
"Y-You had a crush on me!" malakas kong sabi at tinuro ang mukha niya pero mahina lang siyang tumawa at sumandal sa balikat ko dahilan para umiwas ako agad.
"Aw," reklamo niya ng muntik na siyang bumagsak.
"Y-You son of a—"
"A what? Hmm?" kwestyon niya.
"Cute." Inis kong sabi.
"Is my dad cute?" he asked.
"Tito Vince is more handsome than you," wika ko bahagyang nagsisisnungaling dahil para sa akin mas gwapo talaga siya dahil pinaghalong Tita Miyu at Tito Vince but tito and him have the same eyes.
"Oh really?"
"It's fine, he's my father after all." He said and stood up put his hand on his pockets and glanced at me.
"You're the cutest but Jami is an exception," umawang ang labi ko sa sinabi niya kaya naman umirap ako.
"Jerk," bulong ko at umirap. Ngunit ng mapaisip ay naalala ko na naman ang nangyari kanina dahilan para takpan ko ang sariling labi kasabay ng pagyuko sa sariling tuhod nakakahiya, sobrang nakakahiya.
"Doctor based on-- h-hey," tiningala ko kaagad si Kent Axel na nagulat.
"You okay?" he asked.
"Of course, nag-iisip lang." I answered.
"Based on the case, pag naka three times offense na siya pwede siyang masuspend for three years o mapunta sa mababang ospital sa probinsya." Napatango ako sa sinabi niya tapos inabot ang folder naupo naman siya sa tabi ko kaya bahagya akong umatras.
Nang basahin ko ang files ay sinukuan ko kaagad ito dahil hindi ko magawang intindihin ang mga words. "I can't understand everything," wika ko at ibinaba 'yon.
"Anong inculpatory evidence?" takang sabi ko.
"Evidences that the defendant is somehow guilty," mabilis niyang sagot kaya napatango ako at bumuntong hininga.
"Dito na ako sa sofa matutul--"
"You can sleep on my bed, malaki ang space. Hindi mo naman ako gagapangin," halos hampasin ko siya.
"Ikaw nga hinalikan mo ako! ako pa manggagapang ang kapal ng mukha mo attorney gross immorality!" dahil sa sinigaw ko ay natawa lang siya.
"Kiss?" he repeated what i just said but emphasize the word KISS.
"Aish never mind," angil ko at umirap.
"I'll buy food, what do you want to have? Except me." Kusang umirap ang mata ko at tsaka ko pinagkrus ang braso.
"Wala na akong gana," sagot ko.
"Lokohin mo na lang yung sarili mo, 'di ba appetite can be tricky?" halos kagatin ko ang ibabang labi ng maalala ang sinabi ko sa kanya noon six years ago.
Nang tignan ko siya ay nakatitig lang siya sa akin habang nakangisi. "Ano ba?" nahihiya kong sita.
"My shirt suits you well," tinignan ko ang suot suot tapos ay umirap.
"Tuck in the side in the jogging pants," hindi ko alam pero sinunod ko siya kaya naman ng tignan ko ay mas umayos nga.
"C'mon tell me, what food do you want?" he calmly asked.
"Anything," sagot ko na lang at bumuntong hininga.
"Hmm anything?"
"Anything, feed me with your choice." I answered.
"Alright, don't open the door without my call. Your parents know you're under my custody," tumango tango ako at naupo na sa sofa sa maayos na paraan.
"Ga," I said and wave my hand.
"Ah I remember you speak kore—"
"Go attorney, buy already." I said and waved my hand while reading something I can't even understand.
Tumikhim siya at umalis na lang kaya naman nakahinga ako ng maluwag at tsaka ko inabot ang throw pillow at nahiga sa mismong sofa ini-unat ko ang paa at ang binabasa ay tinakip sa mata ko.
Pilit kong inaalis ang ngiti sa labi ng maalala ang mga ginawa niya kanina ngunit natatakot pa rin akong masaktan ng sobra dahil umasa ako ng kaunti.
Pumikit muna ako at huminga ng malalim, pakiramdam ko gagana rin ang ininom ko mula sa party dapat ay nagsasaya ang lahat. Pero dahil sa katangahan ni Lauren ewan ko na lang.
Habang naghihintay ay inabot ko ang cellphone kong tumutunog ngunit hindi si Kent Axel ang tumatawag kundi si Jared, huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag. "Are you alright?" panimula niya kaya naman mahina akong tumawa.
"Are you worried about me?" tanong ko pabalik dahilan para mahina rin siyang matawa sa kabilang linya.
"Of course, crush kita eh." Umawang ang labi ko.
"Gago, ayos lang ako. 'Wag ka mag-alala si Saji ata 'to," pagbibiro ko pa.
"Sure ka ha, Ingat ka diyan 'wag kang mag-alala the party continues. Kaya 'wag ka ng makonsensya," ngumiti ako kahit hindi niya pa nakikita.
"Thank you," sambit ko.
"Of course, always sige na get some rest. Nandidito pa rin ang parents mo with their body guards," wika niya kaya bumuntong hininga ako.
"Hayaan mo sila, salamat ingat. Bye bye," nakangiti kong paalam ngunit bumukas na ang pinto sa kaya napalingon ako.
"Bye Saji, good night." Tumikhim ako.
"Good night," tugon ko bago binaba ang tawag nangunot naman ang noo ni Kent Axel at ibinaba ang pinamili kaya ibinalik ko sa bulsa ang cellphone ko.
"Ang bilis mo ha," saad ko at lumapit.
"Did hyung call you?" tanong niya kaya umiling ako bilang sagot, tumango tango siya at tsaka naupo na at binuklat ang paper bag.
"Sino?" napalingon ako sa kanya at napatitig curious siya?
"Hulaan m--"
"Okay, 'wag na. Kumain ka na," he answered and stood up dahilan para abutin ko ang kamay niya.
"Hindi mo ako sasamahan?" tanong ko.
Umigting ang panga niya at bumalik sa pagkakaupo kaya naman ng buksan ko ang lalagyan ay nakita ko ang fresh salad at ang sea foods na nandidito. "Kumain ka kaya? yung kilay mo oh salubong na salu--" naputol ang sasabihin ko ng padabog niyang abutin ang drink na kinuha niya tapos tinignan lang ako, "w-wae?" kinakabahan kong tanong.
"Nothing," he said and sighed.
"O-Okay," tugon ko at inabot ang hipon na hindi pa nababalatan habang binabalatan ko 'yon ay mas narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kent kaya nilingon ko siya.
"What's wrong attorney?"
"None," he answered immediately.
"Who called you?" mahina kong nakagat ang ibabang labi ng tanungin niya yon.
"Si Jared, nangamusta lang." Inabot ko ang sawsawan at kinain ang nabalatan.
"Nangamusta? You just met at the party right?" nangunot ang noo ko at habang binabalatan ang isang piraso ay tinitigan ko siya.
"You're jealous?" asar ko kahit na alam kong hindi.
"No," mabilis niyang sagot.
"'Di nga? bakit humaba yung ilong mo?" nang sabihin ko yon ay awtomatiko niyang hinawakan ang ilong kaya natawa ako.
"Nagseselos oh," asar ko pa.
"You don't have proof beyond a reasonable doubt to prove that I am guilty," maayos niyang sabi kaya napanguso ako.
"Fine," I replied and put the tail of the shrimp on my lips while getting the sauce.
Nang maabot ay umayos na ako pero halos manlaki ang mata ko ng lumapit si Kent Axel at kagatin ang nasa bibig ko na shrimp dahilan para matira ang kaunti.
"Y-Ya!" sita ko at nginuya na ang nasa bibig.
"Ang hirap magbala—"
"Let me teach you," mahinahon niyang sabi habang ngumunguya at tsaka niya inabot ang tinidor at inalis ang ulo ng hipon.
Nangunot ang noo ko sa gagawin niya ngunit halos umawang ang labi ko ng tusukin niya ang parang batok ng hipon at naalis na kaagad ang balat nito.
"See? It's not hard you just need to think harder to make it easy," he said and calmly rest his back on the sofa.
Lumabi ako at ginaya ang ginawa niya habang kinakabahan, lintek na attorney 'to atake sa puso ata ang ibibigay sa akin.
"You know what attorney, instead of watching me why don't you eat with me?" I stated and glance at him.
"I'm tired to remove it's skin, scale or whatsoever." Sagot niya at ipinatong ang codal na kanina ay hawak ko sa legs niya.
"Gusto mo balatan kita?" tanong ko.
"Harsh, maybe you mean ipagbalatan?" napaisip ako at tsaka tumango tango.
Ngumiti siya at tsaka napailing iling na lang. "What's funny?"
"Nothing doctor," he replied and smirk.
Napangiwi ako at pinagbalatan na lang siya nang makapagbalat ay nilingon ko siya habang hawak ang hipon.
"Oh," saad ko tinignan niya yon tapos bahagyang iniawang ang bibig kaya naman pasimple akong umirap at sinubo yon sa kanya.
"Thank you," he said and chew his food.
Nag-iwas tingin na lang ako at ngumiti, I mean this is not permanent I know but it makes me happy.
Because at the first place this is what I want and need, tumanda akong ina-admire lang siya even though I don't have a chance.
Alam ko na baka magalit si Kuya Luke at Kuya Zai dahil baka masaktan na naman ako ng sobra just like before, alam ko namang nag-aalala lang sila sa akin. "Polaris," napalingon ako ng tawagin niya.
"W-Wae?"
"Wala lang, it suits you but Luna suits you better." Mahinahon na sabi niya kaya napalunok ako.
"Why Luna?"
"Because you're the center and the only one our globe have," wika niya ngumiwi na lang ako.
"Then I can be your sun," bulong niya dahilan para muli ko siyang lingunin.
"Huh?"
"Wala," he replied and smile.
That's strange.
•••
Tanghali na ako nagising at wala na sa penthouse si Kent Axel, baka lumabas na siya dahil may clients pa siya kaya naman tumayo na ako pero natanaw ko kaagad ang upuan na kaharap ng kama at nakita ko ang note at damit doon.
Tumayo ako upang malapitan 'yon, tinignan ko muna ang damit at sa wakas damit pambabae na 'yon isang simpleng brown cotton jogging pants at terno nito na sports bra same color and— who gave this?
Binasa ko na ang note na nagsasabing—
'I don't know what kind of clothes should I give you but I got a help from noona and she bought this for you, I have to meet my 3 clients stay there and eat the food I sent you, morning!'
Napangiti ako ngunit agad na sinita ang sarili, kinuha ko na yon at dahil kumpleto nga ay naligo na rin ako dahil lalabas muna ako baka kailangan ako sa ospital.
Bukod sa sports bra ay ang maganda rito ay may loose white blouse na makikita ang braso at balikat ko pero keri lang.
Matapos maligo ay nangunot ang noo ko ng may kahon sa ilalim ng upuan kanina kaya kinuha ko yon at doon ko napagtanto na sapatos itong kulay puti.
Napangiti na lang ako at sinuot yon, saktong sakto papaano nila nalaman ang size ng paa ko?
At dahil may breakfast kinain ko muna yon bago ako umalis ng penthouse niya ngunit nakagat ko ang ibabang labi ng makita ang isang guard na nakatayo sa gilid ng elevator.
Ngunit dumeretso ako. "Ma'am," wika niya at iniharang ang kamay kaya naman huminga ako ng malalim.
"Step aside," nagbabanta kong sabi.
"Ma'am napag-utusa—"
"Kung ganoon inuutusan rin kitang alisin ang kamay mong nakaharang dahil may pasyente pa ako," wala itong nagawa ngunit nagreport siya through system.
Binilisan kong makababa sa lobby upang dumeretso sa ospital habang nagmamadali ay natigilan ako ng makasalubong at makaharap ko si Lauren.
Masama ang tingin nito sa akin. "Talk to your parents," utos niya.
"It's my parents so you can't tell me what to do, c'mon grow up Lauren." Inihakbang ko ang paa matapos sabihin 'yon pero kusa akong natigilan ng makaharap si lolo.
"Hanggang kailan ka tatakbo Saji Argelia?" maawtoridad ang tinig nito dahilan para mapabuntong hininga ako.
"Lolo please pabayaan niyo na muna ako," mahina kong pakiusap.
"I have to go, I still have a lot of patients to meet." Magalang ko pa rin na sabi ngunit ng makita ang parents ko ay bumilis lalo ang tibok ng puso ko.
"Talk to u—"
"I said no, not yet." Mariing sabi ko kusang kumuyom ang kamao ng gumuhit ang sakit sa dibdib ko na para bang may ugat na naiipit para sa bawat paghinga ko ay sumasakit..
"Ako m-mismo ang lalapit sa inyo pag handa na ako," bulong ko.
"Saji Argelia huwag ka ng magrebelde—"
"Ano pa bang gusto niyong mangyari? 'di ba una pa lang ayaw niyo naman ako sa pamilya na 'to?" pinigil ko ang pagsigaw.
"Please, huwag niyo akong ipahiya sa mga tao—"
"Kahiya hiya ka dahil rebelde ka! High school ka pa lang magrebelde ka na anong kasalanan sa'yo ng magulang mo?!" napayuko ako, pinipigil ang luha.
'Hindi nila alam kung anong kasalanan nila? Pinabayaan nila akong maghingalo, hinayaan nila akong mabuhay habang isinasaksak sa kokote ko na unwanted child ako.'
"Stop humiliating me," bulong ko.
"Ang arte mo rin ano? Sinusundo ka na ng magulang mo aarte ka pa, ano ba naman ba kasi yung kausapin mo si—"
"H'wag kang makialam rito, Lauren." Banta ko.
"Buti ka nga sinusuy—"
"Tumahimik ka na!" sigaw ko.
"Tumahimik na kayo!"
"Tantanan niyo ako dahil hinding hindi ko babalikan ang myembro ng pamilyang kinabibilangan niyo, kasi noon pa man putol na." Awtomatikong tumulo ang luha ko matapos sabihin 'yon.
"Seeing you all making me remember how you all wanted to murder me," masama ang loob kong sabi kasabay non ay ang pakiramdam na parang pinupunit ang puso ko ngunit bago pa man manghina ang tuhod ko ay may humapit sa bewang ko.
"Wifey, nandito ka lang pala. Hinahanap kita kanina pa," kusang nagbago ang nararamdaman ko at tinitigan si Kent Axel na maganda ang ngiti.
"H-Huh?"
"Wifey sorry na hindi na kita iiwang mag-isa sa kwarto natin okay? Tara ihahatid na kita sa ospital," nakangiti niyang sabi at tinignan ang myembro ng pamilya ko.
"Ultimate Sandoval," wika nila.
"I didn't expect to see you here, sorry but my wife's gonna be late for work so we have to go." Kilala niya ang magulang ko?
I mean magkakakilala sila? Inakay niya ako papaalis doon kaya ng nasa entrance ng hospital ay kusa akong lumayo sa kanya lalo na ng pagkatinginan kami ng nurses and doctors.
"I told you not to leave the penthouse," wika niya kaya lumunok ako.
"Sorry, pwede ka ng umalis pasensya sa abala." Maayos na sabi ko at inayos ang suot.
"Just text me, I'll be here one text away." Napatitig ako kay Kent Axel sa sinabi, huminga ako ng malalim at matipid na ngumiti.
"Thank you," sinsero kong wika at basta basta siyang tinalikuran.
Alam ko, alam ko naman sa sarili ko na baka galit lang siya kay Lauren kaya natatabunan non ang pagmamahal pero papaano na lang ako kung sakali?
Bumuntong hininga ako sa naisip ngunit bago pa man ay napatingin kaagad ako sa harap ng elevator ng sa pagbukas non ay si Jared ang nakaharap ko.
"A-Are you okay?" tanong niya.
Huminga ako ng malalim at matipid na ngumiti. "'Di nga? Ayos ka lang? Ano problema tara kape?" anyaya niya kaya umiling ako.
"I have a lot of works, si Kent Axel nandoon samahan mo na lang." Nakangiting sabi ko at tinapik siya sa balikat tapos pumasok na ako sa elevator.
'We can fool ourselves to believe in a fact that sometimes can be bluffs.'
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top