Chapter 22 [Law]
Third Person's Point of View.
Hindi makapaniwala si Mia Jasmin sa kaniyang narinig, ramdam niya ang malamig na pawis sa kaniyang noo dahil sa natuklasan. "What do you mean oppa?" Tanong ni Saji sa kaniyang tinuturing na kuya.
"Yung nasa sinapupunan niya? Anak ko 'yon." Sa sobrang panghihina ni Mia Jasmin ay nabitiwan niya ang hawak dahilan para makuha non ang atensyon ng tatlo.
"Mia Jasmin?" Tawag ni Luke sa kaniyang asawa at ng mapagtanto ay matunog na buntong hininga ang nagawang tunog ni Luke.
"I told you to wait outsi--"
"Magkapatid kayo? I thought only child ka?" Panimula ni Mia.
"Asawa mo na ako pero bakit parang hindi pa kita kilala?" Sumbat nito.
"Umaakto kayo sa harapan ko na para bang hindi magkakilala." Hindi maawat ni Mia ang sarili na punong puno ng pagtataka ang isip.
"At ano? kilala mo na si Kent. Matagal na?" Napaturo pa si Mia kay Saji na tahimik lang.
"She suffered amnesia that made her forget her past. I guess 5 to 10 years of it." Luke explained.
"She totally know you as Kent Axel's sister but she forgot it that's why she's totally different. She's my cousin that I told you. Kapatid na ang turingan namin because the three of us grew up together." Napatitig si Mia sa kanila.
"You mean she's someone who has—"
"Yes." Mabilis na sagot ni Luke napalunok si Mia at tumango tango.
"But what are you talking about Zai?" Nang itanong na yon ni Mia ay nangunot ang noo ni Zai.
"Luke didn't tell you?" Kwestyon ni Zai.
"Hindi pa, extra ka eh." Pabalang na sagot ni Luke.
"Ikaw na magsabi tutal ikaw rin naman gumawa ng katangahan." Inis na sabi ni Luke at babatukan pa sana si Zai pero umiwas agad si Zai.
"Iwan ko muna kay—"
"Sinong aawat sa kanila pag babatukan ako?" Tanong ni Zai.
"Tanga 'wag mong antaying ako bumatok sa'yo maalis yang ulo mo." Singhal ni Luke base sa kanyang tinig ay mainit talaga ang ulo niya sa lalakeng pinsan.
"I want you to clear it out, or else I'll slash your freaking balls." Mariing sabi ni Mia at dahil doon ay napatigil sa paglakad si Luke at nilingon ang asawa.
"Ya." sita nito.
"Wae?" Tanong agad ni Mia sa asawa.
"Watch your mouth." Paalala nito kaya ngumiwi si Mia at pinagkrus ang braso.
"So what?" Tanong ni Mia at tinignan si Zai upang maituon sa kaniya ang atensyon.
"May nangyari sa amin ni Lauren." Nang sabihin 'yon ni Zai ay napaupo si Mia sa single sofa.
"Kung ganoon anak mo 'yon?" Kwestyon ni Mia.
"Oppa!" Gigil na bulyaw ni Saji.
"What?! It already happened! That woman fucking grab me knowing that I like her! Alam kong lasing kaming dalawa but I can't fucking help it!" Inis na bulyaw ni Zai.
"Tangina! Nakokonsensya ako kasi alam ko yung nararamdaman ni Kent Axel para sa babaeng 'yon pero shit! Tao lang ako!" maluha luhang sigaw ni Zai at napahilamos sa sariling mukha.
"Kaya nga ako lumayo, kaya nga ako umalis kasi hindi ko maatim yung katangahang nagawa ko pero bakit niya kasi ako hinalikan! Bakit niya kasi ako inaya!" Natahimik si Mia at Saji.
Iniiwas ang tingin sa lumuluhang si Zai. "Tumanggi naman ako eh. Tumanggi ako dahil ang nasa isip ko non walang iba kundi si Kent Axel." Mahinang sabi ni Zai.
"Madalas kaming nag-aasaran ng batang 'yon pero hindi ko sinasadya!" Walang nakapagsalita habang hindi nila alam ay tahimik na nakikinig si Luke sa labas ng pinto.
"Oo mali hindi ko itinatanggi, pero kung mahal naman ni Lauren si Kent Axel hindi niya gagawin 'yon sa kanya." Nag-igting ang panga ni Zai at kumuyom ang kamao.
"Kung gano'n anong gusto mong iparating?" Tanong ni Mia.
"Na nakikipaglaro lang si Lauren sa kapatid ko?" Dagdag ni Mia.
"Na hindi totoo ang lahat ng mga pinakikita niya sa kapatid ko?" Hindi nakasagot si Zai sa katanungan ni Mia.
"Maari, dahil una pa lang nakipagrelasyon na siya kay Levi kaya nga mainit ang dugo ko doon dahil nagseselos ako hindi dahil nagseselos si Kent sa Levi na 'yon." Nagpapakatotoong sabi ni Zai.
"Tangina." Bulong ni Mia iniiwasan na marinig ni Luke ang kanyang mura.
"Tangina mo talaga." Inis na sabi ni Mia hindi maawat ang sariling bibig.
"Pareparehas kayo." Gitil ni Mia.
"Pinagkaisahan niyo ang kapatid ko." Masama ang loob na sabi ni Mia dahil ramdam niya ang awa sa kapatid.
"Oppa bakit ikaw pa?" Bulong na sabi ni Saji.
"Mas triple ang sakit walang katulad ang sakit na mararamdaman niya dahil sa ginawa mo." Mahinahon na sabi ni Saji.
"'Di ba dapat naging masaya ka? Kasi pepwede na kayong dalawa?" Tanong ni Zai.
"Oppa!" galit na sigaw ni Saji.
"Oh ano?! Matagal ka namang naghintay sa kaniya hindi ba dapat ay pabor na ito sa'yo?" Sumama ang tingin ni Saji kay Zai.
"I know pero ayaw kong masaktan si Kent Axel! Kasi kung oo?! Kasi kung selfish ako? Matagal na sana akong umeksena kasi mas nauna naman ako kay Lauren eh!" Sigaw ni Saji.
"Nauna ako pero bakit hindi man lang ako maalala ni Kent? Dahil ba hindi naman ako importante?" Maluha luhang tanong ni Saji.
"Oppa ako ang kasama mula pagkabata, nawala lang ako. Nawala lang ako nabigla ako sa balita. Na may iba siyang gusto." Napatitig si Mia kay Saji.
"What do you mean pagkabata?" Kwestyon ni Mia.
"Malalaman mo rin, eonnie." Mahinang sagot ni Saji, eonnie ay pagtawag ng ate sa lenggwaheng korean.
Kent Axel's Point of View.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ng maramdaman ang sinag ng araw mula sa bintana sa kwarto ko.
Huminga ako ng malalim at bumangon ngunit ng maalala ang naganap ay parang nawalan ako ng ganang bumangon.
Gusto ko na kang mahiga, at magkulong sa kwarto. Bumangon ako at nilock ang kwarto ko upang walang makapasok.
Pagkatapos non ay dahil sa panghihina ay sa gilid ng pino na lamang ako naupo at nanatili, sandali akong natulala bago yumuko sa sarili kong mga tuhod.
'Malakas ka pa sa malakas kupido, isa kang kasangkapan ng pagloloko.'
Narinig ko ang pagkatok at pilit na pagbukas ng door knob ngunit dineadma ko iyon. "Kent Axel gising ka na ba?" Malakas na tinig ni mom ang narinig ko.
'Ipinana mo ang isang tao sa maling tao kaya nabuo ang panloloko, kupido.'
"Kent Axel?" Muli ay may tatlong katok at tinig ni dad ang narinig ko.
"Tawagin mo sila."
"Tawagin mo sila Luke at Mia."
Bumuntong hininga ako at nanatiling nakayuko sa mga tuhod. "Dongsaeng."
"Dongsaeng gising ka na ba?" Kumatok si noona ng hindi ko mabilang.
"Nasaan ang duplicate key?"
"Walang duplicate key ang kwarto ni Kent Axel mom."
"What?"
"Batas ang maririnig mo pag nagkaroon ng duplicate key para sa kwarto niya." Napangiwi ako ng marinig ang mga 'yon.
"May bisita ba siya mom?" Pumikit ako at tsaka huminga ng malalim.
Masyadong mapaglaro ang isip ko ngayon at kung ano ano ang nais gawin. "Kakain sana siya ng umagahan."
Ngumiwi ako at pinilit tumayo upang pumunta sa banyo dahil kakaiba ang pakiramdam ko.
Pinilit kong maligo.
Nang matapos ay kahit labag sa kalooban kong lumabas ay lumabas ako ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng makitang may makapal na blanket sa gilid ng pinto ko at nandoon sila noona, Hyung Luke at Laze.
Habang sa katapat na pinto ay nandoon si mom at dad. "A-Anong ginagawa niyo?" Tanong ko mabilis naman silang napaayos.
"Ah ano trip namin tumambay rito malapit kasi sa terrace." Dahilan ni mom kaya matipid akong ngumiti.
"May gustong sabihin si Zai sa'yo." Mahinang sabi ni Hyung Luke walang alangan.
"Really? Where is he?" Tanong ko.
"Puntahan mo na lang sa kwarto niya." Sagot ni Hyung Luke kaya tumango ako at tsaka huminga ng malalim at umakyat sa third floor.
Habang naglalakad papunta sa kwarto ni Hyung Zai ay naririnig ko ang sumbatan na hanggang sa kinatatayuan ko naririnig. "Alam kong akin 'yan."
"Hindi nga ito sa'yo!"
"Kung ganoon ilang lalake pa ba ang ginamit mo? Bukod kay Levi at sa akin?" Natigilan ako ng marinig ang tinig ni Hyung Zai.
"Tinanggihan kita, sinamantala mo ako dahil ano? Alam mong gusto kita noon pa man?" Mahina kong nakagat ang ibabang labi.
'Fuck.'
"Pero lasing ako no'n!"
"Iyan ang parati mong sumbat Lauren! 'yang palasing lasing mo!" tinig ni Hyung Zai.
Sa paglalakad ay huminto ako at dinamdam ang sakit na nararamdaman, ang bigat sa dibdib.
"Gusto kita oo inaamin ko pero kung mahal mo si Kent Axel hindi mo siya gagaguhin!"
"at kung naisip mo siya hindi mo rin ito gagawin!" Sumbat ni Lauren.
"Ipapalaglag ko itong bata! Ayokong ikaw ang ama ng bata na ito!" Bumuntong hininga ako.
"Ano ba Lauren!"
"Itigil mo nga 'yan!"
"Huwag mong idamay ang inosenteng bata ano ba!" napailing iling ako at naglakad patungo sa kwarto ni Hyung Zai.
Derederetso akong lumapit kay Lauren at Inawat ang kamay niya sa paghampas sa sariling tyan nakaangat ang isang kamay niya ngayon dahil sa akin.
"K-Kent Axel." Sambit niya.
"I told you to stop dissapointing me." Mahinahon kong sabi.
"Kent." Hindi ko pinansin si Hyung Zai.
"That's your baby, you're responsible of it. Stop hurting yourself like you never liked what happened." Mariing sabi ko tapos ay iniiwas sa kaniya ang tingin.
"Kent Axel let me exp—"
"H-How could you do this to me? H-Hyung I trusted you! Y-You know how much I like her from the start." napasinghap ako ng hangin ng maluha.
"Kent Axel I'm s-so so—"
"I d-don't need any of your explanation, you decided to do it then w-why do you have to explain it?" Mahinang sabi ko tapos ay binitiwan ang kamay ni Lauren at tinalikuran sila.
Ngunit ganoon na lang ang pagbuntong hininga ko ng humabol si Lauren. "Kent pleas—"
"Please, I'm begging you to stop hurting me a-anymore." Mahinahon kong pakiusap at inalis ang kamay niyang nakahawak sa mga braso ko.
Ang mabibilis kong paghakbang papalayo doon ay bumagal lalo na ng maramdaman ko ang matinding sakit na hindi ko maunawaan.
Sakit na para bang papatayin ako, hindi ko kaya. Nang makababa ay hindi ko ginawang umimik basta basta ko lang nilampasan ang bawat isa na para bang wala akong naririnig.
Third Person's Point of View.
Hindi mapakali ang buong pamilya sa loob ng bahay, inaalala ang kalagayan ni Kent Axel na kahit anong pilit nila ay hindi lumalabas ng kwarto at hindi ginagawang kumain.
Tatlong araw na ang pinalipas ngunit lahat ng pagkain na inihahatid ay nananatili kung paaano iniiwan.
"What should we do now?" Nawawalang pag-asang sabi ni Mia sa kaniyang ina.
"I don't know either anak, sinusubukan ko siyang subuan but he keeps on ignoring me. You see we tried everything." Pabulong na sagot ni Mia habang nakatitig sa pinto ni Kent Axel.
"Mom.."
"Rehab?" Napalingon silang lahat sa mahinang nagsalita at si Laze 'yon.
"Huh?" Gulat na tanong ni Mia.
"I-I s-search on google mommy, the answer is r-rehab." Pahina ng pahina ang tinig ni Laze.
"No baby, let's talk later okay? Go to daddy muna." Mahinang sabi ni Mia sa anak.
"But he's right." Mahinang sabi ni Luke.
"No way Luke, he's in pain huwag na nating dagdagan." Inis na sabi ni Mia sa asawa.
"Because he's not eating anymore, pinapatay niya na yung sarili niya sa pamamaraan niya." Mahinang sabi ni Luke.
"Kahit tubig wala, papaano siya mabubuhay?" Umirap si Mia.
"Please umalis ka sa harapan ko Luke bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo." Galit na sabi ni Mia.
"Calm down anak." Mahinang turan ni Miyu.
"Let's go Laze."
"Ano bang gagawin natin sa kapatid mo anak? Pati ang daddy mo hindi alam kung ano ang gagawin." Mahinang sabi ni Miyu.
"Mas lumala ang lagay niya ng malaman na si Zai ang ama." Bulong ni Miyu.
"Kahit sino naman mom, kasalanan itong lahat ni Lauren." Mariing sabi ni Mia.
"Nagsisisi akong nakabilang siya sa pamilya natin."
"Mia naman." Sita ni Miyu.
"Totoo naman mommy."
"Totoo naman lahat ng sinasabi ko una pa lang alam kong magkakasama kaming lumaki pero masasabi kong parehas silang barumbado ng tunay na ina niya." Inis na sabi ni Mia at pinagkrus ang braso.
"Ma'am, may bisita po si Sir Kent." Napalingon ang mag-ina sa hagdan kaya naman nangunot ang noo nila at tumungo doon.
Nang masilip ay natigilan sila ng makita si Saji. "S-Saji." Pabulong na sabi ni Mia.
"How is he?" Mahinahon na tanong ni Saji, kakaibang aura ang bumabalot sa kaniya hindi tulad ng noon.
"I got the news hija, is your memory back?" Tanong ni Miyu na ikinataka ni Mia.
"You know mom?" Tanong ni Mia.
"I do."
"It's back tita." Mahinang sagot ni Saji at ibinaba ang dala dala niyang container na naglalaman ng lugaw.
"Dumalaw po ako para siguraduhin kung kumusta na si Kent." Mahinang sabi ni Saji at muling kinuha ang dala dala at inabot sa katulong upang maipahanda.
"Halika rito."
Sumunod maman si Saji kay Miyu at umakyat siya ng magkasabay silang tatlo ay hindi umimik si Mia. "He's not eating or drinking water." Mahinang panimula ni Miyu.
"Po? Ilang araw na?" Tanong ni Saji.
"Three days straight, lahat tinatanggihan niya the dextrose they gave inaalis niya." Kwento ni Miyu.
"He'll be dehydrated po."
"We totally don't know what to do," bulong na sabi ni Miyu.
"We clean his room everyday, pati ang pagbangon niya ay kailangang pilit at halos buhatin siya." naikuyom ni Saji ang kamao.
"We're doing everything but he's not responding nor doing anything." Naglapat ang labi ni Saji dahil sa awa at sakit na nararamdaman.
"I know you like him Saji, I know that you're still in pain. But can you please try?" Natigilan si Saji ng makiusap si Mia sa kaniya.
Tumango lang si Saji at ng dumating ang lugaw ay kinuha ni Saji ang tray at tumungo lamang sa mag-ina at naglakad na papasok sa kwarto ni Kent.
Napabuntong hininga si Saji ng makita kung gaano kamiserable ang lalakeng mahal niya na nasasaktan sa ibang babae. "Kent Axel." Mahinang pagtawag ni Saji ngunit hindi siya nilingon.
Dahan dahan na lumapit si Saji sa kama ni Kent na nakatulala lang habang nakasandal sa headboard.
"Ako nagluto nito." Nakangiting sabi ni Saji, pilit pinipigil maluha.
"Gusto mo subuan kita?" Hindi tumugon si Kent at hindi pa rin tinitignan si Saji.
"Gusto mo ba ng tubig? Mm?" Ibinaba ni Saji ang tray sa gilid na mesa kinakabahan siya ngunit kailangan niyang subukan.
Huminga ng malalim si Saji pinipigil ang nagbabadya niyang luha. Ang hintuturo niya ay ipinunta niya sa baba ni Kent Axel at iniharap sa kaniya.
Nang magtama ang mata nila ay blangko siyang tinitigan nito ngunit hindi pumalag. "Sorry." Mahinang sabi ni Saji napayuko.
"Sorry for not coming when you needed me the most." Napasinghap si Saji at ng tignan si Kent ay nanatili itong titig sa kaniya.
"H-Huli na ng mabasa ko ang text messages mo, I know that you sent me a hundred but i'm so sorry for responding so late." Nakagat ni Saji ang ibabang labi ng maluha.
"I already told you not to waste your love on someone who can't love you back." Saji's voice cracked.
"Your life is the most precious, but now you're wasting it because of that woman." Pabulong na sabi ni Saji at nag-iwas tingin.
"Uminom ka muna ng tubig." Iniba niya ang usapan at inabot ang baso tapos ay mas lumapit upang makainom si Kent ngunit mabilis na hinawakan ni Kent ang pulsuan ni Saji.
"Leave." Bulong ni Kent at iniiwas ang tingin.
"Aalis ako pag nakainom at kumain ka na." Mariing sabi ni Saji.
"You're not a law to be f-followed." sumbat ni Kent.
"At hindi ka rin batas para hindi ko pwedeng suwayin." Mahinang sabi ni Saji at binawi ang pulsuhan natigilan si Kent at tsaka matipid na napangiti.
Pinilit ni Saji na hindi umirap ng dahan dahan at pakonti konting uminom ng tubig si Kent.
√√√
@/n: Any second demotion? Keep safe everyone lalo na sa mga affected areas. Always pray and I hope everyone is okay lovelots.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top