Chapter 20 [Supposed to be]
Kent Axel's Point of View.
Lumipas na ang tatlong klase at wala pa rin si Saji, nagtext naman siya pero ang sabi niya lang please excuse me at class na ginawa ko naman pero nakakapagtaka lang dahil first absent niya ito ng walang kahit anong rason.
After class ay dumeretso ako sa bahay dahil sabi ni mom.
'Important announcements?'
Nang nasa bahay na ay nakita kong nandito rin si Noona magkakrus ang braso at nandito na rin si Lauren kahit si Hyung Zai at Dad. "Kent Axel." Tawag ni mom sa akin.
"Yes mom?" Tanong ko nagtataka ako kung bakit.
"Sabihin mo yung sinabi mo sa akin nung nakaraan." Napatikhim ako nang sabihin yon ni mom.
"I love Lauren, I want her to be my girlfriend mom, dad, noona." Mahina kong sabi.
"Kent Axel?" Gulat na sabi ni noona.
"KA." Tinig ni dad.
"Don't scold him, I already know this from the very start. Hinihintay ko lang na siya mismo ang magsabi sa akin, ilang beses ko na ring nakita na pumupuslit sila para makapag-usap." Napatitig ako kay mom ng sabihin niya yon.
'Kung ganoon tama si Saji?'
"Pero--"
"and I'm allowing them to have their own will, as far as I know hindi sila blood related." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mom, napangiti ako at mabilis na lumapit sa kaniya upang yumakap.
"Thank you so much mom." Napangiti ako ng maramdaman ang tapik niya sa likod ko.
'sobrang saya ko, as in..'
"Why don't you two have a date?" Suggest ni mom kaya napangiti ako at humiwalay tapos tumango tango.
"We will mom." Sagot ko.
"Lauren don't broke his heart okay? And also you Kent Axel huwag mong sasaktan si Lauren are we clear?" Nakangiti akong tumango at nilingon si Lauren pero ganoon na lang ang pagtataka ko ng hindi ko man lang nakita ang ngiti sa labi ni Lauren.
'Hindi ba siya masaya?'
"But before that, I'll talk to her." Nakangiti kong sabi at tsaka nilapitan si Lauren at tinangay sa kwarto ko.
Nang makarating ay ngumiti ako kaagad. "Are you officially mine?" Nakangiti kong sabi.
"Kent Axel hindi mo man lang ako sinabihan sa desisyon na gagawin mo." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi ka ba natutuwa?" Tanong ko.
"'Di ba ito naman ang gusto natin?" Dagdag ko pa.
"A-Alam ko pero--"
"Pero ano?" Tanong ko.
"Alam kong hindi tayo okay this past few days pero pwede naman maging ayos na tayo hindi ba?" Tanong ko pa.
'Hindi ba?'
"Mahal mo naman ako 'di ba?" Paninigurado ko.
"Kent Axel may sasabihin ako sa'yo.." Kinabahan ako sa sinabi niya kaya naman tumikhim ako at tinitigan siya.
"Ano yon?"
"I did something bad.." Pauna niya kaya nangunot ang noo ko at tsaka sumandal sa likod ng pinto.
'Bad?'
"And what is that?"
"I-I'm pregnant." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya tapos ay mahinang natawa.
"Hay nako huwag mo nga akong biruin, wala namang nangyari sa inyo ni Levi." Sagot ko tapos ay ngumisi na lang.
'Wala naman 'di ba?'
Pero ng hindi siya sumagot ay natigilan ako at napaayos ng tayo. "Wala naman 'di ba Lauren?" Seryoso at kinakabahan kong tanong.
"'Di ba biro lang yung sinabi mo?" Tanong ko ulit, ng yumuko siya ay mabilis ko siyang hinawakan sa kamay.
"Biro lang 'di ba? pinaprank mo ako?" Tanong ko ulit.
Nang maluha siya ay kinabahan ako kaya luminga ako sa buong paligid. "May camera's? nasaan? may recorder ka diyan ano?" Nakangiti kong sabi at tsaka tinignan ang suot niya.
"Pinaprank mo ako Lauren." Natatawa kong sabi tapos ay umayos ako at tsaka ko binuksan ang pinto at lumabas.
"Tatanungin ko si noona." Sagot ko tapos patawa-tawang bumaba naramdaman ko naman ang pagsunod niya pero hindi ako magpapaprank ngayon.
"Noona. Pinaprank niyo ako 'di ba?" Tanong ko ngunit lahat sila ay nagtatakang tumingin sa akin.
"Huh?" Tanong ni noona kaya natawa ako at hinanap si Hyung Zai.
"Hyung pinaprank niyo ako 'di ba? May pinaplano kayo eh." Tumawa pa ako.
Nakita ko namang napalunok sila.
"Ano bang sinasabi mo Kent Axel?" Tanong ni dad.
"Walang camera? 'di nga seryoso." Tanong ko.
"Kent Axel." Pagtawag sa akin ni Lauren kaya nilingon ko siya pero lumuluha na siya kaya naman nawala ang ngiti ko at parang bigla ay walang naunawaan sa lahat.
'Ang gulo hahaha!'
Tinitigan ko si Lauren ng makahulugan at tsaka ako napasinghap ng hangin. "Pag prank ito humanda kayo sa akin." Matipid kong sabi at umakyat sa taas.
"Kent Axel!" Sumunod si Lauren kaya ng makapasok ako sa kwarto ko ay humiga ako sa kama at tumulala sa kisame.
Nang makapasok si Lauren ay bumangon ako. "Sit beside me." Mahina kong sabi sumunod naman siya huminga ako ng malalim at niyakap siya.
"Lauren." Mahinang sabi ko.
"I have a favor to ask." Dagdag ko.
"A-Ano 'yon?" Humihikbi niyang tanong.
"Sa susunod na mga tanong ko, Yes lang ang sasagot mo okay." Napatitig siya sa akin kaya huminga ako ng malalim.
"Walang nangyari sa inyo 'di ba?" Mahina kong tanong.
"Sa inyo ni Levi wala 'di ba?" Tanong ko at dahil doon ay tumango siya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Nagbibiro ka lang na magkaka-baby ka na 'di ba?" Kinakabahan kong tanong ngunit ng hindi siya makasagot ay iniiwas ko ang tingin.
"Lauren, Just answer yes please." Mahinang pakiusap ko.
"Please?" Mahinang pakiusap ko at napayuko.
"Lauren."
"I'm so sorry Kent." Nang muli siyang maluha ay mariin akong napapikit hindi ko alam ang dapat na maramdaman.
"Kent Axel hindi ko sinasadya, Hindi ko ginusto 'to." Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako napatulalang muli.
"K-Kailan pa 'yan?" Tanong ko pinanatiling kalmado ang nagwawala kong puso.
"2 weeks ago.." Mahina niyang sagot habang umiiyak kaya wala akong nasabi ngunit nalilito pa rin ako kung anong mararamdaman ko.
Nagtataka ako dahil pakiramdam ko namanhid ang lahat sa akin. "Mm.." Nakagat ko ang ibabang labi at tumayo.
"L-Let's talk later." Bulong ko at tsaka ako naglakad papalabas na ang dala dala lang ay wallet at cellphone.
Ngunit pagkalabas ko ay nakita ko si noona na paakyat nagtataka niya akong tinitigan. "What's the matter?" Tanong niya at dahil doon ay matipid akong ngumiti.
"N-Noona." Tumayo siya sa harap ko at sinuri ang kalagayan ko.
"W-Wae?"
"She's pregnant noona.." Mahina kong sabi, mapait na ngumiti.
"W-What?" Gulat na sabi ni noona.
"She's pregnant." Nakagat ko ang ibabang labi ng maramdaman ko ang pagkirot ng puso ko, dahan dahan na kumuyom ang kamao ko ng maunawaan ang lahat ng nangyari mula kanina.
"Kent Axel, agad agad?" Tanong ni noona gulat.
"K-Kailan pa may nangyari sa inyo? Oh my god." Napatakip si noona sa bibig kaya napayuko ako at tsaka ko nakagat ang ibabang labi lalo na ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha.
"S-Sana nga anak ko na lang noona." Pagkasabi ko non ay napasinghap ako at napatingala sa mataas na kisame ngunit mas tumulo ang luha ko.
"A-Anonng i-ibig mong sabihin dongsaeng?" Nang hindi ko maawat ang paghikbi ay tinakpan ko ang mukha gamit ang palad ko.
"A-Ang sakit noona." Nang tignan ko siya ay mas naluha ako dahil naguguluhan siya at parang hindi niya pa maunawaan ang sinabi ko.
"A-Andwae.." Sambit niya at dahil doon ay mas lumakas ang pag-iyak ko, damang dama ko ang panghihina.
"Oh my gosh.." Sambit ni noona kasabay non ay ang pagyakap niya sa akin dahilan para luhaan akong sumandal sa kaniya at umiyak ng umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"N-Noona pwede na 'di ba? bakit-- bakit ngayon pa?" Mahina kong sabi.
"Shh g-gusto mo lumayo? gusto mo samahan kita? sa Palawan ka muna. Dadalhin kita saan mo gusto? sa korea?" Tanong ni noona na mas nagpaluha sa akin.
"Y-You already knew this coming noona, d-don't you?" Bahagya akong lumayo sa kaniya at tinitigan siya.
"Is Levi the father?" Mahinang tanong ni noona.
"Kent, I'm so against at her because Levi and her had relationship. I know it, I'm giving her chances to tell you about it and break up with that Levi." Napatulala ako at napalayo kay noona.
"N-Noona please a-ayaw ko munang marinig, ang sakit."
"It's so painful. P-Pakiramdam ko niloko ako ng mundo n-noona." Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako nagmamadaling maglakad papaalis doon.
"Dongsaeng!" Mabilis na paghabol ni noona ngunit hindi ako nagpapigil.
"Saan ka pupunta dongsaeng!" Malakas na sigaw ni noona hanggang sa pababa ay humabol siya at dahil doon ay naagaw niya ang atensyon ng lahat.
"Somebody stop him!" Malakas na sigaw ni noona ng hindi siya makahabol.
"Why?"
"What's wrong?" Tanong ni dad at halos magpumiglas ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Dad please let go." Mariing pakiusap ko hindi maawat ang luha.
"What's happening Kent Axel?" Tanong ni dad kaya napahinga ako ng malalim.
"Dad please let me go." Pakiusap ko at inaalis ang kamay ni dad but I'm too weak to remove it.
"Something came up, mapapahamak ka kumalma ka muna Kent Axel." Pakiusap ni noona.
"Please.."
"Please.."
"H-Hindi ko kakayanin kung magtatagal pa ako rito noona!" Malakas kong sabi at ng bitiwan ako ni dad ay nagmamadali akong umalis.
"Dad!"
"Let him." Mahinang sabi ni dad dahilan para sumakay ako sa sasakyan ko at mariin na kinagat ang ibabang labi wala pa man sa mismong kalsada ay mabilis na ang patakbo ko.
Habang nagdadrive ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa sobrang bilis ng takbo ko ay binagalan ko ito lalo na ng manlabo ang paningin ko at tsaka ako pumarke sa gilid. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Saji ngunit hindi sinasagot.
While crying I composed a message for her..
To Sajing:
I need you, help me.
Nang makarating sa condo niya ay kumatok at nagbell ako but no one's answering. "Hinahanap mo ba yung taga diyan hijo?" Pinahid ko ang luha at nilingon ang matandang boses.
"O-Opo."
"Naku umalis siya kasama ang kuya niya, hindi ko pa alam kung kailan ang balik pero may dala dalang bagahe eh." Napalunok ako.
"Sinundo po siya ng kuya niya?" Tanong ko.
"Oo hijo sa tingin ko ay may problema ang mabait na dalagang iyon." Nakagat ko ang ibabang labi at tumango tango.
"Nobya mo ba ang isang 'yon? Nagtalo kayo? dahil magkatulad na magkatulad kayo ngayon." Napalunok ako.
"P-Po?"
"Luhaan rin siyang umuwi at umalis kanina, kasundo ko kasi ang dalagang 'yon dahil sa tuwing nakakalimot ako kung nasaan ang kwartong papasukan ko siya ang nagtuturo sa akin." Natigilan ako at nagtaka.
"Kaya kung may alitan kayo, ayusin niyo ha? napakabait na bata pa man din non." Hindi na ako nakasagot at nagpasalamat na lang tapos ay parang lutang na lutang akong naglakad papaalis rito.
Nanatili akong naglakad ngunit nang makarating sa mismong lugar kung nasaan ako ay natigilan ako huminga ako ng malalim at sa sobrang panghihina ay naupo na lang ako sa gilid ng pinto ng pad kung nasaan ako.
Yumuko ako sa sariling mga palad at tahimik na umiyak ngunit mabilis akong umayos ng sandaling maramdaman ko ang pagbukas ng pinto. "Kent Axel." Mahinang tawag nito kaya naman tiningala ko siya.
Halatang nagulat siya ng makita ang mukha ko. "A-Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya kaya umiling ako.
"Don't mind me."
"How can I not? Nasa gilid ka ng pad ko. Tsk come in." Nakangiwi niyang sabi at inilahad ang kamay.
"Galit ka sa akin 'di ba?" Tanong ko.
"Come in. Dali na grab it." Inis na sabi nito kaya naman inabot ko ang kamay niya upang makatayo.
"Para kang niloko ng babae." Dagdag pa niya at pinapasok ako sa loob.
'Niloko? Mas malala pa sa pakiramdam ng niloko ang nararamdaman ko..'
Nang makapasok ay itinuro niya ang sofa kaya naupo ako doon habang siya ay ngumiwi at dumeretso sa kung saan. Bumuntong hininga ako at muling pumikit pero halos mapamulat ako agad ng may malamig na dumampi sa pisngi ko.
"Eto lang meron ako." Sagot ni Jared inaabot sa akin ang in can beer.
Kaya naman lumunok ako at binuksan 'yon. "Salamat." Mahina kong sabi.
"Napano ka?" Salubong ang kilay niyang tanong kaya uminom muna ako at ganun rin siya.
"Bigo ka sa babae?" Tanong niya kaya bumuntong hininga ako.
"Hindi ko alam kung nag-away kayo ng girlfriend mo or naghiwalay iinom mo muna 'yan bago ka mag-open." Huminga ako ng malalim at inubos ang isang buo bago sandaling pumikit.
"Mukha kang kawawa kanina, hindi mo naman ugaling nauupo sa kung saan saan. At mas lalong hindi ko inaasahan kung bakit ka nandiyan." Mahina na lang akong tumawa sa sinabi niya.
"W-Wala akong matakbuhan, natatakot akong baka makagawa ako ng bagay na masama." Mahina kong panimula.
"I over speed on my way here, nag-iiba ang takbo ng isip ko." Nang maalala ang nangyari ay mabilis kong pinawi ang mga luha na papatak pa lang.
"First heart broken?"
"Hindi na ako magtatanong, sigurado naman ako." Sagot niya sa sariling tanong.
"Hindi naman talaga ako dapat dito, nagtataka ako kung bakit dito pero ng wala si Saji dito ako dinala instead of parking lot." Bulong ko.
"Tch."
"Galit ka sa akin pero pinapasok mo ako mas kataka taka yon 'di ba?" Tanong ko.
"Pero bakit si Saji kamo ang pupuntahan mo? Susuyuin mo ba?" Tanong niya kaya naman mahina akong natawa.
"She's my best friend." Ngising sagot ko.
"I thought girl friend?" Tanong niya umiling ako.
"I was talking about Lauren." Nang tignan ko siya ay nagtataka niya akong tinitigan.
"Am I mistaken? Let me tell you this, that sister of yours has a boyfriend." Nangunot ang noo ko alam kong may sinabi si noona but wait?
"She's not my sis--"
"I know, Akala ko yung pasabay sabay niyo kumain ay bilang magkapatid. To be honest I was so curious why, alam ko na nobyo niya yon pero parang may something and I'm sorry to hurt you hindi ko nasabi because I thought your girl is Saji." Huminga siya ng malalim.
"And also I don't have the guts to tell you 'cause we're not okay, do you get me?" Naiiwas ko ang tingin ko sa narinig.
"I understand."
"You've been fooled." Bulong niya.
"You should be happy right? 'cause your former best friend got the cruelt--"
"No." Mabilis niyang sagot.
"Nakikipag-initan lang ako sa'yo noon dahil nabulag ako sa katangahan. That Saji of yours opened my eyes." Mahina pa siyang natawa.
"I mean your BEST FRIEND." Pag-diin pa niya.
"Sabi pa ng Saji mo sa akin, Grow up things won't cope up when you are not coping up." Tinitigan ko si Jared.
"Sorry." Mahinang sabi ko na lang at napayuko.
"I really don't know why did your girl fall for me before but I swear I didn't do anything." Mahina kong sabi ngunit naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko.
"It's from the past at isa pa kasalanan niya rin 'yon. Pakiramdam ko jinowa niya ako para mapalapit siya sa'yo." Alanganin akong natawa.
"Tatanda ba tayong single?" tanong ko.
"Gago baka tayo talaga ang para sa isa't isa." Sa sinabi niya ay napangiwi ako.
"Kingina kadiri ka." Reklamo ko na ikinatawa niya.
"Pero baka nga." Asar ko pa.
"Bro.."
"Bro.."
"Tangina dugyot!" Reklamo namin kaya naman natawa siya habang ako napangisi na lang.
"Hindi lang iisa ang lalak-- ang babae sa mundo. Alam kong masakit at hindi ko pa alam ang buong nangyayari but you know the lyrics too much love can kill you." Ngumiwi ako at inabot ang isa pang lata tapos ininom.
"It really hurts ang magmahal--"
"Kingina mo talaga." Inis kong sabi pero tumawa siya.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top