Chapter 32 [Ignoring but-]

Saji Argelia's Point of View.


Pagkagising na pagkagising ko ay naligo na kaagad ako sa banyo dahil nakakahiya rin sa mga kasama dito sa bahay.

Pumili na lang ako ng jump suit na short at parang maxi dress ang pang-itaas.

Bumaba na ako para sa umagahan ngunit nasa hagdan pa lang ay tiningala nila ako kaya naman nag-iwas tingin ako.

"You look beautiful." Pilit kong nginitian si Kuya Luke sa pagpuri niya.

"Gutom ka na ba? Kumain ka na." Maayos na sabi ni Ate Mia kaya ngumiti ako at dumeretso sa mesa ngunit natigilan ako ng makita si Kent Axel doon na kumakain at nakatingin lang sa mesa.

"Mamaya na lang pala—"

"Kumain ka na, tapos na ako." Seryoso niyang sabi tapos ay tumayo at dinaanan ako kaya naman huminga ako ng malalim at naupo na sa mesa.

Matapos kumain ay lahat sila nasa labas ng bahay kaya naman lumabas na rin ako at araw kaagad ang sumalubong sa akin habang naglalakad ay natanaw ko si Kent Axel na magkakrus ang braso habang pinanonood ang mga bata na naglalaro.

He act so formal, na para bang sa kahit saan ay hindi talaga siya mapagkakamalan na normal na mamayan.

Mabilis kong iniiwas ang tingin ng magawi sa akin ang paningin niya, sa buhangin ako tumingin at nilaro ang paa ko sa buhangin.

Nang makarating sa cottage ay naupo lang ako at habang hawak ang cellphone ay nagbrowse muna ako sa social media accounts ko.

Pero nadaanan ko ang recent post ni Kent Axel sa IG isa itong tanawin na masasabi kong dito niya kinuha.

"Saji okay ka lang ba?" Napalingon ako kay Kuya Luke tapos ngumiti at tumango.

"Sigurado ka?"

"Oo naman oppa."

"Good," wika niya kaya tinignan ko na ang IG ko ngunit nanlaki ang mata ko ng mapusuan ang post niya dahilan para mabilis kong alisin yon.

"Hala!" Nakagat ko ang ibabang labi sa inis.

"Oh?"

"Oppa kasiiii napindot tuloy! Huhu.." Reklamo ko at inalis na ang IG sa mismong cellphone ko.

"Oh bakit mo inalis ang IG app sa cellphone mo?" Tanong ni Kuya Luke kaya umirap ako.

"Kasi napindot ko yung like sa post niya na hindi naman dapat! oppa kasi!" mas napanguso ako at ibinaba ang cellphone ko sa sobrang inis.

"Sino ba? normal lang naman ang like sa IG anong big deal doon?" clueless na tanong ni Kuya kaya ngumuso ako lalo pero nang mapansin kung sino ang nakatayo sa gilid sa entrance ng cottage ay halos mag-init ang buong pisngi ko.

"Oh Kent Axel," bati ni Kuya Luke kaya inabot ko kaagad ang cellphone ko at binulsa.

"Sup hyung," bati niya pabalik kung dati ay bahagya pang bata bata ang boses niya pero ngayon mas malalim pa ang boses niya kay Kuya Luke.

"Kumusta? Ginabi ka ng uwi kagabi ah." Nakagat ko ang ibabang labi ng mag-usap sila sa mismong harapan ko.

"Pinanood ko lang yung buwan hyung." He replied.

"Hindi ba kayo magsiswimming?" tanong ni Kuya kaya naman mabilis na iling ang isinagot ko hindi ko  pa rin tinitigan si Kent dahil nahihiya ako.

"I want to but I have a client to meet today," sagot niya kaya naman binuksan ko ang cellphone ko upang tignan ang updates sa mga patients ko.

"Pag justifiable homicide ba Kent Axel hindi sinasadya?" Napatingin ako kay Ate Mia na nagtatanong.

"Justifiable homicide is you killed the person to defend yourself, self-defense." Maayos na sagot niya kaya naman nakinig lang ako sa usapan nila.

"Then you can't be charged with murder?" nakagat ko ang ibabang labi dahil nacurious rin ako.

"Yeah, Justifiable homicide is the killing of a person in circumstances which allow the act to be regarded in law as without criminal guilt. But even though it's self-defense they have to prove that it's really self-defense." Kahit ako ay napatango sa sagot niya.

"Ganoon pala 'yon," wika ni Ate Mia.

"What's the difference of first-degree murder to second-degree murder?" Huminga ng malalim si Kent Axel sa tanong ni Ate Mia.

"Why? did you kill someone?" 

"Wala, tinatanong ko lang okay?" Singhal ni Ate Mia kay Kent.

"First-degree murder  involves any intentional murder that is willful and premeditated with malice aforethought. In short it's already planned, you already planned to kill that person." He answered and breathe.

"Next is second-degree murder may have intended to kill but lacked of premeditation, the punishment is slight less severe than the punishment in first-degree murder." Napatango rin ako sa mismong sagot at explanation niya kahit papaano ay nauunawaan ko.

"Nice." 

"Ayos pala, parehas lang pero parang hindi." Tukoy ni Ate Mia.

"It's good then, pero sino yung dalawang 'yon?" Napalingon rin ako ngunit ganoon na lang ang pangungunot ng noo ko ng sandaling mamukaan ko ang isang lalakeng nakasuot pa ng suit.

At isang babae na maganda, sexy at sakto lang ang tangkad mukha namang maamo ang mukha niya at ang suot niya ay medyo hindi lang aakma sa lugar pero ayos na rin. "My clients," sagot ni Kent.

Nang makalapit sila ay napako sa akin ang tingin ni Aries. "It's nice to see you again, Argelia." He said dahilan para tumayo ako upang batiin siya.

"Aries, it's been a long time." Pinilit kong ngumiti at kinamayan siya.

"Hindi ko inaasahan na makikita ka ulit, and you're with him na." Napasulyap siya kay Kent dahilan para alanganin akong ngumiti.

"Hi, you are?" Nang gumawi sa akin ang magandang babae ay ngumiti ako.

"Saji Argelia," pakilala ko at nakipagkamay ngumiti rin siya.

"I'm Leona Ballesteros, nice meeting you." Ngumiti ako tapos alanganing tumawa.

"I'm sorry but I think I have to go na so you can start the meeting--"

"Why don't you stay? Sinamahan ko lang naman ang pinsan ko." Aries said kaya naman alanganin akong ngumiti.

"I don't think it--"

"It's okay, stay." Kent Axel said kaya naman tumango ako at bumalik sa kinauupuan.

"Why don't you sit beside me Saji? sila naman ang client ko." Mabilis akong tumayo ulit at sumunod sa inutos niya.

Nang makaupo sa tabi niya ay huminga siya ng malalim. "I know that this is not the first time we met, Ms.Ballesteros. Can I check the forms and papers?" He formally said kaya naman nanood lang ako.

"Sure, this." Inabot pa ni Leona Ballesteros ang folders and envelope.

"By the way Argelia, sa palawan ka na pala nag-stay kaya nawala ka sa City." Ngumiti ako at tumango.

"Yeah, sa main island yung work ko." Sagot ko.

"Ang tatag niyo ng dalawa ni Mr.Sandoval ah," napalunok ako sa sinabi niya.

"Huh? Sila ba?" Tanong ni Leona.

"I thought you're single Mr.Sandoval," tila dismayadong sabi ni Leona.

"No, hindi kami. Mistaken lang siguro," wika ko nililinaw ang akusasyon nila.

"Hmm okay akala ko kayo," saad ni Aries at ngumiti.

"Ano namang work mo Miss Saji? Or Argelia?" tanong niya kaya tumikhim ako at matipid na ngumiti.

"Anything will do," I replied.

"Bet ko rin yung Saji, kaya Saji na lang. What's your work naman Saji?" She asked and smile so pure.

"She's a doctor," napalingon ako kay Kent Axel ng siya ang sumagot.

"Everything is okay, it's also accurate a hundred percent." Ibinalik ni Kent Axel ang folder tapos ngumiti.

"Let's wait for the food to be prepared then let's talk again next time, I mean next meeting." He formally said and fix his hair.

"I'm sorry, i'm at a family bonding that's why i'm here." He added.

"Sorry, yung daddy ko kasi nirurush ang files alam mo naman na malakas ka sa akin kaya kahit anong oras sana o araw pero si daddy kasi." Tahimik lang akong naupo, gusto ko ng tumayo.

"It's okay, it's not a problem." Umayos ng upo si Kent Axel at ng mapansin niyang pinanonood ko siya ay tinignan niya ako dahilan para maiiwas ko agad ang tingin sa kanya tapos tumikhim.

"Okay lang naman kung aalis na ako kasi hindi naman ako part ng meeti—"

"Oh please stay Saji, let's know each other. Ang awkward kasi pag ako lang yung girl rito," alanganin akong ngumiti kay Leona.

"Should I call you by your name or—"

"My name, hihi." Ngumiti na lang ako tapos tumango.

"Kent Ax— I mean attorney are you staying here for good?" Nakangiting tanong ni Leona habang naka de-kwatro.

"Yeah, for good. Wala na akong gagawin sa ibang bansa, Ayos na sa akin yung ilang taong experience as a lawyer outside the Philippines." Sagot niya at inilapag ang cellphone.

"Ah kung nagtataka ka Saji, same country kasi kami ni attorney kaya naman kilala na namin ang isa't isa." Nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako.

"Buti na lang hindi ako nagtataka," wika ko dahilan para matigilan sila.

"Ah I mean yeah, oo." Awkward kong sabi buti na lang ngumiti siya.

"At sobrang close rin kami niyan ni attorney, magandang kaibigan 'yan Saji." Huminga ako ng malalim.

"'Di ko naman tinatanong," bulong ko.

"Ha?" Tanong niya.

"Mag best friend na sila noon pa man, Leona kaya hindi mo na kailangang sabihin." Singit ni Aries kaya ngumiti ako.

"Ah ganoon ba, buti hindi kayo na-fall sa isa't isa?" nang sabihin niya 'yon ay hindi ako naka-imik kasabay non ay pagtingin ko kay Aries na naglapat ang labi.

"Ms.Ballesteros mukhang guton ka na ata, hayaan mo malapit na rin matapos ang niluluto." Maayos na sabi ni Kent Axel.

"Pero hindi kayo na-fall sa isa't isa? Like you know kahit crush lang—"

"Maybe." Nanlaki ang mata ko at nilingon si Kent Axel sa sagot pero sinulyapan niya lang ako.

"Maybe yes? Maybe no?" Tanong ni Leona kaya ngumuso ako.

"Guess," wika ni Kent Axel in a playful tone that made me glanced.

"Ano ka ba, pwede mo namang sabihing hindi—"

"Pwede mo rin namang sabihin," wika niya pabalik kaya suminghal ako.

"Hmm nagdala kaming champagne pagsaluhan muna natin," saad ni Leona kaya tumayo ako.

"Ako na ang maghahanda, sandali lang." Nakangiting sabi ko at inayos ang suot tapos ay naglakad papalabas sa cottage dahilan para makahinga ako ng maluwag.

Nang makarating sa kusina ng bahay ay hinahanda na nila tita ang kakainin sa dining kaya walang tao sa kusina dahilan para ramdamin ko ang dibdib na sobrang bilis kung tumibok.

'Paasa talaga ang isa na 'yon!'

"Hindi ka naman tumakbo—"

"Ay lobster!" nanlaki ang mata ko ng sumulpot si Kent.

"Ano ba, makasulpot!" reklamo ko mas bumilis ang tibok ng puso ko.

"What makes your heart beat faster? Hindi ka naman tumakbo?" tanong niya kaya umirap ako.

"Wala kang pakialam okay?" saad ko at tinalikuran na siya pero halos lumabas ang mata ko ng hulihin niya ang braso ko at muling iharap sa kanya dahilan para masandal ako sa sink.

"A-Ano b-ba?" nauutal kong sita.

"You're so red," nang ituro niya ang mukha ko ay pinalo ko ang kamay niya.

"It's a make-up called blush on!" singhal ko pa.

"All around your face? I thought blush on is for cheeks?" pasimple kong nakagat ang labi sa sinabi niya huli ako doon ah.

"Why do you know? Bakla." Inis kong sabi at bahagya na siyang itinulak.

"Bakla what?" He questioned, brows are raised.

"Hinihintay tayo ng bisita mo okay? Layo nga sabi ko 'wag mo na akong kakausapin eh." Pagpapaalala ko sa kanya pero nagmatigas siya until someone cleared a throat.

"Did I interrupt something?" Nanlaki ang mata ko ng marinig si Tito Vince dahilan para malakas kong itulak si Kent Axel.

"W-Wala po tito, inaaway lang ako ng anak niyo." Sumbong ko sabay turo.

"Ang sweet niyo naman mag-away—"

"Dad, stop." Sita ni Kent Axel at kumuha ng baso kaya kumuha na lang ako ng yelo.

Nang makakuha ay nagmamadali akong lumabas, nakakahiya! Nakakainis rin siya para niya akong inaasar!

Nang makabalik ay inayos na namin ang mga baso kaya naman nilagyan ko na ng ice cubes.

"Thank you," wika ni Leona kaya ngumiti ako, nilagyan naman nila ako ng champagne bumalik naman ako sa kinauupuan pero halos lingunin ko kaagad si Kent Axel ng masandalan ko ang braso niya.

"Move." Sita ko salubong ang kilay, ngumisi naman siya ano bang trip ng abogado na 'to?

Maya-maya ay dumating na ang food kaya naman napalunok ako ng makakita ng lobster, sabi na eh hindi ako nagkamali na umepal sa meeting na 'to.

"Hmm ang bango naman," nakangiting sabi ni Leona kaya naman nang magsimula silang kumain ay kumuha na rin ako at naglagay sa plate ko.

"Do you know what Saji, Kent loves lobster. Pero naalala ko noon umuwi siya ng PH just to find lobster," natatawang sabi ni Leona kaya nangunot ang noo ko.

Umuwi ng Philippines? Kailan? "A-Ah ganoon ba," wika ko at ngumiti na lang.

"She knows it. Kasi handa siyang makipag-agawan sa lobster ko because we both love it," pagkwento ni Kent Axel na para bang masaya siya like sinong matutuwa pag inagawan ka ng lobster?

Baka pag ako 'yung inagawan bugbugin ko na yung magnanakaw. "Ooh so how long do you know each other then?" Leona asked.

"Since 6 years old," nanlaki ang mata ko ng i-reveal niya iyon sa kanila.

Kent Axel smirked and sipped on his champagne, "Can you believe it? We met and separated but we're destined to meet each other again after a long long time," wika niya kaya umirap ako.

"You're saying too much," aniya ko.

"Am I? I'm not even drunk," he whispered near my ears that made me feel goosebumps kaya naman alanganin akong tumawa at pasimple siyang siniko.

Nang abutin kami ng tatlong oras sa pag-inom inom lang ng champagne ay nagsisisi na ako dahil nararamdaman ko na ang init ng singaw ng katawan ko lalo na yung init sa tyan ko.

Idagdag na natin ang katotohanan na nahihilo na ako, "Uhm we'll go ahead na rin. Let's meet each other on the main island," wika ni Leona kaya naman napaatras ako ng halos tumalon siya kay Kent para yumakap.

Kusa akong napairap, "Grabe dinadala ang kaharutan sa kung saan," bulong ko at mukhang narinig 'yon ni Aries kaya natawa siya.

"What's funny?" bulong ko.

"You still look cute, and you still like him huh." My eyes widened as he said that in a whisper way and playfully.

"You shut up," singhal ko.

"See, I got you." Natatawa niyang sabi kaya umirap ako.

"Hmm what about this, let me see his reaction." Nangunot ang noo ko pero halos manlaki ang mata ko ng hilahin ako ni Aries at yakapin rin.

"Enough with the hugs, it's getting late." Kent said in monotone.

Kaya naman mahinang tumawa si Aries at kinawayan ako yayakap rin sana siya kay Kent Axel pero sinamaan na siya kaagad ng tingin.

"Hindi mo 'ko namiss pare?" tanong niya.

"I don't baka nakakalimutan mong nadumihan ang codal ko dahil sa'yo?" nanlaki ang mata ko.

"H-Hoy ang tagal na noon!" reklamo ni Aries.

"Alis na," utos ni Kent Axel ng makaalis sila ay sinamaan ko kaagad siya ng tingin.

Pero hindi niya na ako pinansin at nagpaunang umalis ng cottage kaya ngumuso ako at naupo ulit tapos naglagay pa ng champagne na baso ko at uminom.

Nakakabadtrip, sabi ko iwasan niya ako tapos parang inaasar niya ako sa crush ko ganoon yung ginagawa.

"What are you doing?" halos mapatingin agad ako sa entrance ng cottage ng nakita ko siyang nakapamulsa doon.

"Umiinom," I obviously answered.

"Stop drinking already, inom inom hindi naman kaya." Sumimangot ako lalo sa sinabi niya ng lumapit siya ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba lumalapit ka pa rin? 'di ba sabi ko layuan mo 'k—" naputol ang sasabihin ko ng kunin niya ang kamay ko at alisin ang baso doon, "Isa pabayaan mo nga ako."

"Stop drinking masusunog ang atay mo doctor," mariing sabi niya lalo na sa word na doctor.

"Alalahanin mo na lang yung atay ni Lauren. Baka mawala 'yon pag inasinta pa niya ako," natatawa kong wika at binitiwan ang baso.

"That was kinda harsh but feisty," mabilis ko siyang nilingon ng presko niyang sabihin 'yon kaya mabilis kong hinablot ang kwelyuhan niya hindi para gumawa ng kaharutan.

"Are you really trying my patience Ultimate Sandoval?" mariing tanong ko, pinakikita ang galit na nararamdaman ko.

He bit his lower lip and started staring at my eyes that made me try harder not to look away or blush.

"Kinda Polaris," he whispered.

'Is he trying to pull a prank on me?'



√√√

@/n: Feisty feisty ha ako hungry, chour 😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top