Chapter 23 [I am here]
Third Person's Point of View.
Matapos uminom ni Kent Axel ay nakagat ni Saji ang ibabang labi ng humingi pa ito ng isa nang makainom ng dalawang baso ay nakahinga ng maluwag si Saji.
"Hindi kita madadala sa labas para kumain ng bulalo o lobster kasi nanghihina ka kaya kumain ka muna nito." Mahinahon na sabi ni Saji at hinawakan ang mangkok na naglalaman ng lugaw at manok.
"L-Luto mo yan?" namamaos ang boses ni Kent dahil dehydrated na rin talaga siya.
"Oo, kaya kainin mo kasi para sa'yo yan." Sagot ni Saji at tsaka iaabot na sana kay Kent Axel ang mangkok ng sabihin ni Kent na, "Akala ko ba susubuan mo ako?"
Awtomatikong napalunok si Saji kaya naman tumango na lang ito at inihipan ang laman ng kutsara upang hindi masinit si Kent.
"Okay lang ba yung lasa?" Tanong ni Saji.
"Mm." Matipid na sagot ni Kent Axel.
"Nagkausap naman na tayo 'di ba?" Nangunot ang noo ni Saji sa sinabi ni Kent.
"N-Ngayon lang ulit ako pumunta rito." Sagot niya, punong puno ng pagtataka ang isip ni Kent sa narinig.
Nang maubos ni Kent Axel ang isang mangkok ay akala ni Saji tapos na ngunit, "Wala na?" tanong ni Kent Axel.
Pigil ngiti si Saji. "Meron pa sandali kukuha ako." Paalam niya sandali at tumayo dala dala ang tray.
Nang makalabas ay biglang napatayo ng tuwid ang mag-ina at ganoon na lang ang panlalaki ng mata nila ng makitang walang laman.
"Kumain?!"
"Did he eat it all?" Gulat ma gulat na tanong nila.
"Yes po." Sagot ni Saji.
"Kulang pa po niya." Mahinang natawa si Saji ng sabihin 'yon at parang nanalo naman ng lotto ang mag-ina na napatalon pa.
"Akin na 'yan ihahanda ko na ang maraming niluto mo." Masayang sabi ni Miyu at tsaka nagmamadali ngunit maingat na bumaba.
"Salamat Saji."
"Salamat talaga." Pagpapasalamat ni Mia matipid na ngumiti si Saji at hinintay ang lugaw.
Nang makabalik ay maraming lugaw na ang dala at mas malaki ang mangkok. "Salamat po." Paalam niya at bumalik na sa loob ng makabalik ay nilingon siya kaagad ni Kent Axel.
"S-Susubuan kita ulit?" Tanong ni Saji.
"Mm." Tugon lang ni Kent kaya naman napalunok si Saji at tumango na lang.
"A-Ano.."
"Ano?" Tanong ni Kent.
"Magpalakas ka kaagad." Dagdag ni Saji.
"B-Bakit? Namiss mo 'ko?" Hindi nakaimik si Saji sa biro ni Kent dahil namiss niya talaga ang binata.
"H-Hindi 'no."
"Kung ganoon nag-aalala ka?" Tanong ni Kent.
"Hindi ba obvious?" Mahinang sagot ni Saji.
"Halata." Mahinang sagot ni Kent.
"Bakit tinatanong mo pa?" She said, sarcastic.
"I just want to hear it. Because you're a hard person, hard as rock." Napapansin ni Saji na kahit papaano ay bumabalik na ang lakas ni Kent Axel.
Nang-aasar at namemersonal na kasi. "Kumain ka na, kung hindi ka kakain ako ang nagpapakain sa'yo. Kahit bumalik pa ako ng madaling araw napainom ka lang ng tubig." Mahinang sabi ni Saji.
Hindi umimik si Kent at bumalik sa pagiging seryoso nang maubos ang lugaw ay itinabi 'yon ni Saji sa gilid at pinainom ng tubig si Kent.
Nang matapos ay hindi na alam ni Saji ang sunod na gagawin kaya naman tumikhim siya at tumayo. "Mauuna na siguro ako—"
"Aalis ka na?" Tanong ni Kent Axel kaya naman marahang tumango si Saji.
"I-Ingat." Mahinang sabi ni Kent.
"Text mo lang ako, pupunta ako agad." Paalala ni Saji.
"Kung gusto mo ng kausap, pupunta ako any time yan. Pero pag madaling araw tawag ka para magising ako." Dagdag ni Saji at tsaka siya huminga ng malalim.
"Apir?" Iniangat pa ni Saji ang kamay umaasang ididikit rin ni Kent Axel ang kamay niya bilang pag sangayon.
"Ayaw mo rin?" Ngumuso si Saji at ibinaba na ang kamay tapos ay pinagpag iyon.
"Alis na ako ah, kumain ka pag pinapakain ka nila dahil kung hindi, hindi kita bibilhan ng bulalo." Banta ni Saji.
"Mm." Tugon ni Kent at nahiga na at nagtalukbong ng kumot.
Ngumuso naman si Saji at luminga sa buong kwarto. Tapos naglakad na papalabas. "Hija aalis ka na ba?" Tanong ni Miyu.
"Opo tita."
"Hindi ba pwedeng dito ka muna? Kasi ikaw lang nakapagpakain sa kanya." Pakiusap ni Miyu.
Natigilan naman si Saji at tsaka nilingon si Mia na nakatayo lang. "B-Bakit?" gulat na tugon ni Mia.
"Ayos lang po ba na dito ako?" Tanong ni Saji.
"Hindi naman masama." Sagot ni Mia kaya mahinang natawa si Saji at tsaka tumango tango.
"Hindi po ako tatanggi." Sagot ni Saji.
"Pero huwag niyo po munang sabihin kay Kent na nandito ako," wika niya at matipid na ngumiti.
"Kumusta ang puso mo?"
"Bigo pa rin tita, hindi naman ganoon kadali 'yon. Kung alam ko na lang matagal na akong umeksena para baka sakaling puso niya ay naingatan ko pa." Mapait ba ngumiti si Saji at tsaka siya napalingon ng makaramdam ng presensya.
"What are you doing here?" Gitil ni Lauren masama ang tingin.
"Nothing, just wondering how beautiful this family is until you ruined it." Pabalang na sagot ni Saji at tsaka huminga ng malalim.
Hindi sumagot si Lauren at bumalik na lang ulit sa kwarto niya. "Gamitin mo na lang yung kwarto na ginamit mo noon Hija." Itinuro ni Miyu ang malapit na guestroom sa kwarto ni Kent.
"Salamat tita, pero bago po sana yan kukuha muna ako ng pamalit sa pad ko." Mahinang paalam ni Saji.
"Magpasama ka na kay Luke." Suhestyon ni Mia kaya matipid na ngumiti si Saji.
Si Mia naman ay pumasok na sa kwarto nilang mag-asawa dahil pinatulog naman si Laze sa sariling kwarto nito ay nadatnan niyang nakaupo lang si Luke at nagpipipindot sa laptop.
"L-Luke," pagtawag ni Mia.
"Mm?" Tugon ni Luke.
Bumuntong hininga si Mia dahil alam niyang bahagya silang nagtalo kanina, lumapit naman si Mia sa asawa kaya ng tignan siya ay kinabahan siya. "Wae?"
"Sorry about earlier," pabulong na sabi ni Mia.
"I understand." Tumango tango pa si Luke at inatupag ang ginagawa kaya ngumuso si Mia at tsaka niya inawat ang asawa sa ginagawa at naupo sa kandungan nito.
Napalunok naman si Luke at tumikhim. "Bakit?" Tanong ni Luke.
"Sorry na." Malambing na sabi ni Mia.
"Kent already ate, napakain siya ni Saji."
"Nandiyan si Saji?" Kwestyon ni Luke at ipinulipot ang mga kamay at braso sa bewang ng asawa.
"Oo, buti nga nakinig sa kaniya." Sagot ni Mia.
"Mabuti naman."
"Samahan mo si Saji kumuha ng susuotin stay muna siya dito." Tumango tango si Luke at tsaka dinampian ng halik ang asawa.
Tahimik lamang na sumunod si Saji kay Luke papalabas upang sumakay sa sasakyan. Nang makasakay ay nakagat ni Saji ang ibabang labi at ikinabit na ang seatbelt niya. "Kumusta ang nararamdaman mo?" Tanong ni Luke sa tinuturing na kapatid.
"Wala namang bago, oppa." Pabulong na sagot ni Saji.
"Pain will be pain and it can't be level just like love." Mahinang dagdag niya na nakapagpabuntong hininga kay Luke.
"Si Zai nakausap mo na ba?"
"Oppa, we can't be okay. If you're planning to make us okay that will never happened at the moment." Mahinahon na sagot ni Saji.
"Alright." Matipid na sagot ni Luke.
Nang makakuha ng gamit si Saji ay bumalik rin sila kaagad sa bahay upang i-check si Kent. Ngunit hindi alam ni Kent Axel na mananatili si Saji ng panandalian sa kanilang tahanan.
Makalipas ang ilang oras ay sinubukan nila Mia na pakainin si Kent ngunit hindi na naman ito kumakain o umiinom ng tubig panay ang buntong hininga ni Saji ng masagap ang balita sa kaniyang kuya na si Luke.
"Bakit hindi? Napakain ko na siya kanina." Saad ni Saji at nagtataka.
"Ako na lang ang susubok ulit oppa." Paalam ni Saji.
"Nasa kwarto sila Mia sana ay mapakain mo ulit siya." Tumango lang si Saji sa kaniyang kuya at naglakad na papunta sa kwarto ni Kent ngunit hindi pa man siya nakakapasok ay naririnig niya na ang nangyayari sa loob.
"Kent Axel naman."
"N-Noona I don't want to eat." Mariing sabi ni Kent.
"Then just drink this milk? water?"
"Ayaw." Tanggi ni Kent.
"Si Lauren kumusta?" Namamaos si Kent Axel ng itanong 'yon.
"Hindi ko alam, mukhang ayos naman humihinga pa." Sagot ni Mia.
"Kent Axel kumain ka na." Pakiusap ni Mia sa nakababatang kapatid.
"Isa tatawagan ko na naman ba si Saji para lang--"
"No." Mahinang sagot ni Kent na narinig ni Saji.
"And why not?" Kwestyon ni Mia.
"Alam k-ko naman na hindi lang ako ang may problema pero sumadya siyang pakainin lang ako." Nakagat ni Saji ang ibabang labi.
"I guess she's broken too, we're really best friends." Kent added.
"You think so? by whom?" Tanong ni Mia.
"Ewan, hindi ko alam noona." Sagot ni Kent Axel.
"Kain n--"
"Ayaw noona, hindi ako gutom."
"At bakit hindi ka kakain?" Pagsingit ni Saji at pinagkrus ang mga braso niya habang nakasilip sa pinto.
"S-Saji." Gulat na sabi ni Kent.
"G-Gabi na ah." dagdag ni Kent kaya naman lumapit si Saji.
"Kumain ka nga, kung parehas tayong broken tutularan ba kitang hindi kumain at pabayaan na lang rin ang sarili ko?" Sumbat ni Saji na ikinangiwi ni Kent Axel.
"Fine, tch." Inis na asik ni Kent at ngumiwi.
"Good." Sambit ni Saji.
"But why are you here at 9:49 PM?" Kwestyon ni Kent.
"I'm staying here dahil alam kong sutil ka." Mahinang sabi ni Saji kaya naman mas ngumiwi si Kent Axel at ihinarap ang mesa sa kanyang katawan at ipinatong doon ang pagkain.
"Lobster ang gusto ko." Mahinang sabi ni Kent Axel.
"Huh? Sa palawan—" naputol ang sasabihin ni Saji ng umekstra ang ama ni Kent Axel na si Vince.
"I'm on it but for now eat that, Wife i'll go to palawan do you wanna come?" Vince sweetly asked.
"Sure, sandali." Sumunod si Miyu sa kanyang asawa at si Saji naman ay napalunok na lang.
"I guess iiwan ko muna kayo rito dahil hinahanap na ako ni Laze kanina pa, enjoy eating dongsaeng." Mariing sabi ni Mia tapos bahagyang umirap at umalis na ng si Saji at Kent ang maiwan ay ngumiwi si Kent.
"Sasamahan mo 'ko 'di ba? Hali'na." Ngumisi naman si Saji at lumapit sa kama ni Kent upang maupo sa gilid at makatapat ang binata.
"Who broke your heart?" Panimula ni Kent dahilan upang matigilan si Saji at mapalunok.
"It doesn't matter, he's still the one for me." Pabulong na lang na sagot ni Saji thinking about Kent Axel.
"Does it still hurts?" dagdag ni Kent kaya naman sa inis ni Saji ay inagaw niya ang kutsara ni Kent at sumandok tapos ay itinapat sa bibig nito.
"Ah." Utos ni Saji.
"W-Wae?"
"Kainin mo kesa daldal ka ng daldal." Mabilis naman na sumunod si Kent Axel.
"How could they give me nuggets at this stage?" Tanong ni Kent habang ngumunguya.
"Nang bata ako gustong gusto ko nito pero gulay ang pinakakain sa akin, ngayong malak—"
"Kain." Sinubuan ulit ni Saji si Kent kaya naputol ang sasabihin nito.
Sa kabila ng kanilang pag-uusap ay si Kent lamang ang nagsasalita at sinusubuan siya ni Saji ngunit mula sa pinto ay pasimpleng nagmamasid si Lauren.
Naiinggit at nakakaramdam ng selos, ang pagsisisi sa kanya ay huli na kung dumating. Kung kailan marami na siyang kamaliang nagawa na sana ay hindi na lang.
"Why aren't you asking about it?" Rinig niyang tanong ni Kent Axel kay Saji.
"About?" Saji replied.
"About why am I like this." Namamaos na tukoy ni Kent at bahagya pang tinuro ang sarili.
"It's because I know you're trying to forget what suddenly sinked in, in your mind. And asking right now won't help unless you want to open it up." Mahaba habang sabi ni Saji na nagpairap kay Lauren na nakikinig.
"Then why did you tried ignoring me?" Kent curiously asked.
"I was frustrated, I already remember everything." Mahinang sabi ni Saji.
"Everything?" Kent replied.
"Mm, what happened to me years ago. The things that I forgot when the car accident happened." Napatitig si Kent Axel kay Saji.
"Naalala mo na?"
"Oo nga, I remember nga eh." Bulong ni Saji.
"Eh bakit mo ako iniwasan?" Tanong ni Kent.
"Ewan ko sa'yo, kumain ka na lang." Reklamo ni Saji at tsaka dumampot ng nuggets at naki-kain rin.
Dahil doon ay umalis na si Lauren at bumalik sa kwarto niya.
Nang mapakain si Kent Axel ay huminga ng malalim si Saji at umalis na sa kwarto ni Kent Axel tahimik lamang ang naging pagmamasid ni Saji sa binata ngunit kahit papaano ay nababawasan ng mga ngiti ng binata ang sakit na nararamdaman niya.
Ngunit patungo sa kung saan ay nakasalubong ni Saji ang isa pang kuya na si Zai. "Saji." Pagtawag nito.
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, hindi tayo magkaka-ayos ngayon." Mahinahon na sagot ni Saji at umirap.
"Saji." Pagtawag muli ni Zai rito.
"Why don't you talk to that girl, fix it because both of you are having a baby." Mariing sabi ni Saji sa nakakatanda kaya naman napabuntong hininga si Zai.
"Saji naman huwag ka ng dumagdag sa mga gal--"
"Then stop talking to me." Inis na singhal ni Saji.
"Reconcile with me please." Pakiusap ni Zai.
"No, kasi nagtataka ako bakit sa dinami dami--"
"Ba't hindi ka maging masaya? You like him naman 'di ba?" Natigilan si Saji ng sumingit si Lauren sa usapan.
"Sa tingin mo ba masaya akong nakikita si Kent na nasasaktan?" Sumbat ni Saji.
"Hindi na kayo nahiya. Mahiya naman kayo!" Napipikon na sumbat ni Saji.
"Ikaw, ang lakas ng loob mong ipagmayabang sa akin ang lahat. Alam mo dapat una pa lang sinabi ko na kay Kent na may relasyon kayo ng Levi na 'yon at may nangyayari sa inyo!" Sigaw ni Saji inis na inis.
"Hindi na kayo nahiya, halos hindi na kumain yung tao dahil sa sakit." Masama ang loob ni Saji na sabi.
"Halos patayin niya na yung sarili niya pero ang kapal pa rin ng mukha niyong dalawa na tumayo rito." Natahimik si Zai.
"Why does it have to be you?" Kwestyon ni Saji tinutukoy si Zai.
"Why does it have to be her? Sana hindi na lang! sana inawat mo na lang yan!" Sigaw ni Saji at tsaka niya tinabig si Zai at pumasok na sa kwarto.
Nang makapasok sa kwarto si Saji ay huminga siya ng malalim upang awatin ang sariling init ng ulo. "Ang kakapal ng mukha." Gigil na bulong ni Saji.
///
@/n: Don't be blind, just because you like her you'll consider her wrong doings. Chour drama lang keep safe and lovelots!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top