Chapter 21 [I'm Guilty]
Kent Axel's Point of View.
Ilang araw mula ng maganap yon ay nagising ako ngunit si Jared agad ang una kong nakita. "Get up, may bisita ka sa labas." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, he lets me stay here for awhile.
"I guess you have to face the reality, It's been four days." Matipid akong ngumiti, habang tumatagal ay mas lumalala ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga katanungan na nasa isip ko.
"Masakit pa rin yan, hindi yan mawawala ng isang linggo lang, dalawang linggo. Ganiyan masaktan." Paglilinaw ni Jared at inabutan ako ng susuotin.
"Thank you for letting me stay here." Mahina kong sabi.
"You look like a mess, mag-ayos ka dapat makita niyang gwapo ka." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Si Lauren ba ang nandiyan?" Tanong ko, umiling siya.
"It's your noona." Bulong niyang sagot at tinanaw ang labas kaya naman mabilis akong bumangon dala dala ang mga damit at tsaka tumakbo papuntang Cr.
Bumuntong hininga ako dahil hindi ko rin maintindihan kung bakit sa ilang araw na nagtetext ako kay Saji para kumustahin siya ay walang kahit anong reply akong natatanggap.
Nang matapos ay nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ko napansin ang mga mata napailing na lang ako pilit na hindi inaalala ang naganap pero punong puno ako ng pagtataka kung bakit ganoon. "Nasa sala siya." mahinang paalala ni Jared.
Pakiramdam ko ay mapapagalitan na naman ako ni noona. Nang makalabas na ay nakita ko siyang tumayo agad at sinuri ako. "Kumain ka na ba?" Tanong niya kaya umiling ako bilang sagot.
"Kumusta ang nararamdaman mo?" Tanong niya muli kaya naman nalingon ko si Hyung Luke na hindi umiimik.
"W-Wala naman akong magagawa n-noona. I want to be the father of her child kung hindi siya papanindigan." Bulong ko.
"No way." Mariing sabi ni noona.
"What can I do noona? kahit sinaktan niya na ako bakit ganoon pa rin?" Napabuntong hininga si noona.
"Gusto ko pa rin siya noona, mahal ko pa rin siya. Sa isip ko handa pa rin akong tanggapin siya kahit na iba pa yung ama ng bata na 'yon." Mahina kong sabi at napayuko.
"But I won't let you do that." Mariing sabi ni noona kaya bumuntong hininga ako.
"Si Saji?" Bigla ay naalala ko.
"Pumapasok ba siya?"
"Why do you ask?" Tanong ni Hyung Luke.
"Pakiramdam ko ay may problema rin siya, hindi niya sinasagot at nirereplyan ang mga tawag at texts ko. Then sabi ng kaharap niyang condo na nang nakaraan luhaan siya sinundo daw siya ng kuya niya." Kwento ko at naupo sa harap nilang sofa.
"Kent Axel look at you." Napatingin ako sa damit ko tapos mapait na ngumiti.
"I'm a mess, I know." Bulong ko.
"I guess this pain will stay still forever." Dagdag ko pa.
"Siya lang naman ang minahal ko noona bakit kung kailan pwede tsaka pa biglang naging imposible?" Bulong ko.
"Bakit niya ako niloko noona?"
"Bakit niya ako pinaasa, bakit niya sinabing mahal niya ako kung may iba pala siyang nobyo?" napahilamos ako sa mukha at bumuntong hininga.
"Ang lakas ng loob kong sitahin yung Levi na 'yon. Ako pala ang walang karapatan tangina." Gigil kong sabi.
"Gusto mo bang tapusin ko 'yon?" Napalingon ako kay Jared na inaayos ang baril niya.
"Jared." Sita agad ni noona.
"Sinong gusto mong unahin ko? Si Levi o si Lauren?" Dagdag niya kaya umiling ako.
"Wala." Bulong ko.
"Wala tayong gagawin."
"Kakausapin ko muna si Lauren." Sagot ko.
"Wala akong masabi." Aniya ni noona.
"Alam na ba nila mom at dad?" Tanong ko.
"Yes, they thought it was your baby but I told them it's not yours." Noona said and sighed.
"How's Lauren?" I questioned.
"She's not eating, nagkukulong lang siya sa kwarto niya." Sagot ni Hyung Luke.
"Then it's not good for her and her baby, noona alam kong mapapasuno--"
"Wala akong pakialam sa kaniya." Napatitig ako kay noona ng mariin niyang sabihin 'yon.
"Kapatid ang turing ko sa kaniya mula pagkabata pero mali siya ng kinanti," wika ni noona at huminga ng malalim.
"Gusto mo bang kuhanan na lang rin kita ng sarili mong condo? gusto mo bang sumama sa akin sa palawan?" Tanong ni noona kaya umiling ako.
"Uuwi ako noona."
"I have to go home."
***
Nang makarating sa bahay ay kahit sila mom at dad hindi ko nagawang kibuin bumuntong hininga ako at nalingon silang lahat. "Hindi pa ba kumakain ang isang 'yon?" Tanong ko.
"S-Sino anak?"
"Si Lauren mom?" Tanong ko.
"A-Ayaw niya talagang kumain." Mahinang sabi nila.
"At hindi niyo pinilit?" Tanong ko.
"'Wag pilitin ang ayaw baka pumayag." Sagot ni noona kaya napabuntong hininga ako at tsaka umakyat huminga ako ng malalim bago kumatok sa kwarto niya.
"Hindi po ako gutom." Sobrang hina non sa pandinig ko kaya naman napabuntong hininga ako.
"Come outside, we have to talk." Pormal kong sabi at dahil doon ay biglang bumukas ang pinto.
"Kent Axel." Napansin ko ang mga mata niya kaya huminga ako ng malalim at matipid na ngumiti.
"You have to eat, baka magutom ang baby mo." Nang sabihin ko yun ay naramdaman ko ang kirot ng dibdib at ang kagustuhan ng mga mata kong lumuha ngunit pinigil ko yon lalo na ng makita kong maluha si Lauren.
"Kent Axel.." Napasinghap ako ng sandaling yakapin niya ako ng mahigpit kaya naman nakagat ko ang ibabang labi at mapatingala lalo na ng masaktan na naman ako ng sobra.
"Sige na sabayan mo ako kumain." Mahina kong sabi at inakay siya papasok sa kwarto niya ngunit nangunot ang noo ko ng makita ang maraming pills.
"What are you trying to do?" gulat kong tanong.
"I want this baby out of me.. Hindi ko naman ito gusto eh." Nakagat ko ang ibabang labi tapos ay kumuha ako ng plastic at mabilis na pinagdadampot ang iba't ibang gamot doon tapos ay tinapon ko ang mga 'yon.
"Don't try to kill that baby Lauren, ano ba?" Inis kong sabi.
"So we can be together Kent Axel! hindi ko ito gusto!" Sigaw niya kaya naman kumuyom ang kamao ko.
"Please Lauren, stop disappointing me. I'm begging you, kung walang ama yung bata a-ako na lang!" Mariing sabi ko. Nanginginig ang mga kamay ko at muli ay naramdaman ko na naman ang luha at sakit.
"Kaya kong akuin yang bata na yan. Kung ayaw mo sa kaniya ako na lang, ako na lang ang gugusto sa k-kaniya." Mahina kong sabi kasabay ng pagluha.
"Kaya p-please lang ikaw ang ina ng bata na 'yan. Baby mo 'yan, tell me kung papanindigan ka ba ng ama niyan dahil kung hindi handa ako." Pakiusap ko.
"Kahit masakit tatanggapin ko 'yan." Napayuko ako at humagulgol.
Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib. Kinapa ko yon na para bang sa paraan na yon ay mababawasan ang sakit na nararamdaman ko. "I'm so sorry.." rinig kong umiiyak niyang sabi.
Napapikit ako ng mariin at hinango ang lakas ko upang umayos. "Take a good care at yourself Lauren." Mahinang sabi ko.
"Babalik ako, padadalhan na lang kita ng food dito gusto kong kainin mo yun lahat." Mahinang sabi ko na tango lamang ang ibinigay niya kaya nagmamadali akong lumabas ng kwarto niya at dumeretso sa kwarto ko upang magkulong.
'I thought everything would be easy, going back home is such a pain in my heart.'
Hindi ko inaasahan na sa pagmamahal ko sa kaniya kaya kong isugal ang sariling puso, alam ko at batid ko sa sarili ko na masasaktan ako pero hindi sa ganitong paraan.
Nagising ako ng maramdaman ko ang malamig na nasa noo ko dahilan para mapamulat ako ngunit naramdaman ko ang pagsakit ng ulo. "Naiisip mo ang iba ngunit hindi ang sarili mo." Nang marinig ang boses na 'yon ay mapait akong ngumiti.
"Naisip mo rin ba ang sarili mo Saji?" Pabulong kong tanong.
"Huh?" Nginitian ko na lang si Saji at muling pumikit.
Mia Jasmin's Point of View.
Nangunot ang noo ko ng tawagin ako ni Kent na Saji, napangiwi ako at tsaka bumuntong hininga. "Ang taas ng lagnat mom, napagkamalan pa akong ibang tao." Mahinang sabi ko ng maramdaman ang pagpasok ni mom.
"Dalhin na ba natin sa ospital?"
"Mom doctor ako." Paalala ko kay mommy na mahina niyang ikinatawa.
"Si Zai umuwi na ba?" Tanong niya pa kaya nangunot ang noo ko.
"Hindi pa rin ba umuuwi ang isang 'yon mula ng araw na 'yon mommy?" Paglilinaw ko at nilingon siya ng tumango ay nagtaka ako.
"Saang lupalop naman kaya nagtutungo ang mga 'yon kahit si Luke umaalis alis." Bulong ko sa sarili at tsaka huminga ng malalim.
"Huwag mo munang papasukin rito si Lauren at Laze mom, baka mahawa sila." Paalala ko.
"Sige anak, tignan mo muna ang kapatid mo ha? sisilipin ko rin si Lauren." Sagot ni mom kaya tumango lang ako at napabuntong hininga.
Huminga ako ng malalim at tsaka ako napalingon sa pinto ng marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Luke. Tinignan ko muna si Kent bago ako tumayo at sumilip sa labas. Ngunit nagtaka ako ng umuwing nagtatalo si Zai at Luke.
"Stop explaining!" Nang marinig ang galit na sigaw ni Luke ay nagmadali akong bumaba.
"Bro I swear--"
"Alam ko na yang nararamdaman mo noon pa man Zai Garcia, tantanan mo ako sa salitang hindi mo sinasadya. Umalis ka sa paningin ko kung ayaw mong kamao ko ang magpaliwanag sa'yo." Nakagat ko ang ibabang labi habang pinanonod sila.
'He looks so mad.'
Luke immediately unbuttoned his upper polo, just the three buttons. Nang matignan niya ako ay napabuntong hininga siya at lumapit sa akin para humalik. "Saan kayo galing?" Tanong ko.
"Sinundo ko lang yang nilalang na 'yan sa bar." Inis na sabi ni Luke at sinamaan ng tingin si Zai tapos ay ng tignan ako mariin siyang napapikit.
"What's happening between you two?" Tanong ko.
"Let's talk upstairs baby." Kalmado niyang sabi kaya nilingon ko si Zai.
"What did you do this time?" Tanong ko.
"I'll explain about that later." Mahinang sabi ni Zai halatang may tama kaya naman tumango ako at inaya si Luke umakyat sa itaas.
"Kumusta si kent?" Tanong ni Luke.
"Nilalagnat." Sagot ko.
"Si Lauren?" he added.
"I don't know, I told you wala akong pakialam sa nararamdaman niya." Mahina kong sabi at pumasok sa kwarto namin.
"Nakausap mo na ba si Levi kung papanindigan niya si Lauren?" Tanong ko.
"Dahil hindi ako papayag na si Kent ang maging ama ng bata na nasa sinapupunan ni Lauren. I won't let Kent suffer for more." Bulong ko.
"Galit ka kay Lauren?" Tanong ni Luke.
"Sinong hindi Luke?"
"Sabihin mo papaanong hindi ako magagalit sa kaniya pinagsabay niya yung kapatid ko at sa kinginang Levi na 'yon. Alam mo bang si Saji pa mismo ang nakiusap sa akin? Tangin--" Napapikit ako agad ng halikan niya ako sa labi.
"Stop cursing." Sita niya kaya napaiwas tingin ako at umirap.
"I just can't believe it, sana si Saji na lang. Una pa lang sinasabihan ko na si Kent hindi kasi nakikinig. Iba na ang pakiramdam ko kaya una pa lang hindi na ako sangayon." Inis na sabi ko at naupo.
"Nang nalaman ko sinabihan ko na si Lauren pero hindi niya iniwasan? sa anong paraan tangi-- Kingina." Pag-aayos ko.
"Anong pinag-aawayan niyo ni Zai?" Tanong ko.
"Luke.." Natigilan kami ng makarinig ng tawag mula sa labas at katok mula sa pinto.
"Yes po?" malakas na sabi ni Luke habang papunta sa pinto upang pagbuksan ang nasa pinto.
"Tumawag sa akin yung kung sino, sunduin natin si Saji." Mahinang sabi ni Zai kaya nangunot ang noo ko.
"Bakit si Saji?" Tanong ko.
***
Takang taka ako sa nangyayari dahil hindi nila ako pinasunod hanggang sa condominium ni Saji at dahil isa rin akong hamak na pasaway ay pasimple ko silang sinundan.
Nang makarating sa mismong condominium ni Saji ay hindi nila naisara ang pinto kaya naman nakagat ko ang ibabang labi. Malalagot ako kay Luke nito eh. "Who told you to drink alone?" Kwestyon agad ni Luke.
"Why not? Tell me why not oppa?" Nanlaki ang mata ko ng marinig yon.
Si Luke ang tinutukoy ni Saji na kuya niyang doctor? Bakit hindi ko alam? "Please Saji huwag ka ng dumagdag hirap na hirap na nga kami kay Kent." mariing sabi ni Luke.
"So pag ako bawal masaktan? Oppa I didn't go to school just to avoid that man! I didn't come to school for a week kasi ang sakit sakit!" Napalunok ako sa narinig.
"Sana hindi ko na lang naalala lahat!" Napatakip ako sa bibig sa narinig.
"That Lauren ang lakas ng loob niyang ipagmayabang sa akin na kahit may kagaguhan siyang ginawa hindi siya iiwan ni Kent tanggap ko naman 'yon pero nakakasama ng loob." Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka lumunok.
"Dahil una pa lang sinabihan na kitang iwasan si Kent! Dahil kahit wala kang naalala sa limang taong nakaraan mo Saji alam ko na gusto mo pa rin siya!" Bumuntong hininga ako ng marinig ang iyak ni Saji.
"I swear oppa, I did try my best to protect Kent Axel from that woman but I forgot how to protect mine and I'm not blaming anyone for it." Naikuyom ko ang kamao.
"Hindi ka kasi nakinig."
"Sana maaga pa lang nakinig ka na sa akin."
"Alam kong masasaktan ka kay Kent Axel, he's not a bad man but I'm aware that he likes someone. Kasalanan ko kung bakit ka naaksidente, sana noong nilayo na kita sana tinuloy ko na lang." Rinig kong sabi ni Luke.
"Bakit ka masasaktan?" Natigilan ako ng marinig ang boses ni Zai.
"What are you talking about oppa?"
"It's mine." Nanlaki ng tuluyan ang mata ko ng marinig ang sinabi ni Zai.
'No way!'
√√√
@/n: Keep safe everyone, lovelots enjoy reading. 💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top