Chapter 35 [Initiate kiss]
Saji Argelia's Point of View.
Hindi ako inilabas ni Kent Axel sa hotel bagkus ay dinala niya ako sa sarili niyang penthouse at isinarado 'yon.
"I can't take you on your penthouse, I'm sure they know that's your room." Mahina niyang sabi at pinaupo ako sa sofa kaya naman hindi ako nakasagot at tumulala lang.
"I'm sorry for c-causing trouble," pabulong kong sabi at nasapo ang sarili kong mukha.
"I'm sorry if you're going to hear this from me, but Lauren is so damn selfish. I never humiliate her like this," bulong ko habang nakakuyom ang kamao.
"She's worst," I added.
"I don't know what's the deal with your parents, I won't ask. But you can tell me everything," wika niya at naupo sa harapan ko.
"I can't hate them, n-natuklasan ko na hinayaan nila si lolo na gawin ang lahat sa akin. That caused me accident, my lolo want me gone." Matipid akong ngumiti.
"They just let him, A-Ayokong magalit sa kanila dahil magulang ko pa rin sila. Pero hindi ko na sila kayang harapin pa, baka tuluyan na akong maging masama." Natakpan ko ang sariling bibig ng mapahikbi ako kasabay ng pagtulo ng luha.
"Seeing them makes me want to take my own life, tumatakbo sa isip ko na kumuha ng baril at barilin ko ang sarili ko. Kumuha ng kutsilyo at saksakin ang sarili ko," mahina akong natawa at pinahid ang luha ko.
"I even think of jumping on the rooftop," I smiled bitterly.
"I am that suicidal, I have all this suicidal thoughts. I wanted to keep myself happ— naputol ang sasabihin ko ng tumayo si Kent Axel at maupo sa tabi ko.
Napalunok ako at tinignan siya pero hinawakan niya ang ulo ko sa marahan na paraan at doon ko naramdaman ang tibok ng puso ko at kung gaano ito kabilis.
Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at ang isang kamay niya ay nasa braso ko at tinatapik tapik yon. "Think of it, I won't let you do it." Bulong niya dahilan para mapakurap ako.
Malungkot ako pero natatalo ng kaba ang nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya. "Attorney—"
"I know doctor, I know just rest over there alright?" hindi ko nagawang sumagot.
"I am not good at jokes so I can't make you laugh," dagdag niya kaya mahina kong nakagat ang ibabanh labi.
"I told you to stop acting like this—"
"Think everything you want to think, I already did it." Pagputol niya sa sasabihin ko kaya naman isinandal ko na lang ang ulo ko at ipinikit ang mata.
"Why are you like this attorney?" bulong ko habang nakapikit, amoy na amoy ko siya dahil sobrang lapit ko.
Nakadikit na nga ako sa kanya, narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Why not? You comforted me before while you're also hurt," bulong niya kaya napamulat ako.
"When Lauren broke you?" bulong ko.
"Tch, babalik na naman sa nakaraa—"
"Ikaw diyan!" singhal ko.
"Tsk hindi ako," pilit niya.
"Ikaw kaya 'yon, binabalik mo yung noon." Sumbat ko.
"It's because i'm explaining why," pinalalaban niya pa talaga.
"You smell like the wine," bulong ko.
"Ikaw ang mas maraming nainom," sumbat niya.
"Huh? Marami ba 'yon." Bahagya na akong lumayo at umayos na rin siya, pinagkrus ang braso sa tapat ng dibdib.
Natigilan ako ng marealize kung papaano nawala lahat ng negative na nararamdaman ko, papaano niya nagawa 'yon?
"Gusto mo uminom?" tanong niya dahilan para mabilis akong umiling.
"Ayaw baka kung ano na namang gawin ko," mabilis kong sabi.
"Woah, ang lakas naman ng loob mo doctor para sabihin 'yan sa harap mismo ng isang attorney," sita niya.
"I'm just being honest! Papaano pag hinalikan na naman k—" nanlaki ang mata ko at tinakpan ang bibig.
"I really hate the feeling of having a drink then having this tongue!" singhal ko at nagtakip ng mukha.
"Then you still feel the same?" natigilan ako at napatingin kay Kent Axel sa seryoso niyang tanong.
Huminga ako ng malalim at nag-iwas tingin. "Kumusta kayo ni Lauren?" tanong ko.
"As usual," he answered.
Lumabi na lang ako at umirap, tatayo na sana ako pero tumunog ang cellphone ni Kent Axel at doon ko nakita na caller si Kuya Luke.
"Yes hyung?" he started.
"Ah sure sure, we're safe. Hindi ko ba muna siya papalabasin?" nangunot ang noo ko at inilapit ang tenga sa mismong cellphone niya upang marinig ko rin.
"Alright hyung, I understand she can stay here. Yes hyung I'm here don't worry." Nangunot ang noo ko at lumayo na lang dahil sa hindi ko rin naririnig, nang ibaba niya yon ay bahagya akong lumayo at tinignan siya.
"Stay here, hindi daw sila aalis rito but because i'm an attorney you'll be safe under this roof. Bawal ka sa strawberries bilin niya sa akin kaya naman dito ka lang," nangunot lalo ang noo ko.
"Anong connect?"
"Wala, baka tayo magkaroon." Nasamid ako sa sagot niya kaya naman siniko ko siya.
"Kidding," bawi niya at tumayo na.
Ngumiwi na lang ako at pinagkrus ang braso ko habang nag-iisip, wala rin naman akong damit rito, wala akong gagawin dito. "Saji, change first. Take a shower you stink," umawang ang labi ko sa sinabi niya.
"Stink what?!"
"Alcohol," paglilinaw niya kaya umirap ako.
"Wala akong dami—"
"Borrow mine, c'mon stood up!" He said from afar that made me pout, tumayo ako at dahan dahan na inalis ang suot suot ko sa paa tapos iginilid yon at tsaka ako sumunod sa kaniya.
Inabutan niya ako ng maisusuot at dahil may hiya ako hindi ko iyon binuklat sa harapan niya bagkus nagmadali akong tumakbo papunta sa banyo upang makapagshower.
Mabuti na lang at kumpleto siya sa gamit may new toothbrush and anything else, I started washing myself and finished after 15 minutes. Nakapagbihis na din ako at nakapagsuklay sa banyo niya syempre hindi ako nag-iwan ng kahihiyan dito sa banyo niya na mas malinis pa at malaki.
Nang makalabas ako ay natigilan ako ng nakajogging pants na siya at V-neck shirt pero naabutan ko siyang umiinom ng kung ano, madalas ba siyang magwine? Or champagne?
"Masamang inom ka ng inom alam mo ba 'yon?" Pagpaparinig ko sa kaniya dahilan para lingunin niya ako.
"You took so long to wash," wika niya kaya umirap ako at hinila ang upuan sa gilid niya at doon naupo dahil nasa stall siya mismo na napapalibutan ng bote ng mga kung ano anong alak.
"Siguro noon pa man parati ka ng umiinom? Ang bata bata mo pa sinusunog mo na ang baga mo," sermon ko tapos tinignan ang bote ng iniinom niya.
"See ang taas pa ng alcohol content attorney bawal yan," tukoy ko pero nilingon niya lang ako bahagyang namumula ang mukha niya at malamlam na rin ang mata niya.
"Aish parehas kayo ni oppa noon nakakainis kayong pagsabih—"
"Do you want to taste it?" Tanong niya kaya tinignan ko ang kupita at tsaka ako huminga ng malalim.
"Pag tinikman ko yan hindi ka na iinom? Daily?" Pakikipagdeal ko kaya naman hinarap niya ako at mas tinitigan.
"No deal," he answered that made me frown.
"Oh c'mon attorney, that's bad for your health." Kinuha ko na ang kupita sa kaniya ngunit bumuntong hininga siya at hinawakan ang pulsuhan ko.
"I'm drunk already, so don't stay near me." Kinabahan ako sa sinabi niya dahilan para mapalunok ako at alanganin na binitiwan ang kupita tapos ay tumayo na.
"This is the most alcohol I love, it has 80% alcohol content." Napalunok ako at tsaka tinitigan siya.
"'Yan ang nanlalasing sa'yo?" Tanong ko bahagya pang nauutal.
"Not yet," sagot niya.
"The last time I got drunk so much was six years ago," napatango ako sa sinabi niya kaya naman nakinig na lang ako mula sa kinatatayuan.
"Hayaan mo hahanapin ko ang makakapaglasing sa'yo pero pag naibigay ko hindi ka na daily iinom plus hindi rin weekly, deal?" Hamon ko ngunit halos mahigit ko ang sariling paghinga ng hawakan niya ang kamay ko at hilain ako papalapit sa kaniya dahilan para mapasandal ang hanggang tagiliran ko sa stall.
"A-Ano?" kinakabahan kong sabi at napatitig sa kanya dahil sobrang lapit niya sa akin.
Pilit kong sinalubong ang tingin niya sa akin ngunit bumaba ang mata niya sa labi ko dahilan para hindi na naman mapirmi ang puso ko sa pagtibok ng sobrang bilis at sobrang lakas.
"Deal," he whispered.
My eyes widened as he pressed his lips on mine, I closed my fist when his lips became playful. "A-Attorney," bulong ko ng bahagya siyang lumayo ngunit sobrang lapit pa rin.
"W-What are you d-doing?" Kinakabahan kong tanong pero sinalubong niya ang mata ko.
"Sealing the deal," he whispered.
"Y-You're just d-drunk—"
"Why don't you do me a favor?" napatitig ako sa labi niya na namumula mula at tsaka ko mahinang nakagat ang ibabang labi ko at dahil doon ay nalasahan ko ang alak.
"H-Huh?"
"Give my mind a peace, you always make me think of you." Nag-init ang pisngi ko sa narinig.
"You're drunk—"
"Lasing man o hindi, did you cast a spell on me?" bahagyang umawang ang labi ko damang dama ang panlalamig ng buong katawan.
"K-Kent," hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya ngunit bumuntong hininga siya.
Mahinang natawa at napailing iling nang isipin kong lalayo na siya ay mali ako dahil kusa akong hinapit ng isang braso niya sa bewang upang mas ilapit sa kaniya.
"A-Attorney," sita ko ngunit inayos niya ang buhok ko at isinilid iyon sa tenga ko mahina kong nakagat ang ibabang labi.
"Doctor I'm sorry," wika niya.
"Close your eyes later, you'll be a psycho if you watched my reaction." Nangunot lalo ang noo ko not until he guided my face with his left hand and slowly getting closer.
"A-Attorne—" ngunit ng maglapat ang labi namin ay kusa kong ipinikit ang mata ko ang kamay ko ay kusang pumunta sa balikat niya ngunit marahan niyang inabot iyon habang hinahalikan ang labi ko.
Bahagyang umawang ang labi ko ng igiya niya ang kamay ko sa bandang batok niya, marahan niyang siniil ang ibabang labi ko at hindi ko alam ang ginagawa ko sa sobrang kaba.
Sobrang lambot ng labi niya, nakakaadik ang ginagawa niya, nakakapaninago dahil ngayon lang may humalik ulit sa akin after 6 years. "Kiss me back," bulong niya sa pagitan ng paghalik kaya naman napalunok ako at hinayaan ang sarili kong kusang tumugon.
Ngunit kinabahan ako ng mas uminit ang paghalik niya sa akin ng tumugon ako, nang bahagya siyang lumayo ay dahan dahan akong nagmulat at nahihiyang sinalubong ang tingin niya.
Ngunit ang mapungay niyang mata ay pinagmasdan ako. "Jeez, inom pa kasi." Paninisi ko at bahagyang humiwalay pero binawi niya kaagad ako.
"Attorney?" kwestyon ko.
"Magsisisi ka pag natauhan k—"
"So you think I don't know what I'm doing because i'm drunk?" napatitig ako sa kaniya.
"Then y-you're in the right mind?"
"Is there a wrong mind? Left?" halos umawang na naman ang labi ko dahil hindi makapaniwala.
"Hindi mo a-alam ang ginagawa mo," sita ko pa.
"I know what I'm doing, You're the one who can make me drunk." He calmly said hindi ako makagalaw sa kinatatayuan bukod sa hapit hapit niya ako ay nanghihina ang tuhod ko.
"I-If Lauren is here, You'll do this to—"
"I didn't do this to her, jealous huh?" he gently pointed at my nose that made me blush.
"T-Tama na nga—"
"Seriously doctor, I didn't initiate the kiss first when I was with her so don't be jealous—"
"I am not!" saad ko.
"B-Bitaw na nga, a-aalis na ako." Inis kong sabi at lumabi, pakiramdam ko masasaktan na naman ako after kong mamatay sa kilig at kaba.
"You're so masungit," once again before letting me go he pointed the tip of my nose and smile.
"Aish! We s-shouldn't be doing this, baka sugurin na naman ako ni Lauren—"
"Lauren again?" tanong niya kaya umirap ako.
"Yes, kilala—" napatigil ako ng may mag-bell ng mag-bell sa mismong entrance kaya naman nakita kong tumayo si Kent Axel para pumunta doon.
Nang buksan niya ay umayos ako ng tayo, ngunit nagtaka ako ng makita si Lauren ngunit hindi na bago malay ko ba kung natural na ang pagpunta niya dito.
"What do you need?" tanong ni Kent Axel ngunit ng makita ako ni Lauren ay mabilis niya akong nilapitan.
"Come with me! Hindi ka dapat nandito sa penthouse niya!" halos mangunot ang noo ko ng hilain niya ako ng pwersahan.
"Ano ba!" sita ko.
"At anong ginagawa niyo ni Kent Axel dito!? Ng kayong dalawa lang ha?!" sigaw niya habang hinihila ako ngunit nang makalapit na sa pinto ay mabilis akong hinila ni Kent upang mapalapit sa kaniya.
Nabitiwan ako ni Lauren ngunit dahil doon ay nilingon niya si Kent at masamang tinignan. "Ano ba! Bitiwan mo nga siy—"
"Are you out of your mind?" tanong ni Kent sa kaniya.
"Anong ginawa niyo? Did you two kissed?" itinuro ni Lauren ang mga labi namin kaya napabuntong hininga ako.
"N-No—"
"Yes we did, so what?" nanlaki ang mata ko at tinignan si Kent Axel na seryosong seryoso.
"K-Kent Axel," hindi makapaniwalang sambit ni Lauren.
"What's wrong with that? We're both single, we're already old to do what we want to do so please leave and stop interrupting us." Napalunok ako ng maging seryoso ang tinig ni Kent Axel.
"Kent Axel—"
"Call me attorney from now on, I hate hearing my name with your voice." Kent muttered.
"Leave please," wika ni Kent at binuksan ang pinto walang nagawa si Lauren at lumabas na lang ng bagsak ang balikat.
Nang isarado ni Kent ang pinto ay bumuntong hininga ako, lumayo ako kay Kent at dumeretso na lang sa sofa.
"It feels so absurd," bulong ko ng tumabi siya sa akin.
"I hate the fact that I think you're still using me to get revenge—"
"Revenge? Do you think after coming back after six years i'm still in love with her?" tanong niya kaya nagkibit balikat ako.
"It's not impossible, You came back after six years and yet I'm still in love with you." Pag-amin ko.
"Maybe you're just hurt k-kasi may anak na siya at hindi ikaw ang ama non, kaya ganiyan." Tugon ko.
"Ayokong umasa," mahina akong tumawa at nilingon siya. "Ayokong umasa na magiging ganiyan ka sa akin ng matagal baka panandalian lang hanggang sa matauhan ka," saad ko pa.
"You kissed me because you're drun—"
"Akala ko ba naalala mo na? Nung gabi na hinatid kita sa condo mo hindi mo naalala?" nangunot ang noo ko at nilingon siya.
"Huh?"
"The night that you're drunk," he added that made me think harder.
"H-Hindi ko alam," bulong ko at pilit inaalala.
"I love you attorney," nalingon ko siya sa sinabi at doon ay nanlaki ang mata ko lalo na ng maalala ang nangyari 6 years ago!
"U-Umamin ako?" bulong ko.
Nang malinawan ay nanlalaki ang mata kong nilingon siya dahil naalala ko ang sinagot niya sa akin ng gabing 'yon.
√√√
@/n: Any thoughts for the next chapter? Ano kayang reply ni attorney?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top