Chapter 25 [Decision]

Kent Axel's Point of View.


Tahimik lang si Saji na nakaupo at nakatanaw sa malawak na paraangang nasa harapan namin, bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya bahagya niya naman akong nilingon ngunit bumuntong hininga na lang.

"Why does it feel like i'm dying?" bulong kong sabi at pumikit.

"It's because you're broken, time will past and that wound will be a scar." Mahinahon niyang sabi kaya nanatili ako sa ganitong pwesto at dinamdam ang malamig na hangin.

"Parang sa isang operasyon, maayos at mapapalitan ang nasira pero yung bakas ng hiwa at tahi ay sobrang hirap ng tanggalin mananatili 'yon at ipaalala no'n sa'yo kung ano yung dinanas mo para matuto ka na at hindi umulit." Mahinahon niyang sabi kaya naman bumuntong hininga ako.

"Is that so?"

"Mm, Umaasa rin ako na tulad mo ay sa tamang panahon hihilom ako upang makapagsimula ulit." Napaayos ako at tinitigan si Saji.

"You can tell me if you have any problem, If I can't help I can listen." Maayos kong sabi pero mahina siyang tumawa.

"May problema ka rin at hindi ko na nanaising dagdagan pa ang isipin mo," saad niya at bahagyang bumuntong hininga.

"Thank you." Bulong ko.

"That's why I became your best friend at the short time we met." Bulong niya pa halos bulungan ang usapan namin na para bang hindi maaring marinig ng iba ang usapan.

"Hindi naman basehan ang oras upang maitalata ang isang relasyon ng mga tao. We became best friends because we vibe and we get each others thought." Sagot ko.

"Mm maybe," wika niya at umayos.

Hindi siya nagsalita at tahimik lang akong sinamahan kahit pa inabot kami ng dilim kaya naman huminga ako ng malalim. "Let's go, hahatid na kita." Mahinang sabi ko at tumayo na.

Inalok ko naman sa kanya ang kamay ko ngunit matipid siyang ngumiti at tumayo sa sarili niyang paa. "Aabutin ko na lang yan pag kailangan ko na ng tulong mo." Sagot niya kaya naman matipid akong ngumiti.

"Let's go." Yaya niya at nagpauna kaya naman sumabay ako.

Nang makasakay sa drivers seat ay huminga muli ako ng malalim. Nang paandarin ang sasakyan ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa condo niya.

"S-Saji." Pagtawag ko ng bababa na sana siya.

"B-Bakit?" Nauutal niyang tanong ang mga tingin niya ay iniiwas sa mata ko.

"Let me stay in yours," wika ko, nahihiya.

"H-Ha?"

"I don't wanna go home." Bulong ko.

"A-Ano.."

"Please?" Tinitigan ko siya hanggang sa huminga siya ng malalim at tumango kaya matipid akong ngumiti at bumaba ng sasakyan.

Nang makababa ay sumabay siya kaya naman nakapamulsa akong sumabay sa lakad niya napapansin ko naman na sinusulyapan niya ako.

"M-Mamaya magluluto na lang ako kaya sabihin mo," sambit niya kaya tumango ako at sumakay na sa elevator kasabay siya.

Habang tinatahak ang pataas ay nakagat ko abg ibabang labi ng paulit ulit na bumabalik sa akin ang ala ala ng mga sinabi ni Lauren sa akin.

Nang makarating sa floor niya ay bago pumasok natigilan kami ng makita ko yung babaeng katapat lang ng pad ni Saji. "Mabuti naman at maayos na ang relasyon niyo, nakikita ko naman na mabuti ang intensyon ng puso niyo." Napalunok ako at tsaka nilingon si Saji.

"Ah mali—"

"Kitang kita ko rin na mahal niyo ang isa't isa." Napalunok ako at bahagyang nasamid.

"Ah kase po gutom na siya kaya papasok na po kami." Paalam ni Saji at hinila na ako papasok sa loob.

Mahina na lang akong natawa. Dumeretso naman ako sa couch na nandidito sa condo ni Saji kaya sumandal ako doon at pumikit.

"Inaantok k-ka ba?" Mahina akong tumango sa tanong niya habang nakapikit.

"Kukuha ako ng unan sandali lang." Hindi na ako tumugon sa sinabi niya lalo na ng marinig ko ang yapak ng tsinelas niya sa panloob.

'Why did I end up like this?'

Napamulat ako ng kalabitin ako ng tatlong beses dahilan para maupo ako at tignan si Saji. "Sa tingin mo ba kung hindi kami para sa isa't isa wala na akong magagawa?" kwestyon ko na ikinatigil niya.

"Depende n-naman yan Kent." Mahina niyang sagot.

"Bakit?" Kwestyon ko.

"Kasi sa huli hawak niyo pa rin ang desisyon ng isa't isa masakit man o hindi. Kailan pa ba nagdesisyon para sa isang tao ang tadhana?" Naglapat ang labi ko sa sagot niya.

"Normal masaktan, normal makaramdam ng selos, normal mag-isip ng sobra, normal na masaktan ka kasi nai-insecure ka." Naupo siya sa single sofa.

"May mga oras na gustong gusto na natin matapos ang paghihirap natin o sakit na nararamdaman natin kaya nagdedesisyon tayong tapusin na ang relasyon pero hindi," wika niya napatitig ako sa kanya.

"Dahil minsan isa't isa ang kailangan niyong ayusin, at hindi relasyon ang kailangan tapusin kundi ang pumupuksa sa inyong dalawa." Huminga ako ng malalim at niyakap ang unan na inabot niya kanina.

"Pero niloko ka, sabi mo. Sa tingin mo tama pa bang ituloy niyo pa gayung tinuloy niya sa iba ang hindi niyo matuloy?" Nakagat ko ang ibabang labi at ngumiwi na lang.

"Oo malungkot," muli ay sinulyapan ko siya.

"Sobrang lungkot na pakiramdam mo ikamamatay mo yung sakit." Sobrang seryoso niya sa sinasabi at lahat ay mahinahon.

"Pero tandaan mo yang sakit at yang lungkot na yan ang magliligtas sa'yo upang mapunta ka sa tamang tao," napatitig ako sa kanya ng bitinin.

"o 'di kaya para maitama niyong dalawa ang mga mali na nagawa," matipid akong ngumiti sa huling sinabi niya.

"Wala naman ng maayos, Saji." Panimula ko na ikinatahimik niya.

"Kung may baby na hindi ko na sigurado kung may karapatan pa ba akong makialam." Napalunok siya at tumikhim tikhim pa.

"Hindi ko hawak ang isip niya, isip nila. Kahit nga isip ko hindi ko na rin ata hawak," bulong ko tapos inayos ang unan at nahiga.

"Let me sleep, pag tumawag sila sa akin answer it. Sabihin mo nasa condo mo ako, mm?"

"A-Ano sige oo." Ngumiti ako at pumikit na.

"Salamat."


•••


Naalibadbaran ako ng marinig ang pag-uusap ng dalawang tao na sa tingin ko ay boses ni noona at Saji. "I guess, I can guess his next step." Tinig ni noona.

"If it will make him feel good, eonnie. You know how much I'll be here to watch and help him stand again." Matipid akong napangiti ng marinig ang sinabi ni Saji kaya bumangon ako.

"Hi noona," wika ko at pakusot kusot pa sa mata habang naglalakad papalapit sa kanila.

"Are you hungry?" Kwestyon ni noona kaya inakbayan ko siya.

"I kinda feel like I want to eat but I don't have the appetite." Sagot ko at inayos ang buhok ko, inayos sa paraan na ginulo ko ito at hinayaan sa ganoong hitsura.

"Appetite can be tricky, lokohin mo na lang yung sarili mo na may gana ka baka gumana kesa mamatay ka diyan." Masungit na sabi ni Saji kaya napamaang ang bibig ko.

"Niloko na nga ako lolokohin ko pa sarili ko," natatawang biro ko ngunit sa loob loob ko ay nasapul ako sa sariling sinabi.

"Gusto mo pakiligin kita?" napalunok ako sa tanong ni Saji at napatingin kay noona na pasimpleng sumipol.

"A-Ano bang suggestions 'yan," aniya ko at alanganing tumawa.

Napairap naman siya sabay sabing, "pakikiligin nga kita seryoso ako." Tumikhim ako ng seryoso niyang sinabi 'yon at pinagkrus ang braso.

"P-Pa'no?"

"Easy lang, Sumunod ka sa akin." Nanlaki ang mata ko at tsaka napatingin kay noona.

"Oh? Tingin tingin mo?" Tanong ni noona kaya napasulyap ako ulit kay Saji na seryoso.

"Noona," napahawak pa ako sa braso ni noona ngunit pinalo niya ang kamay ko.

"Ang korni mo, sumunod ka na. Iba iba kasi nasa isip." Halos mapabawi ako ng itulak ako ni noona kay Saji ngunit halos manlaki ang mata ko ng hilain ni Saji ang damit ko at ipunta sa kusina.

"W-Woi!"

"H-harassment 't— ouch!" reklamo ko ng matanggap ang hampas niya sa braso ko.

"Ano bang nasa isip mo ha?" Tanong niya kaya napangiwi ako.

"Malay ko ba halayin mo 'ko." Sagot ko at nag-iwas tingin.

"Ha?! Ang kapal naman ng mukha mo!" Bulyaw niya kaya ngumisi ako at inakbayan siya.

"Papaano mo ba ako pakikiligin hmm?" Nanlaki ang mga mata niya ngunit nakalimutan kong tulad ni noona ang babae na ito at nakatanggap ako ng mahinang palo sa noo.

"Mapanakit ka 'no. Hilig niyo manakit mga babae, papaano na?" Tanong ko, umirap naman siya at pumunta sa stove kaya sinilip ko siya.

Naupo naman ako lalo na ng dumating rin si noona sa kusina at naupo sa tabi ko. "Hindi ako expert sa kusina pero try niyo na lang, magaling ang kuya ko sa kusina kahit papaano." Nakangiting sabi ni Saji tapos ay inilagay ang mangkok sa harapan namin na umalingasaw ang asim at halos kiligin nga ako sa amoy pa lang.

"Kaya naman pala kilig, kasi maasim." Sagot ko at inabot ang plate naupo naman siya sa harao namin.

"Hindi lahat ng maasim nakakakilig, yung iba nakakahilo." Pagbibiro niya kaya naman natawa na lang kami kahit na si noona na seryoso ay sumangayon.

"Heto na." Sambit ko at sumandok ng sabaw ngunit halos sumakit ang panga ko ng sobrang maasiman.

"Patay gutom talaga," bulong ni Saji kaya nginiwian ko siya.

"Masarap naman yung luto mo, pero mas masarap ako." Halos mabulunan ako sa sinabi ni Noona Mia.

"Seriously noona? Wala na wala na akong gana—"

"Ang arte mo dongsaeng!" reklamo niya kaya ngumuso ako at kumain na lang hanggang sa pagkain ko ay derederetso ang subo ko dahil masarap.

Napatingin ako sa kaharap ko na pinanonood ako. "W-Wae?" Kwestyon ko may laman ang bibig.

"Narealize ko lang Kent Axel," nangunot ang noo ko sa pabitin niya kaya naman napaayos ako ng upo at napalunok sa nasa bibig ko.

"Na gwapo ako?" Tanong ko.

"Na mas malala ka pa sa patay gutom," umawang ang labi ko sa sumbat niya.

"Alam mo ikaw? Hinding hindi ka na magkakajowa hanggang sa tumanda ka." Inis kong sabi at kumain na lang with higop sabaw pa.

"Sus mamaya kayong dalawa magkatuluyan diyan," natatawang wika ni noona na mabilis kong tinanggihan.

"Ayaw ko sa patay gutom, baka maubos stocks ko sa ref." Sagot ni Saji kaya ngumiwi ako.

"Luh, patay gutom ikaw kainin ko diyan eh." Inis kong sabi ngunit halos maibuga ko yung nasa bibig.

"What did I j-just said?" Gulat kong tanong at napainom ng tubig lalo na ng manlaki ang mata ni Saji.

"Lutang ka?" Tanong ni noona natatawa.

"I didn't mean it!" mabilis kong sabi.

"I swear!"

"from the bottom of my hypothalamus!" umawang ang labi ni Saji at inambahan ako kaya ngumuso ako at kumain na lang.

"Kung ano anong sinasabi ng bibig mo, ayan kumain ka!" bulyaw niya at inabot sa akin ang another bowl of soup.

"By the way noona, last time na bumisita ako with Kuya Austin his mom cooked sinigang na manok—"

"Kingina."

Napalunok ako ng parehas silang nabulunan sa sinabi ko. "Sinigang na manok?" Pag-uulit ni Saji kaya tumango ako.

"The taste is kinda weird but it's chicken so I ate a lot." sagot ko pa.

"Kumain ka na lang rin," sagot ni noona at kumain na.

"Gabing gabi na pala tayo nag-gabihan," wika ko ng masulyapan ang oras.

"Are you staying here?" Tanong ni noona.

"Yes but before that let's talk before you leave noona," asik ko at matipid na ngumiti.

"Alright," sumbat ni noona at tumango tango na lang.

Makalipas ang ilang minuto ay aalis na si noona kaya naman ihahatid ko na lang siya paibaba para nag-uusap kami habang naglalakad. "Aalis ka rito? Sasama ka sa akin sa Palawan?" Mahina akong tumawa sa sinabi ni noona.

"No noona, I want to leave this country." Mahina kong sabi at dahil doon ay natigilan siya at nilingon ako.

"Korea?" Kwestyon ko.

"Nope."

"Then where?" Tanong niya.

"Where Harvard is standing," wika ko at naglakad na.

"Seriously? Sasabihin mo ba sa kanila?" Tanong ni noona kaya umiling ako.

"I want this to be keep between us noona, I don't like a visit, I don't want to entertain visitors when I'm out there. I want every news to be block so I can live." Napatitig sa akin si noona.

"This is the only way noona, I should live that's why i'm leaving." Dama ko pa rin ang sakit na dulot nila.

"Hindi ko kakayanin kung magtatagal pa ako rito habang nakikita yung babaeng mahal ko na magsisimula ng pamilya kasama ang lalake na halos kuya ko na." Mapait akong ngumiti.

"Halos hindi na nga ako pinatatahimik ng isip ko kakaisip kung bakit hindi na lang ako." Kwento ko kay noona.

"Nagkausap kami kanina," dagdag ko.

"Kaya pala mugto 'yang mga mata mo." Mahina na lang akong ngumisi.

"Gusto niya atang miserable ako dahil sa paraan na 'yon alam niyang nagluluksa ako dahil sa kanya. Unfair rin ng mundo," bulong ko pa naramdaman ko naman ang pagtapik ni noona sa likod ko.

"She don't deserve you." Seryosong sabi ni noona.

"Kailan ang alis mo?" tanong ni noona kaya napaisip ako.

"As soon as possible noona, please fix everything for me at sana sa atin lang kung saang bansa ako pupunta." Tumango si noona.

"I'll fix everything, pero gusto ko magpaalam ka ng maayos kay mom at dad pati na kay Saji. because they really care about you," tumango ako bilang sagot hanggang sa makarating kami sa parking lot ay nakita ko ang sasakyan ni Hyung Luke na kadarating lang.

"Hop in," utos ko kay noona pero napalunok ako ng bumaba si Hyung Luke at pinagbuksan pa si noona.

"Wow gentleman pa rin," bulong ko tunog na tunog ang sarkasmo.

"Dapat hindi ka lang sa una gentleman," wika ni Hyung Luke at kinindatan ako kaya ngumisi na lang ako.

"Single eh, magagawa ko." Bulong ko.

"We've been married for years but he doesn't change." Natatawang sabi ni noona at kumaway sa akin dahil nasa loob na siya ng sasakyan.

Nang umalis sila ay napaismid na lang ako ngunit napigil ang pagpasok ko ng may humawak sa braso ko dahilan para lingunin ko ito. "Aries," wika ko at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

"What are you doing here?" He questioned.

His brows raised and his lips pursed. "I guess that's none of your business. You know privacy and the freedom right?" Tanong ko umawang ang labi niya at sarkastikong tumawa.

"Nililigawan ko si Saji and I guess I have the rig--"

"Kahit nga ang asawa nirerespeto ang pribadong buhay ng kanyang asawa." Sumbat ko.

"You're rude you know that right?"

"I'm aware of that but I don't care. If you want to see her why don't you give her a call then get her permission so you can go upstairs." Inis kong sabi at tinalikuran na siya dahil baka uminit ang ulo ko ngayong may dinadamdam ako.

Nang makasakay sa elevator ay sinarado ko kaagad 'yon at bumalik sa floor ni Saji huminga ako ng malalim same building pala sila ni Jared but different floors. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

Tinitigan ko ang caller kaya naman bumuntong hininga ako at sinagot ito. "Lauren." Sambit ko.

"Kent Axel, nasaan ka ngayon? bakit hindi ka umuwi?" Mahina akong natawa sa tanong niya.

"I'm not in the house." Matipid kong sagot.

"N-Nasaan ka?" Pag-uulit niya.

"Why? pupuntahan mo ba ako?" Kwestyon ko.

"P-Pwede ri--"

"Stay there, hindi makabubuting lumabas ka ngayong gabi. Baka mahamugan ka," wika ko mula sa kabilang linya at mariing kinagat ang labi ko.

Pinipilit ko namang hindi mag-alala at isipin siya pero heto ako pinaalahanan pa rin siya dahil alam kong hindi siya makikinig kay Hyung Zai. "Bakit ba ganyan ka pa rin? Sinaktan kita pero ako pa rin ang iniisip mo?" Mahina  akong tumawa ngunit kasabay non ay namasa ang mga mata ko.

"Now that we can be together Lauren, tsaka pa naging hindi pwede." Sagot ko.

"Malabo ng lahat Lauren, hindi na lilinaw pa ang nangyari sa ating dalawa." Nang maluha ay mabilis kong pinatay ang tawag at tsaka tumikhim upang maalis ang parang nakabara sa lalamunan ko.

Nang bumukas ang elevator ay dumeretso ako kaagad sa pad ni Saji ng buksan 'yon ay hindi niya naman nilock kaya tumikhim ako upang iparamdam na nakarating na ako.

"Nakauwi na ba siya?" Tanong ni Saji.

"Mm, may bisita ka ba?" Tanong ko sa kanya nangunot ang noo niya.

"P-Paano mo nalaman?" Tanong niya kaya ngumiti ako sabay sabing, "Nakasalubong ko sa ibaba eh."

"You can stay at my room muna habang nandito siya, may pag-uusapan lang kami sandali." Seryoso niyang sabi kaya tumango ako at naglakad na at kumaway habang nakatalikod.

"Tatawagin kita pag umalis na siya!" Pahabol niya kaya nag okay ako using my hand.

But before closing the door fully narinig ko ang pagpasok ng inaasahan niyang bisita. "Are you alone?" Panimula ni Aries kaya ng tanawin ni Saji ang pinto. I gestured my hand okay for her to say yes.

"Y-Yes," wika niya.

"Do you like Kent Axel?" Napalunok ako sa tanong ni Aries.

"What are you talking about? Pumunta ka ba to say that?" Kakaiba na ang pagsagot ni Saji.

Hindi tulad ng dati, she's a lot calmer but have different vibes and aura. "No, I'm sorry. Hindi mo na ba ako sasagutin? Bakit mo ako pinapatigil na ligawan ka?" Napapikit ako ng pakiramdam ko ay chismoso ako.

"Because it's complicated."

"Saji Argelia what's complicated about us?" At dahil nasosobrahan na ang pagiging chismoso ko isasarado ko na sana ang pinto ngunit natigilan ako ng mas lumapit si Aries kay Sajing.

"Are you drunk? Amoy na amoy sayo ang alak." Muli ay nakinig at sumilip na lang ako to be sure.

"I like you Argelia, please.."

"Umalis ka na, hindi kita kakausapin ng lasi-- Ano ba?" Napatayo ako ng maayos ng pakiramdam ko ay may mali na.

"Aries ano ba, lumayo ka ng-- Ano ba!" Halos makagat ko ang ibabang labi ng pwersahan na halikan ni Aries si Saji.

"Isa! Lumayo ka nga sa akin!" Nang hindi na makapagpigil ay lumabas ako mula sa kwarto at mabilis na hinila ang kwelyo ni Aries gamit ang isang kamay ko upang mailayo siya kay Saji.

"Really?" Kwestyon ko.

"W-What are you doing here?" Gulat na tanong sa akin ni Aries kaya pinaglaro ko ang dila sa pisngi ko mula sa loob ng bibig.

"Pag sinabing lumayo, lumayo ka. Labas." Utos ko at binitiwan ang kwelyuhan niya.

"Lasing ka, labas." Inis kong sabi at nakaturo sa pinto.

"Huwag kang makia--"

"I told you I know what's in your mind Jerk, Get out before I call the security or worst cops." Nag-igting ang panga niya at sinamaan ako ng tingin tapos ay nilingon si Saji na hindi siya tinitignan.

"Labas." Sininghalan ako nito bago sumunod.



√√√

@/n: Another update, enjoy! Keep safe and study well

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top