Chapter 27 [Hourglass]
Saji Argelia's Point of View.
Sa unang pagmulat at pagkurap ng mata ko ay pagsakit ng ulo ang agad kong naramdaman, ang bigat, para itong binibiyak.
Ngunit pilit ko mang inaalala ang nangyari kagabi ay tanging ang pag-inom ko na lamang ng pangit na lasa ang naalala ko.
Bukod pa doon ay hindi ko maalala ang nangyari matapos non hanggang sa makauwi ako. Bumangon ako ngunit halos magising ako sa malakas na paghampas sa study table ko.
"O-Oppa." Mabilis kong sabi.
"Who told you to get drunk without my permission?" Lumabi ako ng magkakrus ang braso ni Oppa Luke at ang matalim na tingin nito.
"I'm sorry," wika ko.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo kagabi?" bumuntong hininga ako kasabay ng pag-iling.
"I can't remember oppa."
"It's already 1 PM," aniya niya kasabay ng pagtingin sa relos at tignan akong muli ng salubong ang kilay.
"Kent already left," sa winika niya ay nagising ang diwa ko at nilingon siya.
"P-Pero 'di ba dapat next month pa?" kinakabahan kong tanong.
"He can't do it anymore, It's a torture for him to stay here." Napalunok ako kasabay ng pagyukom ng kamao.
"Without even saying goodbye? How selfish." Inis kong sabi.
"Tsk, inom pa. Kung pinuntahan mo na lang sana siya?" ngumuso ako.
'Tama nga naman'
"Saang bansa siya dumeretso?" Tanong ko.
"I don't know either." Seryos niyang sagot at naupo sa swivel chair.
"Pero hindi pa tapos ang sem?" Tanong ko.
"Tinapos niya na, sa ibang bansa na siya mag-aaral at titira." Mas humaba ang nguso ko sa narinig at tsaka bumalik sa pagkakahiga.
"Nakakainis," masama ang loob kong bulong hanggang sa hindi ko namalayan na lumuluha na ang mata ko sa inis at sama ng loob na nararamdaman.
"Sinabihan na kita Saji Argelia," rinig kong wika ni oppa dahilan paramas mapanguso ako.
"Alam mo ang dapat mong gawin?" napasilip ako ng sabihin na 'yon.
"Forget about that feelings, hindi nakabubuti sa'yo ang maging ganyan. Ayos ka na ng hindi mo pa naalala lahat, bakit bumalik pa?" lumabi ako dahil sa narinig.
"Bakit oppa ng sinabi ko ba sa'yong kalimutan si Eonnie Mia ginawa mo ba?" Bumuntong hininga siya sa isinumbat ko.
"'Yon ang suhestyon ko na alam kong makabubuti sa puso mo. Kent is such a faithful kind of person kahit walang pag-asa ginusto niya si Lauren at hindi natin alam kung kailan mawawala 'yon. Masasaktan ka lang." Ngumuso ako at niyakap ang unan.
"How can I? gayung nagka-amnesia na ako siya pa rin ang gusto ko?" Napairap pa ako at mas nagluksa.
"Bahala ka Saji, sinasabihan kita as kuya mo dahil hindi naman kayo maayos ni Zai." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at bumuntong hininga na lang sa inis na nararamdaman.
***
Makalipas ang ilang taon ay wala ng balita kay Kent Axel at umaasa na lang ako sa wala kung kaya't pinagod ko ang sarili ko sa pag-aaral upang makalimot kahit papaano. Malapit na akong maging ganap na doctor ngunit parang wala lang sa pakiramdam.
"Argelia, may kasama ka ba umuwi?" Nalingon ko ang hindi pamilyar na lalake at umiling na lang bilang sagot ngunit nagpatuloy pa rin sa paglalakad ngunit sumunod pa rin siya.
"Gusto mo mag-ice cream?" anyaya niya kaya muli ay umiling ako bilang sagot.
"P-Pero sabi nila paborit--"
"No, I said no. I want to be lonely so find someone who can be with you." Maayos kong sabi at binilisan ang paglalakad upang hindi na niya ako sundan at kulitin hindi ko naman siya kilala.
Napabuntong hininga ako ng sandaling pasukin niya na naman ang isip ko, kumusta naman kaya ang puso niya ngayon? Sa taon ba namang lumipas maalala niya pa kayang may best friend siya?
'Siguro ay hindi na.'
Kent Axel's Point of View.
Huminga ako ng malalim ng matanaw ang Palawan, taon na ang lumipas ang laki rin ng ipinagbago ng palawan at ngayon ay hindi nila inaasahan na uuwi at babalik pa ako sa Pinas. Well, I wanna surprise my noona.
"We're near the location sir," wika ng piloto kung kaya't tumikhim lang ako at inayos ang suot suot kong necktie.
Nang magland sa tuktok ng hospital ang chopper ay napagtanto kong mas tumaas ang hotel na nakatayo malapit sa ospital. Pinlano ko talagang dito lumapag dahil pag sa mismong entrance ng ospital ako papasok mabilis na kakalat ang chismis.
"Welcome back sir," bati nila kung kaya't tumango lang ako.
May malaking mall na rin na bagong tayo sa site kung kaya't masasabi kong mas maraming mag-eenjoy sa isla na ito. Dumeretso ako sa floor kung saan ako dapat upang malaman ko kung nasaang floor sila noona ngayon.
"S-Sir Kent." Gulat na bati ng isa kaya sinenyas kong huwag siyang magsalita.
"Where are they?" I questioned.
Nawala ako sa loob ng anim na taon mahigit, kumusta naman kaya ang mga pamangkin ko sa kanya? "Nasa emergency room po," wika nito kaya naman dumeretso ako sa emergency room ngunit habang naglalakad papunta doon ay naririnig kong nagkakaguluhan.
"Doc! Kailangan ka po dito!"
"Vital signs?!"
"Doc!"
Tumigil ako mula sa kinatatayuan at pinanood silang nagkakaguluhan, nang matanaw si noona ay napangiti ako. Walang kupas ang galing niya, ngunit naglapat ang dalawang labi ko ng matanaw si Hyung Zai na nakasabit sa batok ang stethoscope at nag-aasikaso ng pasyente.
Napangisi na lang ako ng matanaw si Hyung Luke na pinagtitinginan ng mga kababaihan, walang kupas ang lakas ng dating. Huminga ako ng malalim at aalis na sana ngunit halos mapagilid ako ng may stretcher na dumating at tsaka ako natigilan ng makita kong may nakasakay na doctor sa stretcher habang may ginagawan ng compression.
Nakaipit ang mahabang buhok nito at may dugo ang puti niyang coat, napatitig ako upang makita kung sino ang babaeng doctor na iyon. "Doctora Garcia ihahanda na po ba namin ang operation room!?" Nangunot ang noo ko sa narinig.
"Doctora Garcia?" bulong ko sa sarili.
"Yes, tell Doctor Mia to operate this patient." Rinig kong kalmado nitong boses kung kaya't mas nagtaka ako kung sino ito.
Ngunit mas napalunok ako ng tumayo ito ng tuwid at tignan ang kanyang suot na coat na halos panay dugo. Iniiwas ko ang tingin sa kanya ng alisin niya ang coat ngunit naka scrub uniform pa pala siya na kulay Blue.
"Doctora Garcia! May operation daw po si Doc Mia."
"I can't operate this man, I'm a cardiologist. Please find someone." Mahinahon ang boses na 'yon at sa tuwing naririnig ko ay mas nagiging pamilyar.
"Sir tulong.." Napalingon ako ng may kumapit sa akin at mabilis ko naman siyang inagapan sa pagtumba.
"Someone!" Malakas na sabi ko at itinaas ang isang kamay, isang ginang ang hawak ko ngayon na nawalan na ng malay.
"Help! someone!" Pag-uulit ko upang makuha ang atensyon ng iba.
"Doctora doon po!" Huminga ako ng malalim at ng pumunta na sa harap ko ang babaeng doctor kanina ay parehas kaming natigilan.
Ngunit iniiwas niya rin ang tingin at tinignan ang pasyente. "Nurse!" malakas niyang tawag.
"Saji napa-- Oh Kent Axel." Napatingin ako kay Hyung Luke tapos ay huminga ng malalim.
"Hi," bati ko.
Nakita ko naman na nag-alangan si Saji na kausapin ako kaya hinayaan ko na siyang umalis kasama ang pasyente. "You're back," sambit ni Hyung Luke kaya inayos ko ang neck tie ko at tumango.
"I was about to surprise you and noona but emergency happens." Sagot ko.
"Hindi ko muna sasabihin na dumating ka na, antayin mo na lang kami sa doctor's loft." Tumango ako ng talikuran niya ay muli kong sinulyapan si Saji na nag-aasikaso ng pasyente.
'I'm so glad you're successful.'
***
Habang naghihintay sa doctor's loft ay binigyan ako ng maiinom ng isang nurse kaya naman tinanggap ko 'yon. Isang oras akong naghintay at maya-maya ay nagdatingan na sila. "Ya dongsaeng," bati ni noona kaya ngumiti ako at yumakap.
"I miss you noona," bati ko tapos ay bahagyang humiwalay.
"Are you staying here for good?" tanong niya kaya ngumiti ako at tumango.
"That's great!"
"Kumusta naman ang mga pamangkin ko sa'yo?" Tanong ko.
"Tsk maayos naman sila syempre! Malaki na plus makikilala ka na rin ni Jami." Nakangiting sagot ni noona kaya napangiti ako.
"Nakapagset na ako ng dinner para mamayang gabi." Napatingin ako sa bagong pasok na si Hyung Luke kaya nagtaka ako ng kasunod niya si Saji and Hyung Zai.
Nangunot ang noo ko ng hindi ako pansinin ni Saji. "Aren't you going to welcome me?" Kwestyon ko natigilan sila ngunit ang tingin ko ay na kay Saji.
Nang lingunin niya ako ay nangunot ang noo niya tapos tinignan ako mula paa hanggang ulo hanggang sa magtama ang mga mata namin. "Did you say thank you?" Umawang ang labi ko sa sumbat niya.
"Kidding Welcome," aniya niya at tsaka inabot ang isang coat na makapal tapos ay hinarap sila Hyung Zai at Hyung Luke.
"I'll leave first, I'll see you later." Maayos niyang sabi ngunit naglapat ang labi ko dahil sa pagtataka ng bumeso pa siya kay Hyung Zai at basta basta na lang umalis.
"Oh good, I'll go to mall then. I'll buy some stuff for all of you. Bye," wika ko at humalik sa pisngi ni noona tapos nginitian lang si Hyung Luke at dinaanan na si Hyung Zai.
"Kent Axel--"
"Let's talk later hyung," maayos na sabi ko at matipid siyang nginitian tapos ay tinapik sa balikat tapos lumabas na.
Nang makarating sa mall ay dumeretso ako sa department site dahil mas madali akong makakahanap rito, habang naglalakad ay natigilan ako ng sandaling may yumakap sa isang leg ko at dahil doon ay napayuko ako.
Napangiti ako ng makita ang isang bata na sa tingin ko ay 5-6 years old, she's adorable and pretty. "Hi, are you lost?" Nakangiting tanong ko.
"You're handsome," bahagya pa siyang nautal kaya napangiti ako at pinantayan ang tangkad niya.
"Really?" Kwestyon ko pa.
"Mm," sagot niya kasabay ng pagtango.
She's wearing a polka dots dress and her long hair is on ponytails. "Where's your guardian?" Tanong ko at inayos ang maliliit na hibla ng buhok niya na tumutusok sa mata niya.
"I don't know," sagot niya at lumabi kaya naman hinawakan ko ang kamay niya.
"What about this--"
"Mommy is gone, mommy left, mommy where?" nang sabihin niya yon ay namula ang mga mata niya dahilan para mapalunok ako.
"D-Don't cry, what about this I'll buy you a toy and let's find your mommy?" ang hikbi niya ay nawala tapos nakita ko kaagad ang ganda ng mata niya kaya napangiti ako.
"Your eyes are beautiful," sambit ko.
"But you're so tall and cool," wika nito kaya napangisi ako tapos ay tumayo na.
"Let's go, let's buy you some toy." Nakangiting sabi ko at dumeretso kami sa toy section nang makarating doon ay hindi ko binitiwan ang kamay nito at sinabayan ko ang maliit niyang hakbang.
"C-Can I have this mister?" Tanong niya kaya tumigil ako at tinignan ang tinuturo niya, napangiti ako ng ituro niya ang isang stuff toy na kasing laki niya lang maybe 3-4 feet. "Sure, but after that we'll find your mommy okay?" Tumango siya kaya binuhat ko 'yon at tsaka kami dumeretso sa cashier.
Binayaran ko ang kinuha niya kaya naman ng mabayaran ay ayaw niya iyong ipalagay sa lagayan kung kaya't hawak hawak ko ito habang papunta sa information office sa kung saan i-aannounce kung may napulot na gamit or whatsoever.
'BATA ang napulot ko,'
"Let's wait your mommy okay?" Nakangiti itong tumango.
"Thank you for the toy, mister." Ngumiti ako tapos ay sinamahan siyang maupo sa waiting area.
"Saan ba dapat kayo pupunta ng mommy mo after mall?" Tanong ko rito.
"Is the hospital far?" magalang ang tanong nito kaya naman napaisip ako.
"I guess so, I drove a car so maybe yes." Sagot ko
"That's what my mommy said we were going to the hospital." Tumango ako tapos ay huminga ng malalim.
"The lost little girl? I'm here for her." Nang marinig ko 'yon ay nilingon ko ngunit parehas kaming natigilan ng muling makita ang isa't isa.
"Mommy!" Nabitwan ko ang kamay ng bata ng tumakbo ito sa mommy niya.
"You're here," sambit niya kaya naman matipid akong ngumiti.
"H-Hey," bati ko she changed a lot.
"Kent Axel," sambit niya sa pangalan ko kaya naman ng ngitian ko siya ay tinignan ko ang batang nakahawak na sa kamay niya.
"I knew it, kaya pala pamilyar ang mata niya kasi nakuha niya sa'yo." Maayos na sabi ko.
"I didn't expect to meet you, i-ikaw ang nakakita sa kanya?" Tumango tango ako at huminga ng malalim.
"T-Thank you," muli ay tumango ako at bahagyang ngumiti.
"She's so beautiful, w-what's her name?" Tanong ko naiilang naman siyang tinignan ang anak.
"Sierah." Maayos niyang sagot kaya matipid akong ngumiti.
"Good, suits her." Naiilang kong sagot.
"I'll go ahead then, l-let's meet next time." Nakangiti kong sagot tapos ay huminga ng malalim.
"Take care," sambit niya kaya tumikhim ako.
"Likewise," sambit ko.
At dahil doon ay minadali ko ang pagbili bili para a kanila dahil sa kabang nararamdaman ko, at matapos non ay isang oras lang ang kinain ko at bumalik na ako sa sasakyan. Bahagyang kumuyom ang kamao ko at mahina na lang na natawa, I was about to drive but suddenly my phone rangs.
Sinagot ko ang tawag ng underground. "Luna needs your help, I'll send you the location. Pinasok ang isang isla na pag-aari ng Luna at sa tingin ko malapit ka lang sa kanila so please." Huminga ako ng malalim.
"Seriously? Kadarating ko lang ng PH."
"Luke can't come, ikaw ang available. Matagal ka ring nawala kung kaya--"
"Fine, send me the location," anas ko at pinatay ang tawag tapos pinaandar na ang sasakyan ko.
Nagstay muna ako sa sasakyan habang nandoon ang gamit yate rin naman ang sasakyan ko kaya dumeretso na ako sa dalampasigan at dala dala ko na ang isang bag na naglalaman ng baril.
Sino na naman kayang tanga ang gustong salubungin si kamatayan?
"I'll connect with you, so please arrive at the location faster." Maayos na sabi ko sa nandito mabilis naman silang tumango kung kaya't inabot ako ng 30 minutes bago makarating sa isla.
Mabilis naman akong sinalubong ng iba. "Nasaan ang ibang kasama niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Sumusugod na Ultimate Sandoval." Maayos at magalang na sagot nito kaya kinasa ko na ang baril at naglakad patungo sa kung saan ngunit sunod sunod na putukan na ng baril ang narinig ko dahilan upang mas maalerto.
Mahina kong nakagat ang labi nang makakita ng kalaban ay inuna ko ang paa nito upang sakit na lamang ang indahin niya.
Sa pagpasok sa kampo ay mabilis na naubos ang bala sa magasin dahilan upang mabilisan akong magsalpak ng bago.
At dahil sa malupit na labanan ay maraming bala ang bumaon sa balat ng mga taong nandidito na nais nakawin at sakupin ang isla.
Luna pa talaga ang kinalaban nila, sanib pwersa ang Luna at ang underground namin. Sanez? Tsk.
Nang maubos ang bala ay napangiwi ako at hinanda na lang ang mga kamao ngunit natigil ako sa paghakbang ng makaharap ko ang hindi inaasahan.
Bakas rin ang gulat sa kanyang mata lalo na't nakatutok sa akin mismo ang baril na hawak niya.
'Siya ba ang umaangkin nito?'
Ngunit iniiwas niya sa akin ang tingin at halos mapakurap ako ng sandaling paputukin niya ito sa bawat gilid ko at nakita ko ang pagtumba ng tatlong lalake na humihiyaw na sa sakit.
"S-Saji—" sinamaan niya lang ako ng tingin at umalis na.
Umawang ang labi ko tapos ay susundan na sana siya ngunit mabilis siyang nawala sa paningin ko. "What the fuck?" bulong ko sa pagtataka.
'Anong ginagawa niya sa gan'tong lugar? Bakit marunong siya gumamit ng baril?'
√√√
@/n: Luh usto mo yern? HAHAHA keep safe Luxians good luck and study well! Always remember make yourself your first priority lovelots!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top