Chapter 2 [Pagkilanlan]

Kent Axel's POV.

Nang mabilis kong matanaw si Lauren ay mabilis akong lumapit at nang makalapit ay mabilis ko siyang hinila papasok sa room kung saan nasa akin ang Access.

'Special Treatment? Hindi naman.'

Kwarto kung saan pinagawa para lamang sa akin, madalas kasing umaatake ang migraine ko kaya naman may sofa rito at pahingaan.

"A-Ano ba kent." Giit niya at binawi ang mga siko sa akin.

"Do you like me or what?" Tanong ko.

"What the hell? We're siblings kent." inis na sagot niya kaya naman mabilis ko siyang itinulak sa pader at Kinubong.

Inilapit ko rin ang mukha sa kaniya na ikinagulat niya. "Kent." Nagbabanta.

"Hindi kita kapatid, Kaya bakit bawal Lauren?" tanong ko, Galit.

"Noona, mas matanda ako sayo ano ba—"

"Wala akong pakialam, Kung may noona ako si Noona Mia lang yon." Giit ko hindi makapaniwala ang mga mata niyang tinitigan ako.

"Kung ganun bakit wala ka pa ring nobyo? Bakit madalas kitang nakikita na nakatitig saakin?" prangka ko na ikinagulat niya.

"Chinecheck lang kita." sagot niya kaya naman nakakaloko akong tumawa.

"It's been years kent, ano ba! Akala ko ba tapos na tayo sa issue na 'to! Hindi kita gusto kasi kapatid kita!" sigaw niya dahilan para mabigo ako at masaktan.

"Hindi kita kadugo! Isa kang Ramirez at isa akong Sandoval." mariing sabi ko sa kaniya.

"A-ano ba tama na! Ayokong masira ang pamilya nat—"

"Hindi nga kita pamilya!" galit na sigaw ko, napapikit siya sa takot.

"Do you like me or not?" mariing tanong ko.

"I-I do!" napatitig ako sa sinigaw niya, Hindi ako makapaniwala sa narinig.

"Oo Kent gusto kita! Pero nakakadiri! Nakakadiri kasi naging kapatid kita! At hindi man tayo magkadugo ay nakasama kita ng matagal na panahon!" Hindi ko alam ang sasabihin sa sinabi niya.

"Hindi ka ba mahihiya kila mommy?! daddy?! Parehas na anak ang tingin nila sa atin kent! Hanggang ngayon magulang pa rin ang trato ko sa kanila!" Galit na galit at umiiyak niyang sigaw.

Bahagya akong napalayo sa kaniya dahil doon. "Anong sasabihin ni mommy pag nalaman niyang gusto rin kita?! Magkakaroon nang malisya ang lahat kent!" nakagat ko ang ibabang labi.

"Ang buong akala nila paghanga lang ang meron ka! Hindi ganito! Tanging si Ate Mia lang ang nakakaalam nang lahat nang ito!" hindi ko na muli pang naintindihan ang lahat dahil binalot ako nang kalungkutan.

'Konsensya ang nararamdaman ko sa magulang at kapatid ko.'

"Ano bang mali kung gustuhin kita mang ganito katagal at ganito kalala Lauren?" tanong ko.

"Wala sanang mali kent, Sana nga ay tayo na lang." mariing sagot niya dahilan para masaktan ako dahil gusto niya rin ako..

"Kalimutan mo ang nararamdaman mo sa akin at ganun rin ako, Ayokong mawala sa akin pamilya niyo." mariing sabi ni Lauren at naglakad na papaalis pero natigilan.

"Call me noona in everywhere, hindi lang sa harap ng pamilya." Nang lumabas siya ay sobrang nanlumo ako at basta basta na lang naupo sa sofa at Napasabunot sa buhok.

'Damn..'

Dalawang oras na lang at magsisimula na ang party, ang Opening Ball kung saan lahat nang college ay nandodoon iba-iba man ang Course.

Ginawa ito nila Dad para magkakilala ang lahat mapaiba man ang kurso, huminga ako nang malalim..

•••

Nang makarating sa party ay binati ako ng lahat at kinuhanan ng mga litrato, Deretso lang akong naglakad hindi man lang ngumiti.

Nang makarating sa upuan ay uupo na sana ako nang makita ko ang babaeng madaldal at maingay na nakangiting lumalapit saakin.

Nang makalapit ay narinig ko kaagad siya. "Hi! Hello! Ang pogi mo ah! So kumusta naman?" tanong niya kaagad.

Simple lamang ang kasuotan niya hindi tulad nang iba ngunit babaeng babae siya sa nakikita ko, Naka-clip sa gilid niya ang mga buhok tapos ay naka-ayos. "Oy! Ang tahimik mo na  naman." reklamo niya.

"Oo nga pala magpapakilala na ako." sa sinabi niya ay nilingon ko siya, Napangiti siya nang makitang interisado ako kaya naman pinagsalubong ko ang kilay.

"I'm Argelia Collins." Inilahad pa niya ang kamay kaya naman tinitigan ko iyon.

"Argelia?" tanong ko kung papaano basahin.

"Oo, ang arte nang pangalan ko diba?" ngiting sabi niya kaya naman bago ibaba ang mga palad ay Kinuha ko yon.

"Kent Axel." ngumiti siya at nakipagkamay.

"Ang lambot naman nang kamay mo." aniya pa niya dahilan para mapangiwi ako agad.

"KA ah, keyyy, eeyy." inulit pa niya.

"Pinapapanget mo ang pangalan ko." sambit ko, napairap siya dahil doon.

"Mas maganda pa nga pangalan ko, Argelia, bagay." nakangiting sabi niya.

Letter J ang pagkakabasa sa pangalan niya hindi letter H, hindi Arheliya kun'di Arjelya napakaarteng pakinggan pero tiyak kong may Kahulugan.

Pinakawirdong pangalan na narinig ko, Argelia, Argelia, Argelia..

Nang magsimula ang party ay may light drinks dahilan para uminom ako ngunit ang kasama ay juice lang ang iniinom, masyadong istrikto sa sarili.

Nang nakita kong naglakad si Lauren ay kusang sumunod sa kaniya ang mga mata ko. Sobrang ganda ng suot niyang cocktail dress, bagay sa kaniya.

Ngunit dismayado ako nang sandaling salubungin siya nang isang lalake at halikan sa pisngi, Kusang kumuyom ang kamao ko sa inis. "Wag mo na kasing tignan, parang tanga e." Natigilan ako nang biglang nasa harapan na ng mukha ko ang mukha ni Argelia.

"Mov—"

Nanlaki ang mata ko nang magtama ang ilong naming dalawa at maglapat ang labi namin, gulat na gulat niya akong naitulak. "Who the hell push me!?" hinarap niya ang likod pero ako natulala.

Nalingon ko ang gawi ni Lauren na nakakunot ang noo habang masamang nakatingin kay Argelia. "Ikaw ba?" mabilis kong inawat si Argelia nang makikipag away na naman.

"Enough, It's accident." mariing sabi ko, Inis siyang suminghal.

"Ang luwag luwag ng daan, mang sasagi." Inis pa niyang sabi at naupo tapos sumandal sa kinauupuan.

'Kababaeng Tao, Ang hilig makipag-away. Napakaingay pa!'

Napailing na lang ako at Pinunasan ang labi, nang tignan si Lauren ay inirapan ako nito tapos tinalikuran. Habang nag paparty ang iba ay tahimik lang akong naupo sa Kinauupuan.

"Opening Ball pero boring." Rinig kong sabi ni Argelia kaya naman bumuntong hininga ako.

Ngunit agad akong ginanahan nang I-announce nila ang pangalan ng noona ko at ni Hyung Luke. Nang umakyat sila sa stage ay napangiti ako magagaling na doctor.

"Uy mas pogi ka pag nakangiti, Idol mo ba sila?" tanong ni Argelia.

"Of course." sagot ko.

"Hehehehehe.." sagot nitong si Argelia.

Makalipas nang ilang minuto ay naglakad sila papunta sa amin. "Aba aba, May ka-date ka ata ngayon Kent?" aniya ni noona sa akin kaya natawa ako.

"I don't do dates." sambit ko pa tapos nilapitan si noona at hinalikan sa pisngi nagyakap lang naman kami ni hyung.

"By the way She's—"

"I'm Argelia Collins, Doctor Mia." bati ni Argelia kaya ngumiwi ako.

"Woah, Kakaibang pangalan." aniya ni Noona.

"Hyung, Baka naman isang ngiti naman diyan." Natawa si Hyung Luke tapos ngumisi nang mapatingin siya kay Argelia ay nawala ang ngiti niya.

'What's wrong?'

"So kamusta ang pag-aaral?" nakangiting tanong ni noona.

"I didn't expect this Noona, After I graduate deretso ako sa dream ko." sagot ko.

"You mean that course?" Gulat na sabi ni Hyung hindi man binabanggit ay alam kong nasabi ko na sa kaniya yun.

"Yes hyung, Criminal lawyer then I'll go to prosecutor pag ayos na lahat." nakangiting sabi ko pa.

"Naririnig ko yung kwentuhan nang mga kababaihan, ano't nagsusungit ka raw?" tanong ni Noona kaya ngumiwi ako.

"Noona, stop teasing me." sambit ko.

"Ay nako Doctor Mia, Alam mo bang Inisnob ako niyan porket bago ako sa School. Hindi daw interisado." nilingon ko kaagad si Argelia.

"Nagsumbong ka pa talaga." ngiwing sabi ko.

"Totoo naman." sagot pa ni Argelia.

"Sige na Dongsaeng, enjoy the party." nakangiting sabi ni Noona at halatang nang aasar.

"Magkapatid kayo?" nalingon ko si Argelia, nakakaunawa siya nang Korean..

"Ah papaano mo nalaman?" tanong ni Noona.

"Kasi, Noona and Dongsaeng po.." bigla ay nag alangan sumagot kaya naman nagtaka ako.

"Jigeum-eun bappeubnikka?" tanong ko sa Noona ko. (Are you busy?)

"Ne, Ba-ppa." sagot niya pa. (Yes, I'm busy.)

"Sige na, Layas na noona. Nagsasawa na ako sa mukha mo e." ngiwing sabi ko, Tumawa naman siya.

"Gago ka talaga, Minsan mo na nga lang ako makita." aniya ni Noona.

"Kaya kitang puntahan agad kahit nasaang lupalop ka pa ng mundo Noona, You know what I'm capable of." Sagot ko nagmamalaki ngumisi naman ito at Kinindatan ako.

"Enjoy your date, Dongsaeng." ngising sabi nito kaya naman ngumiwi ako at nadismaya.

"Kung magkakaroon ako nang date iisang babae lang yon Noona." natigilan siya at umiling iling.

"It's been years dongsaeng, learn how to move on." sagot niya.

"How can I move on noona? She likes me too." natigilan si Noona sa sinabi ko tapos seryoso akong tinitigan.

"I'm sure." sagot ko pa.

"I have no idea." seryosong sagot ni Noona, tila nawalan nang gana.

"Ga-ya dwa." Malamig niyang sagot sinasabing kailangan niya ng umalis gamit ang pangalawang lenggwahe namin.

Nang talikuran niya ako ay mabilis akong bumuntong hininga. "Hyung, Paki-tignan na lang siya para saakin." tumango si hyung at ngumiti.

"Pag pasensyahan mo na ang Noona mo at pikon." Natawa ako at tumango.

"Take Care." dagdag ko pa, nang makaalis sila ay walang gana akong naupo sa kinauupuan kanina.

"Hindi na ako magtatanong kung anong meron, malakas ako makiramdam e." nalingon ko si Argelia na seryoso.

"Kent! Kent!" nang malingon ko si Primain na kasama si Czarina at Clarisse ay tipid akong ngumiti, pinsan ko si Czarina at Clarisse habang kaibigan ko naman si Primain.

May kapatid si Primain na kaibigan ni  noona at hyung, isang abogado kaya kasundo ko rin.

"Sup." bati ko.

Naupo sila sa circle table at pinagkatitigan ang babaeng si Argelia. "Oh my gosh, Totoo ba to kent? May date ka?" agad ko silang nginiwian.

"We're not dating, We're friends." sagot ni Argelia.

"Kahit nga yun Imposible eh, yung magkaroon siya nang kaibigan." dagdag ni Clarisse dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"I'm Argelia." pakilala ni Argelia.

"Hi! I'm Clarisse Natividad." nagkamayan sila.

"I'm Czarina Santos." muli ay nagkamay sila.

"Primain Echarri." nagkamayan sila habang ako nakangiwi.

"Ang ganda naman ng pangalan mo." at dahil doon ay sila-sila na ang nag usap.

***

Tamad na tamad akong naglakad papunta sa cafeteria, Pero agad na nangunot ang noo ko nang makita ang mga nakapabilog na estudyante kaya naman naglakad lang ako may kung ano na naman sigurong chismis.

"PINAGMAMALAKI MO SA AKIN YANG PANGALAN MONG ARGELIA? HINDI NAMAN BAGAY SAYO! BRUSKO KA!" nang marinig ko yun ay nangunot ang noo ko.

Hanggang sa natagpuan ko ang sariling sumingit singit sa mga estudyante, nakita ko naman ang masamang tingin ni Argelia kay Jared na hawak siya sa kwelyuhan.

"Problema mo pa ba yon?" sumbat ni Argelia.

"Kung brusko ako apektado ka ba?" kitang kita ko ang galit sa mukha nito nang lalapit na ako ay huli na dahil mabilis na pahagis na binitiwan ni Jared si Argelia dahilan para Masaktan ito.

"Ibigay mo sa akin." nang sabihin niya yon ay nangunot ang noo ko at tsaka tinignan nang makita ang isang timba na may mga basura at kung ano-ano pang dumi.

Mabilis akong naglakad dahil ibubuhos niya na ay mabilis kong sinipa yon dahilan para kumalat sa sahig at tumalsik sa ibang mga kasama ni Jared.

"Baliw ka ba?" Tanong ko at tinignan siya.

"Oh hindi ka naman mahilig makialam sa mga gantong bagay hindi ba kaibigan?" Nginisian ko si Jared.

"Ano naman sayo?" Tanong ko.

"Oh baka naman pinoprotektahan mo ang babaeng ito dahil may gusto ka sa kaniya?" Nang aasar at tatawa tawang sabi ni Jared.

"Ano nga kung iyan ang rason?" natigilan siya sa sinabi ko.

"Mahilig ka na pala sa brusko ngayon?" ngumisi ako.

"Ayaw ko sa lahat yung maarte, pangalawa pabebe, pangatlo ayoko sa mga tulad nang tipo mo. Mga malalandi," Sarkasmo ang narinig nang lahat sa sinabi ko at doon ay nagalit si Jared sa akma niyang paghablot sa kwelyuhan ko ay mabilis ko siyang sinipa.

"HALA OH MY GOD!"

"ANG LAKAS NON TEH!"

"KAWAWA NAMAN SI JARED ILANG RIBS KAYA NIYA ANG NASIRA?"

"ANG ASTIG NI KENT MY GOSH!"

"Nakalimutan mo bang bawal akong hinahawak hawakan lang?" ngising sabi ko, Alam niya yon dahil alam niya ang mundong kinatatayuan ko dahil kasama rin siya don.

"Wala ka na talagang Puso noh! Lahat kinakanti mo!" sigaw niya galit na galit.

"Kinagagalit mo pa rin ba yung pagkagusto sa akin ng Girlfriend mo?" sumama ang mukha niya sa sinabi ko at sa akmang pag sugod ay sinipa ko siya sa tuhod dahilan para manghina.

"KENT!" galit na sigaw niya.

"Wala akong pakialam kung galit ka sa akin, tandaan mo yan Jared. Kaibigan ako sa kaibigan at gago ako sa gago. I don't have mercy." Mariing sabi ko at nagbabanta tapos mabilis kong nilapitan si Argelia at tsaka ko hinubad ang polong suot ko at tsaka ko Pinasuot yon sa kaniya.

"Hilig mo sa away, kababae mong tao." Inis na sabi ko tapos binotones pa yon tsaka ko kinuha ang bag niya tapos Inalalayan tumayo.

"Tara na." Nang alalayan ko siya ay napatingin ako sa isang sulok at natagpuan ko si Lauren na nanonood natigilan ako nang makitang nalulungkot at galit ang kita sa mata niya bago ako talikuran.

Bumuntong hininga ako at tsaka ko inakay si Argelia, Nang makaalis sa bilog ay dumami ang bubuyog na walang sing lakas magbulungan.

'Ano bang problema nang babaeng ito at mukhang gustong gustong nasasaktan, naghahanap mismo nang gulo hindi naman lumalaban'



√√√

@/n: Hello! Keep safe Luxians wuv u all!

Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top