Chapter 3 [About to..]

Kent Axel's POV.





"Nakakainis kasi talaga, Kung pwede ko lang patulan ang isang yon kung hindi lang talaga grr." Mahina akong natawa nang magsimula na namang kausapin ni Argelia ang sarili.

Nang lingunin ko siya ay gulat niya akong tinitigan. "Tumawa ka diba?" Ngumiwi ako.

"Hindi ah," asik ko.

"Tumawa ka eh!" Nakangiting sabi niya dahilan para mapangiwi ako.

"Alam kong hindi totoo ang sinabi mo, malakas ako makiramdam e." Sagot niya kaya Ngumisi ako.

"Mabuti naman." sagot ko.

"Alam mo yung Pekeng kaibigan mo na yon, Nakakagigil as in!" dagdag pa niya at saka Pinagpag ang polong pinasuot ko sakanya.

Napatingin ako sa Katawan, Tsk fit na fit sa akin ang White Shirt dahil sa Hard Training kusa ko na lang nakukuha ang ganitong katawan. "In love na in love ka sa katawan mo ah." Agad kong tinignan si Argelia na tatawa tawa, Bipolar.

"Lahat napapansin mo." ngiwing sabi ko, agad kong natakpan ang katawan nang silipin niya.

"Nakatago akala mo naman may itatago!" nginiwian ko nalang siya tapos kinuha ko ang Cellphone sa Bulsa, Bumuntong hininga ako.

Sa Sunod na Klase ay nasita ako sa Suot na Shirt. "Mr.Sandoval, Alam ko naman na sikat ka pero bakit ganyan ang suot mo?" dismayado kong tinignan ang Professor namin.

"Sitahin niyo yung mga Lalakeng nakasando Sir, Wag ako." sagot ko tapos Binuksan nalang ang Text book halata naman na napahiya ito.

"Uy Argelia, Pahingi nga ako nang Index Card mo yung malaki." rinig kong bulong nang mga nakaupo sa likuran namin.

"Ako rin Argelia."

"Ako rin, Libre mo na saamin tutal bago ka lang naman dito eh." huminga ako nang malalim nang isa isa niyang binigyan ang mga kaklase nakakadismayang isa rin to sa ubod nang tapang di magawang isipin ang sarili.

"Meron pa ba? Penge pa." nakita ko namang napanguso si Argelia.

"Iisa na lang eh, para saakin na lang sana." aniya nito tunay nga naman na iisa nalang ang laman nang Plastic.

"Ang damot damot mo naman, Yung halos lahat binigyan mo tapos ako hinde. Akala ko mabai—"

"Ibigay mo na." tukoy ko kay Argelia at kinuha ang Bag ko tapos Kumuha nang Same Size Index Card nang nakanguso niyang iabot sa babae ang kanya.

Nang makuha ko ang Dalawang Pack ay Nilapag ko yon sa Harap niya tapos Tahimik na nakinig. "A-Ano to?" tanong niya saakin.

"Index Card." sagot ko.

"Hala!"

"Binigay sa kaniya dalawang Bago pa oh!"

"Nakakainggit naman si Argelia!"

"Eh bakit andami?" nilingon ko siya matapos akong tanungin.

"Sabi nga nila pag nagbigay ka, Madodoble." pagdadahilan ko nalang.

"Pero pano ka?" tanong niya saakin.

"I have a lot." sagot ko.

"Salamat.. Pero kahit isa na—"

"Take it, We're friends right?" napanguso siya pero tumango.

"Uy meron pa! Penge nama—"

"Wala kang Pambili?" inis na tanong ko.

"K-Kent.." hindi nito malaman ang isasagot.

"Ang kapal ng make-up mo, Index card wala kang pambili." inis na aniya ko pa dahilan para mangiyak ngiyak itong bumalik sa Kinauupuan.

"Ay ang taray, Tumpak ka don ha." hindi ko na Pinansin si Argelia sa sinabi kaya naman nakinig nalang rin siya.

Nang matapos ang klase ay papalabas na ako nang mabilis akong sabayan ni Argelia, Ang wirdo nang pangalan niya gusto kong paiklihin tinatamad akong banggitin. Kaya hindi ko siya tinatawag sa Pangalan niya.

"By the way kent, Salamat pala rito ah. Nasira kasi talaga yung damit ko sa susunod magdadala na ako nang isang Maleta." nakangiting sabi pa nito kaya naman hindi ko na siya sinagot.

"Nahihirapan ka ba sa Pangalan ko?" doon ay tumango ako.

"Saji na lang." sagot niya pa.

"Saji?" tanong ko.

"Oo, Sa-Ji first name ko kasi yun pero nakakahiya." Natatawang sabi pa niya.

"Saji Argelia Collins?" tumango siya ulit.

"SAC," aniya ko dahil doon ay napangiwi ako nang masama akong tignan ni Saji.

"Ambastos mo." Napailing nalang ako tapos sinabayan ang ibang estudyanteng maglakad.

"Uy! May poging bagong dating sa Engineering Building noh! Buti na lang katapat lang ng Medicine Building yun tanaw na tanaw!"

"Oo nga eh! Ang gwapo niya!"

"Ang talino pa sa Math beh!"

"Eh Engineer nga eh!"

Napailing nalang ako nang marinig ang mga kababaihan na panay Pogi ang Inaatupag hindi nalang mag aral. "Ayan nga Hayok sa Pogi pag kayo maaga nabuntis." isa pa tong katabi ko daldal nag daldal.

"Mga naglalaway sa Abs, Akala mo naman bubusugin ka niyan." inirapan siya nang ibang babae sa Sinasabi niya.

"Kung nag aral kayo, kesa yung Padaddy daddy kayo. Sugar Daddy ampota." nilingon ko si Saji na parnag galit na galit sa Mundo.

"Uy! Kent! Hi Argelia!" kaway nila Primain, nangunot ang noo ko nang may kasama silang mga lalake.

"Ano yun? Argentina? Yung de'lata?" sa akmang pag sugod ni Saji ay inawat ko siya.

"Wag mo na patulan." angil ko.

"Mag linis linis ka nang tenga mo ha! Argelia ang sinabi!" gigil na sabi nito agad naman na nahiya ang lalake.

"Sorry, Akala ko lang naman." tukoy nito.

"Bagay naman sayo Argentina." nginiwian ko ang lalake.

"Ano ba Rain! Inaasar mo pa eh!" sita sakanya ni Czarina.

"Mga Nobyo niyo?" tanong ko.

"Not yet, mga nanliligaw lang." tumango na lang ako bilang sagot.

"Lagot kayo sa mga kuya niyan." pananakot ko sa Tatlo tapos Naglakad na.

Habang naglalakad kami ay sandali akong natigilan nang may babaeng maganda ang humarang sa Dinaraanan namin, kaya ko namang mag adjust pero hindi ko gawain yon.

Napansin ko ang Hapit na hapit nitong Palda at ang Puputok na nitong Polo napangiwi ako. "M-mila.." sambit ni Saji kaya naman nalingon ko siya.

"I guess hindi mo makakalimutan ang mukhang ito at ang maganda kong katawan." Nadismaya ako sa Kahanginan nito.

"Aba, Proud ka na sa Katawan mo?" agad na Sinita ni Czarina ni Primain sa sinumbat.

"Nakakatuwang malaman na dito ka rin pala nag-aaral, small word isn't it?" nangunot ang noo ko, Word? You mean WORD? LIKE THIS?

'Nabingi ba ako? O world talaga ang gusto niyang iparating?'

"Ha? Anong small word?" gulat na sabi ni Clarisse.

"Maliit na Mundo." nakangising sabi pa nito at Dahil doon ay Napailing iling ako hanggang sa Marinig ang Nakakainsultong tawa ni Primain.

"OMG to the highest level! It's small WORLD not WORD okay? Malaki ang deperensya." Pag tatama nito, Kilala si Primain bilang maingay pero maalam sa bagay bagay.

"What?!" gulat na sabi nang Babaeng Mila.

"Ang ganda mo pero Err you know basta, Hahahaha!" Napalo ni Czarina si Primain sa Braso upang sitahin.

"Alam mo kasi Mila, Lumayo ako para matahimik na." aniya ni Saji o ni Argelia sa maayos na paraan.

"Sad to say, Nandito na ulit ako." nakangiting sabi ni Mila na tila nang aasar.

"Ah edi enjoy?" Alanganin na sabi ni Saji.

"I'm hungry, Let's go." Aya ko sakanila tapos Hinila ko na rin si Saji mula sa likod dahil na doon ang Bag niya doon ko siya Hinila.

Nang makalagpas na doon ay huminga ako nang malalim at Binitiwan si Saji. "Sino ba yun Argelia?" tanong nila Sa kaniya.

"Oo nga Argentina sino yon?" Akala ko ay papatulan ni Saji ang pang aasar sakanya ngunit hindi umiling lang siya.

"Wala yon.." sagot niya bagsak ang balikat kaya naman Tumikhim nalang ako.

Nang makarating sa Cafeteria ay Muli kong natanaw ang babae pero this time may kasama na itong lalake na may Itsura rin naman. "Tumahimik ka?" tukoy ni Czarina kay Saji.

"Saji na lang naiirita na ako sa Argelia," aniya nito tapos yumuko sa mesa dahil nag hihintay pa kami nang Food.

"May problema ba Saji?" tanong nila.

"Oh pwede bang makitable?" nang makita ang babaeng si Mila ay hindi na ako sumagot.

"Can we?" Tanong nang lalake, tunay nga naman kasing wala nang Seats na Available.

"Sure, ikaw ba yung engineering student na sikat?" tanong ni Clarisse.

"I guess? Sikat pala ako." Pahumble na sabi nito nang maupo sila ay Nakaharap ko ang Mila at si Saji naman yung lalake.

Sino kaya to? Bakit gulat na gulat si Saji at Naiilang? Teka nga? Bakit ba ako tanong nang tanong sa sarili ko ako namang pakialam ko.

"Long time no see, Saji." nangunot ang noo ko nang batiin siya nang lalake.

"Long? 2 months lang yon." sagot ni Saji tapos tumikhim, halatang naiilang.

"Dapat Kumain na lang kayo sa labas, Mas mura." aniya pa ni Saji sa mga ito.

"Sinasabi mo bang cheap kami?" inis na sabi nang Mila.

"Nope." sagot ni Saji at saka tumikhim ulit.

"I'm Harold, Harold Hernandez." pakilala nang lalake at nakipagkamay sa iba at nang saakin na ay tinignan ko lang ang Palad niya.

"Ah pasensya na ah, Hindi kasi siya nakikipag kamay." paumanhin ni Primain kaya naman alanganing natawa yung Harold habang nakatingin saakin.

"Bakit naman hindi?" tanong nito.

"Baka sa akin makipag kamay siya, I'm Mila Rodriguez." tinignan ko ang Palad ni Mila na nakalahad.

"I don't do exceptions." Seryosong sagot ko tapos iniiwas ang tingin.

"Weh? Nakipag kamay ka nga sa akin." mahinang bulong ni Saji kaya Ngumiwi ako.

"I did?" tanong ko, kunyare ay hindi naalala.

"Oo kaya, ikaw ah." Asar pa nito kaya naman mabilis kong tinulak ang noo niya tapos ngumiwi.

"Bakit hindi kayo Umorder?" aniya ko sa kanila.

"Hindi ba nila kukunin ang orders natin?" tanong ni Mila.

"Nakita ko kasi kanina kinuha ang Order niyo." dagdag pa nito.

"Hindi naman kita kaibigan kaya hindi kayo damay." Walang galang kong sagot at saka sumandal.

"Huh? Ang rude mo naman." maarteng sabi nito.

"Mila, Enough." Sita ng Nobyo nito sa kaniya.

"Tara na umorder na tayo." hinila pa ni Harold ang Nobya papatayo nang makaalis sila ay Nakita kong malakas na Suminghal si Saji.

"Ang kakapal nang mukha." bulong niya.

"Seryoso nga Saji, Sino sila? I mean kilala niyo ang isa't isa e." tanong ni Primain.

"Ex ko yung isa, tapos yung kaklase niya na Pinalit sa akin." Ngiwing sagot ni Saji kaya napaayos ako ng Upo.

"Yun yon?" tanong ko.

"Oo, syempre nakikita mo naman diba? Yung pinalit sa akin naglalakad lang parang mag sisimula pa nang Lindol ang Dibdib niya." aniya ni Saji dahilan para Matawa ako at Mapailing.

Kahit anong pigil ko ay natatawa ako. "Halata nga, Flat ka ba?" agad siyang ngumiwi sa tanong ni Czarina.

"Sakto lang." halos manlaki ang mata ko nang sukatin pa niya ang dibdib gamit ang palad dahilan para Tumingin ako sa ibang bagay kahit kasi sa mukha niya ako nakatingin ay nakikita pa rin.

"Ay iba ka teh! Hahahaha maganda kang kaibigan." Natatawang sabi nila Clarisse.

"Buti naman Saji na pangalan mo, Kase pag Argentina baka mag-away—"

"Ano ba! Kanina ka pa ah!" inis na asik niya kay William, ngingisi ngisi naman si William halatang nang aasar.

Nang makabalik ang dalawa ay mabilis silang Umayos nang Upo, Lalo na si Saji na kanina ay parang makikipag-away umayos. "Bakit nakapang lalakeng Polo ka? Kaya ka Iniiwan eh, Para kang lalak—"

"That's none of your business, Your Opinions? Keep it." Seryosong sabi ko pa.

"Ang yabang mo nam—"

"Sinasabihan lang kita dahil nandito ka sa TABLE ko." Mariing sabi ko pa, Sinita naman siya ulit ni Harold kaya naman bumuntong hininga ako.

"Kalma lang Pinsan." Hinagod pa ni Czarina ang likod ko kaya naman ng dumating ang Food ay Naghanda na kami at tahimik na kumain.

Habang kumakain ay Nag kwento si Mila kaya tahimik lang ako. "Sobrang hard talaga nang Mathematics, but so It's fun naman." Bumuntong hininga na lang ako Sa Trying Hard English nito ngunit hindi mapirmi ang nga kasama ko lalo na si Primain.

"Girl, Mag Tagalog ka na lang okay?  Baka saan pa mapunta ang Ingles mo." Nakakainsulto dahil tumatawa pa si Primain.

"Seriously? Does grammar really matirs?" Nakagat ko ang ibabang labi lalo na nang muntik ng maibuga ni Saji ang laman nang bibig mapigilan lang tumawa.

'Stupid.'

"Of course, kaya tagalog ka na lang ha?" sagot ni Primain.

"Eh ikaw? Magaling ka ba sa Math? Porket magaling ka mag ingles nang mamaliit ka na." Galit na sabi ni Mila.

"Hindi ako magaling sa Math, pero at least I'm not Pasosyal like you 'no? Hindi ako trying hard, o pabibo kung tawagin." Ngising sagot ni Primain, lumalabas ang pag ka-conyo niya.

"You know what your men!" Sigaw ni Mila, Natakpan ko ang bibig at napayuko nang sandaling matawa si Saji at muntik nang lumabas ang laman ng bibig.

Ganun rin ang iba. "Ano ba." Sita ko kay Saji.

"Ha? Alam ko yung lalake ko?" tanong ni Primain.

"Hindi sabi ko ang Men mo! Ikaw men ka!" naiinis nang sabi ni Mila.

"Mila please enough." Sita ni Harold.

"Anong nakakatawa Argelia?! At least hindi ako Iniwan para sa iba! Ang babastos niyo!" Napailing na lang sa pagkadismaya si Harold nang Hilain siya nang Nobya.

At nang makaalis sila ay Doon ako napangiti habang umiiling iling habang ang mga kasama ay tumatawa. "Your men daw kasi." Ulit pa ni Con.

"Kinginang Ingles yan, dumugo utak ko Hahahahaha!"

"Una Small Word, yung matters niya Matirs ayoko na HAHAHA!"

"Tama na nga kakalait niyo." Sita ko sa kanila, hindi dahil 'di ako matutuwa pero pinipigilan kong tumawa.

"Hindi ako nalungkot nang pinagpalit ako, Pinagpalit ako sa Tulad niya eh hahahaha!" tawang tawa pa si Saji.

'Ako kaya? Hanggang kailan magiging sawi ang puso ko?'


√√√

@/n: Hanggang kailan kaya? Hmmm

Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top