Chapter 24 [Worth Questioned]
Kent Axel's Point of View.
Pinalipas ko ang isang linggo bago ko sinikap na pumasok ulit at dahil doon ay bahagyang natuwa ang magulang ko kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
Nang makapasok sa school ay nasa akin ang atensyon ng lahat dahil matagal akong hindi pumasok at alam kong kailangan kong humabol. "Kent Axel!" Napalingon ako kaagad ng marinig ang malakas na tawag ni Saji.
Napangiti ako ng tumatakbo siyang lumapit sa akin ngunit mas nanibago ako sa suot niyang fitted white shirt at fitted jeans. "Kumusta?" Panimula ko ng makaharap siya.
"Hindi ko inaasahan na papasok ka na ngayon, kumain ka na?" Tanong ni Saji at inayos ang pagkakasuot ng kanyang bag.
"Not yet, do you wanna eat with me?" Kwestyon ko nagkibit balikat lang siya at sinundan na ako matipid naman akong napangiti ng matanaw sa 'di kalayuan si Jared na prenteng naglalakad habang kumakain ng chocolate bar.
Nang akbayan ko siya agad ay nagulat niya akong nilingon. "Tangina pumasok ka pa?" Panimula niya kaya mahina akong natawa.
"Kasama mo pala si Sajing-- I mean Saji Argelia." Pagdiin ni Jared sa pangalan ni Saji habang si Saji ay pinagkrus ang braso at umirap.
"Babaeng babae ka ngayon ah." Dagdag ni Jared kaya siniko ko siya.
"Babae naman ako." Inis na sagot ni Saji.
"May kakaiba sa'yo ngayon--"
"Mm kaya tigilan mo ako dahil kaya kitang sipain." Mahinahon na sabi ni Saji kaya naman napailing ako at parehas silang inakbayan hindi naman nagreklamo ang dalawa at sumabay lang.
"Kumusta puso bro?" Tanong ni Jared kaya ngumiwi ako at nagkibit balikat dahil hindi ko naman mawari alam kong nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko silang dalawa.
"Hihilom rin 'yan." Saad ni Jared kaya tumango na lang ako ng makarating sa cafeteria ay naupo na kaming tatlo pero biglang dumating si Aries.
"A-Aries." Pagtawag ni Saji rito.
"Can we talk?" Tanong ni Aries kaya naman tahimik lang kaming naupo ni Saji.
"I'm busy, maybe later." Maayos at mahinahon na pagsagot ni Saji na nakakapanibago.
"Ngayon san--"
"Later," authority in her voice begun to have power.
"Alright." Matipid na sagot ni Aries at umalis na kaya naman itinataas ko ang kamay ko upang may kumuha sa order namin.
"Pero okay na kayo?" Tanong ni Saji kaya nilingon ko si Jared.
"Bawal? Nagseselos ka ba kasi nandito na ang first best friend?" Tanong ni Jared sumama naman ang mukha ni Saji at umirap.
"No, kaselos selos ka ba?" Singhal ni Saji.
"Kinda?"
"In your dreams, Japula." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Saji kaya naman nilingon ko rin ang reaksyon ni Jared at nanlalaki rin ang mata nito at punong puno ng pagtataka.
"Japula what?"
"Ja-RED." Pagdiin pa ni Saji.
"Oh c'mon. Ang pangit." Reklamo ni Jared.
"Bagay sa'yo, duh." Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ngumisi na lang tapos ay panandalian akong lumabi dahil natatawa hindi ba matatapos ang alitan ng dalawang ito?
"Kent Axel." Natigilan ako ng marinig ang sobrang pamilyar na boses dahilan para makagat ko ang ibabang labi at pinilit na ngumiti ng lingunin siya.
"Lauren." Bati ko iniiwas ang mga mata sa kaniyang tyan at mata.
"P-Pwede ba kitang makausap?" Mahinang tanong niya kaya naman pinakiramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso hanggang sa umabot ito sa kirot.
"Maari naman pero pwede bang mamaya na lang?" Pinilit ko pang ngumiti.
"S-Sige, aantayin kita sa pahingaan mo." Mahinahon niyang sagot kaya tumango tango ako at tumikhim.
"Take care." Matipid kong tugon at iniiwas na ang paningin ko sa kanya ng makaalis siya ay nakagat ko ang ibabang labi tapos ay bumuntong hininga.
"Oh." Napatingin ako sa kaharap ko at tsaka ko tinitigan ang hawak niyang tumbler.
"Citrus juice 'yan, wala akong tubig." Mahinang sabi ni Saji kaya matipid akong ngumiti at tinanggap 'yon.
"Salamat." Mahina kong tugon at uminom na lang ngunit hindi ko inaasahan na makakalahati ko iyon.
"S-Sorry," pabulong kong sabi at inabot sa kanya hindi naman siya umimik at tsaka hinintay na lang namin ang kakainin namin kahit si Jared ay natahimik.
Matapos kaming kumain ay pinatawag kami ni Saji sa office ng dean kaya naman prente lang kaming naglakad dahil humiwalay na si Jared at pumasok sa klase niya. "Ms.Collins and Mr.Sandoval." Pagtawag sa amin.
"You have to comply until tomorrow, or else you'll be remove in top." Napalunok ako at sabay na inabot ang binibigay nilang folder ng makuha ko ang akin ay halos mapaubo ako ng mabasa ang nandito.
"S-Seriously until tomorrow?" Kwestyon ko.
"Yes Mr.Sandoval."
"You have no classes today so you can make it. Go." Napangiwi ako at sinabayan si Saji na tahimik lang.
"Ang chill mo ah? Sa pagkakaalam ko ikaw ang unang magrereklamo." Mahina kong sabi sa kanya pero mahina siyang natawa.
"Well kaya nga naman natin 'to kaya tara na nga! ang arte mo." Singhal niya at hinila na ako kaya sumunod ako sa kanya at nang dalhin niya ako sa parking lot ay ngumuso ako.
Ngunit ng makasakay sa sasakyan ay natigilan ako ng mamataan ko ang sasakyan ni Hyung Zai at nakita ko na nag-uusap sila ni Lauren. Pinanonood ko kung papaano nakikiusap si Hyung Zai kaya huminga ako ng malalim at iniiwas sa kanila ang paningin ko at nagdrive na lang.
"Saan tayo?" Tanong ko ng makalabas ng university.
"Sa mall, we need materials 'no." Sagot ni Saji.
"Alright." Sagot ko.
== MALL ==
Nang nasa mall na ay dumeretso kami sa kung saan may school supplies dala dala ko ang basket ay sumunod ako kay Saji na naglalagay ng kung ano sa basket tapos ay titignan niya ng mabuti. "Nakakapikon hindi ako magaling magdrawing." Ngiwing sabi ni Saji at inis na itinapon ang apat na canvas sa basket namin.
"Huwag na color materials, I have a lot in my room." Sagot ko.
"Magaling ka magdrawing?" Tanong niya kaya naman nagkibit balikat na lang ako at naglakad na habang siya ay humahanap ng binder folder at binder papers for written report.
Parehas kasi kami halos ng gagawin dahil umabsent rin pala siya ngunit mas naunang pumasok kaya naman wala akong magagawa. Matapos makapamili ay halos nakabusangot si Saji dahil ang laki ng nagastos niya sabi ko kasi ako na nakihati pa.
"Grabe sila magpacomply ha." Reklamo niya kaya napangisi na lang ako.
"Hayaan mo na."
At dahil nabili na namin lahat ay sinabi ko na sa bahay na lang namin gawin dahil tapos naman na ang study room at nandoon rin ang halos lahat na kailangang gamit.
"Saji, Kent Axel." Bati ni noona.
"Maaga pa ata para maging uwian niyo?" Tanong niya kaya naman huminga ako ng malalim.
"No classes but we have to comply until tomorrow." Maayos kong sagot.
"Are you staying here until when noona?" Tanong ko.
"Until I want to," saad niya kaya natahimik ako at alanganing ngumiti.
"Sa study room muna kami noona." Mahina kong paalam at nginitian si Laze.
***
Lumipas ang araw ay naipasa na namin at sa wakas wala na kaming ibang gagawin pa ngunit natigilan ako ng may humarang sa akin habang naglalakad papunta sa parking lot. "I waited for you last day." Napalunok ako at sinuri ang lagay ni Lauren.
"A-Ah I'm sorry nagcomply kasi ako." Mahinahon kong sagot.
"Can we talk now?" Tanong niya kaya huminga ako ng malalim at tumango bilang sagot tapos ay sumunod sa kanya ng makarating sa kwarto kung saan ako nagpapahinga ay sinarado niya 'yon.
"About saan?" Tanong ko.
"Why are you acting so okay? H-Hindi mo na ba ako mahal?" Napalunok ako sa sinabi niya.
"I don't know." Maangan ko at iniiwas ang paningin dahil konting bring up lang sa nangyari alam kong masasaktan na naman ako ng sobra.
"W-What?"
"Hindi ko alam." Matipid kong sagot.
"'Yon lang ba ang gusto mong pag-usapan?" Tanong ko.
"Kasi kung oo aalis na ako--"
Napapikit ako ng hindi maituloy ang sasabihin dahil nasampal niya na, napalunok ako at bumuntong hininga na lang tapos napayuko lalo na ng maluha na naman ako. "Do you really want me to be miserable?" kwestyon ko at pinahid ang luha ko.
"L-Lauren.."
"I-I'm trying my best to be okay." Mahinang sabi ko napasinghap lalo na ng pigilan ko ang luha.
"I'm trying to be okay just for you to settle down but-- I don't understand you." I added.
"Mahal pa rin kita, oo mahal na mahal pa rin kita pero ang sakit sakit." Napamaang ako ng mas dumami ang luha na tumulo sa mata ko.
"Ang sakit kasi hindi ko magawang tanggapin yung k-katotohanan," lumuluha kong wika halos maputol ang sinasabi ko dahil sa paghikbi.
"Nahihirapan ako kasi araw araw hindi ka maalis sa isipan ko, araw a-araw hinihiling ko na sana hindi na lang totoo kasi ang sa-- sakit sakit na sobra," bulong ko, kinapa ko ang dibdib hindi na mapigilan ay naramdaman ko ang pisikal na sakit mula sa dibdib ko.
Mahina ko iyong tinapik tapik. "Ang hirap L-Lauren. Sobrang hirap, kasi ang sakit ng ginawa niyo." Napasinghap ako ng manikip ang dibdib.
"P-Pero hindi ko magawang magalit sa'yo kasi kahinaan ka nito," itinuro ko ang dibdib habang lumuluha at sinalubong ang mga mata niya.
"Kahinaan ka nito kaya sabihin mo, p-papaano ko mababawasan yung sakit gayung mahal na mahal ka pa rin ng p-puso ko." Nakagat ko ang ibabang labi ng sa sobrang pag pigil ng luha ay napahikbi na ako.
"L-Lauren bakit hindi na lang a-ako?" Masama ang loob kong tanong.
"B-Bakit h-hindi na lang ako ang pinili mo?" Naikuyom ko ang kamao.
"Bakit siya pa? bakit kailangan mo akong saktan ng g-ganito?" Umusbong ang galit ko sa mga nangyari ngunit hindi ko siya magawang kasuklaman.
"G-Gustong gusto kitang isumpa-- Gusto kong sabihin sa'yo na bakit hindi mo na lang ako pinili?" Hindi niya ako inimik.
Kumuyom lalo ang kamao ko at tsaka ko siya hinila at marahang itinulak sa pader. "Bakit hindi na lang ako?" Tanong ko napalunok naman siya at tumikhim.
"Bakit hindi na lang ako Lauren!?" malakas na sigaw ko kasabay ng paghampas ko sa pader.
"Shit."
"Ang sakit."
"Ang sakit sakit sa totoo lang!" sigaw ko at inilayo ang sarili sa kanya napayuko ako, napasapo sa sarili kong mukha lalo na ng ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng luha.
"Umalis ka n-na," mariing bulong ko.
"Umalis ka rito!" sigaw ko.
"K-Ken--"
"Leave!" Gigil na sigaw ko.
"I-I'm so sorr--"
"Please l-leave " nang marinig ko ang pagsarado ng pinto ay napaupo ako sa gilid at doon umiyak ng umiyak.
Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit at lupa, pakiramdam ko sobrang laki ng pagkukulang ko kaya niya nagawa 'yon. Kaya niya ako nagawang lokohin noon pa man.
Saji Argelia's Point of View.
Nangunot ang noo ko ng makitang umiiyak na lumalabas si Lauren mula sa kwartong hindi ko alam kung anong laman kaya naman dahan dahan akong naglakad papunta doon ngunit nanlaki ang mata ko ng marinig ang malakas na pagkabasag dahilan para maalala ko si Kent Axel.
Walang alangan ay binuksan ko ang pinto mula sa kwarto at ganoon na lang ako kabilis tumakbo papalapit sa kanya upang awatin siyang basagin ang lahat.
"Kent Axel! Tama n-"
"Leave!" malakas na sigaw niya nakagat ko ang ibabang labi ng makita ko siyang umiiyak.
"Leave! Hindi ko kayo kailangan!" malakas niyang sigaw na sa sobrang galit ay nawawala sa sarili.
"K-Kent tama na 'yan!" Inawat ko siya ng abutin niya ang basag na salamin ngunit halos mapadaing ako ng malakas niya akong masagi dahilan para tumama ang likod ko sa pader.
"T-Tama na yan!" pinilit ko pa rin siyang awatin lalo na sa pagtangkang saktan ang sarili.
"Kent! Huwag mong gawin yan ano ka b—" nanlaki ang mata ko ng sa pagpwersa niya ay mapupunta na sana ako sa mga bubog ngunit mabilis niyang naagapan ang braso ko dahilan upang hilalin at sa pwersa na yon ay sumubsob ako sa dibdib niya.
Hindi ko nagawang gumalaw kaagad lalo na ng marinig ko ang pag-iyak niya at ang pagyakap ng mga braso niya sa bewang ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso niya..
Natulala ako ng yumuko siya at umiyak sa mismong leeg ko sa bandang balikat, napalunok ako at tsaka sa pagpikit ay naluha na lang rin.
Ang hapyaw ng pag-iyak niya ay sobrang sakit, ang paghagulgol niya ay sinasabing sobrang sakit ng nararamdaman niya.
Mariin kong nakagat ang labi at ang kamay ko ay ipinunta ko sa bandang likuran niya at mahinang itinapik tapik 'yon.
'Iiyak mo lang, hanggang sa mapagod ka at maisip mong sarili mo ang pinakamahalaga sa lahat ng bagay sa mundo.'
"A-Ano pa bang kulang?" Napapikit ako ng madamdamin niya iyong ibinulong sa pagitan ng malakas na pag-iyak.
"Bakit hindi na lang a-ako?" Napamaang ako ng mahawa sa pag-iyak niya kaya wala akong nagawa kundi hayaan siyang umiyak habang ganito ang pwesto namin.
"S-Saji bakit hindi na lang ako ang pinili niya?" Hindi ako nakasagot at hinagod na lang ang likuran niya.
"I want to be alone, I want it so much. I want people to not go near me.." Napabuntong hininga ako.
"B-But I hate being lonely. So please s-stay with me until I can laugh just like before a-again." Tumango tango ako sa sinabi niya.
"Cry. Just cry until the pain is gone," bulong ko.
"I'll cry with you." I added.
"T-Take me somewhere not here, take me somewhere I can breathe f-freely." Tumango tango ako at tsaka ako humiwalay tapos ay hinawakan ko ang kamay niya at mabilis na hinila sa parking lot.
Sumunod lang siya sa akin dahil hawak ko ang kamay niya, ng maakay siya ay kinuha ko ang susi ng sasakyan niya at ako ang naupo sa kung saan ang driver's seat.
'Isantabi mo muna ang takot ng pagmamaneho Saji, kailangan ka niya ngayon.'
Huminga ako ng malalim at tsaka ko pinaandar ang sasakyan habang si Kent Axel ay nakaseatbelt, nakapikit at lumuluha pa rin sa kinauupuan.
Nakagat ko ang ibabang labi ng dalhin ko siya sa kung saan ako dinadala ni Oppa Luke sa tuwing umiiyak at nasasaktan ako.
Galing ako rito ng kailan lang, nang akalain kong si Kent Axel ang ama ng anak ni Lauren ipinarke ko sa gilid dahil malayo layo ito sa university dahil nasa dagat kami.
Nang lingunin ko si Kent Axel ay huminga ako ng malalim at tsaka ko siya binaba at pinagbuksan ng pinto.
"Let's go." Mahina kong sabi at hinawakan ng kusa ang kamay niya tapos hinila siya sa kung saan ako pumwesto ng nakaraan sa may malaking bato.
Nang tignan ko si Kent Axel ay nakatulala lang siya sa karagatan kahit nakasapatos ay inapakan namin ang pinong buhangin ngunit hindi siya tulad ng nasa palawan.
Huminga ako ng malalim at tsaka ko siya pinaupo malapit sa bato at ako naman ay naupo lang sa tabi niya. "T-Thank you for taking me here." Tugon niya kaya naman hindi na ako sumagot.
"Sabihin mo lahat ng hinanakit mo sa karagatan, hayaan mong sagutin ka ng malakas na hangin. Hayaan mong haplusin ka nito, hayaan mong siya ang magtuyo sa mga luha mo." Mahinahon kong sabi.
"B-Bakit hindi na lang ako?" Tanong niya sa sarili dahilan para maiiwas ko ang tingin sa kanya at sa isip ko ay tinanong ko rin yan.
'Bakit hindi na lang ako Kent Axel? Bakit hindi na lang ako ang ginusto mo?'
√√√
@/n: Last update for this week, hihi exam week kasi kaya naman good luck and keep safe Luxians!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top