Chapter 31 [I know you're using me.]
Saji Argelia's Point of View.
Sobrang hiyang hiya ako dahil sa naririnig, pero napapikit ako ng may maalala, yung nangyari 6 years ago.
Bigla ay nadismaya ako sa naalala, dahil ako ang unang humalik ang pasaway kong katawan ang gumawa ng paraan.
Mahina akong natawa sa naisip na nakasakit sa sarili kong puso. "Nonsense," bulong ko.
"W-What?" Lauren questioned.
"Didn't you grow up a bit? May anak ka na halos mag-aanim na taon na pero utak mo pambata pa rin." Inis kong sabi sa kanya dahilan para awatin ako ni Kuya Zai.
"Can't you be more sensitive?" I asked straightly looking at her.
"Sensitive?" Sarkastiko niyang tanong.
"I guess until now hindi mo pa rin alam ang ginawa mong mali 'di ba?" Hinawakan ni Kuya Zai ang kamay ko para awatin.
"This man loves you and obviously she's the father of your daughter pero harap harapan niya pinakikita mong walang kwenta ang nararamdaman niya."
"Saji enough," sita ni Kuya Luke.
"Can't you see? Noon pa man ikaw na ang puno't dulo ng mga sakit na nararamdaman ng tao. Hanggang ngayon ba naman?" iritang sabi ko.
She smiled teasingly. "Si Zai ba ang iniisip mo na nasasaktan o hanggang ngayon nagseselos ka pa rin sa akin?" napatitig ako ng masama sa kanya sa sinabi.
"Girls enough." Ate Mia said and stood up.
"Nararamdaman ba ni Zai o nararamdaman mo?" nang sabihin niya yon ay pasimpleng kumuyom ang kamao ko.
"Girls," Kuya Luke said and come near me.
"Calm down Saji," bulong nito kaya naman suminghal ako.
"I've been sensitive for a long time pero ikaw hindi ka na nagbago." Banas kong sabi.
"You're just jealous of me because Kent won't love you like you did." Mariin kong nakagat ang labi ng ibulgar niya ako.
"Lauren ano ba," sita sa kanya ni Kuya Zai.
"What? Sinasabi ko lang naman ang totoo na noon pa man may gusto na siya kay Kent." Inalis ko ang pagkakahawak ni Kuya Luke sa kamay kong nakakuyom at umalis sa lugar na 'yon.
'D-Did she just tell it in front of him? Papaano ko pa siya haharapin ngayon?'
"Saji!"
Sa inis ko ay pumasok na lang ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko upang doon ilabas ang galit na nararamdaman.
'Kung siraulo lang ako sinaktan na kita noon pa man lintek ka.'
"Ano na lang sasabihin ni Kent?"
"Nakakahiya nakakainis!"
"Bakit kailangan pa niyang sabihin 'yon, matagal na yon eh!"
Napalingon ako sa pinto naiinis lalo na ng may kumatok doon kaya naman inis ko iyong binuksan. "What!?" ngunit halos napalunok ako ng nagulat si Sierah sa sigaw ko.
"I-I'm sorry, a-akala ko iba." Mahina kong sabi.
"Tita, can you help me go to my mommy?" tanong niya kaya naman napalunok ako.
"H-Ha? Eh ano antayin mo na lang siya sa kwarto mo." Mahina kong sabi.
"Please po tita, I just need to tell her something po." Napanguso ako at pinantayan ang tangkad niya sa paraan ng pagluhod.
"Importante ba ang sasabihin mo?" tanong ko.
"O-Opo tita ganda," napaubo ako sa pambobola niya.
"Alam mo Sierah, mas gusto kita kesa sa mommy mo kaya sige." Ngumiti ito at tumango tango kaya naman huminga ako ng malalim at inabot ang cellphone ko upang samahan siya sa ibaba.
Nang makababa kami ay hawak hawak niya ang kamay ko kaya naman ng matanaw nila kami ay kusa akong umirap. Habang papalapit sa kanila ay iniiwas ko ang tingin kay Kent na pinanonood ako.
"S-Saji," wika ni Kuya Zai kaya matipid ko siyang nginitian.
"May importante daw na sasabihin ang anak niyo." Sagot ko at hinayaan si Sierah na bitiwan ang kamay ko.
Huminga ako ng malalim at iniiwas na lang ang tingin nilaro ko ang buhangin na nasa paanan ko at bahagyang lumapit sa dalampasigan.
"Mababasa ka Saji gabi na!" paalala ni Kuya Luke ngunit hindi ko siya nilingon at nanatili na lang akong tumingin sa buwan at sa makinang na bituin na halos nasa tabi nito.
'He's just using me to make her jealous in revenge."
And it hurts me, na hanggang doon lang ang role ko sa buhay nilang dalawa. "Mommy, daddy why aren't you two married?" Sa tanong ni Sierah ay kusa akong napalingon.
"A-Ah that." Tinitigan ko si Kuya Zai na hindi alam ang sasabihin.
"Jami said and her parents are married and that's Tita Mia and Tito Luke why aren't you mommy, daddy?" Bigla ay nalungkot ako para sa bata.
"Jami talaga," rinig kong bulong ni Ate Mia.
"Why does are last name Ramirez while daddy is a Garcia. 'Di ba po dapat same natin si daddy?" sandali kong naramdaman ang luha ng maalala ang magulang ko tapos ay iniiwas ko ang tingin at pinahid 'yon.
"I don't know anak," wika ni Kuya Zai.
"Why does mommy and daddy don't share the same room? Why does mommy and daddy are not close as Tita Mia and Tito Luke?" Nakagat ko ang ibabang labi ng mas maramdaman ang luha.
My questions before when I was just 7 years old is..
'Why does my parents don't love me that much?'
'Why does they share in one room but they don't love each other?'
'What's the purpose of having their last names if I saw them with other?'
I have a lot of why's, why's that answered my question now. Kasi nabuo ako hindi dahil gusto nila, nabuo ako dahil sa alak.
'And I hate the fact that I'm just a mistake for both of them.'
"Because we have a reason okay?" huminga ako ng malalim sa sagot nila.
"Ang nangyari kasi noon hindi namin inaasahan na mabubuo—"
"Bobo ka ba?" Kwestyon ko kay Lauren masama siyang tinignan.
"Oppa ilayo mo muna yung bata," utos ko.
"Saji."
"Pag sinabi kong ilayo mo, ilayo mo!" sigaw ko dahilan para sumunod siya.
"N-Nagagalit ka po tita?" Tanong ni Sierah.
"Ganito talaga ako magsalita, Sierah." Sagot ko.
"Sige na sumama ka muna sa daddy mo." Ngumiti siya at kumaway sa akin kaya napilitan akong ngumiti ng makalayo sila.
"Sasabihin mo talaga sa bata na hindi niyo siya ginustong dumating? Seriously." Gigil kong sabi.
"Saji bakit ba ang hilig mo makialam, anak ko yon." Galit na sabi ni Lauren.
"Totoo naman na hindi namin inaasahan at hindi namin ginusto ang nangyar—"
"Tanga ka nga talaga, No doubts." Tumayo siya kaya tumawa ako.
"Ano? Sa tingin mo matatakot ako sa patayo tayo mo?" sumbat ko.
"Alam mo kung bakit sumingit ako? Kasi alam ko yung pakiramdam ng bata. Alam mo ba kung ilang beses ko narinig na gawa ako sa pagkakamali?" Kumuyom ng sobra ang kamao ko.
Mabilis kong pinunasan ang luha na hindi ko inaasahang tutulo dahil sa galit. "Hindi inaasahan? Yun yung mali sa inyong mga magulang eh. Ginawa niyo tapos hindi niyo inaasahan?" Tumayo si Kuya Luke at lumapit sa akin.
"Nagpakasarap kayo tapos sasabihin niyo bunga ng pagkakamali? Eh kung barilin kita at sabihin ko gawa ng pagkakamali." Sumama ang tingin niya sa akin.
"Saji tama na."
"Alam niyo yung mga tulad niyong walang kwenta? Hindi na dapat binibiyayaan ng anak." Umawang ang labi niya at galit akong sinugod.
"Ang kapal ng mukha mong sabihan akong walang kwentang ina! Bakit anong basehan mo! Naging ina ka na ba!" Sigaw niya mabilis siyang inawat ni Kuya Luke kaya tumawa ako.
"Hindi pa ba sapat na basehan ang magulang ko para hindi ko malaman?"
"Magulang mo yon! Iba ak—"
"Pareparehas lang kayo ng sinasabi, parehas lang kayo ng ugali. Anong iba?"
"Kent Axel ilayo mo muna si Saji," utos ni Kuya Luke kaya ng hawakan ako ni Kent ay hinawi ko 'yon.
"Umungol ka, pero pagkakamali siya sa tingin niyo. Kalokohan." Malakas akong tumawa.
"Saji enough!" malakas na sabi ni Kuya Luke.
"Bakit hindi mo siya bitiwan oppa ng malaman natin kung papaano niya ako sasaktan?" Hamon ko.
"Ang lakas ng loob mo! Bakit sino ka ba!" sigaw nito kaya natawa ako.
"Inampon ka lang naman nila Kuya Luke!" Nang sabihin niya yon ay natawa ako.
"Eh ikaw sampid ka lang naman sa pamilya nila." Sumbat ko na mas ikinagalit niya.
"Ampon!"
"Kung ampon ako baka wala ako sa pinakamataas na rangko ng Luna, Lauren. Polaris, sabihin mo kung ampon ako." Hamon ko ipinakikilala ang pangalan ko sa grupo.
"Polaris?" Rinig kong sabi ni Kent.
"Polaris, anak lang naman ako ng kapatid ng magulang nila Oppa Luke at Oppa Zai. Ampon?" tanong ko.
"Saji tama na," wika ni Ate Mia kaya huminga ako ng malalim.
"Hate me until you die, I'll pray for your soul." Nakangisi kong sabi.
"Pasalamat ka may anak ka at pamangkin ko 'yon, swerte mo sa parteng hinahayaan kitang sampalin ako dahil sa loob ng organisasyon na kinatatayuan ko namamatay lahat ng nananakit sa akin." Mayabang kong sabi at nilingon si Kent tapos ay naglakad na papunta sa ibang direksyon hindi sa bahay kundi papalayo sa bahay.
Habang naglalakad ay natigilan ako ng maramdaman ko ang dahan dahan na paglalakad ng nasa likod ko.
'Wala namang multo 'di ba?'
Huminga ako ng malalim at patuloy na naglakad hanggang sa mas naramdaman ko ang paglapit nito at sa paglingon ko ay mabilis kong inabot ito ngunit bago pa man ay parehas kaming tumumba dahil sa madulas na buhangin at mabigat siya.
"Chill." Nang sabihin niya yon ay nanlaki ang mata ko dahil habang hawak ang kwelyuhan niya ay nasa ibabaw niya ang kalahating katawan ko.
Bigla ay namula ako ng maalala ang rebelasyon kanina dahilan para mabilis akong tumayo at lumayo. "Ba't ka ba sumunod," pabulong kong sabi.
"They told me to follow you," wika niya kaya umirap ako.
"Bumalik ka na doon," wika ko tapos ay pinagpag ang kamay ko at hindi siya tinulungan na tumayo.
"I'm already here," sagot niya at nakapamulsa, parati na lang siyang nakapamulsa.
"Huwag mo akong sundan nahihiya na ako," pagsasabi ko ng totoo na mahina niyang ikinatawa.
"Anong nakakatawa?" inis kong sabi at nilingon siya dahilan para mapatigil.
"Yung katotohanan na nahihiya ka sa akin," he replied and smirked kaya naman lumabi ako.
"Hindi totoo ang sinasabi niya," wika ko pilit nakikipaglokohan.
"Hind ko naman tinatanong," balik sagot niya kaya sumama ang mukha ko sa kahihiyan at lumapit na lang sa batong pepwedeng maupuan.
"Nagtataka ako bakit may malalaking bato sa baway dalampasigan," bulong ko sa sarili at naupo doon.
"Nagtataka rin ako," mahina niyang sabi dahilan para lingunin ko siya.
"S-Saan?" sana ay huwag niyang i-open ang pagkakaroon ko ng gusto sa kanya.
"Kung bakit hindi kita nakilala kaagad," nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"H-Ha?"
"Kung bakit hind—"
"Ano ba alam ko narinig ko, ang ibig kong sabihin sa ha ay linawin mo." Inis kong sabi na mahina niyang ikinatawa nakakainis yung kagwapuhan niya!
"When I was a kid, I was trained with one Luna that is Polaris." Napalunok ako kung ganoon ay hindi niya nakalimutan si Polaris pero hindi niya ako nakilala?
"I was shocked knowing that you are Polaris, kasi akala ko hindi na kami magtatagpo ulit like I thought she's already gone for good." Nakagat ko ang ibabang labi.
"Yung bata kasi na 'yon kalmado, hindi nagagawang magalit, hindi gaano maingay, hindi mahilig makiala—"
"Sinasabi mo bang maingay ako?" sumbat ko na ikinatawa niya.
"No, it's just that I didn't recognize you as Saji. And I just realized that you keep on pointing to that star saying you're a rebel." Huminga siya ng malalim at itinuro yon.
"And then I realized it's a north star known as Polaris." Ngumuso ako at hindi na lang umimik.
"I was just happy that I met you again, I mean yeah I met you before but knowing that you are her it feels so good." Umirap ako.
'Best friend pa din naman hanggang ngayon'
"Hindi ako masaya," bulong ko.
"Ang tagal ko naman ng alam na ikaw si Ultimate Sandoval bukod sa parteng nawala sa ala-ala ko pero nang bumalik ewan ko na lang." Hindi siya nakasagot bagkus ay sumandal siya sa bato.
"Ako lang naman ang nakakaalala, sabi ng isip ko. Hindi naman ako mahalaga kaya hindi mo ako makikilala." Bumuntong hininga ako at tumingala sa buwan.
"Sino ba naman kasing babae ang sisigawan ako dahil nakaupo lang ako sa upuan niya?" napanguso ako ng maalala ang ginawa.
"Hindi naman kita kilala non eh," reklamo ko nahihiya.
"Matapos ako sigawan gusto ako maging kaibigan," natatawa niyang kwento.
"Nakakainis ka, umalis ka na nga." Pagmamaktol ko.
"You can be weak with me Saji, you can cry with me," mahina niyang sabi dahilan para lumunok ako.
"Stop hiding in that shell and show me how weak you are, I won't laugh." Ngumuso ako at tumitig na lang sa repleksyon ng buwan sa karagatan.
"Hindi mo ba ako iiwasan?" tanong ko.
"Kung ako sa'yo iwasan mo na ako," bulong ko.
"Why?" He questioned.
"Because I will just be a burden to you, alam kong best friend mo ako. Alam ko 'yon, kaya sana dumistansya ka na." Pakiusap ko.
"Pag hindi kita nakikita ayos lang ako, pag hindi ko naririnig ang boses mo ayos lang ako. Mula ng maalala ko lahat Kent Axel hindi ko na alam kung papaano magiging normal sa harapan mo." Pagsabi ko sa katotohanan.
"Naalala ko na yung nangyari 6 years ago, bakit ka nagsinungaling? Para ba magselos si Lauren. Hindi na dapat tinatanong, yon naman talaga." Tumayo ako at sumandal na lang sa bato.
"I know you're using me, but you can just go and admit that you're still into her." Maayos na sabi ko.
"Mas matutuwa ako kung ganoon ang mangyayari, kesa gamitin mo ako. Mas masasaktan lang ako." Alam kong nakatitig lang siya sa akin.
"I'm so tired of being hurt by the same man since then," wika ko at pinahid ang luha ko.
"I thought i'm already done being like this, but now that you're back hindi ko na alam." Mapait akong ngumiti.
"Ngayong alam mo na ang nararamdaman ko, lumayo ka na." Maayos kong sabi at nilingon siya.
"Kasi pag lumapit ka pa, baka demonyohin na ako ng sarili kong utak para gawin ang lahat makuha ka lang." Ngumisi pa ako at tumayo na.
"Magpapahinga na ako," wika ko tapos naglakad na papalayo sa kanya pero huminto ako at nilingon siya.
"I know you're using me to make her jealous, and to be honest I hate you for that." Pagkasabi ko non ay naglakad na ako habang yakap ang sarili.
'Masakit, anong magagawa ko?'
√√√
@/n: Keep safe everyone 💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top