Chapter 34 [Actions]

Saji Argelia's Point of View.

Lumabi ako, kanina ko pa hinihintay ang text messages or call niya pero wala pa rin kaya naman wala akong magawa kundi tumambay muna sa office ko dahil dumating na yung new doctors from the city.

Habang naghihintay ay may kumatok kaya naman tumayo kaagad ako ngunit ng bumukas yon ay nadismaya ako. "Jared," sambit ko sa pangalan nito.

"Do you want to have a coffee?" yaya niya kaya bumuntong hininga ako bago ngumiti at tumango.

Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa elevator ay bigla siyang nagsalita, "I saw Mila and Harold at the lobby, did you invite them over?" nangunot ang noo ko sa tanong niya.

"Of course not, hindi naman kami close 'no." Pinindot ko ang lobby floor ng makasakay sa elevator.

"Hmm really ano naman kayang gagawin nila nito?" nagkibit balikat lang ako.

"How about Kent Axel? Is he busy?" tanong niya sa akin kaya umirap ako.

"How would I know naman 'di ba, we're not updating on each other." Dismayado kong sabi na mahina niyang ikinatawa.

"You still like him that hard huh, I remember how you reject me after telling that although I already know it." Natatawa niyang kwento kaya natawa na lang ako.

"Yet he can't still like me back," wika ko.

"Hindi ka na nga brusko, mapanakit lang." Umirap ako at naglakad na papalabas kasabay siya.

"Just tell me pag hindi ka pa rin gusto, pwede ako panakip—"

"Ulol," natatawa kong sabi dahilan para tumawa rin siya.

"Plus ten ka sa langit, masyadong loyal kahit walang love back. Yayain ko kaya si Kent Axel tapos ilag—"

"'Wag mong subukan, sisipain kita Jared." Banta ko na mas ikinatawa niya kaya naman habang naglalakad sa gilid ay natatanaw ko na ang coffee shop na may second floor pa dahil halos lahat ay galing sa ospital ang costumers.

"Hindi pa rin ba alam ni attorney nararamdaman mo? Grabe ang tagal na non amp hindi ba niya nakikita halaga m—"

"Japula ano ba, 'wag mo na nga i-open yan. Naiinis ako lalo eh," ngumisi lang siya at pinaghila pa ako ng upuan.

"Sungit, 'di ka naman buntis." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

"Wow, asawa nga wala! Papaano mabubuntis h—"

"Why are you asking him how to get pregnant? You're a doctor yourself," nanlaki ang mata ko at napalingon sa gilid.

"Ha?"

"Hakdog," he added and pulls the chair beside Jared.

"You're mistaken! Sabi ko papaano ako mabubuntis asawa nga wala!" I hissed and crossed my arms.

"Oh asawa?" he asked and laugh.

"Bro asawahin ko na?" halos samaan ko ng tingin si Jared sa sinabi.

"Gago," rinig kong sabi ni Kent Axel kaya napanguso ako.

"Hind nga seryoso, papakasalan ko 'y—"

"Sorry pero ayoko mag-asawa kung ikaw rin lan—"

"So ako pwede?" natigilan ako at napatitig kay Kent Axel sinabi niya iyon habang may binabasang codal?!

Hanggang dito ba naman codal pa rin, "Woah, smooth banat bro." Umirap na lang ako at tsaka nagtawag na ng waiter.

"Saji, remember when we both meet here at Palawan for the first time? Tangina ang korni pero kinikilig—"

"Let me order some espresso and a garlic bread thank you," derederetsong sabi ni Kent Axel sa waiter at nagbasa na ulit.

"How about chocolate cake without strawberry please," maayos kong sabi tapos ay tumingin ng drinks.

"I'm on for espresso na rin," I ordered.

"Same order," sagot ni Jared kaya naman ng umalis ay walang nagsalita sa amin sa sobrang seryoso ni Kent na nagbabasa.

"Glad i'm not a lawyer," bulong ni Jared. Jared is a business man he preferred being a business man than to be a lawyer.

"I'm sleepy," saad ko madilim na sa labas at ngayon ko pa naramdaman ang antok.

"Then you should rest rather than having a coffee doctor," Kent Axel said in monotone.

"Doctor needs a lot of sleep," he added that made me rolled my eyes.

"Because I'm waiting for your call before sleeping, bahala nga kayo diyan." Inis kong sabi at tumayo na tapos derederetsong lumabas ng coffee shop.

Huminga ako ng malalim at dumeretso na lang sa penthouse ko nang makarating ay pabagsak kong ibinaba ang bag ko at dumeretso na lang sa banyo.

Siya itong nagsabi na asahan kong tatawag siya pero wala tapos nandoon naman pala sa coffee shop sana— ano ba Saji?

Hindi ka naman girlfriend maka akto ka naiinis ka pa awit sa'yo girl.

Nang makapagshower ay nakanguso akong nahiga sa kama ko, niyakap ko na lang yung unan kasabay ng pagpikit ng mata.

Ngunit sa panandaliang pag-idlip ko ay ginising ako ng sunod sunod na tatlong bell kaya tamad na tamad akong tumayo at pumunta sa pinto.

Pagkabukas ko non ay napamulat ako ng maayos kasabay ng pagtakip ko sa katawan. "A-Anong ginagawa mo r-rito?" tanong ko ngunit iniiwas niya ang tingin sa akin at itinaas ang paper bag at ang drinks.

'Anong trip mo Kent Axel?'

"P-Pasok, sandali mag-aayos lang ako." Nahihiya kong sabi at mabilis na tumakbo sa kwarto kingina naka sando lang ako nasasanay kasi ako na kung may magbebell ay babae 'yon at yon ang nag-aasikaso rito sa hotel.

Mabilis akong nagpalit ng damit bago muling lumabas ulit, inaayos at nilalabas niya ang laman ng paper bag kaya naman awkward akong lumapit.

"B-Bakit ka nandito?" tanong ko.

"For this, you ordered this then you just left." Seryoso niyang sabi, he's still wearing the same clothes such as black slacks and white longsleeved polo.

Napanguso na lang ako at tsaka napakusot pa sa mata. "You're such a baby," napatingin ako sa kanya sa binulong.

"What?"

"Oh see, you're getting mad again. Wala naman akong sinabing masama," wika niya at inabot sa akin ang food kung ganoon bakit mainit pa rin 'to at bakit meron rin siya?

"You waited for my call hmm—"

"Stop it, curious lang ako kung ano nangyari sa case." Paglilinaw ko white lies.

"Really? Then you should've ask me," umirap ako ng maramdaman ko ang kakaibang tono ng pananalita niya.

"Why would I, 'di naman tayo close. I only first move when we're clo—"

"Really Polaris?" napairap ako.

"Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagsabi na BEST FRIEND mo ako?" sarkastiko niyang sabi habang salubong ang kilay.

"Ako ba? E-Edi binabawi ko na," pagmamatigas ko pa.

"Tch you hate me that much huh? I just left for 6 years and now you're like that," tukoy niya pa sa akin at sumandal sa sofa.

"Ayaw mo akong best friend?" tila masama ang loob niyang tanong.

"A-Ano—"

"Boyfriend gusto?" umawang ag labi ko sa tanong niya kaya naman dinampot ko ang tissue at binato sa kaniya.

Narinig ko ang mahina niyang tawa dahilan para mapairap ako at mag-iwas tingin, palibhasa!

"Kumain ka na nga lang 'wag mo 'ko titigan naiilang ako," singhal ko at humigop ng kape.

Halos lumabi ako ng marinig ang mahina niyang tawa, pumikit ako at tsaka kinuha ang cake. "Parati ka na lang nandito, gusto mo ba dito ka na tumira ha?" sarkastika kong sabi.

"Ang bilis mo naman, niyayaya mo kaagad ako mag live-in—"

"Hoy! Hindi ganoon ang ibig kong sabihin!" sigaw ko na mas ikinatawa niya.

"Doon ka na nga kay Lauren! Pinagtitripan mo 'ko rito." Tumawa siya lalo.

"Selosa," wika niya dahilan para inis akong tumayo.

"Nasaan ang baril ko kingin—"

"I have mine, do you want to have it?" napalingon ako sa kanya.

"Saan?" I asked.

"Nakatago, hanapin mo—"

"Oh my goodness attorney! Labas!" itinuro ko ang pinto pero ngumisi lang siya at tumayo.

Nang lumapit siya sa akin ay napahakbang ako paatras. "Walang goodbye kiss?" halos batuhin ko siya ng throw pillow pero ngumiti siya habang nakapamulsa.

"Look how red are you," I almost smack his back when he teased me.

"Alis na!" gigil kong sabi.

"This is how I normally say goodbye," halos mag-init ng sobra ang pisngi ko ng yakapin niya ako using his one arm dahil sa kabila ay hawak niya ang kape.

Ng humiwalay siya ay derederetso siyang lumabas ng penthouse dahilan para mapatitig ako doon, naramdaman ba niya yung tibok ng puso ko?! Ang bilis!

Panay kahihiyan na lang ba? Wala ng matino jusko.

Naupo ako at kinain na lang ang dinala niya, aish..

A week past..

I was fixing my white coat and the pens inside of the pocket, but I was stopped by someone. Tiningala ko si Kuya Luke at tinitigan ang inaabot niya sa akin. "A birthday party?" kwestyon ko at tinanggap ang invitation.

"Yes, 'wag kang mawawala mamaya. It's a big party for your eonnie," wika ni Kuya kaya napatango tango ako.

"Birthday niya pala ngayon, hindi ko siya nabati!" mabilis kong sabi at tumakbo na papaalis upang makapunta sa office ni Ate Mia.

Nang buksan ko ang pinto ay napaayos agad ako dahil nandidito si Kent Axel prenteng nakaupo at nakatingin sa akin dahil sa pagsulpot ko.

"Oh? May urgent operation?" gulat na tanong ni Ate Mia kaya umiling ako.

"Happy Birthday eonnie! Nakalimutan ko, hindi ako mawawala mamaya." Niyakap ko pa siya dahilan para mahina siyang matawa at tapikin ako sa likod.

"Good, hindi ka talaga pwedeng mawala mamaya okay?" humiwalay ako at tumango ng may ngiti sa labi.

"Yes eonnie, wait i'll check the time so I won't be late." Binuksan ko ang invitation at nakita ko na 6 PM pa naman ang start may 2 hours pa ako to prepare.

"Oh yung best friend mo batiin mo," wika ni Ate Mia dahilan para dahan dahan kong sulyapan si Kent Axel na seryoso akong pinanonood.

"Hello?" alanganin kong sabi.

"Loko, the formal way we greet kasi." Itinulak pa ako ng mahina ni Ate Mia kaya huminga ako ng malalim isang linggo ko rin siyang hindi nakita dahil nagbabad ako sa ospital.

Tumayo siya tapos sinenyasan akong lumapit kaya ngumiwi ako at tsaka lumapit rin at bahagyang tumiklay upang maabot ang pisngi niya ngunit ang isang kamay at braso niya ay umalalay na naman sa bewang ko upang 'di ako mahirapan.

"Hey," wika niya lang.

"Yeah," tugon ko at humiwalay na sabay atras ng mga dalawang hakbang.

"How's the case?" tanong ko.

"Admissible, don't worry she's been suspended for a week." He answered that made me nod.

"Thank you attorney," saad ko at nilingon si Ate Mia pero ang ngiti niya ay kakaiba at tila punong puno ng pang-aasar.

"Sure, doctor." Naupo na siya kaagad at may binabasa pa rin hindi na siya nawalan ng babasahin.

"I'll go ahead eonnie, I'll see you later." Paalam ko sa kanila.

"Ingat Saji, baka mahulog ka ulit— I mean baka madulas," napanguso ako sa sinabi ni Ate Mia.

"Hoy dongsaeng aalis na ang BEST FRIEND mo," natigilan ako at napasulyap kay Kent.

"Alright, take care." Matipid niyang sabi kaya naman umalis na ako at nagmamadaling lumabas.

Nang makalabas ay huminga ako ng malalim at kinapa ang sariling dibdib na sobrang bilis kung tumibok.

'Aish! Isang linggo lang naman kitang hindi nakita sabik na sabik na sa'yo ang puso kong tanga!'

Umirap ako at naisipan na umalis na lang ng ospital upang makabili pa ng ireregalo kay Ate Mia.

>PARTY<

Simple lang ang sinuot ko ngayong nandidito ako sa party ay napansin kong may kanya kanyang table ang bawat grupo kaya naman huminga ako ng malalim at hinanap sila.


(@/n: Saji Argelia on the multimedia, IMAGINE)

Dala dala ko ang regalo ay naglakad ako papalapit sa kanila kung saan kumpleto sila kaya naman ngumiti ako ng matanaw sila Kuya Luke na nagtatawanan.

"Happiest birthday eonnie," wika ko at humalik sa pisngi nito sabay yakap at inabot ang regalo ko.

"Nako naman, thank you." Pagpapasalamat niya ngunit bago maupo ay binati ko ng halik sa pisngi sila Kuya Zai, Kuya Luke at kahit na si Lauren.

Ngunit pinakahuli ay hindi na ako tumiklay dahil siya na ang kusang nagdampi ng pisngi at labi niya sa pisngi ko.

"Glad to know you didn't wear so much make-up Polaris," wika niya pa kaya umawang ang labi ko.

"W-Wae?"

"Because I hate it on my skin," wika niya at pinaghila pa ako ng upuan kaya naman naupo ako.

"Salamat," saad ko ngunit tumango lang siya.

"What kind of case are you studying? Kanina mo pa hindi mabitiwan yang folder. Nasa party ka," sa pagsabi ni Ate Mia non ay binaba kaagad ni Kent ang folder.

Masunurin pag kay Ate Mia pero sa iba, bahala na gang. "There is a time for work, and there is a time for relaxation." Tumango lang si Kent Axel at inabot ang kupita bago inumin ay inamoy niya muna 'yon.

Nang lingunin niya ako ay mabilis akong tumikhim at nag-iwas tingin, inabot ko rin ang kupita ng wine tapos ay ginaya siya at tsaka tumikim.

Napangiti ako ng hindi pangit ang lasa nito, habang umiinom ay natigilan ako ng may pumigil sa akin na ubusin 'yon. "Don't get drunk," dahan dahan kong nilingon si Kent.

"AHEM!"

"ANO GANAP?"

"NANGANGAMOY."

"B-Bakit?" tanong ko, binitiwan niya ang pulsuhan ko.

"Just get drunk then," nangunot ang noo ko at nginiwian siya.

"Baka daw maulit yung nangyari 6 years ago—"

Halos sabay kaming nasamid ni Kent Axel ng marinig 'yon dahilan para matawa si Ate Mia. "Sabay gano'n," nang-aasar niyang sabi.

Kent is simply wearing a black jeans and a longsleeved black polo tucked-in. Ngunit dahil sa kwintas niyang silver na may pendant ng initials na KAS.

Ang gwapo gwapo niya ngayon, umaalingasaw rin ang bango niya mula sa kinauupuan ko. Why do men always smell so good?

While us nakapabango na pero hindi man lang tumatagal, goodness. "Saji, careful with the food okay?" napatingin ako kay Kuya Zai na pinaalalahanan ako.

"Ah yes oppa," sagot ko ng maintindihan ang sinasabi niya.

"Is she on diet? Bakit mabilis ka bang tumaba?" nalingon ko si Lauren.

"I don't do diets," I confidently answer.

"Ah really?" nang-iinsulto niyang sabi kaya matipid akong ngumiti.

"Ah sorry, hindi ba halata?" saad ko at ngumisi tapos inabot ang wine at nilagyan ang sarili kong kupita.

"Oohh tama na baka magtalo na naman kayo niyan," sita ni Kuya Zai kaya mahina akong tumawa.

"'Di na, sayang lang pagod ko 'di naman nakikinig." Matipid kong sagot.

"Both of you love lobsters right? Nagpahanda ako." Napangiti ako kaagad ng matanaw ang lobster.

"Good!" ibinaba ko ang kupita.

As they serve it to us I ate it with the yummy wine, but then after 45 minutes of staying in this table I felt sleepy.

"Ingat Saji, may tama 'yang iniinom mo." Paalala ni Kuya Luke kaya ngumiti ako.

"Sure oppa," wika ko.

"Mrs.Garcia there's an unwanted guess," wika ng guard kay Ate Mia kaya nangunot ang noo ko.

"Who?"

"Sino naman 'yon?"

Napalingon ako sa entrance ngunit ganoon na lang ang pagtigil ko kasabay ng pagkawala ng ngiti ko ay ang pagtama ng mata namin.

"O-Oppa tell them I don't want to meet them," mariing bulong ko at tumayo na.

"I'm going," mabilis kong paalam na ikinataka ng iba ngunit aalis na sana pero mabilis akong pinigilan ni Lauren dahilan para lingunin ko siya.

"A-Ano ba," sita ko.

"They came to a long way, why don't you meet your parents?" Kumuyom ang kamao ko ng maunawaan ang sinabi niya.

"Did you give them my location?" nanggagalaiti kong sabi.

"What did you do this time Lauren?" Tanong ni Kuya Zai.

"Let go." Banta ko.

Ngunit papalapit na ang magulang ko dahilan para kagatin ko ang ibabang labi ko, seeing them gives me too much pain. "Bitiwan mo si Saji, Lauren." Pakiusap ni Kuya Zai ngunit hindi niya ginawa hanggang sa makaharap ko na ang magulang ko.

"Polaris," pagtawag nila sa akin dahilan para mariin akong mapapikit.

"Bitiwan mo 'ko Lauren," pakiusap ko at inaalis ang kamay niya sa pulsuhan ko napakahigpit non.

"Lauren," napatingin ako kay Kent ng tumayo siya at maglakad papalapit sa amin.

Natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ni Lauren at alisin ang pagkakahawak noon sa akin, seeing my parents gives me trauma.

"Tita, tito ako na ang nakikiusap. Wait for her to be ready," pakiusap ni Kuya Luke.

"Matagal na ang nakalipas, ano pa bang itinatanim mo—"

"Tito please," rinig kong pakiusap nila.

"You don't know what you've done, Lauren." Napayuko ako sa kahihiyan na nararamdaman.

Nanginginig ang kamay kong inabot ang kamay ni Kent Axel dahilan para tignan ko siya na nakatitig sa akin, seryoso. "H-Help me e-escape," bulong ko.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry for doing this, my apologies." Matapos sabihin 'yon ni Kent Axel ay inakbayan niya ako at tinangay papaalis doon.


√√√

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top