Chapter 28 [Awkward Night]

Saji Argelia's Point of View.


I rushed leaving the island so I could ignore him, I mean Kent Axel.

'I'm already okay, right Saji Argelia?'

Nang makasakay sa chopper ay isasarado na sana ngunit may mabilis na pumigil doon at pilit na binuksan dahilan para mapairap ako.

"Move," wika ng boses niyang walang sinlamig, abot abot man ang kaba ay sinunod ko siya.

Hindi ko siya kinibo, dahil ayokong mautal sa harap niya. Alam ko namang hindi niya alam ang nararamdaman ko at kahit na basta hindi pa ako handa.

"Let's go." His voice changed, it's more manly and cold now and it makes me feel goosebumps.

As we land on the rooftop of the hospital I immediately walked fast so I could I avoid him. Nang mauna ay isasarado ko na sana ang elevator pero ang kamay niya ay hinarang niyang muli.

Nakagat ko ang ibabang labi ng palihim at iniiwas doon ang tingin dahil kusa ng lumalabas ang ugat sa mga kamay na 'yon.

He's wearing a black slacks that has two pockets and he just simply put his one hand inside it. I tried not to simply observe him because I'm not freaking alright!

He cleared his throat that made me stand straightly, I sighed. "I have a lot of questions in my mind," he whispered.

"I just saw a lady I didn't expect to meet in the middle of a little war." Nakagat ko ang ibabang labi at sa kaba ay ng bumukas ang elevator mabilis akong naglakad papalabas.

Malakas ang tunog ng bawat takong sa suot ko dahilan para tignan ako ng lahat, nagmamadali ako hanggang sa mabilis akong tumama sa isang dibdib. "Saji," nang mapagtantong si Oppa Luke ay nakahinga ako ng maluwag.

"Bakit si Kent Axel ang sumabak doon oppa? Bakit hindi ikaw?" bulong kong tanong mahina naman na natawa si oppa dahilan para mapairap ako at tsaka umayos ng tayo.

"Relax." Natatawa niyang sabi at tsaka bahagyang gumilid kaya naman pasimple kong sinulyapan si Kent Axel na simpleng simple at normal na naglakad papalapit sa amin.

His gaze meet mine that made me look away, ayoko. Mapang-akit na mga mata.

'Marupok ako kingina.'

"What's the plan, hyung?" sa muli ay mahina kong kinagat ang ibabang labi at huminga ng malalim.

"Tuloy tayo later, but are you sure you'll be okay? Complete tayo," wika ni oppa at dahil doctor nga pala ako umayon ako sa kung anong propesyon ko.

"I already meet her and her daughter at the mall." Nang marinig ko 'yon ay awtomatiko kong nalingon si Kent Axel.

'Parehas silang nawala, 'di ba nagsama sila sa ibang bansa?'

'yon ang balitang inilatag sa akin ni Lauren sa tawag, kaya mula non hindi na kami nagkita pa at dahil doon mas nasaktan lang ako dahilan para mas magpursigeng kalimutan na lang siya.

"Oh is that so? Then great, how do you feel?" bago pa man sumagot si Kent Axel ay tumikhim ako at tinignan si oppa na nakatingin sa akin.

"I'll check my patients," wika ko at tsaka nilingon si Kent nakatingin rin siya sa akin kaya awtomatiko akong umirap at umalis na.

"Really? What's with that attitude?" rinig kong sabi niya pero naglakad pa rin ako.

Mainis ka lang, bwisit ka eh. Nakakainis papunta na ako sa healed pero dumating ka na naman ata para saktan ako.

Alam niyo 'yon para akong high school student na hindi na-crushback pero sa totoo lang bente sais na ako magbebente syete na nga.

Nasa malaking hotel ako na pag-aari ni Kent Axel at Eonnie Mia, well matagal naman na akong nag-iistay rito mula ng umapak ako sa palawan after graduation itong hotel na ito ang bahay ko.

Nagreready ako for dinner, hindi dapat talaga ako pupunta pero sobrang nahihiya ako kay Tita Miyu at Tito Vince. Buti nga't naayos ang alitan namin ni Oppa Zai dahil kahit pa ganoon ay alam kong nag-aalala rin siya sa mag-ina niya na iba ang kinasama.

'Is Kent not unfair? Also Lauren? Nagsama sila eh may totoong ama yung anak ni Lauren.'

Napairap ako ng titigan ko ang dalawang damit na pinagpipilian, both dress kaya wala akong magawa.

Beige fitted dress or the fitted white above the knee dress? Yeah I prefer white. Nang masuot na ang mga 'yon ay tinernuhan ko ito ng simpleng 2 inch heels at bag na silver ang kulay.

I fixed my hair into a bun to be more professional, after that I checked the time and it's already 6 PM magsisimula na kami in fifteen minutes.

Umalis na ako at nagmamadaling pumunta sa elevator dahil sa penthouse ni Eonnie Mia na ako tumutuloy dahil may bahay naman sila rito.

Nang makarating sa venue ay nakahinga ako ng maluwag ng wala pa ang iba at tanging sila oppa pa lang ang nandidito.

"You look gorgeous." Napalingon ako kay Oppa Luke at ngumiti.

"Thank you oppa," bulong ko at humalik sa pisngi niya.

"Favoritism." Napalingon agad ako kay Oppa Zai kaya napailing na lang at ngumiti.

"Kiss rin?" Tanong ko pa.

"Sure," itinuro ni Oppa Zai ang pisngi kaya natawa ako.

"I'm glad I have two kuya's kahit wala akong parents." Nakangiting sabi ko at humalik sa pisngi ni Oppa Zai.

"You're always beautiful kahit hindi ganyan ang ayos mo." Ngumiti ako at babalik na sana sa pagkakaupo ng makita ko na nakatayo na sila Kent Axel kasama si Lauren at ang isang cute na batang babae.

Inilihis ko kaagad ang tingin sa kanila dahil sa akin sila nakatingin, umayos na lang ako ng upo at deretsong tumingin sa katapat kong upuan.

Sunod non ay nagsidatingan na rin sila kung kaya't napanguso ako ng ang gawin nilang pagbati lahat ay halik sa pisngi at yakap kahit si Lauren at Oppa Zai.

Kaya tumayo ako at nang magtama ang mata namin ni Lauren ay matipid na lang akong ngumiti at humalik sa pisngi niya ngunit ng sa anak niya na, na pamangkin ko ay ngumiti ako ng malaki at pinantayan ko pa ang tangkad nito kahit na nakadress ako.

"Hi." Bati ko, nang ngumiti ito ay humalik siya sa pisngi ko kaya naman niyakap ko siya.

"I'm your tita, Tita Saji." Sagot ko tapos tumayo na.

"You are?" Tanong ko rito.

"S-Sierah tita," magalang nitong sagot kaya ngumiti ako at sunod ay si Tita Miyu at Tito Vince kaya ganoon rin ang ginawa ko.

"You look beautiful!" Masayang sabi ni Tita Miyu kaya ngumiti ako.

"Thank you tita," wika ko.

"She looks stunning, always." Nginitian ko rin si Tito Vince.

"Thank you tito."

"Sige na batiin mo na muna ang best friend mo oh, bagong dating." Nang sabihin 'yon ni Tita Miyu ay nailang ako at tinignan si Kent Axel na nakatingin na sa akin.

Ang tingin nito ay parang nagtataka sa inaakto ko, 'wag pahalata Saji Argelia. "Again, welcome back attorney." Maayos kong sabi at lumapit sa kanya upang humalik sa pisngi niya ngunit dahil sa tangkad niya ay bahagya pa akong tumiklay.

Ngunit halos manlamig ako ng maramdaman ang pag-alalay niya sa bewang ko dahilan para mapatikhim ako at lumayo ng bahagya lalo na ng magdikit ang mga labi namin sa bawat pisngi ng isa't isa.

"Thank you, Doctor." Seryoso niyang sabi kaya naman naglapat ang labi ko at alanganing ngumiti sabay bawi at lumayo na upang bumalik sa kinauupuan ko.

Mahaba ang mesa at sa bandang gitna ako nakaupo katabi ko ang anak ni Lauren na pamangkin ko, tapos sa kabila ko ay si Oppa Zai.

Nakatitig lang ako sa bakanteng upuan sa harap ko ngunit kusang umangat ang mata ko ng may humila sa upuan na 'yon.

Nakatingin rin siya sa akin kaya naman huminga ako ng malalim at sa iba tumingin. Really? Bakit hindi na lang sa harap ni Lauren?

'Korni.'

"Attention." Napatingin ako kay tita na kinuha ang atensyon namin.

"Biglaan ang pag-uwi ng bunso at ng gitnang anak namin na si Kent Axel at si Lauren. Anim na taon rin bago tayo nakumpleto ulit kaya naman gusto kong magbonding bonding tayo, take day offs okay?" Nakinig lang ako, hindi naman ako parte ng pamily—

"Including you Saji, ngayon lang tayo ulit nagkita matapos ang isang taon." Napalunok ako at ngumiti.

"Titignan ko po kung maluwag ang operation schedu—"

"Please?"

"Alright tita." Sagot ko.

"Good! How have you been Lauren? Ang laki na ng apo ko sa'yo. How old is she?" Tanong ni tita dito kaya tahimik lang akong nakinig.

"She's turning six mom next 2 months." Nakagat ko ang ibabang labi at tumitig lang sa plato ko.

Nang dumating ang kakainin namin ay maayos kong hiniwa ang steak at hinayaan silang mag-usap usap.

"Hindi ko man alam kung saang bansa kayo pumunta pero ang mahalaga nandito na kayo ngayon. Sobra niyo akong pinag-aalala." Maayos at kalmado iyong sinabi ni Tita Miyu habang ako ay pasimpleng ngumunguya.

Ngunit halos magning ning ang mga mata ko ng makita na ilapag nila sa harapan ko sa gitna ang lobster na batid kong buttered.

"Uy maakit na 'yan." Bulong ni Oppa Zai kaya pasimple ko siyang siniko.

"You're not funny." Inis kong sabi.

"Sungit, wala kasing—"

"Try me." Bulong ko at siniko na naman siya.

"Zai, Saji stop it." Mabilis akong napaayos ng upo ng sitahin kami ni Kuya Luke.

"Siya kasi," bulong ko.

"Naghaharutan lang naman ang dalawa, hayaan mo na." Maayos na sabi ni Tita Miyu kaya ngumiti ako.

"Isantabi ang harutan." Ngumuso ako ang kill joy at strikto talaga ni Kuya Luke pag sila naman ni Eonni— ATE MIA.

Habang kumakain ay natigilan ako ng may maglagay ng lobster tail sa plate ko dahilan para tignan ko si Kent Axel na tinitignan rin nila.

"What?" tanong niya.

"A-Ano.."

"Ano?" tanong niya.

"Ano gagawin ko diyan?" kinakabahan kong tanong pilit nilalabanan ang titig niya sa akin.

Huminga siya ng malalim, parang mauubos ang pasensya. "Kinakain." Napalunok ako sa sagot niya.

"T-Thank you." Sagot ko kaya ayokong nagsasalita eh! Nauutal ako.

"Sweet." Napalingon ako ng marinig kong sabihin 'yon ni Ate Mia.

"I mean the wine is sweet, taste it." Paglilinaw niya kaya huminga ako ng malalim at kumain na lang.

"Ikaw Kent Axel, kumusta ang college life mo?" panimula 'yon ni Tito Vince.

"I graduated." Nakagat ko ang ibabang labi sa sagot niya.

"I know, pero kumusta nga ang kolehyo mo ng wala kami?" Tanong ulit ni tito natatawa.

"It's good dad, I still graduated law. Pass the exam and good to go." Maayos ang sagot na 'yon hindi lang ganoon kadescriptive.

"Did you go with Lauren?" Napalunok ako ng tanungin 'yon ni Kuya Zai kay Kent dahilan para matigilan si Kent.

"Where?" Tanong nito.

"Sabay kayong nawala ni Lauren, Kent Axel. Magkasama ba kayo?" maayos naman ang tanong ni Kuya Zai pero ang awkward para sa akin ewan ko ako lang ba?

"Seriously? Hindi mo kasama ang mag-ina mo?" Napalunok ako at tinignan si Kent Axel.

"What do you mean?"

"Zai ano ba? Let's talk about this later." Rinig kong sabi ni Lauren kaya huminga ako ng malalim.

"I'm not with her, I'm not with them. Wala akong balita sa lahat." Sagot ni Kent kaya nagulat ako.

'Kung ganoon hindi sila magkasama?'

"He's telling the truth, Kent studied at Harvard." Sagot ni Ate Mia kaya nakagat ko ang ibabang labi.

'Alright, false accusations Saji.'

"Really? I thought the three of you are together." Bulong ni Kent kaya lumabi ako at tumayo.

"Excuse me, I'll just use powder room." Magalang kong paalam at inabot ang bag ko tapos umalis na sa mesa.

Huminga ako ng malalim sa sobrang kabang nararamdaman ko, nakakainis! Nagsinungaling rin si Lauren sa akin noon.

'She's really a bitch.'

Matapos kong magretouch ay bumalik na ako doon at nag-uusap usap na muli sila ngunit normal na ang lahat. "Bakit wala si Laze at Jami oppa?" bulong ko kay Kuya Zai.

"Ewan ko sa magulang nila." Sagot niya kaya napanguso ako.

"Laze and Jami will be coming, pagod kasi sila kaya pinagpahinga ko muna." Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Kuya Luke at kumain na lang.

Nang matapos namin ang gabihan ay dessert na kami ngunit ang iba ay umiinom ng wine even Kent Axel.

"By the way Saji, Naalala ko lang before nung lasing ka." Natigilan ako at napatingin kay Ate Mia.

Nasa kabilang mesa naman na sila Tita Miyu at Tito Vince kasama ang mga kaibigan nila kaya kami kami na lang ang nandito at ang mga bata ay naglalaro sa set up play ground.

"Kailan 'yon?" Nagtataka kong tanong.

"That was years ago eh, like 6 years? Or almost." Napaisip ako.

"Nung sinermonan kita." Saad ni Kuya Luke kaya napalunok ako at alanganing tumawa.

"Naalala ko na." Sagot ko at sinulyapan si Kent Axel na siyang dahilan ngunit hanggang ngayon hindi ko pa nga rin naalala.

"Hindi naman na ako umiinom ng ganoon, hindi ako nakakaalala eh." Natatawang sabi ko.

"Ay hindi mo naalala?" Tanong ni Ate Mia kaya nakangiti akong tumango.

"'Di ba Kent Axe—"

"Noona, Enough." Sita ni Kent kaya naman nilingon ko si Lauren.

"Luh, pinaalala ko lang naman kasi 'di ba nang gabing 'yon uminom ka rin? May lipstick stain ka pa nga sa labi." Ang pag-inom ko ng wine ay napatigil.

"Noona." Sita ni Kent.

"Peachy pa nga yung shade," wika ni Ate Mia dahilan para mas matigilan ako.

'My lipstick shade is always peach? Pero malabo kaya ngiwi na lang'

"Ayan oh, kaparehas ng nasa labi ni Saji." Natigilan ako tapos tinignan si Ate Mia.

"Really?" Tanong ni Kuya Luke kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Oo, same sha—"

"If you don't stop noona, I'll make sure to—"

"Yes dongsaeng," wika ni Ate Mia nang-aasar ang tono kaya naman nakipagtitigan ako kay Kuya Luke.

"Saang bar ka ba uminom ng gabing 'yon Saji?" Napalunok ako sa tanong ni Kuya Luke.

"S-Sa malapit sa Ice Cream Parlor, b-bakit?" kinakabahan kong tanong.

"Sino ba naghatid sa'yo pauwi?" Napalunok ako.

"'Di ba ikaw?" Tanong ko.

"Seriously? Hindi mo ala—"

"Kami." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sagot ni Kent Axel dahilan para tignan ko siya.

"K-Kayo?" gulantang kong tanong.

"Kami nga Saji," wika ni Ate Mia kaya napaisip ako at napatulala.

"A-Ano?"

"P-Papaanong ka-kayo?" Kinakabahan kong tanong.

"Hindi ko rin alam, pero si Kent Axel baka oo." Napatingin ako kay Kent ngunit ang nasa isip ko ay yung sinabi nilang lipstick stain.

"I saw her, tha—"

"I-I'm going." Mabilis kong sabi ayoko na marinig.

Hinablot ko ang bag ko at nagmadaling umalis, pero napigil ako ni Kuya Zai.

"Bitaw," sita ko pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko.

"You're red?" Hiyang hiya ako ng ituro nito ang mukha ko.

"Ya oppa!" sita ko at sinamaan siya ng tingin dahilan para tignan ako ng lahat.

"Oppa?" Tanong ni Lauren.

"Oppa?" Tanong rin ni Kent Axel.

"She's mad already," nang-aasar na wika ni Kuya Zai kaya mariin kong nakagat ang ibabang labi sa inis.

"Bakit hindi mo na lang kausapin si Lauren? 'di ba patay na patay ka pa rin sa kanya hanggang ngayon?" Nang sabihin ko 'yon ay mukha naman ni Oppa Zai ang namula kaya ngumisi ako.

"That's not tru—"

"It is or not, I don't care makibonding ka na nga lang sa anak mo kesa inaasar mo 'ko!" inis kong sabi at malakas ko siyang hinampas tapos umalis na.

Nang makapag-paalam kita Tita Miyu at sa iba pa ay dumeretso ako sa Elevator, napairap ako ngunit mariin na napapikit ng magsink in sa isip ko ang sinabi nila.

'Did I confess that day? Did I kiss him?!'

Sa inis ay inalis ko ang pagkakabun ng buhok ko at inilugay ang normal na bahagyang kulot sa ibaba kong buhok.

'You're dead Saji.'


√√√

@/n: Enjoy reading and keep safe luxians, lovelots! Thank you for supporting me 💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top